Share

KABANATA 1

SAN GABRIEL 

"Yacinda! Naku huwag ka ng humawak diyan. Bumalik kana ng Mansion!"

Galing kay lola ang boses. 

Sa bawat bakasyon ay dumarating dito sa San Gabriel ang mga batang Montiel. Excited na akong makita silang muli. Ang sabi ni Donya Diana ay pati ang kanyang bunsong anak ay kasamang magbabakasyon. Hindi ko pa kailanman ito nakita kaya medyo kinakabahan ako. Balita ko ay mas may edad ang unang apo ng Don at Donya kesa ito. Sobrang bait ng mga Montiel dahil sila ang nagpapa-aral sa akin at okupado ko ang isa sa mga silid sa Mansion kahit na ilang beses ko ng sinabi na hindi na kailangan pa ng Donya na pag-aksayahan ako ng oras at pera ay hindi parin siya natigil.

"Ate Mae, totoo po bang darating ang bunsong anak ni Donya Diana?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay. 

"Oo at pati rin lahat ng ibang anak ng Don at Donya. Doon ka muna sa iyong silid o 'di kaya ay tulungan mo sina Manang Sora sa pagbalat ng mga gulay sa dirty kitchen." 

Agad naman akong sumunod kay ate Mae. Excited na akong makita muli sina ate Avikah at si kuya Calibre at mga iba pa. Apat na lalaki ang anak ng Don at Donya ngunit tanging ang magulang lang ni ate Avikah na sina Ma'am Avelyn at Sir Karlos ang nananatili dito sa Mansion nitong nakaraang taon. Lahat ng ibang anak ng Don at Donya ay pawang nasa Manila, Iloilo, Davao o Cebu na. Sina kuya Driego at Queziah lamang mga apo ng mag-asawa na ninais na dito nalang sa probinsya mag-aral ngunit tuwing weekend lamang din kung umuwi ang mga ito. 

"Manang Sora, dito nalang po ako tumulong sa inyo para magbalat ng gulay hindi po ako gusto nina lola at ate Mae sa labas," saad ko. 

Natawa ito sa akin at ibinigay ang cutter. Nagsimula akong magbalat ng patatas dahil wala pang masyadong nababalatan. Busy lahat ng mga trabahador ng Mansion. Ang ibang mga tauhan ay galing pa bayan lalo na ang mga nag aasikaso sa catering. 

"Mamayang hapon pa naman darating ang ating bisita pero mabuting maihanda na natin lahat. Isa pa ay taunang selebrasyong pasasalamat ng ating amo ngayong buwan kaya pinagsabay na nila sa pag-uwi ng kanilang mga anak at apo kaya bilis bilisan nating ihanda itong mga gulay dahil ang sabi ni Waldo ay unang isasalang ang kaldereta. Alam niyo namang iyan ang aking paborito," sabi ni Aling Marta, ang asawa ng tagapangalaga sa mga alagang hayop ng hacienda. 

Tumawa kaming mga mas bata kasama si Manang Sora. 

"Aling Marta may turkey curry ba tayo ngayong taon? Sobrang sarap ng luto niyo noong nakaraang taon, iyon ang pinaka nagustuhan ko syempre masarap lahat ng handa dahil ang gagaling niyo magluto," turan at tanong naman ni Betty. 

Isa si Betty sa mga malapit sa akin. Minsan ay sila nina Maimah, Veniz at Paula ang kasama ko sa aking silid lalo na tuwing may mga assignments kami. Wala namang problema kina Don at Donya iyon lalo na at parang apo na daw kami ng mga ito bukod kay ate Avikah. Wala rin lang halos nakatira sa mga silid ng Mansion maliban sa silid na okupado ko, silid ng mag-asawa at nina kuya Driego at Queziah kaya maluwag ang Mansion. Minsan ay dito rin pinapatulog ng mag-asawa ang mga bumibisitang mga kaibigan o kakilala nila. Ang hacienda kasi ay isa sa mga lesensyadong pasyalan at kung saan pwedeng mag OJT ang mga kumukuha ng kursong agrikultura sa mga pamantasang sakop ng probinsya. 

"Kayo ha, magbihis bihis kayo ng maayos mamaya dahil darating din sina Governor, Congressman, Mayor at ilang mga kilalang tao sa karatig bayan. Marami rami kayong aasikasuhing bisita rito," si Aling Rosa habang nagbabalat ng patatas.  

"Ma, darating ba ulit yung anak ni Governor?" ani ate Lilac.

"Ikaw Lilac ha, naku sa tingin mo papatulan ka nun. Anak, tignan mo naman estado natin sa buhay. Ayusin mo nalang iyang pag-aaral mo," sambit ni Aling Dindin.

"Ate Lilac, hindi ba yun yung tumulong sa atin sa La Cita noong naligaw tayo?" tanong ko kay ate Lilac. 

Minsan ay sinama niya kasi kami sa La Cita kung saan ang capitol ng probinsya. Isa ito sa tatlong syudad na matatagpuan sa buong probinsiya ng Catalina. 

"Pogi, hindi ba Yancinda?" biro sa akin ni ate. 

Napahalakhak kaming lahat na kabataan dahil sa sentimyento ni ate Lilac. Hindi ko pa makakalimutan iyon. Halos himatayin na kami sa paghahanap sa daan pabalik kung kami galing ni ate Lilac. Sumama pa ang tatlo kong kaibigan dahil ang sabi ni ate Lilac at Violeta na ipapasa lang nila ang isang mahalagang dokumento sa capitol sa office ni Governor para sa taunang Autocross na gaganapin dito sa San Gabriel. Si ate Lilac kasi ang isa sa mga organizer ng event kaya't siya mismo ang nagpasa at nag-aasikaso sa mga dokumento. Naabutan namin ang tanghalian kaya minabuti naming kumain ngunit na pasyal muna kami sa loob ng malaking mall at kalauna'y bumalik sa office ng Gobernador. Habang nasa office si ate ay may nagsalita sa gawi ko. 

"Anong ginagawa niyo rito, Yacinda?" 

Si kuya Queziah ang nagsalita. May kasama na marahil ay mga katrabaho sa OJT. 

"Sumama kami kay ate Lilac may papapirmahang dokumento kay Governor para sa taunang rally cross kuya Queziah," walang prenong tugon ko. 

"Oh, shit! Sandali lang ha. Yan pala ang sinasabi niya sa akin noong nakaraang uwi ko..." 

Bumaling ito sa kasama at may sinabi bago umalis. Naiwan ang isa sa kanyang mga kasama kung kanino niya ibinigay ang tambak tambak na mga papel. 

"Kaano ano mo si Montiel?" tanong sa akin ng lalaki.

"Boyfriend ko," hagikgik ni Veniz.

Napatawa tuloy kami habang nagtinginan nina Paula at Maimah.

Sinaway kami ng lalaki. "Huwag kayong maingay baka palayasin tayo dito. Hindi nga? Wala manlang sinasabi iyang si Queziah. May kasing witty niyo ba? Ilakad niyo naman ako," aniya.

"Kuya alam mo bagay kayo ng ate Lilac namin," Paula cut in. 

Bumalik na si kuya Queziah at may dalang folder. Tinawag niya rin niya ang lalaki habang dumiretso ito ng lakad. Darius Razon ang pangalan ng lalaki at anak ni Governor Daryl Razon ayon sa pagpapakilala niya kanina. Hindi pa nakakalayo ang mga ito ay nakasalubong na nila si ate Lilac. Bumalik sila kuya at umupo sa bench sa harap namin. Tinuturo turo ni Darius si ate Lilac at nag thumbs up. Nagtinginan naman kaming apat ngunit pigil ang paghalakhak. Nag usap pa ng konti sina ate Lilac at kuya Queziah marahil ay tungkol sa autocross iyon. Sa isang dulo kasi ng hacienda ng mga Xexon iyon gaganapin dahil sa ang bunsong anak ng Don ay isa sa kilalang nangangarera dito. I already watched her drag race once pero hindi ko na inulit pa.  

"Naalala ko iyon, siya iyong tinalo mo sa rally noong nakaraang taon Lilac, hindi ba?" tanong ni Manang Sora. 

"Siya nga po..." tipid na sagot ni ate Lilac.

Nagpatuloy ang aming pagbabalat ng gulay hanggang magtanghalian. Itinuloy namin iyon at natapos ng mga alas dos pasado tamang tama dahil dapat daw ay alas tres ay simulan ng maghain upang matapos bago mag alas sais. Tumulong din ako sa iba pang gawain gaya ng pag-aayos ng mga silya sa lamesa at paglagay ng mga utensil. Buffet type ang ginawa para sa okasyon mamayang gabi. Sa hacienda palang ay mahigit singkwenta pamilya na ang siguradong darating hindi pa kasali ang mga ibang inanyayahan ng Don at Donya. Puno ng upuan ang napakalawak na hardin ng Mansion. 

Hindi namin namalayan ang oras at mag a-alas sais na pala. May mga naunang bisita ring dumating kanina, kaya't sa loob muna sila ng Mansion namin pinatuloy.

"Mag-ayos na kayo. Kami na ang bahala rito Yacinda, Lilac. Kayo din. Nariyan na rin ang mga anak ng Don at Donya sabi ni Kanor. Kilos na mga anak,"  si Aling Esme iyon. Ang nanay ni Betty.

Iniwan na namin sila. Kumuha ako ng gamit para sa ang aking sarili, sa kwarto sa Mansion, kanina nagpa alam ako kay Donya Diana na ipagamit ang silid sa mga bisita. Makikitulog nalang ako kina ate Lilac ngayong gabi. Hindi pumayag ang Donya ngunit napilit ko siya. Ang sabi ay ipapagamit lang aking silid kung ang mga silid ng hindi uuwing bisita ay wala na talagang magamit na kwarto.  

Sa maid's quarter kami naligo lahat. Pinili kong isuot ang isang simpleng old rose na dress, lampas binti ko iyon. Isa ito sa regalo sa akin si ate Avikah noong nakaraang dumalaw siya rito. Binigay ko rin sa aking mga kaibigan ang ibang mga damit na pinagbibili ng Donya para sa akin. Hindi ko naman masusuot lahat ng mga iyon sa sobrang dami. Minsan ay nahihiya akong nagsabi na huwag niya akong bilhan ng mga damit. Puro kasi branded ang mga iyon. Ang mamahal! Nahihiya ako dahil libre na aking tuluyan sa Mansion at pag-aaral. Hindi rin iba ang trato ng Don at Donya sa mga tauhan at anak ng tauhan nila. Hindi nakakapagtakang makikita mong may kalakihan at kongkreto ang mga bahay ng lahat ng trabahador ng hacienda dahil parang mga anak ang turing ng mga ito sa lahat. Ang iba ay nakapagpatapos na ng mga anak, at sa ibang bansa na piniling manatili. 

"Ang ganda talaga ng tela ng mga damit mo Yancinda, branded pa!" puri ni Maimah. 

"Sinabi mo pa. Salamat naman at nakikinabang tayo palibhasa ay wednesday lang ang non-uniform day natin sa school," sagot ni Veniz.

"Sabi sa akin ni Jayjay nakita niya raw kanina yung bunsong anak nina Don. Sobrang gwapo daw niya sa personal. Ibang iba sa larawan niya na nasa hagdan ng bahay," turan naman ni Paula. 

"Kayo diyan lumabas na kayo at ang ingay niyo."

Si Lola iyong nagsalita.

Naunang lumabas ang tatlo at naiwan kaming dalawa ni Lola. Pinagsabihan niyang sa kusina dumiretso ang mga ito, at hindi sa mga kung nasaan lalo na't puno ng mga bisita ang Mansion.

"Yacinda. Ikaw ha, huwag kayong sasali sa upuan ng mga bisita iha, tulungan mo sina ate Mae mo sa paghahanda dadala ng mga pagkain." 

Sumunod ako sa habilin ni lola. Naabutan ko ang aking mga kaibigan sa kitchen. Kasama sina ate Lilac at ate Mae. Meron din doon ang mga kasama naming nagbalat ng mga gulay kanina pati narin ang tauhan ng catering na nahire para sa event na ito. 

"Pasensya na ho kayo ha, kulang kami sa tao ngayon dahil may mga event din na pinuntahan ang ibang kasama namin. Biglaan kasi kaninang umaga ang tawag ni Donya Diana. Mamaya pang madaling araw makakauwi rito ang mga tauhan ko," paliwanag ng may-ari ng catering services. 

"Okay lang ate, magdadala lang naman kami ng mga pagkain sa may buffet table." 

Sinimulan na naming magdala ng ibang lutong pagkain magmula sa main dish hanggang sa panghimagas. Halos ayos na lahat. Nagsasalita na rin ang MC sa may entablado. Dahil halos puno na ang mga upuan. Nagpaalam ako kina ate na iihi lang ako saglit dahil ihing ihi na ako. Pumasok ako sa loob ng Mansion at pumunta sa pinakamalapit na cr ngunit hindi ko na itinuloy ng makitang may lalaki at babaeng lumabas galing doon. Minabuti kong sa cr nalang ng dirty kitchen umihi. 

"Miss saan yung pinakamalapit na comfort room dito?" 

Tumingin ako sa nagtanong. Isa ito sa mga bisita dahil sa gara ng damit nito. Sinabihan kong sumunod sa akin at itinuro ko ang powder room kung saan ko nakita ang kababalaghan kanina. Pwede na ba iyon? Sabay lumabas ng cr ang babae at lalaki sa isang cr?

Iniwan ko siya ng makapasok na sa loob ng cr. Minabuting bumalik sa may buffet table. Naabutan kong naka upo na sina Paula. Tinawag nila ako upang umupo sa kanilang hanay. Ang Don ang nagsasalita naman ngayon patungkol sa pagdating nina Sir Karlos at iba pa. Hindi ko na sila nasalubong kanina, hindi ko rin nakita sina Calibre at ang bunso ng mga Montiel baka nasa paligid lang dahil nakita na ni Jayjay. Laking syudad iyon, ang kwento sa akin ng Donya ay simula sampung taon ito ay doon na raw ito Manila nanatili o dikaya ay sa Playa Caleta. Ayaw daw nito dito sa Catalina kaya sina Don at Donya Diana ang palaging dumadalaw sa kanya. Maging noong unang salta ko dito ay hindi ko kaylanman nasilayan ang lalaki. Menopausal baby ito sabi ng mga tauhan. Nasa late forty o singkwenta na mahigit ang Donya ng ipanganak. Ayon sa kanya ay nauna pa si kuya Queziah rito dahil si Sir Leon ang unang nag-asawa sa apat na magkakapatid. Napatingin ako sa nagsasalita sa harapan ang MC iyon at sinabing tumayo kami para manalangin. It's already quarter to seven in the evening. Matapos manalangin ay tinawag kami nina ate Mae. 

"Mamaya na tayong kumain kung tapos na ang mga bisita. Paunahin narin ninyo iyong mga bata." 

"Gutom pa mandin ako," lintaya ni Betty. 

"Halika nalang Betty. Paunahin na natin ang mga bata," sambit ng isa sa mga anak ng trabahador. 

"Tara na Betty," ani ko. 

Hinanap namin ang mga bata na anak ng mga trabahador ng hacienda at pinaupo namin sila. Kami narin ang nag asikaso sa pagkain ng mga ito para mas maging maayos at hindi na sila mahirapan pang pumila sa may table. Ang ilan sa mga trabahador ay kusa ring tumulong upang magdala ng pagkain sa mga bata. 

"Ang ganda ganda mo talaga Yacinda. Kapag pwede kanang ligawan, ligawan kita ha?" biro sa akin ni Kaloy. 

Narinig iyon ni Aling Dindin, "Ikaw Kaloy ha, mag-aral ka. Malay mo banyaga pa madekwat mo pagnaglaon. Itong batang ito oo, iyang ganyan ay hindi pwede dito!" 

"Ayan kasi Kaloy. Aral muna tayo ha?" si Betty, habang natatawa. 

Alam kong biro lamang iyon ni Kaloy, nasanay na ako sa kanya. Minsan ay nakikisabay nalang ako sa biro niya. 

Matapos naming maghatid ng pagkain ng mga bata ay kumain na rin kami.

Napadpad ako sa may bandang greenhouse at may narinig na mga boses na mukhang nagkakasiyahan. Baka bisita ng mag-asawa ang mga iyon, pero mga boses ng kabataan ang naririnig ko. Baka mga anak ng mga bisita...

"Huwag kang pumasok, Yacinda, baka mamaya ay mapahiya ka sa loob. Mga prominenteng tao ang bisita dito ngayon," I reminded myself.

Bumalik ako sa kung saan ang pagtitipon. Masyadong maraming tao at sa unang bahagi ay ang mga bisita kasama na rin ang mga anak at apo ng Don at Donya. Sumusubo ako ng pagkain ng may nagsilata sa aking tainga,

"I knew it. The most beautiful among the girls is here!" 

Napalingon ako at pinanglakihan ng mga mata.

"Kuya Fourth!"

"Hindi kita mahanap kanina. Sabi ni nanay Ana nandito ka raw kaya pinuntahan kita." 

Bumati ang mga trabahador kay kuya Fourth maging sina Paula. 

"Sir Calibre, maganda din naman ako diba?" salubong na tanong ni Maimah. 

"Oo naman Maimah. Tsaka huwag Calibre, ang pangit pakinggan, Fourth nalang. Paupo ako rito ha, dito ako makikikain. Namiss ko na ang kapatid ko eh." 

Umupo ito sa tabi ko at kumuha ng pagkain niya. 

"Hindi kaba hahanapin sa table niyo? Mukhang may mga importanteng bisita ngayon," tanong ko.

"Nagpaalam ako kay Lola tsaka na miss kita. May pasalubong kami ni ate Avikah para sa'yo. Mamaya nasa kwarto." 

Tumango tango ako. 

Habang kumakain ay nakikipagbiruan ito sa aking mga kaibigan at sa mga bata. Nagkwento rin ito ng mga bagay bagay tungkol sa kung anong meron sa Manila. Matapos kumain ay nagpaalam ang karamihan sa mga trabahador lalo na may mga batang anak na dala at may mga medyo may katandaan na. Tumulong ako sa pagaayos ng mga upuan at pinagkainan ng mga bisita. Dumating din naman ang mga iba pang tauhan ng catering services at sila na ag nag ayos ng karamihan sa mga upuan at mesa. Ang ibang mga bisita gaya nina Governor ay dito na magpapalipas ng gabi. 

"Yancinda, sama ka sa loob. Ibibigay ko sa'yo iyong pasalubong mo," turan ni kuya Fourth. 

Sa backdoor ng Mansion kami dumaan. Sa tabi ng silid ni kuya Driego ang kwarto ni Calibre doon na talaga ito natutulog tuwing nagagawi rito sa Mansion. Kumatok ito bago binuksan ang pinto. May tao siguro sa loob.

Pag pasok ko ay sumalubong sa akin si ate Avikah, "Oh my Goodness!!! You look so gorgeous! Sinong nag ayos sa buhok mo?" 

"Ate naman kung maka, oh my Goodness!" Fourth mimic ate Avikah's tone, tumawa lang naman si ate. 

Tumingin ako sa ilang paper bags at isang nakabalot na box.

"Ikaw ang una naming naisip," pahabol ni ate Avikah. 

"Ate, ang dami naman po nito... Kuya Fourth?" sambit ko.

"Baby, yung ka molmol ko, mamahaling phone ang regalo, kapatid ko pa kaya?" sabi ni kuya Fourth. 

"Sino na naman yan ha, Fourth?!" medyo high-pitch na tanong ni ate Avikah. 

"Who else? Edi yung kapatid ni Maddie," saad kuya Kaixel na nasa balcony.

Pumasok ito sa loob at niyakap ako. 

"Ang tangkad mo na ah, ilang buwan lang akong di dumalaw dito parang dalaga kana, Cindy. Sasabihan ko na ba si Queziah at Driego na bakuran ka nila?" biro niya. 

"Si tito nasaan?" singit Kuya Fourth bago ko masagot ang biro ni kuya Kaixel.

"Hindi ko alam baka nasa baba kasama nina Lola," it's ate Avikah while busy on her phone.

Lumipat kami sa may balcony doon kami nag usap ng mga bagay bagay. Naikwento ng mga ito na dito muna sila ngayong bakasyon pati na rin ang bunsong anak nina Don kasama ang mga kaibigan nito. 

"Si tito ayaw pa sumama kung hindi kamasa iyong Sabrina na iyon. I told him I don't like that girl. I have a feeling he's just using tito. Those Cabrals are sneaky..." sabi ni ate Avikah. 

"Avikah, your mouth. He is not a child anymore. Hayaan niyo siya sa gusto niya," sagot naman ni kuya Kaixel. 

"Mas nauna parin ako sa kanya Kaixel," agap ni ate.

"Ilang araw lang ate. Saka sinasabi ko sa'yo panigurado she's just a flavor of the month. Tsss!k tsssk! women," linya ni Fourth.

Hindi ko alam ang pinagsasabi ng mga ito, pero ang alam ko lang ay ayaw ng mga ito sa bisita ng tito nila. Hindi ko pa man ito nakikita sa personal ay parang mga gaya nina Gordon ito. Mga lalaking dapat ay layuan ng mga babae.

Kung anu-ano pa ang aming pinag-uusapan, tungkol sa mga pag aaral nila, trips nila at iba pa. Ako naman ay nagkwento sa nangyari nitong nakaraang taon tungkol sa rally cross, hanggang sa may kumatok ng pinto. Si ate Avikah ang nagbukas ng pintuan. 

Ang tinig ng mayordoma ng Mansion iyon, "Mga anak, pinapataas ng Lola ninyo."

"Kaixel, paki tulungan ako. We have night snacks here!" 

Tatayo na sana ako ng pinigilan ako ni kuya Kaixel, "Ako na," aniya at tuluyan na siyang tumayo. 

"Hayaan mo na sila. We are the youngest. Wait lang ha, I'll text kuya Queziah and kuya Driego. Para mas masaya naman. Hayaan ko na si Kaiden at tito bahala sila!"

Nagtipa na siya sa kanyang phone. 

"By the way do you have a social media accounts, baby?" 

"Wala pa po. Ayaw akong pagamitin ni Lola ng cellphone. Kapag nasa kolehiyo na daw po ako." 

"That's valid so that you can concentrate on your studies," tipid niyang sagot.

Baka daw kapag matutunan ko may magligaw sa akin o hindi kaya ay magbago ang grado ko.

"That's right!" I agree with kuya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status