NERVOUS
Kinabukasan ay maaga kami ni Betty na nagising. Agad niyang tinignan ang video na ini-upload niya sa kanyang YouTube. Mayroon agad siyang trenta na followers. Gumawa din ako ng account ko at finallow ko siya upang mas dumami pa ang kanyang followers. I also navigate my phone to familiarized the applications. I decided na mag-install ng ilang useful applications that I might be able to use in the future.
"Waaahhhh!!!! Salamat sa pag follow sa akin YT channel, Yacinda. Tignan mo may mga nag comment dito galing sa ibang bansa. Ipagpatuloy ko daw ang pag-upload ng mga video. Sinabi ko rin na ngayong araw ay ipapasyal ko sila sa bayan, para makita nila iyong mga pailaw ni Mayor sa may kapitolyo natin. Aayain ko si Paula..."
"Magandang idea iyan, Betty. Kapag makaluwag-luwag ay maaari natin silang ipasyal doon sa La Cita. Sabihan ko rin sina ate Avikah na mayroon kang ganyang pinagkakaabalahan, baka sakaling mas marami silang idea tungkol sa bagay na iyan," paniniguro ko.
"Sayang talaga Yacinda, ayaw mo ba talagang gumawa ng iyo? Sayang naman..." Pilit ng aking kaibigan.
"Naku, hindi ako kumportable na-ipakita ang aking mukha sa tapat ng camera, kaya kayo nalang nina Paula kung sakali mang gusto rin nilang sumubok niyan."
Ngumuso si Betty at pumunta sa Balcony. May kumakatok sa aking pintuan kaya ipinagbusan ko iyon. Si ate Mae na may tray ng pagkain.
"Pasok ka ate, nag-abala ka pa, bababa na rin kami ni Betty."
"Okay lang yan, gusto ko rin ditong kumain.Nasaan na ba si Betty?"
"Nandito ako sa Balcony ate Mae! Halika dito, may ipapakita ako sa iyo. Bilis!" sigaw ni Betty.
Pumunta kami ni ate Mae sa may balcony upang samahan si Betty doon. Magandang doon na rin kami mag-agahan para presko ang hangin mula sa labas. Medyo may hamog pa pero hindi naman nakakasakit na ng ulo.
Paglapag ni ate Mae sa aming pagkain ay kumaway si Betty sa kanya para pumunta sa kanyang tabi si ate pagkatapos ay pinakita ni Betty ang ginawa niya at namangha naman si ate Mae.
"Ay, iyan pala iyong sinasabi nina Señorito Calibre na vlogging... Sabi nga niya e, gumawa raw kami tapos parang mag-house tour kami ganun... Ewan... Pero may makukuha ka raw na pera paglaon diyan..." Sambit ni ate Mae.
"Opo ate totoo iyon. Kapag na-meet mo iyong requirements na kailangang makuha. Magkakapera kana," paliwanag ni Betty.
"Ganoon ba, kaso busy na busy ako eh, buti kayo at may oras para diyan, o, siya, kumain na muna tayo..." saad ni ate.
Tahimik akong kumain pero hangang sa matapos, ay nag-uusap parin ang dalawa tungkol sa vlogging.
"Darating mamaya sina Ma'am Avikah. Sina Señor at Señorito Spiker ang hindi ko lang alam. May stock pa naman ng pagkain doon sa kanluran at may garden din doon sina Hugo."
"Tatanungin ko si Sir Calibre mamaya kung paano mag-edit at kung ano pa ang magandang maging topic," sambit ni Betty.
"Magandang idea yan para kahit papaano ay makakuha ka ng idea. Ikaw Yacinda, kanina kapa tahimik diyan, may dinaramdam kaba?" biglang tanong sa akin ni ate Mae.
Tumingin ako sa kanya, "Wala po ate, medyo inaantok pa po ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kanina."
"Ganun ba, ako na ang magdadala nitong pinagkainan natin sa kusina."
"Sige po ate, maraming salamat po."
Dalawa na kaming nagligpit ni Betty sa pinagkainan naming tatlo samantalang si ate Mae naman ang nagdala sa kusina. Pina-iwan ko nalang iyong pitsel ng orange juice at baso namin ni Betty. Ako na ang magdadala mamaya sa kusina.
Totoong hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa dami ng aking iniisip. Uuwi rito sina ate Avikah at next week ay luluwas na ang mga ito pabalik ng Manila. Maiiwan lang dito si sir Kaixus para mamahala sa hacienda. Sina kuya Queziah at kuya Driego naman ay bihira lang talagang umuwi dito lalo na ngayon. Palaging nasa tubuhan at maisan si kuya Queziah at minsan ay nasa kapitolyo o di kaya ay sa bayan. Sa gabi ay mas pinipili nito na mamalagi sa bayan o di kaya ay sa resthouse malapit sa bungad dahil mas malapit ang taniman ng mais at tubo roon.
"Hindi ka nakatulog ng maayos kanina, Yacinda? may problema kaba?"
Ngumiti ako kay Betty para pagtakpan ang aking totoong nararamdaman.
"Okay lang ako, Betty. Anong oras na tayo natulog kaninang madaling araw..."
"Maaga naman tayong natulog kanina. Pasado alas onse. Ikaw ba anong oras ka nakatulog?"
"Alas dos..." Ngumiti ako sa kanya.
"Alas dos?!" Gulat na turan niya sabay hawak sa aking mga balikat at pinaharap ako sa kanya, "Anong pinaggagawa mo at alas dos kana nakatulog?"
"Wala, sadyang hindi lang talaga ako makatulog..."
"Hay naku, baka mamaya ay maaantok ka mamayang ala una."
"Hayaan mo na..." Tumayo ako mula sa upuan at tinapos ko ang aking juice. Ganun din si Betty. "Ako na ang magbababa nito sa kusina Yacinda, nakalimutan kong tanungin si ate Mae kung pupunta ba sa bayan si kuya Dante at makiki-uwi ako.""Sige sige, susunod na rin ako."
Binaba na ni Betty iyong mga baso namin at iyong pitsel. Humiga muna ako sa aking kama. Hindi kasi ako makatulog kaninang umaga kaya lumabas ako ng silid. Wala na ring bukas na mga ilaw sa quarters nila ate Mae at maging sa quarters ng mga driver. Naglakad ako papunta sa isang parte ng hardin kung saan walang masyadong ilaw. Humiga ako sa damuhan at minabuting tignan ang aking account ng may dumaan sa aking news feed. Mga bagong upload nina ate Avikah mula sa Playa del Fuego. Dagat iyon at lahat sila nila ate Lilac ay nasa picture. Tapos si kuya Kalyl naman ay sunset ang nasa account niya at anino ng dalawang lalaki na may hawak na beer. Walang naka tag pero sa anino ay makikilatis mong siya iyon. May mga comment sa larawan ni kuya Kalyl, ang isa doon ay may username na itssabbycbrl, puso ang kanyang comment at naka-tag ang kasama ni kuya Kalyl. Wala namang sagot galing sa isa.Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong meron sa aking mga kamay at natipa ko ang kanyang pangalan. Wala siyang bagong upload pero nag like siya sa mga upload ng pamangkin at pinsan niya. Nag scroll pa ako hanggang sa nagsawa ako. I also followed some Korean celebrities until I surf to YouTube. Hindi pa ako makatulog kaya nanood ako ng mga vlogs hangang sa hindi ko namalayan na malapit ng mag alas dos. Nang malamigan na, ay bumalik na ako sa loob. Naabutan ko si Betty na tulog na tulog gaya ng sinabi niya kanina.Matapos kong nag toothbrush at naligo ay bumaba na rin, hindi ko na datnan si Betty pagkababa ko. Sinabi ni ate Mae na sumama kay kuya Dante at aling Marta na pumunta sa bayan.
"Kanina pa siya sumama kina aling Marta, hindi na niya tinantanan si kuya Dante. Akala ko ba ay hihintayin niya sina Señorita Avikah?" tanong pa ni ate.
"Hindi ko rin po alam sa kanya, ate. Baka pupunta sa bayan, o di kaya ay may gagawin pa iyon sa kanila."
"Sayang naman, mamayang hapon pa naman ang dating nila Señorita, baka babalik din iyon o pupunta dito bukas."
"Ate, pupunta muna ako sa kuwadra, ipapasyal ko lang si Thunder. Pasabi nalang kay Lola..."
"Ako ang bahala. Bumalik ka dito mamaya at maghahanda ako ng babaunin mong meryenda," pahabol ni ate Mae.
"Maraming salamat ate..."
Umakbay ako kay ate Mae, pagkatapos ay dumiretso ako sa kuwadra. Si mang Kanor ang naabutan ko na nagpapakain ng mga kabayo. Bumati ito sa akin bago ako nakabati sa kanya.
"Magandang umaga, Yacinda. Ilalabas mo ba si Thunder, ngayon?"
"Magandang umaga din po Mang Kanor... Opo sana, ipapasyal ko lang po sana siya sa bahay. Tutungo po sana ako doon para mapasyalan ko."
"Kunin mo na sa kuwadra niya, napaliguan ko na kanina. Mag-iingat ka hija, lalo na't may mga kawatan na gustong pumasok dito sa hacienda. Iyon ang tinitignan namin baka mamaya ay magpanggap silang mga trabahador at may masaktan sa atin." "Ganoon po ba ka lala ang ginawa nilang pagsira sa mga barb wire, Mang Kanor?" I am so curious because almost all the vaqueros are on high alert. Even kuya Spiker and Kaixus is personally taking care of the premises."Oo hija, pwedeng daanan ng sasakyan ang mga nasirang wire at poste sa kanluran. Alam mo naman na magubat banda roon pero malapit sa parang kung saan ang ibang mga alagang hayop ng hacienda.""Malala po pala ang pinsalang dinulot nila. Mabuti nalamang at agad ninyong nakita. Baka mamaya ay inuubos na pala ang mga alaga dito sa Mansion."
"Sinabi mo pa anak. Iyong mga patrol ang unang nakakita, at pinagsabihan na rin kami na may inayos din sina Señorito sa bandang ilog kung saan kayo palaging pumupunta nina Paula? Naku iha, mag doble ingat kayo!""Maraming salamat po Mang Kanor, oo nga po e, may mga nasirang bahagi daw ng poste sabi nina kuya Calibre noong nakaraang pumunta kami doon."
Pinuntahan ko na sa kanyang kulungan si Thunder. Nang makita ako nito ay tumayo mula sa pagkakaupo at inilapit ang kanyang ulo sa akin. Hinimas ko ang gitna ng kanyang ulo at kinausap,
"Pasyal tayo sa bahay, Thunder. Gusto mo ba? Kaliligo mo lang daw sabi ni Mang Kanor..."
Inilabas ko na siya sa kanyang kuwadra at naglakad na kami pa alis sa kuwadra, nang nadaanan namin si mang Kanor ay muli akong nagpasalamat sa pagpaligo niya kay Thunder.
"Mag-iingat ka iha, huwag ka ng dumaan sa may parang at sa maisan dahil maalikabok ang mais na inaani nila," habilin pa ng huli.
"Sige po, salamat po ulit."
Nadaanan ko si kuya Felix sa quarters nila at napansin ako nito,
"Saan ang punta mo, Yacinda? Nag-agahan kana ba?"
"Opo kuya, tapos na tapos kaming kumain Nina ate Mae, sa bahay lang po. Papasyal lang po ako doon. Ilang linggo na rin akong hindi nakapasyal."
"Mag-ingat ka, magdala ka ng sumbrero at mamaya ay matirik na ang init ng araw. Huwag kang magpapagabi doon."
"Salamat, kuya Felix."
"Walang anuman... Sige lumakad kana para hindi ka maabutan ng init ng araw."
Tumango ako at nagpatuloy sa paglakad. Pinuntahan ko si ate Mae sa dirty kitchen. Iniwan ko si Thunder sa may damuhang bahagi para makakain muna siya saglit.
Iniabot sa akin ni ate Mae ang maliit na picnic box. May laman iyong mga prutas, tubig, tinapay at gumawa rin siya ng kimbop, baka daw maabutan ako ng tanghalian sa bahay. Nagpasalamat ako kay ate Mae at saka kinuha ang kanyang inihanda para sa akin.
Hindi ko naabutan si Lola sa kusina kaya sinabihan ko si ate na sabihin kay Lola na umuwi ako sa bahay.
"Makakaasa ka, Yacinda. Sabihin ko kay Nanay Ana pagdating nila. Pumunta sila ni Dante at aling Marta sa bayan. Pinuntahan niya si aling Panyang para pumunta daw dito at ng may kasama kaming magluto para sa tanghalian at hapunan ng mga nag-aani."
"Sige ate. Ikaw na po ang bahala, mamayang pagbalik ko saka na ako maglalaba ng aking mga damit, maiwan na kita ate."
"Gumayak kana. Sige na habang hindi pa masakit sa balat ang init ng araw."
Iniwan ko na si ate Mae at pinuntahan si Thunder. Naabutan kong kumakain ng damo. Hinawakan ko ang tali niya kaya na patigil ito sa pagkain. Hinimas ko ang kanyang mukha.
"Tara na, Thunder. Hayaan mo at maraming damo sa gilid ng bahay, panigurado iyon." Sumakay na ako at inayos ang aking picnic box. Pagkatapos ay pinatakbo ko na si Thunder. Sa main road na kami dumaan dahil sa sinabi mang Kanor na maalikabok sa may maisan kahit na mas makakarating ako ng maaga sa bahay kung doon ako dadaan. Binabati ako ng mga nadadaanan kong trabahante maging ng mga vaquero.Nang abot tanaw ko na nag bahay ay napangiti ako. Binagalan ko ang pag patakbo kay Thunder hangang sa nasa may gate na ako ng bahay ay bumaba ako kay Thunder. Gawa ang gate ng bahay sa kawayanan. Inabot ko ang lock ng gate at binuksan. Kinuha kong muli ang tali ni Thunder at iginaya ito pa punta sa bakuran. Malinis ang bakuran at mga damo ay sa parteng tapat ng harapan ng bahay kung saan may mga tanim na puno ng Narra. Itinali ko si Thunder sa puno ng bayabas sa tabi ng gate. Pumunta ako sa paso sa na pinaka-una sa bandang dulo ng hagdan papasok sa bahay at kinuha iyong susi at binuksan ang pintuan. Medyo may mga dahon dahon sa may veranda. Martes ngayon at noong Linggo lang pumunta dito si Lola na naglinis. Binuksan ko ang ilaw sa unang palapag ng bahay at nilapag ang picnic box sa center table sa sala. Binuksan ko rin ang mga bintana upang umaliwalas sa loob ng bahay. Matirik na ang araw at malakas ang simoy ng hangin. Kumuha ako ng walis tambo at nagwalis sa loob at sa veranda. Nilipat ko sa puno ng mangga si Thunder.
"Dito ka muna, Thunder, dibale at nakakain kana ng kaunti. Sobrang tirik na ng araw."Binuksan ko ang telebisyon na bigay ng Donya noong nakaraang taon at nanood ng mga lokal na palabas. Napatingin ako sa aking mga larawan na naka-frame. Mga larawan ko iyon tuwing graduation, palaging ako ang nasa una simula noong elementarya mula sa aking section. Hanggang noong nakaraang graduation. Ngayong graduation ay hindi ko alam dahil marami ang mga dayo at ang sabi sabi ay bumaba daw ang aking mga grado. Hindi naman bumaba ang aking grades at okay lang naman sa akin kung hindi ako magiging valedictorian. Ang importante ay makapagtapos ako ng aking pag-aaral. Napatigil ako sa isang lumang litrato — ang litrato namin ni Mama. Kanlong niya ako at nakangiti siya sa camera. Hindi ko napigilang kunin ang larawan at napa-iyak."Mama, kung buhay ka pa, sa tingin mo ay tama lang ang aking ginagawa? Gusto ko na pong bumalik dito sa ating bahay kaya lang ay baka hindi ako papayagan ng Lola. Ma, hindi ko na po gusto na manatili pa sa Mansion. Ang sabi nila ay mabait siya pero bakit mukhang may hinanakit siya sa akin."
Tuloy-tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Ayon sa Donya ay malapit ang aking Mama at ang batang Kaixus noon. Palaging pinagkakamalhan na magkapatid ang dalawa dahil sa sobrang lapit ng mga ito. Hangang sa nag kolehiyo si Mama ay pumupunta parin si sir Kaixus sa CSU para dalhan ng pagkain ang Mama dahil baka wala na daw itong makain sa kanyang dormitoryo.
Noong nasa third year college na ang Mama ay namasyal ito kina tiya Atasiah sa Bacolod at doon niya nakilala ang papa. Nilihim daw ni Mama kay Lola ang tungkol doon hanggang sa hindi inaasahang nabuo ako. Isang Architect ang aking ama na Tsinoy. Maimpluwensyang pamilya ito galing at taga Cebu talaga ito, pero kailanman ay hindi pa namin nakakasalamuha nina Lola. Ayon kay Lola ay may proyekto ito sa Bacolod kaya nandoon noong nagkakilala sila ng Mama. Farris Sy. Iyon lamang ang sinabi ni Mama na pagkakakilanlan dito. Hindi na rin ito nakita pa ni Mama noong bumalik siya sa Bacolod. Sinubukan din Mama na pumunta ng Cebu pero hindi niya alam kung paano hanapin ang Itay hangang sa ipanganak ako at bawian ito ng buhay.
"Ma, kung sapat na ang aking ipon, pupunta ako ng Cebu. Hahanapin ko si Tatay. Sana po ay gabayan niyo ako."
Nang tanghali ay kinain ko ang gimbap na ginawa ni ate at itinira ko ang prutas upang may ma meryenda ako maya-maya. Wala akong gana na bumalik sa Mansion. Siguro ay mamayang hapon na kung narito na sina ate Avikah para kahit papaano ay may kasama ako. Para hindi ako ma bored ay tinanggal ko ang mga kurtina maging sa kwarto ko at kwarto ni Lola sa itaas at tsaka pinalitan. Pumunta ako sa likod bahay at nilabhan ang mga hinubad ko na kurtina. Sa may unahan ng bahay ko sinampay ang mga iyon para matuyo agad. Matapos kong naglaba ay nag text ako kina Paula at Betty kung nasaan sila."Nandito ako sa bahay ngayon. Pupunta ba kayo sa Mansion? Dito nalang kayo tumuloy kung sakali. Hanggang mamayang hapon ako dito dahil naglaba ako ng mga kurtina."
"May gagawin ako na video, Yacinda. Bukas pa ako makakapunta ng Mansion." - Betty.
"Nandiyan sa Mansion si Nanay, kami lang ni bunso ang naiwan dito sa bahay, bukas na ako pupunta diyan, Yacinda. Si Maimah at Betty ang tanungin mo baka sakaling wala silang ginagawa. Kailangan kong bantayan si bunso, pasensiya na."
Galing iyon kay Paula."Walang tricycle ngayon, Yacinda. Ginamit ni tatay. Nandiyan sila nag-aani ngayon. Ang tirik na ng araw, baka gabi na ako makarating kung maglakad ako pa punta diyan. Hindi ko naman alam mag bike. Sayang... bukas punta ako sa Mansion," sabi ni Maimah. I replied the three of them, "Sige, sige. Kita nalang tayo bukas..." Umupo ako sa duyan sa ilalim ng puno ng mangga. "Thunder, mamaya na tayo umuwi, kapag tuyo na aking mga labahan." Sabi ko kay Thunder. May notification akong natanggap galing sa sns account. Follow request iyon at galing sa kasintahan ni Sir Kaixus. May mensahe rin siya.Sabrina Cabral:
Hi, it's me, Kai's girlfriend...Can I follow you? Let's be friends. Hope you'll see this message.
Xoxo,
Sabby
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Susunduin ko ba iyong sinasabi niya? Wala ni isa kina ate Avikah ang kanyang kaibigan. Tanging si Sir Kaixus lang kanyang finafollow. Bakit gusto niya akong mag follow sa kanya at maging kaibigan niya? Baka mali ang pagkakakilala sa kanya nina kuya Calibre. Mukhang mabait siya at may smiley emoji pa ito sa hulihan ng kanyang mensahe sa akin.
May sumunod pa itong mensahe.Sabrina Cabral:
It's okay if you don't follow me, I just wanna be friends with you because I saw that your close with Kai's niece and nephews, even with his family... Don't get me wrong ha, I just wanna be friends with someone whom he is close with. His family. I've heard that you are the second Avikah of the house and I just wanted to have someone I can reach when he I can't reach him.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Pikit mata akong nagtipa ng mensahe sa kanya,
Ako:
Maganda tanghali po...okay lang naman po.
Agad agad itong may reply sa akin.
Sabrina Cabral:
Hi, thanks for answering me. I thought you won't message me back like the others. Medyo ilag sa akin ang mga pamangkin ni Kaixus. Maybe because of the rumors they heard about me. I can't blame them though, they are just careful, but thank you so much. I'm sorry for not approaching you back then, I'm a little hesitant baka ayaw mo din sa akin.
Naku! Ganoon pala ang ganap sa girlfriend ni Sir Kaixus. Hindi ko alam iyon. Totoo naman na medyo ilag ako sa kanya pero parang mabait naman siya.
Ako:
Pasensiya rin po...I message back to her. Na-received ko ang bagong mensahe galing sa kanya agad.
Sabrina Cabral:
If you don't mind, is Kai, busy nowadays? He isn't answering my calls for days now... Sorry for asking, I'm just worried. Since I came back here, I can't get hold of him...Naku po, bakit sa akin po kayo nagtatanong, hindi po kami malapit ng kasintahan ninyo...Napakagat labi ako.Ako:
Nasa bahaging kanluran po sila ngayon dahil may mga nasirang mga poste po at wala pong signal ang cellphone na mga touchscreen doon banda, Ma'am. Iyon po ang sabi sa amin ng mga trabahador.
Sabrina Cabral:
I see, thanks again, You are Yacinda, right?
Ako:
Opo. Walang anuman po. Pasensiya na po at hindi ko rin po alam ang mga ginagawa ni sir kung narinig ko lang po sa mga vaquero na nasa kanluran po sila.
Sabrina Cabral:
It's okay, I'll message you again if I have time. Lunch break is over here, I have a meeting to attend. Thank you for your time, Yacinda. It's nice to meet you.
Hindi ko na sinagot ang huling message ni Ma'am Sabrina. Mukha itong mabait. Sana nga lang ay kilalanin siyang mabuti nina kuya Calibre.
Nang bandang hapon na natuyo na aking mga nilabhan kaya tinupi ko na at sinalansan. Hindi na rin masakit ang init ng araw dahil papalubog na ito. I double check all the locks and closed the maindoor. Binalik ko ang susi sa may paso at kinuha ko na si Thunder at iginaya papunta sa kung saan siya pwedeng kumain. Papakainin ko muna siya ng konti. Pinainom ko na rin ito ng tubig galing sa poso sa bahay. Nang makontento ako sa kinain ni Thunder ay sumakay na ako. Inayos ko ang picnic box at pinatakbo ko na si Thunder. Noong nasa tapat na ako ng mga nag-aani ay bumaba ako at nagtanong kay Mang Dando.
"Mang Dando, dumaan naba sina ate Avikah, po?"
"Oo hija, kani-kanina lang ay dumaan na ang sasakyan. Uuwi ka na ba sa Mansion? Saan kaba galing?"
"Sa bahay po ako galing, sinilip ko lang at naglinis linis ng kaunti."
"Mabuti iyan at ng hindi pasukan ng damo ang bahay ninyo. Hija, sabihan mo nga si ate Mae mo na umuwi bukas, wala kasing maiiwan sa bahay na magbantay kay bunso dahil minamadali namin itong ani para makahabol sa mataas na presyo. Makiki-ani na rin si Nanay mo, bukas dahil sa biyernes pa darating iyong mga tauhan galing ng Tierra Vida."
"Sige po Mang Dando, sabihan ko po si ate Mae. Gagayak na po ako," paalam ko.
"Sige hija. Mag-iingat ka at papalubog na ang araw...""Opo, salamat po!"
Sumigaw na ako dahil medyo may kalayuan na ako sa kung nasaan si Mang Dando. Binilisan ko ang pagpapatakbo kay Thunder upang hindi ako maabutan ng dilim sa daan. Sa kuwadra na ako tumuloy at inayos sa kanyang tuluyan si Thunder. Hinabilin ko rin sa vaquero na painumin nalang siya maya-maya.
Nakita ko nga ang sasakyan na ginamit nina ate Avikah sa garahe. Nakauwi na ang mga ito. Agad kong hinanap si ate Mae sa may kusina. Nag aayos ito ng mga gulay. "Kararating mo lang, Yacinda?""Opo ate. Nadaanan ko po si Mang Dando kanina, pinapauwi po kayo bukas para daw po may maiwan sa bahay ninyo dahil makiki-ani ang inyong Inay bukas."
"Sige sige, salamat Yacinda. Tawagan si Itay mamaya kapag nakauwi na sila. Siya nga pala, hinahanap ka ni sir Calibre kanina. Nasa hardin sila."
"Sige po ate, puntahan ko po sila pagkatapos kong maligo."
Umakyat agad ako at nagpahinga ng kaunti bago naligo. Pagkatapos ay bumaba na ako at pumunta sa may hardin. Nakita ako ni ate Lilac. "Magandang gabi Yacinda..." bati niya sa akin. Napalingon sina ate Avikah at bumati rin, "Halika dito bunso, nag-iihaw kami dahil medyo maganda ang panahon." Lumapit sa akin si kuya Calibre, "Na miss kita, baby, alam mo ba may pasalubong ako para sa'yo. Ikaw ang una kong naisip noong nakita ko iyon. Bukas dalhin ko sa kwarto mo." Tumigil si kuya Calibre at tumingin kay kuya Kaixel, "Diba kuya? Sabi mo bagay kay Yacinda, iyon?""Uhuh! I'm never wrong when choosing beautiful things, Fourth!" hirit pa ni kuya Kaixel. Tumingin si ate Avikah sa dalawa,"Kayo ha, may sekreto kayo! Eh, nasaan ang pasalubong ko?""Wala!" sabay nina kuya Kaixel at kuya CalibreNagsitawanan kaming lahat ng may nagsalita mula sa bandang likod ni kuya Kaixel. "What's the matter in here?" Napatingin kaming lahat doon sa nagsalita. It's Kaixus. Nakapamulsa ito samantalang si kuya Spiker ay lumapit kay kuya Kaixel at nakipag-fist bump. Walang sumagot sa amin hanggang sa tumikhim si ate Avikah. "Good evening tito, Spiker. We are having a bbq party..." Paliwanag ni ate. Humila ng upuan si kuya Spiker at ibinigay kay sir Kaixus ang isa. Nilagay ng huli ang upuan sa tabi ni kuya Kaixel at umupo. Umupo rin si kuya Spiker sa tabi niya.Hindi ko ito maiwasang sulyapin.
Hinugot nito ang kanyang cellphone at nagtitipa. Biglang kumunot ang ulo paglaon.
Biglang nag vibrate ang aking cellphone. Wala naman akong inaasahang mensahe. Sino kaya iyon?
Pagtingin ko sa screen ay nakita kong si Sir Kaixus iyon. Mensahe talaga iyon. Saan niya nakuha ang aking numero?
Unknown Number:
You talked with Sabrina?
Kinabahan ako sa mensahe, alam ko kung kanino galing iyon base sa laman ng mensahe, walang dudang sa kanya, kaya hindi ko napigilang napatingin sa kanyang gawi. Nagkasalubong ang aming tingin. Napakagat labi ako at yumuko. Nanginginig ang aking kamay habang nagtitipa ng sagot.
Ako:
Pasensiya na po. Nagtanong po siya kung nasaan kayo dahil hindi daw niya kayo matawagan...
I let out a long sigh after I sent the text. I haven't received any text from him anymore. Nakita kong ibinulsa na niya ang kanyang aparato.
Mahigpit parin ang aking hawak sa aking cellphone hangang sa siniko ako ni ate Lilac.
"Kanina kapa hindi umiimik, okay ka lang ba, Yacinda?"
Tumingin ako kay ate at muling nagpakawala ng buntong hininga.
"Opo, ate," ngiti ko kay ate Lilac, upang hindi ito maghinala pa at magtanong.
Patay na, alam niya ang nangyayari!MINOR Pagkatapos na masiguro ni ate Lilac na okay lang ako ay bumalik ito sa kanyang upuan. Si kuya Calibre ang nag-iihaw. Tumayo si sir Kaixus at pumunta sa kanyang pamangkin, tinapik nito sa likod si kuya Calibre at ibinigay ng huli ang pamaypay sa kanyang tiyuhin. Tumabi sa akin si kuya Calibre at bumulong. "Ano kayang nakain ni tito? Bakit parang ang sipag niya ngayon? Hmmmmn..." Tumingin si kuya Calibre sa akin kaya napatingin ako sa kanya at saka nagkibit balikat. Hindi ko rin po alam kuya Calibre. Hindi po kami close ng tito ninyo. Bulong ko sa aking isipan... "Hindi ko po alam kuya..." Parang hindi ito kontento sa aking sagot kaya tinignan ako sa mukha. Umiwas ako kaya tumikhim si kuya at hindi na ako kinulit pa. Aba'y dapat lang dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit ang kanyang tiyuhin ang nag-iihaw ngayon. Tumayo si ate Avikah at lumapit sa kanyang tito. Tinulungan niya ito sa pag paypay. Inilagay rin niya sa plater ang mga naluto na mga inihaw. May mga pusit,
EXPENSIVE AND EXCLUSIVE "Bakit ka nakabusangot iha, gutom ka pa ba? Darating mamaya ang mga kaibigan mo. May gagawin ba kayong importante?" sunod-sunod na tanong ni aling Marta sa akin. "Ah, si Betty po ang may gagawin, tutulungan lang namin siya," sagot ko. "Maya-maya ay nariyan na ang mga iyon. Maiwan na kita at pagsabihan ko ang ibang kasambahay baka mamaya ay tapos ng kumain sina Señor Kaixus." "Sige po aling Marta, pupuntahan ko lang po si Thunder upang paliguan." "Sige sige, andoon si kuya Hugo mo. Ang iyong mang Kanor ay nasa hacienda pa." Umalis na ako. Sa daan sa likod ako dumaan. Naabutan ko nga si kuya Hugo na nagpapaligo ng mga kabayo. "Kuya, ako na po ang magpapaligo kay Thunder at sa mga iba." "Ikaw ang bahala Yacinda," saad ni kuya Hugo. Hinaplos ko si Thunder, "Maliligo ka muna boy, ha, para malinis ka ngayong araw." Sinimulan ko ng paliguan si Thunder. Hindi naman ito mahirap paliguan. Maging ang ibang mga kabayo sa kuwadra. Ang mga nasa parang lang a
FERIDA SY Nakatulog ako pero hindi mahimbing dahil sa dami ng gumugulo sa aking isipan. Iyong paghahanap kay Itay at pag-iwas sa amo ko... "Gumising ka na diyan Yacinda at tulungan mo ang mga kaibigan mo sa kusina. Marami akong gagawin ngayon. Titignan ko Iyong mga naglilinis sa mga silid, isapa, iyong labahan mo iha, natapos mo na ba?" "Mamaya pa po, Lola. dito na po ako sa quarters maglalaba pagkatapos ng agahan," paliwanag ko. Ilang araw na akong natambakan ng labahan dahil ginagabi ako ng uwi palagi. Bumangon na ako at inayos ang hinigaan namin ni Lola, saka pumunta sa kusina ng quarters. Gising na nga ang tatlong kong mga kaibigan kagaya ng sinabi ni Lola kanina ay abala ang mga ito sa pagbalat at pahiwa ng gulay. "Maganda umaga!" bati ko sa kanila. "Magandang umaga rin, Yacinda. Salamat naman at gising kana. Halika dito at ikaw ang bahala sa kanin. Hindi ko alam kung paano buksan itong gas range dito. Baka mamaya ay makalikha ako ng sunog. Wala akong pambayad sa magigi
HUG Hindi ako makatulog ng pagkatapos kong maligo. Dahil siguro sa mahaba ang aking idlip kanina. Ako lang mag-isa dito sa napakalawak na bahay...I wonder if where is the other Mansion Manong Fredo is talking earlier. Wala kasi akong nakita sa dinaanan namin ni Bentley. I'm wondering if Kaixus will stay in the hotel? Lumabas ako sa may balcony at tinanaw ang dagat. May ilaw ang hagdan patungo roon. I don't know why I headed to shore. I just feel like watching the night wave. Umupo ako sa buhangin at tumanaw sa dagat. Napaka payapa at tanging tunog ng bulwak ng tubig ang maririnig. Nakakapanibago sa akin ang kapayapaan na ganito. Nasanay ang aking tainga sa maingay na gabi sa Manila at sa ibang bansa kung saan ako namalagi nitong mga nakaraang taon. Kung siguro may anak ako ay ganitong lugar ang gusto kong tirahan o hindi kaya ay gaya ng hacienda... Natawa ako sa aking naisip. Anak? Kailan ba ako nagkaroon ng interes sa bagay na iyon? Siguro kung tatanungin ako pitong nakara
PROOVE Bandang alas kuwatro ay sinundo ang mga kasambahay na naglinis. Isang van ang sumundo sa kanila. Maiiwan sana ang dalawa pero sinabi kong sumama na sila sa kabilang Mansion at ako ang mag-aasikaso sa sarili ko dito at pumupunta naman si Nanay Guada tuwing araw. "Sige na, ako na ang bahala, sabihan ko si ate Czarida..." "Hala, Ma'am," sabi ng head ng mga ito. "I'm okay." I smiled. "Kung ganoon Ma'am ay mag-iingat po kayo," sagot niya sa akin. Tumango ako at sinabihan ang driver na okay na. I wave my right hand in the air ng paalis na ang mga ito. Tinitigan ako ng head ng kasambahay mula sa bintana at kumakaway pabalik. Nang mawala sila sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob. Umupo ako sa couch at saka pumikit. Parang pagod na pagod ako... Pinasama ko pabalik ang dalawang maiiwan sana na kasama dito dahil baka mamaya ay mag-away na naman kami ni Sage ay matunghayan nila, ano nalang sabihin nila? Nag-aaway kami na parang mag-asawa?! Isapa, uuwi naman na ako ng Manila
DON'T LEAVE Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubi. Nagsalin na ako ng tubig sa baso at binalik ang pitsel sa loob ng ref. Ilang sandali ay may naramdaman akong yapak. Paglingon ko ay si Sage. Tinapos kong ininom ang tubig at tumabi para makadaan siya. Sumandal ako sa dining table sa hindi kalayuan at nakatingin sa kanya habang umiinom. Siguro ay hindi ito makatulog dahil sa ulan at hangin sa labas. Hindi ko napansin kanina na wala isang damit at naka boxer lang siya. Nang ma-realized ko ay tumikhim ako at nagbaba ng tingin. Pero napatingin ako dahil nagsalita siya. "Can't sleep?" Simpleng tanong niya gamit ang mababang boses. "I'm thirsty that's why." Minabuti kong sabihin sa kanya na kung okay ang panahon mamaya ay ako na ang babalik ng Manila mag-isa. Hiramin ko muna ang sasakyan na isa sa garahe. "If the weather is fine enough, I will drive going back to Manila. I have important appointment to attend...I-I'll borrow one of car at the garage." Naghalukipkip siya.
WYNTHER Nagising ako na nakayakap sa akin si Sage. Mahimbing ang kanyang tulog siguro ay pagod. Inalis ko ang kanyang kamay sa aking bewang at bumaba sa bed. Medyo hindi maganda ang aking pakiramdam. Mukhang lalagnatin ako. Isapa hindi ako masyadong makalakad dahil nanginginig ang aking mga binti. Pinilit kong bumaba. Malinis ang center table sa sala na naiwang burara kanina. I went straight to the kitchen and boiled water using the perculator. Nagsalin ako ng hot water at saka uminom. Medyo mahina na ang ulan at hangin sa labas pero sobrang nilalamig ako. Umakyat ako ng hagdan pagkatapos uminom ng mainit na tubig at paracetamol na nahanap ko sa may medicine kit. Sa kwarto ni Sage ako bumalik. Muli akong sumiksik sa kanya at muling pumikit pero nagising ko ata siya. "How are you feeling?" Kinapa niya ang aking noo at gilid ng leeg. "You're hot, Yacinda. I better call the doctor. I am worried." Pinigilan ko siya, "No, no need, Sage. I don't want to meet another doctor
MISS YOU Kinabukasan ay maaga akong nagising. Alas singko ng umaga. Naglaba na ako ng mga labahan ko at hinanap ko ang phone ni Samantha. Nasa couch iyon sa sala hindi sa kanyang room. Malinis naman ang room ni Sammy kaya hindi ko na pinakialaman. Sa mga sulok-sulok ng sala at ang aking kwarto lang ang nilinis ko. Higit tatlong oras ko din bago natapos iyon. After that, I took a nap at nag-alarm ng 12 o'clock dahil 2:30 PM ang aking schedule, sa BGC naman ang studio ngayon kaya medyo mas malapit kesa sa Quezon City. Fifteen to twenty minutes lang naman ang biyahe. I'll just take a grab later. Nakatulog ako dahil sa pagod ko sa paglilinis. Hanggang sa tumunog ang aking phone. Pagtingin ko ay si Sage ang tumatawag. Pinatay ko iyon at ipinagpatuloy ang pag-idlip. Bahala ka Sage, inaantok pa ako isapa ay busy ako. Wala ka namang mahalaga na sasabihin diba? After thirty minutes ay tumawag muli ito kaya sinagot ko na kahit medyo inaantok ako. "Hello..." ani ko sa inaantok na boses.