Nang sumunod na araw, pagkatapos ng dalawang araw na hindi pumasok sa studio si Claire, ay hinatid siya ni Manson sa pinag-aaralan niya. Nang makita ito ni Mr. Campbell ay kaagad nitong napagalitan ang asawa. “Ikaw na bata ka. Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala ang asawa nitong aprentis ko?” may pagtatampo sa boses nito nang kausapin ang asawa. Napakamot sa batok si Manson at inakbayan si Claire. “Alam kong magugustuhan niyo siya kahit hindi ko na kailangang ipakilala sa inyo kung sino siya, Mr. Campbell.”Mr. Campbell harrumphed and led his apprentice and Manson inside his office before asking his assistant to serve them tea. Pero nagprisinta si Claire na ito na ang magsilbi sa kanila. Pagkabalik niya sa opisina galing sa pantry ay seryosong nag-uusap ang asawa at ang kanyang master nang maabutan niya. Alanganin ang ngiti na inilapag niya ang tray set saka isa-isang nilagyan ng tsaa ang maliit na tasa ng mga ito. “Ano’ng pinag-uusapan niyo, Manson? Nakakaistorbo ba ako?”N
Natulos sa kinatatayuan si Claire at kinabog ng kaba ang dibdib. Hindi siya agad makapagsalita at makaapuhap ng sasabihin. Napaniwala kaya ng kanyang ama si Mr. Campbell? “Sinabi ko na sa ‘yo, Claire. Pupunta ako sa pinagtatrabahuan mo para isumbong kung ano'ng klaseng babae ka. Kung ano ang ugali mo at kung paano mo itrato ang iyong ama!” Hindi sinagot ni Claire si Ronaldo at nakikiusap na tumingin kay Mr. Campbell habang nakakuyom ang kamao sa magkabilang-gilid. “Mr. Campbell…” mahinang tawag niya sa kanyang master at mabagal na naglakad palapit dito. Nakakunot pa rin ang noo ni Mr. Campbell. “Totoo ba ang sinasabi ng lalaking ito, Claire?” Kaagad siyang umiling. “Mr. Campbell, totoo nga na siya ang aking ama.” Narinig ni Claire ang malakas na singhap ng kanyang katrabaho at ni Mr. Campbell pero hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “Pero hindi siya nagpakaama sa loob ng dalawang dekadang nabubuhay ako dito sa mundo. Wala siyang suportang ibinigay sa amin ng
“What can you say about my granddaughter, hijo?” Tipid na ngumiti si Luke habang iniabot kay Claire ang kamay upang gamutin niya iyon. “Hindi po ako interesado.” Ni hindi nito sinulyapan ang larawan ni Veena sa cellphone na pinapakita kay Luke.“Why? Maganda naman ang apo ko. She looks like Claire, too. Kung gusto mo ay mag-set ako ng date para magkita kayong dalawa,” pamimilit pa ni Mr. Campbell.Tahimik lang na nakikinig si Claire sa usapan nina Luke at Mr. Campbell. Pero sa loob-loob niya ay naiinis siya dahil sa pagbanggit sa pangalan ni Veena, lalo pa at ikinukumpara ang kagandahan nito sa kanya. Kahit si Manson ay sinasabi nitong magkahawig sila ni Veena. Pero wala siyang magagawa dahil apo ito ni Mr. Campbell. “I’m sorry, Mr. Campbell. Pero hindi ho ako interesado. Saka, pasensya na rin, dahil mas maganda si Claire keysa sa apo niyo. Huwag niyo ho sanang masamain ang sinabi ko.”Mahinang napatawa si Claire samantalang napapailing na lang si Mr. Campbell at inilihis ang usapa
“Ano ang masasabi mo ngayon, Manson?” ulit pa ni Veena. Her face was full of cockiness as she stared at Manson provocatively. “Naniniwala ka na ba sa sinasabi ko?”Napatiim ang bagang ni Manson sa narinig at pigil ang galit na lumapit sa harapan ni Claire. Maayos na itong nakatayo habang namumutla ang mukha na nakatingin sa kanya. “I’m here to pick you up. Tapos ka na ba sa ginagawa mo?” mababa ang boses na tanong niya habang pigil ang galit. Ni hindi siya tumingin kay Veena at hindi binigyang-pansin si Lucas. Inilahad niya ang palad sa nakatulalang mukha ng asawa. “Manson… walang katotohanan ang nakita mo. Tinulungan lang ako ni Luke,” ani Claire. There was hesitance in her action and she contemplated whether to take his hand, but it only took a few seconds before she held his waiting palm. Ngumiti si Manson pero wala iyong buhay at alam niyang alam ng asawa na hindi siya natutuwa sa naabutan niyang tagpo. “I know,” sagot niya. Pinagsalikop niya ang palad nilang dalawa. “Ayos ka
Hindi mapakali si Claire dahil dis-oras na ng gabi ay wala pa ang asawa. Nangako ito kanina na babalik ito kaagad pagkatapos ng meeting nito kaya’t naghanda siya ng hapunan. Pero maghahatinggabi na ay wala pa rin ito na labis niyang ikinakabahala. Hindi rin niya makontak ang cellphone nito kahit ilang beses na siyang nagtangkang tumawag. Nakagat niya ang kuko sa sobrang pag-aalala at hindi mapakaling naglakad-lakad sa harap ng foyer. “Manson, saan ka na ba? May masama bang nangyari sa ‘yo?” puno nang pag-aalala na bulong niya habang nakatitig sa cellphone. Umaasa siya na tatawagan siya ng asawa para sabihin na ayos lang ito. Hindi alam ni Claire kung ano ang gagawin sa sarili kapag may nangyari kay Manson. Masiyado nang nahulog ang loob niya rito para makita ito sa miserableng kalagayan. Ayaw niyang bumalik ito sa pagkakalumpo. They have a happy life now. Isa pa, nagbabalak pa silang magkaroon ng baby. “Stop the negativity, Claire!” saway niya sa sarili. “Hindi ka dapat nag-iisip
Huminto ang sinasakyan nilang elevator sa 16th floor at hawak pa rin si Claire ng kanyang biyenan sa braso nang lumabas sila. Tahimik na naglakad ang dalawa sa kahabaan ng hallway. Dahil madaling-araw na ay payapa ang paligid at wala ring tao na umaaligid pero pagdating nila sa pinakadulong kuwarto ay nakita ni Claire ang ilang tauhan ni Manson na nakabantay sa labas ng pinto. Nagtatakang nilingon ni Claire ang biyenan. “Ma, ano’ng nangyayari?” paos pa rin ang boses na tanong niya. Biglang dumilim ang mukha ni Morsheire at hindi sumagot, bagkus ay iginiya siya nito papasok sa loob matapos silang pagbuksan ng tauhan ni Manson ng pinto. Ang tumambad kay Claire pagkapasok ay ang babaeng lumandi sa asawa niya na magulo ang buhok at luhaan na nakaupo sa pang-isahang sofa. Wala itong suot na damit kundi tanging kumot na nakabalot sa katawan nito. Claire has been expecting to see Veena inside the room once she stepped inside. Pero kahit pa inaasahan na niya na makita ito ay tila tinatarak
Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang insidente kay Manson at Veena at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nawawala sa isip ni Claire. Hindi man niya iyon inuulit sa asawa dahil ayaw nitong alalahanin, napapansin pa rin ni Manson ang minsang pagtulala niya at nang tinanong siya nito ay mahigpit na umiiwas si Claire. Nang umagang iyon ay nasa harap sila ng isang mental institution dahil pinapunta sila dito ni Morsheire upang bisitahin ang kakilala ni Manson, bestfriend daw ito ng kanyang ina. “Manson, ayos lang ba talaga na sumama ako sa ‘yo?” Kinakabahang tanong ni Claire habang magkahawak-kamay silang naglalakad papasok sa loob ng institution.Nilingon siya ni Manson saka buong pusong nginitian. “Huwag kang mag-alala, Claire. Mabait si Tita Odette. Saka lagi siyang tahimik at laging nakatulala kaya hindi ka niya mapapansin.” Pinisil ni Manson ang palad niya saka bumuga nang malungkot na hininga dahil sa huling sinabi nito. Ramdam ni Claire ang bigat sa puso ni Manson h
Ang mga sumunod na araw ay iginugol ni Claire sa pagre-restore ng family portrait ni Luke. Hindi siya tumigil at halos konti na lang ang pahinga para lang matapos iyon kaagad. Napagalitan na siya ni Manson dahil sa kakulangan niya ng pahinga pero ang totoo ay alam ni Claire na nagseselos lang ito. But Claire is a very hardworking person. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya natatapos ang isang proyekto na iniatang sa kanya. Lalo na at kapag naumpisahan niya ang isang bagay ay gusto niya iyong tapusin at ayaw niyang magsimula sa iba. She needs to go with the flow of her imagination and concentration. If this painting were stopped halfway, she would have difficulty finishing it again. “Is that painting in a rush to finish? Hindi ka na makatulog nang maayos dahil dyan,” may iritasyon sa boses ni Manson nang binisita siya nito sa art room ng kanilang apartment kung saan niya ginagawa ang pagre-repair. Kumuha ito ng upuan at itinabi sa kanya saka umupo sa tabi niya at nagmamasid sa k
“Pa, may sasabihin ako sa inyo.”Huminto sa paglalakad si Perrie at nangungunot ang noong nilingon ang anak na si Bruce na hindi niya namalayang nakasunod pala sa kanya sa study room. “What is it?” naiinip na tanong niya. Marami siyang babasahing papeles bago matulog. Dahil pagod siya maghapon sa dami ng meetings na pinuntahan ay ramdam na ng katawan niya ang kawalan ng lakas. Isinuksok ni Bruce ang palad sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon saka nagtanong. May hindi magandang ngiti sa kanyang mukha. “Pa, alam kong mayaman ang pamilya ng ama ni Claire. Kilala rin sila sa business world. Pero hindi ka ba nagtataka na bigla na lang siyang lumapit kay Claire at nagpakilala na siya ang ama nito?” May ibig sabihin ang mga salita ni Bruce, alam ni Perrie iyon. “Ano’ng ibig mong sabihin? Kung lilikha ka ng gulo ay ‘wag mo nang subukan,” banta niya. Kung ano man ang binabalak nitong panganay niya ay kailangan niyang alamin at baka maputol pa ang maliit na tali na nag-uugnay sa rela
Habang masayang naglalambingan sina Claire at Manson ay may isang tao naman na abala sa pagpaplano para patunayan kung totoo nga na mag-ama sina Claire at Mr. Khaleed.“Boss, may sample na kaming nakuha mula kay Miss Claire at Mr. Khaleed. Hinihintay na lamang ang resulta ng magiging paternity test kung magtutugma nga ba na mag-ama silang dalawa.”Lumawak ang pagkakangisi ni Bruce nang marinig ang sinabi ng assistant. Hindi niya akalaing mabilis itong kumilos matapos niyang utusang mag-imbestiga tungkol sa tunay na relasyon nina Claire at Mr. Khaleed. Noong una niyang makita na masayang nag-uusap ang mga ito kasama ang kanyang kapatid at ama ay binalot ng pagseselos ang kanyang puso kaya naman ginawa niya ang lahat para sirain ang mga ito. Hindi siya makakapayag na malalamangan na naman siya ni Manson.Sa ngayon, ang tanging hihintayin niya ay ang paglabas ng resulta ng paternity test na isinagawa ng assistant niya. Isang araw lang ang lumipas ay agad na niya iyong natanggap. Dali-dal
Mabigat pa rin ang loob ni Manson nang makauwi sila sa bahay at kahit kanina pa ito nilalambing ni Claire ay alam niyang hindi pa rin nawawala ang pagseselos nito. Kaya naman isang desisyon ang nabuo sa isip ni Claire nang makapasok sila sa loob. Silang dalawa lang ni Manson ang naroon dahil may pinagkakaabalahan si Aurora kasama ang kapatid nitong si Austin. Si Manang Silva naman ay umuwi sa probinsya nito dahil maysakit ang apo nito. Claire went directly to the kitchen and poured a glass of water and drank it before pouring another and taking it back to Manson, who was still sulking on the sofa. Kinuha ni Manson ang baso at inisang lagok ang laman niyon saka namumungay ang matang tumingin sa kanya na nakatungo rito. “Are you still jealous?” nakangiting tanong niya. Nilapit niya pa ang mukha sa mukha nito hanggang maamoy ang alak sa hininga nito. Her lips hovered above his. “Do you want me to make you feel better?” she teased. Kinakabahan siya sa gusto niyang gawin pero hindi niya
Dahil maraming kakilala ang kanyang ama na mga taong mahilig sa painting ay marami ang natuwa nang isa-isang ipinakilala ang mga iyon kay Claire. Nadagdagan na naman ang magiging kliyente niya pero upang matuwa ang ama ay pinagbigyan niya ito lalo na ang kasosyo nito sa negosyo na si Mr. Fulan. Kasama ni Mr. Fulan ang anak nito na si Kranji na halos kasing-edaran lang ni Claire. “Masaya ako na nakita na kita sa personal, Claire. Sinubaybayan ko lahat ng palabas mo. Hindi ka lang sa TV maganda. Mas maganda ka pa sa personal.” Inilahad nito ang palad para makipagkamay sa kanya na kiyeme namang tinanggap ni Claire. Wala si Manson sa tabi niya dahil isinama ito ng ama pati na rin si Bruce na hindi niya alam na nandoon din pala para kausapin ang kakilala ng mga ito na maging potensyal na kasosyo sa negosyo. Iyon ang bulong sa kanya kanina ni Manson bago ito umalis. Kaya naman sa paglalim ng gabi ang tanging kasama ni Claire ay ang kanyang ama pati na rin ang mag-amang Fulan at Kranji.
Kinabukasan ay isinama si Claire ng kanyang ama sa art exhibition nito na ginanap sa isang art gallery. Dahil nga pareho silang mahilig sa pagpipinta ay kaagad na pumayag si Claire. Hindi nakasama si Manson dahil may pinagkakaabalahan pa ito sa opisina nito at hindi niya alam kung maaga itong makatapos para samahan siya. Manghang-mangha si Claire sa dami ng taong dumalo sa art exhibit ng kanyang ama. Tunay ngang karapat-dapat itong tawagin magaling dahil sa napakametikuloso nitong obra. Karamihan sa naka-display na painting ay binibenta at marami ngang tao ang may gustong bumili. Kaya naman para hindi magkagulo ay ginawaan iyon ng tila maliit na auction. Bago matapos ang show, lahat ng taong gustong bilhin ang painting na nagugustuhan ay ilalagay nila ang binigay nilang presyo sa maliit na box katabi ng painting. “You are really famous, pa. Nanliliit ako.” Nilingon ni Claire ang ama na abala sa pag-iintroduce sa kanya ng mga obra nito. Maraming tao ang gustong lumapit para makipag-u
Upang alisin ang lungkot sa puso ni Claire dahil sa sinabi rito ni Veena ay dinala siya ng kanyang ama sa private resort nito sa Subic kung saan ang malaking private villa nito ay pinapamahalaan ng kanyang tatlong pinsang lalaki. Noong una ay ayaw pang pakausapin ni Manson si Claire sa mga ito pero dahil anak ito ng pinsan ng kanyang ama ay walang nagawa si Manson kundi ang hayaan siyang mag-bonding sa mga ito. Sinulit niya ang mga panahong malayo siya sa piling ng kamag-anak, lalong-lalo ng kanyang ama. “Nagustuhan mo ba dito, anak?” tanong ng kanyang ama habang nagsalo-salo sila sa tabi ng pool.“Yes, pa. Ang tagal ko na ring hindi nakapag-enjoy dahil sa trabaho. Salamat at dinala mo ako rito.”“Huwag mong pabayaan ang sarili mo, anak. Hindi porke’t marami kang kliyente ay aabusuhin mo na rin ang sarili mo. Kailangan mo ring magliwaliw kung minsan,” puno ng pag-aalala ang boses ng kanyang ama. Malayo ang tingin nito at tila may inaalala.Gustong tanungin ni Claire kung ang kanyan
“Pa?” tawag ni Claire sa ama nang matagal na hindi ito makasagot. Nakagat niya ang kuko sa hinlalaki habang hindi mapakaling naghintay sa isasagot ng kanyang ama. Kahit na si Manson na nasa kanyang tabi ay labis din na nag-alala dahil sa ikinikilos niya. “Claire, ‘wag mo na pansinin ang sinabi ni Veena. Alam mo naman ang bunganga ng isang ‘yn, puro kasinungalingan ang lumalabas.” Hindi nagresponde si Claire dahil alam niyang gusto lang ni Manson na pagaanin ang loob niya. Pero dahil hindi pa sinasabi sa kanya ng ama at tila itinatago nito sa kanya ang katauhan ng ina ay hindi niya maiwasang paniwalaan si Veena. “Claire…” makaraan ang ilang segundo ay saka tuluyan siyang sinagot ng kanyang ama. “Tama ang asawa mo. Isang sinungaling babae si Veena kaya hindi mo siya dapat pinapaniwalaan. Isang mabuting tao ang iyong ina at galing siya sa disenteng pamilya. Napakabait niya para sabihan na wala siyang moral. Hindi ka bastarda, Claire, tandaan mo ‘yan. Isa pa, maniwala ka sana sa akin n
Kinabukasan ay inimbitahan ni Manson si Claire na dumalo sa isang charity auction para sa mga batang inulila ng magulang. Kung noon ay hindi siya sinasama ni Manson dahil hindi siya sanay sa ganitong klaseng pagtitipon ngunit nang ilang beses na hindi siya pumayag na pakasalan niyang muli ang dating asawa ay gusto naman siya nitong ibida sa lahat. Gusto nitong ipaalala na mayroon ng babaeng nagmamay-ari rito. Napailing na lang si Claire habang nakatingin sa eleganteng dekorasyon ng hall kung saan ginanap ang auction. Alam niyang ang dahilan kung bakit gustong ipaalam ni Manson sa buong mundo kung sino siya ay para pigilan ang kanyang ama na ipag-blind date siya sa ibang lalaki.Nagsimula ang auction, pero wala pang nakakakuha ng atensyon ni Claire. Ang tanong inaabangan niya lang ay ang makalumang kuwentas na halos dalawang daan taon na ang edad. Malapit na ang kaarawan ng kanyang ina kaya naman nais niyang regaluhan ito. Binilhan na ito ni Manson ng ticket para makapamasyal ito sa H
Upang i-celebrate ang pagkikita ng nagkawalay na mag-ama ay nagkaroon ng salo-salo sa bahay nina Khaleed pero ang tanging bisita lamang ay sina Manson, Nana at Mr. Perie. Ganunpaman ay napuno ng pagkain ang mesa at magkasalitan ang dalawang matanda, kasama na si Mr. Khaleed sa pag-aasikaso kay Claire. Halos hindi na niya maubos ang pagkain dahil sa walang tigil na pagbibigay ng mga ito kaya naman nagmamakaawa siyang tumingin kay Manson para tulungan siya nito. Hindi naman siya binigo dahil ito ang umubos ng lahat ng pagkain sa plato niya saka sinaway na nito ang tatlo. Samantala, ang nakamasid na si Mr. Perie, na hanggang ngayon ay hindi pa rin naniniwala sa naging estado ng buhay ni Claire, ay may pagkabahala sa mukha. Nang malaman niya na si Claire ay anak ni Khaleed ay kung ano-anong salita na ang nabuo sa kanyang isip habang bumabiyahe papunta sa villa ng mga Valloubos. Dahil sa masamang ginawa niya kay Claire ay siguradong magkakaroon ng impak ang pagtrato sa kanya ng mga Vall