PAKIRAMDAM ni Callen, may nakabara sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Alam niya namang napaka-straightforward magsalita ni Asia pero nasaktan pa rin siya. Actually, paulit-ulit na siya nitong nire-reject, e. Kaso, wala pa sa bokabularyo niya ang pagsuko. As usual, palilipasin niya lang ito tapos babalik ulit sa dati na parang wala lang.
Nang pumasok ang taon na ito, nalilito na siya sa nararamdaman niya towards Asia. Hindi lang pala siya natutuwa sa dalaga kung hindi nagkakagusto na rin. Pero walang nakakahalata noon sa mga kaibigan niyang lalaki. Akala lang ng mga ito, sinususugan siya lang ang pagka-disgusto ni Astin kay Asia dahil sa naging nakaraan ng magulang ng mga ito. Ewan niya lang sa mga babae nilang mga kaibigan kung iba ang paningin ng mga ito sa pakikitungo niya kay sa dalaga.
Sa totoo lang, nakailang tanong na siya kay God kung kailan kaya mapapagod si Asia kay Astin. Seryoso, nandito kaya siya, kaya bakit kay Astin pa? Nakailang tingin din siya sa salamin, gwapo naman siya. Kaya bakit hindi siya pwedeng mahalin ni Asia? Saka mas maganda ang pakikitungo niya rito kumpara kay Astin.
Natigilan na naman siya bigla. Oo nga pala, may kani-kaniya tayong gusto. Kahit na ano pa ang kapintasan o pag-uugali meron ang isang tao, balewala sa mga taong bulag. Not literally bulag, huh? Ang ibig niya, bulag sa pag-ibig. Ganoon.
Tinampal niya nang pagkalakas ng isang beses ang kanyang dibdib, pero ganoon pa rin. Masakit talaga. Kaya tumigil siya sa paglalakad saglit para pakalmahin ang sarili. Nilingon niya ang kinaroroonan ni Asia kanina pero wala na ito doon. Naghanap na rin ang kanyang mata ng banyo, pero malayo pa mula sa kinaroroonan niya. Kaya imbes na pabalik kila Astin, nagpasya na lang siyang umuwi dahil mas malapit ang sasakyan niya.
“Señorito, kanina pa ho may tumatawag sa isang telepono niyo.” Sabay abot ng butler niya na si Joaquín ng extra phone niya. Kakarating lang nito sa tapat ng sasakyan niya noon. Bukod ang sinasakyan niya kasi kapag may pasok siya sa unibersidad.
“Sinong tumatawag?” tanong niya.
“Si Ma’am Keana po. Pero nagpadala na po siya ng text sa akin. Tinatanong kung kailan daw kayo makakadalaw sa kanya. Kung may schedule na raw ho, tawagan niyo na lang siya para masabi niya raw sa office.”
Natigilan siya nang marinig ang pangalan ng Tita Keana niya. Alam na niya ang pag-uusapan nila. Hindi pa niya masasagot ang tanong nito sa kanya. Saka wala siya sa mood ngayon. Magpapakalma lang muna siya.
“Tawagan ko na lang siya kamo.”
“Sige ho, sasabihin ko, Señorito.” Pagkasabi ni Joaquín ay tumalikod na ito sa kanya. May sasakyang lalabas rin kasi noon.
Dinala siya ng sasakyan niya sa Tagaytay. May bahay siyang nabili rito noon na almost 64 sqm. Malaki na para sa kanya. Kita rin ang magandang view ng Taal lake mula sa bedroom, kahit na sa living room, kaya nakakatulong sa pagpapahinga niya. Kapag bagot siya o ‘di kaya kailangan niyang tapusin ang mga pending niya, dito siya pumupunta. Kumakalma kasi siya dito. Nakakapag-isip rin nang maayos. Parang matatawag niya na ngang haven ito.
Inabot lang naman siya ng madaling araw sa Tagaytay. Pero wala naman siyang ibang ginawa doon maliban sa magpahinga. Marami siyang pagod na naramdaman dahil sa sinabi na iyon ni Asia. Buong sistema niya talaga ang apektado. Hindi siya pwedeng bumalik nang ganoong state kaya nagpagpasya siyang magpahinga. Pero kailangan niya ring bumalik ng Maynila dahil kinabukasan, kailangan niyang pumasok sa opisina.
Dahil siya ang panganay, sa kanya nakalaan ang mataas na position sa dalawang kumpanya ng magulang niya. Mas pokus nga lang siya sa Narvaez Energy Corp ngayong taon dahil kailangan nang tulong ng ina niyang si Dominique o Dom kung tawagin ng mga kaibigan nito. Nakaupo pa naman ang Papa niya sa Moore Holdings— ang umbrella company nila, o ang tinatawag na parent company. Tapos pokus din nito ang Fly AirMoore— ang wholly owned subsidiary company nila, kaya walang problema doon sa side ng ama niya. May iba pa silang subsidiary company pero may mga humahawak din doon. Pero soon, lilinisin yata ng Papa niya bago siya umupo.
Sa pagkakaintindi niya sa huling meeting kasama ang amang si Caleb Moore, baka bibilhin ng MH ang ilang subsidiary companies ng Narvaez GOC, tapos i-merge na lang ang main companies saMH. Pero hindi pa ito sigurado. Gusto kasi ng ama na makapagpahinga naman ang ina. Maliban sa pag-asikaso sa kanila kasi, hands on din ito sa kumpanyang naiwan ng magulang nito. Wala namang ibang aasahan kasi. Kaya nga bago siya magsimula ng college, pumapasok na siya sa company nila dahil hindi basta-basta ang position na maipapasa sa kanya soon. Kaya marami siyang pinagkakaabalahan.
ARAW ng foundation noon, masigla ang buong campus. Marami ring nagsisigawan dahil sa mga laro na pinapanood ng mga ito. Non-academic at academic ang programs ngayon. Pero basketball lang ang sinalihan ni Callen.
“Bilis, hinihintay na tayo nila coach,” ani ng isang kaklase nila na kasama niya sa laro.
“Sila Astin at Ezi, nandoon na ba?”
“Kararating lang din halos.” Tumango siya rito at sumunod na lang.
Pagdating sa court ay nandoon na nga ang mga kaibigan. Ang team nila Zale, Ian at DK ang kalaban nila ngayon kaya hindi niya alam kung may mga susuporta sa kainila mula sa mga kaibigan nila na hindi kasali. Mas ahead kasi silang tatlo sa iba. Saktong natapat ang mga ito sa kanila na lalaban ngayon. Dapat ka-batch niya ang mga ito, pero hindi. Isa kasi siyang accelerated student. Tapos graduating na rin pala kami sila ngayong taon.
Agad na hinanap niya ang dalagang laging gumugulo sa isipan niya. Napangiti siya nang makita sila Laura. Kung nasaan kasi si Laura, nandoon din si Asia.
Nakangiti si Asia nang makita niya kaya napangiti rin siya. Pero napalis iyon nang mapansing si Astin ang tinuturo ni Asia na noo’y naka-upo katabi ng isa nilang ka-team. Kaya naman pala kilig na kilig at malapad ang ngiti nito dahil sa kaibigan.
Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga bago lumapit sa kaibigan. Lumapit na rin sa kanya si Ezi at binigay ang susuotin niyang jersey.
Balimbing ang grupo nila Laura dahil kay Andrea at Asia. Hindi malaman kung kanino susuporta. Ganoon din si Lexxie pero mas lamang ang cheer nito para kay Zale.
“Go, Callen!” Ngumiti siya sa grupo ng mga kababaihan na malapit kila Laura. Napatingin tuloy sa kanya si Asia dahil sa grupo na iyon. Hindi siguro akalain nito na may magche-cheer sa kanya mula sa ibang grupo. Pero mas maganda sana kung i-cheer siya ni Asia.
Ngumiti siya kay Asia pero sumimangot lang ito sa kanya. Well, okay na siya roon, at least, tiningnan siya nito. Kahit na kaunting porsyento lang ng posibilidad na baka mapansin siya nito, masaya na siya. At least, sabi nga nila. Pumapalakpak nga ito kapag nakaka-shoot siya ng bola. Nga lang hindi, hindi gaya kay Astin.
Talo ang grupo nila Ian sa basketball. At dahil may pustahan din iyon, sila ang sagot sa inumin nila kapag nagawi ng ZL Lounge. Hindi pwede mamaya dahil may party, kaya naman sa ibang araw na lang itinakda.
“Sinong ka-date mo mamaya?” Nilingon niya si Lexxie nang marinig ang boses nito.
Pumunta lang ito rito para manood ng basketball. Graduate na ito, ilang taon na rin, dahil mas matanda nga ito kesa sa kanila.
Natawa siya. “Wala.”
“Good. Para naman hindi ako ma-out of place. So, kita na lang tayo later?” Sabay tampal ni Lexxie ng balikat niya.
“Uwi ka na?”
“Duty first!” anitong nakangiti.
“Ingat sa pagmamaneho, mate!”
“Thanks, mate!”
Nakangiting sinundan niya nang tingin ang kaibigan. Alam niya kung bakit ito nandito. Hindi dahil sa niyaya ito nila Laura kung hindi dahil iyon kay Ian. Pusong babae kaya si Lexxie na hindi alam ni Ian.
Akmang lalabas siya nang tawagin ni Laura at ni Andrea para i-congratulate. Nakangiti ang dalawa pero si Asia, busy sa cellphone nito, hindi man lang siya tinapunan nang ngiti. Panay lang naman ang scroll. Nagpaalam din ang mga ito kaagad para umuwi. Mag-aayos pa raw ang mga ito para mamayang gabi.
Malungkot na lang na tinanaw niya si Asia.
Hindi niya talaga maintindihan sarili kung bakit hindi siya nito magustuhan. Kagusto-gusto naman siya. May mga nakausap na nga siyang ka-schoolmate nila na nagpapahangin sa kanya, natanong niya kung ano ang nagustuhan ng mga ito sa kanya. At gaya lang din ng sagot ni Asia pagdating kay Astin, malakas ang appeal niya sa mga ito. Kaya bakit hindi ganoon ang nararamdaman ni Asia sa kanya?
“ANONG oras niyo ba ako dadaanan mamaya?”Nagkatinginan si Andrea at Laura. Makikisakay lang si Asia sa mga ito dahil wala ang Kuya Daryl niya. Ayaw naman niyang magpahatid sa mga tauhan ng Daddy niya dahil nagmumukha siyang anak ng Presidente. Lahat ng mga ito magfo-formation sa magkabilaang gilid ng dadaanan niya. Kulang na lang kaya red carpet ang dadaanan niya minsan. Masyadong nakaka agaw pansin.“Um, before 8?” Si Andrea ang sumagot.“Okay. Bye!” aniya. Magkasama ang ito sa bahay kaya iisa lang ang inuuwian ng mga ito. At minsan, iisa lang din ang gamit na sasakyan ng mga ito at si Andrea ang nagmamaneho.“Uuwi ho ba tayo, Ma’am?” Tumango siya sa bodyguard niya nang lapitan siya nito. Agad namang nagsalita ito sa kabilang linya at sinabing palabas na siya ng campus.Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya ang Mommy niya na nagluluto ng dinner nila. May mga kasambahay naman pero pagdating sa pagkain nila, ito ang nagluluto. Maliban na lang kapag masama ang pakiramdam nito.
NAPAANGAT ng kilay si Asia nang makita si Callen na tinuturo ang braso nito. Gusto yata nitong kumapit siya doon.“You’re not my date,” aniya sa binata.“I know. Pero binibigyan kita ng privilege na mahawakan ako, since ginawa mo na akong driver.”Naniningkit ang magandang mata ni Asia sa narinig. Wow, huh? As if siya pa ang may utang dito.“Excuse me! Wala akong sinabing sunduin mo ako. Kaya kasalanan mo kung bakit nagmukha kang driver. Kaloka kang lalaki ka!” ‘Yon lang at tinalikuran ito ni Asia.Kamot-kamot naman ng ulo si Callen na tumingin sa dalaga. Mukhang mali ang pagpapakonsensya niya sa dalaga. Ngayon, paano pa siya nito papansinin?Tatlong beses na pinukpok ni Callen ang ulo bago sumunod sa dalagang yamot na. Pagkakita ni Asia sa mga kaibigan, agad na nilapitan niya ang mga ito. Nakapameywang siya pero ngiti lang ang ni-reply ng mga ito sa kanya.“May gana pa kayong ngumiti sa akin, huh? Bestie?” Ang mata ni Asia ay kay Laura. Kasi nahuli niyang tumingin kay Callen na noo’
“Nice.” Hindi pa rin mawala sa ngiti ni Asia ang kakaibang pang-aasar kay Callen. Ito ang first time na ngitian siya nito at inasar nang ganoon kaya hindi siya naiinis. Pinapatigil niya lang si Asia dahil hindi nga mawala-wala ang paninigas ng kaibigan niya sa baba. Kung dati, agad na nawawala dahil hindi naman nagtatagal sa paligid niya si Asia, pero ngayon, parang ayaw tumigil dahil sila lang naman na dalawa ang nandito sa haven niya.“Oh my!” biglang tayo ni Asia at lapit sa bintana nang makita ang araw na papasikat. Nawala na sa isipan nito ang pang-aasar kay Callen kaya nakahinga nang maluwag ang binata.Kita ni Callen ang pagsilip sa balcony niya.“Saan ang daan niyan?” Nilingon siya ni Asia pagkuwa’y nginuso ang balcony niya.Nginuso niya rin ang pintuan na natatakpan ng curtain. Agad namang lumapit doon ang dalaga at nagmadaling lumabas. Napangiti siya dahil nakita rin nito ang isa sa paborito niyang spot kapag nandito. Saktong sumisikat na kasi ang araw noon kaya magandang t
“BAKIT ba kasi kailangang magpakalasing?” tanong ni Callen kay Asia. Alam naman niyang hindi siya nito masasagot pero naisatinig pa rin niya. Tumayo si Callen mula sa kama niya para kumuha ng towel na pampunas dito. Maraming nainom ito kanina kaya lasing na lasing ito. Parang lantang gulay nga lang nang pangkuin niya kanina. Hindi naman pala kasi kaya ng katawan nito ang alak, iinom-inom ng marami.Naiintindihan naman niya kung bakit. Dahil sa ginawa ni Astin dito. Pero maraming paraan naman para mawala ang sakit. Gaya na lang ng pagbaling sa iba ng pagmamahal nito. Like— sa kanya? Right? Tinampal ni Callen ang ulo dahil sa huling naisip. Pero hindi, e. Kung siya lang ang pinili nitong mahalin, hindi ito masasaktan sa kanya. Araw-araw niya itong pasasayahin at paliligayahin.Napangiti nang mapakla si Callen. Kaso hindi, e.“Kulit mo din talaga, Callen!” naisatinig na niya. Mabuti na lang at tulog na si Asia.Bumalik si Callen sa silid niya pagkakuha ng basin at towel. Nilagay niya iy
NANG mawala na ang sasakyan ni Callen sa paningin ni Asia ay pumasok siya sa loob. Nagbihis siya pagkuwa’y kinuha ang susi ng isa sa sasakyan niya. Hindi pa nawawala ang kalasingan niya. Pero feeling niya hindi siya makakatulog talaga ngayon, kaya sasagarin na niya ang sarili. Alam niyang mamaya lang ay mawala na ang tama niya. Kaya gusto pa niya ng alak! Nabanggit ni Callen sa kanya na nagsuka siya kanina. Pero hindi niya maalala ang pakiramdam dahil wala naman doon ang isip niya. Nakaligo at nakapag-toothbrush na siya kaya parang walang sukahang nangyari. Pero sana sa gagawin niya ngayon, hindi na siya magsuka. Konti lang naman iinumin niya. Pampatulog lang. At habang nasa daan siya, tinawagan niya si Lexxie.“Hi, Lex!” Pilit na pinasigla niya ang boses. Hindi naman siguro mahalata ni Lexxie na nakainom siya. Alam nito wala siyang hilig sa pag-inom. Wala naman talaga. Gusto lang talaga niya now. Bawal sa bahay nila dahil bilang ng Kuya niya ang mga naroong bote ng alak. Saka lagin
PAGKASARA ng pintuang ng suite na iyon ay kinabig ni Callen si Asia at mapusok na sinakop ang namasang labi nito. Nasa elevator pa lang sila kanina ay hindi na nila napigilan ang sarili. Ang butler na nga lang ni Callen ang nag-asikaso ng lahat. Mula sa CCTV at sa pagpigil ng mga taong papasok sa elevator. Kaya solong-solo nila nag paligid ng mga sandaling iyon.“Damn you, corazon! Matagal ko nang hinihintay ito.” Hindi na binigyan ni Callen na magsalita si Asia, muli niyang siniil ito nang halik at sinandal sa pader na iyon ng suite nila. Kumawala ang ungol kay Asia nang bumaba siya sa leeg nito. Nag-angat pa ito nang tingin sa taas para bigyang laya siya. Dinig niya ang mumunting ungol nito dahil sa ginagawa niya.“Oh, God…” anito nang balikan niya ang earlobe nito, bahagya niyang kinagat iyon na ikinapikit nito. “I love you, Asia Jade,” bulong niya rito. Gaya kanina, hindi niya ulit ito binigyan nang pagkakataon na magsalita. Sinelyuhan niya ang labi nito. Gusto niyang ungol lang
“SH*T, Laura! Mukhang kailangan kong mag-cutting class bukas!” bulalas ni Asia habang nakatitig sa cellphone niya.“At bakit naman?” kunot-noong tanong ng kaibigan.Bumaling siya sa aking kaibigang si Laura. “Hindi mo ba nakikita?” Tumingin pa siya sa cellphone niya na ikinasunod din ni Laura.“Ano ba ‘yan?”Kinuha ni Laura sa kanya ang cellphone niya at tiningnan ang post ng isang pubhouse.“Bukas na ang book signing event ni Ismael para sa second book niya.” Nakasimangot na ibinalik sa kanya ni Laura ang telepono niya.“Sa pagkakatanda ko, hindi siya dumating sa first signing event niya. Kaya ‘wag ka nang mag-expect ngayon dahil ang bali-balita, babae ‘yan.”“Hindi nga, e. Lalaki siya, malakas ang pakiramdam ko.” 200% sure siya sa bagay na ‘yan. Hindi siya maaaring magkamali dahil dito kaya siya magaling.“Hay, naku na lang, Asia Jade. Kung kay Callen mo na lang tinutuon ang atensyon mo, hindi ka na mag-cutting class pa.”Sumimangot siya nang marinig ang pangalan ni Callen. “Kung