Share

KABANATA 6

GIRLFRIEND 

Kinabukasan ay maaga akong nagising, unang bukas sa pinto sa balcony ay bumungad nga sa akin ang isang parte ng golf course. Mukhang may mga tao na naglilinis sa ganoong ka agang oras. Dahil na engganyo ay agad akong nag ayos ng aking sarili at dali-daling bumaba ng hagdan. May nakita akong grandfather clock at kamay ay nakaturo sa panglimang bilang at pang sampu't dalawa. It's 5 in the morning. Wala pang mga taong gising. Iilan lang ang nakita kong mga kasambahay na busy. 

"Magandang umaga Ma'am, nais ninyo na po bang kumain o magkape? Meron din pong tea. Pwede na pong kumain sa bandang golf course, mayron pong gazebo at nook doon. Pwede po naming dalhin doon ang inyong agahan o sa may main dining hall po," ani ng isang dalagitang kasambahay. 

"Mamaya nalang ako kakain kasabay ng mga kasama ko. Mayroon bang pwedeng jogging area dito? Sa may golf course okay lang ba? Tanaw ko kasi mula sa balcony ng aking silid, at walang masyadong tao, mukhang hindi nagagamit. Okay lang ba na doon ako?" pagpapaalam ko. 

"Pwede po doon sa may golf course Ma'am. Maaga pa po kasi Ma'am at para po sa mga may-ari at kaibigan lang ng may-ari ang naglalaro, minsan po kaming mga trabahador din kung day-off o ginagamit lang tuwing may competition tuwing fiesta. Sundan niyo lang po yung pathway sa bandang kaliwang dulo. Pagdating po ninyo sa may mga kawayanan pumasok po kayo sa daan na hindi sementado at lalabas kayo sa may gazebo papasok sa golf course." 

"Maraming salamat po," ngiti ko bago tumungo sa maindoor.

I followed her instruction, I jogged going sa natanaw kong magandang lake kanina. May iilang trabahador na nakasalubong ko ang bumati sa akin. They are the maintenance personnel of the place. Narating ko ang lake. It is surrounded with mango trees. Medyo nasa dulo na parte ito ng golf course kaya tahimik. Napahiga ako sa damuhan dahil sa pagod. Medyo basa konti ang damo dahil maaga pa pero hindi ko alintana. I am enjoying the quietness of the place. Life is so peaceful here. I wish that it will always be like this. Napadilat ako ng parang may naghagis ng anuman sa may tubig. Naglikha iyon ng pagbulwak ng tubig at medyo natalsikan ako. Napaupo ako at napatingin sa aking paligid until I saw a person holding a golf club. Napatayo agad ako. Muntikan pang masubsob dahil medyo madulas ang damo. Tinaasan ko ng kilay ang taong paparating.

My goodness! Alam niyang may tao tapos dito niya pinunta yung bola. Tanga ba siya?!  

"It was an accident. I didn't see you here, sorry," he explained.

Mas lalong tumaas ang kanang kilay ko. Nakakunot noo din siya. He pinch his lips when I didn't answer immediately. 

"Okay po sir. Pasensiya na din dahil dito ako nagjogging," saad ko at umalis na.

Narinig kong may kausap siya sa kanyang earphone. Dahil hindi pa ako masyadong nakalayo.

"Yes, Babe. I'm currently here in Alfante. Yes. See you soon. Keep me updated. Always take care..." 

His girlfriend? The hell I care! From now on, I should try to do the best for me. I have a dream to fullfil. Kung papaalisin man niya sa teritoryo niya ay dapat maging matapang ako. Para sa lola ko at para sa aking sarili. Kung siya ang magiging batas sa pamamahay ng mga Montiel ay dapat akong maging handa. I am puppet princess after all. Masyadong mainit ang dugo niya sa akin. Wala naman akong alam na nagawa kong kasalanan. Is he that threatened that his parents will leave something for me? 

Nagjogging ako pabalik ng Mansion. Pagdating ko sa dining area ay nagtatawanan ang mga kasama ko ngunit wala ang mga Montiel. Gising na silang lahat dahil anong oras na. Ate Lilac signaled me to go near her kaya lumapit ako sa kanya. 

"Halika dito Yacinda, anong nangyari sa damit mo, bakit basang basa?" salubong niya at pinagpagpag ang madumi kong damit.

Lumapit ako sa kanya ng mabuti. "Nagjogging po ako ate. Maliligo lang po ako saglit." 

"O siya, sige. Bumaba agad pagkatapos mong maligo ha, maghahanda na kami ni Ma'am Avikah ng umagahan natin." 

"Opo," maikling sagot ko at tumungo na pa akyat sa aking silid.

Agad agad naligo. Mamaya ay tatanungin ko pala si ate Avikah kung saan ako pwedeng maglaba. Hangang bukas pa kami rito kaya mainam na labhan ko na ang aking damit dahil wala akong masyadong dinala. Saktong sakto lang talaga sa ilang araw na pananatili namin dito at sa ibang bayan. Dalawang pares lang ng extra na damit ang aking nadala. 

Pagbaba ko ay saktong pumasok din si sir Kaixus sa foyer. Hindi ko na siya pinansin pa. Gusto kong lumayo sa kanya. Hindi siya nakakatulong sa akin. He is not good for me...

Wala na ang lahat sa dining pakababa ko. Agad naman akong napansin ng kasambahay na kumausap kay sir Kaixus. Sinabing nasa main dining na hall daw ang lahat. Nagtungo na nga ako doon at naabutang nakahain na ang agahan. Sa tabi ako ni ate Lilac umupo at tahimik na kumain. 

Pagkatapos naming kumain lahat ay pumasyal kami sa farm sakay ang ilang carts. Nilibot namin ang taniman ng mais at gulayan. Pati taniman ng bulaklak ay tinungo din namin. Magtatanghali na ng bumalik kami ng Mansion. Nagpaalam si ate Lilac at may gagawin sila ni ate Avikah. Wala din sina kuya. Maging siya ay hindi ko rin nakita. Mabuti nalang at medyo nakakahinga ako dahil wala siya. I feel guarded kung meron siya, bantay sarado ang bawat aking galaw animo ay isang kriminal kaya piyesta ako kung wala siya sa malapit. Magagawa ko ang gusto ko. 

"Kung may request kaya just inform sina nanay Doray, Yacinda. Kayo na ang bahala dito. You can go sa may bundok. Gamitin niyo yung ATVs. Magpasama kayo kina Moonsoon at Spiker. Sila iyong iba na mga vaquero dito. They can drop you guys sa resort din. Malapit sa meeting place namin." 

Ate Avikah kissed my cheeks pagkatapos ng habilin niya.

"Maraming salamat ate. Kung po gusto nila Paula mamasyal papupuntahin ko nalang silang dalawa pagkatapos ng tanghalian." 

"Sige sige, nasa barn house sila. Isasama sana kita sa field kaso walang mag-aasikaso sa inyo dito. Atleast you're here. Isasama ko sina Lilac at Violet dahil kailangan ko ng assistant pati na rin si na tito. Sinundo na nila sa bayan iyong mga Engineers dahil nahihiya daw si tito na sila pa ang magdadrive papunta rito. Medyo mahabang pag-uusap ang magaganap kasi. Enjoy yourselves here, ha, sa resort nalang kayo dahil may mga pool doon at iba pang mga laro." 

"Opo." 

Umalis na agad si ate Avikah at naiwan kami nina Veniz at Paula. 

"Gusto niyo bang mamasyal mamaya. Sa bundok o sa resort?" tanong ko sa mga kasama ko.

"Ate, gusto ko mag swimming, sa resort tayo, po, please..." 

Natuwa ako sa kapatid ni Paula dahil sa sinabi niya. 

"Sige, sige Jayjay. Mamaya nalang ha, magpahinga muna tayo kahit isang oras lang," ani ko.

"Salamat ate kong maganda," sabi ni Jayjay.

Tumawa kaming lahat dahil sa pambobola ng kapatid ni Paula.

"Bunso, ako ba ate mo, o, si Yacinda?" medyo may pagtatampong tanong ni Paula sa kanyang kapatid.

"Ikaw parin naman ang ate ko, ate, pero hindi ka maganda. Si ate Yacinda ang maganda at mabait pa." 

"Oo na," pagsuko ni Paula.

"Matutulog muna ako ng mga 30 minuto, inaantok ako," si Maimah.

"Sige, sige. Akyat muna tayo," ani ko.

Umakyat na lahat maliban kay Paula. Sinamahan akong umupo ng ilang minuto. Medyo pagod ako, gusto ko sanang magpahinga din pero marami akong iniisip, mga bagay bagay na hindi ko alam kung masusulusyunan pa. Hindi ko namalayan kung ilang minuto akong naka-upo ng biglang magsalita ang aking kasama.

"Puntahan na kaya natin iyong mga vaquero Yacinda, para masabihan natin sila ng mas maaga kung anong oras nila tayo sasamahan, baka hindi na sila nakausap ni ma'am Avikah kanina." 

"Oo nga Paula, muntik ko ng makalimutan." 

Tumungo kami ni Paula sa barn house na pinaka malapit. isang daang metro mula sa main house. Tatlong tao lang ang meron doon. Nagdidiskarga ng mga dayami. 

Si Paula ang nagtanong sa isang lalaki na nasa driver side ng sasakyan, "Kuya, saan po namin mahahanap sina Moonsoon at Spiker?" 

Tinitigan kami ng lalaki mukhang nagdadalawang isip na sabihin kung nasaan ang mga hinahanap namin. Nagsalita na ako bago pa ulit makapagsalita si Paula. 

"Kuya sinabi po kasi ni ate Avikah na pwede kaming magpahatid kina kuya Moonsoon at Spiker sa resort. Mga kasamahan po kami ng mga Montiel." 

Tumingin sa akin iyong lalaki, "Ah! ikaw pala yung bunso ni Donya Diana!" 

Tumawa ito konti, "Pasensiya ma'am hindi kita namukhaan agad. Nasa may isang barn house si Moonsoon. Anong oras kayo magpapahatid sa resort, sabihan ko siya mamaya pagbalik ko doon, idiskarga lang namin ang mga ito." 

Tinitigan ko iyong driver. Moreno siya at naka clean cut. Naka shades siya mukhang nahalatang nakatingin ako sa kanya kaya isinabit niya ang kanyang shades sa likod ng kanyang ulo. 

"Tapos mo ba akong titigan, Ma'am?" tanong niya kay Paula. 

Nagulat ako. Maging si Paula ay kinikilatis ito. Nakilala ko siya noong inalis niya iyong shades niya. Vaquero siya?! Ang bata niya!!! 23?!  Ang bata-bata ng mga vaquero dito samantalang sa San Gabriel ay hindi. Si kuya Hugo lang ata ang binata doon.  

Lumingon ako kay Paula, nakataas ang isang kilay niya. Tumawa si kuya Spiker at tumingin sa akin.

"Mamaya sabihan ko si Moonsoon. Anong sasakyan ang naiwan doon sa Mansion? Dinala ata nila Kaixus yung iba." 

"Yung isang van. Mamayang mga 1:30 kuya. Kasya kami doon." 

"Si Moonsoon nalang magdradrive sa inyo, medyo busy ako. Iyong ugok ang nagsesenyorito dito, siya nalang para naman magbantay siya ng mga bata." 

Tumaas ang kilay niya na nakatingin kay Paula. "Diba?" aniya sabay tawa.

"Ubos na, balik na tayo sa kabila!" sigaw ng isa sa kasama ni kuya Spiker kaya naging aligaga na ang lalaki. 

"Alis na kami, balik na kayo sa bahay. Mainit masyado baka mapa highblood lalo iyang kasama mo," aniya sa akin.

"Hoy! walang modo yang bunganga mo! Bisita ako rito!" sigaw ni Paula.

Hinawakan ng aking katabi ang aking kaliwang braso. Diin na diin. Mukhang galit. 

"Sige kuya. Mamaya nalang," Kako para makaalis na kami ni Paula.

"Okay. Wait for Moonsoon. Sabihan kong maligo para hindi nakakahiya sa kasama mo. Goodbye miss Paula!" 

"Oh my goodness!" Paula shriek. 

Hinila ako ni Paula pabalik sa Mansion. 

"Oh my goodness! talaga, paanong kilala ako ang ugok na iyon, Yacinda?" 

Tumawa ako ng malakas! Nauna ng naglakad. Kamamadali namin ni Paula, hindi manlang kami kumuha ng payong kanina. Ramdam ko na nga ang init ng tanghali. Nakakasakit ng ulo. Hinabol ako ni Paula, mukhang lito siya kung bakit ako tumatawa at bakit alam ni kuya Spiker ang pangalan niya. Hanggang makarating kami sa loob ng bahay ay tinatanong niya ako. 

"Yacinda! anong meron? Magkakilala kayo?" pinaharap niya ako sa kanya at hinuli ang aking mukha. Tinitigan. 

"Si kuya Spiker iyon. Pumunta sila noong last sa Mansion. Ikaw ang nahalata niya, reklamadora ka raw," Patapat ko.

Hinawakan ni Paula ang kanyang sentido, "Oh my goodness! Gwapo sana pero ang poor ng ugali niya. Walanghiya..." 

Dumating ang isa sa mga mayordoma. Mukhang malakas ang boses namin ni Paula baka mamaya ay may nakarinig niya ang usapan namin. 

"Bakit mga hija, may problema ba kayo kay Spiker? Gusto niyo bang ipatawag ko siya?" 

"Nanay Doray, wala po," agad kong tanggi rito. 

Nakakahiya tayo, Paula!!!

"Akala ko ay may problema na kayo kay Spiker, mabait naman iyong batang iyon, minsan talaga akala mo inaaway ka pero hindi naman. Mag papaluto ako ng mga pu-pwede ninyong dalhin sa resort mamaya." 

"Nanay, sumama kaya kayo sa resort mamaya. Wala naman sigurong bisita dito diba? Pati iyong mga kasambahay na naka duty ngayon," suhestiyon ko. 

"Naku hija, hindi na at palagi yang mga yan doon. kasi doon naman talaga sila nagtratrabaho pumupunta lang sila kung may mga mga bisita gaya ngayon." 

Narinig ata kami ng isa sa kasambahay kaya nakisali sa usapan. 

"Nanay Doray, miss na miss na namin iyong amoy ng hangin at mag swimming sa resort. Payagan niyo na po kami, tatlo lang naman kami eh." 

"Tumigil ka Jennica, hindi ako ang boss rito." 

"Babalik rin naman kami bukas makalawa doon nanay, sige na po," hirit pa ng kasambahay na nakahawak sa isang braso ng matandang mayordoma.

Sumali na ako sa usapan ng dalawa, "Nanay isasama nalang po namin sila mamaya. Sabihin ko po kay kuya Kalyl o kay ate Avikah." 

"Naku hija, kung papayag sila, wala na akong magagawa, kayo na ang bahala. Pero maiiwan ako rito baka may biglang bisita ay walang mag-aasikaso," pagsuko ng matanda. 

"Salamat po Nanay babalik rin kami agad," si Jennica.

"O, siya Jennica bumalik na tayo sa kusina at ng makapaghanda ng meryenda ninyo mamaya." 

Sumama kami ni Paula sa kusina. Itinext ko rin si ate Avikah tungkol sa pagsama ng mga kasambahay. Pumayag naman daw si kuya Kalyl.

Trenta minuto na nakalipas ng matapos naming maghanda ng meryenda. Simpleng egg sandwich, salad na thousand island ang dressing at fresh na prutas gaya ng pinya, ubas, pakwan at dalandan. 

Naghanda na rin kami ni Paula pagkatapos. Sa kwarto ko na siya naligo. Kinuha lang niya ang kanyang gamit sa silid nila.  

"Wala akong ida-damit Paula," lintaya ko. 

"Marami akong damit na nakuha Yacinda, huwag kang mag-alala. Basta may bra at panty ka na extra," tawa ni Paula. 

Yinakap ko si Paula, "Thank you Paula, papalitan ko pag-uwi natin. Hindi ako mag si swimming. Sa gilid lang ako. Mamaya ko pa kukunin yung nilabhan ko. Kinapalan ko na nagpa dryer dito." 

"Ano kaba okay lang yan," ani Paula.

"Nakakahiya parin," saad ko.

"Kung nahihiya ka, paano pa kaya kami? Makapal ang mukha?" tawa pa niya.

Natahimik nalang ako sa tinuran ni Paula. Bumaba na kami pagkatapos naming nakapag-ayos dahil baka meron na si kuya Moonsoon. Hindi ko actually siya kilala dahil likod lang niya ang nakita ko noon. Pero magkasing tangkad sila ni kuya Spiker at medyo hawig daw sila ni Don Xandrei. Mga pamangkin niya kasi sa mother side ang mga ito. 

Pagkababa ay narinig ko na ngang tumutunog ang sasakyan. Lumabas na kaming lahat pero hindi pa dala ang pagkain. 

Bumaba ang driver, nagulat ako, maputi siya hindi gaya ni kuya Spiker na moreno. Lumapit ito kay Nanay Doray. 

"Ako daw driver nila, Nanay. Inaantok pa ako pero ginising ako ni Spiker..." bira niya.

"Saan niyo ilalagay iyong mga pagkain? Hindi ba siya sasama?" si nanay Doray.

"Susunod daw Nay, naliligo pa noong iniwan ko. Ngayon lang naligo ang isang iyon, mukhang makikipagkita sa pinopormahan niya. Siya nalang ang magdadala sa pagkain. Sunduin muna niya si Vert sa capitol mamaya, bahala ang dalawang iyon." 

"Sige. hija, mag-ingat kayo lalo na't mukhang pagod ka ata. Maraming tao sa resort ngayon. Baka maraming sasakyang umaakyat." 

"Medyo Nay, pero huwag kayong mag-alala. Aalagaan ko sila, ayokong malagasan ng buhok lalo na't narito si Señorita Yacinda. Naku papagalitan ako kapag nagasgasan siya," biro niya.

Tumawa ang mayordoma, "O, siya, sige. Ikaw na ang bahala hijo. Ako'y magpapahinga muna saglit."

"Sige po, nanay," sagot naman ni kuya. 

Tumingin ako sa driver namin, "Kasya pa ba kami sa isang van, kuya?" 

"Oo, yung chicks ni Spiker kung meron man sa inyo, ikaw nalang sumakay sa kanya, este, maki-ride sa kanya. Parating na si ugok, mabilis lang ligo ng isang iyon na parang pato." 

"Dito na kaming lahat kuya," sabi ko.

Tumango lang siya. Pumasok na lahat at umupo sa mga komportableng pwesto na napili nila. Ako ay sa harapan na umupo kasama ang driver. 

"Buksan nalang natin itong mga bintana mga bata ha, huwag na tayong mag aircon baka mahilo si Yacinda, pagagalitan pa tayo." 

"Opo, kuya pogi." 

Kapatid ni Paula ang sumagot. 

Medyo may kalayuan pala ang resort dahil mga kinse minutos rin ang nilakbay ng sasakyan. Ang lawak ng lupain ng mga Montiel dito sa Alfante. Nadadaan din namin sina ate Avikah kanina kasama niya si ate Lilac, si Veniz ang nagtype ng mga dokumento na pinagawa ni ate Lilac kaninang umaga. Doon pala ang balak nilang gawing taniman ng ubas. Nagtataka ako dahil pa akyat ng bundok ang daang tinatahak namin aspalto naman ang daanan kaso ibig sabihin nasa taas ang resort na sinasabi ni ate Avikah? 

"Kuya, bakit hindi ba sa kabila tayo?" galing sa kasambahay na isa.

"Masyadong matao doon dito nalang tayo at pwede niyong lakarin doon kung gusto niyong pumunta." 

"Ah, ganoon po ba, mas masaya na dito..." 

"Oo may okasyon doon ngayon sobrang maraming bisita. Huwag na kayong makipagsiksikan."  

Hindi namin naiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa kaya tahimik lang kami. 

Nagparada ang van sa harapan ng hotel, "Nandito ba si Storm? sabihin mo diretso kami dulo mag swi-swimming daw sina Yacinda." 

Bakit pangalan ko ang sinabi niya?!  

"Sinabihan ko na yung isa, dalhin niya iyong mga pagkain, magpahanda parin kayo, ilista mo sa pangalan ni Storm at Spiker. Huwag puro sa pangalan ko, uy! pati pagkain ng niloloko nila nakalista sa akin, ang galing naman nila! Better put under Kaixus' name." 

Tumango iyong babae, sumilip siya sa loob at ngumiti. 

"Sige na. Ako na ang bahala." 

Dumiretso nga kami sa dulo ng hotel sa likod pa baba ay may malawak na swimming pool. May tao pero hindi masyadong marami mukhang mga naka check-in lang sa hotel ang mga ito. May mga nipa huts at may mga tao roon. Sa pinaka gitnang nipa hut kami hinatid ni kuya Moonsoon. tanaw ang swimming pool at pinakamalaki iyon na nipa hut.

"Maiwan ko muna kayo. Si Jennica ang bahala sa inyo. Ayoko magbantay ng mga bata at saka may darating na pagkain niyo mamaya. Habang wala pa, magpa-order kayo sa loob, sa front desk mismo, sabihin mo pangalan ni Storm, Yacinda, okay?"

  

Tumango ako. Umalis na si kuya Moonsoon, dala niya yung van. We enjoy the view and set up our things. Nagsimula ng pumunta sa pool sina Paula. Naiwan kami sa isang kasambahay, her name is Felina. She is older for me for a year. It's a hotel pool daw pala according to her. Medyo tinanong ko siya konti.

"Si sir Kaixus po yung may kakilala kay tatay at nanay, sila po talaga ang nagtratrabaho sa mga Montiel dito po sa hotel at resort. Pumasok ako dito noong nag college na ako. Mabait naman si sir Storm na amo." 

"Mahirap ba sa college ate?" my curiosity hits again.

"Mahirap kung hindi ka mag-aaral syempre pero mukhang magaling ka makakapasa ka sigurado." 

Ngumiti ako.  

Tumingin kami sa pamilyar na mga sasakyang sunod sunod na dumating. Yung isa ay si kuya Spiker yung dalawa ay kina ate Avikah at sina kuya Kalyl. May isang fj cruiser pero hindi kilala kung kanino. Bumaba sina ate Lilac at mga kasama niya. Hindi sila dumiretso sa nipa hut namin kundi sa isa na nasa kaliwa namin.  Si kuya Spiker lang ang nagbuhat ng ilan sa mga lalagyan ng meryenda namin. Pati yung may-ari ng fj cruiser. Moreno pero may dating. Naka puting tshirt at naka maong at boots. Pumunta kami ni Felina at kinuha namin iyong mga huling pwedeng mabuhat. 

"Hindi niyo na sana binuhat pa iyan, Yacinda,  nandito naman si Drexon. Masipag iyan." 

"Kung dika ba naman mahina Spiker eh," ani ng nag ngangalang Drexon.

Siya pala iyong sinasabi nilang Drexon. I look at him and he caught me, he smiled at me.

Nakakahiya! Huling-huli ako! 

"So, the girl... is here?" tanong pa niya kay kuya Spiker with a small smile formed on his lips.

Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Tahimik lang akong nakikinig.

"I don't know, alam mo naman ang isang iyon. Iba trip niya. Parang ikaw..." simpleng sagot ni kuya Spiker. 

Tinawag ni kuya Kalyl sina kuya Spiker at sir Drexon. Nagpaalam na ang dalawa sa amin ni Felina.

"Hindi naman ganyan si Drexon, pasaway yan, halos lahat ng babae nilalandi niya, pero biglang nagbago siya. Noon, dating driver siya at sa  Baguio siya halos lumaki at nang bumalik naging ibang-iba na. Sabi ng iba dahil daw sa isang babae. Baka ex niya o naging parte ng buhay niya. Deserved naman niya kung anong meron siya ngayon. Konsehal na iyan dito at malaki rin ang flower farm niya."

"Ganoon ba, mabuti naman at nagbago na siya," ani ko. 

"Oo nga eh. Magkakilala kasi sila ng boyfriend ko sa Baguio rin kasi lumaki iyon at magkaibigan sila." 

"Kaya pala alam mo," sagot ko.

"Susulong din ako sa pool ha. Maiiwan ka ba dito? Sama ka nalang kaya sa pool..." 

Pinilit kong tumanggi pero sa huli ay sumama ako sa swimming pool. Ang masaklap sabi ko hindi ako maliligo pero binasa ako nina Maimah. Ang ingay pa namin. 

Tumingin kami kina ate Avikah, kumaway siya sa amin. Nakakahiya. Mukhang seryoso silang nag-uusap sa kanilang meeting. Wala na akong nagawa kundi lumusong sa swimming pool din. 

"Maliligo ka rin sabi ko na eh..." si Betty.

"Kasi naman binasa niyo ako..." reklamo ko.

Nag swimming kami hanggang sa mapagod kami at bumalik sa nipa hut. Kumain at nagpahinga konti. Basang-basa kami sobra. Naalala ko pa na hindi ako nagdala ng damit ko!!!

Oh my goodness! What a mess!

Hinila ko si Paula, "Wala akong nadalang damit."

"Oh my goodness, Yacinda! sige tanungin mo sina Maimah at Betty."

Pumunta ako sa tabi nina Betty. 

"Nakalimutan kong kumuha ng damit ko pa-uwi." 

"Oh my goodness! wala din akong extra," si Maimah. 

"Pati ako, isang piraso lang dala ko," sagot naman ni Betty.

"Paano kaya yan. Imposibleng meron din sina ate Lilac," medyo malungkot na saad ko.

"Oo nga. Si ma'am Avikah ang sabihan mo baka meron siya." 

Agad kong nilabas ang cellphone at kahit hiyang-hiya ay nag message ako kay ate Avikah. 

Ako: 

Ate, nakalimutan kong kumuha ng damit ko, hindi kasi sana ako maliligo... May pwede po ba akong pagbilhan ng damit dito?

Ilang minuto ko hinintay ang reply niya.

Ate Vikah:

Wait lang bunso. I have extra clothes don't worry.

Napabuntong hininga ako ng malalim. Mabuti nalang kinapalan ko ang mukha ko. 

Ako:

Maraming salamat po.

I texted her.

Hindi namin namalayan ang oras at mag a-alas singko na pala. Nahihiya akong pumunta kina ate dahil andun si kuya Spiker. Hindi ko alam kung nasaan si kuya Moonsoon. Gusto ko ring magpalit na ng bagong damit. Nagtext ulit ako kay ate Avikah ngunit wala akong nareceive na reply mula sa kanya. Medyo giniginaw na ako. 

Tinanong ko si Jennica kung saan ako pwedeng humiram ng tuwalya. Sinamahan niya ako sa isang hotel attendant. Hindi ko rinig ang sinabi niya. 

Umupo kami sa isang stainless na upuan. Sobrang lamig. Hinintay namin iyong hotel attendant na bumalik. May dala itong bathrobe at tuwalya. Iginaya din ako sa isang office na may sariling comfort room. Nakigamit ako sa shower at hinubad ang aking damit ng biglang bumukas ang pinto ng comfort room. Sa sobrang gulat ko nanigas ang aking katawan. Naiiyak ako ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan para isara ang pinto. Gusto kong mang abutin ang bathrobe pero hindi ko magawa. 

Isinara ng pumasok ang pinto. Titig na titig ang mga mata naming nakasalubong, maitim ang aura niya. Umigting ang mga panga na parang galit. Direretsong kinuha niya ang bathrobe at lumapit sa akin. 

Nanghihina ako. 

May kausap ito sa headset niya. 

"Yes, I'm sorry I have a little emergency. I'll call you later, Sabrina."

Pagkatapos niyon ay naramdaman ko ang bathrobe na bumalot sa akin mula sa aking likuran. Nahulog ang aking mga luha at lumakas ang tibok ng aking puso. Waring galit na hindi ko alam.

Bakit ako magagalit?...

Dahil nahihiya ako...

Sobra. 

Nahihiya, tama, nahihiya ako dahil sa tanang buhay ko ay hindi ko alam na magkaroon ng ganitong pangyayari sa akin.

Inayos niya ang tali ng bathrobe ng ayon sa korte ng aking baywang. Tuloy-tuloy ang mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko napigilang tawagin siya sa pangalan niya na kailan man ay hindi ko narinig sa mga taong nakapaligid sa kanya. 

"Sage..." medyo paos kong bulong, sapat upang marinig naming dalawa. 

Natawag ko siya sa pangalang hindi ko kailanman narinig na tawag sa kanya! 

"Hmm?... Wait for me outside, we'll bring your things to the laundry," mahinahon niyang turan.

Tila may sariling utak ang aking mga paa, agad ako na lumabas mula sa comfort room. Isinara niya ang pinto pero hindi na niya ini-lock. 

Pagbukas muli ng pinto ay nagkasalubong ulit ang aming mga tingin. Medyo matagal siya sa loob kaya medyo naiinip na ako. Gusto ko ng makapagbihis agad at umalis dito. 

"I already requested a fresh pair of clothes for you. Kunin mo nalang iyong basang damit mo para malinisan." 

Agad kong kinuha ang mga basang damit ko, as in lahat! Pero hinugasan ko muna, gamit ang soap ng hotel. Ibinalot ko sa tuwalya. Paglabas ko ay kinukuha ng kasama ko iyon. Ayoko mang ibigay ay mapilit siya, kaya hiyang-hiya akong binigay sa kanya. May binuksan siyang isang pintuan. Hindi ko na siya sinundan at nanatili sa loob ng office. May kumatok sa pinto kaya pinuntahan ko. Isang hotel attendant pero iba sa babae kanina. Mukhang mas matanda ito kesa yung kinausap ni Jennica. 

"Ma'am request po from the office," iniabot niya ang tatlong shopping bags na may branded na tatak. 

Kinuha ko ang mga shopping bags. Nakangiti siya habang inaabot ko ang mga iyon na parang mangha sa akin. "Kung may kulang pa po, pakisabi sa amin," aniya.

Iyon lang at tumalikod na ito. Hindi manlang ako nakapagpasalamat. 

Dumiretso ako sa comfort room pero ngayon sinigurado ko na naka-lock ang pinto. Inilabas ko ang isang simpleng dress maxi dress. Mayroon ding mga undies na nakalagay kaya iyon na ang aking isinuot. Bumalik na ako sa office at naabutang naka-upo sa sofa ang aking kasama. 

"Nauna na silang umalis pauwi, if you're ready we also need to go. Your things are ready too." 

Inabot niya iyong shopping bag na hawak ko at inilagay ang naka tupi na mga damit ko. Amoy bagong laba.  

Tahimik akong sumunod sa kanya sa labas hangang sa kanyang sasakyan. Hanggang sa Mansion ay tahimik ako. Hindi rin napag-usapan pa ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong mga susunod na mangyayari. Ibang-iba siya kanina. Hindi iyong pinapapakita niya na ugali niya sa iba. Parang kay sarap niya mag-alaga... pero alam kong hanggang doon lang kaming dalawa at ramdam ko parin ang galit niya sa akin. Gusto ko siyang lapitan, kausapin at ipaintindi na kahit kailan ay hindi ko hinangad ang karangyaang mayroon siya. Hindi ko aagawin ang karapatan niya sa pamilya niya pero natatakot ako. May parte sa akin na ayaw siyang lapitan dahil sa ibang dahilan.

Dumaan ang hapunan na normal ang lahat, sila ate Avikah at iba naming kasama kanina ang nagsabay-sabay na kumain. Pumanhik na lahat maliban sa kanya. Alam ko iyon dahil nakita ko sa sns post ni ate Avikah na umiinom ang tito niya kasama ang ka meeting nila kanina. Hindi ko alam kung anong oras ng magising ako dahil uhaw na uhaw ako. Bumaba ako upang uminom. Pagkatapos agad na bumalik sa aking silid. Ilang minuto pagkasara ko ay may pilit na nagbubukas sa pinto mula sa labas. Hinintay kong tumigil pero ayaw talaga. Kaya nakapaa paa kong binuksan ang pintuan at muntik ng ma-out-balance ng tumama sa akin ang lasing na katawan ni sir Kaixus. Medyo nahimasmasan siya ng konti ng dahil sa ginawa ko. Inayos niya ang sarili at umabante ng umabante. Napaatras ako katapat ng bilang ng abante niya. Sapat upang bumukas ang pinto at makapasok kaming dalawa. Isinara niya ang pinto at diretsong pumasok papunta sa aking higaan. Umupo sa gilid at nakikipagtitigan sa akin. 

"Hindi po ito, ang kwarto ninyo," lintaya ko, nawala ang aking antok.  

Bakit siya narito?! Hindi ito ang silid niya! Paano kung may nakakita sa amin na iba. Baliw ba siya?!

"Baby... I'm drunk and sleepy... You wanna shoo me away? Afraid you'll gonna take advantage of me?" Lambing niyang turan.

Tumayo siya at sinimulang maghubad sa harap ko. 

Lumapit ako sa kanya at dinuro siya. "Hoy, hindi porke't nakita mo ang katawan ko kanina may karapatan kang pumasok pasok dito sa silid ko. Anong sasabihin ng mga pinsan at pamangkin mo kapag makita tayo?" satsat ko habang minamasahe ang aking sentido.

Ngumisi siya at lumapit sa akin, parang walang narinig. Natanggal na niya ang kanyang pang ibabang saplot maliban sa kanyang boxer shorts. Umiwas ako at dumiretso sa kung saan siya umupo kanina pero nakatayo parin ako. Tinanggal niya ang kanyang tshirt mula sa bandang batok gamit ang kanyang kaliwang kamay. 

"Love seeing me undressing, baby? I can smell your nervousness..." saad niya at humarap sa akin na parang nawala ang kanyang kalasingan. "I don't care what's their opinion of me..." 

Naglakad siya papunta sa akin kaya napa-upo ako sa gilid ng kama para pigilan ang pangangatog ng aking mga binti. 

Lumuhod siya at ikinulong ang dalawa kong hita sa gitna ng kanyang dalawang kamay.

"What's your opinion of me, Yacinda?" diretsong tanong niya.

Hindi ko sinagot ang tanong niya kaya hinuli niya ang aking pisngi gamit ang kanyang kaliwang kamay at ipinantay sa tingin niya sa akin.

"Tell me... What's your opinion of me? Are you nervous someone might see us? Why? Is it because you think they'll gonna think something fishy if we are together at the same room? You get the shopping bags at the hotel earlier wearing just almost nothing. You weren't afraid... Hmm?" 

Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Iba sila..." suko ko.

"And now we are talking. Paanong iba, Yacinda? Hmm? They are my employees. Someone saw me going to the office earlier. What do you think?" 

Napanganga ako sa sinabi niya. Idinikit ko ang aking kanang hintuturo sa kanyang bibig upang hindi ko marinig ang iba pang sasabihin niya. 

Tumayo siya at tumawa habang hawak ng kanang kamay niya kanyang panga. Tumigil siyang tumawa at pumantay muli sa akin. Parang pa-wala ng pa-wala ang kanyang kalasingan sa pagdaan ng bawat segundo. 

"Ngayon, sabihin mo sa akin, bukas o makalawa anong balitang maririnig ko mula sa kanila?"

Galit na ako, wala naman kaming masamang ginawa! 

"Wala tayong masamang ginawa!" depensa ko. 

"But someone saw you and someone saw me. They knew us..." 

"Wala tayong ginawang masama Sage," ulit ko.

"But you leave them impression by getting those shopping bags Yacinda, why did you do that? I told you to wait... Where you that nervous I might take advantage of you?" 

Bakit kasalanan ko?!  

"Bakit kasalanan ko!"

Napatayo ako dahil sa inis, "Pagsabihan mo mga empleyado mo! Kinuha ko dahil para naman talaga sa akin iyon diba? Itinawag mo?!" 

Tumingin ako sa kanya. Wala akong pakialam sa lagay naming dalawa ngayon.  

Nagkibit-balikat siya at umupo sa gilid ng kama akmang matutulog pero dahil sa sobrang galit ko ay hinila ko siya pero imbis siya ang mahila ay ako ang sumumsob sa kanya. 

Tumawa siya, medyo malakas kaya medyo kinabahan ako. Aayusin ko sana ang sarili ko ng agad niya akong inihiga pa lalo. Pantay ang mga ulo namin at nakulong ako sa mga bisig niya. Nakadungaw ako sa kanya habang nakatingin siya sa akin.

"It's too early, so don't make something you'll regret, Yacinda." 

Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tainga, "You are the one who is pushing yourself to me. Do you think a little undressing can make me forget who are you to me?" 

Yun lang at agad na siyang tumayo.palapit sa pinto. Nangangalaiti ako sa sinabi niya. Ibinato ang unan sa kanya at bago pa niya mabuksan ang pinto ay nahawakan ko ang kanyang kamay. Laglag ang mga luha mula sa aking mukha ay hinarap ko siya. Hinila ko siya pa punta sa aking kama. Pina-upo at pumantay ako sa kanya. 

Masakit ang mga salitang nagmula sa kanyang mga bibig at hindi ko malunok.

"Bakit, Sage, anong tingin mo sa akin, kumpitensya mo sa mana mo? Bakit kagalit na galit sa akin anong ginawa ko sa'yo?!" hindi ko napigilang ikulong ang kanyang mukha sa aking mga kamay na nanginginig. 

Kumawala siya sa aking hawak kaya sinabunutan ang kanyang ulo bago siya tumingin akin. 

"I hate how my parents, my brothers, sister-in-laws, niece and nephews think of you. I hate this. This situation is fucking hard..." he quipped with a hint of fury.

"Kung mawawala ba ako magiging masaya ka?" iyak ko.

Hindi ko alam kung anong meron. 

"The earlier the better, farther the safer, can't do this anymore..." he said na parang nahihirapan pero walang choice. 

"Isang taon, aalis ako," ani ko.

Nagdamit siya at umalis pagkarinig niya sa sinabi ko. Naiwan akong umiiyak hangang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status