MEAL
Inilapag nina ate at kuya Kaixel ang dalang mga tray sa may table. Pizza ang laman at may isang pitchel ng mango juice galing sa mismo sa tanim ng hacienda at mga baso."Damn! I thought I can't taste pizza here but yeah, thank you Lola!" ani kuya Fourth na parang bata.
Sabay kaming naghugas ng kamay ni ate Avikah sa powder room.
"Hayst! How I wish to have a sister like you. You really look so matured your age Cindy, not looks but thinking," aniya.
"Ate mas maganda ka sa akin at mas matured mag-isip," agap ko.
"So witty!" ngiti niya, "Tara na para tayo ang maunang kumain hayaan mo na iyong dalawa. By the way, sa akin ka makikitulog mamaya ha, I won't take no as an answer. Bukas punta tayo sa ilog na sinasabi ni Lola. I want to feel the cold river again. Swimming pools got me bored."
"Sige ate, sa oras na gusto ninyo."
Una nga kaming kumain ng pizza ni ate Avikah. Hindi namin namalayan na may nagbukas pala ng pinto. Sina Kaiden at kuya at kuya Queziah na may dalang mga pizza at pitchel ng orange juice din.
"Kayo ha, iniiwan niyo kami ha, di niyo siguro kami na miss," pabiro ni kuya Queziah.
"Oh, you're here na brother... I thought you're with tito kasi eh," ani ate.
"Nah, he's with his crew. They've gone to the resthouse up the mountain. Hinatid ko kanina," it's kuya Driego.
"Yow!" ani kuya Fourth.
Nag fistbump ang mga bagong dating sa dalawa pa naming kasama.
"Bukas nalang tayo pumunta ng resthouse. Pinaalam ko na kay Lola at Lolo. Huwag lang magkalat sina tito doon. Knowing those people he brought with him. Tsssk! tsssk!" - Kuya Queziah.
Habang kumakain ay naglabas ng guitar si Fourth at tsaka nag strum. He is really so good playing the guitar. The next couple of hours was spent singing until ate says she's sleepy. Kinuha namin ang mga pasalubong nila para sa akin at nagtungo kaming dalawa ni ate sa kanyang silid. Pinahiram niya ako ng pantulog kaya napilitan akong manatili sa Mansion.
"Wala ka pa bang manliligaw, Cindy?"
Nakahiga na kaming dalawa ni ate sa queen size bed ng magtanong siya.
"Wala po. Tsaka mag-aaral po muna ako habang kaya pa ni Lola at habang tinutulungan kami nina Don at Donya."
"Sabihin ko kaya kay Lola na sa Manila ka nalang din mag-aral. Para naman may kasama ako. College life in Manila is fun!" ngiti ni ate.
"Ayaw ko pong iwan si Lola dito mag-isa, saka nalang po siguro, kapag tapos na ako sa kolehiyo at magtratrabaho, baka pwede na doon," I sighted.
"Sabagay. Kaya mas pinili pa ng kapatid ko na manatili dito dahil kailangan daw siya ni Lolo. Mas anak pa siya nina Lolo at Lola kesa kay Papa," singit ni kuya Kaiden.
Tsismoso ni kuya!
Tumawa ito sa sinabi. Ngumiti naman ako...
"Ang sabi nga po ni Don eh anak niya si kuya Driego at kuya Queziah."
"Hindi mo pa nakikita si tito ano? Wait lang tignan mo kung hindi sila magkamukha ni Driego," sabi ni ate Avikah.
Inabot nito ang kanyang latest na phone sa side bed at ipinakita ang larawan ng bunso ng mga Montiel. Magkamukha nga ito at si kuya Driego. Maliban sa halatang mas maamo tignan si kuya Driego at ang nasa larawan naman ay sobrang seryoso at misteryo.
"Kaya siguro laging nagbibiro ang Don na anak niya si kuya Driego. Magkamukha po sila ng tito niyo, ate," sambit ko.
Namangha ako sa larawang ipinakita ni ate. Ang larawan ng kanyang tito ay noong bata pa ito ay iyon ang portrait na nasa may hagdanan. Ang isa ay family picture ng mga bata pa sila ate Avikah pero hindi kasama ang kanyang tito. Wala na itong iba pang larawan sa loob ng Mansion. Kahit kailan ay hindi ko ito naabutan ng bumisita ito dito noong nakaraang taon. Lagi kasi akong sumasama kina Paula tuwing bakasyon sa may barangay Nueva Soliven sa Reina Soliven. Ang sabi sa akin nina Maimah ay sobrang sungit daw nito ngunit sobrang gwapo rin ito pero may girlfriend na daw ito hindi ko alam kung iyong sinasabi ni ate Avikah kanina o iba.
"Bukas, buksan mo iyong regalo namin sa'yo para magamit mo na," ngiti niya sa akin.
Hindi ko namalayan kung paano kami nakatulog ni ate ng maramdaman ko nalang ay umaga na. Medyo madilim pa sa labas ngunit dinig ko ang ilang mga ingay ng pababa ako ng hagdan. Hindi ko na ginising pa si ate Avikah dahil tulog na tulog pa ito. Agad akong dumiretso sa may maid's quarter. Gising na rin ang ilang namamahala ng Mansion pati si Lola.
"Ikaw na bata ka, saan ka natulog kagabi? Pinahanap kita kay Paula ngunit wala ka naman daw," salubong ni Lola.
"Kay ate Avikah po ako nakitulog Lola. Hindi po niya ako pinayagang maka alis eh," paliwanag ko.
"O, siya maligo kana at kumain mamaya dahil magluluto pa kami ng pagkain ng mga bisita."
"Opo!"
Hindi na ako nakipagtalo kay lola. Naisipan kong magsuot ng puting t-shirt at isang maong na black ngayon. Nagkape lang ako ng gatas kanina at hindi na kumain ng kanin. Iyon na kasi ang nakasanayan ko tuwing umaga.
"Nanay, ayos na ba yung pinaluto ko sa inyo?"
Tinig iyon ni kuya Dante, ang isa mga personal driver dito sa Mansion.
"Hindi pa hijo. Ang mabuti pa magdala ka nalang muna ng mga tinapay, kape at gatas doon. Para kahit papaano ay makakain sila."
Sumingit ako sa usapan. Ang aga aga pa. Alas singko ng umaga sa wall clock sa kusina. Ako nalang ang magdadala.
"Kuya saan po ba ninyo dadalhin yung mga pagkain?"
"Sa resthouse sa bundok. Akala ko'y luto na ang pagkain. Para isahan nalang na dadalhin," ani kuya Dante.
"Ilang tao po ba ang nandoon? Ako nalang po ang magdadala. Si thunder nalang ang ipapasyal ko para hintayin mo nalang yung mga lutong pagkain. Hindi mabigat ang mga tinapay," boluntaryo ko.
Baka mainip pa ang mga nandoon at ayon kay kuya kanina pa raw tawag ng tawag ang mga ito na magpadala ng pagkain doon.
"Okay lang ba sa'yo Yancinda? Masyadong mahamog pa sa labas," saad ni Lola.
"Opo Lola. Balik din po agad," pagkumbinsi ko.
"Mag ingat ka Yacinda ha, salamat. Antok na antok pa ako dahil wala pa akong tulog," habilin ni kuya Dante.
"Mabuti bumalik ka muna ng quarter ninyo Dante. Umidlip ka muna saglit. Si Pilo nalang ang magdadala ng pagkain nina Señorito mamaya," ani mayordoma.
"Maraming salamat nanay Vilma, nay Ana. Talagang antok pa ako. Ang naman magising nina Señorito o baka hindi na natulog ang mga iyon simula pa kagabi."
"Kaya nga matulog na kana kuya. Ako nalang po maghahatid ng kape nila doon," saad ko.
Pinahanda ko kina nanay Vilma ang kailangang dalhin sa resthouse habang pinuntahan ko si Thunder sa kuwadra nito. Hinaplos ko siya.
"Namiss mo na ba ako Thunder? Mamamasyal tayo sa resthouse ngayon."
Sa may backdoor ko pinarada si Thunder dahil sa may tubuhan ko siya idadaan paakyat ng bundok para mas mabilis akong makarating sa resthouse. Lampas kinse minutos ang layo nito kapag sa tubuhan ako daan pero kung sa sementadong daan ay doble. Masyadong maliit ang Mansion kapag tatanawin ito mula sa bundok kung nasaan ang resthouse.
"Hija, itong lahat ang dadalhin mo. Mga tinapay, kape gatas at kung ano pang pagkain na pwede nilang pagsaluhan bago maluto itong agahan. Sabihan mo nalang si Señor na ipapasunod ko kay Pilo itong agahan kung luto na. Mag-ingat ka hija dahil medyo madilim pa sa labas at mahamog."
"Opo nanay!"
Una akong sumampa kay thunder bago ko inilagay ang picnic box sa aking harapan. Ang isang kamay ay may hawak sa tali. Mga pang anim na tao lang naman ang laman ng box kaya hindi masyadong mabigat. Wala pang mga trabahador sa palayan at pinyahan ng dumaan ako. Paakyat na ako sa bundok kaya binabuti kong maglakad para hindi na rin mabigatan pa si Thunder. Mula sa paanan ng bundok ay may lalakarin pang another kinse minutos bago makarating sa kung saan ang bahay. Pinag pahinga ko muna si thunder sa may malapit sa ilog bago ako tuluyang naglakad mag isa sa bakuran ng resthouse. Madalas ay dito kami nagagawi nina ate Lilac upang maligo sa may batis. Kumatok ako sa pintuan sa bandang kusina dahil doon ako galing at hindi sa gawi ng one-way na daan. Walang sumasagot kaya ay minabuti kong umakyat sa hagdan sa kabilang bahagi ng bahay. Hindi sarado ang pintuan sa pumasok na ako. Tahimik ang sala dito sa second floor ngunit may mga nagkalat na bote ng alak at kung anu-ano pa. Bumaba ako sa first floor at dumiretso sa kusina ng bahay. Nilapag ko ang picnic box sa table at nakiramdam kung may gising bang tao. Ang sabi ni kuya Dante ay gising na mga ito kanina pa ngunit wala naman tao rito. Nakarinig ako ng ungol galing sa sala kaya nagtago ako. Ano yun? Wala namang baboy ramo dito sa bundok?
Sumilip ako sa may pintuan ng sinalubong ng tingin ng kamukha ni kuya Driego. S-Sage!
"What are you doing here?!" salubong niya sa akin gamit ang malalim niyang boses.
Hindi ko alam kung anong itatawag ko rito. Napaatras ako at itinuro ang picnic box ng hindi nagsasalita. Lumapit ito at binuksan ang dala ko.
"Ang sabi ko sa Mansion, agahan," reklamo pa niya.
"Wala pa pong lutong agahan. Isusunod nalang po nila maya-maya."
"Okay. If you're done, go back to the Mansion already."
May tinawag siyang pangalan at agad namang may lalaking sumulpot. Sumipol ito ng makita ako.
"Nice meal we have Kaixus, huh?"
"Fuck you, Montrone! Spare it. Go back to your girlfriend!"
The guy put his hand in the air. "Just kidding. Not your sister," aniya.
"Po?" hindi ko matiis sa usapan ng mga ito.
Ako ba pinaguusapan nilang dalawa?"What's your name?" tanong ng lalaki.
"Cindy po," sagot ko sa lalaki.
"Oh, yeah, Cindy pasensiya kana ha, medyo makalat dito. Inaayos naman na ng girlfriend ko sa taas. Don't worry."
"Pasensya na rin po at pumasok na ako agad. Kanina pa po kasi ako kumakatok pero walang sumasagot. Medyo malamig sa labas. Alis na rin po ako dahil baka hanapin na ako sa Mansion."
"Mabuti pa," singit ni Sir Kaixus, "ihatid na kita sa labas."
Tumango ako at dumiretso sa pintuan ng kusina patungo sa likod ng bahay.
"Kaixus baka kung saan mo pa iyan maihatid ah, ikaw din lagot ka kay Sabrina," iyong Montrone ulit ang nagsalita.
"Fuck you Allan, just do your thing!" balik sagot naman ng kasama ko.
"Gising na ba sila sa Mansion? Sinong kasama mong naghatid ng pagkain?"
Naglalakad na kami patungo kay thunder ng magtanong ang kasama ko. Nasa likod niya ako. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa tuwing magsasalita ito. Sa kwento sa akin ng Donya ay mabait naman daw siya at masunuring anak. Ngunit sa kwento ni ate Avikah kagabi ay parang mangangain ito ng tao.
"Opo. Kay Thunder po ako sumakay," wala sa isip kong tugon.
"What?!" napatigil siya at humarap sa akin.
"Thunder, who?"
"Kabayo po siya sa Mansion," agad kong sabi.
Malapit na kami sa kung saan ko itinali ang kabayo kaya medyo gumaan ang aking pakiramdam. Medyo maaliwas na rin ang paligid at panay ang huni ng ibon at mga kung ano pang insekto para salubungin ang bagong umaga.
"Sabihin mo mamaya kay Queziah na mamayang hapon pa kami bababa ng Mansion."
"Sige po. Pero tawagan parin po ninyo dahil busy si kuya."
Naglakad na siya pabalik sa bahay kaya't napabuntong hininga ako. Naglakad na rin ako papunta kay Thunder. Kaya pala ganun ang sinasabi ni ate Avikah na ayaw niya ang kasama ng tiyo niya dahil ang kalat nila. Ganoon ba ang mga batang Manila hindi naman ganoon sina ate Avikah. Agad akong naglakad pa punta sa batis dito muna ako. Sobrang lamig ng tubig ng magtampisaw ako. Mababaw lamang ang tubig sa ilog dahil sa malapit sa bahay ang magandang spot may maliit na talon doon. Ilang minuto akong tampisaw ng may marinig na halakhak galing sa taas. Mukhang gising na ang mga kasama ni Señorito. Inalis ko na ang tali ni thunder at pinainom ko siya ng tubig galing sa batis. Pagbalik ko ng Mansion ay gising na sina ate Avikah nakasalubong ko siya sa may hardin. Nagja-jogging ito kasama si kuya Driego at Fourth. Sinabi kong galing ako sa resthouse at naghatid ng pagkain, sinabi ko rin ang pinapasabi ng tiyo nila. Agad akong dumiretso sa kusina kung nasaan si Lola.
"Yacinda, mag almusal kana," salubong sa akin ni nanay Vilma.
"Maraming salamat po nay, si Lola po?" agad na tanong ko.
"Nasa may dining si nanay Ana. Kumakain na rin ng agahan sina Governor at iba pang bisita kasama sina Don. Maya maya ay aalis na rin ang mga ito."
"Ganoon po ba, hintayin ko nalang pong makaalis ang mga bisita."
Dumiretso ako sa maid's quarter at naabutan kong natutulog si Paula. Hindi na ito naka uwi pa kagabi. Tumabi ako sa kanya.
"Paula..." bulong ko upang hindi ma distorbo ang iba bang natutulog.
"Inaantok pa ako nanay Ana," sagot niya.
"Ako to..." muling bulong ko.
Dumilat siya ngunit agad ring nagkumot. Tumabi ako sa kanya. Maaga akong nagising kanina kaya pumikit ako. Bahala na basta nasabi ko ang pinapasabi ng mga tao sa resthouse. Paniguradong sasabihan rin nila si kuya Pilo kapag naghatid ito ng agahan. Nagising akong walang Paula sa tabi ko, tanghali na rin. Matapos mag ayos ng sarili ay lumabas ako.
"Hinahanap ni Ma'am Avikah kanina," ani ng isang kasambahay.
"Nakita niyo po ba sila?" I asked quickly.
"Hindi eh, pumunta silang magpipinsan sa resthouse. Hindi ka na nila ipinagising pa dahil tulog na tulog ka."
"Okay po. Eh, si Paula po?"
"Kanina pang naka uwi iyon. Ginigising ka niya kagabi pero hindi ka niya magising."
Tumango tango ako.
"Kumain kana. May gulay diyan sa kusina at may tinola."
"Salamat po ate. Medyo gutom na nga ako."
Tumuloy na ako sa dirty kitchen at doon na kumain. Nag-iisip ako kung magpapahatid ba ako sa bayan o hindi. Sa bayan kasi ang bahay nina Paula. Nahihiya naman akong sumunod kina ate Avikah sa resthouse.
Napahilot ako sa aking sentido sa pagdaan ng mga alala ng nakaraan... It's a bittersweet one like a gin.
"Lola, ikaw lang ang gusto kong makita. Kayo nina Lolo at Mama. Pasensiya na kayo at hindi pa ako nakadalaw manlang," bulong ko.I am left here sa boring na apat na sulok ng office ni Sage dito sa Playa. Siguradong kaya dito niya ako dinala ay may balak siya!Imposibleng walang namamagitan sa kanila ni Wyeth Cabral. Sa paraan ng babae na magsalita ay mukhang hindi lang ordinaryo ang meron sa kanila. Sinong matinong lalaki ang magpapapasok ng babae sa kanilang kwarto? Kahit na babae, dalawa lang ang dahilan, una ay may tinatagong relasyon at pangalawa ay panandaliang aliw."Ang bobo mo talaga, Yacinda. Sa tingin mo ba ay porke't sinabi ni Sage na aayusin niyo ay talagang gagawin niya?" bulalas ko."Paano kung gusto niya na ayusin namin dahil may hindi magandang nangyayari sa San Gabriel?!" muling lintaya ko.Ang hirap mag-isip parang sasabog ang utak ko sa pagkalap ng posibleng dahilan kung bakit nakikipag-ayos sa akin si Sage."Tandaan mo, ni minsan ay hindi siya nagparamdam sa'yo, Yacinda. Keep your promise, ngayon pa na abot kamay mo na ang lahat?" out of nowhere ay nasabi ko sa aking sarili.Kinuha ko ang isang libro sa shelf sa opisina ni Sage na may larawan ng Eiffel tower at binuklat."Mademoiselle, what's the occasion? Is it your birthday today?"
Ngumiti ako sa waitress. Narito ako sa France sa restaurant malapit sa dating boarding house ko at nag-order ng cake. Malungkot akong ngumiti sa babae."I just wanted to eat a cake tonight," I quipped.
Ang totoo ay araw ito ng kasal namin ni Sage. Ikatlong taon na pero hindi niya ako hinanap o hindi manlang nagparamdam sa akin.
"Sa tingin mo ba ay maaalala niya? Siguro ay maalala niya na sa araw ng kasal ninyo ay buwan kung kailan mo pinatay ang kanyang nobya..." bulong ko sa hangin.
Pinunasan ko ang aking luha at saka tinikman ang cake. Masarap pero wala akong gana na kumain dahil sa naisip ko.
Pinabalot ko ang natira sa sa cake at dinala sa hotel kung nasaan ako.Hindi ko na nakain pa ang natira hanggang sa itapon ko dahil panis na.
"Narito ka ngayon sa France dahil sa work at hindi para mag-isip ng tungkol sa anu-ano, Yacinda!" I scolded myself."Happy three years of independence! Swiss alps, I'm coming!" I genuinely smile sa harap ng salamin bago lumabas sa hotel. Sa Switzerland ang tungo ko para sa isang photoshoot tatlong araw mula ngayon.Pagdating ko ng Switzerland ay sobrang busy ko. Sa hotel ako nanatili ng ilang araw.
"Miss Cindy, photo please..."
Ginawa ko ang request ng photographer at lumapit ako sa stage at iniabot sa akin ng crew ang isang marker para sa board signing. Dahil ako ang ambassador model ng isang sikat brand ng relo at wine ay kailangan pumirma ako kasama ang mga ibang owners at mga models ng ibang company na naroon.
"Thanks," tipid kong turan at pumirma na.
Pagtingin ko sa isang gilid ay parang nakita ko si Sage. May hawak siyang champagne glass.
Agad akong nagpaalam at hinabol siya. Pag-abot ko sa lalaking kapareho ng damit niya ang suot ay nabigo ako.
It's not him.
"I'm sorry," hinging pasensiya ko.
"It's alright, are you looking for someone?"
"Nope, I just thought that I saw some acquaintance," saad ko at tumingin sa loob ng hall.
Hindi ko na makita ang lalaki.
Pumunta ako sa labas sa garden area pero wala din doon ang pigura ni Sage.
"Imposibleng pupunta siya dito. Wala naman siyang gagawin dito at kahit na meron nga siya ay hindi ikaw ang pakay, Yacinda..." pagalit kong bulong.
Pagtingin ko sa isang kumpol ay may nakita akong lalaki. Base sa usapan nila ay mga Pinoy sila.
"Sabi ko naman kasi sa'yo na bihira lang iyon magdesisyon sa mga event na ganito."
Galing iyon sa isang lalaking naka coat ng pink.
"Alam mo naman ang isang Norman, siya nga pala parang nakita ko na pumunta siya sa loob at kanina pa tumititig sa isang modelo," lintaya ng isa pang lalaki.
"Luke, baka maniwala na talaga ako na kasal nga talaga siya, kaso siyempre hanggang walang mukha ay single parin!" ani noong Norman sabay tawa.
Lumapit ako sa kanila, mukhang may kaibigan silang pinagtitripan. Mga pinoy nga naman kung minsan.
"Hi," bati ko.
"Hello!" - Norman.
"Good evening, Madame." - Luke.
"Hi, it's Phoenix Montgomery," bati at pagpapakilala ng isa.
"Nice to meet you Phoenix," I extended my hand. "Filipino?" agad kong tanong.
"Kabayan!" lumapit iyong Norman at pormal na nagpakilala rin sa akin, "Norman Le Grande..."
"Cindy Sy," saad ko, "Kabayan..."
"Wow! I'm Luke Adamson. You seems familiar, nagkita naba tayo noon?"
"Hindi ko sure matagal na akong wala sa Pilipinas at hindi ako lumuluwas ng Manila. So, here for business?"
"Yup! Actually we just accompany our dear friend because he said that he misses his wife but it seems like the wife he's talking about is the swiss alps!" biro ni Phoenix.
Tumawa kaming lahat.
Tinawag na ako sa loob ng secretary ng boss ng company kaya nagpaalam ako.
"Enjoy your night ahead, mauna na ako. Work," palusot ko.
"Ingat.." - Norman.
"You too." - Phoenix.
"See you around, Cindy." - Luke.
Pagkaalis alis ko ay narinig ko ang halakhak nila at may binati ng happy anniversary.
"Perhaps, their friend?" ngiti ko at tuluyang pumasok sa event hall.
SCARED Isinara ko ang libro. It's a travel book guide and places to visit in France pala. I called Amaris dahil bigla ko siyang naalala. "Cindy? Napatawag ka. Narito kami ni Mama sa Frankfurt ngayon. Hinahanap ka niya," pagbabalita niya sa akin. "Kumusta na kayo diyan ni tita?" tanong ko. "Mabuti naman. Mabait ang bagong asawa ni Mama at sinabi na pagbalik mo dito ay tutulungan ka daw na magtayo ng modeling agency dito." "Siguro kapag tapos na ang gagawin ko dito Amaris." "Tungkol parin ba iyan sa anak ng boss mo sa probinsya? O, tungkol sa Lola mo? Hindi ko pa siya nakikita pero pakisabi na maraming salamat sa tulong niya." "Ha? Anong tulong Amaris?" agap ko. Wala siyang nabanggit sa akin na tumulong sa kanya maliban sa may isang tao daw na nag-iwan ng sulat sa labas ng apartment nila kasama ang mga bayad na titulo ng mga utang ng kanyang Mama. "Oo, kaya pala pamilyar iyong pangalan na sinabi mo, dahil siya pala ang nagbayad ng utang ni Mama." "Si Sage?! Sigurado kaba sa s
STAY AWAY Kinabukasan nga ay maaga kaming sinundo ni kuya Dante. Maaga rin kaming pumunta sa may ilog ni Paula. Tinuturuan ko siya kung paano mangabayo sa daan. Sa may parteng dulo ng ilog ay may hot spring kung saan kami nagbabad ng ilang minuto. "Yancinda, saan ka mag-aaral para sa kolehiyo? Baka sabihin nina Donya na doon ka sa Maynila. Ang swerte mo naman, naku maraming mga pogi doon. Baka makapag-asawa ka pa ng isa sa mga anak ng amiga nina Sir Xandros at Madam Karina doon." Napaisip ako sa tinuran ni Paula, Kung bibigyan ako ng ganoong magandang uportunidad ay baka tanggihan ko na lamang lalo na at ilag sa akin ang bunsong anak ng Don at Donya. Paano kung biglang palayasin niya kami ni lola? Walang akong magagawa kundi titigil dahil sa totoo lang ay ang Don at Donya lang naman ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral at nakakapagbihis ng magagandang mga damit. Nararanasang nakikipagsalamahun sa mga may kaya at maiimpluwensyang angkan. Tumingin ako kay Paula, "Mas gusto k
SAVE "Sure po kayo Sir? Kailan pa po kayo kumakain na ng watermelon? Mabuti at hindi ko pa nabalatan ang pinya." "Yes. Iyon lang. Since I came here," sagot ng huli. Bumaling siya sa akin at pinagtaasan ulit ako ng kilay bago umalis ng kusina. Ang sungit sungit mo! Nakakahiya! Ano kaya ang nasa isip niya? Baka sabihing inaabuso ko sila. Pagkain naman ito hindi kung anu-ano. At siya ang bastos. Watermelon, my ass! "Nakalimutan kong hindi nga pala gusto ni Sir Kaixus ang ganitong pagkain," lintaya ni ate Mae. Bilang pasasalamat kay ate Mae ay sinabi kong ako na ang gagawa sa fruit salad na pinapagawa ni Sir Kaixus. "Ate ako na po ang gagawa ng fruit salad," boluntaryo ko. "Sigurado ka, Yacinda? Okay lang ba? Pasensiya na ha," aniya. "Okay lang po ate, wala naman po akong gagawin at nabusog po ako sa kutsinta. Maraming salamat pong muli," muling pasasalamat ko. "Sige sige tignan mo na ang mga ingredients ng fruit salad. Iyong nestle cream ay nasa may unang overhead cabinet
GIRLFRIEND Kinabukasan ay maaga akong nagising, unang bukas sa pinto sa balcony ay bumungad nga sa akin ang isang parte ng golf course. Mukhang may mga tao na naglilinis sa ganoong ka agang oras. Dahil na engganyo ay agad akong nag ayos ng aking sarili at dali-daling bumaba ng hagdan. May nakita akong grandfather clock at kamay ay nakaturo sa panglimang bilang at pang sampu't dalawa. It's 5 in the morning. Wala pang mga taong gising. Iilan lang ang nakita kong mga kasambahay na busy. "Magandang umaga Ma'am, nais ninyo na po bang kumain o magkape? Meron din pong tea. Pwede na pong kumain sa bandang golf course, mayron pong gazebo at nook doon. Pwede po naming dalhin doon ang inyong agahan o sa may main dining hall po," ani ng isang dalagitang kasambahay. "Mamaya nalang ako kakain kasabay ng mga kasama ko. Mayroon bang pwedeng jogging area dito? Sa may golf course okay lang ba? Tanaw ko kasi mula sa balcony ng aking silid, at walang masyadong tao, mukhang hindi nagagamit. Okay lang
VLOGGING Hanggang sa makabalik kami ng San Gabriel ay baon parin sa aking isipan ang huli naming pag-uusap ni sir Kaixus. Hindi ko na siya nakausap pa sa mga sumunod na biyahe namin. Imbis rin na dumaan pa kami ng Playa Del Fuego ay diretso nalang kami ng uwi pagkatapos naming manatili ng dalawang araw sa La Flora dahil nag-flight na raw ang Don at Donya at nagsi-uwi na rin sa Manila at Cebu ang mga kapatid ng bunsong Montiel dahil meeting sa kumpanya nila. Sa sobrang busy din ng lahat ay kami-kami nalang nina Paula ang magkakasama. Sumama rin sa San Gabriel si kuya Spiker dahil siya nalang naging driver namin dahil naiwan na si kuya Kalyl kasama ang pinsan niya. Una naming hinatid sa bayan sina Paula at mga iba ko pang kaibigan. Mas nauna kaming umuwi, susunod daw sina ate pagkatapos ng mahalagang meeting nila sa Playa Del Fuego. "Yacinda, mag-iingat ka. Balitaan mo nalang ako mamaya. Dalaw ako bukas sa Mansion." "Sige Paula, kayo din dahil mukhang wala pa si nanay Panyang."
NERVOUS Kinabukasan ay maaga kami ni Betty na nagising. Agad niyang tinignan ang video na ini-upload niya sa kanyang YouTube. Mayroon agad siyang trenta na followers. Gumawa din ako ng account ko at finallow ko siya upang mas dumami pa ang kanyang followers. I also navigate my phone to familiarized the applications. I decided na mag-install ng ilang useful applications that I might be able to use in the future. "Waaahhhh!!!! Salamat sa pag follow sa akin YT channel, Yacinda. Tignan mo may mga nag comment dito galing sa ibang bansa. Ipagpatuloy ko daw ang pag-upload ng mga video. Sinabi ko rin na ngayong araw ay ipapasyal ko sila sa bayan, para makita nila iyong mga pailaw ni Mayor sa may kapitolyo natin. Aayain ko si Paula..." "Magandang idea iyan, Betty. Kapag makaluwag-luwag ay maaari natin silang ipasyal doon sa La Cita. Sabihan ko rin sina ate Avikah na mayroon kang ganyang pinagkakaabalahan, baka sakaling mas marami silang idea tungkol sa bagay na iyan," paniniguro ko. "Sa
MINOR Pagkatapos na masiguro ni ate Lilac na okay lang ako ay bumalik ito sa kanyang upuan. Si kuya Calibre ang nag-iihaw. Tumayo si sir Kaixus at pumunta sa kanyang pamangkin, tinapik nito sa likod si kuya Calibre at ibinigay ng huli ang pamaypay sa kanyang tiyuhin. Tumabi sa akin si kuya Calibre at bumulong. "Ano kayang nakain ni tito? Bakit parang ang sipag niya ngayon? Hmmmmn..." Tumingin si kuya Calibre sa akin kaya napatingin ako sa kanya at saka nagkibit balikat. Hindi ko rin po alam kuya Calibre. Hindi po kami close ng tito ninyo. Bulong ko sa aking isipan... "Hindi ko po alam kuya..." Parang hindi ito kontento sa aking sagot kaya tinignan ako sa mukha. Umiwas ako kaya tumikhim si kuya at hindi na ako kinulit pa. Aba'y dapat lang dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit ang kanyang tiyuhin ang nag-iihaw ngayon. Tumayo si ate Avikah at lumapit sa kanyang tito. Tinulungan niya ito sa pag paypay. Inilagay rin niya sa plater ang mga naluto na mga inihaw. May mga pusit,
EXPENSIVE AND EXCLUSIVE "Bakit ka nakabusangot iha, gutom ka pa ba? Darating mamaya ang mga kaibigan mo. May gagawin ba kayong importante?" sunod-sunod na tanong ni aling Marta sa akin. "Ah, si Betty po ang may gagawin, tutulungan lang namin siya," sagot ko. "Maya-maya ay nariyan na ang mga iyon. Maiwan na kita at pagsabihan ko ang ibang kasambahay baka mamaya ay tapos ng kumain sina Señor Kaixus." "Sige po aling Marta, pupuntahan ko lang po si Thunder upang paliguan." "Sige sige, andoon si kuya Hugo mo. Ang iyong mang Kanor ay nasa hacienda pa." Umalis na ako. Sa daan sa likod ako dumaan. Naabutan ko nga si kuya Hugo na nagpapaligo ng mga kabayo. "Kuya, ako na po ang magpapaligo kay Thunder at sa mga iba." "Ikaw ang bahala Yacinda," saad ni kuya Hugo. Hinaplos ko si Thunder, "Maliligo ka muna boy, ha, para malinis ka ngayong araw." Sinimulan ko ng paliguan si Thunder. Hindi naman ito mahirap paliguan. Maging ang ibang mga kabayo sa kuwadra. Ang mga nasa parang lang a
Author's Note: Dear readers, If you've reach this far, I would like to thank all of you for your support to Kaixus Sage and Yacinda's story. This is the first story that I was able to finished and it helds a special part in my heart. Hoping that you will support my future stories too. I will try to write stories for all of you to enjoy. Again, Thank you so much! 감사합니다! ありがとうございました! 谢谢你! Gracias por todo! Grazie Mille! Merci beaucoup! Maraming maraming salamat po! Xoxo, Vivi PS. Hope you enjoy reading the book. Always take care and wish to see you someday!
SPECIAL CHAPTER 2 KAIXUS SAGE'S POV Dumating ang point na ginawa kong profile picture ko sa aking sns account ang isang larawan ni Yacinda na nakatingin sa side habang nakasakay kay Thunder pero pinalitan ko agad. "Baliw kana, Kaixus! Kagaya mo na si Devon na pati tunog ng kanyang girlfriend ay ginawang ring tone," I scolded myself. The heck?! Am I that so in love? My account is private and I don't know why I followed her account and even message her. What are you thinking, Kaixus? Hindi siya matatakot sa ginawa mo nitong mga nakaraan? Pinaselos mo siya at pinalayo sa'yo. Pinagsabihan mo kahit kailan ay hindi niya magiging apelyido ang Montiel at gago ka, pinagdudahan mo pa na baka may gusto siya sa mga pamangkin mo dahil lang sa mas malapit siya sa mga ito? Gago ka!!! Dumating ang araw na pagpunta namin sa Alfante para sa pag-aayos sa lupa na pagtataniman ko ng ubas. Siya ang kasama ko sa biyahe dahil late siyang bumangon at dinahilan ko na may meeting ako kahit sa totoo lan
SPECIAL CHAPTER 1 KAIXUS SAGE'S POV I am currently in school when I saw Queziah's update sa family group chat at nasa sns story niya. Sa group chat namin ay picture niya while riding a horse and the sunset at ang isapa ay larawan ng isang batang babae na nakatingin sa papalubog na araw habang nakasakay sa isang thoroughbred. Maraming hearts sa kanyang caption. "Had a race with bunso..." Nagreact si ate Karina at nagsend pa ng mensahe, "Princess is growing so fast! You all take care there, son." Nagthank you naman si Queziah. "Salamat ate Karina. She is." Si Calibre din ay nagsend ng kanyang reply. "Wow! Kuya isama niyo kami next time!" Ang caption niya story niya sa kanyang sns account ay, "Kuya duties..." Kuya duties, my ass! Nephew, hintayin mo at ako ang mag-alaga sa kanya tignan natin kung matapatan mo pa, pasalamat ka at wala ako dyan! I saved the picture of Yacinda, wala akong pakialam sa larawan ng aking pamangkin. I am more handsome than him, for sure naman na hindi
WAKAS 10TH WEDDING ANNIVERSARY VOW I took a therapy session for 6 months because of what happened. Sometimes the scene visits me in my dream even what happened to Sabrina. All I feel for Wyeth is awa. Her parents exploit an innocent child because of favoritism. She developed a mental health issue for she doesn't receive the same love that her parents gave to her older sister and she kidnapped me because she is so obsessed with Sage. Love can really make a person better or worst. When you don't guard your heart, what you fed it will reflect through your actions. It will be alive and breathing. You will be trap into it unless you wake up and fight. Nasabi sa akin ni Sage na noon pa man ay laging nagsusumbong si Wyeth sa kanya tungkol sa mga pinaggagawa ni Sabrina. Sinabi rin sa akin ng aking asawa na tahimik lang si Wyeth sa ibang lalaki at tanging si Sage lang gusto niyang kausapin. Pero nagulat daw si Sage ng sinabi ni Wyeth na may boyfriend siya matapos niya itong tanggihan w
GET MARRIED AGAIN I worked during the last week at biglang tumawag ang OB-Gyne ko na kung pwede daw ba ako dumaan sa kanya. Sinabi ko kasi na bored ako at luluwas ako ng Manila. Hindi ko pa sinabihan si Sage. Saka nalang siguro kapag nasa Manila na ako. "I will be in Manila bago mag November 1, I will be there sa clinic on the 31st mga 3 PM," I texted my OB-Gyne. "Talaga? Uhmnn, sure, see you! Make sure to visit me," paalala niya. October 30 ay sinabihan ko si Itay na luluwas ako ng Manila. "Mamayang araw po Itay. Punta lang ako sa unit at saka sa studio sa BGC para papirmahin ko si Ruby at si Francisco ng contract," paliwanag ko. "Isama mo sina Lotus at Sakura para may kasama ka, iha at medyo busy pa kami dahil may iba pang hindi nahuli na kasamahan ni ex Gen. Cabral." Kaya pala, Wyeth's father was captured by the NBI with the cooperation of my husband, my father and cousins at mga kaibigan ni Sage. Kagabi sila nahuli and it became a big news. Wyeth also is being watched. Wala
FEELING BLESSED Kinabukasan Sunday, last week of the month ay dumating nga si Bentley na may dalang package sa akin. Iyon ang pinabili ko kay Cristine. I texted Cristine and give thanks to her again. "Maraming salamat, Cristine. Bentley already gave the items." - Ako. "Walang anuman Yacinda. Gagamitin mo ba iyan?" - Cristine. "Ah, oo, before I will have a booster shot," palusot ko. "I get it, ingat ka see you soon again. Golf tayo ulit kapag day off ko," sabi ni Cristine. "Oo ba," saad ko. I also miss going playing golf na rin. Huli noong naglaro kami. Medyo tumagal pa ang aming usapan at tinapos niya dahil mag ra round na daw siya. I took a 3 pregnancy test ng umalis si Sage. All are positive. Tuptop ang bibig ko. I called my OB-Gyne na agad. Agad naman siyang sumagot. "Doctora, can I get pregnant even if naka booster ako for 6 months?" "Possible in some cases especially kapag uminom ka ng mga gamot after your vaccination. Are you pregnant? did you do a pregnancy test?
LOVE YOU TO DEATH Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Sage. He cooked for our breakfast and we ate in silence. The table was filled spoon and fork's noise only. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga plato ng sinubukan kong magsimula ng usapan. "Don't call Doctora Saedelyn Montrone na," Pilit ko. "Don't be delusional. I won't be pregnant because I took the shot. It's valid for 6 months kaya kahit 24/7 tayong gumawa ay walang makalusot..." I enlightened him. Hinugasan niya ang huling pinggan at saka inayos sa rack. Umupo siya sa harap na chair para maging magkatapat kami. Nakataas ang kanyang kilay at may maliit na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin ng pailalim sa akin. "Alright if that's what you want. I'll work from home the whole week so that I can monitor you until you're feeling well before I'll gonna go back to the office. The divorce processing was halted but still my Lawyer will talk to you about the asset sharing. All my assets..." Makahulugang sabi niya. "It's y
YOU LOVE ME Kahapon ang first Sunday ng September at ngayong Monday ay nagbakasakali ulit ako, 7:30 AM after breakfast ay nagpunta ako sa KS building baka nandoon si Sage. "Hi, thank you for your sparing your time to accomodate me," I greeted the head of the front desk and asked. "I just need to ask if somehow Mr. Kaixus Montiel is here?" Sinadya ko na ipatawag ang Manager kanina. Agad-agad niya naman akong nakilala at nakita niya ang record ko kasali sa VVIP clients nila. Nakafirst-rank pa ang pangalan ko amongst the other VVIPs kahit ako ay hindi makapaniwala. Dalawang beses lang naman ako gumamit ng helipad nila. Maybe because of my husband? Natuptop ko ang aking bibig. Don't tell me kagagawan ni Sage ito? Paano kung ma-issue kami dahil sa ginagawa niya?! Alam naman niyang ongoing pa ang proseso ng papel namin. Tsssk! Binalikan ako ng Manager na kanina ay nagpaalam para lang tignan ang aking records at may tinawagan siya. She is smiling at me kapag nagkakatitigan kaming dal
STILL WAITING Naligo ako at saka tinawagan si Samantha. She answered my call agad. "Hello, Sammy. Do you know where to rent a chopper? I needed one. Emergency, please..." I told my friend. "Yes, yung chopper sa office. Magpapasundo kaba? Saan ka ihahatid?" "Dito sa Mansion. Sa Hacienda ng mga Montiel here in San Gabriel going to Playa Caleta... May mahalaga lang akong aasikasuhin," palusot ko. "Sure! Sure, within 3 hours or most 3 and a half. Can you wait?" tanong niya sa akin. "Oo, thank you so much Sammy. I owe you a lot," I told her. "No worries. Always Welcome, Babuuu. Wait for it ha!" While waiting for the chopper ay nilabas ko ang aking isang LV na duffle bag. I will bring me my important things. May damit naman ako sa Mansion sa Caleta kaya ay okay lang na hindi ako magdala ng mga gamit. I can always buy one too. Nagulat sina kuya Queziah ng may chopper na dumating sa may tarmac nila. "You will go back in Manila, already?" tanong ni kuya Queziah. "Opo, just