“A-ANONG ginagawa mo rito?”Ngumiti si Callen sa kanya nang matamis. “Sabi mo ihatid ko ngayon. Kaya heto—” Tinaas pa nito ang hawak.“O, anak. Ikaw na ang bahala kay Callen. Kailangan ko nang magpahinga.” Tumango si Asia sa ina. Pagkaalis ng ina ay tiningnan niya nang masama si Callen. Tinalikuran na rin niya ito. No choice naman siya kung hindi ang harapin ito.Napalingon si Asia sa binata nang marinig ang pag-lock ng pintuan. Pero imbes na sa pintuan ang tingin, sa ginagawa nito natuon ang atensyon niya. Nanlaki ang mata niya nang hubarin nito ang suot na polo shirt.“C-Callen, not here,” aniyang nauutal.Ngumiti lang ang binata sa kanya. Lumapit ito sa kanya pagkahubad ng damit nito. Kinabig siya nito kaya naramdaman niya ang init na binubuga ng katawan nito.“Sh*t!” Mukhang hindi niya kayang pigilan si Callen kung pagbabasehan ang init ng katawan nito.“You’re avoiding me. Why?”“H-hindi naman. B-busy—” Hindi na niya natapos sabihin dahil mariing na sinakop nito ang labi niya.
“HINDI ka ba talaga magpapasama?” tanong ni Laura kay Asia.“No need. Kaya ko ‘to. Okay?” Nag-spray na siya noon ng pabango. “Saka mahabang pila ‘yon. Baka hindi niyo kayanin.”“Akala ko ba may contact ka?” Si Andrea.“Yes. But isa lang ang kaya niyang i-cater.” “I see. Hintayin na lang namin si Lexxie.”“Darating siya?” hindi makapaniwala si Asia.“Parang? Tawagan ko siya ulit.”“Sige. Sige. Basta after kong makausap si Ismael, uwi agad ako para maka-jam sa inyo.” Humarap siya sa mga ito. “Bagay ba?” Tukoy niya sa suot.“Yeah. Hindi ka ba talaga magpapasama? What if masamang tao ‘yang Ismael?” Si Laura ulit. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.“Ano ka ba, kilala naman ng pamilya natin ang publisher. I’m sure safe naman.”“Okay.”Isang kanto lang ang layo ng mall pero sumakay pa rin siya ng taxi. Ayaw niya namang humarap na hulas na. Saka pipila siya gaya ng iba. Pero magkakaroon lang siya ng 20 minutes face to face kay Ismael mamaya, after ng signing nito. Iyon ang napag-usapan nil
PAGKALAPAG ng eroplano ay agad na lumabas siya. Tinungo niya ang parking lot ng airport na iyon at sumakay sa sasakyan niyang ginagamit kapag nandito siya sa Cebu.Nandito siya para sunduin si Asia. Nakailang tawag siya rito kagabi, kahit na kanina pero hindi ito sumasagot.Kasalukuyan siyang nagmamaneho noon nang tumawag si Maricel, ang secretary ni Kana, na siyang nagma-manage ngayon ng publishing house na pinagsusulatan niya.“Sir, makakarating ho ba kayo—”“No. Natanong ko lang kagabi kay Kana. May importanteng lakad ako ngayon dito. Pero kung makita ko na ang hinahanap ko, i’ll try na makadaan. Alright?”“Noted, sir.”Pinatay ni Callen ang linya at tinawagan si Asia, pero ring lang iyon ng ring, kaya nagpasya siyang tumawag kay Laura. Nakaalis na raw ito papuntang mall. Mahigit dalawang oras na raw pala. Hindi na niya natanong kung saan doon dahil nagpaalam agad si Laura sa kanya.Nakailang ikot na siya sa mall pero wala siyang Asia na makita. Pinapa-tsek na niya sa cctv pero hin
“READY?” Napatango siya kay Inés. Kinuha niya ang bag nanakita sa kabilang silid. May ilang extra din doon na mga susuotin na binitbit niya rin. Hindi niya kabisado ang pupuntahan kaya mas maigi nang sigurado. May mga flashlight din siyang dala in case na abutin sila ng gabi.Hindi pa man sila nakakalabas nang may humintong sasakyan sa harap. Kapwa sila napatingin ni Inés sa pintuan noon.Ilang sandali lang ay may pumasok. Walang iba kung hindi si Callen. Napangiti siya nang mapakla nang ipako nito ang tingin kay Inés na nakangiti. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Hindi na niya gustong makita ang mga mangyayari kaya agad siyang bumalik sa kabilang silid na pinaglipatan niya. Saka lang niya naramdaman ang tuhod na nanghihina. Dala pa ito ng nangyari sa kanila ni Callen kagabi. Pero ang hindi niya kayang nanghihina ngayon ay ang puso niya. Destined ba talaga na masaktan siya lagi? God! Ilang lalaki ba ang kailangang manakit sa kanya bago siya magkaroon ng masayang relasyon? She was t
PANAY ang mura ni Callen habang binabaybay ang kakahuyan. Palakas nang palakas ang ulan. Hindi naman niya na-check ang weather kanina. Pero sa tingin niya ay may bagyo.Ilang beses pa siyang tumawag sa pangalan ni Asia pero walang sumasagot.“Don’t you think it’s too dangerous here?” Nilingon niya si Ines. Hingal na hingal ito kakahabol sa kanya.“I told you to go back!” asik niya rito.“I said I don’t want to! What if something happens to you here? Huh?!”“Nothing will happen to me here. Believe me. Alright? I have to find her, Ines. She's my responsibility.”Walang nagawa si Ines kung hindi ang sumunod na lang kay Callen. Sa paraan ng pananalita nito ay walang balak itong sumuko sa paghahanap. Pero aksidenteng tumama ang binti ni Callen sa nakahambalang na ikinatumba niya. Kahit na nasaktan si Callen sa pagtamang iyon sa puno, nagpatuloy pa rin siya kahit na ika-ika. Nakaramdam nang awa si Ines dito kaya pinagpahinga niya ito at siya ang nagpatuloy sa paglakad. Sumang-ayon naman si
NAGISING si Asia sa hindi pamilyar na lugar kaya napaupo siya. Agad niyang inilinga ang mata para alamin kung nasaan ba talaga siya. Napaawang siya ng labi nang makita ang lalaking natutulog sa may upuan na gawa sa kawayan.Nasaan siya? Bakit nandito si Ismael?Sa kabilang banda, natutuwa siya sa nakita. Para kay Asia, kulang ang oras nila sa coffee shop na iyon kaya nakaramdam siya ng excitement habang nakatunghay sa gwapong mukha nito. Ang akala ni Asia bumalik na ito ng Maynila. Hindi niya akalaing magkikita pa sila ngayon. Ang usapan nila, mag-uusap sila pagbalik niya. Talagang susulitin niya ang bakasyon sana dito kasama ang mga kaibigan. Supposedly, pambabaeng lakad lang nga ito, pero nagulat siya nang sabihin ni Laura na nagsunuran ang mga ito.Bago pa man pumasok sa isipan niya si Inés ay pinilig na niya ang ulo. Saka na sila magtutuos. Sa ngayon, si Ismael muna ang haharapin niya.Akmang bababa siya sa papag na kinahihigaan nang sumakit ang bewang niya. “Awww…” Napalabi din
NAPAPIKIT si Asia nang marinig ang pagsara ni Ismael—este si Francis ng pintuan. Ito ang naiwang humarap pagkatalaikod niya kanina kila Callen.Umasa siyang pipigilan siya ni Callen pero hinayaan lang siya nito na makapasok. Hindi man lang talaga nagawang magtanong. Patunay lang ang pananahimik nito na si Ines ang pinaniwalaan nito. Masakit sa part niya dahil ang tagal na nilang magkakilala pero mas pinanigan nito ang babaeng iyon. Oo, sinaktan niya ito noon, pero hindi naman iyon basehan para hindi siya pagkatiwalaan. Hindi ba siya nito kilala? Kahit bilang kaibigan?Kapag life and death situation na, never niyang magagawa sa kahit sino iyon. Spoiled brat at masungit siya minsan, pero alam niya kung ano ang makatao o hindi na gawain. May part sa kanya na nasasaktan nang higit talaga. Hindi lang ang pagkakaibigan nila ang sinira nito, ang tiwala niya rin dito bilang napupusuan. Although walang alam si Callen sa namumuo niyang nararamdaman para dito, masakit pa rin. Para siyang trinay
WALANG imik si Asia habang bumibiyahe sila pabalik ng tinutuluyan ni Callen dito. Pinapakita niya rin dito na inis na inis siya kapag bumabaling sa kanya.“Is he your boyfriend?” untag sa kanya ni Callen.“Soon,” sagot niya sa naiinis.Napapreno bigla si Callen sa narinig. Hindi naman siya nauntog dahil naka-seatbelt siya, pero nagulat pa rin siya sa ginawa nito.“What about me?!” Salubong ang kilay nito.“What about you and Inés? Huh?” aniya, imbes na sagutin ito.“I told you, walang kami! Hindi mo pa ba naiintindihan? Naniniwala ako sa ‘yo, Corazon. Shock lang ako nang marinig ang sinabi mo, na kaya niyang gawin iyon sa ‘yo. Nagalit nga ako sa kanya, e.” Hindi nakaimik si Asia. “And you said, hindi ka sasama sa akin kapag nando’n pa si Inés. Kaya umuwi ako para ihatid siya sa airport. Isn’t it enough para pagkatiwalaan mo ako?”Natawa nang pagak si Asia. “You hesitated pa rin, Callen. Kaya anong iisipin ko, huh?”“Damn it! Alright, mali na naman ako. Pero kapag sinabi kong naniniw
BINILISAN ni Asia ang pagligo ng mga oras na iyon. Excited siya dahil ngayong araw na ang pinakahihintay niya— ang pag-iisang dibdib nila. This time, sa simbahan at sa harap ng Diyos at ng mga mahal niya, pati na sa kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak.Saktong nagtatali siya ng roba niya nang marinig ang boses ng Mommy niya sa labas.“Ready ka na ba, anak?” “Yes, mom!”“Good! Naka-set up na sila sa guest room! Ikaw na lang ang hinihintay.”Sa guestroom nila siya aayusan. Dahil medyo makaluma ang Daddy niya, kailangang umuwi siya sa bahay nila. May bagong na-acquire naman si Callen at iyon nga ang tintirhan nila, still, ayaw pumayag ng Daddy niya doon siya matulog ng dalawang araw. Gusto raw siya nitong makasama rin bago talaga tuluyang siyang ipaubaya sa asawa. Sa pagkakataong ito, hahayaan na silang dalawa nito at hindi na makikialam. Maliban lang kapag kritikal na.“Alright, mom!”Mayamaya ay nawala na ito sa labas ng pintuan niya kaya nagmadali na siya sa pag-aayos ng roba. May
“OH, CALLEN…” ungol ni Asia nang tuluyang maramdaman ang kahabaan nito sa loob niya.Sa una, nahirapan itong mag-penetrate sa loob niya dahil siguro sa tagal na hindi siya nito naangkin.“Tell me if you’re not comfortable, corazon. Alright?”“Just proceed, corazoncito. I missed this— I mean, you. Corazoncito, no need to stop just to check in with me! Damn it!” pagalit niya.“Sorry. Nag-aalala lang ako— ouch!” daing nito nang tampalin niya ang pang-upo nito. Pero ngumiti din ito kapagkuwan. Siniil na lang siya nito nang halik at muling umulos sa ibabaw niya. Sabay silang napapaungol ng pangalan nila mayamaya dahil sa bilis nito. Para na rin silang hinahabol ng mga sandaling iyon. Dala na marahil ng matagal na walang contact sa isa’t-isa. Hindi man magawang sulitin ni Callen ang mga sandaling iyon dahil sa iniindang sugat, sobrang saya pa rin ang nararamdaman nito dahil sa magandang nangyari sa kanilang mag-asawa. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Callen ay mas lalong lumuwag ang di
“IKAW na babaita ka! Marami kang utang sa amzin!” Ngiti lang ang sinagot ni Asia sa kaibigang si Laura.“Yes! Super dami. Bakit hindi naman alam ito, huh?” Si Andrea. Si Lexxie at Dixxie, nakikinig lang sa kanila. Biglang nag-video call si Laura, tapos naki-join din ang tatlo. Pero ang dalawang iyan ang maraming katanungan. “Pagbalik ko na lang nga.” Kumamot pa siya sa batok niya. “Ang haba kaya ng kwento ko. Hindi ito matatapos ng 30 minutes lang. Okay?”“Promise ‘yan, huh?” Si Andrea ulit.“Opo.”“Good.”Pailing-iling na lang siya matapos na ibaba na ang telepono. Alam naman niyang alam na ng mga ito, pero siyempre, gusto pa rin marinig mula sa kanya. Napaangat siya nang tingin nang matanaw si Callen. Mukhang papunta ito sa gawi niya. Nakaupo siya noon sa gilid ng infinity pool.“Umalis na sila,” anunsyo nito.Nagpaalam si Ian at Leone kanina sa kanya. May pupuntahan daw ang mga ito at si Callen daw ang bantay niya ngayon. Actually, marami namang bantay sa kanya. Puno ba naman ng
“BAKIT hindi mo dinala sa ospital si Callen? May saksak siya, a. Hindi mo ba nakita?”Nilingon siya ni Ian, may hawak ito sa kabilang kamay nito na phone. Napalabi siya nang mapagtantong naistorbo niya ito.“I did. Siya lang ang matigas ang ulo. Excited siyang kumustahin ka. So, sino ang sisisihin mo? Ako o ikaw?” May ngiti sa labi nito kaya alam niyang nang-aasar ito.“Ian,”“I’m serious. Malayo naman daw at kaya niya kaya. Pero nagpatawag na ako ng doktor. Are we good?”“Good.” Sabay talikod dito.“Concern ka pa rin sa kanya.” Nilingon ni Asia ang kaibigan. “Of course! I think nangyari ‘yon sa kanya dahil sa akin. May konsensya naman yata ako!”“Ow. ‘Yon lang ba?”“Ian!”“Alright! Wala na akong sinabi.” Nakaingos na tinalikuran niya ito.Late na pero wala pa rin si Leone kaya tinawagan niya ito. Hindi pa raw ito makakabalik dahil may inaasikaso pa ito. Pero may schedule na ng balik niya ayon rito kaya ihahabol nito ang mga gamit niya. Hindi na siya pwedeng magtagal dito dahil ayaw
Chapter 43KAPA ang tiyan nang magmulat si Asia. Gutom na ang nararamdaman niya malamang. Natigilan siya nang may mapagtanto.Where is she?Wala siya sa silid niya! Umalis sila kahapon nila Amara para puntahan ang kapatid nito! At nakita niya si… Biglang nawala ang gutom na nararamdaman niya nang maalala ang nangyari. Napalitan iyon nang takot kaya napasiksik siya sa kinaroroonan.Ilang minuto pa siyang ganoon bago muling kumalma. Napagtanto niyang wala na sa paligid si Francis at nasa malayo siya. Kaya nga nakatulog siya rito.Hirap na tumayo siya dahil sa posisyon niya.Lumapit siya sa pintuan para buksan iyon pero nakasara. Inilinga niya ang paningin. Nasa isang kainan pala siya. Pero bakit hindi pa rin nagbubukas? Ilang oras na ba siya rito?Napaatras si Asia nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Kasunod niyon ang pagpasok ng liwanag. Napatakip pa siya ng mata dahil nasisilaw siya. Dinig niya ang sigaw ng matandang babae kaya nilapitan niya ito. Hindi naman niya maintindihan ang
Molveno, Italy“WHAT’S that?” tanong niya sa Kuya Darryl niya. May pinakita itong envelope.“Galing kay Callen. Kanina lang hinatid ni Joaquin.”Bigla siyang kinabahan nang marinig ang pangalan ng asawa.“S-sa tingin mo, Kuya. Ano ang laman niyan?”“I have no idea. Basta ang sabi ni Joaquin, matagal mo nang hinihingi ito.”Matagal bago nakaimik si Asia. May ideya na siya. Pero iyon ang hindi kayang maibigay ni Callen sa kanya. Ang annulment.“Gusto mo bang buksan ko? Ano ba kasi—” Natigilan si Darryl sa paghila ng lamang papel nang makakalahati na ito. Tumingin ito sa screen, sa kanya pagkuwa’y lumunok.“I-I think ikaw na ang tumingin nito,” anito sa mahinang himig.She knew it. Mukhang pinirmahan na ni Callen ang annulment na hinihingi niya noon pa man.Matagal na hindi nakapagsalita ang kapatid sa kabilang linya kaya siya na ang pumukaw niyon.“Mukhang kailangan ko nang magpaalam, kuya. Please send regards to Mom and Dad.”“Alright. Take care.” Halata sa mga ngiti ng kapatid ang ala
Chapter 41ANG buong akala ni Asia, babalik din agad si Callen. Pero hindi pala. Matagal siyang naghintay dito. Pabalik-balik nga siya sa labas para tingnan kung dumating ito, pero walang Callen na bumalik. Kaya sa sala siya nagpasyang maghintay kalaunan. Hindi niya akalaing makakatulog siya. Bandang alas-singko na nga ito nakabalik.“H-hindi ka sumama sa Kuya mo?” gulat na tanong nito nang maabutan siya sa sala. Nagising siya dahil sa marahas na pagbukas nito ng pintuan. Iniexpect siguro ni Callen na sumama siya sa Kuya niya dahil sa nangyari sa kanila.Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Papungas-pungas din siya ng mga sandaling iyon. Boses lang nito kasi ang nakilala niya dahil sa malabong paningin niya kanina.“We need to talk,” seryosong sabi niya kapagkuwan nang lumiwanag na ang paningin niya rito.“O-okay.” Tumingin ang asawa sa relo. “H-hindi ka ba nagugutom? Gusto mo bang kumain muna bago tayo mag-usap?”Ramdam naman na ni Asia ang gutom kaya tumango siya. Agad namang t
NAPASABUNOT si Callen habang nakatingin kay Asia na nasa sulok pa rin. Humihikbi pa rin ito habang balot ang katawan ng kumot. Hindi tumitingin sa kanya ang asawa. Lalo lang lumakas ang pag-iyak nito kaya nagpasya siyang lumabas na lang. Wala siyang ginawa sa labas kung hindi ang murahin ang sarili. Hindi niya maintindihan pero matindi talaga ang kagustuhan ni Asia na pigilan siya kanina. Hindi lang talaga niya pinansin.Pumunta siya sa minibar niya at doon sumimsim, hanggang sa maalala ang kasama nitong lalaki. Hindi niya ito kilala dahil ngayon lang talaga niya talaga ito nakita kaya wala siyang number nito. Kaya naman kinontak niya si Ezi para magpatulong alamin para makuha ang number nito. Lahat ng simcard dito sa Pinas ay naka-register sa totoong owner. Kung hindi man, agad itong nire-report para maabisuhan ang owner para magpa-register.Wala pang 20 minuets nang ibigay sa kanya ni Ezi. Mga tatlong tawag siya bago iyon kumonekta.“Hi. Is this Leone? It’s me, Callen Moore.”“Oh,”
AGAD na ikinuwento ni Callen ang ilang eksena na naalala niya sa mag-amang Sebastian at Ian. Dumating din ang ama niya dahil tinawagan niya rin ito bago siya pumunta. Malakas ang pakiramdam niyang may alaala siyang nawala. Hindi naman iyon panaginip dahil gising siya. At sa tingin niya dahil iyon sa lalaking pulis na nakasalubong niya.“Is it possible, dad? Na may nawawalang memory kay Callen?” Lumingon pa ang kaibigang si Ian sa amang si Sebastian.“Yes. Depende sa na-intake na substance, at kung gaano ba ka lakas ang pagkap4lo sa ulo niya.” Tumingin sa kanya ang Ninong Sebastian niya. “Wala ka na bang ibang naalala that day maliban sa pagpalo sa ulo mo at pagpapainom ni Ines sa ‘yo?”Ang pagpalo sa ulo niya, ito ‘yong na-corner siya ni Ines, at tauhan nito ang may gawa. Ito lang ang nasa findings din sa kanya.“Sa ngayon po wala pa. Hanggang doon pa lang ang natatandaan ko. At basta nagising na ho ako kasama na nila Ian. Kanina lang nangyari ito sa akin.”“Tatlong oras kang nawawala