Share

Chapter 47: Little Visitor

Imposible, hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

Paanong si Alexander? B-Bakit? Ewan ang gulo, naguguluhan ako.

“Sigurado ka ba anak na siya talaga ang nagbigay niyon?” Tanong ko habang nakatingin sa direksyon ni Alexander.

“Opo, Mommy, tandang-tanda ko po siya. Siya po ‘yon, Mommy,” puno ng kasiguraduhan na sagot ni Aaron.

Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo at sa tingin ko wala naman siyang dahilan para magsinungaling sa’kin.

“Bakit Mommy? Kilala niyo po siya?” Tanong ni Aaron na ikinatahimik ko.

Ano ang isasagot ko? Sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo?

“H-Hindi anak, hindi ko siya kilala. Tara na,” sagot ko at muli na siyang hinawakan sa kamay.

Naglakad na kami papuntang elevator pero todo iwas ako para hindi ako makita ni Alexander. Ayoko na magkita sila ng anak ko at ayoko na malaman niya na si Aaron ang anak ko. Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung paano niya nakilala ang anak ko. Pero siguro hindi pa ito ang tamang oras at panahon para kausapin ko siya tungkol do’n lalo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status