Share

KABANATA 7

VLOGGING 

Hanggang sa makabalik kami ng San Gabriel ay baon parin sa aking isipan ang huli naming pag-uusap ni sir Kaixus. Hindi ko na siya nakausap pa sa mga sumunod na biyahe namin. Imbis rin na dumaan pa kami ng Playa Del Fuego ay diretso nalang kami ng uwi pagkatapos naming manatili ng dalawang araw sa La Flora dahil nag-flight na raw ang Don at Donya at nagsi-uwi na rin sa Manila at Cebu ang mga kapatid ng bunsong Montiel dahil meeting sa kumpanya nila. 

Sa sobrang busy din ng lahat ay kami-kami nalang nina Paula ang magkakasama. Sumama rin sa San Gabriel si kuya Spiker dahil siya nalang naging driver namin dahil naiwan na si kuya Kalyl kasama ang pinsan niya.  

Una naming hinatid sa bayan sina Paula at mga iba ko pang kaibigan. Mas nauna kaming umuwi, susunod daw sina ate pagkatapos ng mahalagang meeting nila sa Playa Del Fuego. 

"Yacinda, mag-iingat ka. Balitaan mo nalang ako mamaya. Dalaw ako bukas sa Mansion."

"Sige Paula, kayo din dahil mukhang wala pa si nanay Panyang." 

"Nasa Palengke raw si inay, bumibili ng mga gamit sa kusina." 

Binigyan ako ng yakap ng lahat. 

"Maraming salamat, Yacinda. Sulit na sulit ang pagpunta natin sa Alfante hanggang sa La Flora." Si Maimah. 

"Walang anuman Maimah. Mag-iingat kayo," balik ko. 

Si ate ay Lilac ay kasama ni ate Avikah. Sigurado ay ihahatid na iyon pag-uwi nila o di kaya ay sa Mansion na didiretso. 

Bumalik na ako sa van kung saan naghihintay si kuya Spiker. Sa tabi niya ako umupo sa harap. 

"Okay na ba, Yacinda? Diretso na tayo ng Mansion dahil kanina pa ako tinatawagan ni Kaixus. Nakakainis ang isang iyon." 

"Oo kuya, pasensiya na po." 

"Okay lang, mag seatbelt kana," aniya.

Inayos ko ang aking seatbelt at pinaandar na ni kuya Spiker ang van. 

"Matagal na tagal na rin ang hindi pumunta dito ah, pero kapag dito na si Kaixus ay magpapasama ako lagi. Dito nalang ako, bahala na si Moonsoon sa Alfante. Papuntahin ko doon si kuya Driego." 

Tumawa ako, "Kuya maganda ba sa Remnant, o mas maganda sa CSU?" 

"Hmmmmn, pareho lang naman sila, magagaling ang mga professors. Ayaw mo ba sa Manila, Yacinda? Sigurado doon ka gusto ni Lola na mag-aral. Matataas pa naman mga grado mo." 

Tumingin ako sakanya. Paano niya nalaman ang mga grado ko? 

Tumikhim si kuya Spiker, "I accidentally heard it from Lola, tumatawag lagi si Lola Diana sa kanya."

Tumango tango ako, "Si kuya Queziah ang tanungin o di kaya ay si kuya Driego. Pero kung ako sa'yo sa Manila ka nalang. UP. La Salle. Ateneo. Huwag kanang mahiya kung papipiliin ka ni Lola Diana kung saan mag-aaral. It's for your own. You can even have your internship in the company. Kahit saang office."

"Wala po kasing makakasama si Lola dito, ayoko po siyang iwan..."

Hindi na nagsalita pa si kuya Spiker. Habang nasa daan ay nakikita kong nag-aani na ng mga tubo ang mga trabahador. Maging si kuya Spiker ay napatingin din. 

"Kakatapos lang din mag ani ng tubo at mais sa Alfante kaya pumunta dito si Kalyl. Maiwan na muna ako rito habang wala pa si Kaixus, mukhang aabutin pa hanggang next net week bago matapos maani lahat dito." 

"Mga dalawang linggo hanggang tatlong linggo po ang inaabot ng ani ng mais dito sa tubo ay ganun din, kuya." 

"Si Kalyl lagi ang pumupunta dito kapag anihan na, dahil ayaw niyang inuutusan ni Mama at para magreport na rin tungkol sa ani ng niyog doon sa Alfante. Hindi ninyo pa napuntahan iyon dahil malayo sa Mansion. Parte ng mana iyon ni Lolo Xandrei, pati iyong lupa na tataniman ng ubas ni Kaixus." 

"Mas malawak po ba ang lupain sa Alfante kaysa dito sa San Gabriel?" tanong ko, dahil gusto kong malaman kung alin ang mas malawak sa dalawang Mansion ng Montiel. 

"Mas malawak sa Alfante, pero mas maraming lupain si Lolo Xandrei kesa kay Lola Xinthia, but Mamita's assets are equal to Lolo Xandrei," aniya. "Montiel is an old family here in Catalina, not just in Alfante and here in San Gabriel but also in other provinces within the country. Although we dont bear the surname Montiel because,of course Lola is already a Delmore and Mama became Gravantez already but we are still of the same roots." 

"Kamag-anak niyo po ang mga Delmore ng Le Vida Steel?" Paniniguro ko.

"Yup! and the running Mayor of Tierra Vida. Sasali pala ang mga iyon sa rally cross. Ako din sana pero busy ako hacienda sa araw kung kailan ito gaganapin." 

"Sayang naman, kuya..." saad ko. 

Huminto na ang van sa tapat ng maindoor ng Mansion pero hindi muna kami bumaba ni kuya Spiker. 

"Kaya nga eh, sa susunod na taon nalang ako sasali. Dibale maraming mga sasali panigurado lalo na at pinarating na kay Governor iyong imbitasyon. Sasali din si Darius, for sure." 

Lumabas na si kuya Spiker at maging ako ay bumaba na ng sasakyan. Sumalubong sa amin si Lola. 

"Naku hijo, hindi mo na naabutan ang Lolo Xandrei mo."

Naglakad papunta kay Lola si kuya at nagmano, "Okay lang ho Nay, hinatid ko lang sina Yacinda dito dahil nasa Playa pa po sina tito Kaixus."

"Teka lang hijo, magpapahanda ako ng meryenda mo at ipahanda ko na rin ang magiging kwarto mo." 

Umalis na si Lola pabalik sa loob ng Mansion. Kinuha ko naman ang gamit ko sa likod ng van. Ipaparada na kasi ni kuya Spiker. 

"May mga kabayo ba sa kuwadra, Yacinda?" tanong ni kuya Spiker nang nasa foyer kami.

Umupo muna ako sa isang couch dahil napagod ang aking kamay sa pagbuhat ng gamit ko. 

Umupo naman si kuya sa isang upuan malapit sa table. 

"Meron po, may pupuntahan po ba kayo?" 

"I'll gonna help the harvesters, mag a-alas dos palang naman. Hindi ko rin nakita si kuya Driego. Baka naroon din doon." 

Saktong dumating si ate Mae na may bitbit na tray ng pagkain na may kasamang pitsel. Nilapag niya iyon sa center table bago nagsalita. "Naku, pasensiya na Sir Spiker, wala iyong paborito mong carbonara, naubusan kami ng sauce, pinuntahan palang ni Dante sa warehouse iyong mga kahon ng pagkain at gourmet." 

"Okay lang Mae, salamat. Masarap naman itong Lasagna..." 

"Maiwan ko na kayo, Yacinda, kumain kana rin, ako'y babalik sa kusina para maghanda ng meryenda ng mga trabahador." 

"Ako na ang maghahatid mamaya Mae, sa may maisan sa daan papasok ba rito, dadalhin ang mga iyan?" 

"Oo, nakita niyo pala. Kakasimula lang ng anihan noong nakaraang-araw. Nandoon din si Señorito Driego ngayon." Pahayag ni ate. 

"Sige sige, tutungo ako doon pagkatapos kong kumain." 

"Sige po," tipid kong sagot.

Umalis na si ate Mae at naiwan kaming dalawa ni kuya Spiker na kumakain. 

"Tawagan ko si Kalyl mamaya para sabihan niya si Devon at ng ipadala nila ang ibang tauhan dito para mas maagang matapos ang ani bago pa mag rally cross dahil siguradong magiging busy lahat dito sa mga susunod na araw." 

"Kung minsan po ay nagtatawag din kami ng mga tauhan galing sa karatig bayan, lalo na kung talagang sabay ang ani ng mga tanim dito." 

"Masasanay naman si tito kung siya na ang mamamahala dito. Tatlo na sila nina kuya Driego at Queziah." 

Tumango ako. Totoo naman yung sinabi ni kuya Spiker, pero hanggang nandito si sir Kaixus ay siguradong hindi matatahimik ang aking mga araw. 

Alis kaya ako dito sa Mansion? Magpapaalam ako kay Lola na bumalik sa bahay. Kailan na din noong huli kong uwi. Si Lola ay umuuwi lang isang araw sa isa isang linggo upang maglinis. Wala ng tumatao sa bahay dahil hindi ako pinapayagan ng Donya na umuwi lalo na't mag-isa lamang daw ako. Nag-iisa lang kasi ang bahay sa unahan papasok ng hacienda, walang mga katabing bahay at mapuno sa likod niyon dahil sakop ng lupain ng mga Montiel ang lupa kung nasaan ito nakatayo. Ang mga bahay ng ibang tauhan ay sa kabilang bahagi ng bahay at bente minuto mula sa bahay nina Mang Kanor. Ngayon ay wala na ang Don at Donya, mas mabuti sigurong manatili ako sa bahay kesa araw-araw kong nakakasalamuha ang Señorito lalo na't ilag ito sa akin.

Napabuntong-hininga ako sa aking naisip. 

Bumaba sa hagdanan si Lola at nagsalita, "Okay na ang iyong kuwarto, Spiker hijo, maaari kang magpahinga pagkatapos mong mag meryenda. Iyong silid sa tabi ng kuwarto ni Queziah ang magiging silid mo dito, hangang kailan ka dito, anak?" 

"Hanggang matapos ho ang anihan Nay, tutulong muna ako dito. Salamat po, iaakyat ko nalang mamaya iyong gamit ko. Pasensiya ho sa abala, Nay." 

"Walang anuman hijo, si Yacinda nalang ang mag-aayos niyang pinagkainan ninyo, dibale at wala pa siyang gagawin. O, siya maiwan ko na kayo." 

"Sige po Lola," saad ko. 

Patapos na rin kaming kumain ni kuya. Pagkatapos nga ay ako na ang nagdala ng mga hugasin sa kusina. Iniwan ko muna ang aking gamit sa may living room. Pumanhik na sa itaas si kuya Spiker. 

Naabutan kong nilalagay nina ate Mae at nina Lola sa crates ang meryenda ng mga trabahador na nag-aani ngayon. Tumulong ako sa pag aayos,saktong tapos na kami ay dumating si kuya Spiker. 

"Hello Nay," bati niya sa Mayordoma na kasama namin at tsaka tumingin kay ate Mae, "Okay na ba? iyan naba lahat ng dadalhin doon?" 

Tumango si ate Mae kay kuya.

Nagsalita naman si Lola. "Spiker, hijo, kararating mo lang, magpahinga ka nalang muna. Si Felix nalang ang magdadala ng mga ito," suhestiyon ni Lola. 

"Okay na po ako nanay Ana. Ako na po ang magdadala at saka hindi naman ako masyadong pagod. Tutulong din muna ako doon habang maganda pa ang panahon. May susi po pa iyong isang puting pick-up sa garahe?" 

Tumingin si Lola kay ate Mae, "Kunin mo iyong susi Mae hija..." Aniya.

Binuhat na kuya papunta sa garahe iyong unang crate. Dumating din si kuya Felix at binuhat ang isa pang crate. Nang dumating si ate Mae ay dalawa na kaming nagbuhat sa huling crate. Nadaanan kami ni kuya Spiker kaya kinuha niya iyon at sumunod nalang kami ni ate Mae. Naabutan naming nagsasalita si kuya Felix. 

"Opo Sir, kaninang umaga ko lang pinalagyan ng gasolina. Full tank po." 

"Sige, sige. Maiwan ka nalang dito para may uutusan sila kung sakali. Salamat Felix." 

Tinapik ni kuya Spiker ang balikat ni kuya Felix.

"Walang anuman po Sir," sagot naman ng huli.

Iniabot ni ate Mae iyong susi kay kuya at pinaandar na ng huli ang sasakyan. Pinanood naming tatlo ang pag-alis ni kuya Spiker. 

"Kaya siguro mas kayumanggi si Sir Spiker kesa kay Sir Moonsoon at Storm dahil sabak na sabak siya sa trabaho," ani kuya Felix.

Tinignan lang namin siya ni ate Mae. Nagkamot ito ng ulo.

"Balik na kayo sa Mansion, magpapahinga lang ako saglit. Tawagin mo nalang ako kung may iuutos kayo, Mae."

"Ikaw ang bahala, Felix. Malaki kana..." lintaya ni ate Mae at hinila ako pabalik ng Mansion. 

"Nakakainis talaga iyang Felix na iyan! Sabi ko kasi hawakan niya iyong susi at doon nalang sa garahe kunin ng gagamit ng sasakyan, binigay pa niya kay nanay Ana!" 

"Ate, ang puso, dahan dahan lang po," suyo ko sa aking kasama. 

Binitiwan ni ate Mae ang aking kamay at naunang naglakad, sa dirty kitchen kami dumaan. Sa sala na ako dumiretso at kinuha ang gamit bago pumanhik papunta sa aking silid. Naligo muna ako at dahil antok na antok ay nakatulog pala ako. Takip-silim na ng magising ako. Agad na nag toothbrush at inayos ang aking sarili. Bago ako bumaba ay tiningnan ko sa aking cellphone ang oras. Alas sais pasado na pero mataas parin ang sikat ng araw mula sa aking balcony. Lumabas na ako ng aking silid at pumunta sa kusina. Naabutan ko si ate Mae na naghihiwa ng carrots.

"Magandang gabi ate, Mae," bati ko at kumuha ng kutsilyo. 

Tumabi ako kay ate Mae at nagsimulang maghiwa na rin ng carrots.  

"Magandang gabi rin Yacinda. Adobong pusit at manok ang u-ulamin natin ngayon. Salamat naman at makakatikim na naman ako ulit ng pusit." 

Tumawa kaming dalawa.

"Kayong dalawa anong tinatawatawa ninyo diyan?" 

Paglingon ko ay si kuya Felix ang nagsalita. Naglalagay ito ng mga kahon sa isang side ng kusina. Maging si kuya Dante ay naghahakot din ng mga kahon. 

"Wala po kuya," sagot ko.

"Huwag kang tsismoso Felix, tulungan mo ng magbuhat si kuya Dante at ng matapos ng maayos ang mga iyan." 

"Ang sungit sungit mo sa akin Mae. Inaano ba kita?" tanong ni kuya Felix. 

"Nakakairita kasi ang pagmumukha mo!" 

Sumabat si aling Marta, "Tama na iyan, Mae, Felix baka mamaya ay kayo din ang magkarugtong na dalawa." 

"Paumanhin aling Marta, hindi mangyayari iyan..." sagot ni ate Mae. 

Umalis na si kuya Felix at nagpatuloy parin sa paghihiwa si ate Mae. Maging ako ay nagpatuloy na rin. 

"Yacinda simulan mo ng hiwain iyong mga patatas, ako na ang tatapos dito." 

"Sige ate." 

Pagkatapos naming maghiwa ng pataas ni ate ay nagpaalam ako at pumunta sa kuwadra, wala sina ate Avikah at pati si kuya Spiker ay wala din dahil wala ang sasakyan na ginamit niya kanina. Nagsisimula ng dumilim. 

Naabutan ko si kuya Hugo nagpapasok ng ilang baka sa barn house. 

"Kuya Hugo, napakain naba iyong mga kabayo?" 

"Katatapos lang kanina, Yacinda, bakit? Kukunin mo ba si Thunder? Gabi na! Pagagalitan ako ni Señorito Kaixus, kabilinbilinan niya na huwag ilabas ang mga kabayo pag madilim na. Pasensiya kana, at tsaka nag-iingat tayo ngayon lalo na't may mga barbwire pala na nagupit at nasira.m na naman sa abandonadong lupain ng mga Xexon sa kabilang hacienda. Mamaya ay may mga nakapasok ditong mga kawatan. Matagal na naming minamanmanan ang mga dulo ng hacienda, mukhang doon na nagdiretso sa bandang kanluran si Señor Kaixus pagkarating niya. Pupunta rin ako sa Silangang bahagi maya-maya kasama ang ibang vaquero. Kaya pasensiya na talaga. Saan kaba sana pupunta sana?" 

"Titignan ko lang po sana sa bandang unahan kung saan may ani. Maghahapunan na kasi wala pa si kuya Spiker..." 

"Sumama si Señorito Spiker kay Señor Kaixus kanina. Doon na siguro mananatili sa resthouse sa kanluran ang dalawa." 

"Ganun po ba kuya, sige po. Balik nalang po ako sa Mansion. Kakain na rin po tayo maya-maya." 

"Sige sige, papasukin ko lang lahat ng mga baka at susunod na ako. Mag-iingat ka." 

"Salamat po kuya Hugo." 

Umalis na ako sa kuwadra. Kaya pala wala pa si kuya Spiker, pero hindi ko alam na dumating na si Sir Kaixus. Wala pa kasi sina ate Avikah. 

Pagdating ko sa kusina ay agad kong tinanong si ate Mae. 

"Ate, dumating naba sina ate Avikah?" 

"Bukas pa raw ang dating nila, Yancinda. Si Sir Kaixus palang ang dumating kanina-kanina lang bago ka dumating dito sa kusina ay umalis. Hindi pa nakabihis at wala pang pahinga. Naghabilin lang siya kay Felix at nanay kanina."

"Ganun po ba. Eh, sino sabi po ni kuya Hugo na nasa kanluran sina kuya Spiker pati si Sir Kaixus, sino ang kakain dito ngayon?" 

"Kaya nga masaya ako eh, syempre, tayong lahat pati iyong mga ibang trabahador. Sa may bandang hardin tayo kakain. Tulungan mo na ako at dalhin na nating itong mga plato't mga tinidor doon. Ang bait talaga ni sir Kaixus, siya ang nagsabing maghain at kumain sa may hardin ang lahat ng trabahador na naiwan dito. Nagpadala na rin siya kay Felix ng ulam sa may kabahayan." 

"Ganun po ba, ate. Sige po, ako na po dito sa ibang plato ate." 

Hinawakan ko na ang ibang plato mga at tinidor at naglakad patungo sa hardin. Nakailang balik kami ni ate Mae sa kusina para kumuha ng mga plato. Marami pala ang mga naiwan dito sa Mansion na mga tauhan. Maging si kuya Felix ay tumutulong sa pagbitbit ng mga pagkain. 

Habang kumakain ay nagkukwentuhan ang mga matatanda, kami naman ni ate Mae ay tahimik lang. 

Bumulong siya sa akin, "Ang sama ng timplada ng mukha ni sir Kaixus kanina, mukhang hindi nakahalik sa kasintahan. Kanina pa hindi pumapansin," reklamo ni ate Mae habang sumusubo ng pagkain. 

Hindi ko alam na narinig pala Betty yung sinabi ni ate Mae. Kakarating niya kanina pagkatapos naming mag-ayos ng hapag. Akala daw niya ay may okasyon at natakot pa ng walang nadatnang tao sa loob ng Mansion. 

"Baka naman kasi hindi pinahalik nung babaeng akala mo ay linta sa La Flora, diba Yancinda, nakita mo iyon kahapon. Grabe, hindi porke't anak ng Mayor ay ganoon na kung umasta, talo pa iyong kasintahan ni Sir Kaixus..." 

"Grabe naman iyan. Ganoon ba iyong anak ng Mayor ng La Flora? Nauna iyon ng isang taon sa school ah, sa CSU iyon at magkaklase pa kami sa isang subject. Naku-naku, baka ako nilalapitan ay alam niyang dito ako sa Mansion nagtratrabaho." 

Pinilig ni ate Mae ang kanyang ulo. 

Lumapit ako kay Betty at bumulong sa kanya, "Ang daldal mo Betty. Kumain na nga tayo," ani ko. 

"Eh, sinabi ko lang naman ang totoo, Yacinda... Kukuha ako sa buko juice at leche flan, ikuha na rin kita. Busog na ako pero ang dami pang pagkain," sagot ni Betty.

"Sige, konti lang dahil busog na rin ako, Betty." 

Hindi na kami pinaghugas nila aling Marta at Lola pagkatapos naming kumain. Umakyat na kaming dalawa ni Betty sa aking silid dahil dito daw siya makikitulog ngayon. Sa quarters sana ng mga kasambahay pero inaya ko na siya dahil ako lang ang tao dito sa Mansion. Ito ang unang beses na mag-isa lang ako kaya nagpasama na ako kay Betty. 

Nang matapos kaming magsipilyo at mag shower ay sa balcony kami tumambay. 

"Alam mo Yacinda, may napansin ako sa Alfante, bakit parang takot na takot ka kay sir Kaixus? Inaaway ka ba niya?" 

Nagulat ako sa tanong ni Betty. 

"Hindi kasi ako sanay na kasama siya Betty..." palusot ko. 

"Akala ko naman na ay inaaway ka niya... pero ang bait naman niya, tignan mo at pinayagan tayong kumain sa hardin ng Mansion. Kung ibang amo lang ay baka pagkain na ng aso ang pinapakain sa kanilang trabahante. Siya nga pala, gumawa ako ng account ko sa Youtube. Sabi kasi ng mga taga La Cita ay pwede raw kumita doon. Mag-upload ka lang daw ng mga video tungkol sa kung anu-ano tapos kapag may isang libo mahigit kang followers ay pwede na raw kumita ang account mo. Totoo ba iyon, Yacinda? Iyon talaga ang pakay ko kaya ako sumama kay kuya Dante kanina." 

"Hindi ko lang alam, Betty. Bago rin lang ako sa paghawak ng cellphone. Pwede naman nating tignan kung totoo nga ang sinasabi nila. Akin iyang telepono mo..." 

Iniabot ni Betty ang kanyang telepono sa akin. Kinonekta ko iyon sa internet ng Mansion at tsaka nagtipa sa search bar. Tinignan namin ni Betty ang video sa YouTube. Pinanood naming dalawa ang laman ng video hangang matapos iyon. Totoo nga ang kanyang sinabi. 

"Gusto kong simulan mag video ngayon. Hindi ba ay may alaga ang Donya na bulaklak na namumukadkad lamang tuwing gabi?" 

"Oo, sa may Greenhouse iyon!" 

"Maganda kaya iyon na i-video natin para sa unang video na ilalagay ko sa aking account? Papamagatan ko natin na, "Pamumukadkad ng Queen of the night" Okay lang kaya iyon, Yacinda?"

"Magandang idea iyan Betty, kaso dapat ay may entrada kang salita gaya ng napanood natin para mas bumaba pa iyong oras at para narin makita ka ng mga manonood," suhestiyon ko.

"Tama tama, ako na ang bahala doon." 

Tumayo kaming dalawa ni Betty at kumuha ako ng flashlight. Nagtungo kami sa Greenhouse sa side ng Mansion. Si Betty ay kanina pa salita ng salita at nag vi-video. Tahimik lang ako at taga-hawak ng flashlight nang pumasok kami sa Greenhouse. 

"Ilang minuto kaming kumuha ng video at bumalik sa loob ng Mansion." 

Naabutan namin si Lola sa sala. 

"Saan kayo galing na dalawa? Oras na ng pahinga?"

"Lola galing lang po kami ni Betty sa Greenhouse, tinignan lang namin iyong cactus na namumukadkad ang bulaklak tuwing gabi," paliwanag ko kay Lola. 

"Opo, Nay, matutulog na rin po kami." Tugon ni Betty. 

"Pumanhik na kayo sa itaas at papatayin ko na mga ilaw dito." 

Iniwan na namin si Lola at pumasok nang muli sa aking silid. Pinanood naming dalawa ni Betty ang kinuha niyang video kanina. Mukhang okay naman iyon at maari ng i-upload. 

"I-upload ko na ito, Yacinda..."

"Sige, sige. Tapos mag-isip tayo ng magiging paksa mo para sa susunod mong mga video." 

"Naisip ko na iyong mga pasyalan dito sa atin ang mga isunod ko at mga pagkain, yung tungkol sa buhay dito sa probinsya para naman makita ng manonood kung ano ang buhay ng mga nasa probinsya." 

"Magandang idea iyan, Betty..." 

"Alam mo naman, pangarap kong maging flight attendant o di kaya ay sa barko, sayang at hindi ko nalaman itong vlogging na ito bago tayo pumunta sa Alfante." 

"Kaya nga, ang galing naman pwede palang pagkakitaan ang magbahagi ng video sa YouTube..." 

"Subukan mo rin kaya Yacinda. Lalo na at nakatira ka dito sa Mansion. Malay mo ay magiging marami ang iyong manonood." 

"Hindi na Betty, alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganyan at nakikitira lang din ako dito, gusto ko na ng bumalik sa bahay." 

"Naku, mag-isa ka lang, alam mo naman iyong sinabi ng mga trabahador na may mga nagtatangkang pumasok dito sa hacienda... Hindi ka namin masasaklolohan kung may masamang mangyari sa iyo sa bahay niyo. Dito ka nalang," kumbinsi ni Betty sa akin. 

Napabuntong hininga ako. 

"Matulog na nga tayo..." aya ko. 

Tinapos muna ni Betty na i-upload ang video niya at nahiga na kami. 

Bahala na, kung talagang kailangang kong umuwi sa bahay ay magpaalam ako kay Lola. Sana nga lang ay hindi ko palaging makasalamuha si sir Kaixus. Iiwas na rin ako upang hindi pa maulit iyong nangyari sa Alfante. Tatandaan ko rin ang aking pangako. Sana nga lang ay dumating na payapa ang aming graduation sa susunod na taon. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Wala akong mapagsabihan kundi ang nasa itaas lamang. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status