“OO, Lara. Siya nga. Siya si Attorney Fove, ang nagpopondo sa chapel at dito sa kumbento. Siya rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, operating pa rin dito.”
Tuluyan nang naglakad palapit sa amin si Sister Siena. Kasama pa rin si Cindy.
“Good morning, Attorney,” bati ni Cindy kay Attorney Fove. “Nagkita na po pala kayo. Siya po si Lara. Siya po iyong itinawag namin ni Sister Siena kaninang umaga.”
Naramdaman kong nabaling sa akin ang atensiyon ni Attorney.
“Cindy, isama muna si Lara pabalik sa kwarto. Mag uusap muna kami ni Attorney—”
“No. Just let her stay. I want her present. Gusto kong marinig niya lahat ng pag uusapan natin tungkol sa kanya,” biglang sabi ni Attorney Fove.
Hindi na nakatutol pa si Sister Siena.
“S-Sige po. Lara, tayo na sa opisina. Cindy, bumalik ka muna sa loob. Maghanda ka ng makakain ni Attorney,” sabi na lang niya.
Tumango lang si Cindy at naglakad na palayo. Lumakad na rin si Sister Siena palapit sa isang parang kwarto—iyon na yata iyong sinasabi niyang “opisina”. Sumunod kami ni Attorney kay Sister Siena. Pagpasok, umupo na kaming tatlo. Magkaharap kami ni Attorney Fove samantalang nasa kabilang bahagi naman ng mesa si Sister Siena.
Nagsimula na silang mag usap habang ako ay nakayuko lang at walang ganang umimik. Kabado rin ako. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko, nasa mga kamay lang nila ang kapalaran ko. Nasa kanila kung bubuti pa ba iyong buhay ko o hindi na. Habang ako, wala. Wala akong kontrol sa sarili kong buhay.
Kinuwento ni Sister Siera ang lahat ng nangyari sa akin. Magmula sa misteryosong pagkamatay ni Mama, hanggang sa pagtakas ko at paghahatid sa akin ng driver sa kumbento. Tahimik lang din si Attorney habang nakikinig; pero kahit ganoon, ramdam na ramdam ko na hindi humihiwalay ang tingin niya sa akin. Parang binabasa niya ako na hindi ko maintindihan. Hanggang sa matapos nang magkwento si Sister Siena.
“Kailan namatay ang mama mo? And… what happened?”
Unti-unti akong nagtaas ng tingin. “T-Two years ago. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari kay Mama. U-Umalis lang siya noong gabi para pumasok sa department store na pinagtatrabahuhan niya bilang saleslady. ‘T-Tapos hindi na siya nakauwi. Nagising na lang ako na tinatawag ako ng mga kapitbahay namin kasi… p-patay na raw si Mama.”
Nag uunahang tumulo ang luha ko. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, akala ko manhid na ako. Pero sa nangyayari ngayon, mukhang hindi pa pala.
“That’s it? Namatay siya sa trabaho? Sa daan pauwi?” tanong ulit ni Attorney.
Umiling ako.
“H-Hindi. Hindi ko alam,” pabulong kong sabi. Pinahid ko ang luha ko gamit ang mga kamay ko tsaka ako ulit nagsalita, “h-hindi ako naliwanan sa totoong dahilan ng pagkamatay ni Mama. Sabi ni Papa, aksidente lang daw ang nangyari. Pero hindi ako naniniwala. Hindi ko kayang maniwala. Lalo na noong nakita ko iyong autopsy report ni Mama. H-Hindi ako maalam sa medical o sa kahit anong related doon pero hindi rin ako tanga para hindi maintindihan na imposibleng aksidente lang ang lahat.”
“Bakit? Ano bang nakalagay sa autopsy report?” usisa ni Attorney.
Ibinuka ko ang bibig ko para sagutin ang tanong ni Attorney. Pero imbis na salita ay hagulhol lang ang kumawala roon.
“Attorney, ito po yata iyong sinasabi niyang autopsy report. Nakita po namin ito kasama ng mga gamit niya. Medyo nabasa lang po dahil sa ulan, pero maayos pa ang kondisyon gawa ng naka-plastic nga po,” biglang singit ni Sister Siena. Tumingin ako sa kanya. Nakita kong inaabot niya kay Attorney Fove ang isang kulay brown na envelope. Pamilyar ang envelope na iyon—iyon nga ang kinalalagyan ng autopsy report ni Mama.
Kinuha ni Attorney ang envelope; binuksan, kinuha ang mga papel, at binasa. Saglit siyang natahimik habang tinitingnan iyong mga papel. Mayamaya pa, tumingin siya ulit sa akin.
“You’re right. Malinaw na hindi aksidente ang pagkamatay ng mama mo. Imposibleng maging aksidente ang mga nangyari,” seryosong sabi nito mayamaya.
Lalo akong naluha dahil sa sinabi niya. Sa wakas, may naniniwala na rin sa akin.
Tumayo si Sister Siena at lumapit sa akin. Niyakap niya ako habang marahang hinahaplos ang buhok at likod ko.
“Nakita na ninyo, Attorney? Kawawang-kawawa itong si Lara. Kaya kung pwede lang po, dumito na lang siya. Hanggang sa kayanin na niyang mag isa—”
“No.”
No? Nagtatakang tumingin ako kay Attorney Fove. Anong “no”?
“She can't stay here. I don’t want her here. So, no.”
Good morning, peeps! I know, updates should be DAILY at 8 P.M. but due to unforseen circumstances, I wasn't able to fulfill what I actually said first. So to make "bawi", I will be updating a few chapters now and later at 8, there will still be an update. This is your author Eyah saying "Mag-comment kayo para sipag-sipagin naman ako." HAHAHAHA Endaaaayyyyyy, thank yooouuwww!
Hindi ko maiwasang makaramdam ng sama ng loob habang nakatitig kay Attorney Fove.Kanina lang, pinagpipilitan niya na ninong ko siya. Pero ngayon, sobra siya kung makatanggi sa simpleng pabor lang na hinihingi ni Sister Siena, ang hayaan akong manatili rito?Kumalas ako sa pagkakayakap kay Sister Siena. Pinahid ko rin ang mga luha ko at kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo.“Attorney—”“Tama na po, Sister. Huwag na po nating ipilit ang ayaw,” pigil ko kay Sister Siena. Nababasa ko na kasi ang gagawin niya—ipagmamakaawa niya ako kay Attorney—bagay na ayokong gawin. Ayokong magmakaawa sa iba. Dignidad na lang ang meron ako at ayokong pati iyon ay mawala sa akin. Hinarap ko si Attorney Fove. “Okay lang po kahit ayaw niyong hayaan akong mag-stay dito. Naiintindihan ko po. Okay na po ako.”Hinawakan ko ang autopsy result ni Mama para bawiin iyon sa kanya, pero hindi ko magawa. Mahigpit ang hawak niya roon at kung ipipilit ko, baka mapunit lang ang papel. Mas magiging malaking problema p
“Thank you for trusting me, Lara. I swear, hindi ka magsisisi.”Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa sinabi ni Attorney Fove. Ilang minute na ang nakalipas mula nang umalis kami sa kumbento. Nakasakay ako ngayon sa backseat ng sasakyan niya habang siya naman ang nasa driver-s seat at nagmamaneho.“S-Sumama lang ako dahil nangako kang tutulungan mo akong makuha ang hustisya sa pagkamatay ni Mama,” prangkang sabi ko.Mahinang tumawa si Attorney.“Hindi lang iyan ang kaya kong ipangako sa iyo, Lara. Marami pa. Maraming marami pa,” sabi niya pagkatapos.“Bakit mo ginagawa ito?” pagsususpetsa ko.“Alin?”“Ito. Tinutulungan mo ako kahit na kakikilala mo pa lang sa akin. Ni hindi mo pa yata sigurado kung ako ba talaga si Lara—”“I know that it’s you. I just… know. And I’m doing this all for a reason. Malaki ang utang na loob ng dad ko sa mama mo. And I’m doing this to pay forward. Matagal ko nang gustong makabawi sa kanya pero hindi ko alam kung paano. Kaya siguro pinadala ka ng itaas sa ak
“You sure you’ll be fine here?”Nilingon ko si Ninong Azrael at nginitian ng matamis.“Hindi ka naman siguro nagjo-joke, ‘di ba, Ninong—” Saglit akong huminto dahil para na akong matatawa nang banggitin ko ang salitang iyon. Ninong. Pinilit ko rin namang sumeryoso agad at hinarap siya. “Halos apat nab eses na mas malaki ito kaysa sa buong bahay namin.”Ngumiti ng tipid si Ninong Azrael at sumandal sa dingding ng kwarto, sa gilid lang ng pinto.“That’s good to know. Bukas, bumili ka ng mga kakailanganin mo. Clothes, personal hygiene stuff, everything. Akong bahala sa iyo,” aniya.Isang ideya ang bigla na lang sumulpot sa isip ko na naging dahilan para matawa ako.“Why are you laughing?” usisa niya. Seryoso ang mukha niya at nakakunot pa ang noo.“W-Wala,” tanggi ko na natatawa pa rin. Tinakpan ko na lang ang bibig ko habang pinipilit kong magpigil.“Ano nga?”“Wala nga—”“Lara—”“Ano—”“I’m still your ninong. We may be talking as if we’re at the same age, but you have to respect me. I a
KINABUKASAN.Maaga akong nagising. Payapa at tuluy-tuloy ang tulog ko—bagay na hindi ko na maalala kung kailan ko huling naranasan. Dahil sa maayos na tulog ay naging maganda rin ang gising ko.Bago lumabas ng kwarto at bumaba ay nakaligo na ako at nakapag ayos. May sariling restroom na kasi ang kwarto na binigay sa akin ni Ninong Azrael.Pagbaba ko, dumiretso agad ako sa dining area. Hindi ko nga alam na dining area ang pupuntahan ko, sinundan ko lang naman kasi iyong masarap na amoy ng ulam.“You’re awake. I thought you’re still asleep. Muntik ko nang paakyatin doon si Manang Irina para gisingin ka,” bati ni Ninong Azrael. Saglit lang siyang tumingin sa akin bago niya binalik ang tingin niya sa laptop niyang nasa tabi mimso ng pagkain niya. Umiinom din siya ng kape.“S-Sorry. Napasarap kasi ang tulog ko,” pag amin ko.“That’s alright. Go, take your seat.”Lumapit ako sa dining table at uupo na sana sa tabi ni Ninong Azrael nang bigla niya akong pigilan.“Just take that seat instead,”
“TAKE everything you like and give it to her. I just have to answer this real quick.”Wala na akong nagawa nang tumalikod na si Ninong Azrael at naglakad palabas ng boutique kung nasaan kami ngayon. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagsusukat ng mga damit.Lumapit sa akin ang isang babae na nagtatrabaho sa boutique na iyon. Nakangiti siya at may dalang isang hanger ng mahabang damit.“Hello, Ma’am! May mga napili ka na? Kung gusto mo, tutulungan kita,” bati niya sa akin. Tinaas niya rin iyong damit na hawak niya. “Ito, Ma’am. Baka gusto mong i-try. Limited edition namin ito at ito na ang huling piece.”Hindi ako makasagot sa alok ng babae. Nakapako lang ang mga mata ko kay Ninong na abala pa rin sa pakikipag usap niya sa cell phone niya sa labas. Natatakot kasi ako nab aka bigla niya akong iwan. Wala pa naman akong dala kahit piso sa bulsa ko.“Hindi namin alam na may kapatid pala si Attorney Fove at babae pa. In fairness, Ma’am, ang ganda-ganda mo rin. Runs in the blood ang looks niyo,
“…BIRHEN na birhen pero may twist!” Paulit-ulit na nag play ang sinabing iyon ng ababeng staff sa utak ko.Tama naman siya. Birhen na birhen pero may twist—at ang twist doon ay hindi na ako birhen. Kasi nayurakan na ako, binaboy, at pinagsawaan.“Ma’am? M-Ma’am, ayos ka lang ba? Umiiyak ka—”“H-Hindi ko kukunin itong dress,” pasya ko.Halatang nagulat ang babae sa sinabi ko. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya. Naglakad na ako pabalik sa fitting room. Hinubad ko ang dress at isinuot ko ulit iyong damit na suot ko kanina. Paglabas, binalik ko agad sa kanya iyong dress.“Ma’am, sigurado po ba kayo na ayaw niyong kuhanin ito? Sayang kasi, Ma’am. Bagay na bagay sa iyo at—”“Hindi na po. A-Aalis na rin muna ako. Babalik na lang ako mamaya pagbalik ni… ni Attorney Fove,” mahinang sambit ko.Hindi na nakapagsalita iyong babae. Naglakad na rin ako palabas ng boutique at umupo sa isang bench. Parang na-drain na naman lahat ng energy sa katawan ko.Akala ko, sa oras na makaalis na
“I said I just saw your brother at the city jail. Wala ka man lang bang sasabihin?”Sinalubong ko ang nang uuring tingin ni Ninong Azrael sa pamamagitan ng salamin ng sasakyan niya.“Wala. Ano bang dapat kong sabihin? Ano bang dapat kong maging reaksiyon?” prangkang sabi ko.“Lara—”“Alam mo Ninong para sabihin ko sa iyo, hindi na ako nagtataka. Hindi rin ako nagulat. Mga bata pa lang kasi kami, mahilig na siyang sumali sa gulo. Takaw gulo siya at basag ulo. Dati ko pa inaasahan na darating ang araw na mangyayari ito at—”“But that’s not the case, Lara. Mali ang iniisip mo.”Tinaasan ko siya ng kilay.“Talaga? Sana nga. Pero hindi, eh. Ako ang mas nakakakilala sa kanya. Alam ko at nakikita ko noon pa na darating ang araw at magiging capable siyang gumawa ng mas masahol pang mga bagay. Makukulong siya o mas Malala pa—”“Hindi. He was jailed because he tried to kill your father.”Natameme ako.“A-Ano?” halos pabulong kong saad. Bigla rin akong nanghina. Pero mayamaya lang din ay nag iba
“HINDI mo dapat ginawa iyon, Kuya. Alam mo naman na kapag masamang damo, matagal mamatay. Masamang damo si Papa, Kuya. Masama siya.”Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang nakatulalang kausap si Kuya Leio. Nasa harapan ko na siya ngayon dahil matapos ang naging pag uusap namin ni Ninong Azrael kanina, inaya niya akong dalawin si Kuya sa kulungan at pumayag naman ako.Hindi nagsalita si Kuya Leio. Nakatitig lang siya sa mukha ko hanggang sa unti-unti siyang napangiti. Iyon ang klase ng ngiti na ngayon ko lang nakitang gumuhit sa mga labi niya. Noong mga bata pa kasi kami hanggang sa bago mamatay si Mama, sa tuwing nakikita ko si Kuya ay lagi siyang nakasimangot o galit. Wala pa akong matandaang kahit isang beses lang na naging sweet o malapit man lang kami sa isa’t-isa.“Lara… Masyado nang marami iyong pagkukulang ko sa iyo. Kapatid kita, nag iisang kapatid kita at babae pa pero wala man lang akong nagawa para maprotektahan ka. Imbis na ingatan kita at bantayan, ako pa iyong kauna-
SA kabila ng galit ko kay Papa ay pinilit ko pa ring pumunta sa burol niya.Noong una, hindi ko alam kung paano. `Buti na lang at hindi ako pinabayaan ni Ninong Azrael. Pinaasikaso niya lahat sa assistant niya at siniguro niyang wala na kaming proproblemahin pa ni Kuya Leio. Si Ate Cindy ay hindi rin ako iniwanan kahit saglit lang. At si Ate Weng, dumating din siya. Hindi pa rin nagbago ang tingin at pagtrato niya sa akin kahit mahigit dalawang taon na mula nang magkita kami at magkausap.Tatlong araw lang ang ipinasya naming burol ni Papa. Wala na kaming balak patagalin pa dahil wala naman siyang kamag anak sa malayo na hihintayin. Sa dalawang araw na burol ni Papa ay walang sandali na hindi ako umiyak—hindi dahil nasasaktan ako o nagluluksa sa pagkawala niya—kundi inaalala ko ang mga sinabi ni Ninong Azrael at ang magiging lagay ni Kuya Leio ngayong natuluyan nang mawala si Papa.“We don’t stand in a hundred percent chance, Lara. But if you would do as I say, I can guarantee na mas
MAHIGPIT ang hawak ko sa paper bag na kinuha ko mula sa kotse ni Ninong Azrael.Nandito ulit kami sa city jail kung saan nakakulong si Kuya Leio. Nasa loob na kami kanina, lumabas lang ulit ako dahil nakalimutan kong dalhin ang paper bag na naglalaman ng pagkain at ilang mga damit para sa kuya ko.Habang naglalakad ako pabalik sa loob ng bilangguan, tumatakbo pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Ninong Azrael. Tatlong araw na rin ang nakalilipas mula noon. Pumayag na rin naman ako sa suhestiyon na iyon ni Ninong. Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin maiwasang mangamba. Ayokong isipin na magsisinungaling ako sa batas at sa lahat ng mga taong sasaksi sa itatakdang hearing ni Kuya Leio; lalo na at gaya ng sinabi ni Ninong ay hindi pa rin kami makakatiyak na mapapawalang-sala na nga si Kuya sa oras na gawin ko ang pagsisinungaling. Pero… kung nakaya ni Kuya na kalabanin ang sarili naming ama para lang protektahan ako, walang bagay na hindi ko gagawin para siya naman ang matulungan ko. Isa