Kinarga ni Manson si Claire hanggang makabalik sila sa guesthouse at idineretso ito ng higa sa kama. “Ayos ka lang ba, Claire?” nag-aalalang tanong niya. Kinuha niya ang kamay nito saka ininspeksyon ang palad kung saan nagasgasan nang madapa ito. Nakaramdam naman siya ng pagkakonsensya. Kung hindi sana niya pinahabol si Claire ay hindi ito madadapa. Pero hindi rin niya kayang pigilan ang selos na nararamdaman niya para kay Lucas. Kahit sinong asawa ay magagalit kapag makita mo ang asawa mong may katagpong ibang lalaki. Alam niyang wala namang ginagawa si Claire at ang lalaking iyon pero hindi pa rin niya maiwasang magselos lalo na at alam niyang may nakaraan ang dalawa. Ang problema lang hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Claire na si Luke at Lucas ay iisa. Ngayon pa lang ay nag-aalala na si Manson sa maaring mangyari kapag bumalik si Claire kay Lucas. Hindi na niya kayang mahiwalay sa asawa. Matapos ihatid ng tauhan ang first-aid kit ay tinulungan niya ang asawa na linisin a
Dahil sa superbisyon ni Manson ay mabilis na natapos ni Claire ang trabaho sa kuweba. Hindi na rin sila nagkita ni Luke. Nakaramdam man nang paghihinayang si Claire ay hindi niya iyon ipinaalam kay Manson at baka muli lang silang magkagulo. Bago sila bumalik ng Maynila ay kinausap si Claire ni Mr. Campbell, ang matandang restorer na sinabihan siyang may kamukha siya. Nais nitong gawin siyang aprentis sa pagre-restore at paggawa ng mga ceramics. Natuwa naman si Claire lalo na at nalaman niyang sa Maynila rin pala nakatira si Mr. Campbell at madali para sa kanya ang pumunta sa bahay nito.Sa una ay hindi agad pumayag si Manson pero napilit ito ni Claire. Ayaw niyang palalampasin ang pagkakataon na maging isang master ang henyong katulad ni Mr. Campbell na kilala sa mundo ng mga restorer. Nang makarating sila sa kanilang apartment ay nakatanggap ng tawag si Manson mula sa assistant nito. Ang buong akala ni Claire ay lalabas ang asawa o pupunta sa study room upang doon kausapin ang assis
Nakarating na ang mag-asawa sa apartment nila ay hindi pa rin mawala sa isip ni Claire ang reaksyon ni Claude nang inamin ni Manson na mag-asawa sila. Sa kabila niyon ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil hindi na niya kailangang mag-isip ng dahilan kung sakaling magkita-kita uli silang tatlo. Lumipas ang tatlong araw ay nagsimula nang maging aprentis ni Mr. Campbell si Claire. Mr. Campbell is an American who grew up in the states but went to the Philippines when he was in his teens because of his mother. Pilipina ang ina nito at dahil nagustuhan nito ang pamumuhay sa Pilipinas ay dito na ito nagtayo ng negosyo hanggang sa magtanda ito. Pati ang pananalita nito ng tagalog ay tuwid na tuwid na rin at walang accent ng isang banyaga. Isa na roon ay ang antique shops kung saan ito mismo ang nangangalaga lalo na sa mga gawa nitong restored ceramics na nagkakahalaga nang malaki kapag nilalagay sa auction. “Claire, halika. Tuturuan kita ngayon kung paano tumingin at kumilatis ng toto
Kakapasok pa lang ni Claire sa studio matapos ibigay kay Luke ang painting nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makita na ang kapitbahay niya iyon, katabi ng bahay ng kanyang ina, ay mabilis niya iyong sinagot sa pag-aakalang isa iyong importanteng tawag. At hindi nga siya nagkakamali. “Manang Rose, bakit po kayo napatawag? May problema po ba?” tanong niya at umupo sa bakanteng upuan malapit sa kanyang mesa habang naghihintay sa kanyang mentor. May importanteng taong kausap si Mr. Campbell kaya wala pa ngayong ginagawa si Claire dahil hinihintay niya ang instructions nito. Sumandal siya at napapikit habang nakikinig kay Manang Rose.“Claire, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa ‘yo ito, eh. Pero hindi kasi ako mapalagay. Kanina pa kasi ako nakakarinig ng kalabog sa loob ng bahay n’yo at tila dalawang taong nag-aargumento. Pero sa pagkakaalam ko, mag-isa lang namang nakatira roon ang iyong ina.”Biglang nagmulat ng mata si Claire at namutla ang mukha dahil sa narinig a
Mabilis ang naging pagkilos ni Ronaldo kaya hindi kaagad nakahuma ang driver na nasa likuran ni Claire. Natamaan siya sa ilong at sa lakas ng suntok ng kanyang ama ay kaagad iyong dumugo. Napaupo siya sa sofa habang hawak-hawak ang dumudugong ilong.Saka lang mabilis na kumilos ang driver at binaril ang kamay ni Ronaldo na may hawak ng kutsilyo. Nabitawan nito ang hawak at napaluhod sa sahig dahil sa tama na natamo nito. Hindi agad makahuma ang driver kanina dahil sa takot na baka matamaan ng bala niya ay si Claire o ang ina nito. “Walang hiya ka talaga, Ronaldo! Pati ang anak natin ay kaya mong saktan. Napakawalang kuwenta mo talaga!” nagsusumigaw na lumapit dito ang kanyang ina at pinagtatadyakan ito. Sinubukan itong awatin ni Claire pero dahil hindi pa rin tumitigil sa pagdugo ang ilong niya ay wala siyang nagawa kundi hayaan ang driver na pigilan ang kanyang ina. “Mrs. Domingo, kumalma na po kayo. Nakatawag na ako ng tulong.”Ilang segundo lang ang lumipas matapos sabihin ng dr
Nagulat si Claire nang makalabas siya ng banyo at nakita ang asawa na may hawak na punyal. Dahil abala siya maghapon ay biglang nawala sa isip niya ang punyal na ibinigay sa kanya ni Luke. “Manson…” tawag niya sa atensyon ng asawa nang makitang tutok na tutok ito sa punyal na tila ba pinag-aaralan iyong mabuti. “Alam mo ba kung ano’ng klaseng punyal ito? Saan mo ito nakuha? No… alam kong hindi ka interesado sa mga ito.” Umangat ang tingin ni Manson at lumipat sa kanya. “Sino ang nagbigay sa ‘yo nito, Claire?”Alam ni Claire na kapag sinabi niyang si Luke ang nagbigay sa kanya niyon ay magseselos na naman ang asawa, pero ayaw naman niyang itago rito ang totoo. Ang masayang pagsasama ay nabubuo sa tiwala ng isa’t isa. Habang tinutuyo ng towel ang buhok ay nilapitan niya si Manson. “Luke gave it to me. We met coincidentally at Mr. Campbell’s studio because he wanted to appraise some ceramics. At ibinigay ko na rin sa kanya ang painting na ginawa ko bilang pagpapasalamat sa pagtulong n
Hindi lang iyon. Kahit pala si Mr. Campbell na guro niya ay lolo rin ni Veena. Hindi maintindihan ni Claire ang totoong relasyon ng maglolo, pero hindi siya papayag na sisirain ni Veena ang pagiging master-apprentice relationship nila ni Mr. Campbell. “Lo, bakit mo kinuha ang babaeng ‘yan para turuan?!” Umuusok ang ilong sa pagkaasar na tinuro ni Veena si Claire.“Bakit naman hindi? Napakagaling ng batang ito. Nararapat lang na matutunan niya kung ano ang natutunan ko para hindi mawala ang tradisyon ng pagre-restore ng ancient ceramics. Bakit ba ganyan ang tono ng boses mo? Kilala mo ba siya?”Namumula sa inis na nilapitan ni Veena si Mr. Campbell habang si Claire ay nakaangat ang isang kilay na nakatingin lang dito. “Lo, hindi mo ba kilala ang babaeng ‘yan? Asawa ‘yan ni Manson! Siya ang babaeng umagaw sa lalaking dapat ay magiging asawa ko!”“Veena,” tawag dito ni Mr. Victor. “Ano’ng magiging asawa? Hindi ba at tatlong taon na kayong hiwalay ni Manson?”Mariing umiling si Veena sa
Napasinghap si Claire nang lalong ibinuka ng asawa ang magkabilang-hita at lumuhod ito sa paanan ng kama habang ang kanyang paa ay nakapatong sa balikat nito saka isinubsob nito ang mukha sa namamasa niyang pagkababa*. She bit her lower lip when the tickling sensation started to build up in her stomach again. She curled her toes to prevent herself from falling with her butt sitting on the edge of the bed. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang labasan sa walang tigil na pagkain ng asawa sa pagkababae niya.“Ahh…” malakas siyang napaungol nang biglang sinipsip ni Manson ang kuntil niya habang ang daliri nito ay hinimas ang labi ng kanyang pagkababa*.Umangat ang kanyang balakang pero agad din iyong pinigilan ni Manson gamit ang isang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa kanyang hita. Habang walang sawa nitong nilalaro ang klitoris niya ay nag-umpisa namang pumasok ang daliri sa basa na niyang hiyas. Hindi mapigilan ni Claire ang mapasigaw nang malakas dahil sa sarap na du
Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala
“Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana
“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa
Sumapit ang araw ng pasko at nakatanggap ng imbitasyon si Claire mula kay Nana na magsalo-salo sa mansyon ng mga ito pero magalang niya itong tinanggihan dahil gusto niyang makasama ang kanyang ina. Hindi lang iyon, ayaw niyang makita si Veena at si Bruce kaya siya tumanggi. Naiintindihan siya ni Manson kaya’t pinadalhan siya nito nang maraming pagkain na galing pa sa isang mamahaling hotel. Kasama niya si Manang Delia at silang tatlo ang nagsalo-salo sa noche buena. Hindi makapunta si Manson at naiintindihan iyon ni Claire dahil tradisyon ng pamilya nito ang magsalo-salo sa tuwing pasko. Noon ay nakakasama siya pero dahil may nangyari sa kanyang ina ay naiintindihan siya ni Nana. Kakatapos lang nilang kumain at habang nagliligpit sa kusina si Manang Delia ay nasa salas naman si Claire at nanonood ng TV. Nasa tabi niya ang kanyang ina na nakaupo sa wheelchair. Sinusubuan niya ng prutas ang ina nang biglang tumunog ang doorbell. Akmang tatayo si Claire para pagbuksan iyon nang biglan