Beranda / Romance / Defend Me, Ninong Azrael / Kabanata 2: Mga Kawawang Buhay

Share

Kabanata 2: Mga Kawawang Buhay

Penulis: Eyah
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-25 09:08:51

WARNING! THIS PART OF THE STORY MAY CONTAIN SENSITIVE SCENES, LANGUAGE, AND ACTS THAT ARE NOT SUITABLE FOR READERS 18 YEARS OLD AND/OR BELOW. READ AT YOUR OWN RISK!

TRIGGER WARNING: ABORTION AND SEXUAL ABUSE

MAKALIPAS ANG 2 TAON…

SA KABILA NG GINAWA NINA TIYO DAN AT KUYA DENVER SA AKIN, NATULOY PA RIN ANG KAGUSTUHAN NI TIYA POLENG NA TUMIRA AKO SA KANILA.

Dalawang taon na, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasawa sina Tiyo Dan at Kuya Denver na galawin ako at babuyin. Halos walang palya gabi-gabi. Minsan, kahit tirik na tirik ang araw, basta wala si Tiya Poleng sa bahay. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Gustung-gusto ko nang magsumbong pero kanino? Isa pa, natatakot na ako. Nagawa ko nang magsumbong noon, pero panibagong pang aabuso lang ang napala ko. A-At kapag nagsumbong ako, paano kung hindi nila ako paniwalaan? Kung isipin nila na nagsisinungaling lang ako at gumagawa ng kuwento? Kahit si Tiya Poleng, alam ko na hindi niya ako paniniwalaan. Kilala niya si Tiyo Dan na perpektong asawa—walang bisyo at puro trabaho lang ang inaatupag. Si Kuya Denver naman, consistent honor student at varsity pa. Pamilya niya ang mga iyon. Samantalang ako, isang kamag anak na namatayan ng ina at may pabayaang ama; nakikitira lang at nakikikain ng libre sa kanila. Obvious naman na siguro kung sino ang pipiliin niya.

Ngayon, tulala lang ako at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Malinaw na malinaw ang dalawang kulay pulang linya na resulta ng pregnancy test kit na pasikreto kong binili gamit ang natirang baon ko. Buntis ako…

Hinagis ko sa sahig ang pregnancy test stick at umiiyak na pinagsusuntok ko ang tiyan ko. Ayoko nito. Ayoko…

Sa ganoon ako inabutan ni Tiyo Dan. Hatinggabi na rin at siguro, balak na naman niyang galawin ako kung hindi lang niya ako inabutan sa ganoon kagulong sitwasyon.

"T*ngina, anong ginagawa mo? Anong… Ano ito?!” Dinampot ni Tiyo Dan ang pregnancy test stick na nasa sahig. "T*ngina…”

Dali-dali siyang lumapit sa pinto at mabilis na ni-lock iyon.

"Ano ito, Lara?! Anong ibig sabihin nito?!” galit na kastigo niya sa akin.

Sinalubong ko ang mga tingin niya. Galit din ako.

"Buntis ako, hindi mo ba nakikita? Buntis ako at dahil iyon sa inyo—”

Tinakpan niya ang bibig ko dahil pasigaw kong sinasabi sa kanya ang mga katagang iyon.

"Tumigil ka! Alam mong hindi pwede ito. Hindi pwedeng mangyari ito!” mariin ngunit mahina niyang saad sa akin.

Nagpumilit akong makawala sa pagkakatakip niya sa bibig ko.

"Alam niyo naman palang hindi pwede. Eh, 'di sana noong una pa lang pinigilan niyo iyang kamanyakan niyo at hindi niyo ako sapilitang ginalaw—”

*Pak!

Gaya ng dati, wala akong magawa kundi ang umiyak na lang. Napahawak ako sa tiyan ko, hindi para protektahan ito. Kundi para hilingin na sana ay mali lang ang resulta ng pregnancy test at sana ay walang buhay ang nananahan sa loob niyon.

"Ilang buwan na iyan, ha?!”

Umiling ako. "Hindi ko alam. Bakit hindi ang sarili niyo ang tanungin niyo? Tutal, kayo naman ang may kagagawan nito—”

*Pak!

Isa na namang sampal.

Pinilit kong huwag magpakita ng reaksyon sa pananakit niyang iyon sa akin. Pero hindi ko nakaya dahil sa sobrang sakit ng pagsampal niya.

"Halika rito!” Bigla akong hinawakan ni Tiyo Dan sa buhok at pakaladkad na hinila papunta sa sasakyan niya. Iyak lang ako nang iyak. Gusto ko ring sumigaw para humingi ng tulong pero ayokong gumawa ng gulo. Ayokong kumalat pa at makarating sa iba ang nangyayari sa akin.

Patulak akong sinakay ni Tiyo Dan sa backseat ng sasakyan niya.

"Hindi pwedeng mabuhay ang batang iyan. Kailangan niyang mawala!” parang demonyo pang sabi niya bago niya pabalibag na sinara ang pinto ng kotse.

Pumunta siya sa driver's seat at nagsimula nang magmaneho palayo. Iyak lang ako nang iyak habang nanonood at naghihintay sa kahihinatnan ko sa kamay ni Tiyo Dan. Alam ko na ang mangyayari. Alam na alam ko na kung saan niya ako dadalhin dahil hindi naman ito ang unang beses.

Nabuntis na ako noon sa kauna-unahang pagkakataon, ilang buwan pa lang ang nakararaan. Nalaman din ni Tiyo Dan na buntis ako at dinala niya agad ako sa matandang manggagamot para sapilitang magpalaglag. Ngayon sa pangalawang beses, buntis na naman ako at alam kong doon niya rin ulit ako dadalhin. Ganoon ulit ang balak niyang gawin…

***

“AAAHHHHH!”

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Wala akong kalaban-laban na nakahiga sa papag—nakatali ang parehong mga kamay at may busal ang bibig. Nakagapos din ang mga paa ko nang magkahiwalay. Nakabukaka ako, walang saplot na pang ibaba.

Kasalukuyang gumugulong ang isang mainit na bote sa tiyan ko. Mariin ang bawat paggulong niyon, sa bawat galaw ay ramdam ko ang unti-unting pagkadurog ng maliit na punla sa sinapupunan ko.

Histerikal ako at nanlalabo pa ang mga mata dahil sa magkahalong panghihina at pag iyak. Pero hindi naging hadlang iyon para maaninag ko ang matandang babae na siyang nagsasagawa ng pagtanggal sa namumuo pa lang na buhay sa sinapupunan ko. Ilang hakbang ay nakita ko rin ang isang lalaki na nakamasid lang sa amin. Si Tiyo Dan…

“Wala na ang fetus sa sinapupunan ni Lara. Pagkapahinga niya, pwede mo na siyang iuwi.”

Naging sunud-sunod ulit ang pagpatak ng luha ng ko pagkarinig sa sinabi ng matandang babae. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ikalungkot ang nangyari.

“Sige. Salamat ho, Aling Marsing,” dinig kong sabi ni Tiyo.

“Walang anuman. Pero Dan, payong manggagamot lamang. Ingatan niyo si Lara. Pangalawang pagbubuntis niya na ito ngayong taon at pangalawang pagpapalaglag na rin. Masyado nang delikado kapag naulit pa ito. Baka hindi na kayanin ng katawan niya lalo na at masyado pa siyang bata,” saad ulit ng matanda.

“Ganoon ho ba? Sige ho, Aling Marsing. Dodoblehin po namin ang pagbabantay at pag iingat kay Lara. Ginagawa naman ho namin, masyado lang talagang madulas. Nakakatakas pa rin at nagagawa pa ring katagpuin iyong lalaki niya kaya ‘ayan, nakakalusot din na lagi na makabuo ng sanggol. Hanggang ngayon, ni hindi namin alam kung sino ba ang ama ng mga dinala niya.”

Kumuyom ang mga kamao ko sa narinig. Akala mo, kung sino siyang mabait na tao kung magsalita. Wala namang sinabi kundi puro kasinungalingan lang. Wala akong lalaki at mas lalong hindi ako nakikipagtagpo sa kung sinu-sino. Lahat ng sinabi niya ay puro kasinungalingan; maliban lang sa isang bagay. Iyon ay ang hindi niya alam kung sino ang ama ng dalawang buhay na dinala ko.

Paano nga ba niya malalaman? Kung siya ba mismo o ang anak niyang si Denver ang nakabuntis sa akin? Sila ang dahilan kung bakit kailangan kong sumailalim sa napakasakit at karumal-dumal na prosesong iyon. Kung hindi lang sana nila ako paulit-ulit na pinagsamantalahan ay hindi ako mapupunta sa posisyong ito.

Kaya oo, kung may dapat mang sisihin sa mga nangyayari sa buhay ko ay hindi ako iyon. Lalong hindi ang “lalaki ko” na gawa-gawa lang niya.

“Hoy, bumangon ka na riyan. Alam kong gising ka na. Bangon!”

Pumikit ako nang mariin para magkunwaring tulog. Ayoko pang umuwi. Ayoko pang bumalik sa impiyerno…

“T*ngina, ang tigas mo, ah? Bangon sabi—”

“Dan? Anong ginagawa mo kay Lara?”

Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang marinig ang boses ng matandang manggagamot. Kahit nakapikit ay naramdaman ko pa rin na umatras ng ilang hakbang si Tiyo Dan.

“W-Wala ho, Aling Marsing. Tinitingnan ko lang kung maayos ang lagay ng pamangkin ko.”

Sinungaling.

“Ganoon ba?” Naramdaman kong lumapit sa akin ang matanda. “Dan, pwede bang lumabas ka muna? May kailangan lang akong gawin kay Lara.”

“Ho? Gawin niyo na kung anong kailangan niyong gawin. Bakit kailangan ko pang lumabas?”

“Maselan ito, Dan. Kailangan mong lumabas. Maliban na lang kung nakita mo na ang kasuluk-sulukang bahagi ng katawan ng pamangkin mo?” May laman ang sinabing iyon ng matanda.

Wala na akong narinig na sagot mula kay Tiyo Dan. Narinig ko na lang na bumukas ang pinto at sumara ulit.

“Lara, hija, dumilat ka na. Alam kong gising ka. Sige na, hija.”

Dahan-dahan akong dumilat. Sumalubong sa akin ang nag aalalang mukha ng manggagamot. Nagsimula na akong maiyak.

“A-Aling Marsing—”

“Alam ko na, hija. Alam ko na ang nangyayari. Tumakas ka na. Umalis ka na sa inyo,” biglang sabi niya. “Pagpasensiyahan mo na rin ako sa nagawa ko, ha? Alam kong wala ako sa lugar para magdesisyon pero naaawa lang kasi ako sa iyo at sa bata. Bunga siya ng pananamantala ng mismong tiyuhin mo. Kapag nabuhay siya, baka hindi mo rin siya matanggap at pagbuntunan mo lang ng galit. Hindi na bago ang ganoong mga pangyayari, hija. At isa pa, masyado ka pang bata para maging ina. Ilang taon ka na nga ba?”

“S-Sixteen po,” sabi ko.

“Susmaryosep…” Napaantanda pa ito matapos marinig amg sagot ko. “G-Gusto mo bang manatili pa rito? Kahit hanggang sa makabawi-bawi ka lang ng lakas mo? ‘Tapos… ‘T-Tapos tumakas ka na. Para hindi na niya maulit ang ginagawa niyang pananamantala sa iyo. Tutulungan kitang magsumbong sa mga pulis—”

“H-Huwag! H-Huwag na po.” Nag iwas ako ng tingin kay Aling Marsing. “N-Natatakot po ako. B-Baka patayin niya ako. O sila Papa at ang kuya ko. A-Ayoko rin pong malaman ng ibang tao iyong nangyayari sa akin. S-Sobra-sobra na po iyong kahihiyang nararamdaman ko sa sarili ko. A-Ayoko nang makarating pa sa iba.”

Hindi sumagot ang matanda. Tiningnan niya lang ako na puno ng awa.

“Ano nang balak mong gawin? Hahayaan mo lang siya na babuyin ka?”

Umiling ako.

“Tatakas po ako. G-Gusto ko na lang pong magpakalayu-layo. P-Pupunta po ako sa lugar kung saan walabg makakakilala sa akin. M-Magpalakas lang po ako ng kaunti. Kaya lang…”

“Kaya lang ano?”

“Sigurado po akong hindi papayag si Tiyo Dan na hindi niya ako maiuwi agad. A-At magtataka si Tiya Poleng na asawa niya.”

Hindi agad nagsalita si Aling Marsing. Pero mayamaya, sinabihan niya ulit ako na pumikit at magkunwaring tulog. ‘Tapos pinapasok niya na ulit si Tiyo Dan sa loob ng maliit na kwartong iyon.

“Sa nakikita kong kalagayan ni Lara ngayon, hindi makabubuti kung iuuwi mo na siya. Baka mapasama siya at malagay sa alanganin ang buhay niya,” sabi ni Aling Marsing mayamaya. “Iaabiso ko na dumito muna siya ng mga ilang araw—”

“Hindi. Iuuwi ko na siya. Sa bahay na lang siya magpapagaling.”

Kumabog ang dibdib ko. Sinabi ko na nga ba, hindi talaga siya papayag na basta-basta akong iwan dito.

"Dan, hindi mo ba ako narinig? Delikado ang lagay ng bata. Baka mapahamak lang siya lalo. Isa pa, baka may makapansin at makaalam sa nangyayari sa kanya. Alalahanin mong ilegal pa rin dito ang aborsiyon. Gusto mo bang ipahamak ang pamangkin mo, ako, o kayo na kumukupkop sa kanya? Ha? Ganoon ba ang gusto mong mangyari?” Hindi sumagot si Tiyo Dan. "Ang asawa mo, alam niya ba ang nangyayaring ito kay Lara?”

Wala akong narinig na salita galing kay Tiyo Dan. Nabalot ng katahimikan ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na kabog ng dibdib ko.

"Sige. Pumapayag akong dito muna si Lara ng hanggang tatlong araw lang. Pagkatapos noon, iuuwi ko na siya kahit ano pang kalagayan niya.”

Unti-unti akong nakahinga ng maluwag. Ngayon pa lang, pakiramdam ko ay malaya na ako.

"At ang asawa mo?” tanong ulit ni Aling Marsing.

"Ako na ang bahalang magdahilan sa kanya.”

Umalis na si Tiyo Dan pagkatapos noon. Tsaka lang ako dumilat at umiiyak na nagpasalamat ulit kay Aling Marsing.

"Huwag kang magpakakumportable, hija. Narinig mo siya, babalikan ka niya rito at sapilitang iuuwi pagkaraan ng tatlong araw. Bago sumapit iyon, dapat ay malakas ka na at dapat ka nang makaalis,” seryosong babala ng matanda.

Tumango ako.

"O-Opo, Aling Marsing. G-Gagawin ko po ang lahat, magpapalakas ako ng mabilis. M-Magiging malaya na ako.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Eyah
Notice: Starting on April 1 (ngayon po), DAILY na po ang magiging update sa kwento nina Lara at Ninong Azrael. EVERYDAY po at 8 PM. Salamaatttt...️
goodnovel comment avatar
Eyah
Salamat po sa pagbabasa sa munting istorya ko. Sobrang appreciated ko po kayoooo, pero MAS maa-appreciate ko po kung mag-iiwan kayo ng comments para lalo po akong ma-motivate at mas mapagbutihan ko po ang pagsusulat sa kwento nina Lara at Ninong Azrael. PS: Otw na si Ninooonggg...
goodnovel comment avatar
Eyah
Starting April 1 (now), DAILY na po ang update ng "Defend Me, Ninong Azrael". Every 8 PM po. Salamat sa pagbasaaa! ...️
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Defend Me, Ninong Azrael   Kabanata 3: Inakalang Kalayaan

    TATLONG araw. Iyon ang ibinigay na palugit ni Tiyo Dan sa pananatili ko sa bahay ni Aling Marsing. Pagkatapos noon, kukuhanin niya na ako ulit at ibabalik sa kanila. Pero ayoko na. Ayoko nang bumalik sa impiyernong iyon.Kaya nakakadalawang araw pa lang ako ay nagpaalam na ako kay Aling Marsing na uuwi. Pumayag naman siya kaagad dahil alam niya na kapag inabutan ako ni Tiyo Dan doon ay wala na kaming magagawa parehas kapag sapilitan na akong binawi ng demonyo kong tiyuhin.Magdidilim na nang umalis ako sa bahay ng matandang manggagamot. Ang destinasyon ko, sa bahay kung saan ako tumira noon. Bahala na kung lasenggo pa rin si Papa o may sariling mundo at laging galit pa rin sa akin si Kuya. Ang mahalaga, kahit papaano ay mas kampante na ako roon dahil kasama ko na ang totoong pamilya ko. Ang totoong mga kadugo ko.Para makauwi, nag tricycle na lang ako at nagpadiretso na sa mismong bahay namin. Binigyan naman ako ni Aling Marsing ng two hundres

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-01
  • Defend Me, Ninong Azrael   PROLOGO

    “AYOKO na ng ganito, Carlos. T-Tama na, itigil na natin ito. D-Diring-diri na ako sa sarili ko! Ang dumi-dumi ko na. A-Ayoko na—” *Pak! Napaatras ako at kinabahan. Iyong sumigaw kanina, si Mama iyon. At malamang, siya rin iyong dinapuan ng malakas na sampal na pumutol sa pagsigaw niya. Imbis tuloy na dumiretso ako sa pagpasok sa bahay, iniwanan ko na lang iyong bag ko sa papag na upuan at nagmamadali na akong umalis ulit. Hindi naman ako lalayo dahil sa tindahan lang ako ni Ate Weng pupunta—isang bahay lang ang pagitan noon mula sa bahay namin. “Ate Weng, patambay muna po, ah? Mainit na naman sa bahay, eh,” makabuluhang sabi ko sa may-katabaang babae na nasa mid-fifties na ang edad. Abala siya noon sa pag aayos ng mga alak na paninda niya. Lumingon agad siya sa akin at ngumiti. Tinigil niya rin saglit iyong ginagawa niya para lang lapitan ako at pagbuksan ng pinto. “Sige ba, walang problema. Ikaw pa ba? Dito ka muna,” aniya na ikinangiti ko. “Nag meryenda ka na ba?” Umiling ako

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-24
  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 1: Gabi ng Libing, Gabi ng Lagim

    ISANG linggo mula nang biglang mamaalam si Mama. Nailibing na rin siya kanina pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap iyong nangyari. Parang ang hirap paniwalaan."Lara, kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako palagi, ha? Laging bukas ang bahay ko para sa iyo.”Tango lang ang nakaya kong isagot sa sinabi ni Ate Weng. Niyakap niya pa ako bago siya nagpaalam sa akin. Gumanti rin ako ng mahigpit na yakap, para bang ayoko na siyang paalisin.Nanatili pa ako sa harapan ng puntod ni Mama hanggang sa magdilim. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakatitig sa mukha niyang sa tarpaulin ko na lang nakikita.Hanggang pag uwi ko sa bahay, hindi ko pa rin mapigilan na maiyak. Gustuhin ko mang huminto na, hindi ko magawa. Parang may sariling isip ang mga mata ko na patuloy lang sa pagluluha."Tumigil ka na sa kadramahan mo. Kahit anong iyak mo, hindi na mabubuhay ang mama mo.”Tumingin ako kay Papa na hindi makapaniwala. Wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya. Parang hindi m

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-25

Bab terbaru

  • Defend Me, Ninong Azrael   Kabanata 3: Inakalang Kalayaan

    TATLONG araw. Iyon ang ibinigay na palugit ni Tiyo Dan sa pananatili ko sa bahay ni Aling Marsing. Pagkatapos noon, kukuhanin niya na ako ulit at ibabalik sa kanila. Pero ayoko na. Ayoko nang bumalik sa impiyernong iyon.Kaya nakakadalawang araw pa lang ako ay nagpaalam na ako kay Aling Marsing na uuwi. Pumayag naman siya kaagad dahil alam niya na kapag inabutan ako ni Tiyo Dan doon ay wala na kaming magagawa parehas kapag sapilitan na akong binawi ng demonyo kong tiyuhin.Magdidilim na nang umalis ako sa bahay ng matandang manggagamot. Ang destinasyon ko, sa bahay kung saan ako tumira noon. Bahala na kung lasenggo pa rin si Papa o may sariling mundo at laging galit pa rin sa akin si Kuya. Ang mahalaga, kahit papaano ay mas kampante na ako roon dahil kasama ko na ang totoong pamilya ko. Ang totoong mga kadugo ko.Para makauwi, nag tricycle na lang ako at nagpadiretso na sa mismong bahay namin. Binigyan naman ako ni Aling Marsing ng two hundres

  • Defend Me, Ninong Azrael   Kabanata 2: Mga Kawawang Buhay

    WARNING! THIS PART OF THE STORY MAY CONTAIN SENSITIVE SCENES, LANGUAGE, AND ACTS THAT ARE NOT SUITABLE FOR READERS 18 YEARS OLD AND/OR BELOW. READ AT YOUR OWN RISK!TRIGGER WARNING: ABORTION AND SEXUAL ABUSEMAKALIPAS ANG 2 TAON…SA KABILA NG GINAWA NINA TIYO DAN AT KUYA DENVER SA AKIN, NATULOY PA RIN ANG KAGUSTUHAN NI TIYA POLENG NA TUMIRA AKO SA KANILA.Dalawang taon na, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasawa sina Tiyo Dan at Kuya Denver na galawin ako at babuyin. Halos walang palya gabi-gabi. Minsan, kahit tirik na tirik ang araw, basta wala si Tiya Poleng sa bahay. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko. Gustung-gusto ko nang magsumbong pero kanino? Isa pa, natatakot na ako. Nagawa ko nang magsumbong noon, pero panibagong pang aabuso lang ang napala ko. A-At kapag nagsumbong ako, paano kung hindi nila ako paniwalaan? Kung isipin nila na nagsisinungaling lang ako at gumagawa ng kuwento? Kahit si Tiya Poleng, alam ko na hindi niya ako paniniwalaan. Kilala niya si Tiyo Dan na

  • Defend Me, Ninong Azrael   KABANATA 1: Gabi ng Libing, Gabi ng Lagim

    ISANG linggo mula nang biglang mamaalam si Mama. Nailibing na rin siya kanina pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap iyong nangyari. Parang ang hirap paniwalaan."Lara, kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako palagi, ha? Laging bukas ang bahay ko para sa iyo.”Tango lang ang nakaya kong isagot sa sinabi ni Ate Weng. Niyakap niya pa ako bago siya nagpaalam sa akin. Gumanti rin ako ng mahigpit na yakap, para bang ayoko na siyang paalisin.Nanatili pa ako sa harapan ng puntod ni Mama hanggang sa magdilim. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakatitig sa mukha niyang sa tarpaulin ko na lang nakikita.Hanggang pag uwi ko sa bahay, hindi ko pa rin mapigilan na maiyak. Gustuhin ko mang huminto na, hindi ko magawa. Parang may sariling isip ang mga mata ko na patuloy lang sa pagluluha."Tumigil ka na sa kadramahan mo. Kahit anong iyak mo, hindi na mabubuhay ang mama mo.”Tumingin ako kay Papa na hindi makapaniwala. Wala akong makitang ekspresyon sa mukha niya. Parang hindi m

  • Defend Me, Ninong Azrael   PROLOGO

    “AYOKO na ng ganito, Carlos. T-Tama na, itigil na natin ito. D-Diring-diri na ako sa sarili ko! Ang dumi-dumi ko na. A-Ayoko na—” *Pak! Napaatras ako at kinabahan. Iyong sumigaw kanina, si Mama iyon. At malamang, siya rin iyong dinapuan ng malakas na sampal na pumutol sa pagsigaw niya. Imbis tuloy na dumiretso ako sa pagpasok sa bahay, iniwanan ko na lang iyong bag ko sa papag na upuan at nagmamadali na akong umalis ulit. Hindi naman ako lalayo dahil sa tindahan lang ako ni Ate Weng pupunta—isang bahay lang ang pagitan noon mula sa bahay namin. “Ate Weng, patambay muna po, ah? Mainit na naman sa bahay, eh,” makabuluhang sabi ko sa may-katabaang babae na nasa mid-fifties na ang edad. Abala siya noon sa pag aayos ng mga alak na paninda niya. Lumingon agad siya sa akin at ngumiti. Tinigil niya rin saglit iyong ginagawa niya para lang lapitan ako at pagbuksan ng pinto. “Sige ba, walang problema. Ikaw pa ba? Dito ka muna,” aniya na ikinangiti ko. “Nag meryenda ka na ba?” Umiling ako

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status