Share

Captivate the Mafia Boss
Captivate the Mafia Boss
Author: Lil_Simple9

Kabanata 1

Makulimlim ang kalangitan at mukhang nagbabadya na namang bubuhos ang ulan. Nakalimutan ko pa namang kuhanin ang payong ko sa bahay. 

“Hindi ka pa ba uuwi, Farrah? Puwede na raw tayo umuwi.”

Napalingon lamang ako kay Daisy na katrabaho ko at nagkibit-balikat bago bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana. Sa mga ganitong panahon, gusto ko na lamang matulog.

“Huwag mong sabihing nakalimutan mo na naman ang payong mo? Nako, napakakalimutin mo talagang babae ka. Kahit nga ‘yong pinahiram ko sa ‘yong payong no’ng isang araw ‘di mo pa naibabalik,” saad ni Daisy.

Napayuko na lamang ako sa lamesa ko at hindi na pinakinggan pa ang mga sinasabi niya. Ngunit napaangat din kaagad ako nang marinig kong tumunog ‘yong phone ko. Nakaramdam naman ako ng tuwa nang makita kung sino ‘yon.

“Mabuti’t nakatawag ka. Gusto ko nang umuwi pero wala akong dalang payong. Susunduin niyo ba ako? Pakibilisan na lang kasi---”

“I’m sorry, Farrah. Hindi kita masusundo dahil nasiraan ako kotse. Pero kung gusto mo ipapasundo na lang kita sa kaibigan ko.”

“No. Ayos lang ako, Ralph. Hihintayin ko na lang na tumila ‘yong ulan o kaya makikisabay ako kay Daisy,” sabi ko.

“Are you sure?”

“Oo. Basta ‘wag mo na lang iwan si Callie. Uuwi rin ako.”

“O-Okay. We’ll wait for you then.”

Ibinaba ko na ang tawag bago ko inayos ang mga gamit ko. Tumayo na ako at nagbabalak nang umalis.

“Daisy,” pagtawag ko sa kan’ya. “Makikisabay naman ako. Kahit hatid mo lang ako sa may sakayan.”

“Ang liit ng payong ko, Farrah. Hindi tayo magkakasiya lalo na’t marami akong dalang mga dokumento.”

“Sige na naman oh. Hindi kasi ako masusundo ni Ralph.”

“Palagi ka naman niyang hindi masundo-sundo. Kesyo nasiraan o busy sa trabaho.”

“Okay lang. At isa pa, siya naman ang nag-aalaga kay Callie,” sambit ko.

“Ewan ko sa ‘yo. Pero hindi talaga kita maihahatid sa may sakayan. May dadaan pa kasi ako eh,” sabi naman niya.

“Ito naman, parang ‘di kaibigan. Sige na, malapit lang naman eh.”

Napabuntong-hininga si Daisy. “Sige na nga, pero last na ‘to ah. Huwag mo na kasi iiwanan ‘yong payong mo.”

“Opo,” mala-bata kong saad kaya naman pinitik niya ako sa tenga.

Lalabas na sana kami ng opisina nang biglang sumulpot sa harapan namin ang boss namin.

“Early evening, sir. May problema po ba?” kaagad kong tanong.

“Hello, girls. I know that it’s time for you to go home at nakapag-time-out na kayo. But I really need a little help from you,” saad ng boss namin.

“Po? Ano pong problema? May kailangan po ba ayusin na mga dokumento?”

Umiling ang boss namin. “No. We have a pitch presentation for our investors today. Akala ko maayos na ang lahat pero nagkaproblema sa ating technical team. Is there anyone of you who can help us with the presentation? Since everyone on the technical team has been sick with stomach aches.”

“Po? As in, lahat sila ay wala?”

“Sadly yes. May nakain siguro silang masama kanina.”

Nagkatinginan kami ni Daisy. Parang gusto kong tanggihan siya kasi uwing-uwi na talaga ako. 

Bigla namang nagsalita si Daisy. “I’m really sorry, sir. I can’t help you with the presentation, I have an important errand to run to. Pero hayaan niyo, sir. Nandito naman po si Farrah, at magaling siya sa mga technical works. Mapagkakatiwalaan niyo po siya.”

“H-Hin---”

“Really? I’m glad to hear that.”

Sinamaan ko ng tingin si Daisy na malawak lang na nakangiti. Parang gusto ko siyang sabunutan sa harap ng boss namin.

“Then I think I'll borrow your time, Ms. Alvarez. Follow me to the conference room,” sabi sa akin ng boss namin.

“Y-Yes po, Mr. Castro.”

Bago ako tuluyang sumama sa boss namin ay hinila ko ang buhok ni Daisy. Tatawa-tawa pa ito para asarin ako.

“Follow mo na raw si sir. Ayos lang ‘yan. At least, pagkatapos niyo tumigil na ang ulan at may dagdag ka pa sa sahod.”

“Ewan ko sa ‘yo. Umalis ka na nga!”

“Good luck, sis! See you tomorrow! Love you!”

“Ul*l!

Pagkaalis niya ay nagmadali na akong sumunod kay boss. Pagkapasok ko sa conference room ay naroon na ang ilang magiging bahagi sa presentation.

Lumapit naman sa ‘kin ang sekretarya ni boss at may inabot sa ‘king flash drive. “Take this. Nand’yan ang presentation.”

“Sige po.”

Umupo na ako sa harap ng monitor at ginawa ang dapat gawin. Madali lang namang gawin ‘to pero ba’t naman kasi nagkaproblema ang technical team. Ano ba kasing nakain ng mga ‘yon? 

Natapos ko na ang mga kailangang gawin at ayusin. Pero hanggang anong oras kaya ako maghihintay dito? Isang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin sila nagsisimula. Gabi na at mukhang tumila na ang ulan. Nakakabagot tuloy maghintay.

Nakarami na rin ako ng nainom na tubig pero wala pa rin talaga. May isa pa kasing hinihintay. Maski ang ilang investors na narito ay nababagot na rin.

Bumaling ako sa katabi kong sekretarya upang magpaalam saglit. “Excuse me, ma’am. May I go to the restroom for a minute? Promise, saglit lang ako.”

“Pero baka dumating na hinihintay natin.”

“Hindi ko na po kasi mapigilan eh.”

“Okay, come back as soon as possible.”

Nagmadali na akong lumabas upang umihi. Hindi ko na talaga mapigilan. Sana kasi dumating na kung sino man ‘yon, naparami pa tuloy ako ng inom.

Pagkatapos kong umihi ay lalabas na sana ako ng cubicle nang may marinig akong boses mula sa labas. Pero nagulat ako nang marinig kong boses lalaki ito.

“I have a conference to attend. I can’t make it there on time.”

Nagpigil ako ng hininga para hindi niya mapansing may tao rito. Nakakapagtaka naman kung sino ‘yong nasa labas. Tama naman ang pinasukan ko. For women naman, pero ba’t dito pumasok ang isang ‘to? Pero infairness, ang guwapo ng boses.

Napailing ako dahil sa mga pinag-iisip ko. Hindi ‘to oras para lumandi dahil kailangan ko nang bumalik doon.

“I really don’t care what you want to do to silence them. Just kill them.”

Napatakip ako ng bibig sa narinig ko. Tama ba ‘yong narinig ko o nagkakamali lang ako ng narinig?

“I’ll go there once I’ll kill one certain man in this company.”

Ang lakas ng pagkakabog ng puso ko. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Isa lang ang sigurado ako, hindi basta-basta ang lalaking nasa labas. Baka ako pa ang patayin niya ‘pag napansin niya ako rito.

Nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa labas ay tahimik akong lumabas mula sa cubicle. Nagmasid pa ako para siguraduhing wala na siya. Nang wala akong makita ay sumilip muna ako sa may labas.

Dala ng kaba ay dali-dali akong lumabas mula sa restroom at kaagad na nagtungo sa conference room. Nagpapasalamat ako dahil wala akong nakasalubong papunta rito. Gusto ko nang umuwi! Ayoko na rito.

“Akala ko hindi ka na babalik. Prepare the presentation dahil papunta na raw rito ang hinihintay natin,” sabi ng sekretarya ni Sir Castro.

“S-Sorry po.”

“Ayos ka lang ba? You look pale. Para kang nakakita ng multo.”

“H-Huh? Ah, w-wala ‘to. Nagmadali kasi ako rito.”

Natahimik ang buong conference room nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki. Walang bahid ng emosyon sa kan’yang mukha. ‘Tila wala siyang paki-alam sa paligid niya at prenteng naupo sa bakanteng upuan sa may gitna.

“O-Okay, since everyone’s here. We may start.”

Sineyasan ako ng boss namin at doon ko lang napansin na nakatulala na pala ako rito. Kinalabit na rin ako ng sekretarya namin kaya naman kaagad akong umayos.

Nagsimula na ang presentation pero hindi pa rin maalis ang tingin ko do’n sa nahuling investor. Gusto kong kiligin sa sobrang guwapo niya. Grabe ‘yong mukha, talagang pinagpala sa lahat. Nakakalula ‘yong matangos niyang ilong, ‘yong pupungay-pungay niyang mga mata na kulay abo, at ‘yong labi, parang ang sarap papakin.

“Hey, Ms. Alvarez. Focus on the presentation. Ba’t ka ba natutulala d’yan. Next slide na,” inis na sita sa ‘kin ng sekretarya.

“S-Sorry.”

Napailing ako sa dumi ng pinag-iisip ko. Gusto kong pagalitan ang sarili ko sa malilisosyong pumapasok sa isip ko. 

Nagpatuloy ang presentation nang maayos. Pero hindi ko pa rin mapigilang mapasulyap do’n sa direksyon ng guwapong investor namin. Ba’t ba ngayon ko lang siya nakita? Siya na nga yata ang future na hinihintay ko.

Napasinghap ako at pinigilan ang pagiging malandi ko. Pero hindi ko kasi mapigilang mapatingin sa kan’ya eh. Napakagat-labi ako at muling sumulyap sa kan’ya pero nagulat ako nang makitang nakatingin din siya sa ‘kin.

Parang lahat ng dugo ko ay napunta sa mukha ko. Gusto kong kiligin ng bongga dahil lang sa napansin na niya ako. Sobrang bilis din ng pagtibok ng puso ko parang anytime ay mahihimatay ako.

“Hey. What are you doing? Next slide.”

Pinandilatan na ako ng sekretarya namin kaya naman pinilit kong ikalma ang sarili ko. Baka masira ko pa ang presentation namin eh.

Sa isang sulyap ko pa ay napanisin kong nakatingin pa rin siya sa ‘kin. Kaya naman hindi ko na napigilang magbitiw ng malawak na ngiti sa kan’ya. Tinaasan niya lang ako ng kilay na mas ikinalawak ng ngiti ko.

“Pocket your smile, Ms. Alvarez. You look crazy. Don’t let the investors get your attention.”

“S-Sorry.”

Umiwas na lang ako ng tingin at pinipigilang mapangiti. Sa oras na ‘to ay pinilit ko ang sarili kong ibaling ang atensyon sa presentation. Gusto ko mang sumulyap muli ay baka masampal na ako ng sekretarya namin dahil alam kong naiinis na siya sa mga inaasal ko.

Natapos na ang presentation. Marami pang naging tanong ang mga investors pero hindi ko na ‘yon maintindihan pa. Napansin ko na sobrang madilim na sa may labas, sigurado akong hinahanap na nila ako.

Lumipas pa ang ilang minuto bago nagsimulang nagsi-alisan ang mga tao rito. Tumayo na ako para hanapin kung nasaan na ‘yong guwapong investor pero hindi ko na siya nakita. Mukhang umalis na ‘yong future ko.

Nagmadali akong iligpit ang mga dapat iligpit. Kailangan kong bilisan baka maabutan ko pa siya. Kahit isang sulyap na lang.

“Thank you for your time and help, Ms. Alvarez,” sabi ni Mr. Castro.

“Thank you rin po kasi dahil sa inyo nakita ko na ang future ko,” mahinang sambit ko.

“Ano ‘yon?”

“W-Wala. Ang sabi ko po, anytime po ay puwede niyo akong lapitan kung may problema ang kompanya.”

“Of course. Keep up the good work.”

“Sige po, mauna na po ako.”

Lumabas na ako at kaagad na sumakay ng elevator. Nang nasa main entrance na ako ng building ay napalinga-linga pa ako at nagbabasakaling makita ko siya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero nadismaya ako ng hindi ko na siya makita. Napapatawag na rin sa ‘kin si Ralph kaya naman pinili ko na lang na umuwi. Nakakalungkot namang hindi ko na siya nakita.

Lalabas na sana ako ng gusali nang mamataan ko ang kanina ko pa hinahanap. Nagliwanag ang mga mata ko at sobra akong natuwa dahil sa wakas nakita ko na siya.

Napansin ko naman na pumasok siya sa may fire exit na ipinagtaka ko. Pero dahil makulit ako, sumunod ako sa kan’ya. Nakita ko siyang pababa at wala pa ring pinagbago ang seryoso niyang mukha. Siguro sa may parking lot ang punta niya.

Pagkababa ko ay nawala na siya sa paningin ko. Napalinga-linga ako para hanapin siya pero ‘tila para siyang multo na biglang nawala.

“Nasaan na ba ‘yon?”

Nagulat ako nang biglang namatay lahat ng ilaw dito sa may parking lot. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Muntikan pa akong mapasigaw nang makarinig ako ng kalabog mula sa kung saan.

Napahawak ako sa may pader at dahan-dahan na sinundan ang tunog. Nagulat ako nang makarinig ako ng sigaw mula roon kaya naman nagmadali akong pumunta ro’n. Baka may nangyari na sa kan’ya. Napansin ko naman na medyo may ilaw sa banda roon.

“You think I'm a fool for not realizing you're after my head? Please don't make me laugh. You will not be able to outwit me.”

Napasandal ako sa isang kotse at napasilip sa isang grupo ng mga lalaking nagtatawanan. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking nakahiga roon habang pinapalibutan siya

“Si pogi ‘yon ah,” nag-aalalang bulong ko.

Nagulat ako nang sunod-sunod siyang pinagsisipa ng mga kalalakihan. Gusto na lang lumabas para sugurin ang mga ‘yon pero mas nagulat ako sa mga baril na dala nila.

“You can’t kill me. Not anyone from your group can.”

Gusto kong pagmumurahin ‘yong matabang lalaki na kanina pa nagsasalita. Ito siguro ‘yong boss nila. Pero nakikilala ko siya. Nakita ko siya kanina sa may conference room. Isa siya sa mga investors ng kompanya.

Napatakip ako ng tenga nang bigla niyang  barilin ‘yong lalaki nang sunod-sunod. Muntikan pa akong mapasigaw. Pero hindi ko mapigilang maiyak. Baka mapatay nila siya. 

“Let’s go, boys. He’s not worth it. He’s just a piece of trash just like his father.”

Nagsimula nang umalis ‘yong mga kalalakihan. Dahan-dahan din akong lumabas sa pinagtataguan ko pero natigilan ako nang biglang tumayo ‘yong lalaki.

Nagulat ako nang sunod-sunod niyang pinagbabaril ‘yong mga kalalakihan. Natumba silang lahat maliban do’n sa boss nila.

“What the hell?! You little piece of sh*t!” sigaw no’ng mataba at bumunot ng baril pero bago pa niya makalabit ‘yon ay sunod-sunod siyang pinagbabaril ng lalaki hanggang sa maubos ang bala nito.

Bumulwak ang dugo sa kan’yang ulo bago ito tuluyang matumba. Natuod ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. Kinilabutan ako nang dahan-dahang lumingon sa ‘kin ‘yong lalaki.

“Y-You…”

Napasinghap ako nang sa akin naman niya itinutok ang baril niya. Napataas pa ang mga kamay ko sa gulat. Jusko naman! Mukhang siya nga ang future ko patungong kamatayan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status