Share

3 - Muse

Sumakit ang ulo ko nang sumama si Daniel saamin ni Hari sa cafeteria, kaya nagbabangayan na ang dalawa. Pinagsama pa ang dalawang madaldal.

“Hoy! Hindi ako makakain ng maayos!” Naiiyak kong sabi nila. Imbes kasi na ako ang kumain sa mga inorder ko, sila na kumakain!

“Akin 'yan, Daniel e!” Inagaw ni Daniel ang fruit yogurt ko.

Nakatikim ako no'n sa bahay nila Tito Elio dahil ang daming stock no'n sa ref. At ako lang nakaubos dahil sa sobrang sarap. Pinagalitan pa ako ni Tita Nika kasi hindi naman daw pwedeng kainin lahat ng iyon sa isang araw. Sorry na, masyadong ignorante!

“Tinitikman lang e! Damot!” Sigaw ni Daniel.

As I reached for my yogurt cup, Daniel snatched it away again. He scooped out some with the spoon and licked it slowly while staring at me. The way he licked the spoon, savoring every bit, made my heart skip a beat. What was happening?

Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya pero sinipa ko ang paa niyang nasa ilalim ng lamesa dahil sa inis nang ubusin niya iyon.

“Haven Francheska Laurier!” He shouted. The students around us look at us, but I didn't give a shit. Daniel stole my yogurt and it made my blood boil.

“Wala na! Sira na araw ko! Ang hilig mo talaga mang-asar, Daniel!” Inis kong sigaw sa kanya.

He glared at me at kulang nalang ay magsabunutan kaming dalawa dito kung wala lang si Hari na pumipigil saamin.

“Let's buy you another one, Cheska.” Kalmadong sabi ni Hari habang hinihila ako papalapit sa counter.

“Ayoko na. Wala na ako sa mood,” inis kong sabi at lumakad na palabas ng cafeteria.

“Kung makatampo akala mo kung sino.”

“Sinipa pa talaga si Daniel!”

“Gandang-ganda sa sarili 'yan? Pinapapabor pa ni Hari! Nakakairita siya!”

I shot a death glare to the girls who's talking behind my back, nanahimik naman sila nang tignan ko sila, lalo na nang sundan ako ni Hari na bitbit ang bag ko. Aba, anong akala nila saakin? Magpapaapi? Sawang-sawa na ako na lagi kaming inaapi ni papa at mama sa bahay. Pati ba naman sa school?

Ilang araw palang kaming magkakilala nila Hari, pero sobrang close na naming tatlo—isama pa si Yari at si Baste. Kasalanan ko bang naging kaibigan ko kaagad sila?

Kapag inggit, pikit!

The whole week has been miserable for me, but I shook it off. Hindi ko naman gugustuhing maagaw ang atensyon ng mga Sierra saakin lalo na sa star player at captain ball ng football team na si Daniel! Kasalanan ko bang naging ka-close ko sila?

May mga araw na pinapatid nila ako, sa tuwing hindi ko kasama isa sa kanilang tatlo. Gano’n sila kababaw para gawan ako nang masama dahil lang sa lagi kong pagsama sa mga Sierra at kay Daniel.

“Oh? Bakit marumi ang uniform mo?” tanong ni Daniel nang magkasalubong kami sa hagdan. Paakyat ako, siya naman ay pababa, naka uniform na ng football uniform dahil may praktis pa sila para sa game nila sa December.

“Wala! Nadapa lang!” asik ko. Ayoko naman magsumbong at baka sabihan pa ako na sumbungera at naghahanap ng kakampi. Kahit milyon pa silang umapi saakin, hinding-hindi ko papatulan ang mga immature acts nila!

Naningkit naman ang mga mata ni Daniel tila hindi naniniwala sa sinabi ko. Pareho naman kaming napatingin nang may nagsalita sa likuran ko, tumatawa pa nang apihin nila ako. Na-mention pa ang pangalan ko at pagkaangat nila ng tingin ay halos mamutla sila nang makitang galit na galit ang mukha ni Daniel.

Kaagad na bumaba si Daniel at hinawakan ang pulsuhan ng babae, galit na galit at gusto na talagang manakit. Pinipigilan ko siya, pero masyado siyang malakas. Naiyak na ang babae sa sobrang higpit nang pagkakahawak ni Daniel.

“Daniel! Tama na! Wala naman silang ginawa e. Please!” sa pakiusap ko ay kaagad na binitawan ni Daniel ang pagkakahawak niya sa babae, pero matalim parin ang kanyang titig.

“Touch her again and I swear, you won’t be able to step your foot here ever again.” Malamig na sabi ni Daniel sa dalawa. Kaagad naman kumaripas ng takbo ang mga babae.

Napaharap sa akin si Daniel at tinignan ako kung ayos lang ako. “Are you hurt? May sugat ka ba? May masakit ba sa’yo? Fvk. Sabihin mo sa amin o sa akin kung inaapi ka, Haven! Hindi iyong sinasarili mo lang! Paano kapag malala ang ginawa nila sa’yo?” napakagat ako ng labi nang sabihin iyon ni Daniel.

“Hindi naman ako Magpapaapi, Daniel. Wala lang talaga ako sa mood na patulan sila. Isa pa, hindi naman malala iyon e! I can manage myself!” I replied, almost whispered.

Hinakawan naman ako ni Daniel sa magkabilang braso ko. “Ano pa kami para sa’yo, Haven? Kaibigan mo kami. Lalaki kami at kaya ka naming protektahan. I’ll tell this to Hari and Baste.”

Bigla naman akong nanlamig sa sinabi ni Daniel. “Huwag na, please! Oo na, sasabihin ko na sa’yo. Basta huwag mo lang sabihin kina Hari.”

Kinakabahan ako, baka kasi may gawin sila Hari sa mga umaapi sa akin. Lalo na kung malaman ni Baste, tita niya ang may-ari ng school, baka ma-suspend sila once na malaman ni Baste at ayaw ko ng gulo.

“Ma'am! Si Haven po!” Daniel’s voice echoed throughout the room.

Sinamaan ko ng tignin si Daniel na nagtaas ng kamay para isali ako sa pageant sa darating na Sportsfest sa susunod na linggo. Nasa may harapan siya dahil siya ang head ng team namin.

“Miss Laurier, please come in front.” Ani Miss Dianne, ang teacher na adviser sa team namin. Magka-team kaming dalawa ni Daniel, habang magka-team naman sila Hari at Baste.

“Ma'am, ayoko po. Binibiro lang kayo ni Daniel!” I replied in a loud voice. Nasa dulo kasi ako ng meeting room, kaya hindi ako maririnig ng maayos lalo na’t ang iingay ng mga kasama namin.

“Ang arte, aayaw-ayaw pa.” Rinig ko na sabi ng babae sa likuran ko.

Hinarap ko naman ang babae, “Edi ikaw nalang. Mukhang gusto mo e.” asar kong sabi sa kanya. Nang mapaharap ako ay kita ko ang proud smile ni Daniel nang kinalaban ko ang babae.

“Good job,” he mouthed. I smirked at him.

Natapos ang meeting at ako nga ang ginawang muse nila. Nakakainis. Hindi naman ako maganda ah! Bakit ako pa?! Are they mocking me?

Ginulo naman ni Daniel ang buhok ko pero masama ko siyang tinitigan. Sobrang sama.

“Feel ko kakainin mo ako ng buhay…” He smirked and scratched the back of his head. “But I like that… Hmm…”

“Tangina mo.” Mura ko nalang sa kanya.

Tumawa naman ulit siya at kinurot ang pisngi ko. “You’re beautiful, Haven. Dami ngang nagkakagusto sa’yo e!”

Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano? Marami? “Sinong niloloko mo?” Inis kong sabi sa kanya.

“Napaka-manhid mo talaga.” Natatawang sabi ni Daniel, tsaka nauna nang lumakad at hindi man lang ako hinintay!

Simula nang dumating ako sa SIA mainit na ang mga mata nila saakin, they're also calling me names na hindi naman ako! Lalong-lalo na kapag hindi ko kasama ang mga Sierra at si Daniel. Wala naman akong naging kaibigan na babae, except kay Yari, na grade ten palang ngayon. Hindi kasi ako malapitan dahil diring-diri saakin. Lalo na ang mga kaibigan ni Genevieve, ni pati nga siya ayaw makipag-kaibigan saakin.

I tried to back-out sa pageant, pero hindi na ako pinayagan ni Miss Dianne. Imbes na maaga ako nakakauwi, ay halos mag aalas-otso na ng gabi ako nakakauwi dahil sa pagpa-praktis. Mabuti nga ay partner ko si Daniel, at sa kabilang team naman ay mag-partner sina Baste at Genevieve. Bigla tuloy akong nahiya dahil ang gaganda ng mga kalaban ko.

“Don’t you trust to yourself, babe?” pangangasar ni Daniel, at lumapit sa akin. Sobrang lapit, tsaka niya inayos ang hibla ng buhok kong nakakalat sa mukha ko.

Pawis na pawis ako dahil sa kakapraktis namin ng introduction dance, lalo na sa pagrampa. Hindi naman ako kagalingan, kaya tuwang-tuwa ako nang turuan ako ni Tita Ame nang dalhin ako nila Baste at Hari sa bahay nila Tita Ame. Saktong hindi din busy si Tita Ame. She’s a renowned supermodel—fashion designer. Kaya lahat ng susuotin ko ay siya mismo ang gagawa.

Inaasar nga ako ng mga tito at tita nila Hari at Baste, pero tuwang-tuwa naman at suportado. Nilaan pa nga ako ng oras para mapanood daw ang pageant.

“Talikod ka, lagyan ko ng tuwalya likod mo.”

Napakagat ako ng labi nang sabihin iyon ni Daniel. He’s so sweet and kind. Minsan ay tarantado nga lang dahil sa pangangsar niya sa akin.

“Oh, tubig!”

Nabigla ako nang itapon ni Hari ang bote ng tubig sa direksyon ko, sa pagkataranta ko e halos matapilok ako, naka six-inches heels pa ako! Napakagago talaga!

Mabuti nalang ay nahawak ako kaagad ni Daniel at nasalo pa ang tubig. He’s really a captain ball of the football team, no wonder. Ang galing sumalo e. Partida wala pang lingon-lingon iyon dahil nakatutok siya saakin!

Sinamaan ko ng tingin si Hari pero tumawa lang ang bata. Sa sobrang inis ko ay binato ko sa kanya ang wala nang laman na bote. “Oy! Ang sadista!” sigaw niya nang masalo niya iyon. What do I expect? E basketball player ‘yan! Malamang! Kaya niyang saluhin iyon!

Nakakainis! I felt so utterly defeated when I’m with them. Na kahit anong gawin ko ay hindi ako nananalo sa pangangasar ng dalawang ito!

“Stop teasing Haven, Hari, Daniel.” Seryosong sabi ni Baste kaya napangiti ako sa kanya—pero kaagad ding nawala nang tumabi sa kanya si Gen.

“So, it seems like you're adjusting in this school, Haven.” Tanong ni Gen. Hindi ko mawari kung ano ba ang pinapahiwatig niya. But her eyes saying that she’s disgusted by me.

“Genevieve.” Suway sa kanya ni Baste.

Genevieve scoffed and walked away. Like she always does kapag sa tuwing sinusuway siya ni Baste.

“Sorry about that.” Paghingi ng pasensya ni Baste sa ginawa ni Gen.

“Huh? Nagtatanong lang naman si Gen,” I answered, trying to not get affected by how she said that words—mukha kasing may pagkamataray na may halong mabait naman. Or maybe Genevieve doesn't know how to show her kindness and sweet side to others?

Baste looked at me as if he was scanning me. Looking worried na baka ay magtanim ako ng sama ng loob dahil sa pamamaraan ng pananalita ni Gen.

Ngumiti ako sa kanya at binato ang bote ng tubig para tigilan na niya ang kakatitig saakin. Nasalo niya naman kaagad iyon tsaka ngumiti.

“Okay, one final practice!” Our trainer shouted as she clapped her hands to get our attention. Everyone went back to our formation and the music started to play.

“Go, Haven!” Sigaw ni Hari.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ang lalaki. Ramdam ko tuloy ang pamumula ng mukha ko dahil sa sigaw niya.

Praktis palang naman pero kung maka-cheer ay wagas! But I love how Hari being supportive to me. Ganon din naman sila Baste at Daniel, kaya kahit paano ay nagkakaroon ako ng confidence.

“Here!” Masayang sabi ni Tita Ame nang makarating kami sa kanila para kunin ang ginawang disenyo para saamin ni Daniel.

“Wow, Tita ang ganda!” Sabi ko manghang-mangha sa mga ginawa niya. Bale tatlong set iyon. Sports uniform, introduction attire tapos evening gown.

Our team choose racer. ‘Yung mga attire ko ay kuhang-kuha din sa theme ng team namin, red.

“Ayan! Ang ganda-ganda mo talaga Haven!” Tita Ame commented as he finished on putting my make-up.

Inaayos naman ni Tita Lily ang buhok ko. Naging personal na make-up artist at hair stylist ko talaga sila. Boryong-boryo na sa buhay.

“Damn.” Napalingon kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Hari. Kaagad siyang binatukan ni Tita Lily dahil sa pagmumura niya.

“Isang mura mo pa, Hari.” Banta ni Tita Lily. Natawa naman kaming lahat dahil lukot na lukot ang mukha ni Hari habang hinihimas ang parte kung saan siya binatukan ni Tita Lily.

“Wow! Si Haven ba talaga 'yan? Nasaan na ang partner ko! Pangit 'yon eh! Bakit biglang gumanda?!” OA na sabi ni Daniel nang makapasok sa dressing room ko.

Binato ko naman siya ng bottled water pero nasalo niya iyon.

Binatukan naman siya ni Yari, galit na galit ang mukha. “Anong panget?! Ikaw ha, ‘wag na 'wag mong liligawan si Ate Haven! Panget pala ha! Kapag niligawan mo si Ate Haven, I swear, imumudmod kita sa tae ng baboy!”

Natawa kami sa sinabi ni Yari. Manang-mana ang bibig kay Tita Sarina. Ganyan din daw kasi si Tita Sarina noong nag-aagawan sila ng lupa ni Tito Yassir.

“Nagbibiro lang eh!”

Nagsimula na ang pageant, at gaya nga ng sabi nila ay dumalo ang lahat—as in lahat ng Sierra!

“Wooah! Go, Haven! Mahal ka namin!” Sigaw ni Tita Nika, kasama niya ang kambal at si Tito Elio maging sila Kuya at Harry.

Tumatalon naman ang mga bata para i-cheer din ako. Ang ko-kyut!

Nabigla ako nang hawakan ni Daniel ang kamay ko. “You’re tensed. Just follow my lead and we'll get through this.”

I smiled at Daniel's sweet words. “May ibibigay ako sa'yo kapag nanalo tayo.”

Bigla namang nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. “What? Aren’t you confident, Haven? Trainer mo si Tita Ame—one of the famous supermodel! Ang mahal ng PF no'n! Make-up artist mo pa, tapos wala kang kumpiyansa sa sarili mo?”

I bit my lips at Daniel's words. Niyakap niya naman ako at inalo. “Huwag kang kabahan. Matalo man o manalo at least you enjoy the event. May gift parin naman ako sa'yo kahit matalo tayo. But—I want you to give your all. Be the best and slay them all!”

Natawa ako sa sinabi ni Daniel. Inayos niya kaunti ang buhok ko at ang damit ko. Such a caring and gentleman ever!

The pageant started, and just what Daniel wanted, to give all my best. And I did. I walked like I owned the whole stage; with the sweetest and brightest smile I could ever give. Tuwang-tuwa naman ang pamilya ko at ang mga Sierra na makitang confident akong rumarampa sa stage, dominating the whole ramp.

“Go, Haven!”

“Go, Cheska!”

Sobrang lawak naman ng ngiti ni Daniel nang makitang nagsasaya ako habang rumarampa.

And as we moved to the next stage, Tita Ame and Tita Lily helped me up to change into my sports attire. Habang ganon din si Daniel. Alam kong nire-ready narin ni Hari ang motor na gagamitin namin ni Daniel—oo, gagamit kami ng motor na sports motor as our prop.

Nang tawagin na kami ni Daniel ay pareho kaming lumabas sa magkabilang gilid at sinalubong ang isa't isa sa gitna ng stage. We did several poses bago bumaba kung saan naroon ang judges at ang motor.

Kasali sana si Tita Ame sa judges pero ayaw niya dahil alam niyang papaboran daw niya ako kaya hindi na siya sumali kahit na pinipilit siya ni Miss Raine na kaibigan niya.

I stayed at the center and waited for Daniel to come and picked me up with his motor. Nang huminto siya sa harapan ko ay kaagad din akong sumakay doon, bitbit ang flag ng team namin.

And I heard screams and cheers as I stood on the motor while Daniel was driving it not so fast, while I waved our flag with the brightest smile.

Manghang-mangha rin ako nang sila Baste at Gen na ang rumampa sa stage. They're look professional model as they walked together. Bagay na bagay nga silang dalawa. May ilalaban ba ako kay Gen? Napakaganda niya at wala na atang ibang babagay pa kay Baste kundi siya lang.

My heart hurts with that fact. Bakit ba kasi pinagpipilitan kong sarili ko kay Baste?

At nang ia-announce na ang nanalo, nanalo sila Baste at Gen, second place naman kaming dalawa ni Daniel dahil naka hakot pa kami ng awards.

Nasa backstage na kami ni Daniel at nagliligpit ng mga gamit, tinulungan ako nila Kuya Vin at Tita Nika.

“Here,” napalingon ako kay Daniel nang magsalita siya.

Nakalutang ang kamao niya sa ere, kaya nagtataka naman akong napatingin sa kanya. “My gift.”

Napatingin ako sa kamay niya nang ibuka niya iyon at nagulat ako nang mahulog ang kwintas sa kamay niya, at dahil sa pagkataranta ko at sinalo ko pa iyon pero nakatali pala sa daliri niya.

“Alam mo bwiset ka talaga kahit kailan!" Sigaw ko kay Daniel.

Tumawa naman siya at muling tinaas ang kamay na may hawak na kwintas. “Alam mo, bawas-bawasan mo ang pagkakape mo! Masyado kang niyerbiyosa!” Singhal niya saakin habang natatawa parin.

“Heh!” Asik ko sa kanya.

Kinuha ni Daniel ang silver necklace na nasa kamay niya, may pendant iyon na pangalan ko. Inabot ko naman ang palad ko sa kanya pero kaagad siyang nagtungo sa likod ko at sinuot ang kwintas na iyon saakin.

“With this necklace, may you forever remember the beauty that resides within and around you, a radiant truth amidst life's storms. Despite any harshness you face, know you are my timeless muse, Haven, ever enchanting and cherished.”

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Miamore19
Huhuhuhuhu
goodnovel comment avatar
Miamore19
Daniel ahhhh
goodnovel comment avatar
invutaeyeon
Sana all may Daniel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status