Stell is a member of the popular band "high-end." As a member of a famous band, he is accustomed to everything he wants, he gets. Everything he wants goes to him. Everyone praises and adores him. Everyone who likes him, walking to dangerous lane just to crossed and see him. While on the other hand, Sieme, a number one fan of high-end bands. Different from what Stell expected to Sieme, Sieme has no interest to him. For Sieme, Stell was nothing but a plain member of the band that Sieme's adore. And Stell was surprised because of Sieme's reaction towards to him. Unusual to not getting what he wanted, Stell found a way to get closer to Sieme, and that was through Aishia --- Sieme's best friend. On his way along to Semie's heart, will Stell can pass the lane? Or he will make a u-turn, to come back and find another way to another lane?
ดูเพิ่มเติมLife is full of surprises. Sometimes, we're destined to do that situation, or sometimes we can't. Everything happens just was as we expected or just was we never expect. Sometimes, in facing that trials... We can see our selves, doing the wrong thing than doing the right thing. Sometimes, we're destined to cross the line, but not everyone can crossed the line.
Lakad-takbo ang ginawa ko para lamang makaabot sa jeep na lalarga na patungong skwelahan. Tumawag kasi kanina si Sieme na hinahanap ako ng Prof namin dahil kailangan na raw 'yong list sa mga bumayad para sa color party na gaganapin next week.
"Manong wait lang!" Sigaw ko no'ng pinaandar na 'yong makina ng jeep.
Nakita ako no'ng driver kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko bitbit ang mga papel kung sino 'yong nagbayad para sa color party. Hindi ko na napasok sa folder o cellophane man lang dahil sa pagmamadali at late narin ako.
Napapikit ako no'ng biglang may bumangga sa balikat ko at nahulog lahat ng papel na hinawakan ko. Hingal na hingal akong napatayo habang tinitingnan ang mga papel na nagkalat sa harapan ko.
"I'm sorry Miss. 'Di ka kasi nag-iingat." Narinig kong aniya bago siya lumuhod at sinimulang pulutin ang papel na nagkalat.
Napapikit ako bago pinulot ang mga papel na nagkalat sa daan. 'Yong ibang papel ay nililipad nang hangin kaya mas inuna ko 'yong malayo at mas binilisan ko ang pagpulot. Nalulukot pa 'yong iba habang hinahawakan ko.
Nang wala na akong makitang papel, tumayo na ako at nakatayo narin sa harapan ko ang nakabangga sa akin.
"I'm really sorry Miss. Here's the paper," sabi niya at inilahad sa akin ang papel na napulot niya.
Nakasuot siya ng cap at facemask kaya hindi ko makita ang mukha niya. Nakahoodie siya at simpleng jogging pants at sapatos. Mukhang kagagaling sa jogging.
Kinuha ko ang papel na nakuha niya at tinanguan siya. Wala akong sinabi at dire-diretsong pumunta sa jeep na nakaabang parin sa akin.
Pagpasok ko, masama na ang tingin nang ibang pasahero sa akin. Siguro naiinis dahil ang tagal ko at may oras din silang hinahabol.
Pagkababa ko sa jeep, dumiretso kaagad ako sa gate at dali-daling t-in-ap ang I.D ko para makapasok. Mabuti nalang at hindi ko ito nakalimutan.
Pagdating ko sa room, na-late 'yong prof kaya dali-dali akong umupo at inayos ang sarili ko.
"Ba't ba kasi ang tagal mong gumising?" Tanong ni Sieme habang pinupunasan niya ang likod ko gamit ang panyo niya.
"Nanood ako ng Squid Game kagabi. Tinapos ko lahat kaya matagal akong nakatulog." Sagot ko.
Nakita ko pa ang mukha niyang ngumiwi kaya umiwas ako nang tingin.
"Nagpupuyat ka diyan? Hindi ka naman bibigyan nang dollars nila pag napuyat ka." Aniya.
"Ikaw nga nagpupuyat..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko no'ng maramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa dulo nang buhok ko.
Natapos ang klase na parang walang nangyari. Hiningi narin ng prof namin sa Math 'yong sumali sa color party dahil plus point daw 'yon sa subject. Nagbayad din ako para may plus point.
Pauwi na no'ng inaya ako ni Sieme dito sa cafeteria malapit sa school dahil may bagong release raw na video ang iniidolo niya.
Todo advice siya sa akin na bawal ma-attach sa isang bagay, heto siya, hindi ma-apply sa sarili niya ang sinasabi niya sa akin.
"Aia na-release na!"
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at tumakbo kaagad kay Sieme para makita ang video.
Sa pagkakaalam ko, ito ang first music video na c-in-over nila kaya gano'n nalang kabaliw ang mga avid fans. Bands kasi sila at nag-co-cover lang ng kanta pero sobrang sikat nila lalo na sa mga teenagers.
"Shocks! Ang gwapo pa naman ni Ken!" tili niya habang nanginginig pa ang kamay kaya hinawakan ko ito para hindi umalog ang cellphone niya.
"Do'n sa teaser video nila, nako, nakakaakit ang katawan ni Ken! Mababaliw na ata ako kapag nahawakan ko 'yon!" tili ulit niya kaya napatingin ang mga ibang costumer sa amin.
Nakiki-connect kami nang wifi dito sa cafeteria. I-re-release kasi raw ngayon ang video ng grupo na kinababaliwan ng lahat pati narin si Sieme kaya napasugod kami rito. Fan din naman ako pero hindi ako nag-o-over react na parang mababaliw na kapag may bagong update.
"May countdown pa?" kunot-noong tanong ko habang nakatingin sa cellphone niya.
Nag-countdown pa ito at may 20 seconds nalang ang natitira. Akala ko ba diretso na ipapakita ang video? Bakit may countdown pa?
"Tanga! Ganyan talaga pag live inerelease! Palibhasa wala kang ginawang pang millennial." ani ni Sieme kaya napabusangot ako.
"Generation Z kaya tayo," mahinang ani ko. Tumingin lang sa akin si Sieme at ibinalik din kaagad ang paningin sa cellphone.
No'ng tumungtong na nang 10 seconds, nakikisabay pa siya sa countdown. Sobrang ingay ng cafe na pinuntahan namin dahil may ibang costumer pala na pumunta lang dito para mag-connect ng wifi. Nag-order lang sila ng isang slice ng cake tapos sobrang dami nila.
"Six! Five! Four! Three! Two! One!" sigaw ng karamihan at nagpapalakpak pa kaya napatakip ako sa aking tenga.
No'ng nakita ko na ang video, inalis ko ang aking kamay na nakatakip sa aking tenga at itinuon ang paningin sa screen. Unang lumabas ang logo nila na may glitch effect at bigla iyong nawala at nagsimula nang tumugtog ang tono nang kanta nila.
Nagsimulang silang magtilian no'ng galing sa baba ang camera hanggang unti-unti iyong tumaas at nagfocus sa mukha nila.
Maangas ang dating nila. 'Yon ang masasabi ko. Naka-cargo pants silang lima habang ang pang-itaas nila ay iba-iba. Si Ken ay nakasuot ng plain white t-shirt habang may punit sa pang-ibabang parte. Si Josiah naman ay nakasando lang kaya kitang-kita ang muscle niya. Si Stell ay nakasuot lang ng plain na white shirt. Si Ojwa naman ay pareha lang ang suot kay Josiah pero may bandana siya sa ulo. Si Travis ay naka-leather jacket na white ang pangloob.
"Iyan si Ken diba?" tanong ko habang itinuro sa screen ang lalaking kumanta ng intro habang maangas na pinunit ang t-shirt niyang suot.
"Oo si Ken!" na-e-excite na ani niya.
"Gwapo pala siya no? Sobrang hot." saad ko at wala sa sariling kinagat ang pang-ibabang labi.
"Suntukan muna bago siya mapasa'yo Aia." sagot naman ni Sieme habang hindi maalis-alis ang tingin sa screen.
No'ng natapos na ang part ni Ken, si Travis naman ang sumunod at kinanta ang refrain ng kanta.
"Si Travis nalang sa'yo Aia, total baguhan ka pa naman sa fandom namin." ani Sieme.
"Ba't mo ba ako binubugaw? Eh gusto ko si Ken dahil mabait. 'Yong Travis, pangalan palang badboy na." lintaya ko habang binabaybay namin pauwi ang apartment.
Pagkatapos naming napanood 'yong video, umalis din naman kami sa cafeteria dahil nagtatalak na 'yong manager sa sobrang daming nakiki-connect sa wifi. 'Yong ibang nakiki-wifi ay hindi pa umalis dahil mag-l-live daw ang grupo. Pumayag lang 'yong manager na maki-connect sila dahil nag-order din naman sila ng panibago. Gusto nga sana ni Stephanie na mag-stay muna at maki-connect kaso wala na kaming pambayad sa panibagong oorderin.
"Bakit naman? Ayaw mo no'n, badboy, meaning, mabagsik sa kama!" tili niya at humalakhak pa.
"Aanhin ko 'yang badboy kung may softboy naman?" nakangiting ani ko.
Padabog pang humakbang si Sieme habang masama akong tiningnan.
"Kay Travis ka! Huwag kang Ken! Akin lang si Ken!" parang batang sabi niya kaya tumawa ako.
Hinila ko nalang siya at mas binilisan ang paglalakad. Nagpatianod naman siya hanggang sa huminto kami sa harapan ng fishballan.
"Manong pabili nga po," saad ko at kumuha ng bente.
Kumuha lang ako at nilagay sa baso. Kinuhanan ko nalang din si Sieme na walang kurap na nakatingin sa phone niya. Pagkatapos kong lagyan ng sauce, binigay ko nalang sa kanya ang plastic cup at parang wala pa siya sa kaniyang sariling kinuha ang baso.
Pumasok na yata sa cellphone ang kaluluwa niya.
Nagbuntong ako nang hininga at kinalabit siya. "Hoy napano ka?" tanong ko.
Hinawakan naman niya ang balikat ko at inalog-alog 'yon habang nagtitili siya. Nahulog pa 'yong isang fishball dahil sa pinanggagawa niya.
"May meet and greet bukas! Nakasali ako sa nanalo ng ticket!" tili niya ulit habang tumatalon-talon.
Nakita ko pang napailing si manong kaya napailing nalang din ako.
Ganyan ba talaga ang reaction kung sobra mo nang iniidolo ang tao tapos makikita mo sila? I mean, required ba talaga na magtatalon, magtitili at manakit ng ibang tao kung nalaman mong may magaganap na ganyang event? Hindi naman ako makaka-relate dahil ito ang first time na may stinan akong grupo. Nadala lang din naman ako sa mga classmates ko lalo na kay Stephanie na walang ibang bukambibig kundi ang banda na 'yan.
"Anong sabi?" tanong ko no'ng kumalma na siya at pinahiran ang luha na tumulo sa pisngi niya.
Grabe, umiyak pa talaga.
"Congratulations, you are invited to Meet and Greet, high-end makakamit." basa niya sa nakasulat na invitation sa phone niya at tumili at tumalon-talon ulit.
High-end huh?
Stell Aiden Talavera POV"What is music for you?" Ken chuckled, "Really? That question again? Ano bang gusto niyong marinig na sagot mula sa amin?" Tanong ni Ken na ikinangiwi ng director namin."Cut! What's wrong with you Ken? Okay naman kanina ah?" Tanong ng director."Ako pa ngayon ang mali? Ilang ulit na ba namin iyang nasagot sa mga interviews namin? Ano bang gusto niyong sagot?" Frustrated na sabi ni Ken.Nakita kong napabuntong-hininga ang manager namin at agad pumagitna sa tension nila Ken."Si Stell na lang po ang sasagot, mukhang wala sa mood si Ken ngayon," Ani manager.Napatingin siya sa akin kaya tumango ako. Agad din namang nag roll at inumpisahan kung saan kami nagtapos kanina.Sinagot ko ang mga tanong na may ngiti sa labi. Well, wala naman akong magawa kun'di ang saluhin ang hindi gusto ni Ken. Hindi na rin naman bago sa akin ito dahil parati lang naman akong sumasalo sa mga responsibilidad na dapat sa kanya. Hindi naman ako nagagalit, okay lang naman sa akin as long
Kabanata 55.2: The Line"Are you sure you want me to come?" Walang kwentang tanong ni Stell sa akin na ikinairap ko.Nandito na nga siya sa tabi ko tapos nagtatanong pa kung sure ba akong isasama ko siya. Umirap ulit ako. "Malapit na tayo sa bahay tapos ngayon ka pa magtatanong?" Sagot ko na ikinatawa niya."Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko na sumama sa iyo pero sa totoo lang, kinakabahan ako babe, baka pukpukin ako ng martilyo ng tatay mo," Saad niya at pagkatapos yumakap sa akin.Awkward akong ngumiti sa mga taong nakatingin sa gawi namin bago tinapik ang braso ni Stell.Napaangat ang tingin niya sa akin. "What?" Malambing na tanong niya at mas lalong humigpit ang pagkayakap niya sa akin."You're making a scene! Stop hugging me!" "Why? Is there something wrong hugging my girlfriend?" He said and after that, he pouted.Pilit kong tinatago ang ngiti ko sa pagtapik sa braso niya."Don't do that again, I might get rid off this damn mask and hat and kiss you right here," He
Kabanata 55: Asawa"Bakit ko pa patatagalin? Excited na ako kasama ka na lumabas para mag-date."I rolled my eyes."You're being ridiculous." "Why? Ayaw mo ba no'n? Parati na tayong magkasama." Rason niya.Inismiran ko lang siya na ikinatawa niya. "May gagawin ka ba today?" Tanong niya.Tumango ako. "Pupunta ako ng office nila Lily. Need ko mag report." Sagot ko."Then, susundin na lang kita sa pinagtatrabahuan mo? Mag dinner tayo mamaya kung okay lang sa 'yo." Aniya."Okay lang. 5PM ang out ko mamaya. Bakit? Hindi ka ba busy? Wala ba kayong rehearsals?" I asked him. Kung makapagyaya kasi siya, parang tambay lang sa kanto na walang ginagawa."Wala naman akong schedule ngayon. Next week pa ang starting ng practice namin." Sagot niya.Of course. Nasabi na niya ito sa akin na baka magiging hectic na ang schedule niya next week dahil sa mga practice nila at sa nalalapit na comeback. Kaya habang hindi pa sila busy, inaabisuhan na sila na mag enjoy dahil babawiin puspusang practice na sa
Chapter 54: Mens"I am the owner babe. And you can have it back if you will marry me."Natigilan ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya. So, sa tinatagal na panahon na gusto kong makita ang bumili ng lupa, siya lang pala 'yon? At alam niya na sa amin iyon at nagbabalak akong bilhin ulit iyon?And what? if I will marry him, I can have it back?Oh well, I want a marriage too but not this early."So what if I can't marry you?" Nakita kong natigilan siya at napaayos ng upo sa kama. "What? You're kidding right? You will marry me. I mean, you accepted my promise ring." Sabi niya at napasulyap sa singsing na nakasuot sa kamay ko at ibinalik din ang tingin sa akin."Yes but It's too early for that. And what if, hindi kita nakita? So it means hindi ko talaga mababawi ang lupa kahit na may sapat na pera na ako?" Tanong ko.Kunwaring napaisip pa siya bago sumagot. "Nakita naman kita so wala na 'yon." "Paano kung hindi mo na ako gusto? Ibebenta mo pa rin ba ang lupa sa akin?" Tanong ko ulit.
Kabanata 53: Promise Ring"Parte pa ba ito ng panliligaw mo?" Tanong ko kay Stell no'ng tinulungan niya akong bitbitin ang gamit ko patungo sa sasakyan niya.Tumawa lang siya at tumakbo pa patungong kotse niya para mahatid ang gamit ko. Tapos na kaming mag shoot dito sa Baguio at ngayon ang plano naming umuwi. Actually, kahapon pa natapos kaso itong si Stell, pala desisyon na ngayon na raw kami uuwi kaya ngayon na nga ang byahe namin.Hindi pa nga 'yan gustong umuwi eh, gusto pang mag tambay rito sa Baguio. Pinilit ko na nga lang siyang umuwi ngayon dahil sa trabaho ko kaya maggagabi na ang byahe namin pauwing Manila."Bukas na lang kaya tayo umuwi babe? Pagabi na oh." Ani Stell at hinawakan ang bewang ko kaya napatigil ako sa paglalakad.Umirap ako at tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa bewang ko. "Bukas na naman. I have many on-going shoots Stell. At tsaka, anong babe? Nanliligaw ka pa nga lang, may babe-babe ka nang nalalaman." Sabi ko.Nagpout lang siya kaya mas lalo akong
Kabanata 52: Court"Get ready in three, two one, and action!" Sigaw ng director kaya ginawa na nang banda ang dapat nilang gawin.Dalawang araw na kami rito sa Baguio at hanggang ngayon, nag-sh-shoot pa rin ang high-end sa kanilang music video. Actually hindi pa ito music video eh, teaser video pa lang ito. Si Nico ang kumukuha kaya sobrang busy niya ngayon. Halos hindi na nga kumain dahil sa sobrang aligaga. Sobrang halata talaga sa kilos niya na nat-tense siya sa ginagawa niya lalo na no'ng kinuhanan niya ng video si Stell na todo reklamo."What the hell?! Bakit sobrang nakatutok sa akin ang light?!" Reklamo ni Stell no'ng siya na ang kinuhanan ng video.Nataranta na naman si Nico at chineck ang kaniyang kagamitan bago bumalik sa camera. "Hindi naman po. Nasa tamang scale lang po." Magalang na sagot ni Nico kay Stell.Mas naging visible ang pagka-irita sa mukha ni Stell. "Bakit nakakasilaw? Hindi mo ba nakikita? Para na akong nasa langit eh oh!" Napabuntong-hininga ako at nasapo
Kabanata 51: Selos"Buti nandito ka na," agad na sabi no'ng babae na may dalang folder kay Stell.Hindi umimik si Stell at nag-umpisa nang maglakad. Sumunod naman kaagad iyong babae kaya sumunod na rin ako at inayos ang suot kong croptop. Medyo nakaramdam na ako ng lamig dahil sa simoy ng hangin kaya kiniskis ko ang aking kamay sa braso ko at inayos ang dala kong bag.Pagdating namin doon sa venue ng hotel, kaagad kong nakita ang mga kasamahan namin na kumakain na. No'ng nakit nila kaming paparating, agad naman kami nilang inaya at binigyan ng paglalagyan ng pagkain."Pumila ka nalang doon Aishia para makakain ka na." Sabi noong babae na nagbigay sa akin ng plato at kutsara."Hindi pala naka pack lunch?" Tanong ko.Ngumiti siya at umiling. "Wala na kasing oras mag pack eh. At tsaka, ang hotel ang nag-provide ng food kaya pila-pila ang nangyari.""Ah, ganoon ba?""And don't worry, safe naman ang food since iyan din ang kakainin ng banda." Dagdag niya na ikinatango ko."Okay sige, thank
Kabanata 50: Do you still?"Sure kang hindi mo na ako isasama?" Tanong ni Lily sa kabilang linya."Huwag na. Kaya ko na naman. At tsaka, hindi na naman ako magdadala ng gamit dahil provided na naman nila." Sagot ko sa kanya.Narinig ko naman ang buntong-hininga niya bago siya sumagot sa akin. "Ganoon ba? Hihiramin mo ba ang kotse ko?" Tanong niya."Kung papayagan mo ako? Or pwede ko naman rentahan," "Come on, mukha naman akong kontrabida niyan. Syempre, papahiramin kita. Malakas ka sa'kin eh." Aniya.Tumawa lang ako at tsaka nagsalita ulit, "Sige. Papahatid mo ba? Haha joke." Biro ko."Anong joke? 'Yong galawan mo, lumang style na. Sige, ihahatid ko na now na. 10 ang alis niyo diba? On the way na ako ngayon." Tugon niya."Anong on the way? Sabihin mo na umuupo ka pa jan sa swivel chair mo," Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya at kasunod no'n ang pagtunog ng sasakyan. "Anong s
Kabanata 49: Welcome"Kamusta?" tanong ni Lily no'ng nakapasok na ako sa kompanya nila.Inilagay ko ang mga gamit ko sa lamesa at umupo na sa swivel chair ko. Hindi ko muna siya sinagot bagkus ay inabot ko ang mineral water na nasa gilid ko at nilaklak iyon.Mamamatay yata ako dahil sa ang hirap humagilap ng hangin para sa katawan ko. Wala akong maisip na tamang gagawin o desisyon dahil sa nangyari kanina. Nagkabuhol-buhol yata ang desisyon ko sa buhay at hindi ko alam kung bakit giniba ko iyon.Habang nagkausap kami ni Ken kanina sa kotse niya, hindi na talaga ako mapakali. Alam kong hindi lang siya concern sa akin kaya niya ako hinatid. Alam kong may malalim pa iyong dahilan kaya niya ginawa sa akin iyon. Hindi naman ako ganoon ka bobo para hindi mahalata kung ano ang ginawa niya kanina.Basically, klarong-klaro na kaya lang niya ako hinatid para pag-usapan ang buhay ko... lalo na si Stell. Alam kong alam niya ang relasyon namin ni Stel
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น