Beranda / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter 64: Police Station with Luke

Share

Chapter 64: Police Station with Luke

Penulis: SQQ27
last update Terakhir Diperbarui: 2024-07-31 23:30:36

Mabilis na bumangon si Claire nang magkaroon ng pagkakataon at hinablot ang jacket na nakasabit sa uluhan ng kama at agad na isinuot upang takpan ang sarili saka ini-on ang ilaw. Bumaha ang liwanag sa kuwarto at malinaw na nakita ni Claire ang hitsura ng lalaking gustong mansamantala sa kanya at ang lalaking nagligtas sa kanya. Umupo siya sa upuan sa isang sulok habang nanginginig sa takot.

Mabigat pa rin ang paghinga niya at hindi mapigilan ang pangingilid ng luha habang nakatitig sa lalaking gusto siyang pagsamantalahan. Kayumanggi ang kulay nito at mukhang lokal ng probinsiya. Namumutla ang gusot nitong mukha dahil sa nakatutok na baril sa sentido nito. Samantalang ang lalaking nagligtas sa kanya ay pamilyar na pamilyar kay Claire.

Nakasuot ito ng maong na pantalon at puting t-shirt na napapatungan ng itim na jacket. Hindi maikakaila ang kaguwapuhan ng lalaki sa simple nitong suot at lalo pa itong gumuwapo sa paningin ni Claire dahil sa hawak nitong baril.

It was Luke.

Mabilis n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Editha
Ohh thanks author i like and love the story naka ka excite gusto ko c Luke hehe
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sino Kaya Ang nag-utos?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 65: Case Done?

    Madaling-araw na nang makalabas sa police station ang grupo ni Claire. Madilim pa rin ang mukha ni Luke at tila galit pa rin. Hindi alam ni Claire kung ano ang nangyari sa loob ng interrogation room, pero nang lumabas si Luke ay duguan ang kamay nito ngunit wala naman itong sugat. Buong biyahe ay wala silang imik. Isa sa mga bodyguard ang nagmamaneho habang ang isa ay nakaupo sa front seat kaya silang dalawa ni Luke ang nakaupo sa likuran. “Thank you for saving me, Mr. Luke.” Sumulyap siya sa binata na malayo ang tingin sa labas ng bintana. Nang marinig siyang nagsalita ay nilingon siya nito pero madilim pa rin ang mukha. “It’s Luke, Claire.” Napalunok si Claire. Hindi pa rin siya sanay na tawagin ito sa pangalan nito pero habang nakatingin sa madilim nitong mukha ay walang nagawa si Claire kundi ang tumango. She felt like a dog cowering because of fear. Naramdaman iyon ni Luke kaya lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at malumanay na nagsalita. “Did I scare you with this?” Itin

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-01
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 66: Lucas

    Inaasahan na ni Claire ang galit ni Manson pero hindi niya inaasahan na muli na namang makatikim ng suntok ang bodyguards niya. Naawa siya sa mga ito kaya bago pa ito mapuruhan ng asawa ay kaagad siyang umawat. “Manson, stop! Nangyari na ang dapat mangyari at nandito ako. I’m safe.” Mahigpit niyang niyakap niya sa beywang ang asawa upang pakalmahin ito. Manson waved his hand to send the bodyguards away. Kaagad naman ang mga itong nagsipulasan at nagkukumahog na umalis. Nang sila na lamang dalawa ang natira sa guesthouse ay kumalas sa pagkakayakap si Claire pero hindi siya pinayagan ni Manson. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “Claire…” he buried his head at the crook of her neck and sniffed her smell. Malalim itong humugot ng hangin saka marahas iyong ibinuga at nagsalita. “Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala nang makita kong walang tao sa kuwarto mo. Pagkatapos ko sa trabaho ay dito ako dumiretso para lang makita ka, pero ano ‘yung naabutan ko? Magkasama kayo ng

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-02
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 67: Fight

    Nang magising si Claire kinaumagahan ay wala na sa tabi niya si Manson. Nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil hindi man lang siya nito ginising bago ito umalis. Walang lakas na bumangon siya sa kama at inaantok na tumungo sa maliit na banyo upang maligo. Libre na ang breakfast nila doon sa site kung saan sila nagtatrabaho kaya ang kailangan lang ni Claire ay ang magbihis at tumungo roon. Pagkabukas niya ng pinto ay muntikan na niyang mabitawan ang hawak na tuwalya nang mabungaran na nasa loob ng banyo si Manson. Nakapikit ito at nakasandal sa lababo habang nakapikit at nakakrus ang braso sa harap ng dibdib. Nang maramdaman na pumasok siya ay bigla itong nagmulat at galit na tumingin sa kanya. Napatda sa kinatatayuan si Claire at hindi makapagsalita nang makita ang galit sa mga mata ng asawa. Nangunot ang kanyang noo dahil wala siyang ideya kung bakit nagagalit na naman ito sa kanya. “Manson?” aniya at naglakad palapit rito. Itinaas niya ang kamay upang haplusin ang mukha nito pe

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-05
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 68: Luke's promise

    Malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Claire. Kahit anong gawin niyang pabiling-biling sa higaan ay hindi siya dinadalaw ng antok. Nang bigla siyang makarinig ng tugtog ng plauta sa hindi kalayuan. Mahina iyon pero sakto lang na marinig niya ang tugtog. Imbes na masiyahan dahil paborito niyang makinig ng plauta ay lalo siyang nalumbay dahil bigla naman niyang naalala si Lucas. Mahilig din itong tmugtog ng plauta na laging libangan nito noon. Mabigat ang loob na bumangon sa hinihigaan si Claire at nagsuot ng jacket na nakasampay sa uluhan ng kama saka nagpasyang lumabas upang hanapin kung saan naggagaling ang tunog ng plauta. Nang mapansin siya ng dalawang guard na nakatokang magbantay ngayong gabi ay kaagad siya ng mga itong pinigilan. “Miss Claire? Gabi na po, saan kayo pupunta?”“Hindi ako makatulog. Maglalakad-lakad lang. Puwede kayong sumunod. Hindi naman ako lalayo.”“Sige po.” Sang-ayon ng bodyguard at sumunod ang mga ito kay Claire pero may ilang dipa ang agwat m

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-07
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 69: Slight SPG

    Kinarga ni Manson si Claire hanggang makabalik sila sa guesthouse at idineretso ito ng higa sa kama. “Ayos ka lang ba, Claire?” nag-aalalang tanong niya. Kinuha niya ang kamay nito saka ininspeksyon ang palad kung saan nagasgasan nang madapa ito. Nakaramdam naman siya ng pagkakonsensya. Kung hindi sana niya pinahabol si Claire ay hindi ito madadapa. Pero hindi rin niya kayang pigilan ang selos na nararamdaman niya para kay Lucas. Kahit sinong asawa ay magagalit kapag makita mo ang asawa mong may katagpong ibang lalaki. Alam niyang wala namang ginagawa si Claire at ang lalaking iyon pero hindi pa rin niya maiwasang magselos lalo na at alam niyang may nakaraan ang dalawa. Ang problema lang hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Claire na si Luke at Lucas ay iisa. Ngayon pa lang ay nag-aalala na si Manson sa maaring mangyari kapag bumalik si Claire kay Lucas. Hindi na niya kayang mahiwalay sa asawa. Matapos ihatid ng tauhan ang first-aid kit ay tinulungan niya ang asawa na linisin a

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-09
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 70: Resigned

    Dahil sa superbisyon ni Manson ay mabilis na natapos ni Claire ang trabaho sa kuweba. Hindi na rin sila nagkita ni Luke. Nakaramdam man nang paghihinayang si Claire ay hindi niya iyon ipinaalam kay Manson at baka muli lang silang magkagulo. Bago sila bumalik ng Maynila ay kinausap si Claire ni Mr. Campbell, ang matandang restorer na sinabihan siyang may kamukha siya. Nais nitong gawin siyang aprentis sa pagre-restore at paggawa ng mga ceramics. Natuwa naman si Claire lalo na at nalaman niyang sa Maynila rin pala nakatira si Mr. Campbell at madali para sa kanya ang pumunta sa bahay nito.Sa una ay hindi agad pumayag si Manson pero napilit ito ni Claire. Ayaw niyang palalampasin ang pagkakataon na maging isang master ang henyong katulad ni Mr. Campbell na kilala sa mundo ng mga restorer. Nang makarating sila sa kanilang apartment ay nakatanggap ng tawag si Manson mula sa assistant nito. Ang buong akala ni Claire ay lalabas ang asawa o pupunta sa study room upang doon kausapin ang assis

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-12
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 71: Finger's touched

    Nakarating na ang mag-asawa sa apartment nila ay hindi pa rin mawala sa isip ni Claire ang reaksyon ni Claude nang inamin ni Manson na mag-asawa sila. Sa kabila niyon ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil hindi na niya kailangang mag-isip ng dahilan kung sakaling magkita-kita uli silang tatlo. Lumipas ang tatlong araw ay nagsimula nang maging aprentis ni Mr. Campbell si Claire. Mr. Campbell is an American who grew up in the states but went to the Philippines when he was in his teens because of his mother. Pilipina ang ina nito at dahil nagustuhan nito ang pamumuhay sa Pilipinas ay dito na ito nagtayo ng negosyo hanggang sa magtanda ito. Pati ang pananalita nito ng tagalog ay tuwid na tuwid na rin at walang accent ng isang banyaga. Isa na roon ay ang antique shops kung saan ito mismo ang nangangalaga lalo na sa mga gawa nitong restored ceramics na nagkakahalaga nang malaki kapag nilalagay sa auction. “Claire, halika. Tuturuan kita ngayon kung paano tumingin at kumilatis ng toto

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-13
  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 72: He's Your Father

    Kakapasok pa lang ni Claire sa studio matapos ibigay kay Luke ang painting nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makita na ang kapitbahay niya iyon, katabi ng bahay ng kanyang ina, ay mabilis niya iyong sinagot sa pag-aakalang isa iyong importanteng tawag. At hindi nga siya nagkakamali. “Manang Rose, bakit po kayo napatawag? May problema po ba?” tanong niya at umupo sa bakanteng upuan malapit sa kanyang mesa habang naghihintay sa kanyang mentor. May importanteng taong kausap si Mr. Campbell kaya wala pa ngayong ginagawa si Claire dahil hinihintay niya ang instructions nito. Sumandal siya at napapikit habang nakikinig kay Manang Rose.“Claire, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa ‘yo ito, eh. Pero hindi kasi ako mapalagay. Kanina pa kasi ako nakakarinig ng kalabog sa loob ng bahay n’yo at tila dalawang taong nag-aargumento. Pero sa pagkakaalam ko, mag-isa lang namang nakatira roon ang iyong ina.”Biglang nagmulat ng mata si Claire at namutla ang mukha dahil sa narinig a

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-15

Bab terbaru

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 216: Wedding Bells

    Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 215: Visiting

    “Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 214: False Alarm

    “I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 213: Truth accidentally discovered

    Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 212: Selfish

    Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 211: Evil Woman

    Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 210: Indeed

    Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 209: Bone Marrow transplant

    Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 208: Guro

    Sumapit ang araw ng pasko at nakatanggap ng imbitasyon si Claire mula kay Nana na magsalo-salo sa mansyon ng mga ito pero magalang niya itong tinanggihan dahil gusto niyang makasama ang kanyang ina. Hindi lang iyon, ayaw niyang makita si Veena at si Bruce kaya siya tumanggi. Naiintindihan siya ni Manson kaya’t pinadalhan siya nito nang maraming pagkain na galing pa sa isang mamahaling hotel. Kasama niya si Manang Delia at silang tatlo ang nagsalo-salo sa noche buena. Hindi makapunta si Manson at naiintindihan iyon ni Claire dahil tradisyon ng pamilya nito ang magsalo-salo sa tuwing pasko. Noon ay nakakasama siya pero dahil may nangyari sa kanyang ina ay naiintindihan siya ni Nana. Kakatapos lang nilang kumain at habang nagliligpit sa kusina si Manang Delia ay nasa salas naman si Claire at nanonood ng TV. Nasa tabi niya ang kanyang ina na nakaupo sa wheelchair. Sinusubuan niya ng prutas ang ina nang biglang tumunog ang doorbell. Akmang tatayo si Claire para pagbuksan iyon nang biglan

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status