PAGKALAPAG ng eroplano ay agad na lumabas siya. Tinungo niya ang parking lot ng airport na iyon at sumakay sa sasakyan niyang ginagamit kapag nandito siya sa Cebu.Nandito siya para sunduin si Asia. Nakailang tawag siya rito kagabi, kahit na kanina pero hindi ito sumasagot.Kasalukuyan siyang nagmamaneho noon nang tumawag si Maricel, ang secretary ni Kana, na siyang nagma-manage ngayon ng publishing house na pinagsusulatan niya.“Sir, makakarating ho ba kayo—”“No. Natanong ko lang kagabi kay Kana. May importanteng lakad ako ngayon dito. Pero kung makita ko na ang hinahanap ko, i’ll try na makadaan. Alright?”“Noted, sir.”Pinatay ni Callen ang linya at tinawagan si Asia, pero ring lang iyon ng ring, kaya nagpasya siyang tumawag kay Laura. Nakaalis na raw ito papuntang mall. Mahigit dalawang oras na raw pala. Hindi na niya natanong kung saan doon dahil nagpaalam agad si Laura sa kanya.Nakailang ikot na siya sa mall pero wala siyang Asia na makita. Pinapa-tsek na niya sa cctv pero hin
“READY?” Napatango siya kay Inés. Kinuha niya ang bag nanakita sa kabilang silid. May ilang extra din doon na mga susuotin na binitbit niya rin. Hindi niya kabisado ang pupuntahan kaya mas maigi nang sigurado. May mga flashlight din siyang dala in case na abutin sila ng gabi.Hindi pa man sila nakakalabas nang may humintong sasakyan sa harap. Kapwa sila napatingin ni Inés sa pintuan noon.Ilang sandali lang ay may pumasok. Walang iba kung hindi si Callen. Napangiti siya nang mapakla nang ipako nito ang tingin kay Inés na nakangiti. Ano pa nga ba ang inaasahan niya? Hindi na niya gustong makita ang mga mangyayari kaya agad siyang bumalik sa kabilang silid na pinaglipatan niya. Saka lang niya naramdaman ang tuhod na nanghihina. Dala pa ito ng nangyari sa kanila ni Callen kagabi. Pero ang hindi niya kayang nanghihina ngayon ay ang puso niya. Destined ba talaga na masaktan siya lagi? God! Ilang lalaki ba ang kailangang manakit sa kanya bago siya magkaroon ng masayang relasyon? She was t
PANAY ang mura ni Callen habang binabaybay ang kakahuyan. Palakas nang palakas ang ulan. Hindi naman niya na-check ang weather kanina. Pero sa tingin niya ay may bagyo.Ilang beses pa siyang tumawag sa pangalan ni Asia pero walang sumasagot.“Don’t you think it’s too dangerous here?” Nilingon niya si Ines. Hingal na hingal ito kakahabol sa kanya.“I told you to go back!” asik niya rito.“I said I don’t want to! What if something happens to you here? Huh?!”“Nothing will happen to me here. Believe me. Alright? I have to find her, Ines. She's my responsibility.”Walang nagawa si Ines kung hindi ang sumunod na lang kay Callen. Sa paraan ng pananalita nito ay walang balak itong sumuko sa paghahanap. Pero aksidenteng tumama ang binti ni Callen sa nakahambalang na ikinatumba niya. Kahit na nasaktan si Callen sa pagtamang iyon sa puno, nagpatuloy pa rin siya kahit na ika-ika. Nakaramdam nang awa si Ines dito kaya pinagpahinga niya ito at siya ang nagpatuloy sa paglakad. Sumang-ayon naman si
NAGISING si Asia sa hindi pamilyar na lugar kaya napaupo siya. Agad niyang inilinga ang mata para alamin kung nasaan ba talaga siya. Napaawang siya ng labi nang makita ang lalaking natutulog sa may upuan na gawa sa kawayan.Nasaan siya? Bakit nandito si Ismael?Sa kabilang banda, natutuwa siya sa nakita. Para kay Asia, kulang ang oras nila sa coffee shop na iyon kaya nakaramdam siya ng excitement habang nakatunghay sa gwapong mukha nito. Ang akala ni Asia bumalik na ito ng Maynila. Hindi niya akalaing magkikita pa sila ngayon. Ang usapan nila, mag-uusap sila pagbalik niya. Talagang susulitin niya ang bakasyon sana dito kasama ang mga kaibigan. Supposedly, pambabaeng lakad lang nga ito, pero nagulat siya nang sabihin ni Laura na nagsunuran ang mga ito.Bago pa man pumasok sa isipan niya si Inés ay pinilig na niya ang ulo. Saka na sila magtutuos. Sa ngayon, si Ismael muna ang haharapin niya.Akmang bababa siya sa papag na kinahihigaan nang sumakit ang bewang niya. “Awww…” Napalabi din
NAPAPIKIT si Asia nang marinig ang pagsara ni Ismael—este si Francis ng pintuan. Ito ang naiwang humarap pagkatalaikod niya kanina kila Callen.Umasa siyang pipigilan siya ni Callen pero hinayaan lang siya nito na makapasok. Hindi man lang talaga nagawang magtanong. Patunay lang ang pananahimik nito na si Ines ang pinaniwalaan nito. Masakit sa part niya dahil ang tagal na nilang magkakilala pero mas pinanigan nito ang babaeng iyon. Oo, sinaktan niya ito noon, pero hindi naman iyon basehan para hindi siya pagkatiwalaan. Hindi ba siya nito kilala? Kahit bilang kaibigan?Kapag life and death situation na, never niyang magagawa sa kahit sino iyon. Spoiled brat at masungit siya minsan, pero alam niya kung ano ang makatao o hindi na gawain. May part sa kanya na nasasaktan nang higit talaga. Hindi lang ang pagkakaibigan nila ang sinira nito, ang tiwala niya rin dito bilang napupusuan. Although walang alam si Callen sa namumuo niyang nararamdaman para dito, masakit pa rin. Para siyang trinay
WALANG imik si Asia habang bumibiyahe sila pabalik ng tinutuluyan ni Callen dito. Pinapakita niya rin dito na inis na inis siya kapag bumabaling sa kanya.“Is he your boyfriend?” untag sa kanya ni Callen.“Soon,” sagot niya sa naiinis.Napapreno bigla si Callen sa narinig. Hindi naman siya nauntog dahil naka-seatbelt siya, pero nagulat pa rin siya sa ginawa nito.“What about me?!” Salubong ang kilay nito.“What about you and Inés? Huh?” aniya, imbes na sagutin ito.“I told you, walang kami! Hindi mo pa ba naiintindihan? Naniniwala ako sa ‘yo, Corazon. Shock lang ako nang marinig ang sinabi mo, na kaya niyang gawin iyon sa ‘yo. Nagalit nga ako sa kanya, e.” Hindi nakaimik si Asia. “And you said, hindi ka sasama sa akin kapag nando’n pa si Inés. Kaya umuwi ako para ihatid siya sa airport. Isn’t it enough para pagkatiwalaan mo ako?”Natawa nang pagak si Asia. “You hesitated pa rin, Callen. Kaya anong iisipin ko, huh?”“Damn it! Alright, mali na naman ako. Pero kapag sinabi kong naniniw
SA opisina ni Callen siya dumiretso nang araw na iyon. Dumating na ang order niya.Nang tawagan siya ni Callen kanina na nasa kamay na nito ang parcel niya ay agad niyang tinapos ang meeting niya sa subbordinate niya. Takot siyang baka buksan ng binata. Takot siyang ma-judge dahil sa curiosity.Naupo siya saglit sa waiting area habang hinihintay ang parcel niya. Hindi naman siya magtatagal dito dahil may trabaho siyang naiwan sa opisina.Hindi pa siya matagal na nakaupo sa waiting area nang marinig ang usapan ng dalawang employee. “Iba talaga ang may kapit, ano? Akalain mo ‘yon, Assistant Manager agad si Miss Inés?” ani ng isa.Napakunot siya ng noo nang marinig ang pangalan. Dito nagtatrabaho si Inés?Nakaramdam nang inis si Asia sa isiping iisa lang ang environment na ginagalawan ni Callen at Ines. Mahina lang ang boses nito, pero dahil malapit sa kanya, dinig niya. Breaktime yata ng mga ito, may mga kinakain, e. Ang isa, may hawak pang milktea.“Sana all na lang talaga,”“Ang lak
HINDI pa man nag-roll sa isipan niya ang nakaraan nang marinig ang pagtawag ng ina ni Callen na si Dominique.“Asia! Dumating ka na pala? Halika sa kusina, tikman mo ang mga niluto namin,” nakangiting sabi nito.“S-sure po.” Gusto sanang tumanggi ni Asia, pero ina ito ni Callen, kaya ang hirap tanggihan. Pero ayaw niyang makita kung gaano ito ka-close kay Inés.Wala pa man pero sumasakit na agad ang ulo ni Asia. Bakit ba kasi pumayag siyang sumama rito? Ang usapan sa condo ni Callen, e!Ilang hakbang pa lang sila ng ginang nang tawagin sila ni Callen. Nasa taas ito at kakatapos lang nito maligo. Ang fresh at ang gwapo nito tingnan kaya lumapad ang ngiti niya. Lagi naman. Hindi lang niya noon napapansin dahil naiinis siya sa pagiging epal nito noon sa kanya. Hindi pa kasi niya alam noon kung gaano ito kasarap sa kama— este kasama.“Ma, hiramin ko lang po si Asia. Pwede po ba? May ipapakita lang po ako sa kanya.”Napataas ng kilay ang ina nito nang tingnan ang anak.“Okay. Baba mo na l