Share

Kabanata Tatlo

"S-Sinabi ba kung sino, sister?" Tanong ko.

Ang ibang donor kasi ay hindi nagpapakilala. Mayhaps to keep their privacy or reputation.

"Si Mr. Hans Estrabo, Sheika!" Masayang sagot ni Sister Chriselle.

Hans Estrabo? Parang pamilyar ang kaniyang pangalan. Kung hindi ako nagkakamali, kilala siya ni Genesis.

"Kilala ba mo siya, anak?" Tanong ni Sister Jenevive.

"H-Ho? Sounds familiar lang po."

"Ah." Tumango siya at hindi na muling nagtanong po.

"Actually lagi siyang nagdodonate ng pera dito. Usually kalahating milyon lang ang pinakamataas. Nakakagulat lang dahil dalawang milyon ngayon," si Mother Superior.

"Eh baka naman big time na talaga si sir!" Masayang konklusyon ni Sister Jenevive.

"Baka nga." Tumawa si Sister Chriselle.

Buong hapon ay wala akong ibang inisip kundi ang tungkol kay Hans. He must be very rich. Two million, 'yon! Kung pera ko 'yon, sapat na 'yon sa dalawang taon kong pamumuhay sa mundo. One million will be for me at ang isang milyon ay para dito sa bahay-ampunan.

"'Nay?" Gumuho ang lahat ng imahinasyon ko nang narinig ko ang boses ng aking anak.

"Yes, baby?"

Tumayo siya sa harap ko. Nasa playground kami ngayon. Nakaupo ako sa bench.

"Kailan ka ulit dadalaw dito?"

I smiled at her. "Depende, 'nak. But I'll try to visit you often times. Malayo kasi ito e." Paliwanag ko.

Fifty kilometers ang tatahakin ko para makarating dito. Knowingly I didn't have my own car at ayaw ko namang magpahatid palagi kay Jeremiah, paminsan-minsan lang talaga ang dalaw ko rito.

"Babalik ka pa naman po, 'di ba?"

"Oo naman, 'nak. Bakit mo naman natanong 'yan?"

"E kasi po mamimiss kita, 'nay."

Nagbabadyang tumulo ang kaniyang luha. Uminit naman ang sa akin. Sobra akong nasasaktan para sa kaniya. I knew I should be the one to take care of her pero hindi eh. At pakiwari ko'y wala akong kwentang ina. I got pregnant at the age of 23 na hindi man lang alam kung sino ang ama.

Wow, Sheika. Unbelievable! I've never known any woman like you na may anak pero 'di man lang alam kung sino ang ama nito.

Hinawakaan ko ang magkabilaan niyang pisngi. Pinunasan ko ang lumandas na luha sa kaniyang pisngi gamit ang hinlalaki. 

"Mamimiss ka rin ni nanay, baby. Sorry ha? Hindi kita puwedeng iuwi."

"Pero bakit po?" Umiiyak niyang tanong. "Hindi niyo po ba ako mahal?"

Umiling kaagad ako. Parang pinipiga nang husto ang puso ko. Kung alam niya lang kung gaano ko siya kamahal.

"Mahal na mahal ka ni nanay, Israel. Pero kailangan muna kitang itago sa lahat," umiiyak kong sabi.

"Bakit po?"

"Shsh." Niyakap ko na lang siya.

Alam kong hindi niya pa ako maiintindihan sa ngayon. She was still too young and innocent. Someday, if she's mature enough, maiintindihan niya kung bakit ko ginagawa ito. Para sa kaniya lang din ito.

Pagkatapos ng iyakan ay nilaro ko siya para malihis ang kaniyang iniisip. Mabuti at bumalik muli ang ngiti sa kaniyang labi. I could not stand watching her cry before my eyes. Hindi ko kaya lalo na kung ako ang dahilan noon at wala man lang akong magawa para sumaya muli siya.

Three o'clock in the afternoon ay kumain sila ng merienda. At dahil busog pa ako at wala akong ganang kumain, I excused myself. Mabuti at pumayag naman ang mga madre at 'di na ako pinilit pa.

Kinuha ko ang aking telepono para i-text si Jeremiah. I hope he's not busy right now.

Ako:

May kilala ka bang Hans Estrabo?

That name kept bothering me. Hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin ang lalaking iyan. I just could not believe people like him existed in this world. Siguro pinagpala talaga siya sa yaman.

Kinse minuto ang lumipas bago dumating ang mensahe ni Jeremiah. Ayos lang sa akin iyon dahil alam kong nasa kalagitnaan siya ng trabaho ngayon.

Jeremiah:

Sorry late reply. Yup I know him. Why?

Napalunok ako sa tanong niya. Bigla akong dinalaw ng kaba.

Tumunog ang telepono ko at nakita ko kaagad ang pangalawa niyang mensahe.

Jeremiah:

Hans Gilbert Estrabo is his real name. He's a korean tycoon na may malawak na lupain for their real estate. He's an English speaking businessman. Ano pa ba ang gusto mong malaman? Na mas guwapo ako kesa sa kaniya? Yup, Sheika. I'm way better than him.

Napangisi ako sa huli niyang salita. Kahit kailan talaga 'tong aroganteng 'to. Lahi na talaga nito ang pagiging hangin.

Ako:

Loko ka! I'm just curious about him. Nag-donate kasi ng two million pesos dito sa bahay-ampunan. He must be very rich, huh?

Ilang minuto ang lumipas bago dumating ang kaniyang mensahe.

Jeremiah:

Just kidding. And yeah, he's very rich. He owns thousand hectares of real estate.

Now I knew why it was so easy for him to donate two millions. Barya lang pala 'yon sa kaniya.

Ako:

Thanks for the info.

Binalik ko na ang cellphone sa bag ko at bumalik sa loob. Paniguradong tapos na silang kumain at busog na rin.

Nilubos ko ang huli kong mga oras sa paglalaro kay Israel. Gusto kong hindi niya makakalimutan ang huling sandaling kasama niya ako. Gusto kong hahanap-hanapin niya ang mga alaalang iyon, nagbabasakaling hindi lalayo ang kaniyang loob sa akin.

Aminado akong natatakot akong lumaki si Iza na hindi ako ang kinikilalang ina. Who would be happy with that? It's like losing a child forever. At ayaw kong mangyari iyon kaya hangga't kaya ko, bibigyan ko siya ng rason para kilalanin niya ako bilang kaniyang ina. 

Six in the evening ay nagkaroon kami ng prayer for the Holy Rosary. Gawain nila ito tuwing pagpatak ng ganoong oras. At pagkatapos ay kakain ng hapunan.

"Maraming salamat po, sister. Maraming salamat sa lahat at lalo na sa pag-aalaga kay Iza." Sabi ko nang pauwi na ako. Ang sabi ay papunta na si Jeremiah.

"Walang anuman, Sheika. Masaya kaming nakakatulong kami sa iyo." Si Mother Superior sa gitna ng ngiti.

I stiffened. Naiiyak ako dahil kailangan ko ng umuwi. Isang buwan na naman ang lilipas bago ako makakabalik dito. Mamimiss ko silang lahat lalo na ang aking anak.

I smiled with tears. "Hindi ko po alam ang gagawin ko kung sakaling wala po ang bahay-ampunan niyo."

"Ay sus." Si Sister Chriselle. "Nakakatulong ka rin naman sa amin, anak. Saka pamilya tayong lahat. Ang pamilya ay nagtutulungan at nagdadamayan."

"Salamat po."

"'Nay?"

Napatingin kami sa isa't isa nang narinig namin ang boses ng batang babae. Hinanap ko kaagad siya na ngayo'y nakasuot nang pantulog habang hawak hawak ang brown teddy bear.

"Baby..." sambit ko't lumuhod sa kaniyang harapan.

Her hair was straight at bagsak na bagsak. Makintab ito lalo na't naiilawan. And what I loved the most is her eyes. Kulay kape. 

"Mamimiss kita, 'nay. Balik ka kaagad ha?" Nakalabi niyang sabi.

"Oo naman, 'nak. Mamimiss din kita. Pagbalik ko, maraming teddy bears. Gusto mo ba 'yon?" Ngumiti ako, trying hard to hide my real emotion. I wanted to break down.

"Gusto ko ikaw, 'nay. Ayaw ko pong umalis ka. Dito ka nalang po." Naiiyak niyang sabi.

"Iza..." tawag ni Mother Superior. Nag-angat ako saglit ng tingin sa kaniya saka kay Israel muli.

"Babalik naman si nanay, 'nak. Pangako ko 'yan."

"Talaga po? Pangako?"

"Oo naman! Basta magpakabait ka dito ha? Huwag kang maging pasaway na bata. Ayaw ni nanay sa ganoon."

"Opo, 'nay." Ngumiti siya, making me feel relieved. "Pangako po."

"'Yan! So ano bang gusto mong pasalubong?"

"Gusto ko po ng maraming tsokolate, 'nay! Gusto ko pong bigyan ang mga kaibigan ko!" Nagagalak niyang pahayag.

Napangiti ako dahil doon. Mabuti nalamang at nakumbinse ko siya. Ayaw kong umalis na hindi siya maayos.

"'Yon lang ba? O sige, bukas magpapadala ako ng maraming tsokolate. Ayos ba 'yon?"

"Opo!" Ngumisi siya, revealing her little teeth.

I hugged her again. Matagal-tagal din bago ko siya mayakap ulit. Kung puwede lang na hindi na matapos 'to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status