Hindi mapakali si Claire dahil dis-oras na ng gabi ay wala pa ang asawa. Nangako ito kanina na babalik ito kaagad pagkatapos ng meeting nito kaya’t naghanda siya ng hapunan. Pero maghahatinggabi na ay wala pa rin ito na labis niyang ikinakabahala. Hindi rin niya makontak ang cellphone nito kahit ilang beses na siyang nagtangkang tumawag. Nakagat niya ang kuko sa sobrang pag-aalala at hindi mapakaling naglakad-lakad sa harap ng foyer. “Manson, saan ka na ba? May masama bang nangyari sa ‘yo?” puno nang pag-aalala na bulong niya habang nakatitig sa cellphone. Umaasa siya na tatawagan siya ng asawa para sabihin na ayos lang ito. Hindi alam ni Claire kung ano ang gagawin sa sarili kapag may nangyari kay Manson. Masiyado nang nahulog ang loob niya rito para makita ito sa miserableng kalagayan. Ayaw niyang bumalik ito sa pagkakalumpo. They have a happy life now. Isa pa, nagbabalak pa silang magkaroon ng baby. “Stop the negativity, Claire!” saway niya sa sarili. “Hindi ka dapat nag-iisip
Huminto ang sinasakyan nilang elevator sa 16th floor at hawak pa rin si Claire ng kanyang biyenan sa braso nang lumabas sila. Tahimik na naglakad ang dalawa sa kahabaan ng hallway. Dahil madaling-araw na ay payapa ang paligid at wala ring tao na umaaligid pero pagdating nila sa pinakadulong kuwarto ay nakita ni Claire ang ilang tauhan ni Manson na nakabantay sa labas ng pinto. Nagtatakang nilingon ni Claire ang biyenan. “Ma, ano’ng nangyayari?” paos pa rin ang boses na tanong niya. Biglang dumilim ang mukha ni Morsheire at hindi sumagot, bagkus ay iginiya siya nito papasok sa loob matapos silang pagbuksan ng tauhan ni Manson ng pinto. Ang tumambad kay Claire pagkapasok ay ang babaeng lumandi sa asawa niya na magulo ang buhok at luhaan na nakaupo sa pang-isahang sofa. Wala itong suot na damit kundi tanging kumot na nakabalot sa katawan nito. Claire has been expecting to see Veena inside the room once she stepped inside. Pero kahit pa inaasahan na niya na makita ito ay tila tinatarak
Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang insidente kay Manson at Veena at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nawawala sa isip ni Claire. Hindi man niya iyon inuulit sa asawa dahil ayaw nitong alalahanin, napapansin pa rin ni Manson ang minsang pagtulala niya at nang tinanong siya nito ay mahigpit na umiiwas si Claire. Nang umagang iyon ay nasa harap sila ng isang mental institution dahil pinapunta sila dito ni Morsheire upang bisitahin ang kakilala ni Manson, bestfriend daw ito ng kanyang ina. “Manson, ayos lang ba talaga na sumama ako sa ‘yo?” Kinakabahang tanong ni Claire habang magkahawak-kamay silang naglalakad papasok sa loob ng institution.Nilingon siya ni Manson saka buong pusong nginitian. “Huwag kang mag-alala, Claire. Mabait si Tita Odette. Saka lagi siyang tahimik at laging nakatulala kaya hindi ka niya mapapansin.” Pinisil ni Manson ang palad niya saka bumuga nang malungkot na hininga dahil sa huling sinabi nito. Ramdam ni Claire ang bigat sa puso ni Manson h
Ang mga sumunod na araw ay iginugol ni Claire sa pagre-restore ng family portrait ni Luke. Hindi siya tumigil at halos konti na lang ang pahinga para lang matapos iyon kaagad. Napagalitan na siya ni Manson dahil sa kakulangan niya ng pahinga pero ang totoo ay alam ni Claire na nagseselos lang ito. But Claire is a very hardworking person. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya natatapos ang isang proyekto na iniatang sa kanya. Lalo na at kapag naumpisahan niya ang isang bagay ay gusto niya iyong tapusin at ayaw niyang magsimula sa iba. She needs to go with the flow of her imagination and concentration. If this painting were stopped halfway, she would have difficulty finishing it again. “Is that painting in a rush to finish? Hindi ka na makatulog nang maayos dahil dyan,” may iritasyon sa boses ni Manson nang binisita siya nito sa art room ng kanilang apartment kung saan niya ginagawa ang pagre-repair. Kumuha ito ng upuan at itinabi sa kanya saka umupo sa tabi niya at nagmamasid sa k
Mabilis na lumipas ang araw at dumating na nga ang pinakahihintay ni Claire na kaarawan ni Mr. Campbell. Wala siyang maisip na ibang regalo kundi ang gawaan ito ng painting na katulad sa isa nitong pinakapaboritong artist. It was a lotus pond with lots of growing and flowering lotuses. Sa pagkakaalam ni Claire ay hindi lang paborito ni Mr. Campbell ang lotuses, pero may sentimental value sa matanda, na kahit ang mansion nito ay may malawak na pond at may malalagong lotus na nakatanim. Nang pinakita niya sa asawa ang painting, kahit ito ay hindi makapaniwala at napabilib nang husto sa kanya. Paano naman kasi ang painting na ginawa niya ay buhay na buhay. Ang mga bulaklak ng lotus ay tila gumagalaw habang sinasayaw ng hangin. Kapag tinitigan nang husto ay nakakagaan iyon ng mabigat na nararamdaman at nakakatanggal ng stress. Isa ito sa expertise ni Claire. Lahat ng painting niya ay may buhay at nakakantig ng damdamin. “Sigurado akong magugustuhan ni Mr. Campbell ang regalo mo. He is o
Kahit pilit na iahon ni Claire ang sarili ay hindi siya pinapayagan ni Veena at pilit siya nitong hinihila palubog sa tubig. Ilang beses na siyang nakalunok ng tubig at nahihirapan na rin siyang huminga. Habang ito ay nagkukunwaring nalulunod at sumisigaw ng tulong. Ngunit dahil maingay ang paligid at may kalayuan sila sa garden ay walang may nakakarinig sa kanila. Pilit na ikinampay ni Claire ang magkabilang kamay upang pilitin ang sarili na lumutang sa tubig at makakuha ng hangin. Kahit papaano ay nagawa niya iyon pero hindi rin nagtagal dahil muli hinila ni Veena ang braso niya pababa. Nang walang ano-ano ay biglang may nag-splash sa pond at muling may tumalon. Hindi alam ni Claire kung sino dahil nakalubog ang mukha niya sa tubig pero nang hinawakan nito ang braso niya at umangat ang mukha niya ay nakita niyang si Mr. Campbell ang dumating upang sumaklolo sa kanila. Hinawakan ni Mr. Campbell ang dalawa sa magkabilang braso ay lumangoy palapit sa pangpang pero matanda na siya. Pa
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Veena. Balewala rito ang pagbabanta ni Luke. “Puwede ba umalis ka na? Hindi nakakatulong ang pag-iyak mo. Mabuti pa ay umalis ka na at mas mapadali pa ang pagtulog ko kay Mr. Campbell.”Walang nagawa si Veena kundi ang umalis at iwan sila ni Mr. Campbell. Nang wala na ito sa paningin ni Luke ay saka siya nagsalita. “She’s gone. Puwede ka nang bumangon.” Saka lang siya tumigil sa pagsi-CPR kay Mr. Campbell nang wala na si Veena. Dahil sa organizer ay muling bumalik ang mga tao sa party at nagpatuloy sa kasiyahan kaya ang dalawa na lang ang natira sa gilid ng pond. Malaya na silang makapag-usap dahil wala nang ibang taong makakarinig. Ang totoo ay kanina pa nagising si Mr. Campbell pero dahil umaatungal si Veena sa tabi niya ay hindi ito nagmulat ng mata. Hinayaan na rin ito ni Luke na magkunwari.“Talagang walang nakakaligtas sa ‘yo.” Napapailing na saad ni Mr. Campbell. Ngumisi si Luke at tinulungan ang matanda na makaupo. Umubo ito at nagsuka ng tubi
Nang bumalik ang mag-ina sa loob ng bahay, karamihan sa mga bisita ay nakaalis na, at ang natitira na lang ay ang malalapit na kamag-anak at kaibigan ng kanyang lolo. Nang makita ito na masayang nakikipag-usap at buhay na buhay ay tila nabunutan ng ilang dosenang tinik sa lalamunan si Veena. Ang buong akala niya ay may masamang nangyari sa lolo niya base sa pagkakasabi sa kanya ni Luke. Kaagad niya itong nilapitan. “Lo,” tawag niya sa nag-aalala pa ring boses. Imbes na matuwa nang makita siya ay isang malamig na tingin ang ipinukol ni Mr. Campbell sa kanya. Natameme si Veena at saka lang naalala ang ayos. Mula kanina ay hindi pa siya nakapagbihis at kahit ang amoy niya ay amoy putik pa rin. “Ano pang hinihintay mo diyan, Veena? Magsisimula na ako sa paka-cut ng cake, bakit hindi ka pa rin nakabihis?”Yumuko ang dalaga saka agad na sinunod ang sinabi ng lolo at umakyat sa inuukupang guestroom upang magbihis. Hindi nakaligtas sa paningin niya sina Manson at Claire na naglalambingan
“Ma!” muling sigaw ni Claire pero mas nangibabaw ang tawa ni Ronaldo. Ang bag na naglalaman ng pera ay matagal nang nakuha ng anak nito. “Pareho lang kayo ng iyong ina, Claire. Parehong hibang at hindi nag-iisip!” lalo pa itong tumawa nang malakas na sinabayan ng anak nito. Napatungo si Claire at tahimik na napangisi. May ilang metro ang layo niya sa mag-ama. Upang kunwari ay nasaktan siya sa ‘paghulog’ kuno ng kanyang ina ay napaluhod siya sa semento at umiyak. Pero iyon ay isang hudyat para kumilos ang kasamahan niya na hindi alam ng mag-ama na kasama pala niya. Dalawang magkasabay na putok mula sa sniper ang umalingawngaw sa kalaliman ng gabi at kasunod niyon ay ang pagbagsak ng mag-ama. Natamaan ang mga ito sa parehong braso at ang kutsilyo na hawak nito bilang panakot sa kanya. Kasunod nang pagbagsak ng dalawa ay agad na lumabas sa pinagtataguan ang mga pulis na kasama ni Claire pati na rin si Manson. Nang makalapit ito sa kanya ay agad siya nitong niyakap nang mahigpit. “A
Habang lumilipas ang minuto na kasama ng kanyang ina ang kanyang ama y hindi mapakali si Claire. Pabalik-balik ang kanyang lakad sa salas upang pakalmahin ang sarili pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya mapakali. Mahigpit na habilin ng kanyang ina na ‘wag siyang sumunod rito dahil kaya na nito ang sarili pero hindi siya basta magpapaniwala sa sinabi nito. Kahit ilang beses pa lang niyang naka-engkwentro ang ama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Sigurado siyang may masama itong tangka sa kanyang ina. “Claire, relax. Walang mangyayaring masama sa iyong ina. Kasama niya ang tatlong bodyguards na itinalaga ko sa kanya.”Nilingon ni Claire si Manson na nakaupo sa sofa at kanina pa nababahala dahil sa labis niyang pag-aalala. “Hindi mo kilala si Rolando, Manson. Kahit siya man ang asawa ni mama, ay hindi niya kailanman itinuring na asawa ang aking ina. At kahit may bodyguards siyang kasama alam kong kung gagawa nang masama si Rolando ay hindi sila magiging sapat.”Tumayo si
Nagsisimula na ang selebrasyon nang makapasok ang dalawa sa loob. Veena and Bruce walked table by table to toast to the guests. At dahil ayaw iwanan ni Manson si Claire na mag-isa ay umupo siya sa table nito upang samahan ito kagit pa ang table na dapat para sa kanya ay nasa harapan banda. Nang lumapit sa mesa nila sina Veena ay imposibleng hindi mag-iwan ng salita ang babae kahit pa tahimik lang si Claire.“Claire, mukhang ikaw ang star ng selebrasyon dahil mas lumilitaw ang awra mo kaysa sa akin. Are you trying to steal my limelight?” Veena said. Sinadya nitong palakasin ang boses para marami ang makarinig. Hahayaan na lang sana niya na si Manson ang bumati sa dalawa pero nang marinig ang sinabi ni Veena ay mahina siyang napatawa. This girl, even in her fabulous day, acted pathetic. “Veena, this is a happy occasion. Dapat ay magsaya ka at ‘wag gumawa ng negatibo. Isa pa, kapag kasal na kayo ni Bruce magiging magkapamilya na tayo.” Kinindatan niya si Veena saka kumapit ang kamay
“Manson…” mahinang tawag ni Claire sa asawa. Nakatayo ito sa veranda ng bahay niya habang naninigarilyo. Hindi niya alam kung pang-ilang stick na nito iyon pero hindi pa rin ito tumigil. Isang linggo na ang makalipas magmula ang komprontahan nila ni Marriotte. Nakalabas na rin sa ospital si Lucas at nakauwi na ang mga ito sa America. Labis ang lungkot ni Claire dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero alam niyang umiiwas lang ito marahil ay sinabi rito ng ina na ang tungkol sa kondisyon na hinihingi nito kay Mr. Perie, sa ama nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkapatid nga ang asawa at kababata niya. “Gusto kong pumunta tayo sa probinsya n’yo at imbestigahan ang nangyaring sunog. Kung totoo man ang sinabi ni Marriotte na may kinalaman ang aking ama’t ina sa nangyari sa inyo ni Lucas ay kailangan ko silang panagutin. Pero gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kinalaman dito si mama. I don’t care if it was my father’s doing to cover his crim
Hindi agad nakasagot si Claire dahil sa sinabi ni Mosheire. Nakamata lang siya rito habang naglalakad ito papalapit sa kanila ni Manson. Kasunod nito sa likuran si Mr. Perie na katulad ni Manson ay madilim ang mukha na nakatingin kay Marriotte. Ngunit kahit mag-isa lang ang babae habang pinagtutulungan ito ng tatlo ay hindi ito nagpakita ng takot.Claire was different. Hindi siya agad naniwala sa sinabi ni Mosheire at ni Manson hangga’t hindi niya naririnig ang side nito. Tulad nga ng sabi nila, may dalawang panig ang istorya. Nang lumapit sa tabi niya si Mosheirre at hinawakan siya sa braso ay isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya rito bago tumingin kay Marriotte na naninibugho pa rin ang tingin pero ngayon, lahat ng galit nito ay ibinunton kay Mr. Perie. “At iyan ang ipinagkakalat niyo? Na isa akong kabet?” Itinuro nito ang sarili. Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ito ng ibang dumadaang tao dahil sa bulgar na sinabi nito. Malakas itong napaismid saka idinuro si Mr. P
Nagpatuloy si Marriotte sa mahigpit na paghawak sa kuwelyo ni Manson. Habang si Claire na nakikinig at nakatingin sa tabi nito ay hindi halos makakilos dahil sa nangyayari. Magkakilala ba sina Marriotte at Manson? Bakit galit na galit ito sa dati niyang asawa niya?“Dalawa kayo ng ina mo ang may dugong demonyo. Mga masasama ang loob! Hindi na kayo nakuntento noon na ipapatay si Lucas, at ngayong nalaman niyong buhay pa rin siya ay gusto niyo siyang patayin ulit? Kapag may nangyari masama sa anak ko ay siguraduhin kong lalabas ang baho ng pamilya ninyo!”Hinawakan ni Manson si Marriotte sa braso nito at pilit na tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya. “Huwag kang basta-basta mambintang at baka makasuhan kita,” malamig na banta ni Manson. “Wala akong ginawang masama sa anak mo.”Hinawakan ni Claire sa braso si Manson at pinisil iyon upang pakalmahin ito. Bagama’t sumunod ay nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Pardon me for being blunt, but I have nothing to do with yo
Next:Limang araw na ang nakalipas pero wala pang balita si Claire tungkol kay Lucas. Ang eroplanong sinasakyan nga nito ang nabalitang nag-crash kaya’t agad silang dumayo sa Batanes dahil doon napabalitang nakita ang debris ng eroplanong bumagsak. Tumuloy sila sa isang hotel doon. Kasama niya si Manson at ang ilang tauhan nito.Bukod sa mga search and rescue team ng gobyerno ay nagdala rin si Manson ng sarili nitong rescuer team para maabilis ang paghahanap. Sa loob ng limang araw na wala siyang balita kay Lucas ay halos hindi rin makakain si Claire nang maayos dahil labis ang kanyang pag-aalala. Hindi niya kayang tanggapin kung may mangyaring masama kay Lucas. Hindi pa sila nito nagkakasama nang matagal.“Claire,” tawag sa kanya ni Manson. Kagagaling na nila sa karagatan upang suyurin ang lugar kung saan nag-crash ang eroplano. “Kumain ka muna. Ilang araw ka ng walang ayos na kain. Alagaan mo ang sarili mo, puwede ba? Sa tingin mo ba magugustuhan ni Lucas kung malaman niya na pinaba
Ang halik na nasimulan sa salas ay dumiretso hanggang sa kuwarto. At kahit hindi pa lumulubog ang araw ay gumagawa na ang dalawa ng gawain na kadalasan ay sa gabi lamang ginagawa. Ramdam na ni Claire ang pagod dahil ilang oras na silang nag-e-ehersisyo sa kama ni Manson pero wala pa ring balak tumigil ang lalaki. Naiintindihan niya ito. Matagal na simula nang huling may mangyari sa kanila ni Manson at inaamin ni Claire na kahit siya ay sabik na sabik sa katawan ng asawa. Kung hindi lamang siya nakaramdam ng gutom ay hindi pa tumigil si Manson. Alas-diyes na ng gabi at halos hindi na niya kayang igalaw ang katawan kaya hinayaan niya si Manson na asikasuhin siya. Mula sa pagpapaligo sa kanya at pagpalit ng damit ay inasikaso siya nito. Sa sobrang pagod at antok ay halos ipikit na niya ang mga mata kaya naman sinubuan na lang siya ni Manson para lang magkalaman ang sikmura niya. Nagpautos ito sa tauhan na bumili ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant at agad ring pinauwi ang mga
Matapos lisanin ang opisina ng kanyang ina ay dumiretso siya sa bahay ni Claire. Naghihintay na ito sa kanya nang makarating siya habang hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-aalala. Gustong tumawa ni Manson nang malakas pero kailangan niyang panindigan ang pagkukunwari kaya habang pababa ng kotse ay paika-ika siya ta gad naman siyang inalalayan ni Claire. “Ang tigas talaga ng ulo mo, Manson. Bakit kailangang dito ka pa dumiretso keysa sa ospital?” pangaral ni Claire habang inalalayan siya nitong maglakad papasok sa loob. Nakatanga lamang ang assistant at driver niyang kasama dahil sa inakto niya pero kinawayan niya ang mga ito na maghintay sa kotse at ‘wag siyang istorbohin.Pinaupo siya ni Claire sa sofa at agad na inirolyo pataas ang suot niyang pantalon at yumuko upang makita kung saan ang sumasakit. “Saang banda ang sumasakit? Ito ba?” Hinawakan nito ang kaliwa niyang tuhod at bahagyang pinisil.Umiling si Manson. “No.”Hinawakan nito ang kanan niyang tuhod at marahan uling pin