Walang nakasagot sa sinabi ni Manson dahil mula sa emergency room ay nilabas ang nasa stretcher at walang malay na si Veena. Kaagad na lumapit dito si Mr. del Coltre at Mr. Pherie pero ang mag-asawa ay nanatili sa pagkakaupo sa waiting area. “Kumusta ang anak ko?” Hindi sinagot ng nurse na nag-aasikaso kay Veena si Mr. del Coltre dahil nagmamadali ang mga ito na dalhin sa CT scan si Veena upang alamin kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Habang si Mr. Pherie ay nakasunod ang tingin sa papalayong stretcher at hindi nito mapigilang magkomento saka masama ang tingin na tumingin kay Manson. “Tingnan mo kung paano ka pahalagahan ni Veena para iligtas ka sa aksidente. Kung hindi niya ginawa ‘yon, sa tingin mo sino ang nakahiga ngayon sa stretcher upang ipasok sa CT scan?”“Hindi ko naman sinabi sa kanyang iligtas niya ako. I could avoid that even without her help.”“Ano bang nangyayari sa ‘yo, Manson?” Tumaas ang boses ni Mr. Pherie. “Nasaan na ang magandang pinagsamaha
Matapos ang tawag ni Claire ay napagpasyahan ni Manson na lumabas upang manigarilyo para alisin ang antok na nararamdaman. Wala pa siyang tulog pero dahil sa pamimilit ng kanyang ama at magulang ni Claire ay hindi siya makauwi para magpahinga. “Manson, ikaw ang dahilan kung bakit nasa ospital si Claire. Pababayaan mo na lang ba siya at hindi man lang aasikasuhin?”Napapailing na lang si Manson nang maalala ang sinabi ng ina ni Veena.. “Huwag mo nang pansinin ang aking madrasta. Pagdating kay Veena ay walang tama sa paningin niya.”Nilingon ni Manson si Vincent na hindi niya alam na nakasunod na pala sa kanya. Mahina niyang ibinuga ang usok ng sigarilyo at saka tumingin sa malayo. Nasa labas sila ng ospital kung saan ang designated smoking area para sa mga bisita. Ang totoo, hindi ang sinabi ng ina ni Veena ang iniisip niya kundi si Claire. Nag-aalala siya na baka kung ano-ano na naman ang iniisip nito lalo na at tumawag pa ito kay Vincent para lang makausap siya at alamin kung ano a
Dumating ang araw ng sabado at biglang inimbitahan ni Nana sina Claire at Manson na pumunta sa mansyon ng mga ito para mananghalian. Claire felt conflicted. Ang huling pagkikita nila ni Nana ay nasaktan niya ito dahil sa divorce agreement na pinilit ni Mr. Pherie. At ngayon nga ay bumalik siya, bagama’t nahihiya ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang puso. “At sino naman itong magandang babaeng bisita natin? Ang alam ko ay wala ng asawa ang apo ko.” Napangiti si Claire at napakamot sa batok dahil sa pabirong pagbati sa kanya ni Nana. Kaagad siyang lumapit dito at nagmano. “Nana…” mahinang tawag niya. Nakaupo ang matanda sa pang-isahan upuan sa hardin kasama ang asawa nito, ang lolo ni Manson. “Ako lang po ang nag-iisang magandang asawa ng apo ninyo.” Malawak ang ngiti ni Claire habag nakatayo sa harap ng matanda. Yumuko siya ng inabot nito ang magkabilang pisngi niya at marahan iyong hinaplos. “Claire, iha. Salamat naman at bumalik ka. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan noong
Tumaas ang sulok ng labi ni Manson at puno ng pananakot ang mata habang nakatingin sa namumutlang si Veena. Ni hindi nito maituloy ang pagkain dahil nanginginig ang kamay na nakapatong sa mesa. “Wala ka bang sasabihin, Veena?” malamig ang boses na tanong niya rito. Hindi niya gusto ang ginawa ng mag-ama na paglaruan siya kaya lalaruin din niya ito. Manson is not a petty man, but when you mess with his feelings, he will never back down until he gets his revenge. Tila naging estatwa ang katawan ni Veena dahil hindi ito nagsalita. Nanlalaki lang ang mata nito habang nakatingin kay Manson. Biglang sumabad ang kanyang ama at tiningnan siya nang masama. Kumalampang ang kutsara nang malakas nitong inilapag iyon sa mesa. “Ano’ng bang gusto mong palabasin, Manson? Are there things that Veena needs to say that I ought to know? Tingnan mo ang kababata mo at nanginginig na ‘yan dahil sa pananakot mo.”Sarkastikong ngumisi si Manson. “Kung hindi ka magsasalita ako na mismo ang magsasalita para
“Boss, tama nga ang hinala mo. Pinabugbog ni Miss Veena ang worker na kinausap mo. Nahuli na sila ng mga pulis at nasa kulungan.” Napaangat ang sulok ng labi ni Manson saka tumango-tango bilang pagsang-ayon na tila ba kaharap ang kausap. “Mag-utos ka ng tao para kontakin kung sino man ang nasa likod ng pambubogbog sa kanya at huwag kamong maging bias sa batas.” Matapos ang tawag ay bumalik sa pagkakaupo si Manson sa tabi ni Claire sa hapagkainan. Misteryoso siyang ngumiti. “Nag-utos ng tao si Veena para ipabugbog ang worker na pumunta rito. Acting guilty of her act and now she was caught by the police.” Malakas na tumawa si Nana. “Mabuti nga sa kanya. Akala mo kung sinong santa manamit pero ang kalooban naman ay puno ng kademonyohan.” “Salamat sa magandang palabas na pinakita mo, Manson,” sabi ni Claire. Nakangiti siya habang nakatingin sa asawa. Marahang itinaas ni Manson ang kilay. “Galit ka pa rin ba sa akin?” Naalala ni Claire ang araw kung saan buhat-buhat ni Manson si Ve
Bago siya pinayagan ni Manson ay katakot-takot na bilin ang hinabilin nito sa kanya. Nagpasama pa ito ng dalawang bodyguards para bantayan siya. Napapailing na lang si Claire habang tinitingnan ang hindi maipintang mukha ng asawa. Halos wala silang tulog dahil magdamag silang nagtalik pero habang nakatingin siya sa asawa ay fresh na fresh pa rin ito samantalang si Claire ay halos hindi na maimulat ang mata sa antok. “Huwag mong kalimutan ang bilin ko, Claire. Kapag may problema ay tumawag ka kaagad at iwasan mo ang mga kalalakihan sa team mo lalo na kung magpapakita ng motibo.”Tumango si Claire habang nakapikit. Gusto na niyang pumasok sa eroplano para kahit papaano ay makabawi siya ng tulong. Kinabig siya ni Manson at mahigpit na niyakap saka mariing hinalikan sa noo. Sakto namang tinawag na ang mga pasahero ng eroplanong sasakyan nila kaya mabilis na bumitaw si Claire at naglakad patungo sa boarding area. Nang lingunin niya si Manson ay malungkot ang mukha nito. Kumaway siya saka
Mabilis na bumangon si Claire nang magkaroon ng pagkakataon at hinablot ang jacket na nakasabit sa uluhan ng kama at agad na isinuot upang takpan ang sarili saka ini-on ang ilaw. Bumaha ang liwanag sa kuwarto at malinaw na nakita ni Claire ang hitsura ng lalaking gustong mansamantala sa kanya at ang lalaking nagligtas sa kanya. Umupo siya sa upuan sa isang sulok habang nanginginig sa takot. Mabigat pa rin ang paghinga niya at hindi mapigilan ang pangingilid ng luha habang nakatitig sa lalaking gusto siyang pagsamantalahan. Kayumanggi ang kulay nito at mukhang lokal ng probinsiya. Namumutla ang gusot nitong mukha dahil sa nakatutok na baril sa sentido nito. Samantalang ang lalaking nagligtas sa kanya ay pamilyar na pamilyar kay Claire.Nakasuot ito ng maong na pantalon at puting t-shirt na napapatungan ng itim na jacket. Hindi maikakaila ang kaguwapuhan ng lalaki sa simple nitong suot at lalo pa itong gumuwapo sa paningin ni Claire dahil sa hawak nitong baril. It was Luke. Mabilis n
Madaling-araw na nang makalabas sa police station ang grupo ni Claire. Madilim pa rin ang mukha ni Luke at tila galit pa rin. Hindi alam ni Claire kung ano ang nangyari sa loob ng interrogation room, pero nang lumabas si Luke ay duguan ang kamay nito ngunit wala naman itong sugat. Buong biyahe ay wala silang imik. Isa sa mga bodyguard ang nagmamaneho habang ang isa ay nakaupo sa front seat kaya silang dalawa ni Luke ang nakaupo sa likuran. “Thank you for saving me, Mr. Luke.” Sumulyap siya sa binata na malayo ang tingin sa labas ng bintana. Nang marinig siyang nagsalita ay nilingon siya nito pero madilim pa rin ang mukha. “It’s Luke, Claire.” Napalunok si Claire. Hindi pa rin siya sanay na tawagin ito sa pangalan nito pero habang nakatingin sa madilim nitong mukha ay walang nagawa si Claire kundi ang tumango. She felt like a dog cowering because of fear. Naramdaman iyon ni Luke kaya lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at malumanay na nagsalita. “Did I scare you with this?” Itin