“BAKIT ba kasi kailangang magpakalasing?” tanong ni Callen kay Asia. Alam naman niyang hindi siya nito masasagot pero naisatinig pa rin niya.
Tumayo si Callen mula sa kama niya para kumuha ng towel na pampunas dito. Maraming nainom ito kanina kaya lasing na lasing ito. Parang lantang gulay nga lang nang pangkuin niya kanina. Hindi naman pala kasi kaya ng katawan nito ang alak, iinom-inom ng marami.
Naiintindihan naman niya kung bakit. Dahil sa ginawa ni Astin dito. Pero maraming paraan naman para mawala ang sakit. Gaya na lang ng pagbaling sa iba ng pagmamahal nito. Like— sa kanya? Right?
Tinampal ni Callen ang ulo dahil sa huling naisip. Pero hindi, e. Kung siya lang ang pinili nitong mahalin, hindi ito masasaktan sa kanya. Araw-araw niya itong pasasayahin at paliligayahin.
Napangiti nang mapakla si Callen. Kaso hindi, e.
“Kulit mo din talaga, Callen!” naisatinig na niya. Mabuti na lang at tulog na si Asia.
Bumalik si Callen sa silid niya pagkakuha ng basin at towel. Nilagay niya iyon sa mesa pagkuwa’y binasa ang towel saka pinigaan. Akmang lalapit siya sa kama nang mapaupo si Asia. Nagmumura ito habang sapo ang ulo. Nakapikit din ang mata nito. Hindi tuloy alam ni Callen ang gagawin kung lalapitan ba ito. Iniisip niyang baka magmulat ito pagalitan siya sa ginawang pag-uwi dito sa penthouse niya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Callen nang igiya ni Asia ang sarili sa gilid ng kama. Nagmulat ito pagkuway iginala ang paningin. Sunod-sunod ang lunok niya nang mapatingin ito sa kanya.
“Where am I?” tanong nito sa namumungay. Lasing nga talaga.
“S-sa penthouse?” alangan pa si Callen sa pagsagot. Pinag-aaralan niya pa ang kilos ng dalaga kung magmamawala ba o hindi.
“P-Penthouse?” ulit ni Asia pagkuwa’y tinitigan siya. Napanguso pa ito. Pero wala nang sumunod na salita doon. Hindi rin naman nakasagot si Callen dahil sa takot na baka magalit ito.
“W-who are you? N-nasaan ang banyo?” tanong nito sa kanya. Kasunod niyon ang paghilot nito sa ulo.
Oh. Hindi siya nito kilala? Tumingin si Callen sa paligid. Sabagay, dim ang ilaw. Nas likod pa niya, kaya talagang hindi kita ang mukha niya nito. Tapos nakainom pa ito kaya talagang hindi siya nito makikilala.
“It’s me. Call—”
“Nasaan ba ang banyo?” tanong ulit nito. Halatang iritado na.
“D-doon.” Tinuro na lang ni Callen ang pintuan ng banyo niya.
Tumango lang ang dalaga pagkuwa’y tumayo.
Ang akala ni Callen maglalakad ito papunta doon kaya nilapitan niya ito. Inisip niyang baka matumba ito. Mas mabuti na iyong nakaalalay siya.
“H-hey!” ani ni Asia sa kanya. “‘Y-yong totoo, nasaan tayo? Bakit parang umiikot ang paligid?”
“Marami kang nainom kaya nahihilo ka. Okay?” paalala niay rito. “Ano ba kasi ang gagawin mo sa banyo? Mahihilo ka lang kasi lalo kapag naglakad ka. Mahiga ka na lang kaya muna,” suhestyon niya sa huli.
“I-I think I am going to throw up.”
“Oh. No!” Akmang papangkuin ni Callen si Asia nang bigla na lang itong magsuka. Mabuti na lang at mabilis ang pag-atras niya at sa sahig nito nailabas. Hinagod na lang ni Callen ang likuran nito. At habang nakatingin siya sa suka nito ay napapangiwi siya. Wala na siyang magagawa kung hindi ang linisin iyon mamaya.
Pagkatapos na pagkatapos ni Asia magsuka ay nahiga ito. Hindi na raw nito kayang pumunta sa banyo nang sabihan niyang kailangan nitong maglinis ng sarili.. Kaya naman napilitang pangkuin na lang ni Callen ang dalaga papuntang banyo.
Sa hot tub niya ito dinala. Basta na lang niya inupo ang dalaga doon para mahimasmasan na. Pero mali yata ang ginawa niya. Nilubog nito ang sarili nito doon kaya napilitang iahon ni Callen ito doon. Mukhang balak pa yatang magpakamatay nito. Dahil sa kabiguan?
“Asia naman! Magpapakamatay ka ba, huh?!” pagalit niya sa dalaga matapos na isandal ito sa malamig na pader. “Paano naman ako kapag nawala ka?!”
Imbes na sumagot, umiyak si Asia kaya nataranta si Callen.
“I-I’m sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka. Okay?” Kinabig niya ang dalaga at niyakap nang mahigpit.
Matagal bago ito nagsalita dahil sa paghikbi nito.
“Buti ka pa, ayaw akong mamatay. S-si Astin… Tinulak niya ako. Mas gusto niya akong mawala sa mundong ito kesa mahalin…” Sinundan iyon nang hagulhol ni Asia kaya hindi na muna pinakawalan ni Callen ang dalaga. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap dito para aluhin.
“Alam mo namang hindi ka niya gusto. Kaya bakit mo kailangang pilitin ang sarili mo sa kanya?” aniya rito. “Nandito naman ako, Asia. Gusto kita. Gustong-gusto. Ano ka ba?”
Napatigil sa pag-iyak si Asia. Tinulak siya nito kaya inilayo niya ang sarili. Nagkaroon tuloy nang pagkakataon si Asia na titigan siya. Mukhang nag-sync-in na dito kung sino ang kasama nito sa banyo na iyon.
Nang mapagtantong may nasabi siya ay nakaramdam siya nang hiya.
“Callen?” ani ni Asia na nakakunot ang noo.
“Y-yes. It’s me.”
“K-kasama mo si Astin? Nasaan siya?” sunod-sunod na tanong ni Asia imbes na sumagot sa sinabi niya.
Sabi niya, gusto niya ito. Pero hindi man lang pinansin ni Asia. Si Astin ang inilabas ng bibig nito. Hindi ba nito narinig ang sinabi niya? Ganoon ba talaga kahirap ibaling ang pagtingin sa kanya? Kailangan ba niyang linisin ang tainga nito?
Fvck! Fvck!
“Wala siya rito, nasa bahay nila. At nasa penthouse kita,” sa mahinang sabi niya.
Tumayo si Callen pagkuwa’y ngumiti rito.
“M-maghahanap lang ako ng damit na kakasya sa ‘yo.” Hindi naman siguro mahahalata ni Asia ang malungkot niyang himig. Wala namang pakialam ito sa nararamdaman niya.
Lumabas si Callen ng banyo. Pero hindi naman siya pumunta sa closet niya. Sumandal siya sa pader at pinikit ang mata. Kasunod din niyon ang pagkuyom niya ng kamao.
Kailan ba ibabaling ni Asia ang pagtingin sa kanya? Nasasaktan na siya.
Sa totoo lang, kung kaya lang utusan talaga ang puso, hindi niya gugustuhin si Asia. Hindi niya ipipilit ang sarili dito. Kaso hindi niya magawa dahil sa tingin niya, mahal na talaga niya ang dalaga.
Pagbalik niya sa loob ng banyo, nakatayo si Asia sa harap ng shower. Nakangiting tumingin ito sa kanya. Basang-basa ang saplot nito pero bakat na bakat ang dibdib nitong tayong-tayo. Nawala yata sa sarili nitong wala itong bra?
Iniwas ni Callen ang sarili. “Here.” Sabay sabit niya sa hook.
“Thank you, Callen. Pero kailangan ko nang umuwi. Baka mag-alala na si Mommy at Daddy.”
Natigilan si Callen. Ayaw niyang umuwi ito. No! Sana magbago ang isip nito.
“G-gabi na. P-pwede ka namang matulog—”
“I said hahanapin ako ng parents ko. Alam niyo naman kung gaano ka-protective mga ‘yon pagdating sa akin. I owe you again. I know. Makakabayad din ako sa kagandahang loob mo na ito. Promise.”
Pwede bang pagmamahal na lang? Gusto sanang isatinig ni Callen. Pero mukhang nasa tamang huwisyo na ito.
“A-alright.” Alanganin ang mga ngiti niya rito.
“A-actually, naaalala ko si Astin kapag nakikita ka. Kaya hindi ko kayang matulog rito.”
“I-I understand. H-hintayin na lang kita sa labas.”
“Thank you, Callen.”
Hindi na napigilan ni Callen ang dalaga. Hinatid niya ito sa tapat ng bahay ng mga ito. Pagkalabas din nito ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan palabas ng subdibisyon ng mga ito.
Hindi naman siya bumalik sa penthouse niya. Pumunta siya sa isang lugar kung saan iilan lang ang nakakakilala sa kanya. Gusto niyang libangin ang sarili. Gusto niyang kalimutan ulit ang nangyari ngayon.
Hanggang kailan siya magiging ganito? Hanggang kailan siya aasa? Gusto niyang mapagod kay Asia. Pero hindi niya kayang pigilan ang puso. Talagang mahal niya si Asia. Kaso, si Astin ang gusto nito.
Napatigil si Callen sa gilid ng kalsada at pinaghahampas ang manibela niya. Hindi pwedeng ganitong. Kailangang mapasakanya si Asia bago siya maging abala sa opisina!
Later po ang karugtong. Hinati ko po kasi. Ideal wordcount na now sa GN, nakalagay sa tabi ng publish button namin ay 600-1000 word count. heheheh so, post ko po later. Dagdagan ko lang para maging 1k. Thanks much!
NANG mawala na ang sasakyan ni Callen sa paningin ni Asia ay pumasok siya sa loob. Nagbihis siya pagkuwa’y kinuha ang susi ng isa sa sasakyan niya. Hindi pa nawawala ang kalasingan niya. Pero feeling niya hindi siya makakatulog talaga ngayon, kaya sasagarin na niya ang sarili. Alam niyang mamaya lang ay mawala na ang tama niya. Kaya gusto pa niya ng alak! Nabanggit ni Callen sa kanya na nagsuka siya kanina. Pero hindi niya maalala ang pakiramdam dahil wala naman doon ang isip niya. Nakaligo at nakapag-toothbrush na siya kaya parang walang sukahang nangyari. Pero sana sa gagawin niya ngayon, hindi na siya magsuka. Konti lang naman iinumin niya. Pampatulog lang. At habang nasa daan siya, tinawagan niya si Lexxie.“Hi, Lex!” Pilit na pinasigla niya ang boses. Hindi naman siguro mahalata ni Lexxie na nakainom siya. Alam nito wala siyang hilig sa pag-inom. Wala naman talaga. Gusto lang talaga niya now. Bawal sa bahay nila dahil bilang ng Kuya niya ang mga naroong bote ng alak. Saka lagin
PAGKASARA ng pintuang ng suite na iyon ay kinabig ni Callen si Asia at mapusok na sinakop ang namasang labi nito. Nasa elevator pa lang sila kanina ay hindi na nila napigilan ang sarili. Ang butler na nga lang ni Callen ang nag-asikaso ng lahat. Mula sa CCTV at sa pagpigil ng mga taong papasok sa elevator. Kaya solong-solo nila nag paligid ng mga sandaling iyon.“Damn you, corazon! Matagal ko nang hinihintay ito.” Hindi na binigyan ni Callen na magsalita si Asia, muli niyang siniil ito nang halik at sinandal sa pader na iyon ng suite nila. Kumawala ang ungol kay Asia nang bumaba siya sa leeg nito. Nag-angat pa ito nang tingin sa taas para bigyang laya siya. Dinig niya ang mumunting ungol nito dahil sa ginagawa niya.“Oh, God…” anito nang balikan niya ang earlobe nito, bahagya niyang kinagat iyon na ikinapikit nito. “I love you, Asia Jade,” bulong niya rito. Gaya kanina, hindi niya ulit ito binigyan nang pagkakataon na magsalita. Sinelyuhan niya ang labi nito. Gusto niyang ungol lang
MAY dalang damit si Callen para sa kanya kaya nagpalit ulit siya ng damit. Gaya na iyon nang usual na sinusuot ni Asia. May pinabili siya kanina sa staff pero hindi niya nagustuhan. Napatigil sa pagpulot si Asia ng damit na hinubad nang may mapansin sa sahig. Isa iyong keychain. Na-curious siya kaya pinulot niya iyon. Nanlaki bigla ang mata niya nang makitang pamilyar ang design niyon. Meron din siyang keychain na ganito! Kaso imitation lang! Pero binili pa rin niya sa isang seller. Pero ganoon, marami pa ring bumibili.Logo iyon ni Ismael! Yes. Logo ni Ismael! Si Ismael na idol at crush niya! At legit na pirma nito ang nakapirma roon. Of course alam niyang legit na pirma nito dahil ilang beses niyang ginagawa. At ang naglalabasang pirma ni Ismael sa mini book keychain nito ay mula lang din sa na-ipost ng publisher. Ang balita niya, isa lang daw iyon. At si Ismael lang ang nagmamay-ari niyon.Hindi kaya si Ismael ang nakauna sa kanya? Sa isiping iyon, lumapad ang ngiti ni Asia.Kahi
EXCITED na bumaba si Asia sa chopper pagkalapag niyon. Ilang beses na siyang nakapunta ng Hotel De Astin dito sa Caramoan, pero nandito pa rin ang excitement sa kanya. Pamumulot ng seashells talaga ang pinakagusto niya kahit noong bata pa. Masaya siya kapag nagpupunta sila ng beach noon kasama ang magulang at Kuya niya. Hinahayaan lang siya ng mga ito maglaro sa pampang kasama ang Yaya niya. Napalitan nang lungkot ang mukha ni Asia nang maalala ang Yaya Lerma niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over sa trauma dahil sa nasaksihang pagkam4tay nito. Kaya nga mas pinipili niyang maglibang minsan sa pamamagitan nang pagbabasa. Pero kahit na busy siya, hindi man lang nawala ang nakaraang iyon sa kanya.Napasigaw si Asia sa pagkagulat nang may biglang pumalakpak sa tainga niya. Alam niya na kung sino iyon kaya pinanlakihan niya nang mata ang kaibigan.“What?”“Sa susunod puputulin ko ‘yang kamay mo!” angil niya kay DK.Nginisihan lang siya nito bago nilagpasan.Pero hindi siya
MASIGABONG palakpakan ang sunod na nangibabaw sa function hall ng Hotel De Astin matapos ang sayaw ni Laura at Astin sa gitna.Napatingin siya sa ina nang hawakan nito ang kamay niya. Pinisil din nito iyon.“Darating din ang lalaking para sa ‘yo, anak. Magtiwala ka lang. Okay?” masuyong sambit ng ina na si Darlene. Ngumiti pa ito nang matamis.Napaharap tuloy si Asia sa ina. “Bakit mo naman nasabi ’yan, Mom?” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Kanina pa kita napapansin na wala sa mood. I know it hurts but—”“Mom, hindi po si Astin ang rason kung bakit wala ako sa mood. Masaya ako para sa kanila. Really.”“Oh. I thought si Astin ang rason kung bakit ka ganyan. Ibig bang sabihin niyan naka-move on ka na sa kanya?”“I think so.”“That’s good to hear.” Pero napakunot ng noo ang ina. “Eh, bakit ka ba ganyan? Baka mamaya sabihin nila hindi ka masaya para sa kanila.”MoRight! Napaayos siya nang upo. Si Callen may dahilan kung bakit siya nawalan nang gana. Baka nga naman mag-isip ang iba na ba
“I-I can’t sleep actually,” sa mahinang boses na pag-amin ni Asia.Hindi naman siya natutulog kanina nang gisingin nito. Sadyang pinili lang niyang pumikit at wag gumalaw. At mas lalong hindi siya tulog nang pangkuin nito. She likes it kaya patuloy siya sa pag-pretend. Pero habang nasa daan kanina, nakaidlip siya. Nagising lang siya dahil umalis na ito sa tabi niya.Gusto lang niyang mag-stay si Callen sa kanya kaya hindi siya sumagot. Just like before. ‘Yong kahit na hayagan niyang pinapakita rito na hindi niya ito, nasa tabi pa rin niya ito. At ito ’yong mga panahong wala pa si Inés sa buhay nito. Savior niya si Callen. Kahit na hindi niya kailangan lagi itong sumusulpot. Later na niya na-realize iyon. Pero nasabi na iyon sa kanya dati ni Laura, hindi lang niya pinagtuonan nang pansin. Matagal siyang tinitigan ni Callen. Napalunok na siya dahil nakikinita na niya ang mangyayari. Hindi ito mag-stay sa tabi niya. Mas gusto nitong balikan ang babae nito.Parang gusto niyang maglaho d
LALONG nanabik si Asia dahil sa binulong ni Callen sa kanya. Hindi niya akalaing napakapilyo ni Callen pagdating sa kama. Pinangko siya nito at pinaupo sa side table. Sa takot na baka masira iyon, pinagsabihan niya ito, pero tinawanan lang siya nito. Hindi naman daw pipili ang pamilya ni Astin ng mesa na agad na masisira. May point nga naman ito. Pero hindi naman tama na gawing upuan iyon.Sa side table na iyon, doon siya nito walang sawang inangkin. Hindi niya kayang utusan ito, dahil sa mga sandaling iyon, ito ang higit na nasunod. Na-realize ni Asia na nakakabaliw pala umangkin ni Callen. And, there is something insatiable about him. As if bumalik din siya nang gabing iyon. Hindi niya maalala ang nakatalik, pero ang pakiramdam? Damn!“Sh*t, Callen…” tanging smabit ni Asia nang maramdaman ang panggigil nito sa bahaging iyon. Pero mas lamang ang kiliti at sarap. Kaya wala siyang ginawa kung hindi ang mapaawang ng labi.Mayamaya lang din ay inangkin siya nito sa paraang gusto nito, mu
“A-ANONG ginagawa mo rito?”Ngumiti si Callen sa kanya nang matamis. “Sabi mo ihatid ko ngayon. Kaya heto—” Tinaas pa nito ang hawak.“O, anak. Ikaw na ang bahala kay Callen. Kailangan ko nang magpahinga.” Tumango si Asia sa ina. Pagkaalis ng ina ay tiningnan niya nang masama si Callen. Tinalikuran na rin niya ito. No choice naman siya kung hindi ang harapin ito.Napalingon si Asia sa binata nang marinig ang pag-lock ng pintuan. Pero imbes na sa pintuan ang tingin, sa ginagawa nito natuon ang atensyon niya. Nanlaki ang mata niya nang hubarin nito ang suot na polo shirt.“C-Callen, not here,” aniyang nauutal.Ngumiti lang ang binata sa kanya. Lumapit ito sa kanya pagkahubad ng damit nito. Kinabig siya nito kaya naramdaman niya ang init na binubuga ng katawan nito.“Sh*t!” Mukhang hindi niya kayang pigilan si Callen kung pagbabasehan ang init ng katawan nito.“You’re avoiding me. Why?”“H-hindi naman. B-busy—” Hindi na niya natapos sabihin dahil mariing na sinakop nito ang labi niya.
BINILISAN ni Asia ang pagligo ng mga oras na iyon. Excited siya dahil ngayong araw na ang pinakahihintay niya— ang pag-iisang dibdib nila. This time, sa simbahan at sa harap ng Diyos at ng mga mahal niya, pati na sa kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak.Saktong nagtatali siya ng roba niya nang marinig ang boses ng Mommy niya sa labas.“Ready ka na ba, anak?” “Yes, mom!”“Good! Naka-set up na sila sa guest room! Ikaw na lang ang hinihintay.”Sa guestroom nila siya aayusan. Dahil medyo makaluma ang Daddy niya, kailangang umuwi siya sa bahay nila. May bagong na-acquire naman si Callen at iyon nga ang tintirhan nila, still, ayaw pumayag ng Daddy niya doon siya matulog ng dalawang araw. Gusto raw siya nitong makasama rin bago talaga tuluyang siyang ipaubaya sa asawa. Sa pagkakataong ito, hahayaan na silang dalawa nito at hindi na makikialam. Maliban lang kapag kritikal na.“Alright, mom!”Mayamaya ay nawala na ito sa labas ng pintuan niya kaya nagmadali na siya sa pag-aayos ng roba. May
“OH, CALLEN…” ungol ni Asia nang tuluyang maramdaman ang kahabaan nito sa loob niya.Sa una, nahirapan itong mag-penetrate sa loob niya dahil siguro sa tagal na hindi siya nito naangkin.“Tell me if you’re not comfortable, corazon. Alright?”“Just proceed, corazoncito. I missed this— I mean, you. Corazoncito, no need to stop just to check in with me! Damn it!” pagalit niya.“Sorry. Nag-aalala lang ako— ouch!” daing nito nang tampalin niya ang pang-upo nito. Pero ngumiti din ito kapagkuwan. Siniil na lang siya nito nang halik at muling umulos sa ibabaw niya. Sabay silang napapaungol ng pangalan nila mayamaya dahil sa bilis nito. Para na rin silang hinahabol ng mga sandaling iyon. Dala na marahil ng matagal na walang contact sa isa’t-isa. Hindi man magawang sulitin ni Callen ang mga sandaling iyon dahil sa iniindang sugat, sobrang saya pa rin ang nararamdaman nito dahil sa magandang nangyari sa kanilang mag-asawa. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Callen ay mas lalong lumuwag ang di
“IKAW na babaita ka! Marami kang utang sa amzin!” Ngiti lang ang sinagot ni Asia sa kaibigang si Laura.“Yes! Super dami. Bakit hindi naman alam ito, huh?” Si Andrea. Si Lexxie at Dixxie, nakikinig lang sa kanila. Biglang nag-video call si Laura, tapos naki-join din ang tatlo. Pero ang dalawang iyan ang maraming katanungan. “Pagbalik ko na lang nga.” Kumamot pa siya sa batok niya. “Ang haba kaya ng kwento ko. Hindi ito matatapos ng 30 minutes lang. Okay?”“Promise ‘yan, huh?” Si Andrea ulit.“Opo.”“Good.”Pailing-iling na lang siya matapos na ibaba na ang telepono. Alam naman niyang alam na ng mga ito, pero siyempre, gusto pa rin marinig mula sa kanya. Napaangat siya nang tingin nang matanaw si Callen. Mukhang papunta ito sa gawi niya. Nakaupo siya noon sa gilid ng infinity pool.“Umalis na sila,” anunsyo nito.Nagpaalam si Ian at Leone kanina sa kanya. May pupuntahan daw ang mga ito at si Callen daw ang bantay niya ngayon. Actually, marami namang bantay sa kanya. Puno ba naman ng
“BAKIT hindi mo dinala sa ospital si Callen? May saksak siya, a. Hindi mo ba nakita?”Nilingon siya ni Ian, may hawak ito sa kabilang kamay nito na phone. Napalabi siya nang mapagtantong naistorbo niya ito.“I did. Siya lang ang matigas ang ulo. Excited siyang kumustahin ka. So, sino ang sisisihin mo? Ako o ikaw?” May ngiti sa labi nito kaya alam niyang nang-aasar ito.“Ian,”“I’m serious. Malayo naman daw at kaya niya kaya. Pero nagpatawag na ako ng doktor. Are we good?”“Good.” Sabay talikod dito.“Concern ka pa rin sa kanya.” Nilingon ni Asia ang kaibigan. “Of course! I think nangyari ‘yon sa kanya dahil sa akin. May konsensya naman yata ako!”“Ow. ‘Yon lang ba?”“Ian!”“Alright! Wala na akong sinabi.” Nakaingos na tinalikuran niya ito.Late na pero wala pa rin si Leone kaya tinawagan niya ito. Hindi pa raw ito makakabalik dahil may inaasikaso pa ito. Pero may schedule na ng balik niya ayon rito kaya ihahabol nito ang mga gamit niya. Hindi na siya pwedeng magtagal dito dahil ayaw
Chapter 43KAPA ang tiyan nang magmulat si Asia. Gutom na ang nararamdaman niya malamang. Natigilan siya nang may mapagtanto.Where is she?Wala siya sa silid niya! Umalis sila kahapon nila Amara para puntahan ang kapatid nito! At nakita niya si… Biglang nawala ang gutom na nararamdaman niya nang maalala ang nangyari. Napalitan iyon nang takot kaya napasiksik siya sa kinaroroonan.Ilang minuto pa siyang ganoon bago muling kumalma. Napagtanto niyang wala na sa paligid si Francis at nasa malayo siya. Kaya nga nakatulog siya rito.Hirap na tumayo siya dahil sa posisyon niya.Lumapit siya sa pintuan para buksan iyon pero nakasara. Inilinga niya ang paningin. Nasa isang kainan pala siya. Pero bakit hindi pa rin nagbubukas? Ilang oras na ba siya rito?Napaatras si Asia nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Kasunod niyon ang pagpasok ng liwanag. Napatakip pa siya ng mata dahil nasisilaw siya. Dinig niya ang sigaw ng matandang babae kaya nilapitan niya ito. Hindi naman niya maintindihan ang
Molveno, Italy“WHAT’S that?” tanong niya sa Kuya Darryl niya. May pinakita itong envelope.“Galing kay Callen. Kanina lang hinatid ni Joaquin.”Bigla siyang kinabahan nang marinig ang pangalan ng asawa.“S-sa tingin mo, Kuya. Ano ang laman niyan?”“I have no idea. Basta ang sabi ni Joaquin, matagal mo nang hinihingi ito.”Matagal bago nakaimik si Asia. May ideya na siya. Pero iyon ang hindi kayang maibigay ni Callen sa kanya. Ang annulment.“Gusto mo bang buksan ko? Ano ba kasi—” Natigilan si Darryl sa paghila ng lamang papel nang makakalahati na ito. Tumingin ito sa screen, sa kanya pagkuwa’y lumunok.“I-I think ikaw na ang tumingin nito,” anito sa mahinang himig.She knew it. Mukhang pinirmahan na ni Callen ang annulment na hinihingi niya noon pa man.Matagal na hindi nakapagsalita ang kapatid sa kabilang linya kaya siya na ang pumukaw niyon.“Mukhang kailangan ko nang magpaalam, kuya. Please send regards to Mom and Dad.”“Alright. Take care.” Halata sa mga ngiti ng kapatid ang ala
Chapter 41ANG buong akala ni Asia, babalik din agad si Callen. Pero hindi pala. Matagal siyang naghintay dito. Pabalik-balik nga siya sa labas para tingnan kung dumating ito, pero walang Callen na bumalik. Kaya sa sala siya nagpasyang maghintay kalaunan. Hindi niya akalaing makakatulog siya. Bandang alas-singko na nga ito nakabalik.“H-hindi ka sumama sa Kuya mo?” gulat na tanong nito nang maabutan siya sa sala. Nagising siya dahil sa marahas na pagbukas nito ng pintuan. Iniexpect siguro ni Callen na sumama siya sa Kuya niya dahil sa nangyari sa kanila.Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Papungas-pungas din siya ng mga sandaling iyon. Boses lang nito kasi ang nakilala niya dahil sa malabong paningin niya kanina.“We need to talk,” seryosong sabi niya kapagkuwan nang lumiwanag na ang paningin niya rito.“O-okay.” Tumingin ang asawa sa relo. “H-hindi ka ba nagugutom? Gusto mo bang kumain muna bago tayo mag-usap?”Ramdam naman na ni Asia ang gutom kaya tumango siya. Agad namang t
NAPASABUNOT si Callen habang nakatingin kay Asia na nasa sulok pa rin. Humihikbi pa rin ito habang balot ang katawan ng kumot. Hindi tumitingin sa kanya ang asawa. Lalo lang lumakas ang pag-iyak nito kaya nagpasya siyang lumabas na lang. Wala siyang ginawa sa labas kung hindi ang murahin ang sarili. Hindi niya maintindihan pero matindi talaga ang kagustuhan ni Asia na pigilan siya kanina. Hindi lang talaga niya pinansin.Pumunta siya sa minibar niya at doon sumimsim, hanggang sa maalala ang kasama nitong lalaki. Hindi niya ito kilala dahil ngayon lang talaga niya talaga ito nakita kaya wala siyang number nito. Kaya naman kinontak niya si Ezi para magpatulong alamin para makuha ang number nito. Lahat ng simcard dito sa Pinas ay naka-register sa totoong owner. Kung hindi man, agad itong nire-report para maabisuhan ang owner para magpa-register.Wala pang 20 minuets nang ibigay sa kanya ni Ezi. Mga tatlong tawag siya bago iyon kumonekta.“Hi. Is this Leone? It’s me, Callen Moore.”“Oh,”
AGAD na ikinuwento ni Callen ang ilang eksena na naalala niya sa mag-amang Sebastian at Ian. Dumating din ang ama niya dahil tinawagan niya rin ito bago siya pumunta. Malakas ang pakiramdam niyang may alaala siyang nawala. Hindi naman iyon panaginip dahil gising siya. At sa tingin niya dahil iyon sa lalaking pulis na nakasalubong niya.“Is it possible, dad? Na may nawawalang memory kay Callen?” Lumingon pa ang kaibigang si Ian sa amang si Sebastian.“Yes. Depende sa na-intake na substance, at kung gaano ba ka lakas ang pagkap4lo sa ulo niya.” Tumingin sa kanya ang Ninong Sebastian niya. “Wala ka na bang ibang naalala that day maliban sa pagpalo sa ulo mo at pagpapainom ni Ines sa ‘yo?”Ang pagpalo sa ulo niya, ito ‘yong na-corner siya ni Ines, at tauhan nito ang may gawa. Ito lang ang nasa findings din sa kanya.“Sa ngayon po wala pa. Hanggang doon pa lang ang natatandaan ko. At basta nagising na ho ako kasama na nila Ian. Kanina lang nangyari ito sa akin.”“Tatlong oras kang nawawala