Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may lumulundag sa may tabi ko. Pero dahil sa gusto ko pang matulog ay muli akong pumikit at nagtalukbong.
“Mommy!”
Kulang na kulang pa ang tulog ko. Gusto ko pang matulog. Ala-una na rin akong naka-uwi kagabi. Napakahabang sermon pa ang inabot ko mula kay Ralph dahil na rin sa may ibang naghatid sa ‘kin.
Pinilit kasi ako ni Kuya Aries na ihatid kagabi kahit na ayaw ko. Kaya naman pumayag na rin ako bago pa ako mas matagalang maka-uwi kagabi. Kaya lang naabutan kami ni Ralph sa may labas ng bahay na naghihintay sa ‘king umuwi. Mabilis kong pinaalis si Kuya Aries no’n at hindi na sinubukang ipakilala o ipakita pa kay Ralph. Mahabang sermon ang inabot ko bago ako natulog. Naabutan ko na rin kasing tulog si Callie.
“Mommy! Mommy! Mommy!”
“Ano? Ano? Ano?!”
Hindi ko na mapigilang bumangon dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa ‘kin ng batang ‘to. Gusto ko pang matulog eh.
Ngumiti siya at niyakap ako. “Good morning, Mommy.”
“Good morning, baby. Pero tulog lang ako kahit five minutes lang. Puyat si mommy.”
“But Mommy, someone’s here,” sabi niya habang hinihila ang kumot ko.
“Who? Si Tito Ralph mo ba?” inaantok kong tanong.
“No.”
“Then who is it? Huwag siyang istorbo ng tulog.”
“A strange guy is here, Mommy. Wake up!”
Napakamot ako sa leeg ko at napa-upo mula sa pagkakahiga. “Gusto ko pang matulog eh.”
“He’s in our room, Mommy.”
“Huh?”
Inaantok kong inilibot ang paningin ko sa buong kuwarto. May isang lalaking naka-upo sa may bandang sofa na ‘tila may binabasa ito.
“Who is he, Mommy? Why is he here in our room?”“Eh? Oh! He’s my… future husband,” sagot ko bago ako bumalik sa pagkakahiga.
Gusto ko lang munang mahiga kahit saglit lang. Pero nakakatuwa namang may guwapo rito sa kuwarto namin. Ba’t kaya siya nandito? Ang bilis naman niyang nakapunta rito. Nasa panaginip ko lang naman siya kanina. Gano’n ba niya ako na-miss para magmadaling pumunta rito? Nakakakilig naman, siguro—
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. “Anong ginagawa mo rito?!”
Anong nangyayari? Ba’t siya nandito sa pamamahay ko? Pa’no siya nakapasok dito? Kanina pa ba siya nandito?
“Mommy, kilala mo ‘yong strange guy? You told me earlier that he’s your future husband,” inosenteng sambit ng anak ko.
Pilit akong napangiti. “Y-Yeah, I know him. Pero ‘wag kang lumapit sa kan’ya, he might do something bad to you.”
“Is he a bad guy?”
“N-No…” alinlangang sagot ko. “M-Maybe…”
Kinilabutan ako nang biglang tumingin sa direksyon ko si kuya pogi at nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa sitwasyon namin ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito.
“He looks hurt, Mommy.”
Pinagmasdan ko siya at doon ko lang napagtanto ang mga nangyari kagabi. Dali-dali akong tumayo mula sa kama at naglakad palapit sa kan’ya.
“Ayos ka na ba? Wala na bang masakit sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ko.
Nakatingin lang siya sa ‘kin na ‘tila pinag-aaralan ang buong mukha ko. Bigla tuloy akong na-conscious dahil wala pa pala akong hilamos. Nako naman! Nakakahiya!
Tinakpan ko ang mukha ko. “S-Sorry, mag-aayos lang ako ng mabilisan.”
Kaagad akong nagpunta sa banyo at naghilamos. Nakakahiya talaga, baka nakita niya ‘yong mga muta at laway ko. Minus points ‘to sa kan’ya.
Napatigil ako nang mapagtanto kong naiwan ko pala si Callie roon. Kaya naman nagmadali akong lumabas pero nagulat ako nang makita ko ang batang humahagikgik habang naka-upo ito sa kandungan ni kuya pogi.
“C-Callie…” pagtawag ko sa bata.
“Mommy! The strange guy gave me a chocolate,” masayang sabi ni Callie.
“I-Is that so? C-Come here, baby…”
Kaagad namang lumapit sa ‘kin ‘yong bata. “Next time, don’t accept anything from anyone you don’t know. I told you naman, ‘di ba? You must not talk to strangers.”
“But you know him. You also called him your future husband.”
“I-I said that b-but…”
Napakagat-labi ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko lalo na’t nakita kong naiiyak na siya. Napabuntong-hininga ako at kinuha ang tsokolate mula sa kan’ya at binuksan bago ibigay sa kan’ya.
“Drink water after you finish eating it, okay?”
Napangiti naman ng malawak si Callie at niyakap ako. “Thank you, Mommy. I love you!”
Tumakbo siya papunta sa may kama at doon niya kinain ang tsokolate. Napangiti ako nang makita ko siyang masaya. Napatingin naman ako kay kuya pogi na nakamasid lang sa ‘min kaya naman tumabi ako sa kan’ya.
“Wala naman sigurong lason ‘yon, ‘di ba?” tanong ko.
“If you don’t trust me, why did you still give it to her?” kalmadong tanong niya.
“I just felt that I can trust you.”
“Really?”
Natahimik kaming dalawa. Gusto kong matuwa dahil nagiging casual na ang usapan namin pero natatakot pa rin ako sa maaari niyang gawin lalo na’t nandito ang anak ko.
“Ano palang ginagawa mo rito? Nandito ka ba para patayin ako?” diretso kong tanong.
Napalingon naman siya sa ‘kin. “You’re strange. You casually asked me that. Are you not afraid of death?”
“I don’t know. Pero kung ikaw naman ang papatay sa ‘kin, ayos lang.”
“What if I kill you right now? Anong gagawin mo?” tanong niya at napangiti naman ako.
“Kung papatayin mo ako ngayon, you need to look after my kid. I feel that I can trust her with you until she becomes a grown, beautiful woman. Maasahan naman kita do’n, ‘di ba?”
“You’re saying things easily. Trusting a guy like me is a bad idea.”
“Hindi ko rin alam. I just know that I easily trust people so much. I hate doubting people too much,” sabi ko. “Pero kung gusto mo akong patayin, ‘wag na muna ngayon. Kailangan ko munang alagaan ang anak ko.”
Natahimik siya at mukhang may malalim na iniisip. Hindi ko alam kung anong umaandar sa isip niya ngayon. Pero ang guwapo niya talaga lalo na sa malapitan. Kahit na napakaseryo at masungit ang aura niya, mas lalo akong naa-attract sa kan’ya.
“So, ano nga? Ba’t ka nga nandito? Na-miss mo ba ako? Oh my! Huwag mong sabihing, yayayain mo ako ng kasal?” nakangiting tanong ko.
“No.”
“Gano’n? Busted na kaagad ako?”
“I’m just here to warn you.”
Napakunot naman ako ng noo. “Warn? Bakit? Dahil sa nakita ko kagabi? Nako! Kung sekreto lang naman pala, maasahan mo ako d’yan. Hindi ko ipagsasabi sa iba ang ginawa mo at ang mga nasaksihan ko. Hindi ako gano’ng tao. May sarili akong buhay na kailangang pagtuunan ng pansin. Wala akong panahon para makipag-tsismisan pero sa’yo, marami akong oras.”
“Are you flirting with me?”
“Hindi ba halata? Niyaya na nga kita ng kasal, ‘di ba?”
“Where’s the kid’s father?”
Natigilan ako sa tanong niya at umiwas ng tingin. Sasagutin ko na sana ‘yong tanong niya nang biglang may pumasok sa may kuwarto ko. Nagulat naman ako kung sino ‘yon.
“Kuya Aries! Nandito ka rin pala. Kanina ka pa ba d’yan?”
“It’s nice to see you again.”
Napatakbo naman sa direksyon ko si Callie at napayakap. “Mommy! There’s another strange guy.”
Nagulat naman ako nang may itinapon sa ‘kin si Kuya Aries na kaagad ko namang sinalo. “Susi ko ‘to sa bahay ah? Bakit na sa ‘yo?”
“Nahulog mo sa kotse ko.”
“Mabuti na lang pala nandito si Ralph kagabi. Kung hindi, sa labas ako matutulog,” saad ko. “Thank you sa pagbabalik.”
“You’re welcome. Iyan naman talaga ang ipinunta namin dito eh.”
“Talaga? Akala ko—”
“We need to go, Aries,” sambit ni kuya pogi bago siya tumayo.
“Aalis na kayo?”
“Yes,” sagot ni Kuya Aries at may ibinulong pa sa boss niya. “Pack your things. Sasama kayo.”
“Huh?”
“You also need to get out of here.”
“T-Teka! H-Hindi ko maintindihan. Ba’t naman kailangan naming umalis sa bahay namin?”
“We’ll explain it to you later. Kailangan na nating umalis bago pa nila tayo maabutan dito.”
Napalingon ako kay kuya pogi na kanina pa tahimik. “Ano bang meron? Kaya ba tinanggihan mo ‘yong alok kong kasal kasi gusto mong magtanan na lang tayo. Oh my! Sige, gusto ko ‘yan. ‘Yon lang—”
“You’re loud.”
“Bilisan mo na, miss,” sabi naman ni Kuya Aries.
Tumango ako. “Ito na. Wait lang.”
Kinuha ko ‘yong maleta ko at pinaglalagay ang mga damit ko ro’n. May maleta rin para kay Callie.
“Are we going somewhere, Mommy?” tanong ni Callie sa tabi ko.
“Yes, baby.”
Binuhat ko siya at binihisan. Nasa may sala ‘yong dalawa na naghihintay sa ‘min. Hindi ko man alam kung anong nangyayari pero mukhang may hinala na ako.
“How about Tito Ralph?” muli niyang tanong pagkatapos ko siyang bihisan.
“He can’t come with us, baby. ‘Wag kang mag-alala, I’ll call him later.”
Si Ralph ay isa sa mga matatalik at pinagkakatiwalaan kong kaibigan. Alam kong maintindihan niya rin kung sakaling ipapaliwanag ko sa kan’ya.
Biglang sumulpot naman si Kuya Aries sa likuran ko. “Are you done?”
“Oo. Okay naman na kami.”
“Okay. Let’s go. Let’s not piss my boss.”
Tinulungan niya kami sa mga maleta namin at inilagay sa likuran ng kotse niya. Nasa kotse na ‘yong boss niya kaya naman kaagad kong ni-lock lahat ng pintuan ng bahay bago ko binuhat si Callie.
Napansin kong may iba pa pala silang kasama na sakay ng isa pang kotse. Sila siguro ‘yong mga lalaki kagabi. Mabilis kaming nakaalis dahil may paparating daw. Binigay ko muna ang phone ko sa anak ko at nilagay ang headphone sa may tenga niya upang malibang siya.
“Ba’t niyo nga ba ginagawa ‘to? Hindi niyo naman kami kailangang ilayo ro’n. Sa tingin ko, kaya ko namang protektahan ang sarili ko at anak ko,” sabi ko.
“Let’s just say that it is a return for saving our boss last night,” sagot ni Kuya Aries na nagmamaneho ng kotse habang nasa tabi naman niya ‘yong boss niya na nakapikit.
“Eh kung tutuusin nga muntikan din akong mamatay kagabi dahil pinagbabaril din ako ng boss mo. Kung ‘di ko lang siya type, hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad at baka iniwan ko na siya ro’n,” sabi ko.
Natawa naman si Kuya Aries. “Then, I’m glad that you survived.”
Napabuntong-hininga ako bago tumingin sa may labas. “Sa’n niyo ba kami ipupunta?”
“Sa bahay ni boss.”
“Magiging ligtas ba kami do’n? Hindi ba ‘yon lungga ng mga kriminal?”
Biglang tumahimik sa loob ng kotse habang pinapakiramdaman ang isa’t isa. Nakikita ko ang mga seryoso nilang mga mukha sa may front mirror.
Biglang nagsalita si kuya pogi. “You seem to know about us.”
“Sort of, perhaps.”
“Anong alam mo sa amin?”
“I don’t know. All I know is you’re part of one of the criminal organizations. Well, base ‘yon sa mga nasaksihan ko kagabi. Killings… Negotiations…” sabi ko. “Mafia groups are very relevant today. Ang daming mga nagkalat sa paligid. Isa na kayo ro’n. There are the Scorpions, Gambino, Manchester, Lewis, at iba pa. I wonder, kung anong grupo kayo?”
Walang sumagot sa kanila ng tanong ko. Nananatiling silang seryoso at ‘tila may malalim na iniisip.
“Ang seseryoso niyo naman. Gusto ko lang naman malaman para naman mapaghandaan ko. Lalo na’t nadamay ko pa ang anak ko na hindi naman dapat.”
Nagsalita naman ang kanina pang tahimik na si kuya pogi. “Your kid will be safe at my house.”
“Pa’no ka naman nakakasigurado? At pa’no naman ako? Kung gano’n, magiging delikado pa rin ang buhay ko?”
Napahilot siya sa kan’yang sintido. “You’ll be my acting wife.”
“Huh?”
“Act as the wife of a mafia boss.”
“Anong sinabi mo? Puwedeng paki-ulit? Nabingi yata ako.”Napabuntong-hininga siya. “What you’ve heard is enough. I don’t wanna repeat it.”“Uulitin mo lang naman para lang ma-confirm kong tama nga ang narinig ko,” pangungulit ko.Hindi na siya nagsalita pa at hindi ako pinansin. Pero hindi ako nagpatinag at kinulit ko siya ng kinulit.“Ulitin mo na. Huwag ka nang mahiya.”Sinundot ko siya sa kan’yang tagiliran pero wala pa rin siyang reaksyon. Nanatili pa rin siyang nakapikit.“Sige na kasi. Gusto ko ulit marinig. Sabihin mong gusto mo akong mapangasawa,” natutuwa kong sabi.Lumapit ako sa kan’ya at hinila ang damit niya. “Napaka-cold mo naman. Okay, hindi ko na ipapa-ulit ‘yong sinabi mo kanina baka bigla mo pang bawiin. Pero wala rin akong sinabi na papayag ako. Kung gusto mo talaga, siguro papayag ako kung yayayain mo ako nang maayos at---”Nagulat ako nang hinila niya ang braso ko. Nakaharap na sa ‘kin ang mukha niyang naiirita. Napakagat-labi ako nang humigpit ang pagkakakapit ni
Hating-gabi na at narito ako sa may balkonahe ng kuwarto ni Gray. Sabi niya ay dito na raw ang magiging kuwarto ko. Nagpalagay din siya ng isa pang maliit na kama na para kay Callie dahil sinabi ko sa kan’ya na ayaw kong mahiwalay sa kan’ya.Hindi rin kasi nagtagal ang naging usapan namin kanina sa opisina niya. Nang matapos kong magbahagi sa kan’ya ay may tumawag sa kan’ya kaya naman nagpaalam siyang aalis siya kasama si Kuya Aries. Ang mga katulong niya rin ang nag-assist sa ‘min mula sa pag-aayos ng mga gamit namin, pagkain, at inilibot din nila kami sa ilang parte ng bahay.Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi sila Gray. Nag-aalala pa man din ako sa kalagayan niya. Hindi pa ganoong magaling ang mga sugat niya tapos naglalalakbay na siya sa kung saan-saan.“Ang lamig…”Pumasok na ako sa loob ng kuwarto dahil sa malamig na hangin sa may labas. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto pero wala akong makitang importanteng bagay dito. Maayos at malinis din. Mabuti na lang d
Nasa kusina ako ngayon ng malaking bahay na ‘to. Nagpapatulong ako sa mga ilang katulong upang makapaghanda ng almusal. “Nako po, ma’am. Kami na po tatapos ng mga itong niluluto niyo. Hindi naman po namin hahayaang mapagod ang asawa ni Sir Gray,” anang ng isang katulong.Natuwa naman ako sa sinabi niya. “Ikaw naman, manang. Kinikilig ako sa sinabi mo pero sabi ko nga, gusto kong ipagluto ang ‘asawa’ ko. Late na rin kasi siyang naka-uwi kagabi at pagod na pagod. Kaya naman naisipan kong ipagluto siya para maging maganda ang araw niya. At isa pa, patapos naman na rin ako sa pagluluto.”“Nakakatuwa naman po kayo, ma’am. Pero kasi madalang lang mag-almusal si Sir dito. Sa katunayan nga ay ang huling kain niya rito ng almusal ay nasa mahigit isang buwan na.”“Huh? Totoo ba?!” gulat kong tanong at sabay-sabay namang tumango ang mga katulong.Napabaling naman ako kay Kuya Aries na prenteng nagkakape habang naka-upo sa stool chair. Tiningnan ko siya ng nagtataka kaya naman napataas ang kilay
Makulimlim ang kalangitan at mukhang nagbabadya na namang bubuhos ang ulan. Nakalimutan ko pa namang kuhanin ang payong ko sa bahay. “Hindi ka pa ba uuwi, Farrah? Puwede na raw tayo umuwi.” Napalingon lamang ako kay Daisy na katrabaho ko at nagkibit-balikat bago bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana. Sa mga ganitong panahon, gusto ko na lamang matulog. “Huwag mong sabihing nakalimutan mo na naman ang payong mo? Nako, napakakalimutin mo talagang babae ka. Kahit nga ‘yong pinahiram ko sa ‘yong payong no’ng isang araw ‘di mo pa naibabalik,” saad ni Daisy. Napayuko na lamang ako sa lamesa ko at hindi na pinakinggan pa ang mga sinasabi niya. Ngunit napaangat din kaagad ako nang marinig kong tumunog ‘yong phone ko. Nakaramdam naman ako ng tuwa nang makita kung sino ‘yon. “Mabuti’t nakatawag ka. Gusto ko nang umuwi pero wala akong dalang payong. Susunduin niyo ba ako? Pakibilisan na lang kasi---” “I’m sorry, Farrah. Hindi kita masusundo dahil nasiraan ako kotse. Pero kung gusto mo
“You…”“W-Wait lang! P-Papatayin mo rin ba ako?” nanginginig kong tanong.“I m-must…”“O-Oy! T-Teka lang! Hindi magandang biro ‘yan.”Hindi niya ako pinakinggan at hirap na hirap siyang naglakad palapit sa ‘kin. Hindi ko alam kung mas mag-aalala ako sa kaligtasan o sa kalagayan niya. Ang dami niyang nasalong mga bala kanina, siguradong mauubusan siya ng dugo ‘pag ‘di kaagad siya naagapan.“A-Ayos ka pa ba? Kailangan mong madala sa ospital. Tulungan na kita,” nag-aalalang sabi ko.“H-Hindi kita k-kailangan…”Napasigaw ako nang muli niyang itutok sa direksyon ko ‘yong baril. Pero may bigla pala akong naalala na ikinatuwa ko.“Sige nga? Ipaputok mo nga?” Napakunot siya ng noo. “What?”“Iputok mo na, Kuya poging investor,” saad ko pa at napasinghal naman siya.Nakita kong kinalabit niya ‘yong gantilyo niya. Napangiti ako nang walang lumabas na bala mula roon.“Kuya, wala ka nang bala. Naalala mo? Pinaputok mo na sa kanila?”Napasinghal siya at itinapon sa banda ko ang baril. Nanlaki ‘yon