Share

Defend Me, Ninong Azrael
Defend Me, Ninong Azrael
Penulis: Eyah

PROLOGO

Penulis: Eyah
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-24 21:25:54

“AYOKO na ng ganito, Carlos. T-Tama na, itigil na natin ito. D-Diring-diri na ako sa sarili ko! Ang dumi-dumi ko na. A-Ayoko na—” 

*Pak! 

Napaatras ako at kinabahan. Iyong sumigaw kanina, si Mama iyon. At malamang, siya rin iyong dinapuan ng malakas na sampal na pumutol sa pagsigaw niya. 

Imbis tuloy na dumiretso ako sa pagpasok sa bahay, iniwanan ko na lang iyong bag ko sa papag na upuan at nagmamadali na akong umalis ulit. Hindi naman ako lalayo dahil sa tindahan lang ako ni Ate Weng pupunta—isang bahay lang ang pagitan noon mula sa bahay namin. 

“Ate Weng, patambay muna po, ah? Mainit na naman sa bahay, eh,” makabuluhang sabi ko sa may-katabaang babae na nasa mid-fifties na ang edad. Abala siya noon sa pag aayos ng mga alak na paninda niya. 

Lumingon agad siya sa akin at ngumiti. Tinigil niya rin saglit iyong ginagawa niya para lang lapitan ako at pagbuksan ng pinto. 

“Sige ba, walang problema. Ikaw pa ba? Dito ka muna,” aniya na ikinangiti ko. “Nag meryenda ka na ba?” 

Umiling ako. Bigla ring kumalam ang sikmura ko, na-trigger yata sa tanong ni Ate Weng. 

“Hindi pa, Ate, eh. Bente lang iyong baon ko kanina, minalas-malas pa na may ambagan ng twenty five pesos. Biglaan. Kaya hayun, wala na ngang nakain, nagkautang pa ako ng limang piso. Pambihira talaga,” reklamo ko. 

Tinawanan lang ako ni Ate Weng pero hindi ko iyon pinansin. Alam ko kasi na sanay na siyang ganito ako dahil halos araw-araw kung magreklamo ako sa kanya. Siya kasi iyong hingahan ko ng mga problema at hinanakit ko sa buhay. Mas malapit na nga yata kaming dalawa kaysa kay Mama. At speaking of Mama… 

“Ate Weng,” tawag ko sa tindera na ngayon ay abala pa rin. 

“O?” 

“Sila… Sila Mama. Kanina pa ba sila nag aaway  ni Papa?” 

Hindi agad siya nakapagsalita. Tumigil siya sa pag aayos ng mga bote ng alak pero hindi siya tumingin sa akin. Ewan ko, parang pinag iisipan niya pa iyong mga sasabihin niya o ano. 

“Tingin ko, hindi naman. Kasi kagagaling lang dito ng papa mo mga limang minuto pa lang ang nakararaan,” sabi na niya mayamaya. Napatango ako. “Bakit?” 

Hindi na ako sumagot. 

Napatitig na lang din ako sa mga panindang tinapay ni Ate Weng. Ganoon din sa freezer nila na may lamang soft drinks at kung anu-ano pang mga juice. Parang naging malaking tukso iyon sa paningin ko at bigla akong nagutom lalo. 

“Ay, teka. Oo nga pala, nakalimutan kong ikuha ka ng meryenda.” Nagmamadaling umalis si Ate Weng sa estante ng mga alak. Sinundan ko lang siya ng tingin. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang plato ng kanin at ulam. May kasama pang isang bote ng soft drinks. “‘Ayan. Kumain ka muna habang nandito ka. Para pag uwi mo, busog ka na. Duda ako na may pagkain na sa bahay niyo. Iyong papa mo kasi, mula umaga hanggang hapon eh nakatambay na rito kasama iyong mga barkada niyang puro mga sunog-atay at sunog-baga rin. Iyong mama mo naman, alam kong tulog sa araw dahil night shift sa trabaho niya, ‘di ba?” 

Tumango ako bilang sagot tsaka ko siya nginitian ng tipid. 

“S-Salamat po dito, Ate Weng, ha? `Buti pa po kayo, concerned kayo sa akin,” seryosong sabi ko. “Sigurado po ba kayo, hindi kayo ang totoong nanay ko?” 

Matunog na tawa ang naging sagot ni Ate Weng. Umamba pa siya na hahampasin ako. 

“Ewan ko sa iyong bata ka, oo! Kumain ka na nga lang diyan at nang mapawi na iyang gutom mo. Kapag kulang pa, magsabi ka lang. Huwag mahihiya, marami pa sa loob.” 

Nagpasalamat ako ulit at pumikit na para manalangin bago kumain. 

“Salamat po sa biyayang ito, salamat po at merong Ate Weng. Pagpalain Mo pa po siya para mas sumagana siya dahil deserve naman po niya. Salamat po ulit ng marami! Amen.” 

Dumilat na ako at natatakam na tumitig muna saglit sa tumpok ng kanin at menudo. Lafang na! 

Kontra sa sarap ng kanin at menudo ang nagsimulang tumakbo sa isip ko nang magsimula na akong kumain. Bumalik sa isip ko at parang paulit-ulit kong narinig doon ang pagsigaw ni Mama. At iyong sampal… na malamang ay si Papa ang gumawa. 

Mula noong nagkaisip ako, wala na akong matandaang araw na lumipas nang hindi sila nag aaway. Magmula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking bagay, imposibleng hindi nila iyon pagtalunan. Nauuwi pa nga sila sa pisikalan minsan. O madalas. At sa pag aaway nila na iyon ay mas lalo lang bumigat ang buhay namin.  

Sa mga magulang ko, si Mama lang ang nagtitiyagang magtrabaho. Saleslady siya sa isang departament store, pero hindi pa rin sumasapat sa araw-araw naming pangangailangan ang maliit na buwanan niyang sahod. Lalo na at wala na ngang trabaho si Papa, laman pa siya ng inuman sa araw-araw na lang ng buhay niya. At oo nga pala, may kuya rin ako na bukod sa may sariling mundo ay wala na ring ginawa kundi ang humingi nang humingi kay Mama ng pera. Tumigil sa pag aaral sa edad na disinuwebe para raw magtrabaho na lang. Pero ang ending, ‘ayun. Tambay. 

Kaya ako, kahit hirap na hirap na sa buhay ay handa pa ring magtiis makatapos lang ng pag aaral. Kung kinakailangan kong gumapang ay gagawin ko. Swerte na lang din ako dahil kahit papaano ay masipag si Mama. At merong akong Ate Weng. 

“Hoy, Lara! T*ngina ka, `buti ka pa pakain-kain lang diyan! Umuwi ka na, kanina ka pa hinahanap ni Papa!” 

Lumingun-lingon ako sa paligid para hanapin kung saan galing iyong boses. Si Kuya Leio iyon, sigurado ako. 

“Nandito ako, tanga!” Biglang tumama sa ulo ko ang isang medyo matigas na bagay. Nang tingnan ko, sapatos ko pala iyon na iniwan ko kanina sa tabi ng pintuan nila Ate Weng. Galing iyon sa maliit na butas ng tindahan. Nandoon nga si Kuya Leio na nakatingin sa akin habang nanlilisik ang mga mata. 

Tumayo ako at naglakad palabas para harapin si Kuya. 

“Kuya—” 

“O!” Hindi ko na natuloy iyong sasabihin ko dahil bigla na niyang hinagis sa akin ang dala niyang isang lata ng tuna. Buti na lang at nasalo ko iyon dahil kung hindi, malamang na bukol ang inabot ko. O baka pumutok pa ang noo ko dahil malamang na doon magla-landing iyong delata. “Ibigay mo iyan kay Papa. Kapag hinanap nila ako, sabihin mo hindi mo alam. Huwag mo akong ilalaglag, gaga ka. Makakatikim ka sa akin, sinasabi ko sa iyo!” 

Yumuko ako at sinuot ang sapatos ko. 

“Paano kita ilalaglag, eh hindi ko nga alam kung saan ka pupunta?” pamimilosopo ko. 

Dumampot siya ng bato at akmang ihahagis na niya sa akin iyon nang tumakbo ako pabalik sa loob ng tindahan ni Ate Weng. 

“O? Napaano ka?” Tumingin siya sa platong kinakainan ko. “`Tapos ka na bang kumain? Baka gusto mo pa, meron pa roon sa loob. Ikukuha kita—” 

“Huwag na po, Ate Weng! Ano… Busog naman na po ako. Tsaka hinahanap na rin daw po ako nila Papa,” tanggi ko. Kinuha ko na lang iyong mga pinakainan ko. “Hugasan ko na po ito—” 

“Huwag na. Ako na iyan. Umuwi ka na at baka madamay ka pa sa init ng ulo ng papa mo kapag natagalan ka. Sige na.” 

Kinuha sa akin ni Ate Weng iyong mga pinagkainan ko. 

“Salamat po, Ate Weng.” 

Umalis na rin ako at naglakad pauwi sa bahay namin. 

Pagbukas ko ng pinto, saktong bumungad sa akin si Papa. Magulo ang buhok niya at wala siyang damit pangtaas. Hawak niya sa isang kamay ang bote ng alak na halos kalahati na lang ang laman. 

Nag alangan akong lumapit sa kanya pero ginawa ko pa rin dahil wala naman akong choice. 

“P-Pinapabigay ni Kuya,” mahinang sabi ko sabay abot ng delatang tuna sa kanya. 

Tinitigan lang ako ni Papa saglit bago niya inagaw sa kamay ko iyong tuna. ‘Tapos nilagpasan na niya ako at dire-diretso siyang naglakad palabas ng pinto.

Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang mawala. Doon lang ako pumasok sa kwarto. 

“Mama—” Kusa akong napaatras sa nakita kong ayos ni Mama. Nakasuot siya ng magkapares na underwear at kasalukuyan niya pa lang na sinusuot ang puting polo shirt na uniform niya sa department store na pinapasukan niya. Alam kong normal lang naman na magsuot ng underwear bago ang mismong damit. Iyon nga talaga ang purpose at kung bakit ito tinawag na “underwear” hindi ba? Pero ang hindi normal sa paningin ko ay iyong mismong underwear. Hindi iyon ordinaryong underwear lang. Ang suot ni Mama ay iyong tipo ng underwear na masyadong sexy at… malaswa. Nakalatag din sa papag ang iba pang damit na puro maiikli. Hindi ko alam na may mga ganoong damit pala si Mama.

Parang nagulat naman siya sa pagpasok ko dahil bigla siyang tumayo at natatarantang inipon ang mga nakalatag na damit.

"L-Lara, ano ka ba? Bakit bigla-bigla kang pumapasok? May kailangan ka ba? Anong—”

"H-Hihingi lang po sana ako ng pambili ng bigas, `Ma. Alam ko kasi na paalis ka na. Si Papa, lasing na naman at malamang ubos na iyong pera niya sa alak at pulutan,” paliwanag ko. “Mama, iyang mga damit na iyan? Kanino iyan?” 

Tinuro ko pa iyong mga damit na ngayon ay yakap-yakap na ni Mama.

"A-Ano… W-Wala ito, anak. Huwag mo na lang intindihin.” 

Siniksik niya sa isang sulok iyong mga damit tsaka niya kinuha iyong wallet niya. Kumuha siya ng one hundred pesos at inabot iyon sa akin. 

“`Eto, bumili ka na ng bigas. Diyan ka na rin kumuha ng pambili niyo ng ulam. Iyong baon mo naman bukas—” 

“Sabado po bukas, ‘Ma.” 

Natigilan siya at napatingin sa akin. 

“Oo nga pala.” Kinuha niya ang kamay ko at sinuksok doon ang buong one hundred pesos. “Sige na. Bumili ka na. Diyan ka na lang kanila Weng bumili para hindi ka na mapalayo.” 

Tumango ako. Bago ako tumalikod, sinulyapan ko pa iyong tumpok ng damit na nakasiksik sa gilid. 

Hindi rin naman nagtagal ang pagtitig ko roon dahil nagsimula na rin akong maglakad palabas ng maliit naming kwarto. 

Malapit na ako sa tindahan ni Ate Weng nang marinig ko ulit ang boses ni Mama. Tinatawag niya ako. 

“Lara!” 

Lumapit ako sa kanya. Baka may nakalimutan kasi siyang sabihin o ipapasabay na bilhin. Pero pagkalapit ko, imbis na bilin ang marinig ko ay isang mahigpit na yakap ang sinalubong ni Mama sa akin. Sobrang ikinagulat ko iyon at hindi na halos ako makagalaw. 

Hindi malambing na tao si Mama. Hindi siya showy. Hindi siya iyong tipo ng nanay na normal lang na yumayakap sa anak. Parang may kakaiba. 

Sa ginawa ni Mama ay para akong naiyak na hindi ko maintindihan. Bumigat bigla ang dibdib ko, pero gumaan din iyon agad. Sobrang gaan. 

Nagsisimula pa lang akong enjoy-in ang yakap ni Mama nang bigla na siyang bumitaw sa akin. Sunod niya namang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan niya rin ako nang diretso sa mga mata. 

“Pag uwi ko bukas, magsho-shopping tayo,” aniya. 

“P-Po?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang hirap maniwala. Kami, magsho-shopping? Paano? Eh, hirap na hirap nga kami sa buhay. Pambili nga lang ng pang araw-araw naming pangangailangan ay halos hindi na namin alam kung saan kukuhanin. Na-excite ako sa sinabi ni Mama pero nawala rin iyon agad. “Huwag na po, Mama. Itabi na lang natin iyong pera para may pambili tayo ng pagkain sa mga susunod na araw.” 

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Mama. Totoong ngiti iyon pero… malungkot. 

“Ikaw talaga. Huwag mo nang alalahanin iyon. Basta, bukas pag uwi ko, magsho-shopping tayo.” 

Niyakap niya pa ako ulit bago sinabihan na tumuloy na kila Ate Weng.

***

KINAGABIHAN. 

Maaga akong natulog dahil gusto kong bumilis ang oras. Gusto ko nang mag umaga agad dahil gusto ko nang makita si Mama at gusto ko nang mag-shopping. 

Habang tulog, siyempre ay hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga oras. Basta, nagising na lang ako kinaumagahan sa malalakas na katok at ingay na nanggagaling sa labas ng bahay namin. 

“LARAAA! NANDIYAN KA BA SA LOOB?! GISING KA NA BA? LUMABAS KA RITO! LARAAA!” 

Pupungas-pungas akong bumangon sa papag. Doon ko lang nakita na wala pa si Mama, si Papa, o kahit si Kuya. 

Bumangon ako para pagbuksan ng pinto ang kung sinumang nasa labas. 

Bumungad sa akin si Ate Weng kasama ang ilan pa naming mga kapitbahay. Lahat sila, hindi maipinta ang mga mukha. Para silang nag aalala na natatakot na hindi ko maintindihan. Bigla tuloy akong kinabahan. 

“A-Ate Weng, bakit po? Ang aga niyo naman pong napasugod. Nagsama pa po kayo ng mga alagad,” nakangiting pagbibiro ko sa kabila ng nagsisimula nang pagkabog ng dibdib ko.

Pero imbis na gumanti ng biro si Ate Weng o tumawa ay lalo lang sumeryoso ang mukha niya. Bigla niya ring hinawakan ang kamay ko, at dahil doon ay lalo akong kinabahan. 

“A-Ate Weng—” 

“LARA, ANG MAMA MO… W-WALA NA ANG MAMA MO. PATAY NA SIYA!” 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 1: Gabi ng Libing, Gabi ng Lagim

    ISANG linggo mula nang biglang mamaalam si Mama. Nailibing na rin siya kanina pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap iyong nangyari. Parang ang hirap paniwalaan."Lara, kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako palagi, ha? Laging bukas ang bahay ko para sa iyo.”Tango lang ang nakaya kong isagot sa sinabi ni Ate Weng. Niyakap niya pa ako bago siya nagpaalam sa akin. Gumanti rin ako ng mahigpit na yakap, para bang ayoko na siyang paalisin.Nanatili pa ako sa harapan ng puntod ni Mama hanggang sa magdilim. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakatitig sa mukha niyang sa tarpaulin ko na lang nakikita.Hanggang pag uwi ko sa bahay, hindi ko pa rin mapigilan na maiyak. Gustuhin ko mang huminto na, hindi ko magawa. Parang may sariling isip ang mga mata ko na patuloy lang sa pagluluha."Tumigil ka na sa kadramahan mo. Kahit anong iyak mo, hindi na mabubuhay ang mama mo.”Tumingin ako kay Papa na hindi makapaniwala. Wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya. Parang hindi m

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25
  • Defend Me, Ninong Azrael   Kabanata 2: Mga Kawawang Buhay

    WARNING! THIS PART OF THE STORY MAY CONTAIN SENSITIVE SCENES, LANGUAGE, AND ACTS THAT ARE NOT SUITABLE FOR READERS 18 YEARS OLD AND/OR BELOW. READ AT YOUR OWN RISK!TRIGGER WARNING: ABORTION AND SEXUAL ABUSEMAKALIPAS ANG 2 TAON…SA KABILA NG GINAWA NINA TIYO DAN AT KUYA DENVER SA AKIN, NATULOY PA RIN ANG KAGUSTUHAN NI TIYA POLENG NA TUMIRA AKO SA KANILA.Dalawang taon na, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasawa sina Tiyo Dan at Kuya Denver na galawin ako at babuyin. Halos walang palya gabi-gabi. Minsan, kahit tirik na tirik ang araw, basta wala si Tiya Poleng sa bahay. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Gustung-gusto ko nang magsumbong pero kanino? Isa pa, natatakot na ako. Nagawa ko nang magsumbong noon, pero panibagong pang aabuso lang ang napala ko. A-At kapag nagsumbong ako, paano kung hindi nila ako paniwalaan? Kung isipin nila na nagsisinungaling lang ako at gumagawa ng kuwento? Kahit si Tiya Poleng, alam ko na hindi niya ako paniniwalaan. Kilala niya si Tiyo Dan na

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25
  • Defend Me, Ninong Azrael   Kabanata 3: Inakalang Kalayaan

    TATLONG araw. Iyon ang ibinigay na palugit ni Tiyo Dan sa pananatili ko sa bahay ni Aling Marsing. Pagkatapos noon, kukuhanin niya na ako ulit at ibabalik sa kanila. Pero ayoko na. Ayoko nang bumalik sa impiyernong iyon.Kaya nakakadalawang araw pa lang ako ay nagpaalam na ako kay Aling Marsing na uuwi. Pumayag naman siya kaagad dahil alam niya na kapag inabutan ako ni Tiyo Dan doon ay wala na kaming magagawa parehas kapag sapilitan na akong binawi ng demonyo kong tiyuhin.Magdidilim na nang umalis ako sa bahay ng matandang manggagamot. Ang destinasyon ko, sa bahay kung saan ako tumira noon. Bahala na kung lasenggo pa rin si Papa o may sariling mundo at laging galit pa rin sa akin si Kuya. Ang mahalaga, kahit papaano ay mas kampante na ako roon dahil kasama ko na ang totoong pamilya ko. Ang totoong mga kadugo ko.Para makauwi, nag tricycle na lang ako at nagpadiretso na sa mismong bahay namin. Binigyan naman ako ni Aling Marsing ng two hundres

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-01

Bab terbaru

  • Defend Me, Ninong Azrael   PROLOGO

    “AYOKO na ng ganito, Carlos. T-Tama na, itigil na natin ito. D-Diring-diri na ako sa sarili ko! Ang dumi-dumi ko na. A-Ayoko na—” *Pak! Napaatras ako at kinabahan. Iyong sumigaw kanina, si Mama iyon. At malamang, siya rin iyong dinapuan ng malakas na sampal na pumutol sa pagsigaw niya. Imbis tuloy na dumiretso ako sa pagpasok sa bahay, iniwanan ko na lang iyong bag ko sa papag na upuan at nagmamadali na akong umalis ulit. Hindi naman ako lalayo dahil sa tindahan lang ako ni Ate Weng pupunta—isang bahay lang ang pagitan noon mula sa bahay namin. “Ate Weng, patambay muna po, ah? Mainit na naman sa bahay, eh,” makabuluhang sabi ko sa may-katabaang babae na nasa mid-fifties na ang edad. Abala siya noon sa pag aayos ng mga alak na paninda niya. Lumingon agad siya sa akin at ngumiti. Tinigil niya rin saglit iyong ginagawa niya para lang lapitan ako at pagbuksan ng pinto. “Sige ba, walang problema. Ikaw pa ba? Dito ka muna,” aniya na ikinangiti ko. “Nag meryenda ka na ba?” Umiling ako

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status