Minsan, may isang babaeng virgin ang sinubok ng kapalaran.
Paalala: Hindi ito kuwento ng isang transferee student na na-inlove sa famous campus heartthrob na tinitilian ng mga kababaihan.
"YOU have a polycystic ovary, Mrs. Singson," seryosong sabi ni Dra. Alvarez kay Elvira. Matapos ang mahigit tatlong linggo ng extended na pagkakaroon ng monthly period ay napagpasyahan na ni Elvira na komunsulta sa isang Ob.Gyne. And here she is, stunned while looking at the doctor's pretty face.
Iniisip niya kung ano ang press powder na gamit ng doktora. Sobrang kinis kasi ng mukha nito at mukhang hindi uso ang pores nang ipanganak ang babae. Wala man lang bakas ng kahit na katiting na mantsa ang mukha nito, unlike her face. Sa edad na treinta'y otso ay nagsisimula nang maglabasan ang mga wrinkles niya na excited yatang ipamalita sa buong mundo na pitong taon nang lagpas sa kalendaryo ang kanyang edad. Hindi lang iyon, nakakaramdam na rin siya ng pananakit ng kanyang mga kasu-kasuan, sa kaunting pagbuhat ng mabibigat na bagay ay nagrereklamo na ang kanyang mga tuhod at balakang.
Pero kung may mas excited man sa kanyang pagtanda at nalalapit na pagsali sa organisasyon ng mga 'Titas Of San Ignacio', iyon ay ang matris niyang walang pakikisama. Aba, ang tinamaan ng magaling na matris niya, hayun at mas masahol pa sa isang ulyaning matanda ang drama. Mukhang gusto na nitong umimbento ng sariling kalendaryo sa pagdating at pagkawala ng monthly period niya. Bigla-bigla na lang kasi siyang dinadatnan ng buwisit na buwanang dalaw nitong mga huling buwan. At hindi pa roon natatapos ang tila napapaagang menopausal period niya, ang kanya kasing buwanang dalaw humihirit pa palagi ng extension! Masyadong ginagalingan ng kanyang matris ang paglalabas ng regla. At kung dati ay nagmimistula bandila ng Hapon ang mga underwear niya tuwing magkakaroon siya ng monthly period, nitong mga huling buwan ay nagpalit na ng bandila ang matris niya. From the flag of Japan, ngayon ay Philippine red cross na ang kahawig ng panty niya sa tuwing magkakamonthly period siya. Sobrang lakas kung duguin siya at iyon ang dahilan kung bakit siya nakakaramdam ng takot ngayon. Iniisip niya kasing baka hindi lang simpleng pagdurugo ang pinagdaraanan niya. Baka may kung ano nang halimaw sa loob ng obaryo niya. May history pa naman sila ng cervical cancer at kung ano-ano pang sakit sa matris kaya ngayon ay stress na stress na siya.
"You look so shocked, Mrs. Singson," ang sabi ng doktora.
Misis?! Talagang nanlaki ang kanyang mga mata. Kulang ang salitang 'shock' para ilarawan ang nararamdaman niya. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa doktora. Ang bastos nito, walang pasintabi sa edad niya. Alam niyang puwede na siyang mag-fill up ng form at sumali sa 'Titas Of San Ignacio' pero hindi pa siya pumipirma ng marriage contract. Dalaga siya! Okay?! Dalaga siya. As a matter of fact, virgin pa siya. Magmula sa kanyang bumbunan hanggang sa mga kalyo niya sa paa ay virgin. And not to mention that she is 'never been kissed and never been touched'.
Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng isang 'to, ah. Bulong niya sa sarili.
"Anyway, Mrs. Singson..."
At inulet?!
Tumikhim siya nang hindi na niya mapigilan ang pangangati ng kanyang dila at ang pangungulit ng nasasaktang alter ego niya. "It's “miss”, doc, and I'm...I'm single," sabi niya. Pinilit niyang huwag langkapan ng inis ang tinig kahit ang totoo ay gusto nang sumigaw ng durog-durog niyang pagkadalaga.
Napatigil sa pagsasalita ang doktora na hindi niya alam kung may binabasang script o sadyang kabisado na nito ang mga ganoong linya. Mga linya na nagsasabing abnormal ang matris ng pasyenteng kaharap nito. Parang siya, abnormal ang matris niya. "Oh, I'm so sorry Miss Singson. Aaminin kong hindi ko na binasa ang basic information about you on your form. Akala ko kasi ay may asawa ka na at tatlong anak," ang sabi ng doktora.
Isang-isa na lang doktora at bibingo ka na!
She faked a smile. Matris lang ang abnormal sa kanya pero hindi ang utak niya. Sa mga ganoon ka-awkward na sandali ng buhay niya ay alam niyang dapat siyang huminahon. Bilang isang guro sa St. Ignatius University sa loob ng fourteen years ay sanay na sanay na siyang i-composed ang kanyang sarili kahit sa pinakanakakainis na sandali. At kahit sa harapan ng pinakanakakainis na doktor. "Anak? Wala akong anak, doktora. Infact iyon nga mismo ang tumatakbo sa isip ko. Gaano ba kalala ang polycystic ovary? Puwede ba iyong maging dahilan para hindi na ako magkaanak?" lakas-loob na tanong niya. Ayaw ni Elvira nang mahabang usapan. Bilang mathematics teacher ay nasanay na siya na makipag-usap, punto por punto. Wala nang shortcut-shortcut. Hindi siya mahilig sa mga palabok, ang gusto niya ay iyong mabilisang usapan.
"Oh, nagbibiro lang ako sa huli kong sinabi, Miss Singson," ang sabi ng doktora. Iyong mga sinasabi nito, halatang hindi scripted. Pero ang ngiti nito, iyon ang pinakapilit na ngiting nakita niya sa tanang buhay niya. "Actually you look young, Miss Singson."
Ah, bumabawi ang loka!
"I came here not to make jokes with you, doktora," pigil niya sa pambibilog nito sa ulo niya. Matagal nang bilog ang ulo niya kaya wala siyang panahon na makipaglokohan pa sa doktor na ito. "Deretsahin mo na ako doktora. Magkakaanak pa ba ako?"
Nawala ang pekeng ngiti sa labi ng doktora. Bigla ay naging seryoso ang anyo nito. Bigla, gusto niyang makipaglokohan na lang dito. Kung titingnan kasi ang anyo nito ay mukhang sasabihin nito na may cancer siya. Na kailangan niyang sumailalim sa madugong operasyon kung gusto niyang humaba pa ang buhay niya. "Yeah, you still have a chance of having a baby," ang sabi nito.
Napa-sign of the cross siya. Hallehuiah! Magkakaanak pa raw siya. Mamayang gabi ay ipinapangako niyang magpapa-canton siya.
"Pero may 'but', Miss Singson," ang sabi ng doktora.
Napakunot noo siya. "Paniki? May paniki ako sa matris?" bigla siyang naghisterikal. Sino ang naglagay ng paniki sa matris niya? Kinulam ba siya? Wala naman siyang natatandaang nakaaway niya. Kahit terror ang tingin sa kanya ng mga estudyante niya ay maayos naman niyang ginagawa ang kanyang trabaho. Sadyang kung minsan ay nagagalit lang siya lalo na kapag may mga estudyante siyang nahuhuli na gumagamit ng kodigo kapag nagpapa-exam siya.
Ang lakas ng tawa ng doktora. "No, Miss Singson," ang sabi nito sa pagitan ng pagtawa. Hindi na siya magtataka kung mamaya ay may sasambulat na mabahong hangin sa loob ng clinic na iyon. Nakahawak na kasi ang doktora sa tiyan nito, patunay na sumasakit na iyon sa katatawa.
"Eh anong bat ang sinasabi mo riyan?" tanong niya. Ang labo naman kasing kausap ng doktora na ito.
"But as in B-U-T, Miss Singson," sabi nito.
"Ah, but," patango-tangong sabi niya. "Ano iyong but?"
Sa wakas ay natapos ang pagtatawa ng doktora. Mukhang nabawi na nito ang naglayas na kaseryosohan dahil hayun at seryoso na ulit ito habang nakatingin sa kanya. "Just like what I have said earlier. You still have a chance of having a baby pero hindi ganoon kalaki ang chance na iyon, Miss Singson."
Napakunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ng doktor. "W-what do you mean, Doc? Pasensiya na po ha, pero nagtanong na din kasi ako sa mga co-teacher ko na nagkaroon ng polycystic ovary noon at ang sabi nila okay naman daw ito. Hindi naman daw ganoon kaseryoso ang kasong iyon. Iyong iba nga sa kanila uminom lang ng pills tapos ay okay na. Alam ko rin po na ang mga ganitong kaso kung minsan ay namamana. I made my research, doc, kaya alam ko po ang mga iyon. At alam ko na rin po ang posibleng dahilan kung saan ko ito namana. Sa nanay ko, medyo matagal rin kasi siyang nagbuntis noon but the good thing is nagbuntis siya," sabi niya. Sa sobrang takot niya kasi dahil sa walang patid na pananakop ng hapon sa mga panty niya ay nagtanong na siya sa kanyang ina. At sabi nito na-experience rin daw nito ang nae-experience niya ngayon. Nagkaroon rin ito ng ganoong sakit noon at ito nga ang nagsabi sa kanya na kumunsulta siya sa isang doktor.
"Yes, Miss Singson. Tama ang mga kaibigan n'yo. Tama rin po ang mga nalaman n'yo sa research n'yo and about doon sa kuwento ng pagbubuntis ng nanay n'yo. Katulad nang sinabi ko kanina ay magbubuntis ka. Pero kung plano mong magbuntis at maranasang magkaanak, I suggest na gawin n'yo iyon nang maaga. Hindi na po kasi ganoon ka-healthy ang left ovary n'yo kaya baka mahirapan na kayong magbuntis kung patatagalin n'yo pa ang plano n'yong iyon," ang sabi nito.
"Patay," bulong niya sa sarili. Napahawak siya sa kanyang noo, "Paano akong magbubuntis kung wala pa akong karanasan sa sex? At paano akong magbubuntis kung wala akong boyfriend?"
"Ah, excuse me, Miss Singson," sabi ng doktora. "Hindi ko po gustong makialam sa personal n'yong buhay pero tama ba ang narinig ko? Wala pa kayong boyfriend? Wala pa kayong experience sa...? Alam n'yo na," may tabinging ngiti sa mga labing sabi nito.
Hindi na siya nahiya pa tungkol sa bagay na iyon. Sa lipunang kanyang ginagalawan ay hindi naman na nakakagulat malaman na may isang gurong katulad niya ang tumanda sa pagkadalaga. Tototo kasi ang kasabihan na kapag teacher ka ay madalas mong makakalimutan ang ibang aspeto ng iyong buhay at sa kaso niya? Mukhang ang lovelife niya ang nalimutan niya. Noong bata pa siya ay may mga nanliligaw sa kanya pero hindi niya pinatulan ang mga ito. Wala pa kasi sa isip niya ang mag-asawa noon dahil ang priority niya nang mga panahong iyon ay ang kanyang pamilya.
Nag-iisang anak si Elvira ng kanyang mga magulang. Ang kanyang ama na si Mang Canor ay isang tricycle driver habang ang kanyang ina na si Aling Flor ay isang labandera. Literal na ipinag-umusad ng mga ito ang kanyang pag-aaral kaya naman nang makapagtapos siya ng pag-aaral at makapasa sa board exam ay pinagbuti niya ang pagbawi sa mga ito. Siniguro niyang maibabalik niya rito ang lahat ng hirap na inabot ng mga ito mapagtapos lang siya ng pag-aaral. Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya naisipang mag-asawa noon, ayaw niya kasing mawalan ng panahon sa mga magulang. Iniisip niya kasi na kapag nagkaroon na siya ng sarili niyang pamilya ay baka mapabayaan na niya ang mga ito.
Ilang beses na rin siyang ipinagtulakang mag-asawa ng nanay niya. Minsan nga ay mas excited pa ito sa kanya na planuhin ang future niya. Pero ang pagtutulak nito sa kanya na mag-asawa ay biglang kinabig nito nang maoperahan ang tatay niya sa puso. Limang taon na ang nakakaraan nang magbara ang isang ugat sa puso ng tatay niya. Dahil doon ay kinailangan niyang mag-loan ng malaking halaga para maipagamot ito. Gumaling ang tatay niya. Natanggal ang bara sa puso nito pero ang mga utang niya? Hayun, patong-patong na at naging malaking bara para makapag-asawa siya. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hanggang anit pa rin ang utang niya at ayaw niyang mag-asawa at hayaan ang mga magulang niya na maglangoy dahil sa pagkakalubog sa utang ng kanyang pamilya.
Hindi naman siya nagmamadali. At ayaw niyang magmadali, ang mga tao raw kasing minamadali ang lahat ng bagay ay madalas na naloloko. Ang tanong, sa kaso niya ngayon, hindi pa ba siya magmamadali?
"A-are you okay, Miss Singson?" untag ni doktora sa kanya.
Napatingin siya rito. At nang makita niya ang mga larawan ng baby na nakadikit sa pader sa may likuran ng doktora ay bigla siyang natauhan. Paano nga kung hindi na siya magkaanak? Paano kung tumanda siyang mag-isa? Bigla ay nakini-kinita niya ang sarili niyang inililibing sa hukay na wala man lang umiiyak na anak para sa kanya. Ngayon lang niya naisip na nakakatakot pala talagang tumandang dalaga. "Y-yeah. I-I'm okay, doc," aniya. "And about doon sa tanong mo, yes. I'm a virgin, single and so much available. Baka may kakilala kang single na lalaki. Kahit na iyong most eligible bachelor in town ay okay na," ang sabi niya. "Ang mahalaga ay iyong mga may malulusog na punla," dagdag pa niya.
Ang lakas ng tawa ni doktora. "Huwag mo namang masyadong i-stress ang sarili mo, Miss Singson. Baka naman nang dahil sa sinabi ko sa'yo ay magpadalos-dalos ka na. Mag-iingat ka rin sa pakikipagrelasyon," sabi nito.
Huwag ma-stress? Magpalit kaya sila nang kalagayan? Siya ang magsusuot ng puting gown nito at ito ang magsuot ng malapit nang ma-expire na matris niya? Sino ba naman ang hindi mai-stress sa nalaman niya? Sa edad na treinta'y otso ay dalaga siya at may hindi malusog na matris! Mas nakakatakot pa yata ang kaalamang iyon kaisa sa 'the big one'. Sa kabila ng katotohanang malapit na siyang takbuhan ng pag-asang magbuntis ay pinilit niyang mag-relax. Tama si Doktora, hindi siya dapat ma-stress. Alam niyang darating ang panahon na magkakaanak siya!
"You're right, doc. Hindi ako dapat magpanic. Naniniwala akong darating ang tamang lalaki at tamang pagkakataon para sa akin," aniya.
"I'm so glad to hear that, Miss Singson," sabi nito. Tumayo na ang doktora. May dumating kasing bagong pasyente at dahil doon ay napilitan siyang magpaalam.
"Don't panic, Elvira. Enjoy your life and don't stress yourself," bulong niya sa sarili habang palabas na siya ng klinika ni doktora. "Hindi ako magmamadali," pangako pa niya sa sarili.
"PARTY! Whooh, come on!" malakas na sigaw ni Elvira habang nakikipagsayaw siya sa kung sino-sinong Poncio Pilato sa isang sikat na bar sa pusod ng Gapan City –isa sa mga siyudad sa Nueva Ecija na katabi ng kanilang bayan, ang San Ignacio. Hindi niya pinansin kung siya man ang pinakamatanda sa loob ng bar na iyon. Eh, ano kung nakasuot siya ng long sleeves at mahabang palda? Eh, ano rin kung luma ang mga dance steps na alam niya? Basta makikipagsayaw siya. Magsasaya siya. Kailangan niyang mag-celebrate dahil sa wakas ay nabura na ang watawat ng Japan sa underwear niya. Huminto na rin ang abnormal na buwanang dalaw niya. Ano ang malay niya? Baka ngayong gabi ay makilala na niya ang lalaking magpapaulan ng sandamakmak na punla sa loob ng matris niya.
Ilang araw rin niyang dinibdib ang sinabi ni doktora sa kanya. Sa totoo lang ay hindi niya magawang alisin iyon sa kanyang sistema. Ang hirap palang tumanda at magkaroon ng hindi malusog na matris. Mas masahol pa yata iyon sa pagkain ng dinuguan, pinya at ampalaya sa isang kainan nang sabay-sabay. Nakakaloka. Ayaw man niyang magmadali pero habang lumilipas ang mga araw, linggo at buwan na alam niyang maliit na lang ang tyansa nya na maging ina ay para na siyang maiiwan ng biyahe ng buhay. At ayaw niya iyon. Ayaw niyang maiwan. Hindi puwedeng habang-buhay na lang siyang mag-aanak sa binyag sa mga anak ng co-teachers niya at malalapit na kaibigan. Gusto niya ring magpabinyag ng sarili niyang anak.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng isang guwapong lalaki ang lumapit sa kanya. Lahat ng mga ugaling ipinamana yata sa kanya ni Maria Clara bago ito tuluyang mamaalam sa mundong ibabaw ay biglang naglaho nang mamasdan niya ang anyo ng lalaki. Matangos ang ilong nito, maganda ang mga mata, mapupula ang mga labi at higit sa lahat, matangkad.
Ulalam! Tili ng malanding bahagi ng kanyang isip. Hindi na siya lugi sa lalaki. Siguradong magaganda at guwapo ang mga baon nitong sperm sa...bigla siyang napatingin sa suot nitong pantalon. At halos manlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang bukas ang zipper nito!
"Ang ganda naman ng pantalon mo, polka dots," hindi napigilang sabi niya. Medyo lasing na rin siya dahil nakailang baso na siya ng martini. Likas na mababa ang tolerance niya sa alak kaya kahit juice lang na may halong gin ay madali siyang nahihilo at nalalasing.
Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi ng lalaki. At dahil sa ngiting iyon ay nakalimutan na niya ang tungkol sa polka dots na underwear nito na hayun at tila nagpapapansin sa kanya. "You must be kidding, right?" tanong ng lalaki. Ang guwapo ng boses nito, tunog magaling sa kama. Hindi niya alam kung sinadya ba nitong ilapit sa kanya ang bibig nito at pasayarin ang mainit nitong hininga sa likod ng tainga niya. Ang tanging sigurado niya, he just turned her on. First time niyang mahanginan ng ganoon sa punong-tainga kaya feeling niya ay inalinsangan siya. "I'm not wearing a polka dots pants because I'm wearing," yumuko ito.
Halos himatayin siya sa katatawa nang biglang manlaki ang mga mata nito. "Oh, I thought it was your pants. I'm sorry I'm wrong," aniya. Gusto niya si Mr. Polka Dots kahit pa pambata ang underwear nito. Hindi naman siya ganoon kamanang para hindi maramdamang attracted siya kaagad rito.
Mabilis na isinira ng lalaki ang makasalanang zipper. Pagkatapos niyon ay tumingin ito sa kanya. "S-sorry I forgot to...you know," sabi pa nito sabay kindat.
Pakiramdam niya ay lumabas ang lahat ng landi niya sa katawan dahil sa kindat na iyon. Lalo siyang tila inalinsangan. "It's okay. Actually the pleasure is mine for having a chance to see it," sabi niya. Kahit lasing siya ay gusto niyang mag-isip nang maayos. Alam niyang isang malaking kalandian ang ginagawa niya nang mga sandaling iyon pero anong magagawa niya? Nakainom siya ng alak. Nag-iinit. Feeling niya, ang sarap kumawala sa pagiging conservative.
Tila nahihiyang napakamot sa batok nito ang lalaki. "So what do you want?" tanong nito.
A baby! I want to have a baby! Sigaw ng isang bahagi ng isipan niya. Pero hindi siya nagpadala sa kalasingan. Oo, desperada siya pero hindi naman sobra, slight lang. "I want to enjoy this night," sabi niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya ng lalaki. Dahil bahagya nang nahihilo dala ng kalasingan ay napasubsob siya sa malapad na dibdib nito. Iyon na yata ang pinakamabangong dibdib na naamoy niya sa buong buhay niya. Iniangat niya ang paningin. Sinalubong siya ng magaganda at tila nang-aakit na mga mata nito. Their faces are just now inch apart. At dahil doon ay naamoy na niya ngayon ang amoy ng mabangong hininga nito na bahagyang amoy alak. Bigla ay para siyang lalong nalasing. Sinubukan niyang lumayo rito pero biglang may lalaking dumaan sa likod ng lalaki. Hindi sinasadyang naitulak nito ang lalaki at dahil doon ay nadikit ang labi nito sa kanyang mga labi.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Iyon ang first kiss niya! At katulad ng mga sinasabi sa mga libro, totoo palang nakakawindang ang first kiss. Biglang may gumapang na kilabot sa kanyang batok. Minabuti niyang lumayo sa lalaki. Alam niyang mali ang ginagawa niya. Hindi tamang basta siya nagpapahalik sa isang estranghero.
Kailangan mo nang magmadali kung gusto mong magkaanak. Naalala niyang sabi ni doktora.
Espirito ng alak plus magic na hatid ng first kiss plus never been kissed and never been touched syndrome plus nagdedelikadong matris, iyon na yata ang pinakamahirap na mathematical equation na naranasan niya. Sa sobrang hirap, hindi niya namalayan na nasa isang bakanteng silid na sila ni Mr. Polka dots at naglalambitin na siya sa magandang katawan nito...
Ngayon pagkatapos isuko ang kanyang Bataan, ang babaeng virgin ay tila naisahan…Tandaan: Ito ay kuwento ng isang campus hearththrob na na-inlove sa teacher niyang manang."ELVIRA! Hoy, Elvie, okay ka lang ba?"Napasinghap si Elvira nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa kanya ni Ma'am Cora, isa sa mga co-teachers niya sa St. Ignatius University. Naroon sila sa faculty room nang mga sandaling iyon at nagmemerienda. Mula sa tupperware na pinaglalagyan ng kinakain niyang sapin-sapin ay umangat ang tingin niya kay Ma'am Cora. "M-may sinasabi ka ba, ma'am?" tanong niya, halatang wala siya sa sarili.Eksaheradang bumuntong-hininga si Ma'am Cora. "Ano ba ang meron sa sapin-sapin at kanina ka pa nakatunganga diyan? Masahol ka pa sa mga estudyente natin kapag may recitation, eh. You're physically present but mentally absent. Ilang araw ka nang ganyan. Bigla ka na lang napapatulala," ang sabi ni Ma'am Cora.Sino ba naman ang hindi mapapatulala sa pinagdaraanan niya? Three weeks ago ay w
"MGA KAPATID, tinawag tayo ng Diyos upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng ating mga kapatid na sina Lucas Del Franco at Charissa Sanchez."Pakiramdam ni Elvie ay minumura siya ng pari sa harapan ng altar. Naroon siya ngayon sa loob ng San Sebastian Church at kasalukuyang sinasaksihan ang pag-iisang dibdib ni Charissa Sanchez at ni Lucas Del Franco aka Mr. Polka Dots. Ayaw man niyang pumunta roon ay napilitan siyang gawin ang bagay na iyon. Mula sa San Ignacio ay lumuwas siya sa Maynila kung saan naroon ang kasalan. Papatayin siya ng tatay niya kapag umuwi siyang bigo at nag-iisa. Sinabi niya kasi sa kanyang ama na ngayong araw ay ipapakilala niya ang ama ng batang dinadala niya. Nang maisip niya ang bagay na iyon ay biglang nanariwa sa kanyang isip ang huling pag-uusap nila ng kanyang mga magulang..."Iharap mo sa akin ang lalaking nakabuntis sa'yo, Elvie," matigas na sabi ng tatay ni Elvira sa kanya habang nakaupo siya sa harapan nito sa gitna ng kanilang sala. "Hindi kita pinalaki
FIVE YEARS AGO…“MR. DEL FRANCO! MR DEL FRANCO! Bakit ka natutulog sa klase ko?” inis na tanong ni Elvira sa estudyante niyang hayun at nakayukyok sa desk nito habang natutulog at naghihilik pa. Ano ang akala nito sa subject niya? Recess? Mukha ba siyang kama kaya sa tuwing papasok siya sa classroom na iyon ay tinutulugan siya nito? “Nakakababae ka na, ha! Ilang beses ka nang natutulog sa klase ko!”Patamad na umayos ng upo ang buwisit na estudyante. Ang buhok nito ay magulo –asin sobrang gulo. Mukhang pumasok ito sa paaralan nang hindi man lang nagsusuklay. Suot angpamatay na ngiti nito ay namumungay ang mga matang tiningnan siya nito habang nakasampayang dalawang braso sa ibabaw ng sandalan ng upuan nito at ang mga paa ay nakaunat saharapan nito. Kulang na lang ay mahiga ito at ipagpatuloy ang naunsiyaming pagtulog. “Hindi konaman po kailangang malaman ang lahat ng mathematical equations na itinuturo n’yo, Ma’am. Ican be a good businessman even without learning those mind bogg
“MA’AM? Okay ka lang ba, Ma’am?” untag ni Leon sa nakatulalang si Elvira. Bigla na langkasing napatulala ang babae habang kausap niya ito. At aaminin niya, matinding will power angginamit niya para hindi ito yakapin at ikulong sa mga bisig niya habang nakatulala ang babae.Matagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon na muli silang magkita kaya ngayong magkaharap silang dalawa ay ngali-ngali nang sumambulat ang pangungulila niya sa babae.Ilang taon na ba ang lumipas mula nang huli silang magkita? Tatlo? Apat? Lima? Ah, hindi namahalaga. Basta ang alam niya, sobrang saya niya niya ngayon na magkaharap na ulit silangdalawa. Humakbang siya palapit kay Elvira pero pinigilan siya nito.“D-Diyan ka lang, Mr. Roa. Huwag kang lalapit sa ‘kin,” nagkakandabulol na sabi nito. Ramdam na ramdam niya ang tensiyon sa tinig nito.Kung mayrooon mang isang tao sa buong mundo na higit na nakakakilala sa kanya at nakakaalam kung gaano siya kakulit ay si Elvira ‘yon. At gusto niyang patunayan sa bab
“LEON?!”Natauhan si Elvira nang marinig niya ang tinig ng babaeng iyon na tumawag kay Leon. Kaagad niyang itinulak palayo ang lalaki at pilit na iwinaksi ang nakakabaliw na sensasyong idinulot sa kanya ng yakap nito. And yes, Leon’s embrace was addictive. Laksa-laksang kapanatagan ang naramdaman niya nang yakapin siya nito. She felt so calm and safe inside his arms but embracing this man is like jumping on a cliff. Kakatwang nakaramdam siya nang kaligtasan sa mga bisig nito sa kabila ng katotohanang isa na yata iyon sa pinakanakakatakot na bagay na puwede niyang gawin sa tanang buhay niya.Ibinaling niya ang kanyang paningin sa babaeng nakatayo sa likuran niya. Minasdan niya ang magandang mukha ng babaeng hamak na mas bata kaisa sa kanya. Maganda ito, sopistikada, halatang mayaman at nagtataglay ng mga katangiang tiyak na hinahabol ng mga anak ni Adan. Sa totoo lang ay mukhang mabait naman ang babae kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit siya biglang nakaramdam ng inis sa lal
Maristella Del Franco’s POVSIYEMPRE, present ang lahat ng apo ni Maristella sa San Ignacio Medical Hospital. Pati kanyang mga anak ay naroon rin nang mga sandaling iyon. Mababakas ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito. Ang akala siguro ay sasama na siya kay San Pedro patungong langit. Pero hindi siya puwedeng sumama kay San Pedro. Hindi pa ito ang tamang panahon para makipag-reunion siya sa kanyang asawa na nauna nang umakyat sa langit some years ago. Kailangan niyang iayos ang buhay ng mga apo niya bago siya mamatay. “Mamita! Mabuti naman at nagising ka na,” bungad sa kanya ng apong si Daisuke. Sa lahat ng kanyang mga apo, ito ang pinaka-palikero. Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit siya isinugod sa hospital. Isang babae ang nagtungo sa kanilang bahay claiming that Daisuke had raped her.“Stay away from, Mamita, Daisuke. Baka mamaya ay atakihin pa siya sa puso dahil sa ginawa mo,” sabi ni Noah –ang pinakamabait naman sa lahat ng kanyang mga apo. Sa sobrang bait nit

Minsan, may isang babaeng virgin ang sinubok ng kapalaran.Paalala: Hindi ito kuwento ng isang transferee student na na-inlove sa famous campus heartthrob na tinitilian ng mga kababaihan."YOU have a polycystic ovary, Mrs. Singson," seryosong sabi ni Dra. Alvarez kay Elvira. Matapos ang mahigit tatlong linggo ng extended na pagkakaroon ng monthly period ay napagpasyahan na ni Elvira na komunsulta sa isang Ob.Gyne. And here she is, stunned while looking at the doctor's pretty face.Iniisip niya kung ano ang press powder na gamit ng doktora. Sobrang kinis kasi ng mukha nito at mukhang hindi uso ang pores nang ipanganak ang babae. Wala man lang bakas ng kahit na katiting na mantsa ang mukha nito, unlike her face. Sa edad na treinta'y otso ay nagsisimula nang maglabasan ang mga wrinkles niya na excited yatang ipamalita sa buong mundo na pitong taon nang lagpas sa kalendaryo ang kanyang edad. Hindi lang iyon, nakakaramdam na rin siya ng pananakit ng kanyang mga kasu-kasuan, sa kaunting pag