Pag-akyat ko ay nakita ko silang nagkakagulo sa living area—the girls were playing Jenga, the boys were starting to drink outside in the bar area, and Finn and Hari were grilling some BBQ for dinner tonight. I didn't see Daniel, though. I wonder where he could be?“Haven, right? Come and join us!” Aya saakin ni Isla. I excitedly took a seat with them, even though my eyes were searching for Daniel.Naglaro kami ng jengga at ang matatalo ay pipitikin sa tenga. At ako na hindi masyado kagalingan ay laging natatalo.“Ayoko na nga!” Naiinis kong sabi. Tawang-tawa naman sila nang makitang namumula na ang tenga ko. Magkabilang tenga talaga! Nakakaasar.“I didn't know you weren't a great player, Ven,” Ana said with a chuckle.Naningkit naman ang mga mata ko sa sinabi ni Ana. At ang babae ay natawa lang. “Do I look like a player?”Tumawa naman ulit sila at pinalo pa ako ni Mila sa balikat. “Hmm, hindi naman, pero mukha lang naman.”Mas lalong naningkit ang mga mata ko sa sinabi nila. “Parang i
Nang matapos akong maligo ay lumabas ako muli, nakasuot ng tank top at dolphin shorts. Nakalimutan ko kasing magdala ng pajama nakakainis. Sa sobrang excited ang dami kong naiwan sa bahay.Pagkalabas ko ay kaming dalawa palang ni Isla ang nasa sala. Naghahanap siya ng pwedeng panoorin sa tv habang balot na balot sa kumot at may hot citrus tea na hawak.“Nilalamig 'yan?” Natatawang sabi ko sa kanya.“Bwiset kasi, ang tagal namin nagbabad doon. Kaya binilisan ko na ang pagligo at feel ko lalagnatin ako.” Iritadong sabi ni Isla, tsaka bumahing pa.“Uminom ka na ba ng gamot? Tignan ko kung may dala ako.” Aalis na sana ako nang tumango si Isla.“Girl's scout a. Binigyan na ako ni Hari.”Napaupo naman ako sa tapat niya. “Anong girl’s scout. Future nurse ‘to.” Pagmamayabang ko.“Then, I'll be in your care, Nurse Haven.” Yumuko pa ito para magbigay ng pugay kaya binato ko ang unan sa kanya tsaka natawa.“Gaga, nasa pangangalaga ka na ni Doc Hari.” Natatawang sabi ko.Naningkit naman ang mga ma
“Hari!” Sigaw ko kay Hari nang kinuha niya ang novel na binabasa ko.Nasa loob kami ng yate at naghahanda sila para sa paggala mamaya sa Batangas. Sumasakit kasi ang puson ko at tingin ko magkakaroon ako mamaya, kaya nagpasya akong mag-stay nalang muna.Nagpaiwan si Daniel para alagaan ako, maging si Baste ay nagpaiwan din dahil may videocall sila mamaya ni Gen na nasa Paris ngayon dahil sa fashion week.Tumakbo si Hari, kaya hinabol ko siya kaagad. Erotic novel iyon, pinabasa sa akin ni Nova para hindi daw ako maboryo sa yate. Bakit ba kasi ako nagbabasa sa labas ng yate?! Kaasar!“Akin na sabi!” Sigaw ko, at hinahabol parin siya. Nasa upper deck na kami at nagpapatintero sa lamesa.“Ano ito, Cheska?!” Sigaw ni Hari nang mabasa ang iilang linya. Nasa SPG na part na kasi ako, at inagaw pa nga ni Hari.“Dahan-dahan niyang hinahaplos ang katawan—what the heck?!” Nanlaki pa ang mga mata niya nang mabasa ang iilang linya.Babasahin niya pa sana ulit iyon nang kinuha iyon ni Baste at siya
The game continued with laughter and playful banter until Daniel spun the bottle. It slowed and finally pointed directly at Hari. Hari, who had been laughing moments before, suddenly fell silent and pouted. With a sigh, he picked up a piece of paper from the fishbowl and revealed the word 'Dare'.“Kissed the one you like here,” Daniel said out loud, his voice carrying a teasing tone.Hari’s expression shifted as his gaze locked onto me. My heart began to race at the intensity of his stare. It felt like he was contemplating the dare with a mixture of desire and hesitation.Walang salita-salita ay kaagad na inabot ni Hari ang dalawang shots ng gin at kaagad na nilagok iyon. The room fell silent, with everyone watching his reaction with curiosity.“Woah. May crush ka dito, Hari?” Leo asked, clearly surprised.Inakbayan naman siya ni Finn na katabi niya lang. “Sana hinalikan mo para makilala namin!” Natatawang sabi ni Finn.Napaiwas ako ng tingin dahil hindi matanggal-tanggal ang tingin n
Since that night, Daniel and I have become closer. As in closer, na hindi na mapaghihiwalay pa. Tawang-tawa naman si Nova habang tinitignan si Daniel sa pagiging clingy niya saakin, dahil mukha siyang tarsier na sobrang kapit na kapit saakin.Isla didn't say sorry about what happened last night, since it was just a dare. I did that to dare her, and she did it without hesitation. She also confessed to us—Daniel and I that she'd been eyeing him even before I came. But there are no hard feelings; Isla still treats us the same way as before. I hope it is still the same.Finn apologizes to me instead. “Pasensya na talaga sa pinsan ko, Ven. Ganyan talaga siya. Kaya nga problemadong-problemado si tita sa kanya kasi feel niya lahat ng ginagawa niya ay tama. Nasanay kasi sa kanila. Masyadong spoiled ng mga kuya at mga magulang.”Tumango nalang ako sa sinabi ni Finn about his cousin. I really don't understand, though. Mayaman naman silang lahat, pero hindi naman sila spoiled, especially Hari an
Warning: This chapter includes explicit sexual content and discussions of intimacy between characters. Reader discretion is advised.Kaagad kong itinulak si Daniel nang bumukas ang sliding door ng yate at pumasok roon si Isla na nagtataka kung anong ginagawa namin ni Baste. I bit my lips and bumped Baste’s body to continue my way outside, where all of them were staying and having fun.Nagtataka man si Isla ay hindi na siya nagtanong pa, but knowing her, maybe she would spread a word with her friends, or maybe even to Genevieve. Iniisip ko pa lang, alam kong susugudin na ako ni Gen.We keep sailing and make a day or two stop by the province na nadadaanan namin, para mamasyal, mamili ng mga pagkain, even souvenirs. Daniel and I took several photos together at minsan nakikiepal sila Hari, Theo, at Leo. We did dance tiktok too, together with the squad, and made the most of it. We brought a lot of delicacies from every province, and my favorite one is the piaya from Bacolod, especially the
Naglinis ako gano’n din si Daniel bago kami lumabas dahil tinawag na kami para sa hapunan. Nagulat ako nang makita ko si Isla at Nova na nasa hapag-kainan kasama sila Hari at Baste. Mabuti nga ay nawala na ang pamumula nang mukha ko dahil magmumukha akong kamatis habang kaharap sila.Anong ginagawa nila rito? Hindi pa ba sila nagsasawa na makasama kami? I mean halos isang buwan din kaming nasa karagatan, ng mga mukha lang namin ang nakikita namin sa yate.“Hiyyiee!” Bati ni Nova saamin.Ngumiti naman ako sa kanya at nakipagbeso. Ganon din ang ginawa nila Nova at Isla kay Daniel. Napatingin pa saakin si Daniel nang lumapit sa kanya si Isla kaya napangiti ako. He’s worried that I might get mad at him by letting Isla come to him. I actually not.Napatingin ako kay Baste na tahimik na kumakain, habang si Hari naman ay nakangiti saamin.“Are you sleeping here tonight? I will ask the maids to prepare a room for all of you.” Hari said with a smile. Such accommodating as ever.I bet Dra. Hira
I lost my appetite after that accidental kiss with Hari. Una si Baste, ngayon naman si Hari. Can’t they see that I’m in a relationship with Daniel?! With their friend?! Are they insane?!Nagkulong ako sa kwarto ko buong magdamag simula nang makauwi kami ni Hari. Naabutan pa kami ni Baste kanina na hindi nag-uusap, which is so rare between me and Hari—dahil napaka-close naming dalawa.Hindi na ikakagulat kung si Baste ang hindi ko nakakausap kasi it's so visible naman na hindi talaga kami masyadong nag-uusap, compared to Hari.Kinabukasan, kahit na alas diyes pa ng umaga ang klase ko ay maaga akong umalis. Classmates ko silang dalawa dahil parehong nursing ang kinuha naming tatlo. Kaya ayokong kasabay sila sa pagkain.Iniiwasan ko sila sa katahimikan naming lahat. Fuck. Ano ba kasi nasa isip nila? Hindi naman ako kagandahan para pag-agawan nilang tatlo!Pumasok ako sa library at pinili ko ang pinakadulo para mapatahimik naman ang buhay ko kahit papaano. Nilabas ko ang libro ko para bas
Nagdadabog akong pababa ng mansyon dahil sa inis ko kay Hari. Hindi kasi ako pinapansin dahil lang sa naging kami na ni Daniel. Kaya hindi ko na alam kung paano suyuin ang lalaki! Ayaw na ayaw ko pa namang may away kami. Nakakairita. “Oh? Anong mukha iyan?” natatawang saad ni Kuya Vin nang makita akong pababa ng hagdan. “Mukha ng maganda, kuya!” asik ko sa kanya. Kaya hindi na mapigilang mapatawa ni Kuya Vin. Inirapan ko ito pero kaagad din akong yumakap kay Kuya na siyang ikinabigla niya. “Aba, nagpapalambing ang prinsesa ko,” aniya tsaka niya sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang kamay.“Eh kuya kasi, si Hari nagtatampo! Hindi ko alam paano suyuin, ayaw akong pansinin.” naiiyak kong saad kay Kuya. Eto kasi ang unang beses na magkaroon ako ng kaibigan na nagtatampo sa akin kaya hindi ko alam kung paano siya suyuin. I never had a friend. At ang paglalayo ni Hari sa akin ay para na niya rin akong pinapatay. Kainis. Silang dalawa lang ni Daniel ang ka-close ko sa school, tapos la
Namamahinga ngayon sila Nika, Elio, kasama ang mga anak ni Elio na sina Vienna at Vlad, kasama rin ang mga pamangking ni Nika na sina Harvin, Haven at Hari sa isang food stall matapos maubos ang enerhiya nila kakapasyal sa loob ng isang amusement park. “Tita punta ulit tayo rito!” masayang wika ni Hari, kaya naman ginulo ni Haven ang buhok ng bunsong kapatid. “Aba nag-request pa nga!” natatawang saad ni Haven. Napangiti naman sina Elio at Nika nang makitang masaya ang mga bata. “Sa susunod, Disneyland naman,” wika ni Elio para mapatalon sa saya ang mga bata. Habang kumakain ay bigla silang nakita ni Yarianne, ang pamangkin ni Elio. Masaya itong tumakbo papalapit sa kanyang tito at tinawag si Nika. “Tita Nika! Tito Elio!” masayang pagtawag ni Yari para makuha nito ang atensyon ng dalawa. Kasunod ni Yari ang mga nakakatandang pinsan na sila Atticus, Sean, Hari, at si Sebastian. Kasama din nila ang mga kaibigan nila Hari at Sebastian na sina Daniel, Genevieve, Nova, Mila, Ana, Finn,
I was packing my things when the door swung open. At nang linungin ko iyon, ay nakita ko si Hari na papasok sa loob ng kwarto ko, nagtataka kung bakit niya ako nakitang nag-eempake. “Where are you going, Cheska?” tanong ni Hari nang hablutin nito ang kamay ko para mapatigil sa pagtutupi ng mga damit. “Far away,” I replied with a bright smile. Akala ko kaya ko nang mag-stay dito, kasama sila Hari at Baste, pero hindi ko pala kaya. Kaya naisipan ko na lang na magpakalayo, malayo sa kanilang dalawa. “Akala ko ba mananatili ka dito?” tanong niya. Muli akong ngumiti sa kanya tsaka ko hinila ang kamay ko para magsimula ulit sa pag-eempake. Mamaya ay darating na ang chopper na pinadala ni Tito Elio para sunduin ako at ihatid ako sa lugar na nais kong puntahan. “This mansion brought me so many memories, Hari. With you and Baste and everything that made me feel to not let it go, but I have to,” I paused. “Feel ko hindi ako uusad kung mananatili ako rito—” “Iiwan mo ako?” His voice crack
Napatitig ako sa mukha ni Daniel na puno ng sugat at namamaga dahil sa pagsuntok sa kanya ni Hari, habang nasa loob kami ng ospital. Halos hindi ko na makilala si Daniel sa kanyang mukha ngayon. Daniel’s been sleeping for hours since that happened, and I feel sad about it, kaya hindi ko siya maiwan-iwanan dito sa ospital room niya. Hawak-hawak ko ang kamay ni Daniel at marahang hinaplos iyon, at habang hinahaplos ko ang kamay niya ay siyang pagtulo muli ng mga luhang kanina ko pang pinipigilang pumatak. I held his hands tightly and rested it on my forehead. Silently praying that everything will be okay now. “Cheska.” Hari’s voice was firm and cold. Ngunit hindi ko siya nilingon. Anong mukhang ihaharap ko sa kanila? Sa kanya? “Daniel! Daniel!” rinig kong pagsigaw ni Mrs. Fortelejo kaya ay napatayo ako sa kinauupuan ko. Mabilis namang lumapit si Mrs. Fortelejo sa kanyang anak at naghinagpis ito nang makita kung gaano kasira ang mukha ni Daniel. Napaangat ito ng tingin sa
“Buti naman nakapunta ka, Ven. Akala ko ikukulong ka na ni Daniel sa condo niyo,” natatawang saad ni Sylus nang makita akong papalapit sa kanya. Inirapan ko naman ang lalaki tsaka ako lumapit kina Nova. “Ven!” tili ni Nova nang makita ako. I stared at her attire, she’s wearing a revealing red dress na hindi lalagpas sa kanyang tuhod. Naka-messy bun naman ang kanyang mahaba at kulot na buhok. Finn is on her side, nakahawak sa bewang nito tila ba binabantayan mula sa mga lalaking gustong lumapit kay Nova. Lapitin din naman kasi ng lalaki itong si Nova. “Buti nakapunta ka!” sigaw nito tsaka lumapit sa akin at nakipag-beso. Halatang nakainom na si Nova, dahil kanina pa naman sila dito at medyo hindi na rin tuwid ang kanyang tayo, habang ako ay pinipilit ko pa si Dan na makapunta ako dito, pero in the end, nagalit lang siya at hindi na ako kinausap. Sa galit ko rin ay tuluyan na akong nagbihis para puntahan sila, at isaya na lang ang galit na nararamdaman ko. “Siguro badtrip na naman
Warning: This chapter explores sensitive themes such as abuse and trauma experienced by the protagonist. Reader discretion is advised. “Huwag kang magulo, Sylus! Tatadyakan kita!” Inis kong sambit sa lalaki nang kinukuha nito lahat ng mga papers ko para basahin at koreksyonan. Edi sila na matalino! Partida Fashion Designer ang kinuha pero mukhang mas may alam pa sa Nurse kesa sa’kin. “Ang gwapo ko para tadyakan mo, Francheska!” anas niya tsaka dabog na pinatong sa lamesa ang mga papers ko, dahilan para mapatingin sa amin ang mga estudyante dito sa library. Inirapan ko ang lalaki at inayos ang mga papers para ipapasa na sana nang sulatan iyon ni Sylus para koreksyonan, kaya ay gagawa na naman ako ng panibago bago iyon ipasa. Nakakainis. Kung kailan deadline na ay ngayon pa talaga sumingit ang lalaki. “Yo!” singit naman ni Isaac sabay tapon ng bag nito sa tabi ko at uupo na sana nang itulak siya ni Sylus gamit ang paa nito. Edi sila na ang may mahabang mga paa. “Bawal,” anas ni
Habang tinatahak ang daang palabas sa building na ito ay siyang walang hanggang pagbuhos ng luha ko. I can’t stop crying. And I don’t know why I am crying. I did the same to Daniel. Siya itong dapat may karapatang magalit at umiyak dahil sa mga kasalanang ginawa ko sa kanya. Anong iniiyak mo, Haven? “Haven! Sandali!” rinig kong paghabol ni Daniel sa akin. Saktong nasa baba na kami ng kompanya nila, hindi naman na masyado matao dahil mag aalas otso na ng gabi. “Teka, Haven. Please, sandali lang!” There was desperation in his voice, pleading for me to stop. His footsteps were getting closer, pero hindi ko magawang lumingon sa kanya. Ang sakit. Ayokong makita ‘yung tingin sa mga mata niya—ang galit at lungkot, ang sakit. Sobrang sakit. Kaagad din akong napahinto nang hawakan ni Daniel ang kamay ko, hindi masyadong mahigpit, pero sapat na para pigilan ako sa paglayo. Kaya kaagad kong pinunasan ang luhang walang tigil sa pagpatak sa pisngi ko. “Please, Haven,” pabulong niyang sabi
DANIEL FORTELEJO “Dan, can you stay for a while? I need you in the company. I can’t do it all alone,” pakiusap ni mommy habang nanghihina itong pinupunasan ang katawan ni daddy. Na-stroke si daddy nang malamang bumabagsak ang company namin matapos na magkaroon ng malaking issue sa bridge na pinapatayo sa Bohol-Cebu, na bumigay ang iilang bahagi nito. So far, wala namang nasaktan sa mga empleyado namin. Iyon nga lang, nawalan ng investors ang konpanya namin at binawi sa amin ang proyektong iyon. We had already lost millions because of that project, and now the government is demanding a refund for the money we spent on building the bridge. But how? All the payments they gave us had already been used for the project. We can't refund the money because if we do, we'll lose even more, leaving us with nothing. That’s why I pushed to finish the project. I knew it was our only hope. I worked tirelessly, day and night, organizing every detail, overseeing construction, negotiating with suppli
Kumain kami ni Hari na para bang walang nangyari sa aming dalawa. He keeps serving me food, habang patuloy ito sa paghigop ng kanyang sipon gawa ng pagkakaligo sa ulan at sa iyakan naming dalawa. Napanguso ako habang patuloy ito sa pagbabalat ng hipon para makain ko. Tulad ng sabi niya ay kakain kami no’n sa araw ng birthday ko. “Just eat a few, dalawa lang pala, ayokong mag-alala si Tita Nika,” ani nito sa marahan na boses. Medyo iba na rin ang boses nito. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang tumutulong sipon sa kanyang ilong. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa kanya, dahil nakanguso ito habang pinupunasan ang ilong. “Sino daw magkakasakit?” I teased. Sinamaan niya naman ako ng tingin, pero kaagad ding huminga ng malalim. “I didn’t know you have strong immune system than I do, partida pareho pang doctor ang mga magulang ko, tsk.” asik niya habang patuloy pa rin sa pagpunas ng kanyang ilong dahil ayaw na atang tumigil sa pagtulo ng sipon sa kanyang ilong. Napailing na la