Share

Kabanata 6

Nasa kusina ako ngayon ng malaking bahay na ‘to. Nagpapatulong ako sa mga ilang katulong upang makapaghanda ng almusal. 

“Nako po, ma’am. Kami na po tatapos ng mga itong niluluto niyo. Hindi naman po namin hahayaang mapagod ang asawa ni Sir Gray,” anang ng isang katulong.

Natuwa naman ako sa sinabi niya. “Ikaw naman, manang. Kinikilig ako sa sinabi mo pero sabi ko nga, gusto kong ipagluto ang ‘asawa’ ko. Late na rin kasi siyang naka-uwi kagabi at pagod na pagod. Kaya naman naisipan kong ipagluto siya para maging maganda ang araw niya. At isa pa, patapos naman na rin ako sa pagluluto.”

“Nakakatuwa naman po kayo, ma’am. Pero kasi madalang lang mag-almusal si Sir dito. Sa katunayan nga ay ang huling kain niya rito ng almusal ay nasa mahigit isang buwan na.”

“Huh? Totoo ba?!” gulat kong tanong at sabay-sabay namang tumango ang mga katulong.

Napabaling naman ako kay Kuya Aries na prenteng nagkakape habang naka-upo sa stool chair. Tiningnan ko siya ng nagtataka kaya naman napataas ang kilay niya.

“What?”

“Totoo ba ang sinabi nila? Hindi kumakain ng almusal si Gray dito ng mahigit isang buwan na?” tanong ko.

“That’s true. Mas gusto niyang kumain ng almusal sa labas,” sagot naman niya bago muling humigop sa kan’yang kape.

Napasimangot akong tiningnan ang mga nakahaing mga pagkaing niluto ko. Niluto ko pa naman ‘tong mga ‘to pagkatapos ng pag-eensayo namin kanina ni Kuya Aries tapos hindi pala siya kumakain dito.

“Bakit naman kasi hindi mo sinabi na hindi kumakain ang isang ‘yon dito sa mismong pamamahay niya?” reklamo ko kay Kuya Aries.

“You didn’t ask. Ako na lang ang kakain ng mga ito. Sa amoy pa lang, mukhang masarap na. At isa pa, nand’yan naman ang anak mo, siya ang uubos ng mga ito,” sagot naman niya at nagsimula na siya sa pagkuha ng pagkain.

Typical breakfast meal lang naman ang niluto ko na puro prito ngunit nanghihinayang pa rin ako kung hindi ito mauubos. Pero hindi ako ‘yong tipo ng taong basta-basta susuko. Sa ayaw at sa gusto niya, pipilitin ko siyang kumain dito.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ni Kuya Aries nang mapansin niya ang pag-alis ko.

“Titingnan ko lang si Callie. Baka gising na siya.”

Tataas na sana ako nang makita ko si Gray na bagong gising habang buhat-buhat niya si Callie sa bisig niya na katulad niyang bagong gising din. Nakakunot ang noo nito at nahihirapan ito sa pagbaba dahil sa mga sugat niya.

“Mommy…”

“Callie.”

Dali-dali akong lumapit sa kanila pagkababa nila at kaagad na kinuha si Callie mula kay Gray. 

“Good morning, mommy,” bati ng bata bago ako hinalikan sa pisngi.

“Good morning din, baby.”

Bumaling ako kay Gray na masama ang tingin sa akin na para bang may nagawa akong masama sa kan’ya.

Ngumiti ako sa kan’ya. “Good morning, hubby. Ang aga-aga nakabusangot ka.”

“Your kid woke me up.”

“Eh ano naman? Anong oras na rin naman ah? Oras na nang paggising.”

“I still need a goddamn sleep.”

Aakyat na sana ulit siya nang hinila ko siya kaya naman mas lalong sumama ang mukha niya. Kung may hawak lang siguro siyang baril ngayon, kanina pa niya ako napatay.

“Ipinagtimpla kita ng kape baka sakaling mawala ang antok mo,” sabi ko.

“No. I don’t need your coffee.”

Hindi ko siya pinakinggan at hinila siya papunta sa kusina at pina-upo siya sa stool katabi ni Kuya Aries na mukhang nakarami na ng kain.

“Aga mo namang nagising, boss. Maya-maya pa naman ang gising mo ah?” saad ni Kuya Aries.

“Someone woke me up.”

“Okay na rin ‘yon nang masamahan mo ako rito. Your wife cooked a lot, you know?”

“I don’t care. Alam mo namang hindi ako kumakain dito ng umaga.”

“Oo nga. Pero parehas lang din naman ‘tong mga niluto niya sa palagi mong pinagkakainan ng breakfast. Try some, it really taste good.”

Napangiti naman ako at inilapag ang baso ng kape sa harapan niya. “Inumin mo ‘to habang mainit-init pa. ‘Pag natikman mo ‘yan siguradong mawawala ang antok mo at talagang hahanap-hanapin mo.”

“I don’t want that. Just give it to Aries.”

“Sige na kasi kahit isang s****p lang.”

Napabuntong-hininga siya at talagang hindi ko siya tinantanan ng tingin. Naiinis man ay laking tuwa ko nang kinuha niya ang kape at uminom.

“How was it? Masarap ba? Sabi ko naman sa ‘yo eh. Tingnan mo nga, natigilan ka,” komento ko.

“This is…”

“Bakit? Ayaw mo ba? Kung ayaw mo talaga, papalitan ko na lang,” sabi ko.

“She’s right. Kung ayaw mo, akin na lang,” sabi naman ni Kuya Aries at kukunin na sana ang kape mula kay Gray nang inilayo niya ito.

“This is mine. Magtimpla ka ng sarili mo,” sabi ni Gray na ikinalundag ng puso ko.

“Oh my! You like it! Sabi ko na magugustuhan mo.”

“It’s not that I like it. It tastes just like what ‘she’ usually made.”

“She?”

Hindi niya ako pinansin at uminom na lang ng kape. Napatingin ako kay Kuya Aries at nagkibit-balikat lamang ito. Kaya naman napasimangot ako at dinaluhan na lang si Callie. Kung sino man ‘yong babaeng tinutukoy niya, magtutuos talaga kami.

“Mommy made you pancakes,” sabi ko sa bata at inilapag sa harap niya ang niluto ko.

“Thank you, Mommy.”

Bumaling naman ako kay Gray. “Kumain ka na rin. Huwag mong sasabihing hindi ka kumakain dito dahil simula sa araw na ito ay dito ka na kakain at hindi na sa ibang lugar.”

“Who are you to talk to me like that in my own house?”

“Asawa mo.”

Umiwas siya ng tingin. “It’s not that we are really married. You are just pretending—”

“Hubby…” malambing kong saad.

Natahimik siya at nakipagtitigan sa mga mata ko. Umiwas lang siya ng tingin nang marinig namin si Kuya Aries na natatawa sa hindi malamang dahilan.

“Kumain ka na lang, boss. Mukhang kukulitin ka nang kukulitin nitong asawa mo kung hindi mo nagawa ang gusto niya.”

Sinamaan ako ng tingin ni Gray pero ngumiti lang ako sa kan’ya bago ako maglagay ng pagkain sa plato niya. “Kainin mo lahat ‘to nang gumaling na rin ‘yang mga sugat mo. O baka naman gusto mo pang subuan kita, hubby?”

“What? I can handle myself.”

Napangiti ako ng malawak nang makita kong nagsimula na siyang kumain. Mas lalo pa akong natuwa nang magsunod-sunod ang subo niya. Nang mapanatag ako ay sinabayan ko na rin sila sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay mabilis na nawala si Gray at si Kuya Aries. Hindi man lang nagpasalamat sa pag-ubos ng mga pagkaing niluto ko. 

“Mommy, what are we doing today?” tanong naman ni Callie habang binibihisan ko siya rito sa kuwarto.

“I don’t know, baby. But I’ll try to talk to your daddy and Tito Aries.”

“Is he really going to be my Daddy?”

Ngumiti ako ng tipid. “Ayaw mo ba sa kan’ya? Do you prefer being with your Tito Ralph?” 

“I like it here. And I’m scared of Tito Ralph.”

Natigilan ako sa pag-aayos ng buhok ni Callie dahil sa narinig ko mula sa kan’ya. “What do you mean by that? Why are you scared of him? Bakit ngayon mo lang sinasabi ‘to sa ‘kin?”

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy sa paglalaro sa manikang hawak-hawak niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. Pinaharap ko siya sa ‘kin.

“May kailangan ba akong malaman, baby? May ginawa bang masama sa ‘yo ang Tito Ralph mo?” mahinahon kong tanong sa kan’ya.

“M-Mommy…” tanging naging sambit niya kaya naman napabuntong-hininga na lang ako.

Sa kabila ng malalim kong pag-iisip ay hindi ko namalayan ang pagsulpot ni Gray sa harapan ko. Kunot-noo siyang nakatingin sa ‘kin hanggang sa napabaling naman siya kay Callie.

“Is there something wrong?”

Napaiwas ako ng tingin. “W-Wala, may naalala lang ako. Sa’n ka nga pala nagpunta? Bigla na lang kayong nawala ni Kuya Aries kanina.”

“Somewhere.”

Napasimangot ako sa naging sagot niya. “Anyway, puwede ba akong lumabas? May pupuntahan lang ako.”

“Where?”

“Kailangan ko lang maka-usap ‘yong kaibigan kong si Alice. Sigurado akong hinahanap na ako no’n. Pati na rin sa kompanya kung saan ako nagtratrabaho, kailangan kong magpaalam ng maayos. At may kailangan akong sa isa ko pang kaibigang si Ralph—”

“About your work, Aries took care of it. You are not an employee of that company anymore. You can talk to your friend Alice, but not that guy.”

“Huh? Si Ralph? Bakit hindi ko siya puwedeng kausapin.”

“Just don’t. Kung ano man ang koneksyon mo sa kan’ya, putulin mo na.”

“Bakit nga? Huwag mong sabihing nagseselos ka sa kan’ya? Ano ka ba, kaibigan ko lang—”

“He’s a threat to any of us here.”

Natahimik ako at muling naalala ang sinabi ni Callie na takot daw ito kay Ralph. Ano ba talagang nangyayari? Anong problema ang dala ni Ralph?

“If you want to go out, someone will be there with you.”

Tumango ako at napatingin sa kan’ya. “Kung gano’n, puwede bang ikaw na muna ang bahala kay Callie?”

“No. May mga katulong, sila na—”

“Gusto kong ikaw ang tumingin sa kan’ya. Huwag mo ring sabihing may pupuntahan ka rin. Puwes, ngayon pa lang ay pinipigilan na kita. Kailangan mong pagalingin muna ‘yang mga sugat mo. Ako nahihirapan sa tuwing nakikita ko ang lagay mo,” sabi ko.

“Kaya ko ang sarili ko. And don’t tell me what to do.”

Lumapit ako sa kan’ya hanggang sa magpantay ang tingin naming dalawa. “Hubby…”

“What are you doing?”

Ngumiti ako sa kan’ya habang pinapalandas ang mga daliri ko sa braso niya. Tumikayad ako at walang ano-anong hinalikan siya sa ilong. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya pero hindi pa rin ako lumayo.

“Stay here with Callie or else…”

Bumaba ang kamay ko hanggang sa kan’yang tiyan at sinundot ‘yon dahilan para masaktan siya at itulak ako palayo.

“D-Damn! What the hell is your problem?”

“Huh? Wala naman akong problema. Ikaw ‘tong may problema kaya sinasabi ko sa ‘yo, dito ka na lang sa bahay. Huwag ka na munang umalis hanggang sa gumaling ‘yang mga sugat mo. O baka gusto mong palalain ko ‘yan?”

“I don’t want you to tell me what to do, dumbass.”

Binuhat ko si Callie at pinabuhat ko naman sa kan’ya. Gusto niyang magalit pero nagpipigil siya dahil sa batang buhat na niya ngayon.

“Baby, stay with your new Daddy muna. I need to go somewhere,” sabi ko kay Callie.

“Where are you going, Mommy? Are you going to work?”

“No, I’ll see your Ninang Alice. Kaya be a good girl at ‘wag maging pasaway. Your Daddy will look after you.”

“Hey—”

“Aalis na ako. Ikaw na bahala sa kan’ya, ah? I trust you, hubby…” malambing kong sabi bago ko siya kindatan. “Kanino ba ako magpapasama? Kay Kuya Aries ba?”

Sinamaan niya ako ng tingin bago siya mapabuntong-hininga. “No, someone else will go with you.”

“Sino naman?”

Maya-maya ay hindi ko na namalayang nasa labas na kami ng malaking bahay habang kaharap ang isang lalaking sasama sa ‘kin.

“Good morning, Ms. Beautiful.”

Napataas ang kilay ko sa lalaking kaharap ko na sobrang laki ng pagkakangiti. Naka-suot pa siya ng shades kahit wala namang araw ngayon. Ilang babae kaya ang nabilog ng isang ‘to?

Naglahad siya ng kamay sa harap ko. “Gavin pala. Ang pinaka-pogi sa balat ng lupa, at your service.”

Pilit akong napangiti bago ko tinanggap ang kamay niya. Napalingon ako kay Gray na kinakausap ang isang katulong na buhat na si Callie bago ito lumapit sa ‘min.

“Bossing! Anong atin? Ba’t mo nga pala ako pinapunta rito? Na-miss mo na siguro ako kaya—”

“I need you to do something important for me.”

“Ano ‘yon, bossing? At isa pa, sino pala ‘tong magandang babae rito? Huwag mong sabihing kaya mo ako pinapunta rito dahil irereto mo ako sa kan’ya? Napakabait mo naman, bossing. Kung gano’n, tinatanggap ko siya—”

“She’s my wife.”

“Ang ganda naman ng asawa mo— Ano?! Wife?! Kailan ka pa ikinasal?! Ba’t wala akong alam?”

“Stop asking me questions. Do me a favor and go with her.”

“Pero bossing…”

“What?”

“Isang linggo lang mula nang huli nating kita. Tapos ngayon ay babalitaan mo ako ng gan’yan. Nakakatampo ka naman bossing, parang ‘di naman tayo magkaibigan. Puwede mo namang sabihin sa ‘kin ang—”

“Keep your drama, will you? We’re not friends.”

Napatingin naman sa ‘kin si Gavin at nagulat ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kan’ya. 

“Asawa ka ba talaga ni bossing?” tanong niya sa ‘kin.

“O-Oo…”

“Kailan pa?”

“A-Ah no’ng—”

Nagulantang naman ako nang may humila ulit sa ‘kin dahilan para mapasubsob ako sa katawan niya. Ang sakit tuloy sa ilong dahil sa lakas niyang manghila.

“Ano bang—”

“Don’t f*cking touch my wife.”

Natigilan ako at dahan-dahang napaangat ng tingin. Kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Gray habang nakahapit siya sa baywang ko. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napalunok ako dahil sa kakaibang pakiramdam na ito habang magkadikit ang mga katawan namin.

“Hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka kung muling dadampi ang kamay mo sa asawa ko.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status