Share

4 - Proposal

“Huli!”

“Hari!” Sigaw ko nang tumakbo palayo si Hari bitbit ang sketchpad ko. Nakakayamot! May mga drawing ako ng mukha ni Baste doon!

Kapag nalaman iyon ni Hari, malamang ay aasarin ako no’n! At baka sabihin pa nga kay Baste!

Nasa may field ako ngayon, may praktis sila Daniel kaya nandito ako, hindi nga lang para manood, kundi para mag-drawing.

Pinilit kasi kai ni Daniel na manuod ng praktis nila, kahit sa praktis nalang daw. Hindi ko nga alam kung bakit pinipilit ako, pero kapalit ko nalang sa kanya iyon sa pagtulong at suporta niya saakin noong nakaraang linggo sa sportsfest pageant namin.

“Ano ito? Si Baste ito a?” Takang tanong ni Hari.

I cursed beneath my breath. Napatayo ako kaagad para kunin ang sketchpad, pero kaagad siyang lumayo at tumatakbo patalikod.

“Si Baste nga! May crush ka kay baste?” Manghang tanong ni Hari habang tumatakbo parin.

“Akin na Hari!” Sigaw ko pilit siyang hinahabol. But his legs are too long for a short girl like me! Argh!

Tawang-tawa naman si Hari habang patuloy parin sa pagtakbo para hindi ko makuha sa kanya ang sketchpad ko.

“Nakakainis!” Sigaw ko at umupo sa damuhan. Napatigil naman si Hari at naniningkit ang mga matang lumalapit saakin.

“Oh!” Inabot niya saakin ang pad, kaya napangiti ako. Aabutin ko na sana iyon nang muli niyang kinuha.

Mabuti nalang ay hindi pa nakakatakbo kaya tumalon ako sa kanya.

“Cheska!” Sigaw niya nang maramdaman nalang na matutumba kami dahil sa gulat niya.

At hindi nga kami nagkamali dahil natumba siya. Nasa top niya ako, napadaing naman siya dahil sa pagkakatama ng kanyang likod sa damuhan.

“Ang hina mo naman pala. Hindi mo ako kayang buhatin!” Natatawang sabi ko habang inaayos ang sarili ko.

Pero hindi pa ako nakakaalis sa top niya nang hagitin niya ako papalapit sa kanya. Gulat na gulat ako sa ginawa niya dahil halos maglapat na ang aming mga labi.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa ni Hari. Titig na titig ako sa mga mata niya. His eyes are deep, intense and magnetizing green eyes. Kamukhang-kamukha ni Hari si Doc Yasmir, para silang pinagbiak na bato.

Gumalaw si Hari at nagulat ako ng halikan niya ang tungki ng ilong ko. “You’re beautiful, Cheska.” He said in a low and deep voice, that made me feel nervous at the same time... excited?

My heart skipped a beat when he said those words. Napakurap ako ng ilang beses hanggang sa narealize kong nasa harapan niya parin ako kaya mabilis akong gumapang palayo sa kanya pero nasagi ko ang... shit...

“That's not how you gonna touch that, Cheska.” He said in a deep and husky voice.

I gasped when I sense I'm in trouble. Shit!

“H-hoy! H-hindi ko sinasadya...” kinakabahang sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Alam kong namumula na ako sa nangyayari sa amin ngayon ni Hari.

“Cute,” Hari muttered and pinch my side cheeks.

Sinamangutan ko naman siya pero muling napatawa lang ang lalaki. "Too innocent. Hmm." Wika niya pa.

Hindi ko alam kung may pinapahiwatig ba si Hari doon. Anong inosente? Ako? Huwag niya lang subukan! At mananagot talaga siya saakin!

Inalalayan ako ni Hari na tumayo at hindi na muli ako inasar pa. He also fetch my things up that was on the ground and held my hand.

“Let's go home, baka hanapin ka na ni Tita Nika.” He said in a serious voice. Medyo nagulat ako sa pag-iba ng ugali ni Hari—I mean, he can be like that to anyone but not me.

He looks more manly in front of me now.

“Hoy!” Binatukan ko siya. Napadaing naman siya at sinamaan ako ng tingin. “Matanda parin ako sa'yo ng dalawang taon! Kung makapag-utos ka parang kuya kita ah!”

“Shit. That hurts, Cheska!” He groaned as he scratch the back of his head.

I grinned at him. “’Yan makukuha mo saakin kapag inutusan mo pa ako!”

He shot me a death glare, pero nag-belat lang ako sa kanya. Tinignan ko ang field para hanapin si Daniel at nang makita ko siya ay sinigawan ko siya. Medyo malayo kasi siya saamin, at nasa ibabang parte siya.

“Daniel!” I called out and wave my hands on him. Nang mapalingon siya sa gawi namin ay nag sign ako na uuwi na kami. Nag-approved naman siya habang tumango kaya nag wave ulit ako ng kamay para magba-bye sa kanya.

Muli siyang tumakbo sa kasamahan niya at nasalo ang bola ng football kaya lumakad na ako. Doon ko lang namalayan na malayo na si Hari kaya tumakbo pa ako para habulin siya.

At nang malapit na ako ay tumalon ako sa likod niya. “Go horsey! Faster!” Asar ko sa kanya.

“What?! Do I look like a horse, Cheska?!” He said, frustration evident on his tone. Hindi ko man kita ang mukha niya, pero halatang-halata sa kanyang boses na galit siya nang tawagin kong kabayo. Pft.

I giggled and made a move that almost make us stumbled. Kung hindi lang nakapagbalanse kaagad si Hari ay paniguradong matutumba talaga kami.

Wala nang masyadong estudyante dahil kanina pa naman ang uwian at mag didilim na.

“Fuck.” He cursed beneath his breathe.

“Hiyyaaah!” I teased and giggled.

“Ah ganon.” Seryosong saad ni Hari.

Napasinghap ako nang hawakan niya ang magkabilang hita ko at mas diniin iyon sa likod niya para mahawakan ako ng maayos at hindi mahulog. In a second, he ran.

Humigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa leeg niya na halos masakal ko na siya.

“Hari!” Sigaw ko sa kanya pero hindi siya tumigil.

Rinig ko pa ang pagtawa niya habang tumatakbo siya. Hindi naman gaanong mabilis, pero kung hindi ako nakahawak sa kanya at hindi niya ako hinawakan ay malamang nahulog na ako.

"Kabayo pala ha! Sa gwapo kong 'to ginawa mo lang akong kabayo?!" Natatawang sabi ni Hari.

Nakarating kami sa parking lot at huminto ang sasakyan sa tapat namin kaya binaba narin ako ni Hari tsaka niya ginulo ang buhok ko.

"Baka ibang kabayo na sa susunod, Cheska. Be careful." Napalunok ako ng sabihin iyon ni Hari bago niya buksan ang pintuan ng sasakyan para makapasok ako.

Ilang beses akong napakurap. Anong kabayo ba? Totoong kabayo?! Teka—may iba bang kabayo?!

"Gusto ko no'n!" React ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Hari pero kaagad ding napakunot ang noo. "What?" Hindi mapakaniwalang tanong nito.

"Sabi mo baka ibang kabayo na," I said while thinking about those horses I could ride. Anong kulay kaya? Puti? Brown? Wait! The black looks appealing though! I mean, I haven't tried one, gusto kong ma-try!

"What do you mean, Cheska?" Nalilitong tanong ni Hari kaya napakunot ako ng noo. "Kabayo, Hari! Gusto kong masubukan! Hindi pa ako nakakasakay ng kabayo!"

Biglang napatawa si Hari sa sinabi ko kaya mas lalong kumunot ang noo ko. "What?!" Asar kong tanong sa kanya.

"Sorry, I'm thinking something else." He said while grinning and wiping his tears away from his side eyes.

I pouted and furrowed my brows. "Ano ba iniisip mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kabayo." Kaagad na sagot niya.

Hindi parin nagbabago ang ekspresyon ko. "Oo, kabayo nga. Pero mukhang iba ang nasa isip mo!" Singhal ko sa kanya, pero muli lang siyang napatawa at tinulak na ako papasok sa loob mg sasakyan.

"Nuh, don't think about it. I might really do that if you keep asking, Cheska."

My jaw dropped. Kabayo! Lintek na kabayo!

It took me minutes before I could realize what kind of kabayo ang nasa isip niya! Shit!

Mukhang napansin ni Hari ang ekspresyon ko nang makapasok siya sa loob ng sasakyan. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at ako naman ay todo iwas ng tingin sa kanya.

“Mag kakabayo tayo sa sabado,” natatawang sabi ni Hari. Kaagad ko naman siyang pinaghahampas ng kamay sa kanyang dibdib at balikat, pero tawa lang siya ng tawa.

“Horses, Cheska. May kabayo kami sa Tagaytay na resort. Let's go there this weekend.” Paliwanag niya pa.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin at nagtago ng mukha sa bag na hawak ko. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko. Kainis! Nakakainis!

“Tita, pwedeng hindi nalang ako mag-debut please? Kahit tayo-tayo nalang.” I pleaded Tita Nika as they told me their plans on my birthday.

“Tayo-tayo lang din naman, Ven. Mga Sierra at classmates niyo.” Sagot ni Tita. Napakagat ako ng labi, but my pleas are worthless.

My birthday came, sobrang saya ko dahil ang gandang regalo na binigay ito nila Tita Nika saakin. I really felt like I was a real princess with my elegant and sophisticated ball gown.

Everything felt surreal. It was magical. The whole ballroom was filled with flowers, and elegant designs. Far from what I had before—no, I never ever got a chance to have a birthday celebration and this is so memorable.

Especially having Sebastian on the list of my 18 roses.

“You look... Beautiful, Haven.” He muttered.

Hindi ko alam kung nakikita niya ba ang pamumula ko dahil may make-up ako, siguro kung hindi ay baka nakita na niya iyon at pwede na akong lamunin ng lupa.

“Bakit? Dati ba hindi?” I shot back. He let out a soft chuckle before spinning me on the ground and bowed as he ended the dance.

Napasimangot ako pero sinubukan ko ulit ngumiti nang si Daniel na ang sumunod na sumayaw saakin.

“Ang panget mo parin kahit naka make-up ka.” Pangangasar niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tumawa lang ang gago.

“I have a proposal for you, Haven.” He said, grinning. I furrowed my brows in curiosity.

“Proposal? Kung papakasalan mo ako, hindi tayo talo. Iba ang crush ko at hinding-hindi ikaw iyon!” Mahinang sigaw ko sa kanya tumawa naman siya at inilapit ang mukha niya saakin, mga labi niyang nasa tenga ko na, dahilan para magsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.

“I know. Palagi ka kayang nakatitig kay Baste.” Bulong niya.

Nilingon ko siya pero nagulat ako nang nakatingin narin pala siya saakin. We almost kissed! In front of everyone! Taena! Anong pinaggagawa mo, Daniel?!

“Paano mo nalaman?” Tanong ko sa kanya. Muli siyang tumawa at nilayo ang sarili niya saakin tsaka ako inikot at nag-bow hudyat na tapos na ang pakikipagsayaw niya saakin.

Hari came in next to Daniel at tawang-tawa naman siya nang makita ang lukot kong mukha.

“Someone's being grumpy again. Na akala ko ay hinding-hindi mauubusan ng energy.” He smirked, kaya napahampas ko siya sa braso.

"Ang hilig niyo talagang mangasar." Inis kong sabi sa kanya.

Napataas naman ang kilay niya. “Did Daniel make you furious again? Hindi na ako magtataka kung balang araw ay magiging kayong dalawa.” Sabi niya as he sway me on the dance floor.

“’Di mo sure,” inis kong sabi sa kanya. Pero natawa lang si Hari. “Anong hindi sure, ni parang aso't-pusa kayo kung mag-away.” Natatawang sabi niya.

“f he became your first boyfriend, they I'll support you all the way. Huwag ka lang sasaktan at ako ang mananakit sa kanya.”

“Gago ‘to. Anong boyfriend?! Study first. Magiging nurse pa ako katulad ni Tita Nika.” Muling natawa si Hari at ginulo ang buhok ko kaya ako napasimangot. Ilang oras na inaayos ang buhok ko tapos sisirain nila?!

Hari, like the others spins me around and when I turn to face him, he bowed.

The dancing went on with the several Sierras and with my Kuya and Tito Elio as my last dance.

Gusto ko kasi si Tito Elio last dance ko as he prepared all of these to celebrate the day where I will turn into a lady.

“So, how's the dancing with your seventeen roses? Have you picked one for your future boyfriend?” Tito Elio joked.

Napasimangot ako pero natawa siya. “Hindi ka namin pagbabawalan, Haven. We know that you already know what to do, the limits and all. You're now a grown lady, and you deserved to be felt loved too. Be happy, iyon lang ang hinihiling namin ng Tita Nika mo para sa'yo.”

The dance and ceremony ended. Dinner started at pinapaikot ako sa buong ballroom to have photos with my guests. Halos puro mga Seirra lang ang kasama namin at mga classmates kong nakakairitang kasama. Ang pa-plastic dahil kasama ko ang mga Sierra, parang nagpapabango sa kanila.

Lumabas ako ng ballroom para magpahangin saglit. At nagulat ako nang makita ko si Baste na mag-isa malapit sa pool.

Sa clubhouse ginanap ang birthday ko. Sobrang lawak naman ng ballroom doon dahil dito din halos nagbi-birthday ang mga Sierra. Malalaki din naman ang mga mansion nila, pero mukhang ayaw na ayaw nilang nagpa-party sa mansyon nila kaya lagi dito sa clubhouse or sa mga hotels and resorts nila sila nag pa-party.

“Baste!” Tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya tsaka ngumiti nang makita ako.

“Anong ginagawa mo dito? Malamig ah,” sabi ko ngumiti lang ulit siya tsaka napatingin sa kalangitan. Napatingin din ako doon at namangha ako kung gaano karami ang mga bituin sa paligid.

“Happy birthday, Haven.”

Muli akong napatingin kay Baste nang sabihin niya iyon.

“Thank you,” pasalamat ko. Umupo naman ako sa tabi niya at tahimik lang ding nagmamasid sa paligid.

“Bakit ka nandito? Si Gen hindi mo ata kasama.” Tanong ko kay Baste. Himala kasi nang hindi ko makita si Gen. Lagi kasi silang magkasama.

“She's at their home. Medyo masama pakiramdam.” Sagot niya. Kumunot naman ang noo ko.

“Bakit hindi mo puntahan? Baka kailangan ka ni Gen!” Sabi ko sa kanya. Muli siyang napatingin saakin, “I can't miss your birthday too, Haven. Baka magtampo ka kung uunahin ko si Gen.”

Gusto kong sabihin na magtatampo talaga ako, pero ano ba ako sa kanya? Gen is his girlfriend. Mas importante si Gen kesa saakin, what he was thinking?

“Grabe naman sa tampo!” Singhal ko sa kanya tsaka tumawa. “Gen is your girlfriend, Baste. Hindi naman ako ganon kababaw para magtampo kaagad. Tsaka anong laban ko sa girlfriend mo, kaibigan lang naman tayo.” Nakangiting sabi ko habang nakatitig sa kalawakan.

Pero habang nakangiti ramdam ko ang kirot sa dibdib ko.

“Right. We’re just friends. I have to go,” tumayo siya at inayos ang sarili.

Aalis na sana siya nang muling mapatingin siya saakin at may kinuha sa bulsa. Isang maliit na box.

“Happy birthday again, Haven.” Inabot niya saakin iyon bago tuluyang umalis.

“Ano na? Will you consider my proposal?” Halos mapatalon ako sa biglaang pagsulpot ni Daniel sa tabi ko.

“Ano naman iyon?” Takang tanong ko kay Daniel. “How will I consider it when you haven't told me, idiot.” Inis kong sabi sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko tsaka niya hinawakan ang mukha ko at inilapit sa kanya.

“Clearly that Sebastian has a crush on you, but he already has Genevieve...” He whispered.

Napakunot naman ako ng noo. “Eme ka, Daniel. Huwag mo nga akong guluhin!” Inis kong sabi sa kanya.

I startled when he brush his thumb into my lips. It electrifies me. The way he brushed it makes my body trembles.

Bakit ba ganito ang epekto niya saakin? Such a flirt!

“So, here's my proposal,” he started and pulling his body away from me.

Doon ko lang narealize na pigil na pala ang paghingang ginawa ko nang makalapit siya. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pagkakatibok nito.

“What?” I asked again, getting irritated.

“You knew how many fans I have right? And it's irritating me pushing themselves to me.” He said nonchalantly as he stared at his fingernails.

“So?” I asked, trying to find what his point.

“Be my fake girlfriend, Haven. It benefits the two of us. Me getting away from my fans, and you, making Sebastian jealous of us. What do you think?”

Napanganga ako sa sinabi niya. I was about to utter a word when Daniel kissed me on my lips. Kakawala na sana ako nang hawakan niya ang leeg ko at inihila pa palapit sa kanya.

“Shh, Sebastian is watching. Go with the flow, baby.” He said in a husky voice that made me feel weak.

Ano ba ang nangyayari saakin?

Daniel kissed me once again, and as what he wanted me to do, to go with the flow—I kissed him back. I cursed between my breath when I felt something. Something that wants me to have more than just a kiss. Am I being crazy?

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
venyang
Huuuy Ven! Talandiii
goodnovel comment avatar
venyang
Aba may balak HAHAHA
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status