NAPAANGAT ng kilay si Asia nang makita si Callen na tinuturo ang braso nito. Gusto yata nitong kumapit siya doon.
“You’re not my date,” aniya sa binata.
“I know. Pero binibigyan kita ng privilege na mahawakan ako, since ginawa mo na akong driver.”
Naniningkit ang magandang mata ni Asia sa narinig. Wow, huh? As if siya pa ang may utang dito.
“Excuse me! Wala akong sinabing sunduin mo ako. Kaya kasalanan mo kung bakit nagmukha kang driver. Kaloka kang lalaki ka!” ‘Yon lang at tinalikuran ito ni Asia.
Kamot-kamot naman ng ulo si Callen na tumingin sa dalaga. Mukhang mali ang pagpapakonsensya niya sa dalaga. Ngayon, paano pa siya nito papansinin?
Tatlong beses na pinukpok ni Callen ang ulo bago sumunod sa dalagang yamot na.
Pagkakita ni Asia sa mga kaibigan, agad na nilapitan niya ang mga ito. Nakapameywang siya pero ngiti lang ang ni-reply ng mga ito sa kanya.
“May gana pa kayong ngumiti sa akin, huh? Bestie?” Ang mata ni Asia ay kay Laura. Kasi nahuli niyang tumingin kay Callen na noo’y lumapit kay Lexxie.
“Sorry, Bestie,” alanganing ngiti ni Laura sabay peace sign.
Para kay Asia, sira na ang araw niya dahil kay Callen. Kaya nawala na sa isip niya na landiin si Astin. Saka hindi ito umaalis sa tabi ni Laura kahit na hindi ito pinapansin ng kaibigan.
May ilang schoolmate na silang nagtangkang lumapit sa kanya at yayain siyang sumayaw pero tinatanggihan niya.
“Kanina ka pa hindi umiimik, bestie,” tanong ni Laura nang umalis si Astin sa tabi nito.
“Paano pa ako ngingiti, e, nasira na ang gabi ko.”
“Sorry na. Si Astin kasi. Alam mo naman kung gaano ka-bossy ‘yon. Ayoko lang masira ang mood ko rin.” Naiintindihan naman niya. Saka totoo ang sinabi ni Laura, masyadong bossy si Astin. Feeling pag-aari din nito ang kaibigan. Though pumasok sa isipan na niya iyon kanina since si Laura nga ang gusto ni Astin.
Sasagot sana si Asia nang may biglang lumapit sa sa kanila. Kasunod niyon ang paglahad ng kamay nito sa kaibigan.
“Would you mind dancing with me?”
“Oh my God!” Si Andrea na bigla na lang bumulalas din.
“Sheezzz!” bigla na lang din lumabas sa labi niya.
Sino ba kasing hindi mamangha, si Gael Malonzo kaya ito! Sikat din ito sa unibersidad dahil sa mga sports na sinasalihan nito. At isa nga ito sa mga tinitilian ng mga babae.
Matagal na tinitigan ng kaibigan ang kamay ni Gael kaya siniko niya ito.
“Bestie, sumama ka na habang wala pa sila Astin.” Hindi alam ni Asia kung saan nagpuntahan ang mga ito pero mabuti ito para naman hindi maramdaman ni Laura na nasasakal ito. Alam niya ang hinaing ng kaibigan. At talagang naaawa siya rito. At kaya niya ito sinabi dahil iniisip niya ang kaibigan talaga at hindi dahil sa may gusto siya sa binatang Hernandez. Siyempre, mas lamang sa kanya ang pagkakaibigan.
“Asia is right, Ate. Kaya bilisan mo na,” sinusugan din ni Andrea.
Si Lexxie, tumango rin kay Laura bilang approval.
Kita ni Asia ang pagkislap sa mata ng kaibigang si Laura nang tanggapin ang kamay ni Gael. Babae siya, kaya alam niyang mukhang may gusto ang kaibigan kay Gael
Mayamaya ay hindi nila matanaw si Laura at Gael sa dance floor. Mayamaya lang din ay bumalik na ang magkakaibigan. Bumalik na rin si Laura. Mukhang nakita nito si Astin kaya nagmadaling bumalik sa upuan nito.
“Let’s dance,” ani ni Astin kay Laura.
Bahagyang may kumirot sa dibdib niya pero sanay na siya doon.
“Pagod na ako, Astin. Kakataupo ko lang kaya.”
“What do you mean? May ibang humawak sa ‘yo? Sa bewang mo?” sunod-sunod na tanong ni Astin sa kaibigan. “Who is he?!”
“Ako na lang kasi Astin ang isayaw mo,” nakangiting alok ni Asia ng sarili sa binata. Pero nagulat siya nang may naglahad din ng kamay sa kanya, walang iba kung hindi si Callen.
“Shall we?” masuyong tanong nito. Hindi niya ito sinagot, kay Astin ang atensyon niya.
“Astin, kung ayaw ni Laura. Pwede naman tayong dala—”
“Shut up! I’m not talking to you, Del Franco!” singhal ni Astin sa kanya na ikinagulat niya.
“A-Astin,” nauutal niyang sabi.
“Kuya!” Si Andrea iyon.
Lalo tuloy kumirot ang dibdib niya. Bigla rin siyang nakaramdam nang pag-iinit sa mata kaya tumayo siya at mabilis na umalis sa mesa na iyon. Narinig niya rin ang pagtawag sa kanya ni Laura pero hindi niya pinansin, dire-diretso lang siya.
Natagpuan ni Asia ang sarili sa likod ng event hall ng school nila. Doon, pinakawalan niya ang hagulhol na kanina pa niya pinipigilan dahil sa mga nakakasalubong. Napasalampak pa siya nang upo sa sementong baytang na kinatatayuan kanina.
Ilang minuto pa yata ang pag-iyak ni Asia nang may narinig na mga tinig na palapit. Mga grupo iyon ng kalalakihan na may mga bitbit na alak at disposable na baso. Bawal iyon kaya siguro pumunta ang mga ito sa likod. Natigilan pa ang mga ito nang makita siya.
“‘W-wag kayong mag-alala, hindi ako magsusumbong. B-basta bigyan niyo ako kahit konti lang,” garalgal ang boses ni Asia ng mga sandaling iyon.
Alak. Ito talaga ang gusto niya ngayon. Hindi niya alam kung bakit, pero nakakatulong daw ito sa mga gaya niya na lumimot kahit sandali.
“O, hindi daw. Bilis, tagayan mo na, dude,” dinig niyang sabi ng isa.
Mabilis ang kilos ng mga ito na binigay sa kanya ang baso na puno ng alak. Hindi siya sanay sa mga hard liquor pero tinungga niya pa rin iyon. Sayad na sayad ang mapait na lasa, buti na lang may tubig na dala ang mga ito.
“Thanks.” Muli niyang tiningnan ang mga ito. Mga freshmen yata ang mga ito. Ngayon lang niya kasi nakita.
Nang mapansing parang lalayo ang mga ito sa kanya ay tinawag niya ang nagbigay sa kanya ng baso.
“How much is that? Pwede bang bilhin ko na lang? Please? I need—”
“Asia!” Napapikit siya nang marinig ang boses ni Callen. “Get lost!” utos ni Callen sa lalaking kinakausap niya.
“Callen, ano ba!” aniya.
Hindi siya pinansin ni Callen, pinagtutulak nito ang mga lalaki saka sinara ang pintuan.
“What the heck, Asia! Hindi mo sila kilala pero ang lakas nang loob mo na tanggapin ang alak?”
“Ano bang paki mo, huh?! Eh sa gusto kong magpakalunod sa alak dahil sa ginawa ni Astin! Ang sakit-sakit kaya!” sigaw ni Asia kay Callen na ikinatahimik ng huli.
Hindi nakaimik ang binata pero humakbang ito palapit sa kanya. Nagulat pa siya nang bigla siyang kabigin nito at niyakap nang mahigpit.
“Hindi ko alam kung paano ka i-comfort. Pero ako na ang humihingi nang paumangin sa ginawa ni Astin.” Kasunod niyon ang masuyong haplos nito sa likod niya kaya lalong hindi natigil ang iyak niya. “My shoulder is yours, corazon.”
Kung nasa tamang katinuan siya, baka kanina pa niya nahampas si Callen sa pagtawag na naman sa kanya ng corazon. Buti na lang, kailangan niya ng balikat na masasandalan ngayon.
Hindi alam ni Asia kung gaano ito katagal na nakayakap kay Callen. Basta nang makaramdam nang pagod, bumitaw siya at napasalampak muli sa kinauupuan kanina. Gumaya din ang binata at tinapik ang balikat. Wala sa sariling napasunod din ang dalaga, sumandal siya sa balikat ni Callen.
“Nagmumukha na ba akong desperada, Callen?” tanong ni Asia kapagkuwan.
“Hindi ko masabi, Asia. Kasi ganyan din ako. Kahit na hindi ako gusto ng babaeng gusto ko, pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya.”
Napaangat nang tingin si Asia kay Callen. Hindi gaanong maliwanag doon pero malinaw pa naman ang mukha nito sa kanya. “So, broken hearted ka rin ngayon?”
Parang gustong konyatan ni Callen ang noo ni Asia. Hindi ba talaga sumasagi sa isipan nito na gusto niya ito? Seryoso naman siya lagi kapag sinasabing siya na lang gustuhin nito.
“Everyday naman akong broken hearted,” kaswal na sagot lang ng binata.
“Oh, Callen! Ano ba ang gagawin natin para hindi naman tayo laging malungkot?”
Napangiti si Callen sa huling sinabi ni Asia. “You know what? Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede ka namang sumaya. Nga lang, sa ibang paraan. Ano?”
Napalayo si Asia sa binata. “At anong paraan iyon?”
“Basta.” Ngumiti si Callen pagkuwa’y tumayo. Naglahad ito nang kamay na agad namang kinuha ni Asia.
Naging sunud-sunuran si Asia ng mga sandaling iyon. Walang kontra sa kanya nang isakay siya ni Callen sa magarang sasakyan nito. Pagdating sa expressway ay nagtatakang tiningnan niya ang binata.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong niya rito.
“Tagaytay.”
“Wow!” Biglang na-excite si Asia sa narinig. May villa sila doon pero hindi siya pwedeng pumunta doon dahil walang alam ang magulang niya. Ito ngang pagsama niya kay Callen ay hindi nakita ng mga bantay niya dahil sa sasakyan ni Callen siya sumakay.
“Ipikit mo kaya muna ang mata mo habang nasa biyahe tayo,” suhestiyon mayamaya ni Callen sa kanya.
“Okay.” Masunurin yata ng mga sandaling iyon si Asia. Siguro, ramdam ng katawan niya ang pagod. Wala naman siyang ginawa pero iyon ang pakiramdam niya. Baka nga napagod na talaga siya kay Astin umasa. Minsan naman hinihiling niya na sana mapagod na dahil alam niyang nagmumukha siyang tanga.
Dahil sumagi na naman sa isipan ni Asia si Astin, hindi na naman niya naiwasang humikbi. Narinig iyon ni Callen kaya agad itong humugot ng panyo at binigay sa kanya. Wala itong imik matapos na ibigay ang panyo nito. Seryoso lang sa pagmamaneho.
Dahil sa pag-iyak, nakatulog si Asia nang mahimbing. Kaya imbes na i-enjoy ang gabi sa Tagaytay, tinulog niya iyon. Ni hindi man lang siya ginising ni Callen pagdating. Bagkos, binuhat siya nito at inihiga sa kamang naroon. Hindi lang iyon, talagang tumabi ang binata sa kanya, na kalaunan ay nakayakap na sa kanya. Kaya naman, isang malakas na sigaw kinabukasan ang pumukaw kay Callen dahil sa nabungaran ng dalaga.
“Walang hiya ka, Callen! Hindi na ako virgin! My God! Bakit sa ‘yo pa! Ah!” Naghihisterikal na nga ang dalaga.
“Hey, hey! Asia, stop shouting! Walang nangyari sa atin kaya virgin ka pa, okay?!” sigaw rin ng binata sa kanya.
Sa narinig, natigilan si Asia at tiningnan ang damit niya. Right, hindi man lang napalitan nga. At wala siyang ibang nararamdaman gaya ng mga nababasa niya sa book. Like no’ng masakit ang pempem dahil sa pamamaga. O ‘di kaya basa.
“S-so, virgin pa ako?”
“Are you?” Hindi alam ni Callen kung bakit ganoon ang inilabas ng bibig niya.
Hindi malaman ni Callen kung tatawa ba o iiyak nang sumagot si Asia ng yes. Ibig bang sabihin, may chance pang siya ang makauna?
Dahil sa isiping iyon ni Callen, nakaramdam siya nang kakaibang init sa katawan. Actually, kagabi pa ang epektong ito sa kanya dahil sa matagal nilang pagyakapan. Kaya sigurado siyang gustong-gusto niya ang init na hatid sa kanya ni Asia. At sa pagtulog nga, sumama pa. Muli, naramdaman na naman niya ang baba niya na naninigas. Napababa siya nang tingin sa shorts niya dahil doon at hindi niya alam na nakasunod din nang tingin si Asia sa tinitingnan niya.
“Oh my God! Is that—” Hindi na natapos ni Asia ang sasabihin nang takpan ni Callen ang bibig niya. Hindi tuloy niya masabi na dragon ang nakikita niya ng mga sumunod na sandali. Binitawan lang nito ang bibig niya nang masigurong natatakpan na iyon ng unan.
“Nice.” Hindi pa rin mawala sa ngiti ni Asia ang kakaibang pang-aasar kay Callen. Ito ang first time na ngitian siya nito at inasar nang ganoon kaya hindi siya naiinis. Pinapatigil niya lang si Asia dahil hindi nga mawala-wala ang paninigas ng kaibigan niya sa baba. Kung dati, agad na nawawala dahil hindi naman nagtatagal sa paligid niya si Asia, pero ngayon, parang ayaw tumigil dahil sila lang naman na dalawa ang nandito sa haven niya.“Oh my!” biglang tayo ni Asia at lapit sa bintana nang makita ang araw na papasikat. Nawala na sa isipan nito ang pang-aasar kay Callen kaya nakahinga nang maluwag ang binata.Kita ni Callen ang pagsilip sa balcony niya.“Saan ang daan niyan?” Nilingon siya ni Asia pagkuwa’y nginuso ang balcony niya.Nginuso niya rin ang pintuan na natatakpan ng curtain. Agad namang lumapit doon ang dalaga at nagmadaling lumabas. Napangiti siya dahil nakita rin nito ang isa sa paborito niyang spot kapag nandito. Saktong sumisikat na kasi ang araw noon kaya magandang t
“BAKIT ba kasi kailangang magpakalasing?” tanong ni Callen kay Asia. Alam naman niyang hindi siya nito masasagot pero naisatinig pa rin niya. Tumayo si Callen mula sa kama niya para kumuha ng towel na pampunas dito. Maraming nainom ito kanina kaya lasing na lasing ito. Parang lantang gulay nga lang nang pangkuin niya kanina. Hindi naman pala kasi kaya ng katawan nito ang alak, iinom-inom ng marami.Naiintindihan naman niya kung bakit. Dahil sa ginawa ni Astin dito. Pero maraming paraan naman para mawala ang sakit. Gaya na lang ng pagbaling sa iba ng pagmamahal nito. Like— sa kanya? Right? Tinampal ni Callen ang ulo dahil sa huling naisip. Pero hindi, e. Kung siya lang ang pinili nitong mahalin, hindi ito masasaktan sa kanya. Araw-araw niya itong pasasayahin at paliligayahin.Napangiti nang mapakla si Callen. Kaso hindi, e.“Kulit mo din talaga, Callen!” naisatinig na niya. Mabuti na lang at tulog na si Asia.Bumalik si Callen sa silid niya pagkakuha ng basin at towel. Nilagay niya iy
NANG mawala na ang sasakyan ni Callen sa paningin ni Asia ay pumasok siya sa loob. Nagbihis siya pagkuwa’y kinuha ang susi ng isa sa sasakyan niya. Hindi pa nawawala ang kalasingan niya. Pero feeling niya hindi siya makakatulog talaga ngayon, kaya sasagarin na niya ang sarili. Alam niyang mamaya lang ay mawala na ang tama niya. Kaya gusto pa niya ng alak! Nabanggit ni Callen sa kanya na nagsuka siya kanina. Pero hindi niya maalala ang pakiramdam dahil wala naman doon ang isip niya. Nakaligo at nakapag-toothbrush na siya kaya parang walang sukahang nangyari. Pero sana sa gagawin niya ngayon, hindi na siya magsuka. Konti lang naman iinumin niya. Pampatulog lang. At habang nasa daan siya, tinawagan niya si Lexxie.“Hi, Lex!” Pilit na pinasigla niya ang boses. Hindi naman siguro mahalata ni Lexxie na nakainom siya. Alam nito wala siyang hilig sa pag-inom. Wala naman talaga. Gusto lang talaga niya now. Bawal sa bahay nila dahil bilang ng Kuya niya ang mga naroong bote ng alak. Saka lagin
PAGKASARA ng pintuang ng suite na iyon ay kinabig ni Callen si Asia at mapusok na sinakop ang namasang labi nito. Nasa elevator pa lang sila kanina ay hindi na nila napigilan ang sarili. Ang butler na nga lang ni Callen ang nag-asikaso ng lahat. Mula sa CCTV at sa pagpigil ng mga taong papasok sa elevator. Kaya solong-solo nila nag paligid ng mga sandaling iyon.“Damn you, corazon! Matagal ko nang hinihintay ito.” Hindi na binigyan ni Callen na magsalita si Asia, muli niyang siniil ito nang halik at sinandal sa pader na iyon ng suite nila. Kumawala ang ungol kay Asia nang bumaba siya sa leeg nito. Nag-angat pa ito nang tingin sa taas para bigyang laya siya. Dinig niya ang mumunting ungol nito dahil sa ginagawa niya.“Oh, God…” anito nang balikan niya ang earlobe nito, bahagya niyang kinagat iyon na ikinapikit nito. “I love you, Asia Jade,” bulong niya rito. Gaya kanina, hindi niya ulit ito binigyan nang pagkakataon na magsalita. Sinelyuhan niya ang labi nito. Gusto niyang ungol lang
MAY dalang damit si Callen para sa kanya kaya nagpalit ulit siya ng damit. Gaya na iyon nang usual na sinusuot ni Asia. May pinabili siya kanina sa staff pero hindi niya nagustuhan. Napatigil sa pagpulot si Asia ng damit na hinubad nang may mapansin sa sahig. Isa iyong keychain. Na-curious siya kaya pinulot niya iyon. Nanlaki bigla ang mata niya nang makitang pamilyar ang design niyon. Meron din siyang keychain na ganito! Kaso imitation lang! Pero binili pa rin niya sa isang seller. Pero ganoon, marami pa ring bumibili.Logo iyon ni Ismael! Yes. Logo ni Ismael! Si Ismael na idol at crush niya! At legit na pirma nito ang nakapirma roon. Of course alam niyang legit na pirma nito dahil ilang beses niyang ginagawa. At ang naglalabasang pirma ni Ismael sa mini book keychain nito ay mula lang din sa na-ipost ng publisher. Ang balita niya, isa lang daw iyon. At si Ismael lang ang nagmamay-ari niyon.Hindi kaya si Ismael ang nakauna sa kanya? Sa isiping iyon, lumapad ang ngiti ni Asia.Kahi
EXCITED na bumaba si Asia sa chopper pagkalapag niyon. Ilang beses na siyang nakapunta ng Hotel De Astin dito sa Caramoan, pero nandito pa rin ang excitement sa kanya. Pamumulot ng seashells talaga ang pinakagusto niya kahit noong bata pa. Masaya siya kapag nagpupunta sila ng beach noon kasama ang magulang at Kuya niya. Hinahayaan lang siya ng mga ito maglaro sa pampang kasama ang Yaya niya. Napalitan nang lungkot ang mukha ni Asia nang maalala ang Yaya Lerma niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya maka-get over sa trauma dahil sa nasaksihang pagkam4tay nito. Kaya nga mas pinipili niyang maglibang minsan sa pamamagitan nang pagbabasa. Pero kahit na busy siya, hindi man lang nawala ang nakaraang iyon sa kanya.Napasigaw si Asia sa pagkagulat nang may biglang pumalakpak sa tainga niya. Alam niya na kung sino iyon kaya pinanlakihan niya nang mata ang kaibigan.“What?”“Sa susunod puputulin ko ‘yang kamay mo!” angil niya kay DK.Nginisihan lang siya nito bago nilagpasan.Pero hindi siya
MASIGABONG palakpakan ang sunod na nangibabaw sa function hall ng Hotel De Astin matapos ang sayaw ni Laura at Astin sa gitna.Napatingin siya sa ina nang hawakan nito ang kamay niya. Pinisil din nito iyon.“Darating din ang lalaking para sa ‘yo, anak. Magtiwala ka lang. Okay?” masuyong sambit ng ina na si Darlene. Ngumiti pa ito nang matamis.Napaharap tuloy si Asia sa ina. “Bakit mo naman nasabi ’yan, Mom?” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Kanina pa kita napapansin na wala sa mood. I know it hurts but—”“Mom, hindi po si Astin ang rason kung bakit wala ako sa mood. Masaya ako para sa kanila. Really.”“Oh. I thought si Astin ang rason kung bakit ka ganyan. Ibig bang sabihin niyan naka-move on ka na sa kanya?”“I think so.”“That’s good to hear.” Pero napakunot ng noo ang ina. “Eh, bakit ka ba ganyan? Baka mamaya sabihin nila hindi ka masaya para sa kanila.”MoRight! Napaayos siya nang upo. Si Callen may dahilan kung bakit siya nawalan nang gana. Baka nga naman mag-isip ang iba na ba
“I-I can’t sleep actually,” sa mahinang boses na pag-amin ni Asia.Hindi naman siya natutulog kanina nang gisingin nito. Sadyang pinili lang niyang pumikit at wag gumalaw. At mas lalong hindi siya tulog nang pangkuin nito. She likes it kaya patuloy siya sa pag-pretend. Pero habang nasa daan kanina, nakaidlip siya. Nagising lang siya dahil umalis na ito sa tabi niya.Gusto lang niyang mag-stay si Callen sa kanya kaya hindi siya sumagot. Just like before. ‘Yong kahit na hayagan niyang pinapakita rito na hindi niya ito, nasa tabi pa rin niya ito. At ito ’yong mga panahong wala pa si Inés sa buhay nito. Savior niya si Callen. Kahit na hindi niya kailangan lagi itong sumusulpot. Later na niya na-realize iyon. Pero nasabi na iyon sa kanya dati ni Laura, hindi lang niya pinagtuonan nang pansin. Matagal siyang tinitigan ni Callen. Napalunok na siya dahil nakikinita na niya ang mangyayari. Hindi ito mag-stay sa tabi niya. Mas gusto nitong balikan ang babae nito.Parang gusto niyang maglaho d
BINILISAN ni Asia ang pagligo ng mga oras na iyon. Excited siya dahil ngayong araw na ang pinakahihintay niya— ang pag-iisang dibdib nila. This time, sa simbahan at sa harap ng Diyos at ng mga mahal niya, pati na sa kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak.Saktong nagtatali siya ng roba niya nang marinig ang boses ng Mommy niya sa labas.“Ready ka na ba, anak?” “Yes, mom!”“Good! Naka-set up na sila sa guest room! Ikaw na lang ang hinihintay.”Sa guestroom nila siya aayusan. Dahil medyo makaluma ang Daddy niya, kailangang umuwi siya sa bahay nila. May bagong na-acquire naman si Callen at iyon nga ang tintirhan nila, still, ayaw pumayag ng Daddy niya doon siya matulog ng dalawang araw. Gusto raw siya nitong makasama rin bago talaga tuluyang siyang ipaubaya sa asawa. Sa pagkakataong ito, hahayaan na silang dalawa nito at hindi na makikialam. Maliban lang kapag kritikal na.“Alright, mom!”Mayamaya ay nawala na ito sa labas ng pintuan niya kaya nagmadali na siya sa pag-aayos ng roba. May
“OH, CALLEN…” ungol ni Asia nang tuluyang maramdaman ang kahabaan nito sa loob niya.Sa una, nahirapan itong mag-penetrate sa loob niya dahil siguro sa tagal na hindi siya nito naangkin.“Tell me if you’re not comfortable, corazon. Alright?”“Just proceed, corazoncito. I missed this— I mean, you. Corazoncito, no need to stop just to check in with me! Damn it!” pagalit niya.“Sorry. Nag-aalala lang ako— ouch!” daing nito nang tampalin niya ang pang-upo nito. Pero ngumiti din ito kapagkuwan. Siniil na lang siya nito nang halik at muling umulos sa ibabaw niya. Sabay silang napapaungol ng pangalan nila mayamaya dahil sa bilis nito. Para na rin silang hinahabol ng mga sandaling iyon. Dala na marahil ng matagal na walang contact sa isa’t-isa. Hindi man magawang sulitin ni Callen ang mga sandaling iyon dahil sa iniindang sugat, sobrang saya pa rin ang nararamdaman nito dahil sa magandang nangyari sa kanilang mag-asawa. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Callen ay mas lalong lumuwag ang di
“IKAW na babaita ka! Marami kang utang sa amzin!” Ngiti lang ang sinagot ni Asia sa kaibigang si Laura.“Yes! Super dami. Bakit hindi naman alam ito, huh?” Si Andrea. Si Lexxie at Dixxie, nakikinig lang sa kanila. Biglang nag-video call si Laura, tapos naki-join din ang tatlo. Pero ang dalawang iyan ang maraming katanungan. “Pagbalik ko na lang nga.” Kumamot pa siya sa batok niya. “Ang haba kaya ng kwento ko. Hindi ito matatapos ng 30 minutes lang. Okay?”“Promise ‘yan, huh?” Si Andrea ulit.“Opo.”“Good.”Pailing-iling na lang siya matapos na ibaba na ang telepono. Alam naman niyang alam na ng mga ito, pero siyempre, gusto pa rin marinig mula sa kanya. Napaangat siya nang tingin nang matanaw si Callen. Mukhang papunta ito sa gawi niya. Nakaupo siya noon sa gilid ng infinity pool.“Umalis na sila,” anunsyo nito.Nagpaalam si Ian at Leone kanina sa kanya. May pupuntahan daw ang mga ito at si Callen daw ang bantay niya ngayon. Actually, marami namang bantay sa kanya. Puno ba naman ng
“BAKIT hindi mo dinala sa ospital si Callen? May saksak siya, a. Hindi mo ba nakita?”Nilingon siya ni Ian, may hawak ito sa kabilang kamay nito na phone. Napalabi siya nang mapagtantong naistorbo niya ito.“I did. Siya lang ang matigas ang ulo. Excited siyang kumustahin ka. So, sino ang sisisihin mo? Ako o ikaw?” May ngiti sa labi nito kaya alam niyang nang-aasar ito.“Ian,”“I’m serious. Malayo naman daw at kaya niya kaya. Pero nagpatawag na ako ng doktor. Are we good?”“Good.” Sabay talikod dito.“Concern ka pa rin sa kanya.” Nilingon ni Asia ang kaibigan. “Of course! I think nangyari ‘yon sa kanya dahil sa akin. May konsensya naman yata ako!”“Ow. ‘Yon lang ba?”“Ian!”“Alright! Wala na akong sinabi.” Nakaingos na tinalikuran niya ito.Late na pero wala pa rin si Leone kaya tinawagan niya ito. Hindi pa raw ito makakabalik dahil may inaasikaso pa ito. Pero may schedule na ng balik niya ayon rito kaya ihahabol nito ang mga gamit niya. Hindi na siya pwedeng magtagal dito dahil ayaw
Chapter 43KAPA ang tiyan nang magmulat si Asia. Gutom na ang nararamdaman niya malamang. Natigilan siya nang may mapagtanto.Where is she?Wala siya sa silid niya! Umalis sila kahapon nila Amara para puntahan ang kapatid nito! At nakita niya si… Biglang nawala ang gutom na nararamdaman niya nang maalala ang nangyari. Napalitan iyon nang takot kaya napasiksik siya sa kinaroroonan.Ilang minuto pa siyang ganoon bago muling kumalma. Napagtanto niyang wala na sa paligid si Francis at nasa malayo siya. Kaya nga nakatulog siya rito.Hirap na tumayo siya dahil sa posisyon niya.Lumapit siya sa pintuan para buksan iyon pero nakasara. Inilinga niya ang paningin. Nasa isang kainan pala siya. Pero bakit hindi pa rin nagbubukas? Ilang oras na ba siya rito?Napaatras si Asia nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Kasunod niyon ang pagpasok ng liwanag. Napatakip pa siya ng mata dahil nasisilaw siya. Dinig niya ang sigaw ng matandang babae kaya nilapitan niya ito. Hindi naman niya maintindihan ang
Molveno, Italy“WHAT’S that?” tanong niya sa Kuya Darryl niya. May pinakita itong envelope.“Galing kay Callen. Kanina lang hinatid ni Joaquin.”Bigla siyang kinabahan nang marinig ang pangalan ng asawa.“S-sa tingin mo, Kuya. Ano ang laman niyan?”“I have no idea. Basta ang sabi ni Joaquin, matagal mo nang hinihingi ito.”Matagal bago nakaimik si Asia. May ideya na siya. Pero iyon ang hindi kayang maibigay ni Callen sa kanya. Ang annulment.“Gusto mo bang buksan ko? Ano ba kasi—” Natigilan si Darryl sa paghila ng lamang papel nang makakalahati na ito. Tumingin ito sa screen, sa kanya pagkuwa’y lumunok.“I-I think ikaw na ang tumingin nito,” anito sa mahinang himig.She knew it. Mukhang pinirmahan na ni Callen ang annulment na hinihingi niya noon pa man.Matagal na hindi nakapagsalita ang kapatid sa kabilang linya kaya siya na ang pumukaw niyon.“Mukhang kailangan ko nang magpaalam, kuya. Please send regards to Mom and Dad.”“Alright. Take care.” Halata sa mga ngiti ng kapatid ang ala
Chapter 41ANG buong akala ni Asia, babalik din agad si Callen. Pero hindi pala. Matagal siyang naghintay dito. Pabalik-balik nga siya sa labas para tingnan kung dumating ito, pero walang Callen na bumalik. Kaya sa sala siya nagpasyang maghintay kalaunan. Hindi niya akalaing makakatulog siya. Bandang alas-singko na nga ito nakabalik.“H-hindi ka sumama sa Kuya mo?” gulat na tanong nito nang maabutan siya sa sala. Nagising siya dahil sa marahas na pagbukas nito ng pintuan. Iniexpect siguro ni Callen na sumama siya sa Kuya niya dahil sa nangyari sa kanila.Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Papungas-pungas din siya ng mga sandaling iyon. Boses lang nito kasi ang nakilala niya dahil sa malabong paningin niya kanina.“We need to talk,” seryosong sabi niya kapagkuwan nang lumiwanag na ang paningin niya rito.“O-okay.” Tumingin ang asawa sa relo. “H-hindi ka ba nagugutom? Gusto mo bang kumain muna bago tayo mag-usap?”Ramdam naman na ni Asia ang gutom kaya tumango siya. Agad namang t
NAPASABUNOT si Callen habang nakatingin kay Asia na nasa sulok pa rin. Humihikbi pa rin ito habang balot ang katawan ng kumot. Hindi tumitingin sa kanya ang asawa. Lalo lang lumakas ang pag-iyak nito kaya nagpasya siyang lumabas na lang. Wala siyang ginawa sa labas kung hindi ang murahin ang sarili. Hindi niya maintindihan pero matindi talaga ang kagustuhan ni Asia na pigilan siya kanina. Hindi lang talaga niya pinansin.Pumunta siya sa minibar niya at doon sumimsim, hanggang sa maalala ang kasama nitong lalaki. Hindi niya ito kilala dahil ngayon lang talaga niya talaga ito nakita kaya wala siyang number nito. Kaya naman kinontak niya si Ezi para magpatulong alamin para makuha ang number nito. Lahat ng simcard dito sa Pinas ay naka-register sa totoong owner. Kung hindi man, agad itong nire-report para maabisuhan ang owner para magpa-register.Wala pang 20 minuets nang ibigay sa kanya ni Ezi. Mga tatlong tawag siya bago iyon kumonekta.“Hi. Is this Leone? It’s me, Callen Moore.”“Oh,”
AGAD na ikinuwento ni Callen ang ilang eksena na naalala niya sa mag-amang Sebastian at Ian. Dumating din ang ama niya dahil tinawagan niya rin ito bago siya pumunta. Malakas ang pakiramdam niyang may alaala siyang nawala. Hindi naman iyon panaginip dahil gising siya. At sa tingin niya dahil iyon sa lalaking pulis na nakasalubong niya.“Is it possible, dad? Na may nawawalang memory kay Callen?” Lumingon pa ang kaibigang si Ian sa amang si Sebastian.“Yes. Depende sa na-intake na substance, at kung gaano ba ka lakas ang pagkap4lo sa ulo niya.” Tumingin sa kanya ang Ninong Sebastian niya. “Wala ka na bang ibang naalala that day maliban sa pagpalo sa ulo mo at pagpapainom ni Ines sa ‘yo?”Ang pagpalo sa ulo niya, ito ‘yong na-corner siya ni Ines, at tauhan nito ang may gawa. Ito lang ang nasa findings din sa kanya.“Sa ngayon po wala pa. Hanggang doon pa lang ang natatandaan ko. At basta nagising na ho ako kasama na nila Ian. Kanina lang nangyari ito sa akin.”“Tatlong oras kang nawawala