Home / Romance / Defend Me, Ninong Azrael / KABANATA 1: Gabi ng Libing, Gabi ng Lagim

Share

KABANATA 1: Gabi ng Libing, Gabi ng Lagim

Author: Eyah
last update Huling Na-update: 2025-03-25 09:05:43

ISANG linggo mula nang biglang mamaalam si Mama. Nailibing na rin siya kanina pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap iyong nangyari. Parang ang hirap paniwalaan.

"Lara, kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako palagi, ha? Laging bukas ang bahay ko para sa iyo.”

Tango lang ang nakaya kong isagot sa sinabi ni Ate Weng. Niyakap niya pa ako bago siya nagpaalam sa akin. Gumanti rin ako ng mahigpit na yakap, para bang ayoko na siyang paalisin.

Nanatili pa ako sa harapan ng puntod ni Mama hanggang sa magdilim. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakatitig sa mukha niyang sa tarpaulin ko na lang nakikita.

Hanggang pag uwi ko sa bahay, hindi ko pa rin mapigilan na maiyak. Gustuhin ko mang huminto na, hindi ko magawa. Parang may sariling isip ang mga mata ko na patuloy lang sa pagluluha.

"Tumigil ka na sa kadramahan mo. Kahit anong iyak mo, hindi na mabubuhay ang mama mo.”

Tumingin ako kay Papa na hindi makapaniwala. Wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya. Parang hindi man lang siya apektado sa pagkawala ni Mama. Sa isang linggong nakaburol ito sa bahay namin ay hindi ko rin siya nakitang umiyak isang beses man lang.

"'Pa… Minahal mo ba talaga si Mama? K-Kung oo, bakit parang wala lang sa iyo ang pagkamatay niya? B-Bakit parang okay lang sa iyo na wala na siya? Bakit—”

*Pak!

Isang malakas at matunog na sampal ang lumapat sa pisngi ko, dahilan para mahinto ako sa pagsasalita. Hinawakan ko ang pisngi kong nag iinit at napahagulhol lalo ng iyak.

"Wala kang karapatang kuwestiyunin ang pagmamahal ko sa mama mo! Ako pa rin ang tatay mo at anak lang kita!”

Tinalikuran na niya ako matapos niyang ihagis ang bote ng alak na wala nang laman sa dingding ng kwarto namin. Nabasag iyon at nagkalat ang bubog sa paligid.

Sa takot ko, dali-dali rin akong lumabas ng kwarto dala ang picture frame na may larawan ni Mama. Narinig ko pang tinatawag ako ni Kuya Leio pero hindi ko na siya pinansin. Sa isip ko, gusto ko lang munang makalayo sa magulo naming bahay at kay Papa. At may alam na akong isang lugar kung saan pwede akong manatili muna.

***

"DITO ka na muna magpalipas ng gabi. Pagpasensiyahan mo na itong kwarto, hindi kasi masyadong nagagamit kaya hindi rin palaging nalilinis.”

Ngumiti ako ng tipid kay Tiya Poleng, pinsang buo siya ni Mama. Sa kabilang barangay pa siya nakatira pero tiniis kong lakarin ang distansya makapunta lang dito sa kanila. Kung kay Ate Weng lang kasi ako pupunta ay malamang na matunton din agad ako nila Papa at baka pati si Ate Weng, madamay pa sa gulo ng pamilya namin. Nakakahiya na.

"O-Okay na po ako rito, Tiya. Salamat po kasi pinatuloy niyo ako,” mahinang sabi ko.

Lumapit siya sa akin at umupo rin sa tabi ko.

"Pwede kang manatili rito kahit gaano katagal mo gusto. Pabor iyon sa akin dahil wala naman akong anak na babae. Kapag nandito ka, para na rin akong nagkaroon ng babaeng anak. Alam mo naman si Tiyo Dan mo, masyadong busy sa trabaho. Ang Kuya Denver mo naman, hindi mapirmis sa bahay. Lalaki kasi at binata na rin,” pabungisngis na sabi ni Tiya Poleng. Ngumiti lang ako ng tipid. "Sige na, magpahinga ka na muna rito. Alam kong pagod ka. Tatawagin na lang kita kapag luto na ang hapunan, ha?”

Tango lang ang naging sagot ko. Lumabas na si Tiya Poleng at pagsarang-pagsara ng pinto, bumuhos na naman ang mga luha ko.

Tumingin ako sa picture frame na hawak ko pa rin.

"'M-Ma, sorry kung tinakasan ko muna sila Papa, ha? H-Hindi ko pa kasi kayang harapin sila at pakisamahan mag isa. N-Natatakot ako, Mama,” pagkausap ko sa larawan niya.

Pabaluktot akong humiga sa kama habang umiiyak pa rin at yakap ang picture ni Mama. Ang sakit sakit, ang bigat-bigat sa dibdib. Masyadong biglaan ang pagkawala niya, lalo at hindi rin ako naniniwala sa iginigiit nila Papa na "aksidente" lang ang pagkamatay ni Mama. May parte sa akin na nagsasabing hindi aksidente ang lahat. Alam kong hindi aksidente ang nangyari.

Sa pag iisip ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

Nagising na lang ako na may mainit na kamay na ang humahaplos sa pagitan ng mga hita ko. May nararamdaman din akong mainit na hanging tumatama sa bandang leeg ko.

Napabalikwas ako ng bangon pero tumama ang noo ko sa kung saang bahagi ng katawan ng taong kasama ko ngayon sa kwarto. Napa-"aray" ako. Sapo ang masakit kong noo ay napatingin ako sa taong nakauntugan ko. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko siya.

"T-Tiyo Dan?!”

Hindi agad sumagot ang asawa ni Tiya Poleng. Sapo niya rin ang noo niya, doon yata kami nakauntugan. Magso-sorry na sana ako, pero nang maalala ko ang ginawa niyang paghawak sa pagitan ng mga hita ko kanina ay napaatras ako. Hinila ko rin ang kumot para takpan ang kabuuan ng katawan ko.

"B-Bakit niyo po ako hinawakan kanina? B-Bakit—”

"Anong hinawakan? Hinawakan saan?” tila gulung-gulo niyang tanong sa akin. "Hindi kita hinahawakan, Lara. Well, hindi pa. Pinapunta ako rito ng Tiya Poleng mo para tawagin ka at kakain na. Tatapikin pa lang sana kita sa balikat mo nang bigla kang bumangon at 'ayan, nagkauntugan nga tayo. Anong sinasabi mong hinawakan kita?”

Hindi ako nakasagot agad. Nagduda rin ako sa sarili ko kung totoo ba iyong naramdaman kong paghawak sa mga hita ko kanina at iyong mainit na hiningang tumatama sa leeg ko.

"Baka nananaginip ka lang. Normal iyan sa mga nagdadalamhati,” sabi ulit ni Tiyo Dan. "Sige na, bumangon ka na riyan at kakain na tayo. Kanina pa naghihintay sa hapag ang Tiya Poleng at Kuya Denver mo.”

Dahan-dahan akong bumaba sa kama at nauna nang maglakad palabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at nandoon na nga sina Tiya Poleng at Kuya Denver—nakaupo. Handa na rin ang mga pagkain na nakalatag sa mesa.

"O, bakit ang tagal niyo?” kunot-noong usisa ni Tiya Poleng.

"Eh, 'eto kasing si Lara, tulog-mantika pala. Ang hirap gisingin! Nananaginip pa yata,” patawa-tawang sabi ni Tiyo Dan. Umupo na rin siya sa tabi ni Tiya Poleng. "Diyan ka na sa tabi ng Kuya Denver mo, Lara.”

Umupo ako sa tabi ng pinsan ko.

Nang magsimula kaming kumain, akala ko ay mababalot na ng katahimikan ang paligid. Pero mali ako. Nagsimula pang maging maingay ang hapag dahil sa masasayang kuwentuhan nila. Hindi ko magawang umimik dahil ang totoo, hindi ako sanay sa ganoon. Nasanay kasi akong tahimik na kumain mag isa. Wala akong matandaan na kumain kami nang sabay-sabay nina Papa, Mama, at Kuya. Hindi ko rin matandaan na naging ganito kami kasaya. Nakakainggit sila.

"Lara? Bakit ang tahimik mo?”

Napapitlag ako sa biglang tanong ni Tiya Poleng. Natahimik din sina Tiyo Dan at Kuya Denver, nakatingin din sila sa akin.

"W-Wala po, Tiya. H-Hindi lang po ako sanay sa ganito,” nakayukong pag amin ko.

"Saan? Sa… pagkain ng sabay-sabay? O sa ingay at kuwentuhan habang kumakain?” tanong niya ulit.

"P-Parehas po.”

Matagal na walang nagsalita sa kanila.

"Kung… Kung gusto mo, dito ka muna sa amin tumira kahit mga ilang buwan lang.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tiya Poleng.

"P-Po?”

Inabot niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Naiintindihan ko kung gaano kahirap ang pinagdaraanan mo ngayon, Lara. At sa lagay ng Papa mo, alam kong hindi ka rin niya masusuportahan sa pinagdadaanan mo ngayon.”

"Tama ang Tiya Poleng mo. Baka gutumin ka lang din doon sa inyo. Imbis na ibili ng makakain niyo eh, gamitin niya lang pambili ng alak at bisyo niya,” sabi pa ni Tiyo Dan.

Pagkatapos ng ilang segundong pag iisip ay napa-oo na lang din ako sa suhestiyon nilang mag asawa.

Pagkatapos kumain, bumalik na ulit ako sa kwarto at nagpahinga. Oras lang din ang lumipas at naramdaman kong hinila na ulit ako ng antok.

***

HINDI ko alam kung panaginip lang ba ito ulit o ano. Pero nararamdaman ko na naman na may humahaplos sa mga hita ko. Pero sa pagkakataong ito, nakadagan na rin sa akin ang gumagawa niyon.

Agad akong dumilat sa pag asang panaginip lang ulit ang lahat. Pero mukhang nagkamali ako. Totoong may humahawak sa akin at totoong may nakadagan sa akin!

"S-Sino ka—”

"Ssshhh! Huwag kang maingay! Subukan mong mag ingay, papatayin kita!”

Gamit ang malaki nitong kamay ay tinakpan ng taong iyon ang bibig ko. S-Si Tiyo Dan…

Kumabog ng sobra ang dibdib ko sa reyalisasyong iyon. Nanlaki rin ang mga mata ko at pakiramdam ko, parang sasabog ang ulo ko.

Pinilit kong kumawala pero masyadong malakas si Tiyo Dan. Sa height niyang humigit-kumulang 5'11 at sa may-kalakihan niyang katawan, alam ko na wala na akong pagkakataong makawala. Pero pipilitin ko pa rin. Pipilitin ko…

Isang malakas na suntok ang naramdaman kong tumama sa tagiliran ko. Napaigik ako at lalong napaluha. Pero pagkatapos noon, bigla nang nagdilim ang lahat.

Nagising na lang ako kinabukasan na masakit ang katawan ko, partikular na sa dibdib at maselang bahagi ko. May bahid din ng dugo ang puting bedsheet.

Napaiyak na lang ako sa sobrang pandidiri sa sarili at sa galit kay Tiyo Dan. Pinilit kong bumangon—magsusumbong ako kay Tiya Poleng!

Hinalughog ko ang bahay habang umiiyak si Tiya Poleng. Pero wala siya. Sa halip ay si Kuya Denver ang nakita ko. Mukhang nagtaka pa siya nang makita niya akong umiiyak.

"Lara? Bakit? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” nag aalala niyang tanong.

Patakbo akong lumapit sa kanya tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

"K-Kuya… S-Si Tiyo Dan…!” nahihirapan kong sumbong.

"Bakit? Anong nangyari kay Dad?”

"K-Kagabi… N-Ni-rape ako ni Tiyo D-Dan k-kagabi! S-Sinaktan niya ako at… g-ginahasa. T-Tulungan mo ako, K-Kuya! T-Tulungan mo ako! G-Gusto ko nang umuwi!” pagmamakaawa ko.

Hindi siya nagsalita. Tiningnan niya lang ako at niyakap pabalik. Mukhang nagulat din siya at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Hinagod niya ang likod ko na para bang pinapakalma ako.

Kahit papaano, naramdaman kong ligtas ako. Alam kong tutulungan ako ni Kuya Denver. Alam ko…

"Grabe. Ibang klase talaga si Dad. Ang bilis, inunahan pa ako. But that's okay. Isang beses pa lang naman. I'm sure, masikip pa rin iyan," nakakatakot na bulong ni Kuya Denver sa mismong tapat ng tenga ko. Agad kong kinilabutan at nanlamig sa mga sinabi niya. Nanigas ako at parang hindi makagalaw.

"K-Kuya Denver—”

May tumusok na kung ano sa braso ko pero nahugot din iyon agad. Pero kasunod noon ay unti-unti na ring nanlabo ang mga mata ko. Parang bigla akong nanghina.

"This won't take long, Lara. At sigurado akong magugustuhan mo rin ito. After all, mas magaling ako kaysa kay Dad. Naunahan niya lang ako pero mas magaling ako. At patutunayan ko iyon sa iyo ngayon mismo.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Defend Me, Ninong Azrael   Kabanata 2: Mga Kawawang Buhay

    WARNING! THIS PART OF THE STORY MAY CONTAIN SENSITIVE SCENES, LANGUAGE, AND ACTS THAT ARE NOT SUITABLE FOR READERS 18 YEARS OLD AND/OR BELOW. READ AT YOUR OWN RISK!TRIGGER WARNING: ABORTION AND SEXUAL ABUSEMAKALIPAS ANG 2 TAON…SA KABILA NG GINAWA NINA TIYO DAN AT KUYA DENVER SA AKIN, NATULOY PA RIN ANG KAGUSTUHAN NI TIYA POLENG NA TUMIRA AKO SA KANILA.Dalawang taon na, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasawa sina Tiyo Dan at Kuya Denver na galawin ako at babuyin. Halos walang palya gabi-gabi. Minsan, kahit tirik na tirik ang araw, basta wala si Tiya Poleng sa bahay. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Gustung-gusto ko nang magsumbong pero kanino? Isa pa, natatakot na ako. Nagawa ko nang magsumbong noon, pero panibagong pang aabuso lang ang napala ko. A-At kapag nagsumbong ako, paano kung hindi nila ako paniwalaan? Kung isipin nila na nagsisinungaling lang ako at gumagawa ng kuwento? Kahit si Tiya Poleng, alam ko na hindi niya ako paniniwalaan. Kilala niya si Tiyo Dan na

    Huling Na-update : 2025-03-25
  • Defend Me, Ninong Azrael   Kabanata 3: Inakalang Kalayaan

    TATLONG araw. Iyon ang ibinigay na palugit ni Tiyo Dan sa pananatili ko sa bahay ni Aling Marsing. Pagkatapos noon, kukuhanin niya na ako ulit at ibabalik sa kanila. Pero ayoko na. Ayoko nang bumalik sa impiyernong iyon.Kaya nakakadalawang araw pa lang ako ay nagpaalam na ako kay Aling Marsing na uuwi. Pumayag naman siya kaagad dahil alam niya na kapag inabutan ako ni Tiyo Dan doon ay wala na kaming magagawa parehas kapag sapilitan na akong binawi ng demonyo kong tiyuhin.Magdidilim na nang umalis ako sa bahay ng matandang manggagamot. Ang destinasyon ko, sa bahay kung saan ako tumira noon. Bahala na kung lasenggo pa rin si Papa o may sariling mundo at laging galit pa rin sa akin si Kuya. Ang mahalaga, kahit papaano ay mas kampante na ako roon dahil kasama ko na ang totoong pamilya ko. Ang totoong mga kadugo ko.Para makauwi, nag tricycle na lang ako at nagpadiretso na sa mismong bahay namin. Binigyan naman ako ni Aling Marsing ng two hundres

    Huling Na-update : 2025-04-01
  • Defend Me, Ninong Azrael   PROLOGO

    “AYOKO na ng ganito, Carlos. T-Tama na, itigil na natin ito. D-Diring-diri na ako sa sarili ko! Ang dumi-dumi ko na. A-Ayoko na—” *Pak! Napaatras ako at kinabahan. Iyong sumigaw kanina, si Mama iyon. At malamang, siya rin iyong dinapuan ng malakas na sampal na pumutol sa pagsigaw niya. Imbis tuloy na dumiretso ako sa pagpasok sa bahay, iniwanan ko na lang iyong bag ko sa papag na upuan at nagmamadali na akong umalis ulit. Hindi naman ako lalayo dahil sa tindahan lang ako ni Ate Weng pupunta—isang bahay lang ang pagitan noon mula sa bahay namin. “Ate Weng, patambay muna po, ah? Mainit na naman sa bahay, eh,” makabuluhang sabi ko sa may-katabaang babae na nasa mid-fifties na ang edad. Abala siya noon sa pag aayos ng mga alak na paninda niya. Lumingon agad siya sa akin at ngumiti. Tinigil niya rin saglit iyong ginagawa niya para lang lapitan ako at pagbuksan ng pinto. “Sige ba, walang problema. Ikaw pa ba? Dito ka muna,” aniya na ikinangiti ko. “Nag meryenda ka na ba?” Umiling ako

    Huling Na-update : 2025-03-24

Pinakabagong kabanata

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 1: Gabi ng Libing, Gabi ng Lagim

    ISANG linggo mula nang biglang mamaalam si Mama. Nailibing na rin siya kanina pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap iyong nangyari. Parang ang hirap paniwalaan."Lara, kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako palagi, ha? Laging bukas ang bahay ko para sa iyo.”Tango lang ang nakaya kong isagot sa sinabi ni Ate Weng. Niyakap niya pa ako bago siya nagpaalam sa akin. Gumanti rin ako ng mahigpit na yakap, para bang ayoko na siyang paalisin.Nanatili pa ako sa harapan ng puntod ni Mama hanggang sa magdilim. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakatitig sa mukha niyang sa tarpaulin ko na lang nakikita.Hanggang pag uwi ko sa bahay, hindi ko pa rin mapigilan na maiyak. Gustuhin ko mang huminto na, hindi ko magawa. Parang may sariling isip ang mga mata ko na patuloy lang sa pagluluha."Tumigil ka na sa kadramahan mo. Kahit anong iyak mo, hindi na mabubuhay ang mama mo.”Tumingin ako kay Papa na hindi makapaniwala. Wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya. Parang hindi m

  • Defend Me, Ninong Azrael   PROLOGO

    “AYOKO na ng ganito, Carlos. T-Tama na, itigil na natin ito. D-Diring-diri na ako sa sarili ko! Ang dumi-dumi ko na. A-Ayoko na—” *Pak! Napaatras ako at kinabahan. Iyong sumigaw kanina, si Mama iyon. At malamang, siya rin iyong dinapuan ng malakas na sampal na pumutol sa pagsigaw niya. Imbis tuloy na dumiretso ako sa pagpasok sa bahay, iniwanan ko na lang iyong bag ko sa papag na upuan at nagmamadali na akong umalis ulit. Hindi naman ako lalayo dahil sa tindahan lang ako ni Ate Weng pupunta—isang bahay lang ang pagitan noon mula sa bahay namin. “Ate Weng, patambay muna po, ah? Mainit na naman sa bahay, eh,” makabuluhang sabi ko sa may-katabaang babae na nasa mid-fifties na ang edad. Abala siya noon sa pag aayos ng mga alak na paninda niya. Lumingon agad siya sa akin at ngumiti. Tinigil niya rin saglit iyong ginagawa niya para lang lapitan ako at pagbuksan ng pinto. “Sige ba, walang problema. Ikaw pa ba? Dito ka muna,” aniya na ikinangiti ko. “Nag meryenda ka na ba?” Umiling ako

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status