“What can you say about my granddaughter, hijo?” Tipid na ngumiti si Luke habang iniabot kay Claire ang kamay upang gamutin niya iyon. “Hindi po ako interesado.” Ni hindi nito sinulyapan ang larawan ni Veena sa cellphone na pinapakita kay Luke.“Why? Maganda naman ang apo ko. She looks like Claire, too. Kung gusto mo ay mag-set ako ng date para magkita kayong dalawa,” pamimilit pa ni Mr. Campbell.Tahimik lang na nakikinig si Claire sa usapan nina Luke at Mr. Campbell. Pero sa loob-loob niya ay naiinis siya dahil sa pagbanggit sa pangalan ni Veena, lalo pa at ikinukumpara ang kagandahan nito sa kanya. Kahit si Manson ay sinasabi nitong magkahawig sila ni Veena. Pero wala siyang magagawa dahil apo ito ni Mr. Campbell. “I’m sorry, Mr. Campbell. Pero hindi ho ako interesado. Saka, pasensya na rin, dahil mas maganda si Claire keysa sa apo niyo. Huwag niyo ho sanang masamain ang sinabi ko.”Mahinang napatawa si Claire samantalang napapailing na lang si Mr. Campbell at inilihis ang usapa
“Ano ang masasabi mo ngayon, Manson?” ulit pa ni Veena. Her face was full of cockiness as she stared at Manson provocatively. “Naniniwala ka na ba sa sinasabi ko?”Napatiim ang bagang ni Manson sa narinig at pigil ang galit na lumapit sa harapan ni Claire. Maayos na itong nakatayo habang namumutla ang mukha na nakatingin sa kanya. “I’m here to pick you up. Tapos ka na ba sa ginagawa mo?” mababa ang boses na tanong niya habang pigil ang galit. Ni hindi siya tumingin kay Veena at hindi binigyang-pansin si Lucas. Inilahad niya ang palad sa nakatulalang mukha ng asawa. “Manson… walang katotohanan ang nakita mo. Tinulungan lang ako ni Luke,” ani Claire. There was hesitance in her action and she contemplated whether to take his hand, but it only took a few seconds before she held his waiting palm. Ngumiti si Manson pero wala iyong buhay at alam niyang alam ng asawa na hindi siya natutuwa sa naabutan niyang tagpo. “I know,” sagot niya. Pinagsalikop niya ang palad nilang dalawa. “Ayos ka
Hindi mapakali si Claire dahil dis-oras na ng gabi ay wala pa ang asawa. Nangako ito kanina na babalik ito kaagad pagkatapos ng meeting nito kaya’t naghanda siya ng hapunan. Pero maghahatinggabi na ay wala pa rin ito na labis niyang ikinakabahala. Hindi rin niya makontak ang cellphone nito kahit ilang beses na siyang nagtangkang tumawag. Nakagat niya ang kuko sa sobrang pag-aalala at hindi mapakaling naglakad-lakad sa harap ng foyer. “Manson, saan ka na ba? May masama bang nangyari sa ‘yo?” puno nang pag-aalala na bulong niya habang nakatitig sa cellphone. Umaasa siya na tatawagan siya ng asawa para sabihin na ayos lang ito. Hindi alam ni Claire kung ano ang gagawin sa sarili kapag may nangyari kay Manson. Masiyado nang nahulog ang loob niya rito para makita ito sa miserableng kalagayan. Ayaw niyang bumalik ito sa pagkakalumpo. They have a happy life now. Isa pa, nagbabalak pa silang magkaroon ng baby. “Stop the negativity, Claire!” saway niya sa sarili. “Hindi ka dapat nag-iisip
Huminto ang sinasakyan nilang elevator sa 16th floor at hawak pa rin si Claire ng kanyang biyenan sa braso nang lumabas sila. Tahimik na naglakad ang dalawa sa kahabaan ng hallway. Dahil madaling-araw na ay payapa ang paligid at wala ring tao na umaaligid pero pagdating nila sa pinakadulong kuwarto ay nakita ni Claire ang ilang tauhan ni Manson na nakabantay sa labas ng pinto. Nagtatakang nilingon ni Claire ang biyenan. “Ma, ano’ng nangyayari?” paos pa rin ang boses na tanong niya. Biglang dumilim ang mukha ni Morsheire at hindi sumagot, bagkus ay iginiya siya nito papasok sa loob matapos silang pagbuksan ng tauhan ni Manson ng pinto. Ang tumambad kay Claire pagkapasok ay ang babaeng lumandi sa asawa niya na magulo ang buhok at luhaan na nakaupo sa pang-isahang sofa. Wala itong suot na damit kundi tanging kumot na nakabalot sa katawan nito. Claire has been expecting to see Veena inside the room once she stepped inside. Pero kahit pa inaasahan na niya na makita ito ay tila tinatarak
Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang insidente kay Manson at Veena at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nawawala sa isip ni Claire. Hindi man niya iyon inuulit sa asawa dahil ayaw nitong alalahanin, napapansin pa rin ni Manson ang minsang pagtulala niya at nang tinanong siya nito ay mahigpit na umiiwas si Claire. Nang umagang iyon ay nasa harap sila ng isang mental institution dahil pinapunta sila dito ni Morsheire upang bisitahin ang kakilala ni Manson, bestfriend daw ito ng kanyang ina. “Manson, ayos lang ba talaga na sumama ako sa ‘yo?” Kinakabahang tanong ni Claire habang magkahawak-kamay silang naglalakad papasok sa loob ng institution.Nilingon siya ni Manson saka buong pusong nginitian. “Huwag kang mag-alala, Claire. Mabait si Tita Odette. Saka lagi siyang tahimik at laging nakatulala kaya hindi ka niya mapapansin.” Pinisil ni Manson ang palad niya saka bumuga nang malungkot na hininga dahil sa huling sinabi nito. Ramdam ni Claire ang bigat sa puso ni Manson h
Ang mga sumunod na araw ay iginugol ni Claire sa pagre-restore ng family portrait ni Luke. Hindi siya tumigil at halos konti na lang ang pahinga para lang matapos iyon kaagad. Napagalitan na siya ni Manson dahil sa kakulangan niya ng pahinga pero ang totoo ay alam ni Claire na nagseselos lang ito. But Claire is a very hardworking person. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya natatapos ang isang proyekto na iniatang sa kanya. Lalo na at kapag naumpisahan niya ang isang bagay ay gusto niya iyong tapusin at ayaw niyang magsimula sa iba. She needs to go with the flow of her imagination and concentration. If this painting were stopped halfway, she would have difficulty finishing it again. “Is that painting in a rush to finish? Hindi ka na makatulog nang maayos dahil dyan,” may iritasyon sa boses ni Manson nang binisita siya nito sa art room ng kanilang apartment kung saan niya ginagawa ang pagre-repair. Kumuha ito ng upuan at itinabi sa kanya saka umupo sa tabi niya at nagmamasid sa k
Mabilis na lumipas ang araw at dumating na nga ang pinakahihintay ni Claire na kaarawan ni Mr. Campbell. Wala siyang maisip na ibang regalo kundi ang gawaan ito ng painting na katulad sa isa nitong pinakapaboritong artist. It was a lotus pond with lots of growing and flowering lotuses. Sa pagkakaalam ni Claire ay hindi lang paborito ni Mr. Campbell ang lotuses, pero may sentimental value sa matanda, na kahit ang mansion nito ay may malawak na pond at may malalagong lotus na nakatanim. Nang pinakita niya sa asawa ang painting, kahit ito ay hindi makapaniwala at napabilib nang husto sa kanya. Paano naman kasi ang painting na ginawa niya ay buhay na buhay. Ang mga bulaklak ng lotus ay tila gumagalaw habang sinasayaw ng hangin. Kapag tinitigan nang husto ay nakakagaan iyon ng mabigat na nararamdaman at nakakatanggal ng stress. Isa ito sa expertise ni Claire. Lahat ng painting niya ay may buhay at nakakantig ng damdamin. “Sigurado akong magugustuhan ni Mr. Campbell ang regalo mo. He is o
Kahit pilit na iahon ni Claire ang sarili ay hindi siya pinapayagan ni Veena at pilit siya nitong hinihila palubog sa tubig. Ilang beses na siyang nakalunok ng tubig at nahihirapan na rin siyang huminga. Habang ito ay nagkukunwaring nalulunod at sumisigaw ng tulong. Ngunit dahil maingay ang paligid at may kalayuan sila sa garden ay walang may nakakarinig sa kanila. Pilit na ikinampay ni Claire ang magkabilang kamay upang pilitin ang sarili na lumutang sa tubig at makakuha ng hangin. Kahit papaano ay nagawa niya iyon pero hindi rin nagtagal dahil muli hinila ni Veena ang braso niya pababa. Nang walang ano-ano ay biglang may nag-splash sa pond at muling may tumalon. Hindi alam ni Claire kung sino dahil nakalubog ang mukha niya sa tubig pero nang hinawakan nito ang braso niya at umangat ang mukha niya ay nakita niyang si Mr. Campbell ang dumating upang sumaklolo sa kanila. Hinawakan ni Mr. Campbell ang dalawa sa magkabilang braso ay lumangoy palapit sa pangpang pero matanda na siya. Pa
Kinabukasan, nagpahayag ng imbitasyon si Vincent kina Claire at Manson na gusto nitong manood ng sine matapos mag-dinner sa labas. Pero ang totoong dahilan nito ay nahihiya kung silang dalawa lang ni Meesha ang magkasama. Dahil buong araw na nakapagpahinga ang dalawa ay pinaunlakan nila si Vincent. “Vincent, paano ka naman makaka-iskor kay Meesha niyan kung kasama mo kami?” biro ni Claire kay Vincent nang matapos na silang manood. Nasa labas na sila sa hallway habang hinihintay si Meesha na lumabas ng banyo. Napakamot sa ulo ang lalaki at kinakabahang napatawa. “That’s why I asked you and Manson to come. Kailangan ko lang ng moral support.” “Tsk!” naiiling na komento ni Manson pero wala na itong sinabi dahil papalapit na sa kanila si Meesha. “Goodluck! Kaya mo ‘yan!”Nangunot ang noo ni Meesha dahil sa sinabi ni Claire. “Bakit, ano’ng meron?” Tumayo ito sa tabi ni Vincent at pinaningkitan ng mata ang binata. Alanganin na ngumiti si Vincent saka inaya si Meesha. “Nothing. They
Kinabukasan ay palihim na kinausap si Claire ng kanyang ina sa kanyang kuwarto na ikinagulat niya dahil maaga pa lang ay nasa loob na ito. “Ma, may kailangan ka?” hindi niya mapigilang usisain ito dahil sa labis na pagtataka. Nakahiga pa siya sa kama dahil katatapos niya lang makipag-usap kay Manson. Umupo ang kanyang ina sa gilid ng kama malapit sa uluhan niya at hinaplos ang magulo niyang buhok saka pilit na ngumiti. Nangunot naman ang noo ni Claire dahil sa nakikitang itsura ng ina na tila hindi ito nakatulog dahil sa malalim ang iniisip. Hinintay niya itong sumagot upang pakinggan kung sakali mang may dinadala itong problema. “Claire, ano ang tingin mo ay Lucas?”Lalong nagkasalubong ang kanyang kilay at nagkaroon ng hinala kung bakit tila balisa ito. “Ma, is this about Aunty Marriotte asking me to marry Lucas?” Tumango ito at dumilim ang mukha ni Claire. “Ma, it can't be happen. Hindi ako magpapakasal kay Lucas dahil parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kung ano man ang n
Abala si Claire sa pag-aalaga kay Lola Rosa, ang lola ni Lucas, na hindi niya napansin ang pitong araw na binigay sa kanya ni Manson ay tapos na. Araw-araw siyang tumutungo sa ospital at inaalagan, binabantayan at iginagala sa compound ng hospital si Lola Rosa. kung hindi pa siya sinabihan ng kanyang ina na kailangan na nilang umuwi dahil siguradong magagalit na naman si Manson. Kahit si Lucas ay inuudyukan din siyang bumalik na sa Pilipinas at kaya naman na nitong alagaan si Lola Rosa pero sa araw-araw na lumilipas na nakikita niyang ang unti-unting paghihina ng matanda ay nasasaktan siya at hindi niya ito kayang iwan. Naalala niya ang kanyang lola. Namatay ito na wala siya sa tabi nito. “Claire, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Kaya ko nang alagaan si Lola. bumalik ka na ng Pilipinas dahil sigurado akong hinahanap ka na ng kapatid ko. Kapag magtatagal ka pa rito ay sigurado akong hindi ka na makakabalik dahil sa ngayon ay ikaw na lang ang hinahanap ni Lola.”Mahinang napatawa
Dumating ang araw ng linggo na pinakahihintay ni Claire. Ngayong gabi kasi ay pupunta sa bahay nila sina Meesha at Vincent para sumalo sa hapunan kaya naman naghanda ng maraming pagkain si Claire. Hindi niya alam kung ano ang paboritong pagkain ng dalawa kaya bago maghanda ay tinanong niya muna si Manson na sikreto namang tinanong si Meesha upang alamin. Bukod sa in-order niyang putahi ay mayroon ding nilutong pagkain si Claire na natutunan niya sa kanyang lola noong nabubuhay pa ito. At habang naghahanda nga siya ay may hindi maipaliwanag na tuwa sa kanyang puso sa isiping maka-bonding niya si Vincent. Mabuti na lamang at kahit halata sa kilos niya ang tuwa habang naghahanda ay hindi nagselos si Manson at inaprubahan lang kung ano ang gusto niya. Dahil wala si Aurora sa bahay ay sila ni Manang Silva lang ang natoka sa kusina kaya naman nang dumating ang dalawang bisita ay si Manson ang sumalubong dito. Habang nagsalo-salo ang tanging nagsasalita ay si Meesha, as usual ito ang pinak
Kung dati ay nagdadalawang-isip pa si Claire, ngayon ay gusto na niyang sagutin ng oo si Manson hindi dahil sa ama nito na botong-boto na sa kanya sa biglang pagtaas ng posisyon niya kundi dahil gusto niya nang matali sa kanya ng tuluyan si Manson. Sa taglay na kaguwapuhan ng lalaki ay sigurado siyang marami at marami pang kababaihan ang gustong lumandi rito. Niyakap niya ang braso sa leeg ni Manson at sinserong ngumiti habang magkahinang ang kanilang mata. “You know that I always wanted to marry you. Hindi lang talaga sumasabay ang pagkakataon. I always wanted to be with you forever dahil gusto ko nang itali ka sa akin habang-buhay para wala nang ibang babae ang humarot sa ‘yo pero…” “Pero?” Umupo si Claire sa kandungan ni Manson habang nakaupo ito sa kama saka mabilis na dinampian ng halik sa labi at nagsalita. Her words were refined and delicate to appease the man of her dreams for him to agree to her plans. “Alam mong malubha na ang kalagayan ng lola ni Lucas at dahil isa siya
Hindi agad-agad naniniwala si Claire sa mga ganitong nababasa lalo na at dumarami ang mga scammers ngayon. Pero dahil binanggit ang pangalan ni Manson ay may bahagi ng isip niya ang naniniwala na baka totoo nga ito kaya naman mabilis niyang tinawagan ang numero nang nagpadala ng mensahe pero kahit anong tawag niya ay hindi niya na iyon makontak. Nagkibit siya ng balikat at binalewala iyon pero habang tumatagal ang oras na hindi nagre-reply sa kanya si Manson ay tila may sumusundot sa puso niya t hindi siya mapakali. Nang sumapit ang gabi ay halos hindi siya makatulog dahil iniisip pa rin kung sino ang misteryosong nagpadala sa kanya ng mensahe. Mabuti na lang bago siya matulog ay tumawag sa kanya si Manson at sinabing ayos lang ito kaya naman hindi na niya inungkat dito ang tungkol sa mensahe na natanggap.Kinabukasan, inumpisahan niya ang painting na personal niyang naisip. Iyon ay ang painting ng kanyang ina. Ang sabi sa kanya ng kanyang ama ay magkamukha sila nito kaya naman ginam
Mahigpit na napahawak sa jewelry box si Khaleed at tumiim ang bagang dahil hindi niya kayang isipin na ang isang tulad ni Benjamin ang ama ni Claire. A single 'ding' sound followed by the elevator’s door being opened and Manson ang Khaleed simultaneously turned their heads towards it. Nangunot ang noo at nagsalubong ang kilay ni Manson nang mapagsino ang nakitang lumabas. Nang nilingon niya si Khaleed ay mas madilim pa ang mukha nito sa kanya na halatang-halata ang galit sa mukha. “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” malamig na tanong ni Khaleed. Walang bahid ng ngiti sa labi nito habang nakatingin sa bagong dating na sina Benjamin at Lanette.Biglang nalukot ang mukha ni Benjamin sa tanong ni Khaleed. “Hindi ba at ako dapat ang magtanong niyan sa ‘yo? Ano ang ginagawa mo rito? Ano ang karapatan mo para bisitahin ang dati kong asawa?”Tumaas ang sulok ng labi ni Khaleed at simpleng sumagot. “Kaibigan, may problema ba roon?” kalmadong sagot niya.“Aunty Lanette, magkaibigan din ang mama ko a
Mapait na ngumiti si Khaleed saka nilingon si Manson na nakatingala pa rin sa medyo madilim na kisame. Hindi talaga niya matakasan ang matalinong tao. Kaya ito naging matagumpay sa negosyo kahit sa batang edad nito ay dahil mabusisi at matalino ito na kayang basahin ang bawat galaw ng kaharap. “Huwag mong sabihin kay Claire. Hindi niya muna kailangang malaman kung sino ang tunay niyang ina.”Tumango si Manson bilang pagsang-ayon at diretsong tiningnan si Mr. Khaleed. “Naiintindihan ko. Pero hindi ba at mas maganda kung malaman ni Claire kung sino ang ina niya at hindi naman siya nasa dilim kung sino ang tunay niyang ina? Pareho nating alam na matagal na niyang gustong malaman kung sino ang kanyang ina.”“Dahil nasa dilim ang taong gustong manakit kay Claire at tayo ay nasa liwanag. Madali tayong makikita ng kalaban. Wala akong alam kung sino ang may pakana sa pagkawala niya noon. Kung sino ang taong gustong pumatay sa kanya. Kapag kilala ng mag-ina ang isa’t isa ay sigurado akong par
“Claire? Sino’ng kausap mo?”Mula sa pagkakatayo sa pintuan ay nakangiting nilingon ni Claire ang ama na nasa kanya palang likuran. Lumamlam ang mga mata niya. “Pa, nandiyan ho pala kayo.” May munting ngiti sa labi ng kanyang ama nang lumapit ito at tumayo sa gilid niya. “Hindi mo naman sinabi na may bisita ka pala. Bakit hindi mo papasukin sa loob?” Napakamot sa batok si Claire. Ang totoo ay hindi niya rin akalaing bibisitahin siya ni Lucas. Ang buong akala niya ay nasa America pa ito kaya’t nagulat siya nang bigla siya nitong sinurpresa. Kadarating lang nito nang makita sila ng kanyang ama pero nag-aalangan siya kung papasukin ito o hindi dahil hindi niya ito pamamahay at hindi siya sigurado kung okay lang ba sa kanyang ama kung magpapasok siya ng bisita. “Ah kasi ano, pa…” Nilingon niya si Lucas na ang pokus ng tingin ay nasa kanyang ama. “Huwag ka nang mahiya, Claire. Paalis na rin ako kaya malaya kayong makakapag-usap.”Namula ang mukha ni Claire dahil sa sinabi ng kanyang am