Home / Romance / Dawn of Us / KABANATA 3

Share

KABANATA 3

Author: Vivi Wu
last update Last Updated: 2021-08-11 17:43:30

SCARED 

Isinara ko ang libro. It's a travel book guide and places to visit in France pala.

I called Amaris dahil bigla ko siyang naalala.

"Cindy? Napatawag ka. Narito kami ni Mama sa Frankfurt ngayon. Hinahanap ka niya," pagbabalita niya sa akin.

"Kumusta na kayo diyan ni tita?" tanong ko.

"Mabuti naman. Mabait ang bagong asawa ni Mama at sinabi na pagbalik mo dito ay tutulungan ka daw na magtayo ng modeling agency dito."

"Siguro kapag tapos na ang gagawin ko dito Amaris."

"Tungkol parin ba iyan sa anak ng boss mo sa probinsya? O, tungkol sa Lola mo? Hindi ko pa siya nakikita pero pakisabi na maraming salamat sa tulong niya."

"Ha? Anong tulong Amaris?" agap ko.

Wala siyang nabanggit sa akin na tumulong sa kanya maliban sa may isang tao daw na nag-iwan ng sulat sa labas ng apartment nila kasama ang mga bayad na titulo ng mga utang ng kanyang Mama.

"Oo, kaya pala pamilyar iyong pangalan na sinabi mo, dahil siya pala ang nagbayad ng utang ni Mama."

"Si Sage?! Sigurado kaba sa sinasabi mo Amaris?" 

"Oo. Ang logo ng envelope ay KSDC. I did a research at nalaman ko na ang may-ari ay si Kaixus Sage Montiel. Hindi ba't sa kanila ka nakatira noon, sabi mo?"

Wala akong sinasabi na doon ako nakatira kahit kanino ay hindi ko nabanggit ang tungkol sa parte ng buhay ko na iyon.

"Amaris may hindi kaba sinasabi? Nagkita ba kayo ni Sage?!" medyo may halong pagdududa ang boses na saad ko.

"Hindi pero iyong sekretarya niya ang nakausap ko na ng binalik ko iyong pera sa kanila. Nakakahiya naman kasi na boss ang nagbayad sa utang ni Mama. Mas panatag ang loob ko kung sa'yo ako may atraso."

Bumuntong hininga ako.

"Ah hindi ko naman sinabi totally na doon ka pero lagi kang nananaginip at lagi mong binabanggit ang pangalan at apelyido niya pati ang San Gabriel kaya I assume na siya ang sinasabi mong anak ni Donya Diana na medyo hindi mo close..."

Pinutol ko ang iba pa niyang sasabihin, "Amaris. Huwag na huwag kanang makikipag-usap sa kanyang secretary..." utos ko.

"Oo na, alam ko naman eh, ayaw mo sa kanya. Oo na basta sabi mo ha, next year ay babalik ka dito. Asahan ko iyan. Saka mas marami kang opportunities dito. Umalis ka na nga lang diyan dahil pinagbintangan ka tapos babalik kapa. Baka mamaya ay may hindi magandang gawin sa'yo ang mga pamilya ng babae na iyon..."

Tinapos ko na ang tawag at dahil biglang sumakit ang ulo ko ay pumikit ako, medyo inaantok kaya humikab ako at saka sinubukang matulog.

"Bakit mahilig kang mangialam sa akin, Sage?" bulong ko bago tuluyang pumikit. 

Minabuti kong nagtanong kay nanay Vilma kung may pupunta bang bayan na sasakyan mamaya upang makisabay ako. Sabi naman ni nanay Vilma ay magpapabayan si kuya Dante para ihatid si Aling Dindin na mamimili ng mga gagamitin sa kusina dahil ulang na ang mga supply.

Nag-ayos ako ng mga damit. Doon muna ako kina Paula ng dalawang araw. May sinasabi kasi ito na gagawin raw namin at para naman maka pasyal kami sa pailaw sa munisipyo tuwing gabi. May night market kasi sa bayan sa may pergola sa munisipyo kaya't magandang pasyalan iyon. Nagpa-alam na ako noong isang araw kay Lola pumayag naman ito. Pang ilang araw na damit ang nilagay ko sa isang gym bag ko. Nagsulat na ako kay ate Avikah na kina Paula muna ako matutulog. Hindi rin binuksan pa ang mga pasalubong nila sa akin. Pagbalik ko nalang tutal buong bakasyon naman mananatili ang mga ito dito sa hacienda. Habang naghihintay ng oras ng paluwas ay tumulong muna ako sa gawain sa may kuwadra. Pinakain ko rin si Thunder at nagpaalam sa kanya. 

"Sinabihan ako ni Señorito na hihiramin daw muna nila iyang si Thunder para turuan iyong mga babaeng kasama nila. Okay lang ba iyan sa iyo iha?" ani Mang Dodong. 

Si Mang Dodong ang vaquero ng hacienda. Hindi naman akin si Thunder kaya't wala akong karapatang ipagdamot ito.

"Okay lang ho da akin Mang Dodong. Sa kanila naman po si Thunder. Tsaka mas mabuti pong siya ang sakanya sila matuto kaysa kay Kidlat. Alam niyo naman po ang nangyari sa akin sa kabayong iyon." 

Noon kasing sinubukan kong hawakan noon si Kidlat ay hinulog ako. Ayaw niya ng babae ang sumasakay sa kanya. Hindi ko alam sa babaeng kabayong iyon. Halos dalawang araw akong hindi makalakad noon at pinagalitan pa ng Donya si kuya Tupe. Siya ang anak ni Mang Dodong na nagturo sa akin kung paano magpatakbo ng kabayo. 

"Hayaan mo si Tupe nalang ang magtuturo sa kanila. Ilang araw kabang mawawala dito sa Mansion iha?" turan ni Mang Dodong.

"Dipende po. Pero balik naman ho ako baka bukas makalawa." 

"Maganda rin naman sa bayan at may mga pailaw tuwing gabi. Mag-iingat lang kayo dahil maraming mga dayo lalo na at bakasyon ngayon. Pati rito ay may mga bisita rin sa ubasan at mga nag o ojt ba iyon iyong mga requirements sa paaralan ganun," aniya. 

"Opo OJT po. Sigurado pong magiging abala kayo niyan. Mabuti at nandito sina ate Avikah siguradong tutulong sila sa mga bisita." 

"Oo nga hija eh." 

Sasagot pa sana ako ng tinawag na ako ni Aling Dindin. Maghanda na daw ako at aalis na kami. Nagpa-alam na ako kay Mang Dodong at bumalik ng maid's quarter. Kinuha ko na ang aking bag at ilang pares ng tsinelas kumuha rin ako ng pera galing sa ipon ko upang may pang meryenda kami nina Paula. Naabutan kong pinapa double check ni Lola ang mga bibilhin nina kuya Dante. Yung isang van ang gagamitin namin pa punta ng bayan. Nauna na akong pumasok sa loob na van. 

"Ikaw Yacinda ha, huwag maglililikot sa bayan lalo kung gabi kayo lalabas. Pinagsabihan ko na si Lilac na tignan tignan ka niya," sabi ni Lola.

"Huwag kang mag alala nanay Ana pagsasabihan ko si Panyang mamaya." 

"Sige hala, alis na kayo at baka magabihan pa kayo." 

Nagpaalam akong muli kay Lola bago tumabi kay Aling Dindin. Umaandar na van ng maalala kong hindi pala ako nagdala na payong. Sinaway ako ni Aling Dindin. Marami daw payong kina Paula kaya huwag na akong mabahala. 

"Sasama po muna akong mamili sa inyo para mas mabilis. Tsaka niyo nalang po ako ihatid kina Paula kapag pauwi na tayo. Madadaan naman po natin ang bahay nila." 

"Ikaw ang bahala iha. Mga mahahalagang condiments lang naman ang bibilhin namin ngayon at mga delata." 

Mabilis ang byahe namin mga wala pang isang oras ay nakarating na kami sa bayan. Kalahating oras ay tapos na kaming mamili ni Aling Dindin. Tanaw ko si Paula sa gate ng bahay nila mula sa van habang parating kami sa gate nila. Kumakaway ito kasama ang kanyang nanay. Kasamang bumaba sa van si Aling Dindin at may sinabi kay nanay Panyang. Nagpasalamat naman ako kay kuya Dante at sinalubong ang nakangiting si Paula. Agad kaming pumasok sa loob ng bahay ng mga ito. Ang tatay ni Paula ay dating trabahador sa hacienda ngunit nakipagsapalaran ito sa Japan mga sampung taon na raw ang nakakaraan, sa kasawiang palad na aksidente ito at paglaon ay namatay noong second year kami nina Paula dahilan kung bakit naulila ito. Kahit papaano ay may naipundar naman ang kanyang mga magulang at nakabili sila ng bahay dito sa bayan. 

"Nanay Panyang darating po ba si ate Lilac dito mamaya?" tanong ko sa nanay ni Paula habang nasa sala kami.

"Naku iha mukhang may lakad sila kasama iyong ibang trabahador ni Mayor."

"Ganun po. Eh sino pong darating mamaya?" 

"Si Maimah at Betty. Tinawagan ko sila kanina," Paula informed.

"Yes! Maaasahan ka talaga, Paula!" hindi ko maiwasang mapangiti. 

Inabala namin ni Paula ang aming sarili sa panonood ng korean drama sa kanyang cellphone. Mas nauna siya ng isang taon sa akin ngunit hindi naman halata dahil mas mukha pa akong mature kesa sa kanya. 

Dalawang oras ay dumating na nga sina Maimah at Betty. Kitang kita sa mga kasama ko ang saya dahil magkakasama kami. 

"Punta tayo sa may Capitol mamaya? O di kaya ay punta tayo sa kina Collin. Nag-aaya siya dahil pupunta sila ng La Verde," saad ni Paula. 

"Huwag na mag bbq nalang tayo tapos magluto tayo ng macaroni. Ito o, nagdala ako," itinaas ni Maimah ang mga dala niyang naka plastic bag. 

"Sabihan ko nalang si na Collin na pupunta dito.  Magdala nalang sila ng iba pa nating lulutuin," ani Betty.  

"Sige sige. I cha-chat ko na siya. Baka daw sumama sina Pedro at Santi. Alam mo naman yung mga iyon," si Maimah.

"Mayron na naman yang mga yan? Mga masamang espiritu na naka kabit kay Collin. Si Sidney? Wala ba siya?" palihim na ngumiti si Paula habang tinatanong kung kasama daw ba si Sidney.

Ito ang anak ng kanilang kapitan sa Barangay nina Paula. 

"Paula, nasa bahay si kuya. Pero pwedeng pwede ko siyang papuntahin dito. Mas marami mas masaya. Kaso alam ko ay pupunta ng mansion dahil tumawag kanina si kuya Kaixus. May mga Manileña daw siya na gustong ipapakilala kay kuya." 

Hindi namalayan ang pagdating ni Collin. Sa lintaya niya ay mukhang narinig niya lahat ng mga sinabi ni Paula. 

Namula ang mukha ni Paula pagkatapos, "Collin, walang sumbungan ha, asahan ko yan." 

Tumango na lamang ang isa, "Saan ko ito ilalagay?"

Itinaas niya ang mga bitbit. 

"Yow! Bro amin na," Santi volunteered.

"James. Buhatin mo yung bbq grill sa likod ng bahay," utos ni Maimah.

"Samahan mo ako Maimah," saad ni Santi. 

Biglang sumimangot si Maimah sa turan ng isa. 

"Bahala ka na Santiago. Kayang kaya mo iyon, walang multo dito sa bahay nila Paula. Ikaw lang!" pagalit na turan ni Maimah. 

Mukhang may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa at aso't pusa sila ngayon.

"Ikaw Yacinda, mabuti pinayagan ka ni Montiel na lumabas sa bulwagan niya," tumatawang asar pa ni Santi. 

Ako pa ang napili niyang pagdiskitahan.

"Nag paalam ako kay Lola. Kanina pa. Alam din nila doon, okay lang naman," ani ko. 

Bakit naman kaya hindi ako papayagan kung sakali? Lalo na at nagpaalam naman ako ng maayos at pumayag naman sila. Nahihiya din lang ako na maiwan doon at dahil may mga bisita ang mga batang Montiel. Panigurado doon uuwi ang mga ito sa Mansion. Gaya ng sinabi ni Collin kanina ay mukhang pupunta pa sa Mansion ang kapatid nito dahil. Hindi ko alam na magkaibigan pala ito at ang bunso ng Don at Donya. 

"Tulungan mo ako dito, Betty. I set up na natin itong bbq grill diyan nalang sa malapit sa may table at upuan para hindi na tayo mahirapan kapag mag lalapag ng mga lutong pagkain." 

"Sige, sige. Sandali lang," mabining sagot ni Betty. 

Linipat namin ang mga lulutuin sa may mesa. Bumili din pala ang nanay ni Paula ng mga pwede naming ihain. 

Sa kalagitnaan ng aming pag luluto ay pamilyar na van ang huminto sa harapan ng bahay nila Paula. Lahat kami napatingin sapagkat na sundan iyon ng isang puting ranger at isang pulang Hilux. Unang bumaba si kuya Queziah at kumaway sa amin. Agad agad na binuksan ni James ang gate upang makapasok ang mga ito. 

"Nandito daw kayo sabi nila sa Mansion kaya pumarito na kami," sabi niya sa akin ng makalapit. 

Kumaway na rin si ate Avikah habang patakbo pa punta sa amin. Nang makalapit ay bumati siya, "Hi guys, kami na ang sumugod dahil may bbq party daw dito si Paula." 

"Ay, Ma'am, pasensiya na po at hindi namin kayo naabisuhan agad. Dito ko nalang po pinapunta sina Collin, akala ho kasi namin eh may salo-salo din kayo sa Mansion," ani Betty.

"Okay lang, boring doon kaya dito na kami, ipapasyal din sana ni tito ang mga bisita niya, si Sidney nagsabi na may salo-salo kayo dito kaya pumunta na kami," si kuya Queziah. 

Umupo ang tatlo at pati na rin ang bunso ng mga Montiel at mga bisita nito. 

Sa buong hapon na iyon ay taga ihaw namin si kuya Quez, at ate Avikah. Kinulang kami ng uling kaya ako na ang tumayo upang kumuha sa likod bahay nina Paula. Nakita kong nandoon sa malapit sina Sir Kaixus Sage at ang bisita niyang babae. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ngunit ng makita ako ay unang bumalik sa salo-salo ang babae. Yumuko ako dahil ayokong salubungin ang mga mata ni Sir Kaixus. Nakakatokot iyon, it feels like he is flying daggers by the way his eyes scrutinizes people. 

Mas lalong nahigit ko ang sarili kong hininga ng may biglang bumulong sa aking kanang tainga, "You look so scared of me, don't worry I won't bite, enjoy your days because it won't last long, Sunshine.The sun always sets," makahulugang sambit niya.

Umalis na siya pagkatapos bumulong sa aking tainga halos maramdaman ko ang mga labi niya dahil sa sobrang lapit. Pigil hininga ako at sobrang luwag ng pakiramdam ko ng makita ko itong naglakad patungo sa mga iba.

"People are always excited for a new dawn to come, Sage..." I whispered in the air. 

Hindi ako takot sa kanya ngunit alam ko na ayaw niya na nakikita ako sa kung nasaan siya. Sa mga salita niya ay alam kong may kalakip na pagbabanta. Kung ako lang ang tatanungin ay mas gusto kong manatili kina tiya Lucy ang isa bestfriend ni inay noong nabubuhay ngunit walang kasama si lola, yun ang ipinangangamba ko. Mahina na ito at kailangang magpahinga. Hindi na rin niya kaya ang maglakad ng malayo o di kaya ay mag trabaho ng mabibigat. May araw naman sigurong makukumbinsi ko si lola na doon nalang kami kay tiya. Lalo na at ganun ang mga salita ni Señorito Kaixus, nakakabahala and the metaphorical meaning of the last words aren't that pretty, dapat hindi ko baliwalain, ngayon ay nasa bakasyon ang magulang niya. Aalis ang kanyang mga pamangkin. Laging wala sina kuya Driego at Queziah, sino nalang ang lalapitan ko? Paniguradong hindi rin ako basta basta makakalapit sa kahit sino at mukhang binabantayan ni sir Kaixus ang aking bawat galaw. 

Natapos na kaming kumain ng pagabi na, kaya't umuna ng umalis sina kuya Queziah at sumunod na rin ang isa pang sasakyan pero bago iyon tuluyang umalis ay nagkasalubong kami ng tingin ni Kaixus ngunit umiwas ako, nakita kong medyo kumunot ang kilay niya pero baka dahil iyon sa nangyari kanina. 

Nang maiwan kami ay sabay sabay kaming naglinis ng lahat ng nagamit at kung anu-ano pa. Sa pagtulog ay naglatag nalang kami ng foam sa sala. 

"Ang pogi pogi talaga ni kuya Kaixus, mukhang nag aaway sila ng babae kanina, narinig kong gusto ng umuwi ng babae sa Maynila," saad ni Betty. 

"Edi umuwi siya meron naman yung bus sa may La Cita kung talagang gusto na niyang umuwi," walang ganang lintaya ni Maimah.

"Ikaw Yacinda, anong narinig mo kanina?" 

Tumingin ako kay Paula, "Wala naman akong narinig, bakit?" 

"Mukhang babae ang pinag aawayan nilang dalawa, masyadong mabilis kasi ang pagkaka ingles ng babae kaya ay hindi ko masyadong naintindihan. American accent pa, hindi, Briton ata," kamot ulo ng aking kaibigan.

"Ganoon ba, wala naman akong narinig na pinag usapan nila," sagot ko. 

"Ay, grabe kasi mukhang naiiyak iyong babae kanina, ang narinig ko eh, have other girl daw si Sir Kaixus. Pero ang sweet ni sir ha, kalma siya kanina at may sinabi... Isang parte na sabi niya ay, 'the only one I wanna bring down the aisle'... Ang romantiko naman!" aniya. 

Naiintindihan ko ang ibig ipahiwatig ni Maimah. Tumahimik na lamang ako. 

"Tulog na nga tayo, alam naman nating lahat na malabo tumingin yan sa mga kagaya natin lalo na at laking ibang bansa at Maynila ang mga ito. Mukha pang kakain ng tao si sir Kaixus sa totoo lang eh," pahabol ni Paula. 

Kinaumagahan ay sabay sabay kaming kumain at nag punta sa La Cita. Sinundo kami ni Collin at nina Santi. Doon muna kami namasyal sa mga malls bago kami umuwi kina Paula. 

"Yacinda, bukas ay pupunta daw tayong dalawa sa Mansion. Ipaghahanda daw ng Don at Donya ang bisita ni Sir Kaixus bago lumuwas ang mga ito bukas makalawa pabalik ng Manila. Si kuya Dante daw ang maghahatid sa mga iyon sabi ni Mama. Maiiwan daw dito si Señorito, mukhang ito ang bagong mamamahala sa buong hacienda. Ngunit mukhang hindi ito marunong sa gawaing bukid, sabagay, nakita ko siya sa kuwadra ng mga kabayo. Mukhang kinakausap niya ng mga ito." 

Sa halip na sagutin ay nagtanong na lamang ako, "Anong oras daw tayo ipapasundo bukas, Paula?" 

Sana ay maaga dahil gusto kong pumunta ng ilog o di kaya ay mangabayo ako papunta roon. 

"Maaga daw mga alas singko ng umaga ay may susundo na sa atin, isasama ko rin daw si bunso." 

Mukhang alam ni Paula ang laman ng isip ko.  

"Yes, kung maaga tayo ay gusto kong pumunta ng ilog. Alam kong doon mo gustong pumunta ng maaga bukas. Hahaha. Sasama talaga ako sa iyo. Isakay mo na lamang ako bukas." 

"Sana nga ay alas singko dahil masyadong mainit sa daan kung mga alas nuebe tayo aalis ng Mansion." 

"Mabuti nalang talaga marunong ka, o di kaya ay ipapaalam ko kina kuya Hugo para turuan mo ako. Gusto ko talagang bago matapos ang buwan na ito ay alam ko ng mangabayo para masabayan kita sa iyong lakad at upang makapamasyal ako mag-isa." 

"Pwede naman, tuturuan kita bukas pero kay Ulan ka sumakay para hindi ka mabigla." 

"Ay kay Ulan talaga ako sasakay hindi sa kabayo mo Yancinda? baka mamaya sa ospital ang bagsak ko ng wala sa oras bukas. Umagang umaga pa naman, nakakahiya kay Doktora." 

Tumawa kaming dalawa ni Paula dahil sa sinabi niya. Nang araw na iyon ay kung anu-ano ang niluto naming dalawa ni Paula para lamang may magawa kami sa kanila. Pumunta rin kami  barangay hall nila para manood sa mga naglalaro ng basketball. Iyon lang ang alam naming pwede naming gawin. 

Nagising ako mula sa pag-idlip sa couch sa opisina ni Sage. "Paula..." bulong ko habang humihikab. 

I wonder if how are my friends doing nowadays. Sobrang habang na ng panahon na hindi ako nagparamdam sa kanila. Kilala kaya pa nila ako? 

Siyempre naman Yacinda, pero baka may mga asawa na sila at mga anak. Hindi tulad mo na asawa lang sa papel ang meron tapos pinaglalaruan pa ang iyong damdamin!

Saan na kaya pumunta si Sage? Mukhang hindi siya nasaktan sa pagsuntok sa pader kanina. 

Binuksan ko ang mga drawers ng presidential table at may nakita akong isang papel na parang luma na. 

Origami iyon na ibon kaya hindi ko na binuklat pa. 

I just got curious because the color is like my diary book before. 

"It's impossible..." I whispered.

Sage never wants to be near me before let alone na pakialaman ang gamit ko. Baka naman coincidence lang iyon. 

Ang nakakapagtaka lang ay luma ang papel pero bakit nandito sa kanyang drawer? 

"Sentimental value?..." bulong ko. 

Related chapters

  • Dawn of Us   KABANATA 4

    STAY AWAY Kinabukasan nga ay maaga kaming sinundo ni kuya Dante. Maaga rin kaming pumunta sa may ilog ni Paula. Tinuturuan ko siya kung paano mangabayo sa daan. Sa may parteng dulo ng ilog ay may hot spring kung saan kami nagbabad ng ilang minuto. "Yancinda, saan ka mag-aaral para sa kolehiyo? Baka sabihin nina Donya na doon ka sa Maynila. Ang swerte mo naman, naku maraming mga pogi doon. Baka makapag-asawa ka pa ng isa sa mga anak ng amiga nina Sir Xandros at Madam Karina doon." Napaisip ako sa tinuran ni Paula, Kung bibigyan ako ng ganoong magandang uportunidad ay baka tanggihan ko na lamang lalo na at ilag sa akin ang bunsong anak ng Don at Donya. Paano kung biglang palayasin niya kami ni lola? Walang akong magagawa kundi titigil dahil sa totoo lang ay ang Don at Donya lang naman ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral at nakakapagbihis ng magagandang mga damit. Nararanasang nakikipagsalamahun sa mga may kaya at maiimpluwensyang angkan. Tumingin ako kay Paula, "Mas gusto k

    Last Updated : 2021-10-08
  • Dawn of Us   KABANATA 5

    SAVE "Sure po kayo Sir? Kailan pa po kayo kumakain na ng watermelon? Mabuti at hindi ko pa nabalatan ang pinya." "Yes. Iyon lang. Since I came here," sagot ng huli. Bumaling siya sa akin at pinagtaasan ulit ako ng kilay bago umalis ng kusina. Ang sungit sungit mo! Nakakahiya! Ano kaya ang nasa isip niya? Baka sabihing inaabuso ko sila. Pagkain naman ito hindi kung anu-ano. At siya ang bastos. Watermelon, my ass! "Nakalimutan kong hindi nga pala gusto ni Sir Kaixus ang ganitong pagkain," lintaya ni ate Mae. Bilang pasasalamat kay ate Mae ay sinabi kong ako na ang gagawa sa fruit salad na pinapagawa ni Sir Kaixus. "Ate ako na po ang gagawa ng fruit salad," boluntaryo ko. "Sigurado ka, Yacinda? Okay lang ba? Pasensiya na ha," aniya. "Okay lang po ate, wala naman po akong gagawin at nabusog po ako sa kutsinta. Maraming salamat pong muli," muling pasasalamat ko. "Sige sige tignan mo na ang mga ingredients ng fruit salad. Iyong nestle cream ay nasa may unang overhead cabinet

    Last Updated : 2021-11-07
  • Dawn of Us   KABANATA 6

    GIRLFRIEND Kinabukasan ay maaga akong nagising, unang bukas sa pinto sa balcony ay bumungad nga sa akin ang isang parte ng golf course. Mukhang may mga tao na naglilinis sa ganoong ka agang oras. Dahil na engganyo ay agad akong nag ayos ng aking sarili at dali-daling bumaba ng hagdan. May nakita akong grandfather clock at kamay ay nakaturo sa panglimang bilang at pang sampu't dalawa. It's 5 in the morning. Wala pang mga taong gising. Iilan lang ang nakita kong mga kasambahay na busy. "Magandang umaga Ma'am, nais ninyo na po bang kumain o magkape? Meron din pong tea. Pwede na pong kumain sa bandang golf course, mayron pong gazebo at nook doon. Pwede po naming dalhin doon ang inyong agahan o sa may main dining hall po," ani ng isang dalagitang kasambahay. "Mamaya nalang ako kakain kasabay ng mga kasama ko. Mayroon bang pwedeng jogging area dito? Sa may golf course okay lang ba? Tanaw ko kasi mula sa balcony ng aking silid, at walang masyadong tao, mukhang hindi nagagamit. Okay lang

    Last Updated : 2021-12-21
  • Dawn of Us   KABANATA 7

    VLOGGING Hanggang sa makabalik kami ng San Gabriel ay baon parin sa aking isipan ang huli naming pag-uusap ni sir Kaixus. Hindi ko na siya nakausap pa sa mga sumunod na biyahe namin. Imbis rin na dumaan pa kami ng Playa Del Fuego ay diretso nalang kami ng uwi pagkatapos naming manatili ng dalawang araw sa La Flora dahil nag-flight na raw ang Don at Donya at nagsi-uwi na rin sa Manila at Cebu ang mga kapatid ng bunsong Montiel dahil meeting sa kumpanya nila. Sa sobrang busy din ng lahat ay kami-kami nalang nina Paula ang magkakasama. Sumama rin sa San Gabriel si kuya Spiker dahil siya nalang naging driver namin dahil naiwan na si kuya Kalyl kasama ang pinsan niya. Una naming hinatid sa bayan sina Paula at mga iba ko pang kaibigan. Mas nauna kaming umuwi, susunod daw sina ate pagkatapos ng mahalagang meeting nila sa Playa Del Fuego. "Yacinda, mag-iingat ka. Balitaan mo nalang ako mamaya. Dalaw ako bukas sa Mansion." "Sige Paula, kayo din dahil mukhang wala pa si nanay Panyang."

    Last Updated : 2022-09-14
  • Dawn of Us   KABANATA 8

    NERVOUS Kinabukasan ay maaga kami ni Betty na nagising. Agad niyang tinignan ang video na ini-upload niya sa kanyang YouTube. Mayroon agad siyang trenta na followers. Gumawa din ako ng account ko at finallow ko siya upang mas dumami pa ang kanyang followers. I also navigate my phone to familiarized the applications. I decided na mag-install ng ilang useful applications that I might be able to use in the future. "Waaahhhh!!!! Salamat sa pag follow sa akin YT channel, Yacinda. Tignan mo may mga nag comment dito galing sa ibang bansa. Ipagpatuloy ko daw ang pag-upload ng mga video. Sinabi ko rin na ngayong araw ay ipapasyal ko sila sa bayan, para makita nila iyong mga pailaw ni Mayor sa may kapitolyo natin. Aayain ko si Paula..." "Magandang idea iyan, Betty. Kapag makaluwag-luwag ay maaari natin silang ipasyal doon sa La Cita. Sabihan ko rin sina ate Avikah na mayroon kang ganyang pinagkakaabalahan, baka sakaling mas marami silang idea tungkol sa bagay na iyan," paniniguro ko. "Sa

    Last Updated : 2022-09-15
  • Dawn of Us   KABANATA 9

    MINOR Pagkatapos na masiguro ni ate Lilac na okay lang ako ay bumalik ito sa kanyang upuan. Si kuya Calibre ang nag-iihaw. Tumayo si sir Kaixus at pumunta sa kanyang pamangkin, tinapik nito sa likod si kuya Calibre at ibinigay ng huli ang pamaypay sa kanyang tiyuhin. Tumabi sa akin si kuya Calibre at bumulong. "Ano kayang nakain ni tito? Bakit parang ang sipag niya ngayon? Hmmmmn..." Tumingin si kuya Calibre sa akin kaya napatingin ako sa kanya at saka nagkibit balikat. Hindi ko rin po alam kuya Calibre. Hindi po kami close ng tito ninyo. Bulong ko sa aking isipan... "Hindi ko po alam kuya..." Parang hindi ito kontento sa aking sagot kaya tinignan ako sa mukha. Umiwas ako kaya tumikhim si kuya at hindi na ako kinulit pa. Aba'y dapat lang dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit ang kanyang tiyuhin ang nag-iihaw ngayon. Tumayo si ate Avikah at lumapit sa kanyang tito. Tinulungan niya ito sa pag paypay. Inilagay rin niya sa plater ang mga naluto na mga inihaw. May mga pusit,

    Last Updated : 2022-09-16
  • Dawn of Us   KABANATA 10

    EXPENSIVE AND EXCLUSIVE "Bakit ka nakabusangot iha, gutom ka pa ba? Darating mamaya ang mga kaibigan mo. May gagawin ba kayong importante?" sunod-sunod na tanong ni aling Marta sa akin. "Ah, si Betty po ang may gagawin, tutulungan lang namin siya," sagot ko. "Maya-maya ay nariyan na ang mga iyon. Maiwan na kita at pagsabihan ko ang ibang kasambahay baka mamaya ay tapos ng kumain sina Señor Kaixus." "Sige po aling Marta, pupuntahan ko lang po si Thunder upang paliguan." "Sige sige, andoon si kuya Hugo mo. Ang iyong mang Kanor ay nasa hacienda pa." Umalis na ako. Sa daan sa likod ako dumaan. Naabutan ko nga si kuya Hugo na nagpapaligo ng mga kabayo. "Kuya, ako na po ang magpapaligo kay Thunder at sa mga iba." "Ikaw ang bahala Yacinda," saad ni kuya Hugo. Hinaplos ko si Thunder, "Maliligo ka muna boy, ha, para malinis ka ngayong araw." Sinimulan ko ng paliguan si Thunder. Hindi naman ito mahirap paliguan. Maging ang ibang mga kabayo sa kuwadra. Ang mga nasa parang lang a

    Last Updated : 2022-09-17
  • Dawn of Us   KABANATA 11

    FERIDA SY Nakatulog ako pero hindi mahimbing dahil sa dami ng gumugulo sa aking isipan. Iyong paghahanap kay Itay at pag-iwas sa amo ko... "Gumising ka na diyan Yacinda at tulungan mo ang mga kaibigan mo sa kusina. Marami akong gagawin ngayon. Titignan ko Iyong mga naglilinis sa mga silid, isapa, iyong labahan mo iha, natapos mo na ba?" "Mamaya pa po, Lola. dito na po ako sa quarters maglalaba pagkatapos ng agahan," paliwanag ko. Ilang araw na akong natambakan ng labahan dahil ginagabi ako ng uwi palagi. Bumangon na ako at inayos ang hinigaan namin ni Lola, saka pumunta sa kusina ng quarters. Gising na nga ang tatlong kong mga kaibigan kagaya ng sinabi ni Lola kanina ay abala ang mga ito sa pagbalat at pahiwa ng gulay. "Maganda umaga!" bati ko sa kanila. "Magandang umaga rin, Yacinda. Salamat naman at gising kana. Halika dito at ikaw ang bahala sa kanin. Hindi ko alam kung paano buksan itong gas range dito. Baka mamaya ay makalikha ako ng sunog. Wala akong pambayad sa magigi

    Last Updated : 2022-09-17

Latest chapter

  • Dawn of Us   AUTHOR'S NOTE

    Author's Note: Dear readers, If you've reach this far, I would like to thank all of you for your support to Kaixus Sage and Yacinda's story. This is the first story that I was able to finished and it helds a special part in my heart. Hoping that you will support my future stories too. I will try to write stories for all of you to enjoy. Again, Thank you so much! 감사합니다! ありがとうございました! 谢谢你! Gracias por todo! Grazie Mille! Merci beaucoup! Maraming maraming salamat po! Xoxo, Vivi PS. Hope you enjoy reading the book. Always take care and wish to see you someday!

  • Dawn of Us   SPECIAL CHAPTER 2

    SPECIAL CHAPTER 2 KAIXUS SAGE'S POV Dumating ang point na ginawa kong profile picture ko sa aking sns account ang isang larawan ni Yacinda na nakatingin sa side habang nakasakay kay Thunder pero pinalitan ko agad. "Baliw kana, Kaixus! Kagaya mo na si Devon na pati tunog ng kanyang girlfriend ay ginawang ring tone," I scolded myself. The heck?! Am I that so in love? My account is private and I don't know why I followed her account and even message her. What are you thinking, Kaixus? Hindi siya matatakot sa ginawa mo nitong mga nakaraan? Pinaselos mo siya at pinalayo sa'yo. Pinagsabihan mo kahit kailan ay hindi niya magiging apelyido ang Montiel at gago ka, pinagdudahan mo pa na baka may gusto siya sa mga pamangkin mo dahil lang sa mas malapit siya sa mga ito? Gago ka!!! Dumating ang araw na pagpunta namin sa Alfante para sa pag-aayos sa lupa na pagtataniman ko ng ubas. Siya ang kasama ko sa biyahe dahil late siyang bumangon at dinahilan ko na may meeting ako kahit sa totoo lan

  • Dawn of Us   SPECIAL CHAPTER 1

    SPECIAL CHAPTER 1 KAIXUS SAGE'S POV I am currently in school when I saw Queziah's update sa family group chat at nasa sns story niya. Sa group chat namin ay picture niya while riding a horse and the sunset at ang isapa ay larawan ng isang batang babae na nakatingin sa papalubog na araw habang nakasakay sa isang thoroughbred. Maraming hearts sa kanyang caption. "Had a race with bunso..." Nagreact si ate Karina at nagsend pa ng mensahe, "Princess is growing so fast! You all take care there, son." Nagthank you naman si Queziah. "Salamat ate Karina. She is." Si Calibre din ay nagsend ng kanyang reply. "Wow! Kuya isama niyo kami next time!" Ang caption niya story niya sa kanyang sns account ay, "Kuya duties..." Kuya duties, my ass! Nephew, hintayin mo at ako ang mag-alaga sa kanya tignan natin kung matapatan mo pa, pasalamat ka at wala ako dyan! I saved the picture of Yacinda, wala akong pakialam sa larawan ng aking pamangkin. I am more handsome than him, for sure naman na hindi

  • Dawn of Us    WAKAS

    WAKAS 10TH WEDDING ANNIVERSARY VOW I took a therapy session for 6 months because of what happened. Sometimes the scene visits me in my dream even what happened to Sabrina. All I feel for Wyeth is awa. Her parents exploit an innocent child because of favoritism. She developed a mental health issue for she doesn't receive the same love that her parents gave to her older sister and she kidnapped me because she is so obsessed with Sage. Love can really make a person better or worst. When you don't guard your heart, what you fed it will reflect through your actions. It will be alive and breathing. You will be trap into it unless you wake up and fight. Nasabi sa akin ni Sage na noon pa man ay laging nagsusumbong si Wyeth sa kanya tungkol sa mga pinaggagawa ni Sabrina. Sinabi rin sa akin ng aking asawa na tahimik lang si Wyeth sa ibang lalaki at tanging si Sage lang gusto niyang kausapin. Pero nagulat daw si Sage ng sinabi ni Wyeth na may boyfriend siya matapos niya itong tanggihan w

  • Dawn of Us   KABANATA 30

    GET MARRIED AGAIN I worked during the last week at biglang tumawag ang OB-Gyne ko na kung pwede daw ba ako dumaan sa kanya. Sinabi ko kasi na bored ako at luluwas ako ng Manila. Hindi ko pa sinabihan si Sage. Saka nalang siguro kapag nasa Manila na ako. "I will be in Manila bago mag November 1, I will be there sa clinic on the 31st mga 3 PM," I texted my OB-Gyne. "Talaga? Uhmnn, sure, see you! Make sure to visit me," paalala niya. October 30 ay sinabihan ko si Itay na luluwas ako ng Manila. "Mamayang araw po Itay. Punta lang ako sa unit at saka sa studio sa BGC para papirmahin ko si Ruby at si Francisco ng contract," paliwanag ko. "Isama mo sina Lotus at Sakura para may kasama ka, iha at medyo busy pa kami dahil may iba pang hindi nahuli na kasamahan ni ex Gen. Cabral." Kaya pala, Wyeth's father was captured by the NBI with the cooperation of my husband, my father and cousins at mga kaibigan ni Sage. Kagabi sila nahuli and it became a big news. Wyeth also is being watched. Wala

  • Dawn of Us   KABANATA 29

    FEELING BLESSED Kinabukasan Sunday, last week of the month ay dumating nga si Bentley na may dalang package sa akin. Iyon ang pinabili ko kay Cristine. I texted Cristine and give thanks to her again. "Maraming salamat, Cristine. Bentley already gave the items." - Ako. "Walang anuman Yacinda. Gagamitin mo ba iyan?" - Cristine. "Ah, oo, before I will have a booster shot," palusot ko. "I get it, ingat ka see you soon again. Golf tayo ulit kapag day off ko," sabi ni Cristine. "Oo ba," saad ko. I also miss going playing golf na rin. Huli noong naglaro kami. Medyo tumagal pa ang aming usapan at tinapos niya dahil mag ra round na daw siya. I took a 3 pregnancy test ng umalis si Sage. All are positive. Tuptop ang bibig ko. I called my OB-Gyne na agad. Agad naman siyang sumagot. "Doctora, can I get pregnant even if naka booster ako for 6 months?" "Possible in some cases especially kapag uminom ka ng mga gamot after your vaccination. Are you pregnant? did you do a pregnancy test?

  • Dawn of Us   KABANATA 28

    LOVE YOU TO DEATH Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Sage. He cooked for our breakfast and we ate in silence. The table was filled spoon and fork's noise only. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga plato ng sinubukan kong magsimula ng usapan. "Don't call Doctora Saedelyn Montrone na," Pilit ko. "Don't be delusional. I won't be pregnant because I took the shot. It's valid for 6 months kaya kahit 24/7 tayong gumawa ay walang makalusot..." I enlightened him. Hinugasan niya ang huling pinggan at saka inayos sa rack. Umupo siya sa harap na chair para maging magkatapat kami. Nakataas ang kanyang kilay at may maliit na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin ng pailalim sa akin. "Alright if that's what you want. I'll work from home the whole week so that I can monitor you until you're feeling well before I'll gonna go back to the office. The divorce processing was halted but still my Lawyer will talk to you about the asset sharing. All my assets..." Makahulugang sabi niya. "It's y

  • Dawn of Us   KABANATA 27

    YOU LOVE ME Kahapon ang first Sunday ng September at ngayong Monday ay nagbakasakali ulit ako, 7:30 AM after breakfast ay nagpunta ako sa KS building baka nandoon si Sage. "Hi, thank you for your sparing your time to accomodate me," I greeted the head of the front desk and asked. "I just need to ask if somehow Mr. Kaixus Montiel is here?" Sinadya ko na ipatawag ang Manager kanina. Agad-agad niya naman akong nakilala at nakita niya ang record ko kasali sa VVIP clients nila. Nakafirst-rank pa ang pangalan ko amongst the other VVIPs kahit ako ay hindi makapaniwala. Dalawang beses lang naman ako gumamit ng helipad nila. Maybe because of my husband? Natuptop ko ang aking bibig. Don't tell me kagagawan ni Sage ito? Paano kung ma-issue kami dahil sa ginagawa niya?! Alam naman niyang ongoing pa ang proseso ng papel namin. Tsssk! Binalikan ako ng Manager na kanina ay nagpaalam para lang tignan ang aking records at may tinawagan siya. She is smiling at me kapag nagkakatitigan kaming dal

  • Dawn of Us   KABANATA 26

    STILL WAITING Naligo ako at saka tinawagan si Samantha. She answered my call agad. "Hello, Sammy. Do you know where to rent a chopper? I needed one. Emergency, please..." I told my friend. "Yes, yung chopper sa office. Magpapasundo kaba? Saan ka ihahatid?" "Dito sa Mansion. Sa Hacienda ng mga Montiel here in San Gabriel going to Playa Caleta... May mahalaga lang akong aasikasuhin," palusot ko. "Sure! Sure, within 3 hours or most 3 and a half. Can you wait?" tanong niya sa akin. "Oo, thank you so much Sammy. I owe you a lot," I told her. "No worries. Always Welcome, Babuuu. Wait for it ha!" While waiting for the chopper ay nilabas ko ang aking isang LV na duffle bag. I will bring me my important things. May damit naman ako sa Mansion sa Caleta kaya ay okay lang na hindi ako magdala ng mga gamit. I can always buy one too. Nagulat sina kuya Queziah ng may chopper na dumating sa may tarmac nila. "You will go back in Manila, already?" tanong ni kuya Queziah. "Opo, just

DMCA.com Protection Status