Author's Note: This story is for the new generation of the Sierra Series. So, characters from the previous book will be mentioned. But rest assured, because this is a totally different timeline and storyline. It will be describe din naman para hindi malituhan. Please, don't get confused too if I show a sudden flashbacks. Mahahalata rin naman po iyon kapag binabasa na.
For more information here's the list of Characters:
Haven Francheska Laurier, nasa Sunshine in the Rain, siya. She's Veronikka's niece.
Hari Yasiel Sierra is the firstborn son of Dr. Yasmir Sierra and Dra. Hiraya Almendral-Sierra, from the book Cure My Heart, Dr. Sierra.
Sebastian Edison Sierra is the firstborn son of Eros Sierra and Samantha Sierra; they're all mentioned in the book 9 Muses Series #1: Anchored Hearts. Baste is still a baby back then. Eros and Samantha are mentioned in all the books of the Sierra Series. (I am still thinking if I would give Eros and Samantha a love story.).
Daniel Fortelejo 'Daniel/Dan'
Genevieve Williams 'Gen'
Novaria Reyes 'Nov/Nova'
Theodore Gomez 'Theo'
Anastasia McGreene 'Ana'
Finn Russel Dela Victoria 'Fin'
Isla Macell Dela Victoria (Isla pronounced as Ayla)
Saoirse Valle 'Sai'
Leonardo Madrigal 'Leo'
Millanie Courtney Gallo 'Mila'
My life's a shitty one, even before I was born. I hated it. Hindi na sana nila ako pinanganak, o hindi na sana sila nag-anak pa kung papahirapan rin naman nila kami sa huli.
What did we do wrong? Bakit ganito ang buhay na meron kami?
“Papa! Tama na, please! Huwag mo nang saktan si Kuya!” Pagmamakaawa ko.
Pero mukhang wala man lang narinig ang aming ama nang patuloy siya sa pagbubugbog kay Kuya Harvin.
It breaks my heart. Simula mga bata palang kami ay walang tigil ang pambubugbog saamin ni papa lalo na sa tuwing natatalo ito sa sugal at kung hindi mabigyan ni Tita Nika ang perang hinihingi niya.
“Huwag kang lalapit, Ven.” Makaawa ni Kuya saakin, basag na basag ang kanyang boses maging ang mukha.
Napatakip nalang ako ng bibig habang umiiyak at yakap si Harry na walang tigil din sa pag-iyak. I glanced over at our mother, who's chilling on the sofa and keeps tapping on her newly brought phone.
Our lives sucks. How I wish to escape from this misery.
“K-kunin mo nalang 'yong inipon kong pera para sa college ko, pa. Please, tama na... Huwag mo nang saktan si Kuya.” My voice broke. Kasing durog ng puso ko nang makita kong puno na ng dugo si kuya dahil lang sa kulang ang binigay na pera ni Kuya sa kanya.
“Subukan niyong magsumbong sa tita niyo! Mananagot kayo saakin!” Sigaw ni papa bago pumunta sa kwarto namin nila kuya at nagsimulang halughugin ang kwarto para mahanap ang tinago kong pera.
He's addict. Hindi nga sa droga, kundi sa sugal, pera at kay mama. Ni hindi niya nga kaming kayang alagaan. Ni pambili ng mga bagong gamit, hindi namin naranasan mula sa kanila. It's always Tita Nika. Siya na nga nagpapaaral saamin, siya pa nagpapakain saamin. Ano pa ba? Kulang nalang din na kupkupin kami ni Tita para siya na ang bumuhay saamin.
Kaya walang mahanap-hanap si Tita ng mapapangasawa niya dahil saamin, she’s turning thirty, yet kami parin ang iniisip niya. We're such freeloaders. And I fucking hate it.
“Tumigil na kayo sa pag-aaral. Wala ding silbe! Mabuti pa't magtrabaho nalang kayo!” Sigaw ni papa saamin nang makuha niya ang alkansya ko at pilit iyon buksan para makuha ang perang inipon ko mula sa mga bigay ni Tita Nika at sa pagpa-part time job ko.
Lihim akong nagtatrabaho, dahil ayaw kong malaman nila Kuya Vin at Tita Nika ang iyon dahil alam kong pipigilan nila ako. Kasi kung hindi ako Magtatrabaho, wala na talaga kaming ipangkakain dahil kinukuha na iyon lahat ni papa.
“P-Pero papa, graduating na po ako—” tinignan ako ng masama si papa dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita. Nanaig sa akin ang takot na baka ako ang pagbuntungan ng galit ni papa at mabugbog din kagaya ni Kuya Vin.
“Walang pero-pero Haven! Matanda ka na para magtrabaho!” Sigaw ni papa bago tuluyang umalis ng bahay. Wala namang kaso ang pagtatrabaho saakin, ang kaso lang… Titigil? Kakayanin ko bang tumigil?
Hinang-hina na niyakap kami ni Kuya, habang patuloy kami sa pag-iyak ni Harry.
“Ako nalang titigil, Ven... Mag-aral kayong dalawa ni Harry... Graduating ka na... Ako na bahala sa tuition f*e niyo.” Nanghihinang sabi ni Kuya habang iniinda parin ang sakit sa katawan.
Kagat labi akong napailing kay kuya. “No, kuya. Senior high palang naman, okay lang akong tumigil. Huwag nalang si Harry.”
Noong gabing iyon, pinangako namin sa aming tatlo na iyon na ang huling iiyak kami dahil sa pamilya namin. Kaya ginawa namin lahat ni kuya para maibigay ang lahat kay Harry, kahit sa kanya nalang, dahil napakabata pa ni Harry.
Anim na buwan makalipas, kahit na nagpapadala ng pera si Tita na siyang pang-aral at pangkain namin ay kaagad na napupunta iyon kay papa. Maging ang sweldong nakukuha namin sa pagtatrabaho ni Kuya ay kinukuha din.
“Papa! Para pangkain na po namin ito nila Haven! Anong gusto mong mangyari sa amin?! Mamatay?!” Sigaw ni Kuya pilit binabawi ang pera ni Kuya.
“Manahimik ka Harvin! Akin na ang pera! Mangutang nalang kayo kay Aling Nena!” Sigaw ni papa at nakikipag-agawan pa sa pera. Pulang-pula na si papa dahil sa galit at nakainom na naman dahil mukhang nanglibre ang kaibigan niya na nanalo sa sugal.
“I-ibigay mo nalang kuya, please...” Pagmamakaawa ko. Hila-hila ko ang braso ni kuya para ilayo kay papa.
“Hindi! Wala ka pang kain, Ven! Ipangkakain natin ito!” Sigaw ni kuya at pilit na binabawi ang pera, hanggang sa sikumurahin siya ni papa dahilan para mabitawan ni kuya ang pera at tumilapon siya sa sobrang lakas ng impact.
“Kuya!” Sigaw ko at kaagad na tumakbo papalapit kay kuya, kahit na nanghihina ay nilapitan ko parin siya.
Akala ko iyon na ang huling iiyak kami, pero hindi pa pala. Bakit ba ganito ang buhay namin? Gusto ko nalang na kunin kami ni Tita Nika at ilayo kami sa pamamahay na ito.
Kahit sumasakit na ang tyan dahil sa wala pang kain ay pinilit ko munang intindihin si kuya kesa sa sarili. Iinom ko lang ng tubig iyon, at magiging ayos na ulit ako.
Kinabukasan, habang naninilbihan bilang katulong sa isang mayamang pamilya sa amin, ay nakaramdam ako ng pagkagutom. Masyadong madamot ang amo namin, at puro tirang pagkain lang ang binibigay. Ngunit ngayong tanghalian ay walang pagkain dahil sa labas sila kumain buong mag-anak.
Napilitan akong bumili ng noodles para iyon na lamang kainin.
“Ven! Nag noodles ka na naman iha!” Sigaw ni Aling Dolly saakin. Napatawa lang ako ng mahina tsaka kumain na.
“Pang-ilang araw ka nang nagno-noodles iha, hindi kaya magkakasakit ka niyan sa tyan? Nako, tigilan mo na iyan. Teka ipagkukuha kita ng maayos na pagkain.”
Kaagad na umalis si Aling Dolly, habang ako ay pinagpatuloy ang pagkain ko ng noodles. At habang kumakain ako ng noodles ay namimilipit ang tyan ko sa sakit.
Napatigil ako at ramdam ang panghihilo at panlalabo ng mga mata ko. Naitukod ko ang kamay ko sa lamesa, pero ramdam ko na matutumba ako, natabig ko pa ang kinakain kong noodles hanggang sa tuluyan na akong mahimatay.
Nagising nalang ako na pinapalibutan na ako ng puting pintura, amoy ng alcohol, at tunog ng mga machine. Alam ko ang lugar na ito, kahit na minsan ay hindi ko nagawang makapasok rito. Anong ginagawa ko rito?
Uupo na sana ako nang makaramdam ako ng hapdi sa tyan ko. At nang tignan ko iyon ay nanghina ako nang makitang may bandage na iyon na parang hiniwa ang tyan ko. Dugo ba iyon?
Mas lalo akong nanghina nang makaramdam ako ng paghihilo. Muli akong napasandal sa kama at mariing pinikit ang mga mata.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Kuya na may mga pasa na naman sa mukha, napatingin ako sa kamay niya at may dala siyang pagkain.
“K-Kuya.” Tawag ko sa kanya. Napakagat ako ng labi para pigilan ang pag-iyak nang makita kong ganon ang sitwasyon ni kuya.
Napaangat naman ng tingin si Kuya tsaka ngumiti kahit na pagod na pagod ang kanyang mukha.
“B-bakit ako nandito?” Tanong ko. Nalilituhan.
Huminga ng malalim si kuya tsaka niya pinatong ang dalang pagkain sa gilid ko. “Inoperahan ka, Haven. May appendicitis ka.”
“Pero hindi naman appendicitis kuya kung hindi pagkain—” napatigil ako nang may maalala ako.
Napayuko nalang ako dahil may kasalanan din ako. Hindi ko inaalagaan ang sarili ko, kaya ni CR break ay hindi ko magawa.
“A-alam ni Tita? Paano ang gastos, kuya? Wala tayong pambayad...” Napakagat ako ng labi nang iniisip ang mga bayarin.
“Alam na ni Tita. Tinawagan ni mama, para manghingi ng pera. Sa makalawa ay dadalaw si Tita.”
Tulad nga ng sabi ni Kuya ay dumalaw si Tita. Nagpahinga din ito sa trabaho, hindi dahil kailangan niya ng pahinga, kundi para dagdagan namin ang problema niya. Hanggang sa nag-away sila ni papa, at kinuha kami ni Tita para siya na ang mag-alaga saamin.
“Tita ang ganda dito!” Mahinang tili ko kay Tita nang dalhin nila kami ni Tito Elio sa amusement park.
Dahil kina Tito Elio at Tita Nika, naranasan muli namin ni Kuya kung paano maging bata ulit. Eto ang unang beses na makapunta sa ganito dahil kahit sa peryahan ng bayan namin ay hindi namin magawa ni kuya dahil sa lagi kaming pinagbabawalan ni mama na lumabas.
Our lives changed when Tito Elio decided to take us in and make us part of his family. Sobrang saya ko dahil at last, makakalaya narin kami sa buhay na kung anong meron kami noon. Malayo sa abusado naming ama, at sa walang pakealam na ina.
Habang kumakain kami sa tabi ng snacks ay may sinabi si Tita para mapalingon ako sa tinitignan niya. Naningkit ang mga mata ko nang may makita akong tatlong gwapong lalaki. Uh, ganito ba talaga sa Manila? Maraming gwapo?
“Tita Nika! Tito Elio!” Sigaw ng isang babae sa masiglang tinig, kaya napatingin ako roon.
Halos mapanganga ako nang makita siya. Ang ganda niya. Sobrang ganda niya. Ang cute niya at ang friendly pa. We've become friends since then. She's fifteen, and I'm seventeen. Well, nalalapit narin naman ang birthday ko.
Nakilala ko ang mga pinsan niya, at ang lalaking kanina ko pa tinititigan ay siya pala si Baste. He's cute... And caring. The way he cares for his girlfriend was so... Attractive. Funny, how I saw his actions towards his girlfriend as attractive and hot. And I realized one thing about the Sierras, when they fell in love, they gave a lot.
Sunday came when Tita told us that they would pick us up from Lola's house, para madala kami sa mansyon ni Tito Elio. We've been there once, sobrang laki at ang ganda ng mansyon ni Tito Elio. Super blessed kami na naging siya ang boyfriend ng tita ko, aside kasi na gwapo, at mayaman, kita naman namin na mahal na mahal niya si Tita.
Dinala nila kami sa mall para mamili ng gamit at halos mapuno na ang van dahil lang sa mga pinamili nila tito para saaming magkakapatid.
It felt like I had become a princess overnight. My new room is larger than our old home, and the closet is now filled with expensive clothes, bags, shoes, and jewelry—things I never imagined I would have.
“Haven! Bilisan mo na!” Sigaw ni Tita sa kwarto na nilaan para saakin. Nasa may banyo ako at inaayos ang sarili dahil ito ang unang pasok ko sa SIA. Naka casual lang ako, pero mukhang ang gara ko na dahil sa style ng pananamit ko.
Sasamahan nila ako ngayon nila Tito Elio. I need to take an examination first, not to qualify but to continue my studies as a STEM student.
As I finished my exams, I waited in the corridor. May pinuntahan saglit sila Tita Nika, maybe to Tito Elio’s cousin’s office. Siya daw kasi ang may-ari ng school na ‘to, at binisitahin daw nila.
“Haven?” tawag sa akin ng isang boses lalaki.
Napaangat ako nang tingin at nagulat ako nang makita ko si Baste, nakayuko siya para tignan ako, may mga hawak ding notebook na mukhang ipapasok sa loob ng teacher’s room.
“Baste!” Nakangiting pagtawag ko sa pangalan niya.
Nagulat siya sa biglaang pagtayo ko dahilan para mapaatras siya at matutumba na sana nang hagitin ko ang braso niya, pero sadyang mabigat din siya, kaya’y pareho kaming natumba sa sahig.
Nakapatong ako sa kanya, habang siya ay nakakunot ang noo at napapikit dahil sa pag-iinda ng sakit ng pagtama ng kanyang likod sa sahig tsaka ng mga notebook na nagsihulog, at dahil narin siguro sa bigat ko.
“Hala! Hala! Sorry!” Doon lang ako natauhan nang makita ang pwesto naming dalawa.
Kabado akong umalis sa harapan niya, pero muli akong napatulala nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Did he really laugh? Simula kasi nang makilala ko siya ay ni minsan, hindi ko narinig ang kanyang pag-tawa, pero minsan ay nakangiti.
I unconsciously picked up the notebooks while looking at him. Manghang-mangha ako sa kanya. Bakit napakagwapo niya?
Bakit ganito? Ang lakas ng tibok ng puso ko? Don't tell me I'm in love with him? Hindi siya pwede, Haven! He has a girlfriend for Pete's sake!
“Edison,” pareho kaming napaangat ng tingin nang makita namin ang girlfriend niyang si Genevieve.
She was glaring at me with such intensity that it felt like she could devour me whole. I quickly averted my gaze, lowering my head to avoid her piercing stare. My whole body was shaking with fear, and I could barely keep myself steady.
The way she looked at me was eerily reminiscent of how my father used to glare at me, and I hated that kind of stare with every fiber of my being. Ramdam ko ang panliliit sa sarili ko. Gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan.
"Haven? Are you alright?" I heard Hari's concerned voice cut through my anxiety.
Napakurap ako habang nakayuko. At hindi pa ako nakakaangat ng tingin ay inalalayan na ako ni Hari mapatayo. My throat felt dry as I met his eyes. His gaze was a mix of worry and intensity, and there was something captivating about him that I couldn’t quite place. It was as if his eyes were trying to offer me some comfort amidst my distress.
Before I could fully compose myself, Hari’s laughter broke the tension. Inabot niya ang ulo ko tsaka natatawang ginulo ang buhok ko, a gesture that made me blink in surprise.
Did I really become a princess overnight to have these prince charmings by my side?
Hello! Maraming-maraming salamat sa pag-babasa ng Bad Romance! For your information po, I decided to make it a duology, after thinking not just twice, but a hundred of times, trilogy sana but hmm I still don't know, kung hanggang saan aabutin ng book tow AHAHAHA. So, book two will soon be released after I finished this book. I'm still plotting the book two and hope you'll continue to support Bad Romance even after having a book two. Lovetooots!
The next morning, I woke up earlier than expected. Nalaman ko kasi na classmates ko sina Hari at Baste sa STEM, hindi ko alam na nasa STEM din sila.I knew that Hari was interested in becoming a doctor because I had learned that his parents were doctors themselves. It made sense that he would want to follow in their footsteps. But Baste’s choice was a bit of a mystery to me. I wondered why he decided to pursue a career in medicine as well.Then the thought of him in a white lab coat crossed my mind. I couldn’t help but picture how he would look, and I had to admit, he would definitely be looking so gorgeous and hot. Damn it! Why am I daydreaming about him? He already has a girlfriend! I mentally scolded myself, feeling a mix of frustration and embarrassment. Bakit ba mga ganito ang iniisip ko at pinagpapantasyahan ang lalaking iyon? I really needed to get a grip and focus on the present instead of getting lost in these unrealistic thoughts! Nakapasa ako sa exam, at highest score pa. H
Sumakit ang ulo ko nang sumama si Daniel saamin ni Hari sa cafeteria, kaya nagbabangayan na ang dalawa. Pinagsama pa ang dalawang madaldal.“Hoy! Hindi ako makakain ng maayos!” Naiiyak kong sabi nila. Imbes kasi na ako ang kumain sa mga inorder ko, sila na kumakain!“Akin 'yan, Daniel e!” Inagaw ni Daniel ang fruit yogurt ko.Nakatikim ako no'n sa bahay nila Tito Elio dahil ang daming stock no'n sa ref. At ako lang nakaubos dahil sa sobrang sarap. Pinagalitan pa ako ni Tita Nika kasi hindi naman daw pwedeng kainin lahat ng iyon sa isang araw. Sorry na, masyadong ignorante!“Tinitikman lang e! Damot!” Sigaw ni Daniel.As I reached for my yogurt cup, Daniel snatched it away again. He scooped out some with the spoon and licked it slowly while staring at me. The way he licked the spoon, savoring every bit, made my heart skip a beat. What was happening?Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya pero sinipa ko ang paa niyang nasa ilalim ng lamesa dahil sa inis nang ubusin niya iyon.“Haven Fr
“Huli!”“Hari!” Sigaw ko nang tumakbo palayo si Hari bitbit ang sketchpad ko. Nakakayamot! May mga drawing ako ng mukha ni Baste doon!Kapag nalaman iyon ni Hari, malamang ay aasarin ako no’n! At baka sabihin pa nga kay Baste!Nasa may field ako ngayon, may praktis sila Daniel kaya nandito ako, hindi nga lang para manood, kundi para mag-drawing.Pinilit kasi kai ni Daniel na manuod ng praktis nila, kahit sa praktis nalang daw. Hindi ko nga alam kung bakit pinipilit ako, pero kapalit ko nalang sa kanya iyon sa pagtulong at suporta niya saakin noong nakaraang linggo sa sportsfest pageant namin.“Ano ito? Si Baste ito a?” Takang tanong ni Hari.I cursed beneath my breath. Napatayo ako kaagad para kunin ang sketchpad, pero kaagad siyang lumayo at tumatakbo patalikod.“Si Baste nga! May crush ka kay baste?” Manghang tanong ni Hari habang tumatakbo parin.“Akin na Hari!” Sigaw ko pilit siyang hinahabol. But his legs are too long for a short girl like me! Argh!Tawang-tawa naman si Hari haba
Just like Daniel said, we became unofficially in relationship. For the sake of our wants. Him, to stay away from his fans. And me, to make Sebastian jealous of us.Daniel courted me, para hindi magmukhang planado ang lahat. He gave me roses every time na susunduin niya ako sa mansyon nila Tito Elio—siya na naghahatid-sundo sa akin, unlike dati na si Hari ang nagsusundo-hatid sa akin. Feel ko nga nagtatampo si Hari kasi may mga araw na hindi niya ako kinakausap.“Hari!” Tawag ko kay Hari nang makita ko siyang nakaupo sa may clubhouse.Nagjo-jogging kasi ako at saktong nakita ko si Hari. Ilang-araw na din kaming hindi nagkakausap. I mean, nag-uusap naman pero iniiwasan ako? Or baka feel ko lang na iniiwasan niya ako? Hindi ko din alam kung bakit, pero kasi 'yon ang nararamdaman ko.“Cheska,” tawag niya sa akin. Maging siya ay mukhang kakagaling lang sa pagjo-jogging dahil naka sports attire siya.Pansin kong siya lang mag-isa dito. “Anong ginagawa mo rito? Ikaw lang mag-isa ha?”Umupo a
Warning: This chapter includes explicit sexual content and discussions of intimacy between characters. Reader discretion is advised.Daniel laughed as soon as he felt my trembling body because of what he had said. Kaagad ko siyang pinalo sa braso, pero napahiga lang siya sa kama habang tawang-tawa parin.Daniel looked at me with amusement in his eyes. “You should see your face, Haven. It’s cute,” he teased, and he burst into laughter.I glared at him and shouted at him while hitting him in the chest with my hands. “Damn you, Daniel! ”Tuwang-tuwa naman ang lalaki sa ginawa ko, habang hinuhuli ang kamay ko. I could feel the heat rising on my cheeks from his relentless teasing. It was infuriating! Daniel finally stopped laughing, wiping the tears from his eyes.“But what if? What if, Haven, I did something to you? Would you like it?”He asked, and his tone suddenly got serious.I stared at him, trying to gauge if he was joking or not. His question made my heart skip a beat. Would I like
DANIEL FORTELEJOThe moment I laid my eyes on Haven, my heart skipped a beat. I know there's something in her that makes me want to be so close to her and to own her.Of course, that isn't easy with Baste and Hari with her sides. Laging nakabantay sila sa kanya. I get it, as their Tito Elio told them to take a look after Haven.Kahit na ganon, I ended up taking care of her too. Sobrang galit ko nang malamang inaapi siya—at the same time, masaya dahil ako lang ang nakakaalam. I became her knight in the shining armor. Funny, but it does sound like that to me. Her knight.“Wala ka talagang tiwala sa sarili mo, Haven.” Natatawa kong sabi sa kanya as I fixed her hair, dahil kulang nalang ay kainin na niya ang mga hibla ng buhok niya dahil sa palaging nililipad ng hangin.I tied it. Hindi ako marunong, pero para sa kanya, aaralan ko iyon. Wala naman akong mga kapatid na babae or pinsang babae para pag-aralan ang ganitong bagay, pero sa kanya ko nalang gagawin.Muli akong umupo sa harapan ni
Pag-akyat ko ay nakita ko silang nagkakagulo sa living area—the girls were playing Jenga, the boys were starting to drink outside in the bar area, and Finn and Hari were grilling some BBQ for dinner tonight. I didn't see Daniel, though. I wonder where he could be?“Haven, right? Come and join us!” Aya saakin ni Isla. I excitedly took a seat with them, even though my eyes were searching for Daniel.Naglaro kami ng jengga at ang matatalo ay pipitikin sa tenga. At ako na hindi masyado kagalingan ay laging natatalo.“Ayoko na nga!” Naiinis kong sabi. Tawang-tawa naman sila nang makitang namumula na ang tenga ko. Magkabilang tenga talaga! Nakakaasar.“I didn't know you weren't a great player, Ven,” Ana said with a chuckle.Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi ni Ana. At ang babae ay natawa lang. “Do I look like a player?”Tumawa naman ulit sila at pinalo pa ako ni Mila sa balikat. “Hmm, hindi naman, pero mukha lang naman.”Mas lalong naningkit ang mga mata ko sa sinabi nila. “Parang i
Nang matapos akong maligo ay lumabas ako muli, nakasuot ng tank top at dolphin shorts. Nakalimutan ko kasing magdala ng pajama nakakainis. Sa sobrang excited ang dami kong naiwan sa bahay.Pagkalabas ko ay kaming dalawa palang ni Isla ang nasa sala. Naghahanap siya ng pwedeng panoorin sa tv habang balot na balot sa kumot at may hot citrus tea na hawak.“Nilalamig 'yan?” Natatawang sabi ko sa kanya.“Bwiset kasi, ang tagal namin nagbabad doon. Kaya binilisan ko na ang pagligo at feel ko lalagnatin ako.” Iritadong sabi ni Isla, tsaka bumahing pa.“Uminom ka na ba ng gamot? Tignan ko kung may dala ako.” Aalis na sana ako nang tumango si Isla.“Girl's scout a. Binigyan na ako ni Hari.”Napaupo naman ako sa tapat niya. “Anong girl’s scout. Future nurse ‘to.” Pagmamayabang ko.“Then, I'll be in your care, Nurse Haven.” Yumuko pa ito para magbigay ng pugay kaya binato ko ang unan sa kanya tsaka natawa.“Gaga, nasa pangangalaga ka na ni Doc Hari.” Natatawang sabi ko.Naningkit naman ang mga ma