Napakalma ko na si Israel kahit papaano. Tumayo na ako saka binalingan ang mga madre na ngayo'y natutuwa.
"Mabuti at napaamo mo," nakangiting pahayag ni Sister Jenevive. "Hindi pa naman madaling patahanin si Iza."
"Oo nga," segunda ni Sister Chriselle. "Edi wala tayong problema."
May bumusinang sasakyan sa labas. Tingin ko si Jeremiah na iyon. Anong oras na rin ngayon. Baka mag-aalas diyes na ng gabi.
"Ayan na pala ang guwapo mong pinsan!" Teased by Sister Susana.
"Naku..." nahihiya kong bulalas.
Ang sabi niya sa akin noon na akala niya nobyo ko si Jeremiah dahil sa pagiging caring nito. Ganoon lang talaga si Jeremiah. Kahit naman kay Fiall maalaga siya. Minsan inaaway niya kasi 'yon ang love language niya.
"Oh sige na. Anong oras na't madilim na sa daan," si Mother Superior.
Lumuhod muli ako sa harap ni Israel na ngayo'y nakangiti. Nabuhayan kaagad ako ng pag-asa. She's my hope. My Hope Israel Fernando.
"Aalis na ang nanay, 'nak. Huwag mong kalimutan ang mga bilin ko sa'yo, okay?"
"Opo, 'nay." Hinalikan niya ako sa labi. "Mag-ingat po kayo, 'nay." Then she grinned.
I smiled and planted a kiss on her forehead. "I will, 'nak. Mag-iingat ang nanay para sa'yo. Wait for me, okay?"
"Opo!"
And for the last time, I hugged her tight. For sure I would miss my little angel. At dahil sa kaniya, I would dream high. Iaahon ko ang aking sarili. Gusto kong maging mabuting ina sa kaniya. Gusto kong ibigay lahat ng kaniyang pangangailangan. At gusto ko na rin siyang makasama sa iisang bubong.
Nasa labas na kami. Nakipag-usap pa sila kay Jeremiah na ngayo'y nakangiti. Mabuti na lamang talaga at walang taglay na kasungitan itong lalaking 'to. Mukha lang seryoso pero kalog pala.
After the short chitchats ay tumulak na kami. Tahimik lang ako buong biyahe. Wala naman akong dapat na ikuwento dahil alam na niya ang mga nangyari sa araw na ito. Siyempre tinuturuan ko ang mga bata ng magagandang asal at nakikipaglaro na rin sa kanila.
Jeremiah didn't know about Israel yet. Kagaya nga ng gusto kong mangyari, pribado lang ang kaniyang buhay. Kahit sino pa 'yan, ayaw kong ipaalam sa kaniya ang tungkol sa bata. At nakiusap na rin ako sa mga madre. Mabuti at nakipag-cooperate naman sila. Walang ibang nakakaalam kung 'di kami lang. Even Manong Garyo didn't know about my daughter.Huminto ang sasakyan dahil sa traffic. Sakto namang nasa tapat kami ng isang bar.
Bar.
Dito nangyari ang isang kasalanan na hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba o hindi. Wala naman akong regret na kinikimkim sa aking puso. Kagaya nga ng lagi kong sinasabi sa aking sarili, babies were gift from heaven. They were wonderfully made by God's love. Kaya ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na malas ako dahil sa pagkakaroon ng anak na hindi man lang alam kung sino ang ama.
"You okay?"
Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang narinig ko ang baritonong boses ni Jeremiah. Nilingon ko siya habang nakahawak sa d****b. Pakiwari ko'y kanina pa gumugulong ang kaniyang sasakyan.
"H-huh? O-Oo naman," pagaring kong sagot.
"I was talking to you. I guess you didn't hear a thing since you're not responding."
"I-I'm sorry. Siguro pagod lang ako," pagdadahilan ko which was partially true.
"I see. Dapat ay magpahinga ka na pagdating natin sa bahay."
"Ah oo. Tama ka," sabi ko nalang at nag-iwas ng tingin.
Kinakabahan ako kahit wala namang dapat na ikaganito. Pero marahil sa paglilihim ko kaya ako nagkakaganito.
The rest of the ride was silent. Hindi na siya umimik pa at maging ako. I had nothing to say, anyway. And I preferred to shut my mouth to avoid misinterpretation. Ikanga, "Less talk, less mistake." Iba pa naman 'tong si Jeremiah kasi machismoso.
Pinarada na niya ang sasakyan sa garahe. Baka gising pa sila tita dahil may ilaw pa sa loob.
"Mom's been waiting for you," bigla niyang sabi.
"But why?" Kunot noo kong tanong, nagtataka.
"I don't know." Kibit balikat niya. "Maybe for business proposals?"
"God, Jeremiah. I already told you I'm not interested with any business proposal."
"Relax," natatawa niyang sabi.
Umiling nalang ako saka kumalas sa seatbelt.
"Hindi ko talaga alam kung bakit. You better find it for yourself," nakangisi niyang sabi.
Umirap ako saka binuksan ang pinto at lumabas. Pagkatapos ay naglakad na ako papasok ng bahay. Hindi ko na hinintay si Jeremiah.
Nang nakapasok na ako sa loob ay bumungad sa akin ang maliwanag na ilaw. Halos lahat ay nandito at gising na gising pa. Wala yatang balak na matulog.
"Hija!" Maligayang bati sa akin ni Tita Jane.
"Tita," sambit ko pabalik at nakipagbeso sa kaniya.
"Kumusta ang lakad? For sure pagod ka na," aniya.
Tita Jane was the sister of my mother. Siya na ang tumayo bilang pangalawang ina at pangalawang ama naman ang kaniyang asawa. Their boys were like brothers to me kahit na mga pinsan ko lang sila. At nagpapasalamat ako nang husto dahil maayos ang trato nila sa akin. Kung sa iba pa ako nakatira, I could not imagine my life. Siguro ay hindi ako ganito ngayon.
"A little bit. Pero teka, wala po ba kayong balak na matulog?"
"Meron naman. Ano ka ba." She laughed richly. "It's just that, we are busy in work."
"Ah. Ganoon po ba?"
"E ikaw? Anong balak mo sa buhay? Ej told me nagdodonate ka ng pera sa isang bahay-ampunan."
Nilingon ko si Jeremiah with my dismay look. Nagkibit balikat lamang siya sabay inom ng pulang alak.
"Opo. Bawat katapusan ng buwan," sagot ko at binalingan ang kausap.
"Ganoon? Saan ka kumukuha ng pera? I mean, don't get me wrong, okay? Kasi wala ka namang trabaho. Paano ka nakakapagbigay ng pera doon?"
"I have my savings, tita."
"Hay naku..." bumuntong hininga siya. "Sabi ko naman sa'yo na sa kompanya ka na namin magtrabaho. You can be the chief of staffs."
"Tita..."
"I know, Sheika," agap niya. "It's just that... mataas naman ang sahod. Saka makakatulong rin kami para makapagbigay ka ng donation sa bahay-ampunan. What's wrong with that?"
"Huwag mo ng pilitin, wife. Ayaw nga niya," si Tito Joseph na ngayo'y nakapambahay na.
"Tito." Sambit ko't lumapit sa kaniya para magmano.
"Ayaw mo ba talaga sa kompanya namin?" Tanong niya.
"Tito naman!" Reklamo ko. Tumawa lamang siya.
"Eh kasi naman, hija. We can give you any position you want-"
"Janitress could be," putol ko.
"Janitress?!" Si tita kaya napalingon kami sa kaniya. Sa tono ng kaniyang boses ay parang minamaliit niya ang trabahong iyon.
What's wrong of being a janitress? As long as it's a decent job, I have no problem with that.
"Come on, pamangks! Janitress you want? Ano nalang iisipin ng Mama mo? Ginagawa ka naming alipin?"
"Joke lang po. I have no choice."
Napasapo si tita sa kaniyang noo at umiling. "Ah bahala ka. But if ever you'll change your mind, don't hesitate to call for a help. We can provide you anything."
"Thanks, tita. Actually," umupo ako sa sofa bed. "... kaya po ayaw ko sa kompanya niyo ay para maghahanap ako ng trabaho. I want to be independent, tita. At magagawa ko lang 'yon kapag hindi ako hihingi ng tulong mula sa inyo. Sigurado naman po akong kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa."
"It's a big disgrace in our part, Sheika," singit ng malamig na boses.
Hinarap ko siya na ngayo'y nakalong sleeve gray shirt, black jeans at may relong ginto.
"It's like you don't see us as your family."
"Hindi naman sa ganoon, Genesis," giit ko. "Just like I said, I want to be an independent woman. At magagawa ko lang iyon kung hindi ako aasa lagi sa mga tulong niyo."
"Tama na 'yan," si tito. "I understand, Sheika. At pasensiya ka na kung ginugulo ka namin."
"Tito naman."
Bumuntong hininga ako. Sana ay maintindihan nila ako. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayaw kong palagi na lamang akong umaasa sa kanila. They could provide me everything I wanted and needed. Tama iyon. Pero kung lagi ganito ang sitwasyon, na laging sinusubo sa akin ang lahat, I would never learn a thing. I would never grow up. At ayaw ko ng ganoon. Gusto kong may mapatunayan sa aking sarili. I wanted to be a better version of myself hindi lang para sa sariling interes kundi para na rin kay Israel.
"Pasensiya na, Sheika," si tita. "O sige ganito nalang. Hindi ka na namin pa kukulitin tungkol dito. At mas mabuti pang magpahinga ka na."
"Thank you for understanding," matamlay kong sabi saka tumayo.
Nilingon ko pa si Genesis na ngayo'y dismayado sa akin. I turned to Jeremiah, Matthias, and Rex na ngayo'y tahimik akong pinapanood. Sa isip ko'y umiling ako. Umalis na lamang ako sa kanilang harapan at dumiretso sa aking silid. After all, ako pa rin ang masusunod. This was my life. No one could ever dictate me what to do. But if I failed, it only meant tao ako. And I would take it positively. I would gather all the lesson learned at isasabuhay ko ito para maiwasang maulit ang pagkakamali.
Pagkapasok ko sa kuwarto ay sinarado ko kaagad ang pinto. Diretso kong tinahak ang lagayan ng aking laptop. I was starting to lose my mind. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako matatahimik.I wanted to know who was Hans Estrabo. Nakalimutan ko kasing magtanong nang magtanong kay Jeremiah. At saka baka ano pa ang iisipin noon.Binuhay ko ang aking laptop. Nilapag ko ito sa mesa saka ako dumipa roon. Nang naprogram na ito nang maayos ay binuksan ko ang isang application na kilala sa letrang G.I immediately typed "Hans Estrabo". Mabuti na lamang at may access sa wifi ang laptop. Saka may wifi talaga dito sa bahay. Sadya iyon para kung sakaling may kailangang hanapin at nasa bahay sila, mapapadali na lamang ang trabaho.Ilang segundo ang hinintay ko bago lumabas ang larawan ng isang lalaki. At kapag minamalas nga naman, hindi personal na impormasyon ang nakalagay sa kaniya. Sinasabi lang dito na isa siyang kor
"Pero maiba ako," umupo ako sa gilid ng kama. Nangangalay na ang paa ko. "I thought that man named Hans is Zette's boyfriend. Para kasing in love siya sa babae.""You think so?" Umupo siya sa harap ko."Oo." Tinignan ko siya nang diretso.Kung ibang babae lang ako, panigurado akong hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya. His grey eyes were magnetic. Para akong hinihigop nito."I see," he said."Kailan mo ba siya ipapakilala sa akin?"Itinukod ko ang aking mga palad sa higaan habang nakatingin sa kaniya nang diretso."Maybe the next days.""Alam na ba ni tita iyon?""Yup. Nandito siya kanina.""Kanina?!" Gulat kong bulalas at umawang ang labi."Bakit? May problema ba?"Hinampas ko siya sa braso. Nagulat naman siya dahil sa ginawa ko."'Di mo sinabi na pinapunta mo pala siya dito kanina!" Angil ko."You have your monthly visit in bahay-ampunan, right?""Ha?" Kumunot ang no
Matapos ang bangayan na iyon ay tinapos ko na ang aking pagkain. Kahit na nawalan ako ng gana, inubos ko pa rin ang pagkain sa plato. Maaaring tama si tita. Mapapasubo ako sa labanang ito. Hindi ito ang unang pagkakataon na magbilang ng poste but I hoped kagaya ito dati na isang beses lang ay pasok kaagad ako. Alam kasi nilang pamangkin ako ni Mr. Joseph Vallejo."Dito nalang," walang emosyon kong sabi. I immediately unbuckled my seatbelt. "Thanks for the ride."Hindi siya umimik which made me lose myself. Ayaw na ayaw ko sa ganitong eksena. Hindi ako sanay na hindi siya kinakausap. Sa pagiging makulit kasi nito, mapipilitan kang kausapin siya. Kaya heto ako ngayon, nagkakandarapa."I'm really sorry about what happened," he suddenly said.Saglit na naputol ang paghinga ko pero kaagad ding nakabawi. Tuluyan ko ng tinanggal ang nakapulupot na seatbelt sa aking katawan."It's nothing," walang
Bigo akong lumabas mula sa fastfood chain. Sayang talaga! Hindi ko naman kasi ginustong mangyari iyon! Gusto ko lang makasiguro na hindi panloloko ang alok ni Hera. At malay ko bang sekretarya talaga 'yon ni Hans? Hindi ko naman kasi siya kilala! Hindi na kasi ako naghanap pa ng mga impormasyon tungkol kay Hans.Grabe, Sheika! Kaloka ka talaga! Pera na, naging bato pa! Sayang 'yong pagkakataon!Pero siguro ganoon talaga. Hindi naman kasi laging papanig sa iyo ang tadhana. Baka naman kasi sinusubok ka lang. Baka patibong lang ito na kailangan mong iwasan. Malay mo e mapapahamak ka lang sa kompanya nila?Pero paano ko naman naisip iyon? May pruweba ba ako? Naranasan ko na ba? Saka hindi ko pa nga sinubukan, hinusgahan ko na kaagad. Ni hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon.My god, Sheika! Kapag tatanungin ka ni Jeremiah tungkol dito at ikukwento mo lahat ng detalye, baka pagtawanan ka lang! Aasarin ka no
Tatlumpung minuto ang hinintay ko bago dumating sa labas ng mall ang sasakyan ni Jeremiah. Kaagad akong pumasok at sinuot ang seatbelt."How's your day?" Tanong niya kaagad."Ayos lang." Sagot ko habang inaayos ang aking buhok. "Ikaw ba? Ba't ang aga mong umuwi?""Wala kaming prof.""Hmm. Wala ka na ring lakad?""None. Ikaw? Meron ba?"He started the engine and drove away."Wala na rin," sagot ko sa nauna niyang tanong."Wala na rin? So madami kang naging lakad ngayon?" Siningkitan niya ako ng mata."Malamang. Olats 'yong una eh.""Is there something I should know?" He concluded, sounding suspicious.I peered at his side, bewildered. What was he talking about? He was making me uncomfortable."Ako?" Humalakhak ako. "You're crazy!"Oh, god! Si Jeremiah po ito! Jusko!Sumeryoso siya. Napalunok kaagad ako. I knew what it meant. Alam niyang naglilihim ako. Pero anong lihim ba ang alam niya?
"Puwede bang mag-request?" I asked Jeremiah after the dinner. Wala raw siyang magawa kaya tumatambay siya sa kwarto ko."What is it?" Mataman niya akong tinignan."I promised kasi na magpapadala ako ng chocolates sa bahay-ampunan. Can you do it for me? Ikaw nalang ang bumili at magpadala. Ito oh,"I handed him the money which he accepted."Use that money to buy chocolates. Don't forget Israel's favorite chocolate bar ha?""When will I deliver the chocolates to them?""As soon as possible. Wala ka bang lakad bukas?""May klase pa ako.""What about the other day?""Hmm," he mentally decided. "I'll see what I can do. Sure na ba na may trabaho ka na bukas?""May final screening pa raw eh. Tignan ko nalang kung anong magagawa ko.""Good luck. I know you can do whatever your heart desires. Tell me if you need my help.""Focus ka nalang sa pag-aaral mo. Saka maghanap ka naman ng ibang babae. Marami diyan, E
"Nabusog ka ba? Parang konti lang ang kinain mo," puna ni Jeremiah nang makabalik kami sa sasakyan niya.It was past twelve in the morning when we decided to go home. Mabuti nalang wala akong pasok bukas dahil sobra 'yong pagod ng katawan ko ngayon. Binugbog ko talaga ang sarili sa trabaho plus 'yong pag-commute ko pa ay mahirap. From Pampanga to Quezon. Next time magpapalipat na ako o lilipat ako."Nabusog naman ako kahit papaano," sagot ko. "Ikaw ba?""I guess so. Iba pa rin ang lutong ulam sa bahay.""True," humalakhak ako. "Tara na uwi na tayo. Inaantok na ako.""All right," he responsed and we drove away.The following morning, alas dies na ako nagising at bumangon. I checked my atm card kung may pumasok na bang pera mula sa tinatrabahuan ko. Napangiti akong makitang nakakuha na ako ng sahod.I took a quick bath and changed into pink shirt and short s
"Woah! You look like a teenage daydreamer," komento ni Jeremiah nang nakalapit ako sa kanya.After four hours of waiting, dumating na rin siya. 'Di ko nga alam kung makakahabol pa ba ako. It's past three in the afternoon. Plus biyahe pa namin papuntang bahay-ampunan."Oh thank you," I replied. "How was the school?""Same old thing. Nothing's new." He shrugged. Nakapatong ang braso niya sa ibabaw ng pintuan ng kanyang sasakyan."Tara na ba? Late na tayo.""Okay!"Tumulak na kami bago pa man kami magabihan sa daan. Habang nasa biyahe kwentuhan lang kami kung anong ganap sa araw niya ngayon. Sabi niya may nakilala raw siyang "new face" and it meant new girl."Is she nice to you?" I asked him."Everyone is nice to me. Guwapo ako eh," he bragged."Kahit kailan talaga." Umiling nalang ako. "Then? Naglalaro ka pa ba ng volleyball?""Yup. Minsan nalang."Sa Bohol kasi 'yon lang ang inaatupag niya— ang paglala
The car arrived outside St. Claire's big gate. Pinagbuksan si Hans ni Tacio ng pinto at lumabas kaagad ang binata. He tugged his tux down and preened his hair."Good morning, Sir Hans!" bati ng guwardiya sa kaniya nang nakangiti."Good morning," he replied, emotionless.Pumasok na siya sa loob ng St. Claire. Sinalubong siya ng tanawing ang mga bata ay abala sa pagtatanim at paglilinis ng bakuran. He roamed his eyes around, wondering if he could see a familiar face of a woman.Lumabas ang mga madre mula sa kusina. Kaagad nilang nakita si Hans na nakatayo 'di kalayuan mula sa kanila."Sir Hans!" nagagalak nilang tawag.Hans looked at them. Tipid siyang ngumiti saka tinaas lang ang kamay."Good morning, Sir Hans," bati ng mga madre sabay yuko sa koreano. Ganoon din ang ginawa ng binata."Good morning. I just made a sudden visit," Hans stated,
Sheika went home straight and checked her bank account. Lagpas limampung libo na rin ang naipon niyang pera. Maybe that was enough to buy a lot or kahit downpayment lang muna. Naghanap siya online ng binibentang lupain. Puwede na siguro ang malapit sa dagat. Puwedeng maglaro doon si Israel. She found one pero sold na pala. Sayang naunahan na siya. It was even perfect for sunset viewing. Sa baybayin kung saan doon lulubog ang araw. May kumatok sa pinto niya. She closed her laptop and stood up. Pinagbuksan niya kung sino man iyon. Bumungad ang pagmumukha ni Immanuel. He was sad, or more like felt sorry for Sheika. "I'm all ears, Sheika," ani Immanuel. Tipid na ngumiti ang dalaga at bumalik sa kaniyang higaan. She sat on the edge of her bed, Immanuel followed. "Isaiah can't tell me what happened to you. It would be better if I'll ask you directly."
Vans, who was sitting comfortably on his chair, slid the paper against the table, reaching it towards Sheika who was standing across from him."I have signed your resignation letter, Chef Fernando. I hope it will give you peace," Vans stated and brought his legs down. Tumayo siya at inayos ang kaniyang necktie. "It's an honor to work with you. For the short span of time I have witnessed how incredible you are as an employee. I am saddened for your sudden resignation but I can't hold you if you really want to go. I respect your personal issues."Yumuko si Sheika sa harap ni Vans."Thank you, Sir Vans. I know things aren't good between us but I still respect you as a person.""May I know what is your next plan? Are you planning to look for another job?""I don't have any plans yet, Sir Vans, but this is for the better.""Won't you regret resigning?"Sheika s
Pumasok na si Sheika at dala na niya ang resignation letter. Alam naman niyang wala si Sir Vans ngayon pero nagbabasakali pa rin siya. Wala kasing sekretarya ang koreanong 'yon unlike kay Hans. Iaabot nalang sana niya sa sekretarya."Magreresign ka na pala, chef? Bakit naman?" tanong ni Donny na nalungkot nang mabalitaan ang pag-resign ng chef."May kailangan lang akong asikasuhin. Ayoko namang madamay ang restaurant dahil doon.""Eh kailan ka babalik, chef? Mamimiss ka namin dito."Malulungkot din naman si Sheika sa pag-alis niya. Napamahal na siya sa restaurant. But some things were needed to end before they break and hurt her.Sheika smiled weakly. "I'm not sure, Donny. But, I'm really honored to work with you all. I can say I grow as a person and also as a chef. Marami akong natutunan mula sa inyo."May namuong luha sa mata ni Donny. Pinalis niya kaagad iyon at ngumiti
"Your Appa told me you once handled your restaurant and now you're taking over the company," pahayag ni Ms. Ryu habang mabagal na ngumuya ng kaniyang pagkain. Ang dalawang kamay ay abala sa paghihiwa ng lutong karne."Yes, but he let Vans run the restaurant instead. He kicked me out of the restaurant."Natigil sa pagnguya si Ms. Ryu dahil sa narinig. Ang pagkakaalam niya, sabi ni Lans Estrabo sa kaniya ay si Hans ang umalis sa restaurant dahil gusto niyang patakbuhin ang real estate nilang negosyo. Sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo?"Is that so? Maybe you did something to displease him," tantiyadong sabi ng dalaga."I never, not even once, I failed Appa. Things have changed now.""I'm sorry to hear that."Nilapag ni Ms. Ryu ang kaniyang kubyertos."Is there something I can help?" she asked him.She wanted to help beca
Nakabalik na ng restaurant si Vans at tulad ng sabi ni Hera sa kaniya ay hihintayin siya. But when he saw her, he was filled with surprise."I thought you went home already, Hera," Vans said, knitting his brows in confusion. Natagpuan niya ang dalaga na nakaupo mag-isa sa isang mesa.Hera faked a sweet smile and stood up. Yumuko ito silbi bilang galang. "I told you I will wait for you here, Sir Vans. It's okay.""God, you took all the troubles for me. Anyway, what is it that you want from me?"Gustong matawa ni Hera dahil sa choice of word ni Vans. As if she wanted something from him. Like a thing.Hera took a deep breath. "Can we talk in private?"Muli na namang nabigla si Vans. This woman was full of surprises! How far can she go for him? Hmm.Vans smirked. "Yeah, sure."Vans led the way to the private room. Su
Natagpuan ni Isaiah si Sheika na nakaupo sa gilid ng gusali at umiiyak. Agad niya itong nilapitan at pinatayo. He took her into her arms and consoled her.Umiyak lang si Sheika sa bisig ni Isaiah habang ang binata naman ay tahimik lang na pinapatahan ang pinsan. His heart was breaking into pieces. Hindi niya kayang tignan ang dalaga na nasasaktan."I'm here now," pagpapatahan niya sa umiiyak na babae.Dalawang minuto rin silang nagyakapan. Bumitaw si Sheika sa pagkakayakap at nagpunas ng luha sa pisngi. Tinulungan naman siya ng pinsan niya."Let's go home?" marahang tanong ni Isaiah. Gustuhin man niyang magtanong kung ano ang nangyari pero ayaw niyang masaktan ulit ang dalaga.Tumango lang si Sheika at 'di na nagsalita. She was led to Isaiah's car."I already cooked our dinner. Sabay na tayong kumain," wika ni Isaiah at ngumiti. Kahit 'yon lang ay maibsan man lang niya ang
Silence occupied the space between them. Nasa labas pa naman sila ng restaurant. Maraming taong dumadaan sa kanila, at ang ilaw galing sa mga poste ay para bang nanonood sa kaganapan ngayon.Gumilid ang sulok ng labi ni Hera at humalukipkip siya. "Nandito ka pa pala. I wonder how you survive working here," Hera uttered as she looked down on Sheika."I simply love what I am doing without dragging people down," Sheika taunted back. "How about you? Are you happy staining someone's name just to get what you want?""Honestly? Yes, and I won't give up until you beg me to spare your life."Napangiti si Sheika, goading her. Ngayon ay alam na niya kung ano ang problema ni Hera. She was self-entitled."Talaga ba? I won't wonder why the Big Boss dislikes me. Ikaw ang pasimuno ng lahat.""Kung sana hindi mo na tinanggap ang alok ni Sir Hans, baka payapa pa ang buhay mo ngayon. Why don
Hans told Hera to go home. Bagaman ang sabi ng sekretarya ay uuwi siya, ginawa niya ang pinapagawa sa kanya ng Big Boss.—ang susihin kung ano ang totoong nangyari kay Vans. Hera entered the restaurant proudly. Para bang siya ang may-ari nito. Sino ba ang makakapagsabi na magiging parte talaga siya ng restaurant? She could marry Hans Estrabo. "Miss Hera," bati ni Alas sa kanya nang makita siya nito. Hera chinned up, expressing how high she thought of herself. Ngumiti naman si Alas kahit na gusto nalang niyang tawanan si Hera. Feeling boss. "Is Sir Vans here?" maarte nitong tanong. Hinawi niya ang kaniyang buhok na sumaway agad sa hangin. "Mamayang hating gabi pa 'yon dito, Miss Hera. 'Di niyo ba kasama si Sir Hans?" "May dinner date siya with Ms. Ryu." "Ah, gano'n ba? Eh dapat umuwi ka na, Miss Hera." "Why do you care?" She