Share

KABANATA 15

WYNTHER 

Nagising ako na nakayakap sa akin si Sage. Mahimbing ang kanyang tulog siguro ay pagod. 

Inalis ko ang kanyang kamay sa aking bewang at bumaba sa bed. Medyo hindi maganda ang aking pakiramdam. Mukhang lalagnatin ako. Isapa hindi ako masyadong makalakad dahil nanginginig ang aking mga binti. 

Pinilit kong bumaba. Malinis ang center table sa sala na naiwang burara kanina. 

I went straight to the kitchen and boiled water using the perculator.

Nagsalin ako ng hot water at saka uminom. Medyo mahina na ang ulan at hangin sa labas pero sobrang nilalamig ako. Umakyat ako ng hagdan pagkatapos uminom ng mainit na tubig at paracetamol na nahanap ko sa may medicine kit. Sa kwarto ni Sage ako bumalik. 

Muli akong sumiksik sa kanya at muling pumikit pero nagising ko ata siya. 

"How are you feeling?" 

Kinapa niya ang aking noo at gilid ng leeg. 

"You're hot, Yacinda. I better call the doctor. I am worried." 

Pinigilan ko siya, "No, no need, Sage. I don't want to meet another doctor today. I'll just sleep. I'll be fine like the usual days after I took the shot. I already drink medicine. No need for a Doctor. Go back to sleep, Sage." 

"But..." reklamo niya.

"No buts, it's normal. I always feel like this after a shot. It's normal, I can handle it." Pilit ko.

"If you aren't feeling well later, I'll call the doctor." 

Hindi ko na siya sinagot at pumikit.

Bahala ka, Sage. 

Hindi pa sana ako pwedeng uminom ng gamot sabi ng Doctor kanina dahil baka mawalan ng bisa ang gamot na itinurok sa akin but I don't have a choice dahil kailangang maging okay ako bukas dahil bukas makalawa ay sunod-sunod na ang aking schedule sa trabaho dahil sa balak sinabi ni Sage. 

Gabi na ng muli akong magising, wala ng ulan sa labas. Sage is not around pero may mainit na tubig na iniwan para sa akin sa side table. 

Kinuha ko iyon at ininom. It's a hot honey-lemon water that's why it calms my mind dahil sa aroma nito.

Medyo okay na rin ang aking pakiramdam dahil hindi na mabigat ang aking katawan kagaya kanina.

Bumaba ako para i-check kung nasaan si Sage. Naabutan ko siya sa kusina. He is cooking sopas and baked salmon. 

Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang nagluluto.

This is the first time I saw him cooking. Talo pa niya ako! Nakapabango ng niluluto niya. 

Kahit noong bata ako ay limitado lang ang alam kong iluto hangang sa noong pumasok ako sa modeling ay mga banyagang pagkain ang nakasanayan kong lutuin kung may oras pero karamihan ay take-out. Noong magkasama kami ni Samantha ay doon ko natutunan ang magluto ng ilang putahe na ulam pero madalas din ay mga foreign food at vegetable salad ang kinakain namin ni Sammy bukod sa mahilig siyang magpadeliver. 

"You're here... Feeling better?" tanong niya sa akin ng mapansin na may nanonood sa kanya. 

Umupo ako sa isang upuan, "Yes... thanks for the tea." 

"It will make your stomach feel better, and calm your mind," turan niya.

"It did. Thanks again," lintaya ko.

"Malapit ng maluto ito... Stay put. We'll have dinner in few minutes."

"I'll prepare the plates then..." Tumayo ako at saka inayos ang magiging plato namin at muling umupo.

Pagkatapos maluto ay nagsalin ito ng sopas sa mangkok. Pati kanin at ang baked salmon ay inihain ni Kaixus sa lamesa. He also did a fruit salad and fresh orange juice. Nagtataka ako kung  paano niya alam magluto. There's no doubt naman na marunong siya pero sa tingin palang ay nakakatakam na. 

Nakakahiya ka, Yacinda. Mas marunong pa si Kaixus na magluto kesa sa'yo... 

I scolded myself.

Eh, ano ngayon? I know how to cook some Italian and French cuisine too, ano! 

"Let's eat," alok ni Sage bigla.

Walang imik-imik nga kaming kumain. Silence occupied the whole time.

Ang sarap ng baked salmon niya... Halos ako na ata ang umubos sa nasa lamesa. Nahihiya tuloy akong tumingin sa gawi ni Sage. 

Nakangiti siya ng magkasalubong ang aming tingin. 

"You eat more..." utos niya.

Nagutom ako dahil ito sa booster ko. Tama! 

You should eat, Yacinda. Kailangang kumain ka dahil magiging busy ka sa mga susunod na linggo. Kaya ka maganang kumain ngayon ay dahil sa gamot na itinurok sa'yo kaya huwag ka ng mahiya. I told myself. 

Busog na busog ako. Halos ayoko ng iwan ang table. Kanina pa tapos si Kaixus at pinapanood lang niya ako na kumakain. He also encourages me to eat more kaya talagang ginawa ko. 

I burp after I finished the last sip of my orange juice. Mabuti nalang at mag-isa ko lang na kumakain na dahil may tumawag kay Sage kaya nasa sala siya. 

I washed the dishes after eating. Hindi ko na hinintay na bumalik ang aking kasama. Sabi kasi niya na siya na ang maghuhugas ng aming pinagkainan pero hindi ko na sinunod. Nakakahiya siya ang nagluto, siya pa ang maghuhugas kaya tinapos ko na iyon. 

Naabutan ko siyang may kausap parin sa phone. 

"They are on the move, again? I should have finished them before. Hindi sila titigil hangga't hindi nila iyon nagagawa. I'll just gather some more evidence to proove my hunch. I never believe before, but now, kapag malaman laman ko na sila ang may kagagawan nun. Ako mismo ang tatapos sa kanila. Just inform me again. Yes... That's actually my problem but I'll try to be there after I finished the things here. Maybe after three days... Yes, thanks, Man... I owe you, one." 

Nagkatinginan kami at agad siyang nagpaalam sa kanyang kausap. 

"I have to go now. Just call me again, tomorrow... Enjoy the night!" 

Ibinulsa niya ang kanyang cellphone pagkatapos ng tawag.

Pangalawang beses ko na siyang naabutan na may kausap na parang may binabantayan siyang tao at ngayon ay nagbanta pa siya. 

Is he involved into some illegal sort of thing?

That's impossible for a guy like him... 

Lumapit ako at hindi napigilang magtanong. I have the right diba? I'm still his wife even though we are not a normal couple like the others. 

"Are you doing something illegal?" 

Tumawa siya, "I'll do if they will not stop..." 

"Sage!" hindi ko napigilang sumigaw.

Nagulat ako sa kanyang sagot. 

"Are you, crazy?!" muling sigaw ko pero tawa lang ang sinagot niya sa akin. 

Walanghiya ang lalaking ito, akala niya nakakatawa ang sinabi niya?!

"You can say, that..." sagot niya sa tanong ko. 

"Ewan ko sa'yo... Anyways. Bukas na ako ang umaga ako luluwas. I already informed the photographers and designers that I'll finished the rest of the months photoshoot." 

Paliwanag ko sa kanya. Iyon ang aking balak. Sabi naman niya ay walang problema sa kanya iyon. 

"No problem. Ihahatid na kita, we'll use the chopper para makabalik ako agad. I'll attend a meeting in the city tomorrow morning at 9 so we should be in Manila atleast one hour earlier." 

Ang aga naman. Hindi ko alam kung makakabangon ako ng maaga. I'll just alarm my phone. Speaking of phone. I need to charge it later. 

"Gayak tayo ng alas sais trenta dito papunta ng Playa. You should sleep early tonight. Wake up atleast 5 in the morning," he said.

"Too early..." hindi ko napigilang bulong. 

Narinig niya iyon kaya muling tumawa siya. 

"Want to sleep early?" biro niya sa akin.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Alam ko ang nasa isip mo, Kaixus!

"Bastos!" 

"Take a hot bath...Ano bang iniisip mo?" bato niya sa akin. 

Naghalukipkip ako. As if it's not what you are thinking, Kaixus Sage! I won't buy it. 

"The next time will do it, I'll make sure that you won't have to attend photoshoots and runway again. Don't worry, wife," makahulugang sabi niya. 

I won't let it happen again, Kaixus. Dream on. I'll make sure that your day dream won't happen. 

"I called, Mama. I informed her that We'll go to San Gabriel after you finished your photoshoots. She's waiting for you." 

Pagbibigay alam niya sa akin. 

"I'll make sure to finish the photoshoot in a week if possible," saad ko. 

"Don't overwork yourself, take your time. I also need to attend meetings in a week kaya kailangang tapusin ko mga iyon bago tayo pumunta ng San Gabriel." 

"Okay..." maikling sagot ko. "I'll go upstairs na. I will sleep in my room. Good night!" patuloy ko. 

"Go, I'll be upstairs after few minutes too. Good night! Sleep early."

He reminded me. 

Iniwan ko na siya at umakyat sa kwarto ko. I charge my phone and took a hot bath like he told me. I feel like my muscles are relaxed and it makes me sleepy. Wala akong masyadong tulog kanina dahil hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. 

I rest early and alarm my phone three times. Una ay 4:30 ng umaga. Pangalawa ay 4:50 at panghuli ay alas singko impunto. Magigising naman siguro ako dahil sa tatlong beses na magkakasunod na alarm na sinet-up ko. I dive on the bed and I fell asleep within a minute. Guess, my body needs more sleep talaga. 

Naramdaman ko ang alarm at hinanap ang ng aking kamay ang pinanggalingan niyon. It's from my phone.

It's already 4:53 in the morning. Ibig sabihin ay hindi ako nagising sa unang alarm ko. Tuluyan na akong bumangon at saka naligo. Inayos ko ang aking labahan at kumatok sa kwarto ni Sage. 

"Sage..." tawag ko sa kanya pero dahil walang sumasagot ay binuksan ko ang pintuan. 

There's no Sage inside the room even in the shower room. Kaya bumaba ako. 

Naabutan ko siyang nakabihis na at nagluluto.

"Where can I do the laundry?" tanong ko kaya lumingon siya sa aking gawi. 

"I'll do it after this..." 

Nahihiya ako dahil balak kong labhan pati ang aking laundry. 

"I'll... do... mine..." putol-putol kong saad. 

"It's okay... Ako na. Tapos na ako dito. Can you help me prepare the table. Isalang ko lang ang mga labahan at bababa rin agad ako." 

Wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya. I prepare the table as he instructed me to do. 

"I also washed my undies... I-It just needs to be spin."

"I got it..." aniya at umakyat na. 

Nagluto siya ng scrambled egg. May kanin din. Hotdog and ham at sinigang na na maya-maya. 

Natakam ako dahil sa mga iyon.  After I prepare the table I already sit and wait for him. Mabilis lang siyang nakabalik. 

"Let's eat na..."

It's already 5:25 in the morning at pupunta pa kami sa Playa. We will be riding the chopper at hindi daw ang sasakyan dahil baka may mga inaayos pa sa daan dahil sa bagyo. 

Medyo maulap pero wala ng ulan at medyo sumisilay na rin ang araw kahit papaano. 

Alas sais impunto na ng matapos kami kumain. Ako na ang naghugas at pinuntahan ni Kaixus ang labahan.

Pagkatapos kong maghugas ay bumalik ako sa kwarto. Malinis iyon at nakaligpit rin ang gamit sa clutch na maliit. Iyon ang dala ko noong pumunta ako ng The Lounge. Ang pinili kong idamit ay isang puting polo at isang maong. I paired it with a white Nike shoes. Iniwan ko ang mga damit na hindi ko nasuot at pati narin iyong ginamit ko noong gabing iyon. 

Kumatok si Sage kaya nagsalita ako.

"Come in..." saad ko dahil tinitingnan ko kung meron sa clutch ang charger at key card at susi ng unit. Meron naman kaya sinara ko na. 

"Ready to go?" tanong niya.

"After you," maikling sagot ko.

"I put your laundry in the room... You won't get any?" muling tanong niya. 

"Hindi na, ayokong magbitbit dahil didiretso ako sa isang studio para kausapin iyong isang designer na hindi ko makontak." 

"Okay. Let's go..." 

Nauna na siyang lumabas at sumunod ako. Sa maindoor kami lumabas at may naghihintay na isang itim na g class wagon kagaya ng dala ni Fire kahapon. Nauna niya akong pinagbuksan ng pinto sa passenger seat at saka pumunta sa driver's seat.

Malinis naman ang daan papunta sa Playa at walang mga puno na naputol. Ilang minuto lang ang biyahe namin pa punta sa Playa pero hindi kami sa hotel dumaan kundi sa isang daan pa palayo sa hotel. 

"Where are we going?" hindi ko mapigilang tanungin sa aking kasama. 

"We'll be there in few minutes," sagot lang niya. 

Ilang minuto nga ay nasa isang tarmac kami at may isang chopper na itim na may logo na KSDC at Montiel. 

He owned it? Not his family but his? Nalula ako sa nakita ko. I told him that I don't have any of his money. I just need his signature for our divorce pero hindi ko sukat akalain na ganito kalaki ang asset niya mismo maliban sa kanyang mana. Medyo sumakit ang ulo dahil isapa pa iyon na dumagdag bigla sa aking iniisip. Paano kung malaman ng publiko na kasal siya at diborsyo? Ano nalang ang iisipin ng mga investors niya lalo na at tinago niya iyon? Worst kasal siya sa apo ng trabahador nila? 

Napalunok ako at napahilot sa aking sentido. Hindi naman siguro mangyayari iyon. Sage won't let it happen especially that he is a big name in the country. 

"Aren't you feeling, well? Do you need a doctor's appointment first?" his voice is soft while asking me if I'm okay and if I need a doctor.

"I'm good, ready for travel," I assured him.

He parked the car roughly ten meters away from the chopper. Pinagbuksan niya ako ng pinto,

"Thank you..." pagpapasalamat ko sa ginawa niya. 

May sumalubong sa amin na mga tao sa tarmac.

May kinausap siya sa mga tao roon kaya hinintay ko siya. 

"I already told Fire to fetch the car... I'll be back this afternoon."

"Sige po Sir... We'll clean the garage for you."

Lumingon na si Sage sa akin at inabot ang aking kamay. 

Kahit medyo hindi komportable dahil nakatingin ang mga ibang tao sa amin ay inabot ko iyon. 

Pumunta kami sa chopper. Hindi pa iyon naka on. 

He settled me beside the driver's seat. Before he settled on the driver seat. Binuhay na niya ang makina at may kinalikot. He let me wear a headset. 

Nagsalita siya at saka sinabihan ako na aalis na kami. 

Nagulat ako na captain pala siya. I barely know anything about him. I realized na wala talaga kaming pormal na pagpapakilala sa isa't isa. What I knew is that he is the successor of his family's business. 

I feast myself sa nadaanan naming sa himpapawid. May ilang parte ng na lubog sa ilang lugar dahil iyon sa bagyo. 

Kaixus parked the chopper in one of the building in BGC, KSDC ang logo. May naghihintay rin na isang lalaki doon at isang babae. Ang babae ay nakaformal uniform samantalang naka polo na tshirt at khaki shorts ang lalaki. 

Nang pinatay ni Sage ang chopper ay mas nauna itong bumaba at saka ako pinagbuksan ng pinto. Inalalayan niya ako hanggang sa makababa ako ng maayos. 

Bumati ang lalaki sa pamamagitan ng tapik kay Sage at saka tumingin ang lalaki sa akin at ngumiti. 

Ngumiti ako pabalik dito. 

"I'm Devon Delmore... It's nice to finally meet you, Miss Yacinda," pagpapakilala ng lalaki. 

Delmore? I think I heard about that surname a long time ago. Pero hindi ko alam kung saan. 

Pinilig ko ang aking ulo at tinanggap ang kamay niya na nakalahad, "It's nice to meet you too. I think you know me na. Yacinda Sy." 

"Yes, yes... Very well," lumingon ang lalaki sa babaeng naka-uniporme at tinawag niya ito.

Lumapit ang babae sa amin.

"She's my secretary. She'll drive you where you go, it's just a little favor since I got to know you. Kaixus and I have a lot of talking to do while we'll wait for our meeting. Don't worry my secretary is trained enough and there will be no leake photos of you and Kaixus." 

Tumitig ako kay Sage at tumango lang siya. Kasalukuyan na may kausap sa kanyang phone.

He might ended the call or the call is finished because Sage speak na, "Go with her... I can't accompany you to your work not unless you want to us to get caught in one picture together then I'll go with you," aniya.

Ayokong mangyari iyon. 

Kaya sinabihan kong sasama ako sa secretary ni Devon. 

Nagpaalam ako sa dalawang lalaki. 

"I'll gonna go na. I'll just inform you if I already finished my photoshoots..." 

"Alright," tipid ni Sage.

Naghabilin siya sa sekretarya ni Devon, "You take care of her." 

Tumango ang sekretarya kay Sage. 

Nagsalita si Devon, "Don't worry Montiel...She'll be safe with Edna." 

"I'm just reminding her, Devon," ani Sage.

Iniwan ko na ang dalawa habang nagsasalita ang mga ito. Bahala kayo diyan. 

Tinawag ko na ang sekretarya ni Devon. She leads the way going to the elevator hangang sa pagpindot sa lobby. 

"My appointment is in Eastwood City, okay lang ba sa'yo?" tanong ko sa secretary.

"No worries, Ma'am," she quipped.

I was curious about Devon kaya tinanong ko ang kanyang sekretarya. 

"Ilang taon kanang nagtratrabaho kay Devon?" 

"Since he run as Mayor for the first time, po." 

Ang bata pa niya kaya nagtataka ako. 

"Mayor? He is a Mayor, where?" 

"Uhuh! It's his second to the last term as a Mayor, po in Tierra Vida." 

That means that Devon's secretary is not just an ordinary woman as other businessmen's secretary and Tierra Vida is a municipality in Catalina, no wonder.

Hindi ko na siya natanong pa dahil nasa lobby na kami ng building.

Pinauna niya akong lumabas sa elevator. Bago siya sumunod pero nauna ito sa labas at saka ako sinabihan na hintayin ko siya ng ilang minuto. 

I waited for a minute until one black LC is park at the building's maindoor. Devon's secretary came out of the driver's seat and walk coming to me. 

"Tara na po," maikling saad niya. 

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Sa likod iyon ng sasakyan. Agad din itong bumalik sa driver's seat at saka pinaandar ang sasakyan. 

Medyo inaantok pa ako kaya pinaalam ko if okay lang na iidlip ako. Sinabi ko kung saang building mismo ako. 

"Gisingin ko nalang po kayo kapag andoon na tayo," the secretary said.

"Thank you so much..." pasasalamat ko.

Naidlip nga ako dahil sa totoo lang ay kulang ang aking tulog. Ipagpabukas ko pa sana na pumunta dito sa studio pero gusto kong simulan na ang ilang photoshoot para kahit papaano ay mabawasan ang aking gagawin sa mga susunod na araw. 

Nagising ako dahil sa ingay ng sasakyan. Ibig sabihin ay wala pa kami sa Eastwood. I check my phone and texted the photographers that I'm already on the way. They replied back na okay naman na daw sa studio. I also tried to send message to one of the designer that I can't reach noong nasa Playa ako at thankfully as sumagot siya. 

Studio 1:

Yes it's okay...the studio is ready anytime naman kaya you can come anytime. I am so busy these past days kaya I forgot to touch my phone. My apologies for that.

I replied her na papunta na ako sa studio at daanan ko siya mamaya after my third photoshoot. Anim na photoshoot ang tatapusin ko ngayong araw. 

Sampu naman bukas at sa mga susunod na araw. I calculated that I can finished all the photoshoots within a week and three days. I will rest for atleast two days and will call Sage para sa pagpunta namin sa San Gabriel. 

Unahin kong puntahan si Paula at tanungin kung saan ang puntod ni Lola. Kumusta na kaya sina ate Lilac? Sana ay okay lang sila doon. Hindi ko kailanman tinangka na makibalita pa simula noong umalis ako. Naaalala pa kaya nila ako? 

It's just 7 years, Yacinda. Of course naman! Ang o-a mo naman masyado.

Muli akong pumikit para i-clear ang aking utak. "Trabaho muna ang focus natin ngayon,Yacinda." I told myself silently.

Ginising nga ako ng sekretarya nang nasa tapat na kami ng building. Nang makababa ako ay bumaba rin siya. Hindi ko napansin na naka trouser ito. Siguro ay noong kinuha niya ang sasakyan kanina ay nagpalit.

Ang bilis naman niyang kumilos... Parang laging alerto. 

Ibinigay siya sa valet de chambre ang susi ng sasakyan at saka sumunod sa akin sa loob. 

Ang habilin daw sa kanya ay hintayin ako hanggang matapos ang aking photoshoot. Para namang may magtatangka sa buhay ko, samantalang ang dapat na bantayan ay si Devon dahil isa pala siyang Mayor. 

"May tanghalian na nakahanda sa akin. You should eat or I'll order for you kapag lunch na." Sabi ko, "There's a waiting room for the guests inside the studio kaya pwede doon ka nalang maghintay sa akin, but seriously, dapat ay si Devon ang sinasamahan mo at hindi ako."

"Thank you po. Utos niya pong bantayan kita. Sinusunod ko lang," pormal na sagot niya kaya napahanga ako.

"Okay... let's go inside," aya ko at saka pumunta

sa elevator.

Nang makapasok kami sa elevator ay pinindot ko ang floor ng studio. It's on the 15th floor pero mabilis lang ang biyahe. Limang indibiduwal na photoshoot at isang group photoshoot ang gagawin ko ngayon. Hindi ko kilala ang mga model na iba para sa group photoshoot pero para iyon sa isang local magazine. It's a clothing line promotion, more on promotion ng designer dahil bago siya sa industriya na kanyang tinatahak. Maganda iyong mga design niyang dresses though kaya pinaunlakan ko ang photoshoot na inaalok niya sa akin. Nang nasa tapat kami ng studio ay kumatok ako. Pinagbuksan ako ng isa sa mga staff. 

"Pasok kayo, Ma'am." 

Pumasok kami ni Edna. Iyon ang pangalan ng sekretarya ni Devon.  

"Edna, let's go." I lead her to a couch and told the staffs to gave her meryenda. 

The make-up artist already called me kaya nagpaalala na ako kay Edna. 

"Suit yourself. Mag-aayos lang ako. I have three photoshoots here, kapag ma-bored ka you can go to the building's sky garden sa dulo lang ng hallway," I stated at tinuro ang banda ng garden kahit nasa loob na ng studio.

"Thank you po," aniya.

"Maiwan muna kita," kako at pumunta sa dressing room. 

"Sino iyong kasama mo Miss Cindy? Pwede ko ba siyang i-scout na model?" tanong sa akin ng designer. 

"She's Edna. You can ask her if she wants to," I professionally answered. 

"She's tall and morena. Maganda rin siya at bagay sa kanyang mukha ang pang runway model. If she'll be model? She can be international like you. I can be her manager," dagdag pa ng Designer. 

"She's a secretary actually, kaya lang siya sumama sa akin ay inutusan siya ng amo niya." 

"Oh my! Don't tell me manliligaw mo ang kanyang boss?" sabi ng photographer ko, it's Francisco.

Ito na naman siya sa aking love life! 

"France, that will never happen. Isapa, I don't like her boss. He's kinda scary..." sagot kay Francisco. 

"Might be a high-profile one. Ang swerte mo naman. How did the two of you meet?" 

"I don't know, he knows me but I just met him earlier. He's in politics. I don't like politics..." 

"High-profile nga sigurado, alam ko na hindi lang ordinaryong secretary iyang kasama mo. Parang ang observant niya isapa ay parang walang pakialaman sa paligid."

"I don't know," matipid kong sagot. 

"O siya, I'll ask her if she can do a collab. I'll offer her a fair amount of money. Kahit isang picture lang for my portfolio." 

"Bahala ka France," I told the photographer.  

Umalis siya at naiwan kami ng designer at ng make-up artist. 

Anim dress ang aking susuutin para sa photoshoot. Aabot iyon ng trenta minuto panigurado. 

After kong makuhanan ng litrato sa apat na dress humingi ako ng break. Limang minuto iyon. Pagkalipas ng limang minuto ay diretso ng tinapos ko ang tatlong dress na natitira. 

Nasa 10 AM na ng matapos ko ang unang photoshoot. Sa pangalawang photoshoot naman ay ganun din kaso hindi na dresses kundi mga sandals kaya mas madali kong tinapos. Almost lunch na ng nasa pangatlong designer ako. They provide us lunch at kasama na rin na nakikain si Edna kaya thankful ako sobra. 

"Okay ka lang ba, Edna?" paniniguro ko sa aking kasama dahil baka gusto na akong layasan dahil sa wala siyang magawa dito sa loob ng estudyo.

"Opo, Ma'am. Salamat po sa pagkain."

"No worries...Maiwan na ulit kita ha, by the way, did they scout you to be a model earlier?" 

"Opo, pero tinanggihan ko po. Hindi ko po alam ang ganitong trabaho at hindi po ako pwede sa ganito. Okay na po ako sa trabaho ko." 

"I see... I'll see you around then..." 

Umalis na ako at pumunta sa dressing room. Like what I did earlier. Walang take two sa mga larawan na kinuha sa akin ni France. Sanay na sanay na ako kapag siya ang kukuha sa akin ng litrato. I am relaxed too if he's the photographer dahil sanay na ako sa kanya.

Lumipat kami sa kabilang studio pagkatapos ng pangatlong photoshoot. Doon kasi nakaready ang mga damit. Medyo mas maluwag ang studio kung nasaan kami kesa sa kabila kaya mas nakakagalaw ng maayos ang lahat. The lighting and all were already set-up before kami nakapasok kanina kaya hindi magulo. 

Tinapos ko ang pang limang photoshoot ng may mga nagsidatingan na mga modelo. One is Angela and the others aren't familiar to me. 

Angela greeted me at pinakilala niya ang isa sa mga model na kasabay niya. She's beautiful and look innocent. Ang bata niya tignan pero bata lang ito sa akin ng dalawang buwan. I can't believe that she is almost same as me kung hindi pa ibinulong ni Angela. 

"Yacinda, she's Wynther Gabriella..." 

Nilahad ko ang aking kamay kay Wynther. 

"Nice to meet you, I'm Yacinda." 

"She is one of my childhood neighbors and friend," ani Angela.

Tinanggap naman ni Wynther ang aking kamay, "It's nice to meet you too." 

"Let's go to the dressing room na," aya ni Angela.

Sabay-sabay kaming tatlo na pumasok sa dressing room. Tapos ng maayusan ang tatlong kasama namin sa photoshoot kaya kami nalang ang naroon. Habang inaayos ang make-up ay may tinawagan si Wynther. 

"Why is she here? Pinapabantayan mo ba ako? Are you nuts?!" 

Siguro ay may hindi magandang nangyari kaya medyo mataas ang boses ni Wynther. 

"Ganyan iyan kung galit," bulong sa akin ni Angela, "Huwag mo nalang pansinin, magiging okay din iyan maya-maya. Baka may inaway lang siya," pahabol pa niya. 

Tumango tango ako. 

"That guy! Kahit kailan talaga... I told him I don't need his protection..." bulong naman ni Wynther. 

Narinig ko iyon. Baka nga ay may hindi magandang nangyari kaya medyo galit ito? 

Lumingon sa akin si Wynther and she smiled like nothing happened and I didn't heard anything. 

"Just someone who is stalking me...I told him to quit but I can still see his minions all over," saad niya. 

Ayoko namang tanungin kung sino iyon because that will be rude already. 

Tinawag na kami sa labas kaya nagsilabasan na kami. Hanggang matapos ang set ay hindi kami pinatigil sa pagbihis. 

Nang matapos naman at paalis na kami ay nagtanong si Angela kung sasama ba ako pauwi sa kanila ng nobyo niya. Tumanggi ako dahil ihahatid ako ni Edna. 

Sumimangot si Wynther kay Edna pero walang reaction naman ang isa. 

"Okay, then mauna na ako," yumakap si Angela sa akin at kay Wynther din. 

Nang mawala si Angela ay tinanong ko kung magkakilala ang dalawa, "Do you know each other?"

"No!" - Wynther.

"Opo!" - Edna.

Sabay nilang sagot.

Base sa aking obserbasyon ay magkakilala ang dalawa. Sadyang hindi lang talaga komportable si Wynther sa sekretarya ni Devon. 

"Okay," tipid na sagot ko. 

Ipinulupot ko ang aking kamay kay Wynther at saka iginaya siya palabas pero bago iyon ay kumindat muna ako kay Edna. Siguro naman ay nakuha niya ang ibig kong sabihin. 

I pressed the elevator button at bumukas naman iyon. Apat kami sa elevator na pababa at hindi na nadagdagan kahit na bumukas ito ng tatlong beses. Napindot lang siguro ng mga tao kaya ganun. 

When we are at the lobby ay nakita ako ng valet de chambre kaya ilang minuto lang ay naka park na sa labas ang itim na LC na sinakyan ko. Una kong pinaupo sa loob si Wynther at saka ako sumunod. Nakita ko na kinuha ni Edna sa valet ang susi at wala pang isang minuto ay nasa driver's seat na ito. 

"Gutom kana ba? Would you mind if we'll go get meryenda sa Wildflour BGC?" tanong ko kay Wynther. 

"It's okay, lang naman. Wala din naman akong pupuntahan," sagot naman ng kausap ko. 

Bumulong siya sa akin, "Paano mo nakilala iyan? kung ako sa iyo lumayo ka. This girl means trouble. Kung nasaan siya ay may gulo... Kaya ayoko sa kanya eh. No personal grudge pero nag-iingat lang," paliwanag ni Wynther. 

Bumulong ako pabalik kay Wynther, "I just happened to bump into someone I know and they offered me a free ride at siya ang assigned na driver ko." 

Tumingin si Wynther kay Edna bago nagsalitang muli, "Just stay away from her. She's a troublemaker. I'm telling you," muling bulong niya na halos diko maintindihan.

Tumango ako para hindi na mapahaba pa ang usapan. Tumingin ako kay Edna.

"Sa Wildflour tayo Edna. Bonifacio Global City," I told Edna. 

Medyo malayo dito sa studio pero okay lang naman dahil doon ko parang gustong mag meryenda. 

"Sige po, Ma'am," sagot naman niya. 

Ilang minuto nga ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng restaurant kung saan namin napili na sumaglit. 

"I-park mo nalang itong sasakyan sa parking, Edna," utos ko.

Bago kami bumaba ay iaabot ko na sana ang isang card ko sa sekretarya pero naunahan ako ni Wynther. 

"Okay lang ba, sa labas ka nalang maghintay sa amin? I'm sorry medyo may pag-uusapan lang kami privately. We need a privacy konti. Kunin mo ito, you order after you park the car." 

Binalik ko nalang sa clutch ko ang aking cardholder. Ako nalang ang magbabayad sa kakainin namin ni Wynther. 

"Sige po." 

Tuluyan na kaming bumaba at pumasok sa loob ng establishment. We choose to eat sa isang table na nasa corner na nakaharap sa parade. Wala pang mga stall na nakabukas dahil medyo maaga pa pero may mga naglalagay na ng display na kanilang ibebenta. May nag ba-busking na rin. 

"Nagulat pa ako kanina bakit nasa loob ng studio si Edna." Wynther bite her lips. 

"Magkakilala pala kayo kaya titig siya ng titig sa'yo si Edna kanina," turan ko.  

"Hindi naman kami close. She just know someone that I hate. Kaya nababaling sa kanya ang galit ko but she's a nice lady. Maasahan mo talaga siya pero sumbungera kaya ayoko na lumalapit sa kanya. Anyways, totoo ba yung sinasabi nila sa studio kanina that they want to scout her as a model? Seryoso ba sila?" tanong niya siya sa akin.

"Ewan ko din but the designer and Francisco wants her to try modeling," saad ko. 

"Kung gusto niya rumampa, she's pretty enough to be a model naman at balita ko ay sumasali siya sa mga contest noon sa province before she joined the military..." 

"What?" wala sa isip kong nasabi. 

She's from the military? Kaya pala ang seryoso niya tignan. 

"Yup, she's from the military, my investigator is even her junior, can you imagine how shocked I am noong nalaman ko. Hay naku... Kaya stay away from her dahil baka kliyente niya iyang nakilala mo," bilin niya sa akin, "sayang pupunta pa sana tayo ng Xylo kung wala siyang nakabantay sa atin, eh... pero next time nalang siguro." 

Tumawa ako. Gusto ko rin actually na sumaglit sa Xylo pero dahil nga kasama ko si Edna ay hindi na.

"I'll get your number...I'll send you a message on your account too," Wynther, said. 

She gave me her phone and I was the one who save my number. I named it. Yacinda Sy. She thank me and in a second,. I received a greeting from her on my sns account. 

Wynther Gabriella Adolfo:

Nice to meet you... I'm Wynther Gabriella Adolfo.

Ngumiti ako at nag send ng smiley emoji sa kanya. 

Pagkatapos naming kumain ay namasyal kami sa mall na malapit. Pinuntahan namin ni Wynther ang isang luxury boutique at nakabili siya ng tatlong bag at isang sandal. Nakasunod parin sa amin si Edna. 

Pasado alas otso na ng maihatid ako sa condo. Ayoko sanang sabihin kung nasaan iyon dahil baka malaman ni Kaixus pero binantaan ni Wynther si Edna na huwag sasabihin kung saan ako hinatid. Umoo naman ang huli. 

Sa parking lot na inihatid ng dalawa. 

"Don't worry, no one will know about tonight. Tayong dalawa lang..."

Tumatawa si Wynther. 

Tumango lang ako. She accompany me until the front of the parking elevator. Nang bumukas iyon ay niyakap niya ako at saka humalik sa aking pisngi. 

Kumaway pa siya habang nasa loob ako ng elevator at hindi na nagsara. Kumaway ako pabalik at tumatawa. 

"Thank you for tonight!!! See you tomorrow!!!"

Sigaw ni Wynther at nag-echo iyon sa basement kaya tumawa ako. Until I reach the room my smile didn't left my lips.  

Agad akong dumiretso na sa higaan at nag alarm para bukas. Napagod ako sa ginawa namin ni Wynther kanina. 

I received a text from Wynther. 

Wynther Gabriella: 

Good night! Wishing you a safe night! Again, thank for tonight and it's nice to meet you.

I thought she is masungit because of her voice when we are inside the dressing room but she is nice pala, siguro nga ay ayaw niya lang sa taong kausap niya sa phone kanina kaya ganun ang boses niya. 

I smiled but didn't reply her because I am sleepy. Bukas ko nalang siya tawagan dahil iginugupo na ako ng antok. I am a little bit tired today but I met a new friend kaya okay na rin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status