Home / Romance / Dawn of Us / KABANATA 4

Share

KABANATA 4

Author: Vivi Wu
last update Last Updated: 2021-10-08 01:24:43

STAY AWAY 

Kinabukasan nga ay maaga kaming sinundo ni kuya Dante. Maaga rin kaming pumunta sa may ilog ni Paula. Tinuturuan ko siya kung paano mangabayo sa daan. Sa may parteng dulo ng ilog ay may hot spring kung saan kami nagbabad ng ilang minuto. 

"Yancinda, saan ka mag-aaral para sa kolehiyo? Baka sabihin nina Donya na doon ka sa Maynila. Ang swerte mo naman, naku maraming mga pogi doon. Baka makapag-asawa ka pa ng isa sa mga anak ng amiga nina Sir Xandros at Madam Karina doon." 

Napaisip ako sa tinuran ni Paula, Kung bibigyan ako ng ganoong magandang uportunidad ay baka tanggihan ko na lamang lalo na at ilag sa akin ang bunsong anak ng Don at Donya. Paano kung biglang palayasin niya kami ni lola? Walang akong magagawa kundi titigil dahil sa totoo lang ay ang Don at Donya lang naman ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral at nakakapagbihis ng magagandang mga damit. Nararanasang nakikipagsalamahun sa mga may kaya at maiimpluwensyang angkan. 

Tumingin ako kay Paula, "Mas gusto ko dito sa probinsya Paula. Lalo na at magagaling rin naman ang mga guro sa mga paaralan dito. Sa Manila ganoon din pero masyadong maingay, walang mga ilog na pwedeng puntahan at mga bundok na pwedeng akyat kapag gusto mong mapag-isa. Walang malawak na lupain kung saan ka pwedeng mangabayo. Kaya mas pipiliin ko parin ang manatili dito." 

"Hindi ba malapit na ang pageantry ng Miss at Mr. Luna. Gusto mong manood tayo? Ipapaalam kita sa lola mo." 

Tumango ako sinabi ng kausap ko, "Sige Paula. Sana ay pumayag si lola." 

"Oo yan at pati sina Don at Donya." 

"Oo nga pala, sabi ni Conaliza, Sa De La Salle daw siya mag-aaral, diba sa Maynila iyon? Balita ko ang mahal ang tuition fee doon. Doon ka rin ba? Kung papipiliin ka nina Don at Donya, kung ako sa'yo talagang sa isa sa mga pinaka magandang unibersidad dapat ang piliin mo. Kasi ako gusto pinili ko dito nalang sa San Gabriel para may kasama sina inay at bunso."

"Paula, gustuhin ko man ay mas pipiliin kong kasama ang lola at nakakahiya kina Sir Xandros at Madam Karina." 

"Ano kaba, kung ang problema ay si Sir Kaixus. Naku eh mayaman na yun tsaka mauunawaan ka noon. Hindi naman maramot ang mga amo natin. Hindi tulad ng mga ibang mayayamang matapobre. Kaya ayos lang sigurado yun sa kanya. Pansin ko kasi parang natatakot ka kay Sir Kaixus. Siya kaya ang pinakamabait sa kanila. Mababait naman silang lahat. Nasa kanila ang lahat ng magandang katangian ng tao. Mabait. Mayaman. Mapagkumbaba. Saan kapa!" 

Muntik na akong mapa-ubo sa pinagsasabi ni Paula ngunit timikhim na lamang ako. Naku Paula, kung alam mo lang tama ka, mababait sila pwera lang sa sinasabi mong pinakamabait sa kanila. Hindi mo lang alam. Sa sobrang kabaitan niya ay gusto kong maglaho na parang bula o di kaya ay malapit ng magbalot ng damit dahil hindi ko alam kung bakit ganun ang trato niya sa akin. Sa inyo ay ang bait niya kamo, pero bakit sa akin para niya akong gustong makitang nahihirapan? Pinaparamdam niya na hindi niya ako ka estado, na langit siya at ako'y nakikitim lang sa biyayang sa kanya... Hindi mo lang alam, Paula. 

"Hindi naman Paula, sadyang hindi lang natin siya nakakasalamuha lagi kaya syempre nahihiya ako. Amo natin sila. Siya. Dahil siya naman na ang mamamahala sa hacienda at iba pang mga hanapbuhay nila dito sa atin. Gusto ring magbakasyon ng Don at Donya sa iba't-ibang lugar sa mundo kaya siguradong pagkatapos mapag-usapan ang mga bagay-bagay ay. Si Sir Kaixus na lang ang maiiwan dito kasama natin," paliwanag ko. 

"Kaya nga, pansin ko eh ilag ka sa kanya. Kaya piliin mo sa Maynila para kahit papaano ay hindi kayo magkita dahil dito na siya mananatili, pero syempre, siguradong magkikita kayo kung papasyalan niya iyong nobya niya. Kaso baka malabo dahil may sariling bahay iyon doon bukod sa bahay ng mga kapatid niya. Kasi napakalawak ng Maynila kitang-kita sa mapa. Yun lang meron din ang Playa sa Batangas kaya baka pabalik-balik iyon doon at dito panigurado yan. Basta, piliin mo roon o kaya sa Cebu. Sa San Carlos. Para siguradong panatag ka. Kilala kita Yacinda. Kaibigan kita. Simula pinanganak tayo ay magkasama tayo. Sa dibdib ka ng Inay kumuha ng gatas mo." 

"Paula, naninibago lang ako sa tao tsaka ilang taon ang agwat natin sa kanya. Kahit naman siya ay medyo ilag sa atin hindi ba?" minabuti kong tanong sa kasama ko ng matigil siya sa pinag-iisip niya. 

Ngunit totoo naman talaga, hindi ko gugustuhing magkasalubong kaming dalawa. Lalo at ramdam kong ayaw ako nito sa dahilang hindi ko alam at hindi ko maisip. 

"Basta kung dito ka mag-aaral eh sabay tayo, ha? Gaya ng dati." 

"Oo naman, gaya ng dati. Tayong lahat," turan ko. 

"Maligo na nga tayo, pahilod naman likod ko, Cindy, mukhang ang daming naipong libag dahil sa ginawa natin kanina," pabiro nito. 

"Wala namang libag, akin na nga likod mo, anong pang hilod ko? Bato nalang," natatawa kong sabi. 

"Kahit ano na..." 

Tumingin nga ako ng bato na pwedeng pang hilod sa likod ni Paula. Kahit alam kong biro niya lang ay hinilod ko parin ang likod nito. Natatawa pa ito dahil nakikiliti dahil sa pinaggagawa ko sa kanyang likod. 

"Hahahaha! tama na nga Yancinda. Ikaw din akin na yang likod mo, hiludin ko rin." 

Lumalayo ako sa kanya para hindi niya mahilod ang likod ko pero nalapitan agad ako nito kaya wala na akong nagawa kundi ilapit ang aking likuran sa kanya. Medyo nakikiliti rin ako dahil hindi naman ako sanay na may humawak sa likuran ko lalo na at hinihilod pa. 

"Huwag kang malikot, inaayos ko na nga ang ginagawa ko eh, ang dami mong libag Yacinda. Dahil siguro ito sa mamahaling sabon at pabango na ginagamit mo," biro ulit niya. 

"Hindi ko naman ginagamit yung mga pinagbibigay nila sa atin na kung anu-ano. Tignan mo ikaw din kanina, mas marami kang libag. Pareho lang tayo," tabla ko sa biro niya. 

"Siya nga pala, parang nakita ko yung nobya ni Sir Kaixus kanina pa punta sana sa kuwadra, kasama niya si Sir pero nakita tayo ng huli kaya bumalik sila ng Mansion," pahayag ni Paula. 

Nakita ko nga ang mag-nobyo at nobya kanina pero hindi lang ako umiimik ng nagkasalubong ang mata namin ni Sir Kaixus. Parang galit na galit ito dahil magkasalubong ang mga kilay nito kanina habang ibinibigay sa akin si Thunder. Anak daw ito ng  kabayo noon ni Mama. Bigay sa kanya ng mag-asawang matanda bilang regalo sa ika labing walong taon nito. Hindi ko ipapahiram si Thunder sa iba hangang hindi pinaalam sa akin kahit kasama pa itong nakatira sa kuwadra ng mga kabayo sa hacienda. Maging ang ang mga vaquero ay ipinapaalam kung papakainin si Thunder o kung may anong gustong gawin dito.  

"Oo, nakita ko nga rin sila kanina, pero baka hindi rin kayang sakyan ng nobya ni Señorito iyong mga kabayo sa may kuwadra. Alam mo naman." 

Tumango ang kasama ko at itinaas ang kanyang kanang kamay na pawang nagsabing  tumigil na ako sa pagkuskos ng kanyang likod. Tumayo ito mula sa pagkaka-upo sa bato kung nasaan kami naka-upo sa gilid ng ilog. 

"Anong oras tayo babalik ng Mansion, Yacinda? baka may biglang mahalagang gagawin lalo na sa kusina. Ano bang sabi sa iyo kanina?" biglang tanong ni Paula. 

Iniisip ko ang sinabi sa akin kanina ni Lola pero wala namang mahalagang gagawin ngayon maliban sa nakagawiang ipagluto ng pagkain ang lahat ng trabahador. 

"Wala namang masyadong gagawin ngayon Pau, maliban kung may biglang bisita. Wala pang mga estudyante  na mag o-ojt. Wala ding mga tours ngayon. Hindi natin trabaho iyon," saad ko. 

Bigla kaming nakarinig ng mga yabag ng kabayo, papalapit sa kung nasaan kami naliligo. Biglang napatayo si Paula,. maging ako ay naging alerto.  Agad naming pinagsusuot ang mga damit at inayos ang aming sarili.  Mas lalong lumalakas ang mga yabag kaya alam naming malapit na ang kung sino man na sumakay. Isa, dalawa, tatlo, apat,. lima.  Yun ang bilang ko sa paparating.  

"Yacinda, wala ka namang pinagsabihan na pupunta dito diba? Sino naman kaya iyang mga distorbo na mga iyan. Naku, ang dami pa naman nila, baka mapuno ng libag itong tubig ng ilog," tumatawang ani ni Paula.  

Ako naman ay seryoso. Walang nakakaalam na narito kami ni Paula bukod sa dalawang nakakita sa amin. May kutob akong grupo nila ang mga ito. Imposibleng hindi alam ni Sir Kaixus ang ilog na ito. Mamaya pay ay dumungaw na nga ang unang sakay ng kabayo. Si Tasia ang ginamit niyang kabayo. Isa itong puting thoroughbred. Diretso ang mga mata niya sa akin. Laging kumukunot sa tuwing magkakasalubong ang aming tingin. Iniiwas ko ang aking tingin sa pangalawang dumating. Ngumiti ito kaya sinuklian ko rin ng ngiti. Si kuya Queziah sakay niya si ate Avikah. Sumunod naman sa kanila sina Kuya Driego at  isang familiar na mukha. Kuya Kalyl? Tumitig ito sa amin ni Paula at saka ngumiti. 

Bumulong sa akin si Paula, "Tama ba itong mata ko, Yacinda? Si Kalyl naman yan. Anong ginagawa niya rito? Ang saya naman." 

Tumango ako pero nakatingin parin sa  mga paparating. Nagsimula ng bumaba sa kanya-kanyang ginamit na kabayo ang iba ngunit yung unang dumating ay pinalakad si Tasia papunta sa malapit kay Thunder. 

"Hi? Long time no see," bati ni kuya Kalyl ng makarating sa amin ni Paula. 

"Ako sana ang maghahatid sa mga kasama ni Kaixus kaso inihatid na pala ni kuya Dante kanina kaya dito na kami nagpunta. Nakita raw kayo ni Calibre kanina sa daan. Kaya nag-aya siya na magpunta kami dito." 

"Na kay Calibre yung mga pagkain natin paparating na iyon. Ang bagal kasi parang Maria Clara," si ate Avikah. 

Tumawa kaming lahat, eksaktong sumungaw ang kabayong dala ni kuya Calibre kaya lahat kami ay tumingin sa kanya.  

"Ang tagal mo naman!" biro ni ate Avikah sa kanya.

"Ate, tignan mo naman itong pinabuhat niyo sa akin. Kawawa ako at yung kabayo, kawawa kaming dalawa. Bakit ba kasi kailangan pa nating magdala ng pagkain, pwede namang magpahatid." 

"Calibre!"

Nagulat ako ng magsalita siya. Isang salita ay natahimik si kuya Fourth. Maging si ate Avikah at kuya Kaixel ay hindi rin nakaimik. Ang lakas ng presensiya niya kahit pa mas matanda sina kuya Kaixel at Ate Avikah ay grabe ang respeto nila rito. Naglakad ito papunta kay kuya Fourth at kinuha ang mga hawak nito. Inilagay niya ang mga pagkain sa gilid ng ilog sa bandang papag na upuan. 

"Kanina pa ba kayo rito?" tanong sa amin ni ate Avikah. 

"Medyo po, nag-aaral kasi akong mangabayo para kahit papaano ay may magawa ako ngayong bakasyon," ani Paula. 

"That's good Paula," si kuya Kalyl. "Mas magandang matuto ka habang bata kapa." 

"Hindi pala kami nakapagdala ng lighter. Mag-iihaw sana tayo kung may mahuling isda," sambit ni kuya Queziah. 

"Don't worry, I brought one," tipid ni Sir Kaixus. 

"Thanks, tito, you're the best," pagpapasalamat ni ate Avikah sa tiyuhin niya. 

"Susulong na ako. It's been a long time. Medyo nainitan pa naman ako dahil sa pag punta dito." 

Agad ngang sumulong si kuya Kaixel. Tumalon ito sa isang mataas na bato. 

"C'mon guys. The water is refreshing," aya niya sa amin. 

Sumunod naman sina kuya Quez at Kalyl. Maging si ate Avikah at pati rin si Paula. 

"Halika na rin Yacinda," yaya sa akin nina Paula at ate Avikah. 

"Sige lang po susunod ako," ani ko. 

"Wala sina Axiel at Kaiden, may mahalagang lakad sa Alfante ngayon. Sila nalang tawagan mo, Papa." 

Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Umaatras kasi ako kaya hindi ko alam na may tao. Inilapit nito ang mga labi nito sa aking tainga. Hinigit ko ang aking paghinga at napapikit dahil sa takot na kung ano ang gagawin nito. 

"You always want to be near me. You want it that much,hmmmnnn?" bulong niya sa napakababa at napakalamig ngunit may kalambutan na tono. 

Napanganga ako. Uminit ang aking mukha sa kanyang ibinulong. Kung alam mo lang! Gusto kong lumayo sa iyo. Ang hambog mo! 

Napabaling ako sa kanya. Halos magkasalubong ang aming mga mukha. Napanganga ako dahil sa mga malalalim na itim na itim nitong mga mata. Napakamisteryoso. Animo'y napakaraming gustong sabihin. Nakataas ang mga kilay nito at nakakunot noo. Hindi ko mapigilang mapapikit at mapakagat labi. Ramdam ko ang bawat paghinga nito sa sobrang lapit ng aming mga mukha. Baka makita kami ng mga kasama namin ay sobrang nakakahiya kaya ay binuksan ko ang aking mga mata at takot na sinalubong ang mga titig nito. 

Tumaas ang gilid ng labi niya, " Scared again? Maligo kana doon kasama nila..." 

Akala ko ay galit na naman ito. Tumingin ako sa mga kasama namin kung may nakatingin ngunit lahat sila ay busy sa paglangoy. Kumalma ang aking pakiramdam na kahit pa paano ay walang nakakita sa nangyari kanina. 

"Ikaw?" 

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob upang tanungin siya. Ito ang unang beses na nagka-usap kaming dalawa ng matino.

"Later na," tipid niya. 

"Go. Fix your shirt... Unless you wanna show yourself to my nephews and cousin," lintaya niya paglaon.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. I also gritted my teeth. 

Ngumuso siya sa banda nila ate Avikah at Paula. Sinimulan ko ng maglakad patungo nga roon. Medyo nanginginig ang mga tuhod. Kumalma ka Yancinda! Nakaya mo siyang harapin kaya sa mga susunod na paghaharap niyo ay tapangan mo. 

"Bakit hindi pa sumusulong si tito dito. Teka lang, kausapin ko siya." 

Bago umahon si ate Avikah ay napatingin kaming tatlo nina Paula sa kung nasaan ang tinutukoy niya. May kausap ito sa cellphone. Mukhang seryoso dahil  kitang-kita ang kunot ng noo nito. 

"Hindi palang natatake-over ni tito ang hacienda at mga negosyo dito ay busy na busy na ito. Isapa ayaw sana niya dito. Mas gusto niya sa Manila dahil nandoon si Sabrina and because he is busy with the company too. I don't know anong nakita niya sa babaeng iyon. I know their family has scandal before and it's so magulo tapos mukhang pinapaikot lang si tito pero hindi niya iyon ramdam. Alam ko ang galawan ng mga babaeng ganun Paula, Yacinda, kaya lumayo layo kayo sa mga ganoon kung sa Manila ang pipiliin niyong university sa susunod na taon," mahabang lintaya ni ate Avikah. 

"Si Yancinda lang po ang pupunta doon kung sakali man. Dito nalang ako kasama nina Inay at bunso. Maganda naman po sa Remnant. Private din siya," sabi ni Paula.

"Sayang din yun Paula. Mas marami kang pagpipilian sa Manila kung sakali man," pilit na pang-eengganiyo ni ate Avikah kay Paula. 

"Dito nalang po ako," Paula is adamant about her decision.

Bumaling si ate Avikah sa akin, "Darling, in Manila there are plenty of opportunities ahead of you. UP, UST, La Salle, FEU, Ateneo..." 

"Titignan ko po kung papayag si Lola," sagot ko. 

Ngumuso ito, "Okay. Just tell me what will be your decision." 

Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya.  

Lumangoy kami ni Paula patungo kay kuya Calibre dahil kumukumpay ito sa amin. Mamaya pa ay narinig namin si ate Avikah na sumigaw. 

"Tito, put down your phone. You need a little bit of relaxation. C'mon!" 

Sumagot naman ang isa. Itinaas nito ang kanang kaliwang kamay na parang sa mga enforcer. Saka nito itinuro ang teleponong nasa kanang kamay nito. Nag thumbs up naman si ate Avikah at lumangoy papunta sa amin.  

"Akala ko ba ayos na yung inaasikaso ni tito?" si kuya Calibre. 

Nagkibit balikat lamang si ate Avikah. Lumangoy na rin ang ibang kasama namin patungo sa kung nasaan kaming apat nina ate Avikah, kuya Calibre at Paula. 

"Sino daw yung tumatawag? Baka yan na si Councilor Sorella? Sinabi ko kasi yung tungkol sa plano namin ni Kaixus tungkol sa bakanteng lupain sa may Alfante. Gusto naming gawing ubasan," ani kuya Kalyl.

"Si Drexon?" tanong ni kuya Queziah.

"Yup. That guy is the right person to speak with anything about Alfante. I think he is aiming for higher position next election. Young and ambitious with good vision for Alfante. He just got back to school. Bilib din ako sa iyang iyon. Nakita mo na siya, Driego?" may pagmamalaking ani ni kuya Kalyl. 

"He's smart. I've met him thrice already," said, kuya Driego. 

"Right. Kaya siguro seryoso iyang si Kaixus. Lalo na at ayaw ng mga Xexon ang planong sa lupa nila ang gagawing daan papasok sa lote. Ayaw pa nila yun, taas value ng lupain nila?" saad ni kuya Kalyl.

"They still have the issue in La Verde too, and the problematic brothers. Tsssk! Tsssk! Iyong bunso lang ata ang matino sa kanilang lahat..." ani kuya Queziah. 

Bumulwak ang tubig sa isang malayong parte ng ilog sa malapit sa talon kaya lahat kami ay napatingin. Galing sa ilalim ay si sir Kaixus. Lumangoy ito papunta sa amin. 

"Sorry, I'm a little busy earlier," sagot niya.

Tinapik ni kuya Kaixel at kuya Queziah ang magkabilaang balikat nito.

"It's okay tito, sorry for being makulit," hinging paumanhin ni ate Avikah. 

"Humingi lang ako ng update kay Drexon. Ayos na," si kuya Kalyl.

Tumigin ito kay kuya Kalyl. 

"Cool. I told you. He's fast like lightning," saad ng huli. 

Nang araw na iyon ay hindi na kami naligo at nangabayo kami. Ang laging kasama ko ay sina ate Avikah, Paula at kuya Calibre. Hindi ko masyadong nakasama ang grupo nina sir Kaixus, kuya Kaixel, kuya Kalyl at kuya Driego. Ikinapanatag ng loob ko iyon dahil kahit papaano ay hindi matalim ang mga titig at parang kakainin ako nito ng buhay. Noong tanghali ay nanghuli sina kuya Kaixel, kuya Kalyl at sir Kaixus ng isda sa ilog at kami naman nina Paula at ate Avikah ay nagtingin ng mga alimango kung meron. Si kuya Calibre, kasama si kuya Driego ay naghanap ng prutas sa parang. Limang medyo katamtamang isda at dalawang medyo maliit ang nahuli ng tatlo sa mag iisang oras nilang paninisid. Malinis at malinaw ang tubig kayat kitang kita mo talaga ang ilalim. Kami naman ay nakahuli ng kulang kulang na bente singkong alimango. Sina kuya Driego at kuya Calibre ang maraming nakuhang prutas. Bayabas, mangang manibalang, caimito at guyabano. 

"Marami naman palang mga prutas dito Driego. Malapit ba ang pinagkunan niyo sa mga iyan?" tanong ni ate Avikah kay Kuya Driego habang itinuturo nito ang mga nilalapag na prutas ni kuya Calibre sa isang picnic box na gawa sa kawayan. 

"Malapit lang. Sumulong kami sa kakahuyan bandang malapit sa isang kubo," turan ni kuya Driego.

"I will prepare the fire," singit ni kuya Kaixel. "Tito, help me prepare the grilling place." 

Sumunod naman si sir Kaixus. Sa malapit sa gilid ng ilog naghanda ng kalan sina kuya Kaixel. Pina-upo kaming tatlong babae sa picnic mat na nilatag ni kuya Kalyl. Hintayin daw namin saglit yung iihawing isda. Masarap ang isdang galing sa ilog kaysa sa mga galing sa mga fishponds siguro ay dahil sa mga kinakain ng mga ito. 

"Ang sipag naman ng tito ko, sana nga lang ay kasing ganda at sipag mo ang mapapangasawa niya, Yacinda." 

Nagulat ako, maging si Paula ay nagulat at napaupo pa sa sinabi ni ate Avikah. 

"Mukhang mabait naman po iyong nobya ni sir Kaixus ate," dipensa ko. 

"If he only knew, siguro mabait kung kaharap kami o si tito, pero I doubt it, lalo na iyong Wyeth Cabral na iyon. Ang ahas niya!" 

Nagpakawala ito ng isang mahabang buntong hininga. 

Halos isang oras kaming naghintay bago maluto lahat. Alas dose na rin kaya medyo gutom na rin ako. Si Paula ay kanina pa bulong ng bulong na gutom na daw. Ang plano namin ni Paula ay babalik ng Mansion pagkatapos naming maligo ngunit dahil nga dumating ang mga kasama namin ay nahihiya kaming nagpa-alam. 

"I'll get banana leaves. Iyon nalang ang gagamitin nating kakain." 

Kuya Kaixel volunteer. Saglit lang ito dahil sa may isang bahagi ng ilog ay may mga saging. Ipinait niya ito sa apoy at nilinisan ng isang malinis na puting tela na kasama sa mga dala nila.  

"Try this cordon bleu Yacinda, I made that earlier, ikaw din Paula," aya ni ate Avikah.

Siya pa ang kumuha at naglagay ng pagkain sa banda ko. Boddle fight ang ginawa nila. May mga dala naman silang disposable na kutsara at tinidor kaya okay lang. Nagkamay din ang ibang mga kasama namin pati si sir Kaixus. Tumaas ang kanang kilay niya ng magkasalubong ang aming tingin. Umiwas ako ng tingin at naramdamang medyo uminit ang king pisngi. Mukhang napansin iyon ni Paula kaya bumulong ito sa aking kanang tainga. 

"Bakit namumula iyang pisngi mo Yacinda? Masakit ba ang ulo mo?" 

Bumulong ako pabalik upang mapanatag siya dahil mukhang alalang-alala siya. 

"Hindi, medyo maanghang lang itong sawsawan natin," palusot ko.

"Ah, akala ko masakit ang ulo mo, pwede ka namang magpahatid kina kuya o mauna tayo sa Mansion para maagapan yan," ani Paula.

"Hindi na Paula, okay lang ako. Salamat," pangungumbinsi ko para mapanatag ang loob niya.

"Ikaw ang bahala." 

Nahalata ata ni ate Avikah ang nangyayari kaya bumaling siya sa akin. Tumigil sa kanyang pagkain. 

"Okay lang kayo, Yacinda, Paula?" tanong niya.

Nagsitinginan tuloy mga ibang kasama namin sa gawi namin ni Paula. 

"Opo, Ma'am." 

Si Paula ang sumagot dahil may lamang pagkain ang aking bibig.  

"Akala ko na eh, baka mamaya may problema kayo. Marami pang food. Let's all eat those para wala ng madala pabalik mamaya. Yung prutas mamaya kumuha pa kayo Fourth, Driego, if meron pang natira." 

"Sure ate," it's kuya Driego. 

Ipinagpatuloy nga naming kumain. Katahimikan ang namayani habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain hanggang sa mabusog lahat. Mahigit sampung minuto rin kaming nagpahinga. Sina kuya Kaixel at ibang mga lalaki ay bigla nalang nawala. Mukhang may pinuntahang hindi namin alam. Kaming tatlo ay nakahiga sa mat. Nagdala si ate Avikah ng libro tungkol sa mga kung anong gagawin para magpayaman. Halatang halata na mga business minded ang kanilang angkan. Sa library ng Mansion ay ganung mga libro ang marami. Minsan ay nagbabasa din ako kung walang ginagawa o di kaya ay kung maglilinis sina manang Sora at ate Mae. 

"I really love this book," saad ni ate Avikah.

May titulo itong "Rich Dad, Poor Dad"  at malapit na nga itong matapos ni ate Avikah. Kami ni Paula ay naisipang umidlip dahil sa sarap ng simoy ng hangin. Nakapagpalit naman na kami ng bagong damit kaya maganda ang aking pakiramdam. Mabuti nalang at walang tao kanina maliban sa aming tatlo nina ate Avikah. 

"Bukas, pupunta kami ng Alfante, sama ka Yacinda, ikaw din Paula, para makita niyo din doon, diba hindi pa kayo nakapunta sa kabilang hacienda? Mga bulaklak ang karamihang tanim doon dahil napakaganda ng lupa at angkop para maging flower farm. Also, it's where really the ranch is." 

"Sasamahan ko po si bunso bukas Ma'am. Sa susunod nalang po. Si Yancinda nalang muna," si Paula.

"Ipapaalam ko po muna kay Lola," ani ko.

Tumango si ate Avikah, "Ako na ang magsasabi kay nanay Ana. Sasama din sina Lilac at Violeta para may mag assist sa mga engineers galing ng La Flora at Tierra Vida na pupunta."  

"Okay lang Ma'am. Gusto ko sana pero dadalaw kami sa puntod ni itay bukas ni bunso. Pero sabihin ko po kay inay."

"Sige Paula, it's happier sana if you guys will come with us tomorrow. Kasi ilang araw tayo doon. Mauna muna tayo sa Alfante, after two days sa Reina Soliven tayo tapos kinabukasan sa Nueva Vizca at pagkatapos ulit ng dalawang araw sa La Flora bago tayo pupunta ng Playa del Fuego before going home." 

"Hala, pwede kayang dalhin sina Betty, Mauna, Veniz at bunso, Ma'am Avikah?" 

"Sure. Ang maiiwan lang naman dito is sina Calibre Fourth at Agilous Driego. Sina Kaixel at Queziah ang magiging driver natin. Yung isang van at isang  Hilux nalang gagamitin natin. Bahala na si tito kung anong gagamitin niya dahil mag-isa lang naman yun or dahil may dalang sasakyan si Kalyl." 

"Ano po bang gagawin sana doon?" tanong ni Paula. 

Siniko ko ito dahil sa dami ng tanong niya. Ngumuso ito at itinaas ang kanyang dalawang kamay. 

"May aasikasuhin si tito. Tayo mamasyal. Sa Alfante yung rock formation na maganda at may blue lagoon. Kaya excited na ako. Ilang taon na rin noong last na uwi namin noon," pahayag ni ate Avikah

Paminsan minsan lang kasi umuwi ang mga ito lalo na at marami rin silang mga kabuhayan sa Manila at iba't-ibang parte ng Pilipinas.  

"Gusto mo ba sa 18th birthday mo next year sa Alfante nalang tayo mag celebrate Yacinda? Sabihin ko kay Lola. Masaya yun. Para makapasyal din yung mga tauhan dito doon." 

"Naku po, huwag na po, ayos lang sa akin ang simpleng salu-salo lang. Tsaka maaabala pa po kayo. Huwag na po," lintaya ko. 

Sobra sobra na kasi ang tulong ng Don at  Donya sa amin ni Lola. Kahit pa sabihing malaki ang utang na loob ni Don sa Lolo ko ay sapat na siguro ang nagawa niya para sa amin nina Lola. 

Ang kwento sa akin ni Lola, noong mga bata daw ang Lolo ko at si Sir Xandrei ay magkaibigan sila. Angat sa buhay ang pamilya ng Lolo ngunit sa kasamaang palad nalulong sa utang ang papa niya sa casino. Ito daw ang dahilan ng pagbagsak nila. Nakapag-aral man ang Lolo at isang seaman ay maaga naman itong binawian ng buhay. Kaya kinailangang ibenta ni Lola ang ilang mga ari-ariang naipundar nilang mag-asawa sa Ilo-Ilo at ilang parte ng Pilipinas upang ma tustusan ang pangangailangan nila nina Mama. Niloko rin siya ng business partner niya hanggang sa naibenta na halos ang mga pinag-ipunan ilang mag-asawa. Hindi nakapagtapos sa pag-aaral ang Lola kaya at hindi rin sanay sa hirap pero nagbago sa isang iglap ang lahat. 

Dumating na sina kuya Kaixel at lahat sila ay pagod na pagod at pawisan. Lumapit sa amin ang lima sa kanila at nanghingi ng maliliit na tuwalya. 

"Saan ba kasi nagpunta, pawisan kayo oh," saad ni ate Avikah.

"Tinignan lang namin iyong sa bandang malapit sa kabilang hacienda. Doon kasi iyong sinasabi nina Chito na may mga hindi kilalang tao na pumapasok." 

"Ganoon ba, anong ginawa niyo, tinignan niyo lang pala tapos pinagpawisan kayo tsaka ang tagal niyo. Dalawang oras at higit sa kalahati na," si ate Avikah ulit.

"Inayos namin yung ilang barbwire na sinadyang pinutol at itinumba." 

"Lalaki katawan ni Kaixus dito ganito ang magiging trabaho niya, imbes na pumipirma sa loob ng office na may aircon," pahayag ni kuya Kalyl habang nakangisi.

"Ikaw Kalyl, ugali mo kasi magdala ng babae sa office kaya gusto mong tumambay doon. Isumbong kaya kita kaya tiya Lucy...." kuya Kaixel rebutted.

"Kaixel, huwag naman ganyan, I love you, you know." 

Umikot ang tingin ni ate Avikah, mukhang may tinitignan hangang sa bumaling siya sa akin, "Yancinda, can you give this towel to tito, over there." Itinuro niya ang isang sulok na medyo mabato.

Andoon nga si sir Kaixus. Iniabot ni ate Avikah sa akin ang isang maliit na tuwalya kaya napilitang lumapit ako sa kanya. Medyo malayo sa kumpulan ng kasama namin. 

Malapit palang ako ay may sagot na mula rito. 

"Stay away!" bulong niya gamit ang may kataasang boses pero sa pabulong na paraan.

Nagulat ako, mabuti nalang at walang nakarinig sa kanyang sinabi. 

"Put the towel on the rock," simple at walang ganang sabi pa niya. 

Inilagay ko nga sa ibabaw ng isang bato ang maliit na tuwalya tsaka walang anumang bumalik kina ate Avikah. 

Agad akong tinanong ni ate Avikah pagka lapit ko kanila. 

"Why tito's still over there, Yacinda? ayaw ba niyang pumunta dito?" 

Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot dahil wala akong maisip na akmang sagot sa tanong ni ate Avikah.

"Hindi ko po alam," ani ko sa huli.

"Oh, okay. He still might be busy," aniya.

Tumango lang ito at saka sumulyap sa kung nasaan ang tito niya. 

Maya-maya pa ay napagdesisyunan na ng lahat na bumalik ng Mansion. Dalawa na kami ni Paula kay Thunder. Si Bolt ay pinasunod na lang namin. Nasa kanya-kanyang kabayong ginamit nila sa pagpunta ang iba naming mga kasamahan rin. 

Nauna sina ate Avikah sakay siya ni kuya Calibre ngayon. Si sir Kaixus at kuya Kalyl ang nagbuhat sa mga dinala nila pagdating nila kanina. 

Mabilis kaming nakarating ng kuwadra. Sumunod ako kay kuya Queziah. Si kuya Kaixel ay nagpaalam na maiwan sa tubuhan upang tignan iyong mga trabahador na kasalukuyang nagtatrabaho.  

"Calibre, bring these inside," si sir Kaixus, pagkarating niya ng kuwadra.

Agad-agad namang kinuha ni kuya Kaixel ang mga gamit na nasa tito niya. Agad na ibinuwelta ng una ang kabayo at pinatakbo iyon pabalik ng tubuhan. Tinulungan ko at ni Paula si ate Avikah na kunin ang mga gamit na hinawakan ni kuya Kalyl kaya maging ang huli ay agad pinasibad ang kanyang kabayo papunta sa direksyong tinatahak ni sir Kaixus. 

"Guess, people will be busy these coming days and days onwards," puna ni kuya Calibre habang nag-unat ng kamay. "Yacinda, sama ka bukas ha, nasabi naba ni ate Avikah sa iyo?" tanong ni kuya Calibre sa akin paglaon ng ilang minuto.

Bumaling ito kay Paula at maging si Paula ay inaya niya. "Sama din kayo Paula, tell your other friends."

"Yacinda has no choice. Sama silang lahat para naman hindi ako ma-bored doon, lalo na sa Alfante. Alam mong wala akong kakilala doon maliban sa kay Drexon, but he's busy nowadays," saad ni ate Avikah.

"Ipapaalam ko pa po kay Lola," sabi ko.

"Ako na ang bahala, Yacinda, don't think about that too much," sagot ni ate Avikah.

Nang hapon na iyon ay sa kusina ako namalagi. Tumulong kina Lola sa pagluluto. 

Sinigang na isda, pakbet at bulalo ang niluto namin nina Lola. Sina ate Mae at aling Dindin naman ang nagluto sa ibang mga putahe lalo na sa panghimagas. 

Puto at kutsinta ang inihanda ni ate Mae para sa panghimagas ng mag-anak. Itinabihan daw niya ako ng kutsinta. Alam niyang iyon ang aking paborito. 

Pinuntahan ko siya sa isa pang dirty kitchen. Saktong nagsasalang ito ng kutsinta. Napansin nito ang aking prisensiya. 

"Yacinda, may itinabi akong isang platong kutsinta para sa iyo. Iyang plato na may takip. Alam kong paborito mo iyan. Kung kulang, sabihan mo lang ako ng madagdagan ko, ha?" pahayag niya.

Nakakahiya man pero nagutom ako dahil masarap ang luto ni ate Mae at aling Dindin na mga panghimagas. Alam din ni ate na paborito ko ang kutsinta kahit noon pa man ay talagang minsan sinasadya niyang magluto ng kutsinta bilang panghimagas para daw makakain ako ng marami. 

"Maraming salamat ate Mae. Kakainin ko po muna itong itinabi niyo sa para akin. Nagutom po ako bigla," saad ko. 

Nilantakan ko na nga ang kutsinta sa isang gilid ng mesa. Nakaharap ako kay ate Mae. Paluto na naman ang isinalang niya. Tulungan ko nalang siya pagkatapos kong kumain. 

"Siguradong kulang iyan, kumuha ka lang diyan sa may bilao. Dinamihan iyan para makakain tayong lahat kaya huwag kang mag-aalala," pahabol niya. 

"Mabuti naman at hindi na magrereklamo si kuya Hugo." 

Napakasarap talaga ng luto nila kahit walang niyog. Saktong-sakto lang ang tamis ng sauce na ginawa ni ate Mae kaya hindi nakakasawa. 

Sarap na sarap ako sa kinakain nang may biglang pumasok. Sa pabango palang niya ay nakilala ko na kahit hindi ko pa nakikita. Si Kaixus?! 

Nagkatinginan kaming dalawa. Puno lang naman ng kutsinta ang aking bibig. Ang isa naman ay nakataas na naman ang kanang kilay pagkakita sa akin. 

"I just want to ask the cook what's the dessert for later," sabi niya.

Tumingin kay ate Mae, "Ayoko ng kutsinta at puto. Pahanda nalang ng fruit salad." 

Bumaling si ate Mae sa kanya. 

"Sige po sir. Pagkatapos nito."

Lumingon siya sa akin, "I don't like pineapple now. Watermelon is better," aniya.

Sinundan ko ang tingin niya at sa bandang dibdib ko nakapako ang kanyang mata.

"BASTOS!" Walang tunog na sabi ko sa kanya.

He just smirked at pinaglaruan ang dila sa loob ng kanyang bibig bago pinadaan sa kanyang labi habang nakakunot ang noo.

Sobrang init ng mukha ko dahil sa naging reaksiyon ko sa kanyang ginawa.

Walanghiya!

Related chapters

  • Dawn of Us   KABANATA 5

    SAVE "Sure po kayo Sir? Kailan pa po kayo kumakain na ng watermelon? Mabuti at hindi ko pa nabalatan ang pinya." "Yes. Iyon lang. Since I came here," sagot ng huli. Bumaling siya sa akin at pinagtaasan ulit ako ng kilay bago umalis ng kusina. Ang sungit sungit mo! Nakakahiya! Ano kaya ang nasa isip niya? Baka sabihing inaabuso ko sila. Pagkain naman ito hindi kung anu-ano. At siya ang bastos. Watermelon, my ass! "Nakalimutan kong hindi nga pala gusto ni Sir Kaixus ang ganitong pagkain," lintaya ni ate Mae. Bilang pasasalamat kay ate Mae ay sinabi kong ako na ang gagawa sa fruit salad na pinapagawa ni Sir Kaixus. "Ate ako na po ang gagawa ng fruit salad," boluntaryo ko. "Sigurado ka, Yacinda? Okay lang ba? Pasensiya na ha," aniya. "Okay lang po ate, wala naman po akong gagawin at nabusog po ako sa kutsinta. Maraming salamat pong muli," muling pasasalamat ko. "Sige sige tignan mo na ang mga ingredients ng fruit salad. Iyong nestle cream ay nasa may unang overhead cabinet

    Last Updated : 2021-11-07
  • Dawn of Us   KABANATA 6

    GIRLFRIEND Kinabukasan ay maaga akong nagising, unang bukas sa pinto sa balcony ay bumungad nga sa akin ang isang parte ng golf course. Mukhang may mga tao na naglilinis sa ganoong ka agang oras. Dahil na engganyo ay agad akong nag ayos ng aking sarili at dali-daling bumaba ng hagdan. May nakita akong grandfather clock at kamay ay nakaturo sa panglimang bilang at pang sampu't dalawa. It's 5 in the morning. Wala pang mga taong gising. Iilan lang ang nakita kong mga kasambahay na busy. "Magandang umaga Ma'am, nais ninyo na po bang kumain o magkape? Meron din pong tea. Pwede na pong kumain sa bandang golf course, mayron pong gazebo at nook doon. Pwede po naming dalhin doon ang inyong agahan o sa may main dining hall po," ani ng isang dalagitang kasambahay. "Mamaya nalang ako kakain kasabay ng mga kasama ko. Mayroon bang pwedeng jogging area dito? Sa may golf course okay lang ba? Tanaw ko kasi mula sa balcony ng aking silid, at walang masyadong tao, mukhang hindi nagagamit. Okay lang

    Last Updated : 2021-12-21
  • Dawn of Us   KABANATA 7

    VLOGGING Hanggang sa makabalik kami ng San Gabriel ay baon parin sa aking isipan ang huli naming pag-uusap ni sir Kaixus. Hindi ko na siya nakausap pa sa mga sumunod na biyahe namin. Imbis rin na dumaan pa kami ng Playa Del Fuego ay diretso nalang kami ng uwi pagkatapos naming manatili ng dalawang araw sa La Flora dahil nag-flight na raw ang Don at Donya at nagsi-uwi na rin sa Manila at Cebu ang mga kapatid ng bunsong Montiel dahil meeting sa kumpanya nila. Sa sobrang busy din ng lahat ay kami-kami nalang nina Paula ang magkakasama. Sumama rin sa San Gabriel si kuya Spiker dahil siya nalang naging driver namin dahil naiwan na si kuya Kalyl kasama ang pinsan niya. Una naming hinatid sa bayan sina Paula at mga iba ko pang kaibigan. Mas nauna kaming umuwi, susunod daw sina ate pagkatapos ng mahalagang meeting nila sa Playa Del Fuego. "Yacinda, mag-iingat ka. Balitaan mo nalang ako mamaya. Dalaw ako bukas sa Mansion." "Sige Paula, kayo din dahil mukhang wala pa si nanay Panyang."

    Last Updated : 2022-09-14
  • Dawn of Us   KABANATA 8

    NERVOUS Kinabukasan ay maaga kami ni Betty na nagising. Agad niyang tinignan ang video na ini-upload niya sa kanyang YouTube. Mayroon agad siyang trenta na followers. Gumawa din ako ng account ko at finallow ko siya upang mas dumami pa ang kanyang followers. I also navigate my phone to familiarized the applications. I decided na mag-install ng ilang useful applications that I might be able to use in the future. "Waaahhhh!!!! Salamat sa pag follow sa akin YT channel, Yacinda. Tignan mo may mga nag comment dito galing sa ibang bansa. Ipagpatuloy ko daw ang pag-upload ng mga video. Sinabi ko rin na ngayong araw ay ipapasyal ko sila sa bayan, para makita nila iyong mga pailaw ni Mayor sa may kapitolyo natin. Aayain ko si Paula..." "Magandang idea iyan, Betty. Kapag makaluwag-luwag ay maaari natin silang ipasyal doon sa La Cita. Sabihan ko rin sina ate Avikah na mayroon kang ganyang pinagkakaabalahan, baka sakaling mas marami silang idea tungkol sa bagay na iyan," paniniguro ko. "Sa

    Last Updated : 2022-09-15
  • Dawn of Us   KABANATA 9

    MINOR Pagkatapos na masiguro ni ate Lilac na okay lang ako ay bumalik ito sa kanyang upuan. Si kuya Calibre ang nag-iihaw. Tumayo si sir Kaixus at pumunta sa kanyang pamangkin, tinapik nito sa likod si kuya Calibre at ibinigay ng huli ang pamaypay sa kanyang tiyuhin. Tumabi sa akin si kuya Calibre at bumulong. "Ano kayang nakain ni tito? Bakit parang ang sipag niya ngayon? Hmmmmn..." Tumingin si kuya Calibre sa akin kaya napatingin ako sa kanya at saka nagkibit balikat. Hindi ko rin po alam kuya Calibre. Hindi po kami close ng tito ninyo. Bulong ko sa aking isipan... "Hindi ko po alam kuya..." Parang hindi ito kontento sa aking sagot kaya tinignan ako sa mukha. Umiwas ako kaya tumikhim si kuya at hindi na ako kinulit pa. Aba'y dapat lang dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit ang kanyang tiyuhin ang nag-iihaw ngayon. Tumayo si ate Avikah at lumapit sa kanyang tito. Tinulungan niya ito sa pag paypay. Inilagay rin niya sa plater ang mga naluto na mga inihaw. May mga pusit,

    Last Updated : 2022-09-16
  • Dawn of Us   KABANATA 10

    EXPENSIVE AND EXCLUSIVE "Bakit ka nakabusangot iha, gutom ka pa ba? Darating mamaya ang mga kaibigan mo. May gagawin ba kayong importante?" sunod-sunod na tanong ni aling Marta sa akin. "Ah, si Betty po ang may gagawin, tutulungan lang namin siya," sagot ko. "Maya-maya ay nariyan na ang mga iyon. Maiwan na kita at pagsabihan ko ang ibang kasambahay baka mamaya ay tapos ng kumain sina Señor Kaixus." "Sige po aling Marta, pupuntahan ko lang po si Thunder upang paliguan." "Sige sige, andoon si kuya Hugo mo. Ang iyong mang Kanor ay nasa hacienda pa." Umalis na ako. Sa daan sa likod ako dumaan. Naabutan ko nga si kuya Hugo na nagpapaligo ng mga kabayo. "Kuya, ako na po ang magpapaligo kay Thunder at sa mga iba." "Ikaw ang bahala Yacinda," saad ni kuya Hugo. Hinaplos ko si Thunder, "Maliligo ka muna boy, ha, para malinis ka ngayong araw." Sinimulan ko ng paliguan si Thunder. Hindi naman ito mahirap paliguan. Maging ang ibang mga kabayo sa kuwadra. Ang mga nasa parang lang a

    Last Updated : 2022-09-17
  • Dawn of Us   KABANATA 11

    FERIDA SY Nakatulog ako pero hindi mahimbing dahil sa dami ng gumugulo sa aking isipan. Iyong paghahanap kay Itay at pag-iwas sa amo ko... "Gumising ka na diyan Yacinda at tulungan mo ang mga kaibigan mo sa kusina. Marami akong gagawin ngayon. Titignan ko Iyong mga naglilinis sa mga silid, isapa, iyong labahan mo iha, natapos mo na ba?" "Mamaya pa po, Lola. dito na po ako sa quarters maglalaba pagkatapos ng agahan," paliwanag ko. Ilang araw na akong natambakan ng labahan dahil ginagabi ako ng uwi palagi. Bumangon na ako at inayos ang hinigaan namin ni Lola, saka pumunta sa kusina ng quarters. Gising na nga ang tatlong kong mga kaibigan kagaya ng sinabi ni Lola kanina ay abala ang mga ito sa pagbalat at pahiwa ng gulay. "Maganda umaga!" bati ko sa kanila. "Magandang umaga rin, Yacinda. Salamat naman at gising kana. Halika dito at ikaw ang bahala sa kanin. Hindi ko alam kung paano buksan itong gas range dito. Baka mamaya ay makalikha ako ng sunog. Wala akong pambayad sa magigi

    Last Updated : 2022-09-17
  • Dawn of Us   KABANATA 12

    HUG Hindi ako makatulog ng pagkatapos kong maligo. Dahil siguro sa mahaba ang aking idlip kanina. Ako lang mag-isa dito sa napakalawak na bahay...I wonder if where is the other Mansion Manong Fredo is talking earlier. Wala kasi akong nakita sa dinaanan namin ni Bentley. I'm wondering if Kaixus will stay in the hotel? Lumabas ako sa may balcony at tinanaw ang dagat. May ilaw ang hagdan patungo roon. I don't know why I headed to shore. I just feel like watching the night wave. Umupo ako sa buhangin at tumanaw sa dagat. Napaka payapa at tanging tunog ng bulwak ng tubig ang maririnig. Nakakapanibago sa akin ang kapayapaan na ganito. Nasanay ang aking tainga sa maingay na gabi sa Manila at sa ibang bansa kung saan ako namalagi nitong mga nakaraang taon. Kung siguro may anak ako ay ganitong lugar ang gusto kong tirahan o hindi kaya ay gaya ng hacienda... Natawa ako sa aking naisip. Anak? Kailan ba ako nagkaroon ng interes sa bagay na iyon? Siguro kung tatanungin ako pitong nakara

    Last Updated : 2022-09-18

Latest chapter

  • Dawn of Us   AUTHOR'S NOTE

    Author's Note: Dear readers, If you've reach this far, I would like to thank all of you for your support to Kaixus Sage and Yacinda's story. This is the first story that I was able to finished and it helds a special part in my heart. Hoping that you will support my future stories too. I will try to write stories for all of you to enjoy. Again, Thank you so much! 감사합니다! ありがとうございました! 谢谢你! Gracias por todo! Grazie Mille! Merci beaucoup! Maraming maraming salamat po! Xoxo, Vivi PS. Hope you enjoy reading the book. Always take care and wish to see you someday!

  • Dawn of Us   SPECIAL CHAPTER 2

    SPECIAL CHAPTER 2 KAIXUS SAGE'S POV Dumating ang point na ginawa kong profile picture ko sa aking sns account ang isang larawan ni Yacinda na nakatingin sa side habang nakasakay kay Thunder pero pinalitan ko agad. "Baliw kana, Kaixus! Kagaya mo na si Devon na pati tunog ng kanyang girlfriend ay ginawang ring tone," I scolded myself. The heck?! Am I that so in love? My account is private and I don't know why I followed her account and even message her. What are you thinking, Kaixus? Hindi siya matatakot sa ginawa mo nitong mga nakaraan? Pinaselos mo siya at pinalayo sa'yo. Pinagsabihan mo kahit kailan ay hindi niya magiging apelyido ang Montiel at gago ka, pinagdudahan mo pa na baka may gusto siya sa mga pamangkin mo dahil lang sa mas malapit siya sa mga ito? Gago ka!!! Dumating ang araw na pagpunta namin sa Alfante para sa pag-aayos sa lupa na pagtataniman ko ng ubas. Siya ang kasama ko sa biyahe dahil late siyang bumangon at dinahilan ko na may meeting ako kahit sa totoo lan

  • Dawn of Us   SPECIAL CHAPTER 1

    SPECIAL CHAPTER 1 KAIXUS SAGE'S POV I am currently in school when I saw Queziah's update sa family group chat at nasa sns story niya. Sa group chat namin ay picture niya while riding a horse and the sunset at ang isapa ay larawan ng isang batang babae na nakatingin sa papalubog na araw habang nakasakay sa isang thoroughbred. Maraming hearts sa kanyang caption. "Had a race with bunso..." Nagreact si ate Karina at nagsend pa ng mensahe, "Princess is growing so fast! You all take care there, son." Nagthank you naman si Queziah. "Salamat ate Karina. She is." Si Calibre din ay nagsend ng kanyang reply. "Wow! Kuya isama niyo kami next time!" Ang caption niya story niya sa kanyang sns account ay, "Kuya duties..." Kuya duties, my ass! Nephew, hintayin mo at ako ang mag-alaga sa kanya tignan natin kung matapatan mo pa, pasalamat ka at wala ako dyan! I saved the picture of Yacinda, wala akong pakialam sa larawan ng aking pamangkin. I am more handsome than him, for sure naman na hindi

  • Dawn of Us    WAKAS

    WAKAS 10TH WEDDING ANNIVERSARY VOW I took a therapy session for 6 months because of what happened. Sometimes the scene visits me in my dream even what happened to Sabrina. All I feel for Wyeth is awa. Her parents exploit an innocent child because of favoritism. She developed a mental health issue for she doesn't receive the same love that her parents gave to her older sister and she kidnapped me because she is so obsessed with Sage. Love can really make a person better or worst. When you don't guard your heart, what you fed it will reflect through your actions. It will be alive and breathing. You will be trap into it unless you wake up and fight. Nasabi sa akin ni Sage na noon pa man ay laging nagsusumbong si Wyeth sa kanya tungkol sa mga pinaggagawa ni Sabrina. Sinabi rin sa akin ng aking asawa na tahimik lang si Wyeth sa ibang lalaki at tanging si Sage lang gusto niyang kausapin. Pero nagulat daw si Sage ng sinabi ni Wyeth na may boyfriend siya matapos niya itong tanggihan w

  • Dawn of Us   KABANATA 30

    GET MARRIED AGAIN I worked during the last week at biglang tumawag ang OB-Gyne ko na kung pwede daw ba ako dumaan sa kanya. Sinabi ko kasi na bored ako at luluwas ako ng Manila. Hindi ko pa sinabihan si Sage. Saka nalang siguro kapag nasa Manila na ako. "I will be in Manila bago mag November 1, I will be there sa clinic on the 31st mga 3 PM," I texted my OB-Gyne. "Talaga? Uhmnn, sure, see you! Make sure to visit me," paalala niya. October 30 ay sinabihan ko si Itay na luluwas ako ng Manila. "Mamayang araw po Itay. Punta lang ako sa unit at saka sa studio sa BGC para papirmahin ko si Ruby at si Francisco ng contract," paliwanag ko. "Isama mo sina Lotus at Sakura para may kasama ka, iha at medyo busy pa kami dahil may iba pang hindi nahuli na kasamahan ni ex Gen. Cabral." Kaya pala, Wyeth's father was captured by the NBI with the cooperation of my husband, my father and cousins at mga kaibigan ni Sage. Kagabi sila nahuli and it became a big news. Wyeth also is being watched. Wala

  • Dawn of Us   KABANATA 29

    FEELING BLESSED Kinabukasan Sunday, last week of the month ay dumating nga si Bentley na may dalang package sa akin. Iyon ang pinabili ko kay Cristine. I texted Cristine and give thanks to her again. "Maraming salamat, Cristine. Bentley already gave the items." - Ako. "Walang anuman Yacinda. Gagamitin mo ba iyan?" - Cristine. "Ah, oo, before I will have a booster shot," palusot ko. "I get it, ingat ka see you soon again. Golf tayo ulit kapag day off ko," sabi ni Cristine. "Oo ba," saad ko. I also miss going playing golf na rin. Huli noong naglaro kami. Medyo tumagal pa ang aming usapan at tinapos niya dahil mag ra round na daw siya. I took a 3 pregnancy test ng umalis si Sage. All are positive. Tuptop ang bibig ko. I called my OB-Gyne na agad. Agad naman siyang sumagot. "Doctora, can I get pregnant even if naka booster ako for 6 months?" "Possible in some cases especially kapag uminom ka ng mga gamot after your vaccination. Are you pregnant? did you do a pregnancy test?

  • Dawn of Us   KABANATA 28

    LOVE YOU TO DEATH Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Sage. He cooked for our breakfast and we ate in silence. The table was filled spoon and fork's noise only. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga plato ng sinubukan kong magsimula ng usapan. "Don't call Doctora Saedelyn Montrone na," Pilit ko. "Don't be delusional. I won't be pregnant because I took the shot. It's valid for 6 months kaya kahit 24/7 tayong gumawa ay walang makalusot..." I enlightened him. Hinugasan niya ang huling pinggan at saka inayos sa rack. Umupo siya sa harap na chair para maging magkatapat kami. Nakataas ang kanyang kilay at may maliit na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin ng pailalim sa akin. "Alright if that's what you want. I'll work from home the whole week so that I can monitor you until you're feeling well before I'll gonna go back to the office. The divorce processing was halted but still my Lawyer will talk to you about the asset sharing. All my assets..." Makahulugang sabi niya. "It's y

  • Dawn of Us   KABANATA 27

    YOU LOVE ME Kahapon ang first Sunday ng September at ngayong Monday ay nagbakasakali ulit ako, 7:30 AM after breakfast ay nagpunta ako sa KS building baka nandoon si Sage. "Hi, thank you for your sparing your time to accomodate me," I greeted the head of the front desk and asked. "I just need to ask if somehow Mr. Kaixus Montiel is here?" Sinadya ko na ipatawag ang Manager kanina. Agad-agad niya naman akong nakilala at nakita niya ang record ko kasali sa VVIP clients nila. Nakafirst-rank pa ang pangalan ko amongst the other VVIPs kahit ako ay hindi makapaniwala. Dalawang beses lang naman ako gumamit ng helipad nila. Maybe because of my husband? Natuptop ko ang aking bibig. Don't tell me kagagawan ni Sage ito? Paano kung ma-issue kami dahil sa ginagawa niya?! Alam naman niyang ongoing pa ang proseso ng papel namin. Tsssk! Binalikan ako ng Manager na kanina ay nagpaalam para lang tignan ang aking records at may tinawagan siya. She is smiling at me kapag nagkakatitigan kaming dal

  • Dawn of Us   KABANATA 26

    STILL WAITING Naligo ako at saka tinawagan si Samantha. She answered my call agad. "Hello, Sammy. Do you know where to rent a chopper? I needed one. Emergency, please..." I told my friend. "Yes, yung chopper sa office. Magpapasundo kaba? Saan ka ihahatid?" "Dito sa Mansion. Sa Hacienda ng mga Montiel here in San Gabriel going to Playa Caleta... May mahalaga lang akong aasikasuhin," palusot ko. "Sure! Sure, within 3 hours or most 3 and a half. Can you wait?" tanong niya sa akin. "Oo, thank you so much Sammy. I owe you a lot," I told her. "No worries. Always Welcome, Babuuu. Wait for it ha!" While waiting for the chopper ay nilabas ko ang aking isang LV na duffle bag. I will bring me my important things. May damit naman ako sa Mansion sa Caleta kaya ay okay lang na hindi ako magdala ng mga gamit. I can always buy one too. Nagulat sina kuya Queziah ng may chopper na dumating sa may tarmac nila. "You will go back in Manila, already?" tanong ni kuya Queziah. "Opo, just

DMCA.com Protection Status