“SH*T, Laura! Mukhang kailangan kong mag-cutting class bukas!” bulalas ni Asia habang nakatitig sa cellphone niya.
“At bakit naman?” kunot-noong tanong ng kaibigan.
Bumaling siya sa aking kaibigang si Laura. “Hindi mo ba nakikita?” Tumingin pa siya sa cellphone niya na ikinasunod din ni Laura.
“Ano ba ‘yan?”
Kinuha ni Laura sa kanya ang cellphone niya at tiningnan ang post ng isang pubhouse.
“Bukas na ang book signing event ni Ismael para sa second book niya.”
Nakasimangot na ibinalik sa kanya ni Laura ang telepono niya.
“Sa pagkakatanda ko, hindi siya dumating sa first signing event niya. Kaya ‘wag ka nang mag-expect ngayon dahil ang bali-balita, babae ‘yan.”
“Hindi nga, e. Lalaki siya, malakas ang pakiramdam ko.” 200% sure siya sa bagay na ‘yan. Hindi siya maaaring magkamali dahil dito kaya siya magaling.
“Hay, naku na lang, Asia Jade. Kung kay Callen mo na lang tinutuon ang atensyon mo, hindi ka na mag-cutting class pa.”
Sumimangot siya nang marinig ang pangalan ni Callen. “Kung si Callen man lang, no way, kahit na may highway! Kay Astin na lang ako, noh! Nang mabigyan naman nang hustisya ang pagkagusto ko sa kanya. Ang tagal na, o. Pero walang response! Tutal ayaw mo naman talaga sa kanya, ‘di ba?” Bahagyang ngumiwi ang labi niya nang tingnan ang kaibigan.
“Sayong-sayo na si Astin,” mabilis nitong sabi sa kanya. Lumiwanag ang bigla ang awra niya.
Napaangat siya ng kilay. “So, itutuloy ko na ang pagbigay ng invitation sa kanya?”
“Invitation para saan?” Mukhang nakalimutan ni Laura na malapit na ang foundation day nila. Naroon din kaya ito nang sabihin ni President na approve na ang party na iyon.
“Hello! Malapit na ang foundation, bestie! Ganoon daw ulit sabi ni Pres, may party.” Pero natigilan siya at tinitigan ang kaibigan. “Wala kang balak na umattend, noh?”
“Wala,” walang buhay na sagot ng kaibigan.
“P-paano ako? Kami ni Andeng? A-attend kaya kami.”
“Makakalimutan niyo rin ako sa araw na iyon, kaya sige lang. Go!”
Napapadyak siya. “Hindi pwede! Kailangang umattend ka sa ayaw at sa gusto mo!”
“Ay, ewan ko nga sa inyo.”
“Basta umattend ka, huh? Magagalit ako. Sige ka.” This time, seryoso na siya kaya napatitig ito sa kanya.
“Sige na nga.” Parang hindi ito masaya. Pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga, pumayag ito sa gusto niya.
“Asia,” tawag nito sa kanya mayamaya. Muli niyang binabasa ang nasa feed ng app niya tungkol sa book signing event na iyon.
“Hmm?” aniya.
“S-si Astin ang yayayain mong maging escort?”
“Yup!” mabilis niyang sagot. “Pero kung makita ko si Ismael at pumayag siya na siya ang maging escort ko, hindi na si Papa Astin.”
Imbes na magkomento sa sinabi niya, iba ang lumabas sa bibig ng kaibigan niya.
“Teka nga pala. ‘Di ba, may digital signature naman ang mga book na inilalabas ng pubhouse na ‘yan?”
“Meron. Pero iba pa rin ang pirma niya. ‘Yon ang gusto ko.”
Napailing sa kanya si Laura. “Ewan ko nga sa ‘yo. Isang malupit na good luck na lang sa ‘yo.”
Hindi na niya pinansin ang reaksyon ng kaibigan. Basta, a-absent siya bukas. Actually, hindi na mawala sa isipan niya ang book na nabasa niya na pinublish ng manunulat na iyon. Ewan ba, kinilig siya. Feeling niya, siya ang babae sa istorya na iyon. Tapos nang malaman niya na na lalaki ang author, nagkaroon siya nang interes na makita ito. Kaya lahat ng post at isyu tungkol sa unang book ni Ismael ay sinundan niya. Napag-alaman niya pa sa comment section ng mga post na pogi nga raw ang nasa likod ng Ismael na pen name.
DALI-DALING tumakbo si Asia palabas ng classroom nila matapos makita ang oras. Nawala sa isipan niyang ngayon nga pala ang book signing ni Ismael at confirmed na a-attend nga ito. Dapat talaga a-absent siya ngayon gaya ng sabi niya kahapon, pero hindi nangyari dahil wala ang Mommy niya sa mood. Hindi pa umuuwi ang Daddy niya mula sa business trip nito. Ayaw niya namang dagdagan ang isipin ng Mommy niya.
“Shuttang igit na malagkit!” pasigaw niyang sabi nang bigla siyang bumangga sa matigas na dibdib.
Inis na nag-angat siya nang tingin. Lalong nadagdagan iyon dahil mukha ni Callen ang nabungaran niya.
“Sinadya mo bang harangan ako para sa ‘yo ako tumama?”
“Matagal ka nang tumama, hindi mo alam?”
“Ano?” Hindi niya ito maintindihan.
“Nothing. Next time, tumingin ka kasi sa dinadaanan mo.”
“Wow. Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan? Eh, bigla ka na lang lumitaw kaya sa ‘yo ako bumangga! Kaloka ka! Ikaw ‘tong may kasalanan kaya.”
“Me? Hindi, a!” Tinuro pa ni Callen ang sarili. “Ikaw ‘yon, Corazón.” Biglang naging malumanay ang pagsabi ni Callen niyon. “Ikaw itong tumatakbo na parang may-ari ng hallway. Pasalamat ka na lang dahil sa tamang lalaki ka tumama.”
“Tama ka dyan! Baka ikaw ‘tong may tama sa utak. Matagal mo na akong kilala tapos tatawagin mo akong Corazon? Gosh! Nakakainis ka!” Matagal na napatitig sa kanya si Callen.
Lagi na lang siya nitong tinatawag na Corazon kaya. Nakakaasar. Sa isip niya kasi, kapag tinawag na Corazon, manang o ‘di kaya para siyang matandang hindi nag-aayos. O ‘di kaya parang bruha? Dugyot? Basta ganoon ang nasa isip niya.
Kesa magsayang ng laway at masira ang araw ay iniwan niya si Callen. Baka ma-badtrip lang siya dahil sa binata.
Natigilan siya mayamaya nang makita si Astin. Nakasimangot na naman itong nakatingin sa kanya.
Kanina pa kaya ito rito? Malamang, ano? Magkaibigan ito at si Callen, e. Tapos kasama rin ng mga ito ang iba nilang kaibigan. Si Eziah, Dariel at Ian. Si Dk naman ay kausap sa malayo si Zale.
Tumigil siya sa harapan ni Astin kaya napataas ito ng kilay.
“Get out of my way,” anito.
Ngumiti lang siya kay Astin. “Papa Astin—”
“You’re not my daughter para tawagin mo akong Papa.” Akmang aalis ito sa harapan niya nang mabilis niyang inilabas ang invitation.
Pero imbes na si Astin ang kukuha ng invitation, may ibang kamay na kumuha doon. Si Callen iyon kaya nainis na naman siya.
“Akin na ‘yan!” sigaw niya. Pero tinago lang nito iyon sa kanya. Lumayo pa ito sa kanila ni Astin para basahin.
“Damn, pal. Are you going to accept her invitation? Paano si Laura?” sunod-sunod na tanong ni Callen kay Astin.
Bigla siyang kinabahan sa isasagot ni Astin kay Callen. Sana naman pumayag ito. Iyon ang dinadalangin niya ng mga sandaling iyon.
“Parang hindi mo ako kilala, Pal. Of course, may Laura na ako. Kaya hindi ko na kailangan ng ibang babae.”
Malungkot na sinundan niya nang tingin si Astin. Kahit ano talaga ang pahangin niya kay Astin, hindi siya nito magugustuhan. Ayaw naman ni Laura dito kaya dapat tumigil na ito. Nandito naman siya, handang saluhin ang puso nito.
Napaayos siya nang sarili niya nang mawala ang mga ito sa paningin niya. Kung nabigo siya ngayon kay Astin, kay Ismael na lang nga muna siya huhugot nang lakas.
Hindi pa man siya nakakasakay sa sasakyan niya nang may humarang na sa pintuan. Napahilot siya sa ulo niya nang makitang si Callen na naman iyon.
“What?”
“W-wala ka bang ka-date sa party? Available ako kung gusto mo.” Bigla siyang natawa. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang paglunok ni Callen.
“Sino ka naman para maging ka-date ko? Iw,” aniya na parang nandidiri.
Magandang lalaki naman si Callen. May mga katangian din ito na meron si Astin. Habulin din ito ng mga babae. Kaso mas gusto niya talaga si Astin, e. Mas may appeal ito para sa kanya. Parang magiging bored ang relasyon nila kapag inentertain niya ito.
Mukhang na-offend niya yata si Callen. Namula na ang pisngi nito kahit na ang tainga.
“O-okay ka lang, Callen?” nauutal niyang tanong. Kasi naman wala na siyang imik talaga.
“I-I’m good.” Sabay talikod nito sa kanya.
Nakonsensya siya bigla sa mga binitawan niyang salita. Bakit nga ba kasi siya nag-iw? Hindi naman ito nakakadiri dahil ang guwapo naman nito talaga. Hindi lang talaga niya type ang binata.
Pinilig niya ang ulo niya mayamaya. Mabilis siyang sumakay ng sasakyan at pumunta sa malapit na mall kung saan naroon si Ismael— ang bago niyang pagkakaabalahan.
Pero pagdating doon, napangiwi siya nang makitang maraming tao.
Akmang makikipagsiksikan siya nang pigilan siya ng mga bodyguard niya. Lumabas na naman ang mga ito dahil maraming tao. Ano pa nga ba, utos ‘yan ni Daddy niya!
Hindi na niya nagawang makipagsiksikan nga dahil hila-hila na siya ng bodyguard niya. Akala niya makakalusot siya, hindi pala. Pero nahagip nang tingin niya ang lalaking pumipirma sa gitnang mesa. Nahawi kasi bigla ang mga tao noon para maupo. Pero parang useless lang din dahil may sumbrero at facemask si Ismael. Tapos full pa. Tanging mata lang nito ang nakalitaw.
Nanghihinayang siya ng mga sandaling iyon. Hindi man lang niya nakita ang mukha ni Ismael. Ang tagal niya nang inaasam ito tapos mabibigo pa siya! Kaya naman iginiya niya na lang ang sarili sa food court at umorder ng makakain. Hindi na siya pwedeng bumalik sa university dahil last subject na niya iyon kanina kaya wala na talaga siyang babalikan.
PAKIRAMDAM ni Callen, may nakabara sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Alam niya namang napaka-straightforward magsalita ni Asia pero nasaktan pa rin siya. Actually, paulit-ulit na siya nitong nire-reject, e. Kaso, wala pa sa bokabularyo niya ang pagsuko. As usual, palilipasin niya lang ito tapos babalik ulit sa dati na parang wala lang.Nang pumasok ang taon na ito, nalilito na siya sa nararamdaman niya towards Asia. Hindi lang pala siya natutuwa sa dalaga kung hindi nagkakagusto na rin. Pero walang nakakahalata noon sa mga kaibigan niyang lalaki. Akala lang ng mga ito, sinususugan siya lang ang pagka-disgusto ni Astin kay Asia dahil sa naging nakaraan ng magulang ng mga ito. Ewan niya lang sa mga babae nilang mga kaibigan kung iba ang paningin ng mga ito sa pakikitungo niya kay sa dalaga.Sa totoo lang, nakailang tanong na siya kay God kung kailan kaya mapapagod si Asia kay Astin. Seryoso, nandito kaya siya, kaya bakit kay Astin pa? Nakailang tingin din siya sa salamin, gwapo n
“ANONG oras niyo ba ako dadaanan mamaya?”Nagkatinginan si Andrea at Laura. Makikisakay lang si Asia sa mga ito dahil wala ang Kuya Daryl niya. Ayaw naman niyang magpahatid sa mga tauhan ng Daddy niya dahil nagmumukha siyang anak ng Presidente. Lahat ng mga ito magfo-formation sa magkabilaang gilid ng dadaanan niya. Kulang na lang kaya red carpet ang dadaanan niya minsan. Masyadong nakaka agaw pansin.“Um, before 8?” Si Andrea ang sumagot.“Okay. Bye!” aniya. Magkasama ang ito sa bahay kaya iisa lang ang inuuwian ng mga ito. At minsan, iisa lang din ang gamit na sasakyan ng mga ito at si Andrea ang nagmamaneho.“Uuwi ho ba tayo, Ma’am?” Tumango siya sa bodyguard niya nang lapitan siya nito. Agad namang nagsalita ito sa kabilang linya at sinabing palabas na siya ng campus.Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya ang Mommy niya na nagluluto ng dinner nila. May mga kasambahay naman pero pagdating sa pagkain nila, ito ang nagluluto. Maliban na lang kapag masama ang pakiramdam nito.
NAPAANGAT ng kilay si Asia nang makita si Callen na tinuturo ang braso nito. Gusto yata nitong kumapit siya doon.“You’re not my date,” aniya sa binata.“I know. Pero binibigyan kita ng privilege na mahawakan ako, since ginawa mo na akong driver.”Naniningkit ang magandang mata ni Asia sa narinig. Wow, huh? As if siya pa ang may utang dito.“Excuse me! Wala akong sinabing sunduin mo ako. Kaya kasalanan mo kung bakit nagmukha kang driver. Kaloka kang lalaki ka!” ‘Yon lang at tinalikuran ito ni Asia.Kamot-kamot naman ng ulo si Callen na tumingin sa dalaga. Mukhang mali ang pagpapakonsensya niya sa dalaga. Ngayon, paano pa siya nito papansinin?Tatlong beses na pinukpok ni Callen ang ulo bago sumunod sa dalagang yamot na. Pagkakita ni Asia sa mga kaibigan, agad na nilapitan niya ang mga ito. Nakapameywang siya pero ngiti lang ang ni-reply ng mga ito sa kanya.“May gana pa kayong ngumiti sa akin, huh? Bestie?” Ang mata ni Asia ay kay Laura. Kasi nahuli niyang tumingin kay Callen na noo’
“Nice.” Hindi pa rin mawala sa ngiti ni Asia ang kakaibang pang-aasar kay Callen. Ito ang first time na ngitian siya nito at inasar nang ganoon kaya hindi siya naiinis. Pinapatigil niya lang si Asia dahil hindi nga mawala-wala ang paninigas ng kaibigan niya sa baba. Kung dati, agad na nawawala dahil hindi naman nagtatagal sa paligid niya si Asia, pero ngayon, parang ayaw tumigil dahil sila lang naman na dalawa ang nandito sa haven niya.“Oh my!” biglang tayo ni Asia at lapit sa bintana nang makita ang araw na papasikat. Nawala na sa isipan nito ang pang-aasar kay Callen kaya nakahinga nang maluwag ang binata.Kita ni Callen ang pagsilip sa balcony niya.“Saan ang daan niyan?” Nilingon siya ni Asia pagkuwa’y nginuso ang balcony niya.Nginuso niya rin ang pintuan na natatakpan ng curtain. Agad namang lumapit doon ang dalaga at nagmadaling lumabas. Napangiti siya dahil nakita rin nito ang isa sa paborito niyang spot kapag nandito. Saktong sumisikat na kasi ang araw noon kaya magandang t
“BAKIT ba kasi kailangang magpakalasing?” tanong ni Callen kay Asia. Alam naman niyang hindi siya nito masasagot pero naisatinig pa rin niya. Tumayo si Callen mula sa kama niya para kumuha ng towel na pampunas dito. Maraming nainom ito kanina kaya lasing na lasing ito. Parang lantang gulay nga lang nang pangkuin niya kanina. Hindi naman pala kasi kaya ng katawan nito ang alak, iinom-inom ng marami.Naiintindihan naman niya kung bakit. Dahil sa ginawa ni Astin dito. Pero maraming paraan naman para mawala ang sakit. Gaya na lang ng pagbaling sa iba ng pagmamahal nito. Like— sa kanya? Right? Tinampal ni Callen ang ulo dahil sa huling naisip. Pero hindi, e. Kung siya lang ang pinili nitong mahalin, hindi ito masasaktan sa kanya. Araw-araw niya itong pasasayahin at paliligayahin.Napangiti nang mapakla si Callen. Kaso hindi, e.“Kulit mo din talaga, Callen!” naisatinig na niya. Mabuti na lang at tulog na si Asia.Bumalik si Callen sa silid niya pagkakuha ng basin at towel. Nilagay niya iy
NANG mawala na ang sasakyan ni Callen sa paningin ni Asia ay pumasok siya sa loob. Nagbihis siya pagkuwa’y kinuha ang susi ng isa sa sasakyan niya. Hindi pa nawawala ang kalasingan niya. Pero feeling niya hindi siya makakatulog talaga ngayon, kaya sasagarin na niya ang sarili. Alam niyang mamaya lang ay mawala na ang tama niya. Kaya gusto pa niya ng alak! Nabanggit ni Callen sa kanya na nagsuka siya kanina. Pero hindi niya maalala ang pakiramdam dahil wala naman doon ang isip niya. Nakaligo at nakapag-toothbrush na siya kaya parang walang sukahang nangyari. Pero sana sa gagawin niya ngayon, hindi na siya magsuka. Konti lang naman iinumin niya. Pampatulog lang. At habang nasa daan siya, tinawagan niya si Lexxie.“Hi, Lex!” Pilit na pinasigla niya ang boses. Hindi naman siguro mahalata ni Lexxie na nakainom siya. Alam nito wala siyang hilig sa pag-inom. Wala naman talaga. Gusto lang talaga niya now. Bawal sa bahay nila dahil bilang ng Kuya niya ang mga naroong bote ng alak. Saka lagin
PAGKASARA ng pintuang ng suite na iyon ay kinabig ni Callen si Asia at mapusok na sinakop ang namasang labi nito. Nasa elevator pa lang sila kanina ay hindi na nila napigilan ang sarili. Ang butler na nga lang ni Callen ang nag-asikaso ng lahat. Mula sa CCTV at sa pagpigil ng mga taong papasok sa elevator. Kaya solong-solo nila nag paligid ng mga sandaling iyon.“Damn you, corazon! Matagal ko nang hinihintay ito.” Hindi na binigyan ni Callen na magsalita si Asia, muli niyang siniil ito nang halik at sinandal sa pader na iyon ng suite nila. Kumawala ang ungol kay Asia nang bumaba siya sa leeg nito. Nag-angat pa ito nang tingin sa taas para bigyang laya siya. Dinig niya ang mumunting ungol nito dahil sa ginagawa niya.“Oh, God…” anito nang balikan niya ang earlobe nito, bahagya niyang kinagat iyon na ikinapikit nito. “I love you, Asia Jade,” bulong niya rito. Gaya kanina, hindi niya ulit ito binigyan nang pagkakataon na magsalita. Sinelyuhan niya ang labi nito. Gusto niyang ungol lang