Share

Kabanata 2

“You…”

“W-Wait lang! P-Papatayin mo rin ba ako?” nanginginig kong tanong.

“I m-must…”

“O-Oy! T-Teka lang! Hindi magandang biro ‘yan.”

Hindi niya ako pinakinggan at hirap na hirap siyang naglakad palapit sa ‘kin. Hindi ko alam kung mas mag-aalala ako sa kaligtasan o sa kalagayan niya. Ang dami niyang nasalong mga bala kanina, siguradong mauubusan siya ng dugo ‘pag ‘di kaagad siya naagapan.

“A-Ayos ka pa ba? Kailangan mong madala sa ospital. Tulungan na kita,” nag-aalalang sabi ko.

“H-Hindi kita k-kailangan…”

Napasigaw ako nang muli niyang itutok sa direksyon ko ‘yong baril. Pero may bigla pala akong naalala na ikinatuwa ko.

“Sige nga? Ipaputok mo nga?” 

Napakunot siya ng noo. “What?”

“Iputok mo na, Kuya poging investor,” saad ko pa at napasinghal naman siya.

Nakita kong kinalabit niya ‘yong gantilyo niya. Napangiti ako nang walang lumabas na bala mula roon.

“Kuya, wala ka nang bala. Naalala mo? Pinaputok mo na sa kanila?”

Napasinghal siya at itinapon sa banda ko ang baril. Nanlaki ‘yong mga mata ko nang may isa pa pala siyang baril do’n. Ikinasa niya ito at kaagad na pinaputok sa direksyon ko. Kaagad akong napayuko kaya hindi ako natamaan.

“T-Teka lang! Ito naman, ‘di na mabiro.”

Muli kong nailagan ang balang pinaputok niya. Bago pa man niya ako mapatay ay kaagad akong sumugod sa kan’ya at sinipa ang baril dahilan para tumilapon ito sa kung saan.

“Okay na, Kuya. Tama na ang laro. Kailangan mo na talagang magamot bago ka pa tuluyang mamatay,” sabi ko nang mapansin ko ang panghihina niya.

Tumakbo ako papunta sa kan’ya at sinalo nang matutumba ito. Napamura ako sa isip ko dahil ang bigat niya.

“H-Hoy! B-Buhay ka pa ba? Huwag ka namang mamatay.”

Hindi ito nagsasalita kaya naman lalo akong kinabahan. Tinapik-tapik ko ‘yong mukha niya pero wala pa rin. 

Tatawag sana ako ng ambulansya ng mapgtanto kong may mga napatay pala ang lalaking ‘to. Baka madawit pa ako. Pero hindi ko siya iiwan dito.

“Huwag ka namang mamatay. Papakasalan mo pa ako,” naiiyak kong sabi.

“C-Crazy…”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko siyang magsalita kaya naman bigla ko siyang nayakap.

“Buhay ka!”

“G-Get off me…”

Natigilan ako nang may mga yabag ng paa na patungo sa direksyon namin. Sa tingin ko ay ang sekyu ang mga ito. Bigla akong nataranta at hindi malaman ang gagawin. Hindi ko naman puwedeng iwan siya rito. Baka huliin siya.

“G-Get my keys…” mahinang sambit niya.

“Kiss? Nasa peligro na nga tayo, nakuha mo pang humingi ng halik.”

“S-Stupid… Get my car keys in my pocket.”

“A-Ah ‘yon ba?”

Kinapkapan ko kaagad siya. Kamuntikan pang iba ang makapkap ko. Jusko.

Nahanap ko naman ang susi niya. “Ito na. Nandito ba ang kotse mo? Saan banda?”

Hindi ito nagsasalita kaya naman wala akong choice kun’di ang patunugin ito. Nagulat naman ako nang tumunog ang katabi naming kotse. Napamura ako dahil nandito lang pala.

“Kaya mo bang tumayo? Hindi kita kayang buhatin, Kuya. Ang bigat mo kaya.”

Dahan-dahan naman siyang kumapit sa akin at napatayo. Inalalayan ko naman siya at kaagad na ipinasok sa may backseat bago ako nagmadaling sumakay sa may driver’s seat.

“Kailangan na nating umalis bago pa tayo abutan ng mga security guard kaya ‘wag ka munang mamamatay.”

Kaagad kong binuksan ang makina ng kotse dahilan para bumukas ang headlights nito. Natanaw ko ang mga security guard na patakbong lumapit sa amin kaya naman kaagad ko na itong pinaandar. May sinisigaw sila pero hindi ko na ‘yon inintindi.

Nalagpasan ko sila at madali akong nakalabas ng gusali. Siguradong hinabol nila ako kaya naman mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa nawala na sa paningin ko ang gusali. Sana lang hindi nila ako nakita o nakilala.

“Ano ba naman ‘tong napasok ko?”

Napansin ko naman ang tunog na nagmumula sa kung saan kaya naman ipinarada ko muna ang kotse sa may madilim na parte. Kaagad akong nagpunta sa may backseat dahil doon nagmumula ang tunog. Kinapkapan ko ulit si kuya pogi at tama nga akong cellphone niya nga ang tumutunog.

Kinuha ko naman ‘yon. “Aries? Sino naman ‘to?”

Kaagad ko namang sinagot baka kamag-anak niya ito.

“Boss, nandito na po ang lahat. Kayo na lang po ang hinihintay,” saad no’ng Aries na nasa kabilang linya.

“Hello? Kuya Aries? Tama po ba? Mukhang kailangan ng boss niyo ng tulong,” sagot ko.

“Sino ka? Ba’t mo hawak ang telepono ni boss?!”

“Chill ka lang, Kuya Aries! Wala akong ginawang masama sa boss niyo. Sa katunayan nga ay kailangan niya ng tulong. Ang dami niyang nasalong bala. Baka kung ano nang mangyari sa kan’ya, kanina pa siya walang malay dito.”

“Ano?! Pa’no naman kami nakakasiguradong nagsasabi ka ng totoo. Kung sino ka man, hindi mo kami basta-basta maloloko.”

“Hala! Nagsasabi nga ako ng totoo. Kung gusto mo, mag-video call pa tayo?”

“Anong kalagayan ni boss?”

“Kakasabi ko nga lang, ‘di ba? Marami siyang tama ng bala. Marami na ring nawawalang dugo mula sa kan’ya. Bilisan niyo na lang kasi. Hindi ko siya madadala sa ospital, baka mapagkamalan pa kami. Ba’t naman kasi iniiwan niyong mag-isa ‘yong boss niyo? Anong laban niya sa grupo ng matabang ‘yon?” inis kong pagbubunganga.

“Grupo? Anong ibig mong sabihin?”

“Talagang gusto mo pang mag-kuwento ako bago kayo pumunta rito? Nasa bingit na nga ng kamatayan ‘tong boss niyo eh.”

“Location?”

Kaagad kong sinabi ang lokasyon namin. Nagulat naman ako nang biglang may humila ng phone mula sa ‘kin.

“O-Oy…”

“A-Aries… S-Stay there and continue the n-negotiation,” nahihirapang sambit ni kuyang pogi.

“Hoy! Ano bang sinasabi mo? Kailangan natin ng tulong para magamot ka,” sita ko sa kan’ya pero hindi niya ako pinansin.

“S-Send someone else here. T-That bastard i-injected me with something… I-I c-can’t…”

Nagulat ako nang bigla niyang mabitawan ‘yong phone niya at nawalan siya ng malay. Pinulot ko ‘yong phone at kaagad na inayos ang puwesto niya.

“B-Bilisan niyo nang pumunta rito… Kahit na sino, bago pa siya mamatay,” naiiyak kong sambit bago ko pinatay ang tawag.

Pinunit ko ang suot niyang polo shirt at nagulantang ako sa mga sugat niya. Nanginginig ang mga kamay ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng mga sugat. 

Napakagat ako ng labi bago ko sinimulang binendahan ang mga sugat niya gamit ang damit niya. Pinunit ko rin ang ilang tela ng damit ko dahil sa hindi matigil na pagdudurugo ng mga sugat niya.

“Nasa’n na ba sila?”

Lumabas na muna ako ng kotse upang mag-abang. Hindi ko kayang makitang nasa ganoong sitwasyon si kuya pogi. Hindi ko siya iiwan dito. Kanina pa ako tinatawagan ni Ralph pero ayoko munang sagutin. Ayokong malaman niya ang sitwasyon ko.

Pumasok muli ako ng kotse nang marinig ko ang pag-ubo mula sa loob. 

“H-Huwag ka na munang masyadong magalaw. Konting hintay pa, darating na ang mga kasama mo. Pero kung makita ko talagang hindi na kaya ng katawan mo, pasensya na ngunit isusugod na talaga kita sa ospital,” sabi ko.

“N-No… L-Leave me alone.”

“Stay with me. Konting tiis lang. Hinding-hindi kita iiwan. Dito lang ako.”

Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. Hindi ko mapigilang maalala ang isang pangyayari noon sa buhay ko na nasa ganito rin sitwasyon. Hindi ko nailigtas ang taong ‘yon dahil iniwan ko siya. Ayoko na muling maulit ‘yon. 

Isinandal ko siya sa may kandungan ko biglang suporta. Pero hindi ko pa rin binibitawan ang mga kamay.

“Pasensya na kung wala akong alam sa medisina o paggagamot. Gusto man kitang gamutin ngunit maaaring ikamatay mo lamang.”

Kunot-noo siyang nakapikit. Napasandal na rin ako dahil siguro sa pagod. Nag-aalala ako kay Callie, baka kanina pa niya ako hinahanap. Gusto ko na lang matawa sa sarili ko dahil kasalanan ko rin naman kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Inuna ko pa kasi ang paglalandi eh.

Papikit-pikit na ako habang pinagmamasdan ko ang mala-anghel na mukha ni kuyang pogi. Pero nagulantang ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kotse. Bumungad ang dalawang lalaking hindi ko kakilala.

“Si boss na ba ‘yan?” sambit ng isa na may suot pang sumbrero.

“Siya nga ‘yan. Mukhang delikado na nga ang lagay ni boss. Mabuti pang ikaw na ang magmaneho ng kotse ni boss. Kailangan na agad natin siyang magamot,” saad naman ng isa na naka-bandana.

“Pero pa’no ‘tong isang ‘to?” tanong pa no’ng isa bago ako ituro.

“Sabi ni Aries, dalhin na rin daw natin.”

“A-Ah eh mga kuya, kayo na ba ‘yong pinadala ni Kuya Aries?” pagsingit ko.

Nagkatinginan lamang sila pero hindi nila ako pinansin. Nagmadaling sumakay ‘yong isa sa front seat ng kotse na sinasakyan namin at kaagad na pinaandar. Napatingin ako sa may likuran at napansin ko ang isang kotseng nakasunod sa amin na mukhang sinasakyan naman no’ng isa.

Napasinghap ako nang humigpit ang pagkakahawak ni kuyang pogi sa kamay ko. Napapa-ungol siya habang pinagpapawisan kaya naman hindi ko mabigilang kabahan muli.

“P-Pakibilisan na lang po, kuyang naka-sombrero. Mukhang nahihirapan na siya sa paghinga,” sabi ko.

Binilisan naman niya ang takbo ng kotse. “Kapit lang. ‘Wag kang mamamatay.”

Nakaraan ang ilang minuto ay kaagad na tumigil ang kotse. Hindi ko alam kung nasaan kami dahil kaagad kong dinaluhan si kuyang pogi. Bumukas din ang kotse at mabilis na inilabas siya ng mga ‘di ko kilalang mga lalaki.

Susunod na sana ako nang may humarang sa ‘kin. “Hanggang dito ka lang, miss. Hindi ka puwedeng pumasok.”

“P-Pero—”

“It’s okay. Let her in,” anang ng isang lalaki mula sa likuran ko.

Pagkalingon ko ay nakita ko ang isang matipunong lalaki na sa tingin ko ay ka-edad ko lang din. Matangkad ito at mas kapansin-pansin ang mata niyang kulay asul.

“Pero Aries—”

“She saved our boss. She also needs to fix herself,” sabi no’ng lalaki.

Napatitig ako sa kan’ya. “Aries? Ikaw ba ‘yong kausap ko kanina? Si Kuya Aries?”

Ngumiti siya ng malawak. “Yes.”

“Hala! Mabuti na lang talaga dumating kayo. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling may mangyaring masama sa boss niyo. Magiging maayos naman siya, ‘di ba? Maliligtas pa naman siya, ‘di ba? Ang dami niyang tama ng baril. Mabuti na lang hindi tinamaa ‘yong puso niya. Pero nag-aalala pa rin ako. Baka kung ano nang—”

“He’s going to be fine. He always has the devil’s luck.”

Napangiti naman ako ro’n. “Pero kasi Kuya Aries, kailangan ko nang umuwi. Kanina pa kasi nila akong hinahanap eh. May taxi naman dito, ‘di ba?”

“Is that so?” napa-isip pa siya. “Then I’ll send you home—”

“Nako! ‘Wag na. Kaya ko na ‘to. Magta-taxi na lang ako.”

“There’s no taxi here. At ‘yong damit mo… You need to clean up.”

Napatingin naman ako sa sarili ko at nakita ang punit kong damit at puro dugo ito. Kaya naman kaagad kong kinuha ‘yong dala kong bag at kinuha ang extra kong damit. Walang ano-anong tinanggal ko ang punit kong damit at isinuot ang bago. 

Napaangat ako ng tingin at nakita ang mga gulat na mga tingin ng mga kalalakihan dito maski kay Kuya Aries sa may harap ko. Parang hindi sila makapaniwala sa ginawa ko. Itong mga ‘to naman, parang hindi pa nakakakita ng katawan ng babae. Hindi naman ako hubad, nakasuot naman ako ng bra kahit papaano.

“Sorry kung dito na ako nagbihis,” natatawa kong sabi at inabot kay Kuya Aries ang punit kong damit. “Remembrance.”

“W-What?”

“Pasensya na talaga, mga kuya. Kailangan ko na talagang umalis. ‘Di bale dadaan ako rito bukas para bisitahin ‘yong boss niyo. May tiwala naman ako sa inyo na maliligtas niyo siya eh,” sabi ko.

“H-Hey—”

“Kapag sakaling nagising siya, sabihin niyo naghihintay lang ako para sa kan’ya. Kailangan niyang mabuhay, papakasalan ko pa siya.”

“Ano?!”

Ngumiti ako ng pagkalawak-lawak sa kanila at humagikgik. May tiwala akong magiging ligtas siya. Ipagpdadasal ko talaga siya ng bongga mamaya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status