Share

KABANATA 5

SAVE

"Sure po kayo Sir? Kailan pa po kayo kumakain na ng watermelon? Mabuti at hindi ko pa nabalatan ang pinya." 

"Yes. Iyon lang. Since I came here," sagot ng huli. 

Bumaling siya sa akin at pinagtaasan ulit ako ng kilay bago umalis ng kusina. 

Ang sungit sungit mo! 

Nakakahiya! Ano kaya ang nasa isip niya? Baka sabihing inaabuso ko sila. Pagkain naman ito hindi kung anu-ano. At siya ang bastos. Watermelon, my ass! 

"Nakalimutan kong hindi nga pala gusto ni Sir Kaixus ang ganitong pagkain," lintaya ni ate Mae.

Bilang pasasalamat kay ate Mae ay sinabi kong ako na ang gagawa sa fruit salad na pinapagawa ni Sir Kaixus. 

"Ate ako na po ang gagawa ng fruit salad," boluntaryo ko.

"Sigurado ka, Yacinda? Okay lang ba? Pasensiya na ha," aniya.

"Okay lang po ate, wala naman po akong gagawin at nabusog po ako sa kutsinta. Maraming salamat pong muli," muling pasasalamat ko.

"Sige sige tignan mo na ang mga ingredients ng fruit salad. Iyong nestle cream ay nasa may unang overhead cabinet." 

"Sige po." 

Agad agad kong inihanda ang mga gagamiting ingredients na para sa fruit salad. Mga prutas ang una kong inihanda. Hinugasan at binalatan tsaka hiniwahiwa ng sapat para manguya at malunok. 

"Lagyan mo ng raisins at ubas iyan Yacinda, ganoon ang timpla na gusto ni sir, walang kahong o galing sa delata ang dapat mahalo. Iyang pinya nalang ang gamitin mo. Joke lang niya iyong kanina, alam kong biro lang niya iyon." 

"Sige po ate." 

"Ako na ang magbabalat ng pinya. Punta ka sa ubasan kumuha ka ng hinog na ubas. Kakaubos lang pala ng ubas na narito kanina." 

"Sige po." 

Agad akong magmadaling pumunta ng kuwadra at inilabas si Thunder. 

Hinaplos ko ito bago binulungan, "Labas muna tayo para manguha ng ubas sa ubasan. Sampung minuto lang naman, Thunder." 

Sumakay na ako rito at pinatakbo ng medyo may kabilisan upang maabutan kong maaga si ate Mae. May isinasasalang pa kasi itong iba pang pinadagdag nilang panghimagas. Leche flan ang ipinahabol ni ate Avikah kanina. Ito na sana ang gagawa pero pinaalis ito ni ate Mae dahil nakakahiya daw. 

Wala pang sampung minuto ay nakarating ako sa ubasan. Mabuti at naabutan ko pa ang ilang trabahador doon. Hapon na kasi kaya mangilanngilan ang mga natira sa field karamihan ay naka-uwi na sa kani-kanilang bahay o di kaya ay sa mga quarter ng mga ito. 

"Ma'am may kailangan po kayo?" Salubong sa akin ng isa sa mga trabahador na nandoon pa. 

"Kuya kukuha lang ako ng ubas, mga sampung kumpol siguro. Para lang sa hapunan nila sa Mansion," ani ko.

"Sige po. Tulungan ko na po kayo. Ako na po ang kukuha." 

May inilabas itong gunting at tumingin tingin sa mga prutas. Agad naman itong nakapitas at nagdagdag pa ng ilang kumpol. 

Nagmamadali akong sumasakay kay Thunder at nagpasalamat kay kuya. 

Saktong sinasalang na ni ate Mae iyong leche flan. Nabalatan na rin niya iyong pinya. Madali kong hinugasan  dala kong ubas. Ang iba ay inilagay ko sa fruit salad ang natira ay inilagay ko sa tray para ihain na ganun nalang. 

"Ate okay na ba iyang puto at kutsinta? dadalhin naba sa hapag-kainan?" tanong ko kay ate Mae.  

"Oo, sige dalhin mo mga iyan. Unahin mo iyang puto." 

Kinuha ko ang isang bilao ng puto at ipinunta na nga sa hapag-kainan. Nakalatag narin ang ibang panghapunan na naluto kanina. Ma aalas sais na rin kasi kaya tamang-tama na para sa oras ng kainan sa Mansion. Sana'y silang kumain ng maaga. Kapag  minsan naman ay masyadong late na gaya ng mga European. Mga alas nuebe na kung kumain ng panghapunan. 

Maya-maya pa ay nagsidatingan na silang lahat. Umupo ang Don at Donya sa kani-kanilang pwesto pati na rin ang iba. Nawawala si sir Kaixus, siguro ay pababa na rin ito. Dito sa garden ang ipinarequest ng Donya na paghandaan ng kanilang hapunan. 

Kaway ng kaway sa akin si ate Avikah na umupo sa tabi niya pero ipinipilig ko ang aking ulo. Nakakahiya naman kung makikikain ako. Paalis na sana ako ng mag salita ang Donya. 

"Umupo kana Yacinda," aniya ng nakangiti.

Nahihiya man ay sinunod ko siya. Ngumiti ako pabalik. Nagsimula na ang kainan ngunit wala parin ang isa sa kanila. Mukhang wala naman iyon sa matandang mag-asawa baka nagpa-alam ang anak nila o kaya ay alam nilang may ginagawa ito kaya hindi na ito ipinatawag pa. 

"Kumain ka ng marami, Yacinda," bulong sa akin ni kuya Calibre. 

Pinagitnaan nila ako ni ate Avikah. Tanging tango lamang ang aking naging sagot sa sinabi nito. 

"Ma, are you sure they can settle it tomorrow?" pagsisimula ng usapan ni Sir Leon nang kumakain na ang lahat ng panghimagas.

"Of course Leon, Kaixus is there, may tiwala ako sa kapatid at anak mo," ngumiti ang Donya kay ate Avikah.

Ngumiti pabalik si ate Avikah sa Lola niya at sa tumingin kanyang tiyuhin, "Mana ako sa iyo Daddy Leon, eh," pagmamalaki pa niya. 

Napangiti rin maging ang Don at si Sir Leon. Magaling naman talaga si ate Avikah. Nakita kong marami itong mga medals at scholar ito noong nag-aaral. Dad ang tawag niya kay Sir Leon dahil ito at ang asawa niya ang nag-alaga kay ate Avikah noong baby pa ito. 

"Sama sila bukas Lola, Ipinaalam ko na po si Yacinda. Maging si Paula at iyong kapatid niyang si Jayjay. I also needed the assistance of Lilac and her team," lintaya ni ate Avikah.

"Okay, iha. Mag-iingat kayo. Should I let Lando to be driver instead?"  

"No need na po. Nandiyan naman ang mga boys. Kaya na po namin at nakaalalay naman si tito just in case." 

"Okay. Agahan ninyo para hindi makapagpahinga kayo." 

Bumaling ang Donya kay kuya Kalyl, "Ikaw na ang bahala sa mga pinsan mo bukas iho." 

"Opo, Lola," simpleng sagot ng huli. 

"Ipa akyat ko nalang ang pagkain ni Kaixus mamaya. May inaasikaso pa ata ang isang iyon hanggang ngayon dipa bumaba." 

"Ako na po ang mag-aakyat ng pagkain ni tito," pagboboluntaryo ni ate Avikah.

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan pa sila. Pinasimulan ito ng Don. 

"Leon do you remember, when Arthur was born you said he is your puppy and you want more like him. You were so found of your brother na gusto mo ikaw ang magbuhat sa kanya kahit ang liit ng kawatan mo." 

"Even when Xandros was born and Kaixus. You were always with your brothers. Ngayon naman ang apo ko ang parang ikaw." 

"Of course, Papa kanino ba kami magmamana kung hindi sa inyo."

"Very well, said." 

Napunta sa ibang usapan ang mga  sumunod na paksa doon medyo sensitibo at mga matatanda lang ang nag-uusap usap. Kami nina ate at iba pa ay pumasok na sa living room. 

"Samahan mo ako, Yacinda. Kuha lang tayo ng pagkain ni tito." 

Sinamahan ko nga ito sa kusina. Agad na nagsalin ng mga pagkain sa tray si ate Avikah. 

"Ano pa kaya ang gusto ni tito. Hindi naman iyon mapili kaso kung ayaw niya, talagang hindi mo mapipilit," saad ni ate Avikah.

Bumaling sa akin si ate, "Do you think, tito will like this pinakbet? I saw him requested it to the restaurant's chef one time in London. Pinoy din naman ang may-ari, mabuti nalang at pati yung chef pinoy din." 

"Oo naman po," sagot ko sa tanong niya sa akin.

Puno ang isang tray at hawak iyon ni ate Avikah, nasa kwarto na raw niya si sir Kaixus. Malapit na kami roon ay nag ring ang aparato sa bulsa ni ate Avikah kaya pinakuha niya iyon sa akin. Peniel ang pangalan ng tumatawag. Ibinigay ni ate tray sa akin. 

"I'm sorry, Yacinda. I need to take this call. It's an emergency. Paki dala ito kay tito. Thank you so much. Pakisabi nalang sa kanya that Peniel called," aniya at naglakad na ito palayo.

Naiwan akong nakatayo roon. Medyo lito pa. Bakit biglang ako ang magbibigay ng pagkain ni sir Kaixus? 

Wala akong magawa kung hindi ay maglakad patungo sa pintuan nito. Kumatok ako ng isang beses at sinabing maghahatid ng pagkain. Medyo nakabukas ang pintuan kaya ay rinig ko ang salita mula sa malayong parte sa loob ng kwarto. 

"Come in. Put in on the table at the balcony. Thanks." 

Pumasok na nga ako. Gamit ang kaliwang paa ko ay isinara ang pintuan. Maluwag ang kuwarto ngunit bakit parang masikip para sa akin at abot abot ang aking kaba. Dumiretso ako sa balcony at inilapag sa isang round table ang mga nasa tray na hawak ko. Naramdaman ko ang prisensiya ng nagmamay-ari ng kwarto. 

"I thought it's my niece but it's you..." maikli, ngunit puno ng laman na saad niya. 

"Pasensiya po, tumawag si sir Peniel kay ate Avikah kaya ako nalang ang nagdala," 

abot dibdib na kabang ani ko, talagang putol-putol ang salita at napalunok pa ako pagkatapos. 

"Why nervous when with me? I can feel it..." bulong niya sa aking kaliwang tainga mula sa aking likuran.

"Uhmn..." Tanging na nasambit ko dahil sa nerbyos. 

Itinukod ang kanyang dalawang kamay sa mesa para magpantay kaming dalawa. Rinig ko ang hininga niya kahit sa aming distansiya maliban sa kabog ng aming mga dibdib dahil sa tahimik na sulok ng kanyang kwarto. Ang hatid niyon ay kakaibang bagay sa akin. It's an intense feeling that's beyond my control. 

Mas lalo lumalakas ang kabog ng aking dibdib kaya napilitan akong umatras ngunit nabangga ako sa napakatigas niyang dibdib. 

"Not so fast," aniya, hinawakan ako sa bewang kaya ay medyo napaatras pa ako, "Do think you can change your surname into mine, hmn? Who among my niece Yacinda, Calibre?... Driego? Or Kaixel?" saad niya.

Litong-lito ako, I'm 17, young but I can understand those words and it hits me hard.

How dare this man! Kahit mas matanda siya sa akin ay wala akong pakialam. Bumaling ako paharap sa kanya kaya nabitawan niya ang pagkakahawak sa aking tiyan at napaatras din ng kaunti. 

"Wala akong balak tungkol sa sinasabi mo," I look at him straight through the eyes for the first time.

Ang kaninang kaba ay napalitan ng galit. "Are you out of your mind?!" I half-whispered unbelievably. 

Tumaas ang kilay niya at kumunot ang noo, "Who then, my brothers? My father?" 

Naglakad siya palapit kaya napaatras ako hanggang bumangga ang aking likuran sa dulo ng mesa. 

"Enlighten me little miss," aniya, "because you can never be one. My mom maybe fun of you, so is my Dad and my brothers, but I don't think I want to be with you in one table unless..." tumingin siya sa bed at saka tumingin sa akin at ngumisi.

Masakit ngunit pilit kong nilunok ang salita mga salita niya. Gustong mahulog ng mga luha ko ngunit parang nahihiya at nangingibabaw ang galit sa aking dibdib. 

"Kung ano ang siyang bait ng mga magulang at kapatid mo, siya ang ikinasama mo! Kahit kailan wala akong balak. Ayoko rin hong makisalo kayo sa mesa, kung kayo ang kaharap ko mabuti pang sa mga trabahador ako makisamang kumain!" 

Sa sobrang galit ko ay napalakad ako palapit sa kanya. Alam ko ang tingin niya sa akin. Kauri ng mga babaeng gustong makaahon sa masalimuot na pamumuhay kaya ginagawang investment ang kanilang katawan.  

"Are you threatened that in any seconds, my surname will be like you, Sage?" gamit ang naipong lakas ng loob ay ibinulong ko sa kanyang kaliwang tainga. 

Talagang tumukod ako sa magkabilang balikat niya para lang masabi ko ang patuya at mapatunayan na hindi niya ako basta-basta kaya na alipustahin. 

"Tell me, have you dreamt of me, changing my surname to yours using them, or using you? Hmnn?" Hamon ko. "How do I look on your bed calling your name, Sage?" bulong ko sa kanya sa mas malambing na paraan habang nakayakap sa kanya para lang mas maabot ko ang kanyang tainga. 

Ramdam ko ang init ng kanyang kanang kamay sa aking likod pero mas matimbang ang nararamdamang galit sa kanya. Nayakap pala niya ako, siguro ay para hindi ako matumba at ng mas marinig niya ang sasabihin ko. 

I can feel his breathing. It's heavier than the usual. Sinalubong ko ang kanyang mga mata.

Tingin mo sa akin ay mababa, Montiel?! Hindi ko kailan man gagawin na ibenta ang aking katawan para lang pera. Tandaan mo iyan at kung noon ay pinapangarap ko ang apilyedo mo, pwes, ngayon ay sisiguraduhin kong hindi kailanman magkalapit ang pangalan ko sa iyo! 

Noong bata ako, hindi ko ipinagkakaila na idinidugtong ko ang apelyido niya kasunod ng aking pangalan. Parang napakaganda at akmang-akma. Pero habang lumalaki ako ay tanggap ko ang katotohanan. Malasakit at kabaitan ng matandang mag-asawang Montiel ang dahilan kung bakit ko naranasang hindi lumaki sa hirap gaya ng mga anak ng trabahador ng hacienda. I was pampered. Favored and treated like an heiress of the old couple. 

Pinadaan niya ang kanyang dila sa kanyang bibig, parang may sariling mundo ang dila ko at napagaya sa kanyang ginawa. I'm not that innocent. May mga kaibigan at kaklase akong maagang nagbuntis at pumasok sa relasyon. Uso ang tsismis dito sa probinsya at minsan ay napapag-usapan ang mga sensitibong bagay at hindi ko maiwasang marinig ang mga iyon.  

Lumapit ako sa kanya lalo, halos magkapantay ang aming bibig. Medyo nakayuko siya para marinig ako.

"Do you think I am that low?" tanong ko sa kanya, "I don't like food that was tasted with the spoon used by others. Your mother raised me properly, like a lady. Also, I don't like romance, I prefer thrillers but if you heard me panting on your bed, you must be the one who is interested to enter in my humble life..."

Sasagot na sana siya ng biglang may kumatok kaya napabitaw ako sa kanya. Maging ang hawak niya sa akin ay lumuwag. 

He cough and compose himself.

Mula sa pinto ay pumasok si ate Avikah.

Inaayos ko ang aking sarili ng mahimasmasan.

Ano ang ginawa ko?!

"Just what did you do, Yancinda?!" I scolded myself inside my head. 

"Okay na ba tito? Do you like the food?" diretsong tanong ni ate Avikah.

Lumapit ito sa amin ng may maluwag na ngiti.

"Yes. If you'll excuse me, I'll gonna take it now. I'm a little famished. Thank you, Vikah."  

"Maiwan kana namin kung ganoon, let's go, Yacinda," aya sa akin ni ate.  

Hinila ako ni ate Avikah palayo sa balcony at nagsalita habang naglalakad, "Enjoy your dinner tito, mauna na kami. See you tomorrow!" 

Walang sagot mula sa lalaki hanggang sa isinarado na ni ate Avikah ang pinto. 

Napabaling ako roon.

What just happened?!

Hangang ngayon ay sobrang kabog ng aking dibdib. Nasusuka ako sa ginawa ko kanina. Nakakahiya!

What have you done, Yacinda?! 

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nagtungo na ako sa aking silid ngunit bago ko maisara ang pinto ay hinawakan ni ate Avikah mula sa labas ang doorknob.

"Wait a minute bunso, tell the others kahit mga alas otso na ng umaga tayo gumayak bukas. I'll enjoy my sleep muna." 

"Sige po," maikling sagot ko.

Umalis na si ate Avikah. Hangang ngayon ay nanginginig ako sa ginawa ko kanina. Dumiretso ako sa shower room upang maligo at maghanda ng matulog. 

Dahil hindi ako makatulog agad ay naisipan kong buksan ang sns account ko, ate Avikah helped me how to use the phone they gave me. Kung sinu-sino sila nagsent ng request but I didn't accepted them. Nakita kong ang familiar na larawan. Nakaprivate iyon pero grabe ang kabog ng puso ko. The profile picture is a picture of girl riding a horse but all in black. The girl's head is on the side. It looks like she is trying to look something at the side. I know exactly who it was and when it was taken!

Why does he have that picture?

It was taken last last year. 

I am shy and afraid to add that account. Its name was written all in capital letters, KAIXUS MONTIEL. Wala pang isang minuto ay may nagfollow sa akin, yun ay ang account niya! Kaya mas lalong hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Should I follow him back? 

I received a message afterwards.

KAIXUS MONTIEL:

It's me, add me.

Oh my goodness! I don't know what to reply! Pero mas nakakahiya at bastos kung hindi ko iyon rerepplyan. Kaya ang naisip kong isagot ay smiley na emoji. The conversation goes on when he replied.

KAIXUS MONTIEL:

No, follow back? Hmmmn?

My heart feels like it will explode in a minute. I did what he said even if it's against my will. I followed him back and was able to saw the photos he posted. Most of it are nature but there's a photo of him and his girlfriend. He is looking at her smiling while she is pouting. They are sitting on the sandbar of Amanpulo. 

Lumunok ako. I log out my account cause there's nothing else to do in there. Pinilit kong matulog. Nag-alarm ako ng maaga ngunit sa kasamaang palad nagising ako ng 9 AM. Nawalan na pala ng charge yung phone ko. I forget to charge it kaya inuna ko itong chinarge. Pagkabukas ko ay maraming mensahe ang galing kay ate Avikah. 

Ate Vikah:

Baby, I think you overslept, malalate din ng luwas si tito dahil may biglang meeting siya. Sa kanya ka nalang makisabay ha? Nauna na rin kasi si Kalyl para atleast may kasama kami. I already informed tito 'bout it. Saglitin ka niya ng mga 10 AM diyan sa Mansion. See you here!

Sa kanya ako makikisabay? Oh my goodness!

"Yacinda naman! Ngayon ka pa naging tulog mantika!" Pagalit kong sambit sa aking sarili. 

Nagmadali akong naligo. Mabuti nalang at naihanda ko na ang mga damit ko na magagamit sa Alfante. Pinili kong mag maxi dress at mag rubber shoes ng puti. 

Hinintay kong mag charge yung phone ko. Nasa 75% na ng may kumatok sa pintuan. Nang aking pinagbuksan ay si ate Mae, medyo hinihingal pa.

"Nasa baba na si Señorito, Yacinda. Hinihintay ka niya," aniya.

"Ate, kanina pa ba siya?" tanong ko dahil medyo nahihiya ako. 

"Kararating lang, pupunta daw kayo ng Alfante? Nauna na iyong iba kaninang umaga." 

"Opo ate, nakatulog po ako ng mahimbing kaya hindi ako nagising ng maaga," rason ko sa kanya. 

"O, siya, ayusin mo na ang mga dadalhin  mo at tulungan kitang magbaba." 

"Hindi na ate," pahayag ko, "Ako nalang po." 

Natuloy parin siya at kinuha iyong isang maleta ko na maliit kaya yung duffle bag na isa ang hinawakan ko. Mas naunang bumaba si ate Mae. Sinarado ko ang pinto at sumunod na sa kanya. 

Pagkababa ko ay nakita ko siya. Naka t-shirt ng puti at naka black denim at naka combat shoes. He is also wearing an expensive aviator sunglasses. Walang salitang kinuha niya ang maleta ko kay ate Mae at nagpasalamat bago ito naglakad papunta sa rotonda kung nasaan ang isang puting Hilux. He put the luggage sa may passenger's seat samantalang nakasunod ako hawak yung duffle bag.  

"Give me that," he said shortly.

Iniabot ko ang aking hawak sa kanya at nilagay niya iyon sa may upuan tabi ni luggage ko. 

"No valuable things, in here?" aniya. 

I shook my head as an answer. 

"Good. Sit beside me," utos niya at tumuloy na siya sa may driver's side.

Sumunod naman ako at binuksan ang pinto katapat ng driver's seat. Inayos ko ang aking sarili at tahimik na parang pipi.

Lumabas sa may maindoor si Donya Diana at nagsalita, "Take care hijo, hija. Call us when you're in Alfante, okay?" 

"Yes Ma. Thank you," maikling sagot ng katabi ko.

"Opo. Maraming salamat po," sagot ko rin.

Pinaandar na ng kasama ko ang sasakyan ngunit bumusina muna. Walang nagsasalita ni isa sa amin. Ni music ay wala kaya inaliw ko ang aking sarili sa mga nadaanan namin. 

Alas dose ay nasa Pueblo Cielo kami. Inihinto ni sir Kaixus ang sasakyan sa isang restaurant. It's called, Snapper.

"Let's eat first. You might be hungry cause it's already 12 noon," pahayag niya. 

Hindi ako sumagot. Binuksan na niya ang pinto at bumaba. Bumaba na rin ako kahit medyo nahihiya. Ngayon ko lang nakalimutan na hindi ko pala nadala iyong wallet ko.

Oh my goodness Yancinda! Paano ka kakain niyan? Maghugas ng plato, pagkatapos mong kumain?! 

Ngumiwi ako. Hindi ko alam na petsa de peligro pala ngayon! Akala ko kasi ay kina ate Avikah ako makikisabay. 

Naglakad ito sa may entrance ng restaurant lumingon ito sa akin. Naka sunod lang ako sa likod niya.  

"Choose where we sit. I'll see you later. I'll just talk with someone upstairs," aniya. 

Dumiretso na siya sa pangalawang palapag. Iniwan ako kasama ang waitress na nag-assist sa amin. 

Pinili kong umupo sa isang gilid sa may bandang highway. Tatlong minuto na ay wala parin ito kaya tinanong ako ng waitress kung ano ang i-o-order ko. 

"Ma'am may napili na po ba kayo sa menu?" 

Medyo nahihiya ako. Wala akong pambayad at hindi pa bumababa ang kasama ko! Hindi ko rin alam kung anong gusto niyang kainin... 

"Okay lang ba hintayin ko nalang yung kasama ko?" nahihiyang sagot ko.

"Sige po Ma'am," sagot ng waitress kaya medyo lumuwag ang aking pakiramdam.

Kinse minutos na ay wala parin si sir Kaixus. Medyo gutom na ako. Tiningnan ko ang menu ngunit wala akong gusto doon dahil puro mga seafood ang nandoon. May allergy ako sa seafood. Tatlong minuto pa ang lumipas ay nakita ko na ang aking kasama na pababa at may bitbit na tray ng pagkain. Nakasunod sa kanya ay isang magandang babae na naka-formal attire ngunit naka Gucci na puting rubber shoes.

Ang ganda niya! Amoy may kaya sa buhay!

Tumingin tingin si sir Kaixus hanggang sa magkasalubong ang aming tingin. Kumaway ako sa kanila at ngumiti. 

Naglakad na ito palapit sa aking kinauupuan at inilapag ang dala niya. May chapseuy, beef stroganoff at fried tofu. Meron ding fried asparagus. Kaya natakam ako. 

Umupo ang babae sa tabi ni sir Kaixus at naglahad ng kamay sa akin. "My name is Gianna. I'm Kaixus' college friend." 

Nakipagkamay ako sa kanya. "Yancinda po," maikling pagpapakilala ko. 

Bumaling ito sa kasama ko, "Not bad," aniya ngunit hindi ko alam kung para saan. Tumingin ulit ito sa akin at nagsalita, "I'm sorry medyo natagalan ang usapan namin. You guys enjoy the food. Assist lang ako ng calls."  

Tumayo na ito at umalis. Iminuwestra ni sir Kaixus ang pagkain. 

"Eat." 

Nagsimula na akong kumain. Medyo gutom na ako. May mga saglit na nagkakasalubong ang aming mga tingin ng hindi sinasadya but I always dodge my eyes. 

Iniusog niya ang asparagus at mga iba pang ulam. Kumuha naman ako. Magana akong kumain hanggang sa mabusog. Mas nauna akong natapos na kumain ng ilang segundo bago ang aking kasama. Nang matapos rin siya ay bumalik si Miss Gianna kasama ang isang waitress na may hawak naman ng tubig. 

Kinuha ko ang pitsel at baso sa waitress bago nagpasalamat. Inalis nito ang pinagkainan namin at umalis na. Umupo naman si Miss Gianna sa tabi uli ni sir Kaixus.

"How old are you?" tanong  ni Miss Gianna habang nakatitig sa akin at hinihintay ang aking sagot. 

"17 po," magalang kong sagot bago ininom ang tubig na sinalin ni sir Kaixus sa aking baso. 

Medyo lumaki ang mata niya at saka tumawa at tumango tango kinalaunan. Tumingin ito kay sir Kaixus. 

"Punk! Still a baby, eh?!" Bulalas niya.

Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy niya.  

"Shut up, Gianna!" biglang saad ng kaharap ko. 

Tumingin ito sa aking likuran at kumunot ang kilay. 

"I just wanna laugh. It's been a while. The bill is on me, by the way, medyo magiging busy na ako in a minute kaya bahala na kayo. If you want a dessert, I can request it to the chef para hindi kana mahirapan, Kaixus." 

Tumayo na si Ma'am Gianna at tinapik ang kaliwang balikat ni sir Kaixus. Pumunta ito sa aking gawi at ini unat ang dalawang kamay waring gustong makipagbeso kaya tumayo nalang ako.

Miss Gianna hug me. "Nice to meet you, Dear. You'll grow up beautifully, just enjoy life and always smile in the future whatever it may bring," makahulugang pahayag niya.

"Thank you so much, Miss Gianna. Ang bait ninyo rin po," ani ko. 

Nagpa-alam na naman ito at dumiretso na sa itaas. Naiwan kami ni sir Kaixus na walang ni isang nagsalita hanggang sa hindi ito nakatiis. 

"You should drink. We'll be back to the street in a minute or two. The restroom is upstairs on the right side. I'll wait for you in the car." 

Tumayo na ito at naglakad na papunta sa sasakyan. 

Naiwan akong prinoproseso lahat ng sinabi niya at ni Miss Gianna. Hindi naman ako naiihi pa kaya uminom na ako ng tubig at lumabas na rin. 

Buhay na ang makina ng sasakyan ng papalapit ako. Walang sabi-sabing binuksan ang pinto kung saan ako umupo kanina at pumasok na sa loob. Busy ang kasama ko. May ka-text ito dahil nagtatype sa phone niya. 

Nang makaramdam na nasa tabi niya ako ay inilagay niya ang kanyang cp sa may gitna at tuluyang muling tinatahak namin ang daan.

Inaantok ako sobra at ewan ko kung bakit nahalata niya iyon sa gitna ng pag-aliw ko sa aking sarili para lang hindi pumikit ang aking mga mata. 

"You can sleep. I'll wake you up in Alfante," aniya.

Ini-adjust ko ang upuan at medyo pina-slant para maging kumportable ako. Wala pang isang minuto ay pumikit na ang aking mga mata. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari basta nakaramdam ako na medyo nilalamig ako kaya napamulat. Pagkita ko sa paligid ay nasa daan pa kami ngunit madilim na. Halos walang mga bahay ang daan na tinatahak namin ngayon. Pagkakita ko sa cellphone ko ay bente porsiyento nalang ang bateriya. 

Nagsalita ang kasama ko. "We'll be home in 15 minutes, already. You can use the socket if you want to charge your phone," aniya. 

Hindi ako sumagot kundi binuksan ang bintana sa gawi ko. Presko ang hangin ng gabi at medyo may kalamigan. May mga poste naman ng ilaw kaming nadadaan sa kalsadang hindi sementado pero malalayo ang agwat kaya medyo madilim parin sa daan. Para kaming dumadaan sa gitna ng taniman. Hindi ko mawari kung mais o tubo. Kanina ay may nakita akong ilaw sa may kalayuan pero parang kabahayan iyon gaya ng sa hacienda. 

Maya-maya pa ay may arko kaming nadaanan. May ilaw sa magkaibang gilid at naka sulat na 'Casa Montiel' sa metal na materyales.

Ibig sabihin ay kina Don Xandrei ito?

Sementado na ang daanan mula sa arko na nadaanan namin at malawak ang kalsada. Kasiya ang tatlong sasakyan! Wala pang sampung minuto ay may rotonda na akong natanaw. Nasa gitna ang isang babaeng hulma sa bato na may hawak na banga. Sa banga ay may tubig na nahuhulog. 

Nakita ko rin ang mga mga sasakyan na gamit sa Mansion na nakahilera sa isang gilid. Ang tanging daanan ay isang hallway na kasiya ang tatlong tao mula sa gitna ng rotonda. May ilaw na sa itaas nito. medyo madilim konti papunta sa loob pero may naririnig akong mga tawanan at mula don sa loob ng arko sa rotonda.

Inihinto ni sir Kaixus ang sasakyan sa tapat ng arko at saka bumaba. Kaya bumaba na rin ako. 

"Ako na dito. Sundan mo lang yang pathway. You'll be in the lawn in five minutes. The lights has sensors. It'll light when your within the detector range." 

Hindi ko na siya sinagot at dumiretso na sa pathway. Lumalakas ang tawanan. Nasa labing isang poste din ang nadaan ko bago sumungaw sa akin ang lawn. Napakalawak at ang ganda ng Mansion. Para itong isa sa mga château sa Pransiya. 

Unang nakakita sa akin si kuya Calibre.

Nandito pala siya? Akala ko maiiwan? 

"Sa wakas akala ko nag-date na kayo ni tito!" biro ni kuya sabay tawa habang pasalubong sa amin.

"Kuya!" saway ko at umatras. 

"Oops!" ani kuya Calibre at tumalikod ng akma kong abutin ang kanyang balikat. 

Napasandal ako sa matigas na dibdib.

Oh my goodness Yacinda!

"Ever clumsy..." Bulong ng dumalo sa akin.

Napahawak ang kung sino mang tao na napirwisyo ko sa baba ng aking pusod at umabot iyon sa aking puson. Dumaan ang nakakakiliting bagay roon na ngayon ko lang naramdaman. Napatingala ako at kitang kita ko ang galit na mukha ni sir Kaixus. Nakadungaw ito sa akin. Lumunok muna siya bago nagsalita. 

"Stop wiggling..." aniya sa medyo nahihirapang paraan, pumikit pa siya bago ako inihiwalay sa kanya. 

Mabuti nalang at mabilis ang nangyari. Walang nakakita pero nakita ko si kuya Kaixel na nasa balcony sa pangalawang palapag ngunit walang siyang reaction ng magkrus ang aming tingin. May kausap ata ito sa cellphone at nakatukod ang dalawang siko sa balcony habang nakangiti. Nakatitig lang ito sa amin parang walang nakitang kakaiba. Pati si sir Kaixus ay napatingin sa kanyang pamangkin pero tila wala lang ang nangyari.  

"Sorry po," tanging nasabi ko sa sobrang hiya.

Hindi ito sumagot bagkus ay nilampasan ako at diretsong hawak ang mga maleta namin. Dumiretso ito sa loob at nakita kong sinalubong ng tatlong kasambahay. Dalawang babae at isang lalaki. Pinabuhat niya ang maleta ko sa lalaking kasambahay. Tumingin siya sa aking banda at saka na naglakad sa kung saan. Naiwan akong pinamulaan ng mukha. 

Tinawag ako ni ate Avikah, "Bunso! Here!" aya niya. 

Naglakad ako papunta sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Paula dahil ipinaghila niya ako ng silya. Tahimik at isinasaulo ang nangyari kanina.

Bakit kasi nasa likod ko siya? Hindi ko naman alam na nandoon siya. Kasalanan ko ba na naatrasan ko siya? Siya ang may kasalanan bakit sa lahat ay puson ko pa hinawakan niya at hindi baywang! Tila nakikiliti ako ng mapasagi aking isipan ang dumaang kakaibang kiliti sa aking puson kanina.  Maya-maya pa ay bumaba si kuya Kaixel. Umupo siya sa tabi ni ate Avikah. Nakatingin sa akin at ngumiti. 

"Late ka kaninang nagising bunso, pinakain ka naman ni tito ng lunch? Baka naman ginutom ka niya sa daan?" it's ate Avikah, habang nilalagyan niya ng tubig ang isang goblet. 

"Pinakain naman po ate," tipid na sagot ko. 

Bumaling si ate Avikah kay kuya Kaixel, "Pagod na pagod ata si tito bakit diretso sa kwarto niya?"

Nagkibit-balikat si kuya Kaixel, "Maybe he's taking a shower, right now... the scorching heat got him..." 

Tumango tango naman si ate Avikah, samantalang ang ako ay halos na mawalan ng kulay ang mukha dahil parang iba ang pagproseso ng utak ko sa sinabi ni kuya Kaixel. 

"Tomorrow punta tayo sa isang part ng farm, sa may Casa, you'll see how beautiful it is here..." Proud na sabi ni ate Avikah. 

"Ipapahanda ko na ang dinner kay manang Doray," si kuya Kalyl, tumayo sa kanyang upuan matapos magsalita. 

Kung anu-ano ang naging usapan ng lahat bago mai-set-up ang dinner. Tahimik at wala masyadong kwento habang kumakain kami kaya kampante akong kumakain. Tinitigan ko ang pintuan kung lalabas si sir Kaixus ngunit hanggang matapos ang dinner ay wala pa ni anino niya. 

Masarap ang hinanda nilang pagkain para sa amin na maging ang kapatid ni Paula ay in-enjoy lang ang hapunan. Kami na rin ang nagligpit ng aming pinagkainan. Nanguna si ate Avikah at ate Lilac. 

"Sa mga ina-antok na, alam na ninyo ang mga kwarto ninyo. Mauna na kayo," si Violeta.

"Saan ang kwarto mo?" tanong ko kay Paula.

"Magkakasama kami nina bunso at nina Veniz sa isang kwarto. Ang ganda! Parang kasing ganda ng Mansion sa San Gabriel," puna ni Paula gamit ang angkop na tono. 

"Sa akin, alam mo ba kung nasaan ang kwarto ko?" tanong ko ulit.

"Sa second to the last daw sa right side sa may south wing yung kwarto mo. Sa amin sa north wing. Kayo nina ate Lilac at kuya Kaixel doon banda. Sa north wing kasi sina Ma'am Avikah at kuya Kalyl," paliwanag ni Paula. 

"Sige, sige Paula. Maraming salamat ha, sabay tayong umakyat mamaya ha," ani ko.

"Sige ba," tipid niya.

Hangang sa paghuhugas ng pinggan ay magkakwentuhan kami ni Paula. Nauna na sina Veniz at pati ang kapatid ni Paula sa kanilang silid. 

Sinabihan na kami ni aling Diday, ang isa pang katiwala nila dito sa Casa, na sila na ang gagawa pero ipinagpatuloy parin namin ang paghugas. Gulat na gulat tuloy ang ibang mga kasambahay na kaedad nina kuya Calibre. 

"Sinanay kayo ni Diana sa San Gabriel hija a, pagkatapos niyo diyan magpahinga muna kayo ha," ani aling Doray. 

"Opo!" sagot ko.

"Opo, Nay!" ani Paula.

Sabay kaming nagkatinginan ni Paula at ngumiti. 

"Naku-naku talaga, sana ay kasing sipag niyo ang mga kasambahay dito," biro pa niya habang nakatingin sa gawi ilang kasambahay na nagtatawanan sa labas ng kitchen. Nasa sala ang mga iyon.

Umalis na si aling Doray. Patapos na rin kami ni Paula nang pumasok si aling Diday. 

"Sige lang mga hija, kuha lang ako ng pagkain ni Kaixus dahil nagutom na siya. Paano ba naman hindi pa sumabay sa inyo," saad niya.

"Sige po aling Diday," sagot ni Paula.

Nang matapos na namin ang mga hugasin ay dumiretso na kami sa taas. Sinamahan ako ni Paula sa pintuan ng aking silid bago siya umalis papunta ng silid nila. 

Una kong tinignan ang balcony. Napakalawak na lupain ang aking tanaw may mga tanim na mangga dahil may nakita ako. Mukhang golf course ito base sa cut ng grass. 

Lumabas ako ng aking silid at sakto ding lumabas si sir Kaixus sa kanyang silid. Nagulat ako at maging siya rin pero nakabawi agad ako at mukhang siya rin. 

"Pasensiya po kanina," paghingi ko ng pasensiya. 

"Save it..." aniya at umalis hawak-hawak ang pinagkainan niya. 

Naiwan akong tulala. Hindi ko naman iyon sinadya! 

Ayaw mo di ayaw mo! Paki ko! 

Bumalik na lamang ako sa aking silid imbis na bumaba. Nawala na ang aking uhaw. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil sa galit ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status