Share

Kabanata Isa

"What time will I fetch you?" Tanong ni Jeremiah.

"Ahm, hindi ko alam. Libre ka ba mamaya?" Tanong ko pabalik.

Nasa loob kami ng kaniyang nakaparadang sasakyan sa tapat ng isang bahay-ampunan. Lagi ako rito tuwing katapusan ng buwan. It's like a home to me. Malaki ang naiambag nito sa buhay ko way back two years ago.

"I'll try to check my schedule, but just call or text me."

"Okay. Thank you so much. Sabi ko naman sa'yo 'di mo na ako kailangang ihatid dito."

Nagpumilit kasi siya na ihatid ako dito kahit na may trabaho pa siyang dapat na unahin. May pag-aaral pa.

"Thank me later." Tipid siyang ngumiti.

"So.... I have to go na." Ngumiti ako sabay turo sa labas gamit ang hinlalaki.

Huminga siya nang malalim. "Okay. I'll see you later."

"If you're not busy," agap ko sabay tawa. Ngumuso naman siya and I found him cute.

Jeremiah was my possessive cousin. He was like a brother to me and more than a father. Dahil lumaki akong sa kanila nakatira, sila na ang tinuturing kong pangalawang pamilya. At nagpapasalamat ako nang husto dahil doon. Never nila akong tinuring na iba. Never kong naramdaman na hindi ako parte ng kanilang pamilya.

"Sige na. Late ka na sa trabaho mo," natatawa kong sabi. "Saka thank you talaga dahil hinatid mo ako dito. Hindi ko na kailangang mamasahe pa."

"I told you you should work in our company," nagtatampo niyang sabi, trying hard to sound cold.

Bumuntong hininga ako. "We already talked about this, Ej."

"I know," agap niya. "But I just can't understand why you don't want to work in our company. I can give you any position you want."

"Fine," suko ko. Sumilay naman ang ngiting tagumpay sa kaniyang labi. "Kung sa kompanya niyo ako magtatrabaho, bilang janitress. What do you think?" I raised my right brow.

"What?!" Kunot noo niyang bulalas. Humagalpak naman ako sa tawa. His reaction was priceless!

"Just kidding," natatawa kong sabi sabay ngisi. "Ayaw ko nga! You have the choice, Ej. I'll work under your company but as a janitress."

"You're really stubborn." Iling niya, dismayado.

"I know. Kaya 'wag mo na akong pilitin pa. I have a bachelor degree. You don't have to worry 'bout me. I'm sure makakahanap ako trabaho."

He hissed and rolled his eyes. He was gripping the steering wheel, eyes on the road. He's wearing a black tux, white polo and a dark blue neck tie. Estudyante pa naman siya ngayon pero may tinatrabaho rin.

Alam kong dismayado siya sa akin ngayon. Pero wala akong magagawa. I didn't want to work with them. Hindi naman sa pagiging rebelde or walang utang na loob but I wanted something new. I wanted a challenging work. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Kapag didipende lang ako sa kanila, how would I grow up? Paano ako mababansagang "independent woman" kung ganoon?

"And please... huwag na natin pang pag-usapan ito. Baka kung saan saan pa tayo mapupunta. We already talked about this and I hope you'll respect my decision."

"Oo na," suko niya sabay lingon sa akin. "I'm sorry. I'm just concerned about you. You're donating big amount of money sa bahay-ampunan na 'to but you don't even have a work. Saan ka kumukuha ng pera? Sa drugs?"

"Drugs?" Humagalpak ako sa tawa. "Do you think drug pusher ako?" 

I could not help myself but burst into a laugh. Never in my entire life would I do that crime.

"Baka lang naman," giit niya.

Umiling ako habang natatawa.

"You're crazy, Jeremiah. May ipon naman ako sa bangko kahit papaano."

Mariin siyang pumikit habang humihinga nang malalim.

"I guess I have no choice," suko niya sabay tungo. "Kung saan ka masaya, I'll support you. And if you need my help, 'wag kang mahihiyang lumapit."

I smiled in awe. "Thank you so much, Ej. You are the best cousin! Hindi ko na alam kung papaano pa kita mababayaran."

"A smile is enough for me, Sheika. And I'm happy that I can help."

I smiled saka tinapik ang braso niya. "Guwapo talaga ng pinsan ko! Sana lahat ng lalaki katulad mo."

"Tsk. Kuya's better than me," agap niya. Kumunot naman ang noo ko sabay nguso.

"You mean... si Genesis?"

"Yeah," tamad niyang usal sabay tingin sa harap. "Anyway, late na yata ako sa lakad ko."

"Ay oo nga pala! Naku naku. Pasensiya na ha? Sige."

I unbuckled my seatbelt. Nakalimutan kong may trabaho pa siya. Ang daldal kasi e! Ang kulit kulit pa. 'Yan tuloy, natagalan kami.

"Don't forget to call me, okay?" Pahabol niya.

"Sure," sabi ko't binuksan ang pinto. "Or maybe I'll just text you. Basta baka magagabihan na ako."

"No worries," he said and smiled. 

Ngumiti rin ako saka tumango. Sa sandali pa'y sinara ko na ang pinto. Kumaway ako kahit na hindi ko na siya kita sa loob. Masyado kasing tinted ang kaniyang sasakyan.

Dahan dahang gumulong ang sasakyan hanggang sa pinaharurot na niya ito paalis. Naiwan naman ako sa kinatitirikan ko. Huminga ako nang malalim saka umikot para harapin ang bahay-ampunan. I smiled saka naglakad papunta roon.

"Good morning!" Maligaya kong bati kay Manong Garyo, ang guwardiya dito.

"Good morning din, Ma'am. Mabuti po at nakadalaw kayo. Tiyak akong matutuwa ang mga bata sa pagdating niyo." Nakangiti niyang pahayag.

"Naku, Manong Garyo. Eh alam niyo naman pong tuwing katapusan ng buwan ako pumupunta dito."

Pero minsan kapag busy talaga ako sa trabaho, wala sa schedule ang pagbisita ko. But at least nakakabawi ako.

"Ay sige po. Pasok na po kayo." Binuksan niya ang gate.

"Sige po. Salamat." Ngumiti ako saka bumaba ng lebel ng katawan para makapasok sa loob.

Kagaya ng laging bumabati sa akin, ang ingay ng mga dahong sumasayaw na tila masayang masaya sa pagdating ko. Tinahak ko kaagad ang mahabang corridor na nasa gilid. Masaya ako dahil nakapunta ulit ako dito. Wala man akong dalang pagkain para sa mga bata, siguro ang perang dala ko ngayon ay sapat na para makakain silang lahat.

"Sheika?" Rinig kong tawag sa akin sa hindi makapaniwalang boses. Umikot ako at nakita ko kaagad ang madreng nakaputi at kulay blue ang takip sa kaniyang ulo.

"Sister Chriselle!" Nagagalak kong sambit saka nag-half run papunta sa kaniya na ngayo'y malapad ang ngiti sa labi.

"Naku, ikaw talagang bata ka! Hindi ka man lang nagpasabi na bibisita ka ngayon!" Litanya niya sa gitna ng ngiti.

"Good morning, sister." Bati ko't nagmano sa kaniya.

"Pagpalain ka ng Diyos, anak." Aniya. "Kanina ka pa ba dito?"

"Ah, hindi po. Kararating ko lang halos."

"Hinatid ka ba dito ng pinsan mo?"

"O...po." ngumisi ako.

Kilala niya si Jeremiah dahil minsan ng dumalaw ang pinsan ko dito. It was his day off at wala siyang magawa kaya dinala ko siya dito kesa sa magpunta pa ng bar. Mula noon, dumadalaw na siya dito. Minsan nagdodonate siya ng pera lalo na kapag sadya niya talagang manatili.

"Ay sayang naman at hindi na pumasok pa rito." May halong lungkot sa boses niya.

"May trabaho pa po kasi siya, sister. Pero huwag po kayong mag-alala, susunduin niya po ako mamaya. Baka po e makadalaw siya kahit ilang minuto lang."

"Ganun ba? O sige sige. Kumain ka na ba?"

"Opo. Ang mga bata po?"

"Ayon, nasa loob. Katatapos lang nilang mag-almusal."

"Ah. Tama lang po. Wala po akong dalang pagkain." Tumawa ako nang mahina.

"Aysus ano ka ba! Ayos lang 'yon, hija. Sobra sobra pa nga ang binibigay mo sa amin e."

Napawi ang ngiti ko sa hindi malamang dahilan. Parang kinurot ang puso ko nang may naalala akong bata na ngayo'y dalawang taong gulang.

"Si..." I trailed off. "... si Israel po?" 

Nagbaba ako ng tingin saglit pero kaagad ding ibinalik sa kaniya iyon na ngayo'y nakangiti. Inangat niya ang kaniyang kamay at hinawi ang takas kong buhok.

"She's fine, anak. Nasa kaniyang silid siya ngayon. At nakasisiguro akong magiging masaya siya sa pagbisita mo."

Tipid na ngiti ang iginawad ko. I was hurting at this moment. Felt like my heart was crumpled like paper. Seeing her once again gave me a warm feeling in my chest.

"M-Maari ko ba siyang makita, sister?"

"Oo naman! Halika."

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at naunang maglakad. Nagpatianod naman ako na parang isang bata. My heart was beating in a crazy rhythm.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status