Sa huli ay walang nagawa si Claire kundi ang pilitin si Manson na sumama sa kanya para katagpuin si Luke upang hindi ito mag-isip ng kung ano-ano. Alam niyang pinagseselosan ng asawa si Luke pero dahil gusto niyang magpasalamat sa perang natanggap mula rito kaya pinaunlakan niya ang paanyaya nito. Nang makarating sa restaurant na usapan nila ay nagsisi si Claire kung bakit isinama pa ang asawa dahil wala itong ginawa kundi ang matalim na titigan si Luke sa buong sandaling kumakain sila. Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa binawian ng buhay si Luke. “Claire, natutuwa ako at pinaunlakan mo ang paanyaya ko. Kaso nga lang…” sumulyap ito kay Manson. Umangat ang isang kilay ni manson at malamig ang boses na sinagot si Luke. “Kaso lang ay ano? Na narito ako? Well, you wish, Mr. Del Vega… damn it! I can’t even say your surname. Why does it have to be the same as you?”Mahinang napatawa si Luke at sumandak sa upuan habang nanatili ang tingin kay Claire. “Why not? If you have a lot
Hindi maintindihan ni Claire kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Naikuyom niya ang kamao at nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Manson. “Sundan mo sila,” malamig ang boses na utos niya sa driver habang nakahalukipkip na sumandal sa sandalan ng sasakyan. “Yes, maam,” tugon nito na may takot ang boses. Minsan lang nito makita kung paano magalit si Claire kaya maingat ito sa pananalita at baka ito ang mapagbuntunan niya ng galit.Muli niyang kinontak ang cellphone ni Manson at nagbabakasakali na sumagot ito. Pero tulad kanina ay naka-off pa rin ang cellphone nito. Lalong nagngitngit sa inis ang puso ni Claire. Anxiety and jealousy were slowly eating her inside. Sari-saring senaryo ang naglalaro sa utak niya kung ano ang ginagawa nina Manson at Veena ngayon. Am I overreacting without seeing the whole picture? Ilang minuto na silang nakasunod sa kotse ni Manson nang muling nagsalita ang driver. “Maam,” tawag nito.Nag-angat ng tingin si Clai
Walang nakasagot sa sinabi ni Manson dahil mula sa emergency room ay nilabas ang nasa stretcher at walang malay na si Veena. Kaagad na lumapit dito si Mr. del Coltre at Mr. Pherie pero ang mag-asawa ay nanatili sa pagkakaupo sa waiting area. “Kumusta ang anak ko?” Hindi sinagot ng nurse na nag-aasikaso kay Veena si Mr. del Coltre dahil nagmamadali ang mga ito na dalhin sa CT scan si Veena upang alamin kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Habang si Mr. Pherie ay nakasunod ang tingin sa papalayong stretcher at hindi nito mapigilang magkomento saka masama ang tingin na tumingin kay Manson. “Tingnan mo kung paano ka pahalagahan ni Veena para iligtas ka sa aksidente. Kung hindi niya ginawa ‘yon, sa tingin mo sino ang nakahiga ngayon sa stretcher upang ipasok sa CT scan?”“Hindi ko naman sinabi sa kanyang iligtas niya ako. I could avoid that even without her help.”“Ano bang nangyayari sa ‘yo, Manson?” Tumaas ang boses ni Mr. Pherie. “Nasaan na ang magandang pinagsamaha
Matapos ang tawag ni Claire ay napagpasyahan ni Manson na lumabas upang manigarilyo para alisin ang antok na nararamdaman. Wala pa siyang tulog pero dahil sa pamimilit ng kanyang ama at magulang ni Claire ay hindi siya makauwi para magpahinga. “Manson, ikaw ang dahilan kung bakit nasa ospital si Claire. Pababayaan mo na lang ba siya at hindi man lang aasikasuhin?”Napapailing na lang si Manson nang maalala ang sinabi ng ina ni Veena.. “Huwag mo nang pansinin ang aking madrasta. Pagdating kay Veena ay walang tama sa paningin niya.”Nilingon ni Manson si Vincent na hindi niya alam na nakasunod na pala sa kanya. Mahina niyang ibinuga ang usok ng sigarilyo at saka tumingin sa malayo. Nasa labas sila ng ospital kung saan ang designated smoking area para sa mga bisita. Ang totoo, hindi ang sinabi ng ina ni Veena ang iniisip niya kundi si Claire. Nag-aalala siya na baka kung ano-ano na naman ang iniisip nito lalo na at tumawag pa ito kay Vincent para lang makausap siya at alamin kung ano a
Dumating ang araw ng sabado at biglang inimbitahan ni Nana sina Claire at Manson na pumunta sa mansyon ng mga ito para mananghalian. Claire felt conflicted. Ang huling pagkikita nila ni Nana ay nasaktan niya ito dahil sa divorce agreement na pinilit ni Mr. Pherie. At ngayon nga ay bumalik siya, bagama’t nahihiya ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang puso. “At sino naman itong magandang babaeng bisita natin? Ang alam ko ay wala ng asawa ang apo ko.” Napangiti si Claire at napakamot sa batok dahil sa pabirong pagbati sa kanya ni Nana. Kaagad siyang lumapit dito at nagmano. “Nana…” mahinang tawag niya. Nakaupo ang matanda sa pang-isahan upuan sa hardin kasama ang asawa nito, ang lolo ni Manson. “Ako lang po ang nag-iisang magandang asawa ng apo ninyo.” Malawak ang ngiti ni Claire habag nakatayo sa harap ng matanda. Yumuko siya ng inabot nito ang magkabilang pisngi niya at marahan iyong hinaplos. “Claire, iha. Salamat naman at bumalik ka. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan noong
Tumaas ang sulok ng labi ni Manson at puno ng pananakot ang mata habang nakatingin sa namumutlang si Veena. Ni hindi nito maituloy ang pagkain dahil nanginginig ang kamay na nakapatong sa mesa. “Wala ka bang sasabihin, Veena?” malamig ang boses na tanong niya rito. Hindi niya gusto ang ginawa ng mag-ama na paglaruan siya kaya lalaruin din niya ito. Manson is not a petty man, but when you mess with his feelings, he will never back down until he gets his revenge. Tila naging estatwa ang katawan ni Veena dahil hindi ito nagsalita. Nanlalaki lang ang mata nito habang nakatingin kay Manson. Biglang sumabad ang kanyang ama at tiningnan siya nang masama. Kumalampang ang kutsara nang malakas nitong inilapag iyon sa mesa. “Ano’ng bang gusto mong palabasin, Manson? Are there things that Veena needs to say that I ought to know? Tingnan mo ang kababata mo at nanginginig na ‘yan dahil sa pananakot mo.”Sarkastikong ngumisi si Manson. “Kung hindi ka magsasalita ako na mismo ang magsasalita para
“Boss, tama nga ang hinala mo. Pinabugbog ni Miss Veena ang worker na kinausap mo. Nahuli na sila ng mga pulis at nasa kulungan.” Napaangat ang sulok ng labi ni Manson saka tumango-tango bilang pagsang-ayon na tila ba kaharap ang kausap. “Mag-utos ka ng tao para kontakin kung sino man ang nasa likod ng pambubogbog sa kanya at huwag kamong maging bias sa batas.” Matapos ang tawag ay bumalik sa pagkakaupo si Manson sa tabi ni Claire sa hapagkainan. Misteryoso siyang ngumiti. “Nag-utos ng tao si Veena para ipabugbog ang worker na pumunta rito. Acting guilty of her act and now she was caught by the police.” Malakas na tumawa si Nana. “Mabuti nga sa kanya. Akala mo kung sinong santa manamit pero ang kalooban naman ay puno ng kademonyohan.” “Salamat sa magandang palabas na pinakita mo, Manson,” sabi ni Claire. Nakangiti siya habang nakatingin sa asawa. Marahang itinaas ni Manson ang kilay. “Galit ka pa rin ba sa akin?” Naalala ni Claire ang araw kung saan buhat-buhat ni Manson si Ve
Bago siya pinayagan ni Manson ay katakot-takot na bilin ang hinabilin nito sa kanya. Nagpasama pa ito ng dalawang bodyguards para bantayan siya. Napapailing na lang si Claire habang tinitingnan ang hindi maipintang mukha ng asawa. Halos wala silang tulog dahil magdamag silang nagtalik pero habang nakatingin siya sa asawa ay fresh na fresh pa rin ito samantalang si Claire ay halos hindi na maimulat ang mata sa antok. “Huwag mong kalimutan ang bilin ko, Claire. Kapag may problema ay tumawag ka kaagad at iwasan mo ang mga kalalakihan sa team mo lalo na kung magpapakita ng motibo.”Tumango si Claire habang nakapikit. Gusto na niyang pumasok sa eroplano para kahit papaano ay makabawi siya ng tulong. Kinabig siya ni Manson at mahigpit na niyakap saka mariing hinalikan sa noo. Sakto namang tinawag na ang mga pasahero ng eroplanong sasakyan nila kaya mabilis na bumitaw si Claire at naglakad patungo sa boarding area. Nang lingunin niya si Manson ay malungkot ang mukha nito. Kumaway siya saka
Kinabukasan, nagpahayag ng imbitasyon si Vincent kina Claire at Manson na gusto nitong manood ng sine matapos mag-dinner sa labas. Pero ang totoong dahilan nito ay nahihiya kung silang dalawa lang ni Meesha ang magkasama. Dahil buong araw na nakapagpahinga ang dalawa ay pinaunlakan nila si Vincent. “Vincent, paano ka naman makaka-iskor kay Meesha niyan kung kasama mo kami?” biro ni Claire kay Vincent nang matapos na silang manood. Nasa labas na sila sa hallway habang hinihintay si Meesha na lumabas ng banyo. Napakamot sa ulo ang lalaki at kinakabahang napatawa. “That’s why I asked you and Manson to come. Kailangan ko lang ng moral support.” “Tsk!” naiiling na komento ni Manson pero wala na itong sinabi dahil papalapit na sa kanila si Meesha. “Goodluck! Kaya mo ‘yan!”Nangunot ang noo ni Meesha dahil sa sinabi ni Claire. “Bakit, ano’ng meron?” Tumayo ito sa tabi ni Vincent at pinaningkitan ng mata ang binata. Alanganin na ngumiti si Vincent saka inaya si Meesha. “Nothing. They
Kinabukasan ay palihim na kinausap si Claire ng kanyang ina sa kanyang kuwarto na ikinagulat niya dahil maaga pa lang ay nasa loob na ito. “Ma, may kailangan ka?” hindi niya mapigilang usisain ito dahil sa labis na pagtataka. Nakahiga pa siya sa kama dahil katatapos niya lang makipag-usap kay Manson. Umupo ang kanyang ina sa gilid ng kama malapit sa uluhan niya at hinaplos ang magulo niyang buhok saka pilit na ngumiti. Nangunot naman ang noo ni Claire dahil sa nakikitang itsura ng ina na tila hindi ito nakatulog dahil sa malalim ang iniisip. Hinintay niya itong sumagot upang pakinggan kung sakali mang may dinadala itong problema. “Claire, ano ang tingin mo ay Lucas?”Lalong nagkasalubong ang kanyang kilay at nagkaroon ng hinala kung bakit tila balisa ito. “Ma, is this about Aunty Marriotte asking me to marry Lucas?” Tumango ito at dumilim ang mukha ni Claire. “Ma, it can't be happen. Hindi ako magpapakasal kay Lucas dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kung ano man ang n
Abala si Claire sa pag-aalaga kay Lola Rosa, ang lola ni Lucas, na hindi niya napansin ang pitong araw na binigay sa kanya ni Manson ay tapos na. Araw-araw siyang tumutungo sa ospital at inaalagan, binabantayan at iginagala sa compound ng hospital si Lola Rosa. kung hindi pa siya sinabihan ng kanyang ina na kailangan na nilang umuwi dahil siguradong magagalit na naman si Manson. Kahit si Lucas ay inuudyukan din siyang bumalik na sa Pilipinas at kaya naman na nitong alagaan si Lola Rosa pero sa araw-araw na lumilipas na nakikita niyang ang unti-unting paghihina ng matanda ay nasasaktan siya at hindi niya ito kayang iwan. Naalala niya ang kanyang lola. Namatay ito na wala siya sa tabi nito. “Claire, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Kaya ko nang alagaan si Lola. bumalik ka na ng Pilipinas dahil sigurado akong hinahanap ka na ng kapatid ko. Kapag magtatagal ka pa rito ay sigurado akong hindi ka na makakabalik dahil sa ngayon ay ikaw na lang ang hinahanap ni Lola.”Mahinang napatawa
Dumating ang araw ng linggo na pinakahihintay ni Claire. Ngayong gabi kasi ay pupunta sa bahay nila sina Meesha at Vincent para sumalo sa hapunan kaya naman naghanda ng maraming pagkain si Claire. Hindi niya alam kung ano ang paboritong pagkain ng dalawa kaya bago maghanda ay tinanong niya muna si Manson na sikreto namang tinanong si Meesha upang alamin. Bukod sa in-order niyang putahi ay mayroon ding nilutong pagkain si Claire na natutunan niya sa kanyang lola noong nabubuhay pa ito. At habang naghahanda nga siya ay may hindi maipaliwanag na tuwa sa kanyang puso sa isiping maka-bonding niya si Vincent. Mabuti na lamang at kahit halata sa kilos niya ang tuwa habang naghahanda ay hindi nagselos si Manson at inaprubahan lang kung ano ang gusto niya. Dahil wala si Aurora sa bahay ay sila ni Manang Silva lang ang natoka sa kusina kaya naman nang dumating ang dalawang bisita ay si Manson ang sumalubong dito. Habang nagsalo-salo ang tanging nagsasalita ay si Meesha, as usual ito ang pinak
Kung dati ay nagdadalawang-isip pa si Claire, ngayon ay gusto na niyang sagutin ng oo si Manson hindi dahil sa ama nito na botong-boto na sa kanya sa biglang pagtaas ng posisyon niya kundi dahil gusto niya nang matali sa kanya ng tuluyan si Manson. Sa taglay na kaguwapuhan ng lalaki ay sigurado siyang marami at marami pang kababaihan ang gustong lumandi rito. Niyakap niya ang braso sa leeg ni Manson at sinserong ngumiti habang magkahinang ang kanilang mata. “You know that I always wanted to marry you. Hindi lang talaga sumasabay ang pagkakataon. I always wanted to be with you forever dahil gusto ko nang itali ka sa akin habang-buhay para wala nang ibang babae ang humarot sa ‘yo pero…” “Pero?” Umupo si Claire sa kandungan ni Manson habang nakaupo ito sa kama saka mabilis na dinampian ng halik sa labi at nagsalita. Her words were refined and delicate to appease the man of her dreams for him to agree to her plans. “Alam mong malubha na ang kalagayan ng lola ni Lucas at dahil isa siya
Hindi agad-agad naniniwala si Claire sa mga ganitong nababasa lalo na at dumarami ang mga scammers ngayon. Pero dahil binanggit ang pangalan ni Manson ay may bahagi ng isip niya ang naniniwala na baka totoo nga ito kaya naman mabilis niyang tinawagan ang numero nang nagpadala ng mensahe pero kahit anong tawag niya ay hindi niya na iyon makontak. Nagkibit siya ng balikat at binalewala iyon pero habang tumatagal ang oras na hindi nagre-reply sa kanya si Manson ay tila may sumusundot sa puso niya t hindi siya mapakali. Nang sumapit ang gabi ay halos hindi siya makatulog dahil iniisip pa rin kung sino ang misteryosong nagpadala sa kanya ng mensahe. Mabuti na lang bago siya matulog ay tumawag sa kanya si Manson at sinabing ayos lang ito kaya naman hindi na niya inungkat dito ang tungkol sa mensahe na natanggap.Kinabukasan, inumpisahan niya ang painting na personal niyang naisip. Iyon ay ang painting ng kanyang ina. Ang sabi sa kanya ng kanyang ama ay magkamukha sila nito kaya naman ginam
Mahigpit na napahawak sa jewelry box si Khaleed at tumiim ang bagang dahil hindi niya kayang isipin na ang isang tulad ni Benjamin ang ama ni Claire. A single 'ding' sound followed by the elevator’s door being opened and Manson ang Khaleed simultaneously turned their heads towards it. Nangunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Manson nang mapagsino ang nakitang lumabas. Nang nilingon niya si Khaleed ay mas madilim pa ang mukha nito sa kanya na halatang-halata ang galit sa mukha. “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” malamig na tanong ni Khaleed. Walang bahid ng ngiti sa labi nito habang nakatingin sa bagong dating na sina Benjamin at Lanette.Biglang nalukot ang mukha ni Benjamin sa tanong ni Khaleed. “Hindi ba at ako dapat ang magtanong niyan sa ‘yo? Ano ang ginagawa mo rito? Ano ang karapatan mo para bisitahin ang dati kong asawa?”Tumaas ang sulok ng labi ni Khaleed at simpleng sumagot. “Kaibigan, may problema ba roon?” kalmadong sagot niya.“Aunty Lanette, magkaibigan din ang mama ko a
Mapait na ngumiti si Khaleed saka nilingon si Manson na nakatingala pa rin sa medyo madilim na kisame. Hindi talaga niya matakasan ang matalinong tao. Kaya ito naging matagumpay sa negosyo kahit sa batang edad nito ay dahil mabusisi at matalino ito na kayang basahin ang bawat galaw ng kaharap. “Huwag mong sabihin kay Claire. Hindi niya muna kailangang malaman kung sino ang tunay niyang ina.”Tumango si Manson bilang pagsang-ayon at diretsong tiningnan si Mr. Khaleed. “Naiintindihan ko. Pero hindi ba at mas maganda kung malaman ni Claire kung sino ang ina niya at hindi naman siya nasa dilim kung sino ang tunay niyang ina? Pareho nating alam na matagal na niyang gustong malaman kung sino ang kanyang ina.”“Dahil nasa dilim ang taong gustong manakit kay Claire at tayo ay nasa liwanag. Madali tayong makikita ng kalaban. Wala akong alam kung sino ang may pakana sa pagkawala niya noon. Kung sino ang taong gustong pumatay sa kanya. Kapag kilala ng mag-ina ang isa’t isa ay sigurado akong par
“Claire? Sino’ng kausap mo?”Mula sa pagkakatayo sa pintuan ay nakangiting nilingon ni Claire ang ama na nasa kanya palang likuran. Lumamlam ang mga mata niya. “Pa, nandiyan ho pala kayo.” May munting ngiti sa labi ng kanyang ama nang lumapit ito at tumayo sa gilid niya. “Hindi mo naman sinabi na may bisita ka pala. Bakit hindi mo papasukin sa loob?” Napakamot sa batok si Claire. Ang totoo ay hindi niya rin akalaing bibisitahin siya ni Lucas. Ang buong akala niya ay nasa America pa ito kaya’t nagulat siya nang bigla siya nitong sinurpresa. Kadarating lang nito nang makita sila ng kanyang ama pero nag-aalangan siya kung papasukin ito o hindi dahil hindi niya ito pamamahay at hindi siya sigurado kung okay lang ba sa kanyang ama kung magpapasok siya ng bisita. “Ah kasi ano, pa…” Nilingon niya si Lucas na ang pokus ng tingin ay nasa kanyang ama. “Huwag ka nang mahiya, Claire. Paalis na rin ako kaya malaya kayong makakapag-usap.”Namula ang mukha ni Claire dahil sa sinabi ng kanyang am