“Anong sinabi mo? Puwedeng paki-ulit? Nabingi yata ako.”
Napabuntong-hininga siya. “What you’ve heard is enough. I don’t wanna repeat it.”
“Uulitin mo lang naman para lang ma-confirm kong tama nga ang narinig ko,” pangungulit ko.
Hindi na siya nagsalita pa at hindi ako pinansin. Pero hindi ako nagpatinag at kinulit ko siya ng kinulit.
“Ulitin mo na. Huwag ka nang mahiya.”
Sinundot ko siya sa kan’yang tagiliran pero wala pa rin siyang reaksyon. Nanatili pa rin siyang nakapikit.
“Sige na kasi. Gusto ko ulit marinig. Sabihin mong gusto mo akong mapangasawa,” natutuwa kong sabi.
Lumapit ako sa kan’ya at hinila ang damit niya. “Napaka-cold mo naman. Okay, hindi ko na ipapa-ulit ‘yong sinabi mo kanina baka bigla mo pang bawiin. Pero wala rin akong sinabi na papayag ako. Kung gusto mo talaga, siguro papayag ako kung yayayain mo ako nang maayos at---”
Nagulat ako nang hinila niya ang braso ko. Nakaharap na sa ‘kin ang mukha niyang naiirita. Napakagat-labi ako nang humigpit ang pagkakakapit niya sa braso ko.
“Will you just shut up and do what I said. Wala akong paki-alam kung pumayag ka man o hindi. Sige, sasabihin ko ulit para malinaw sa ‘yo. Act as my wife. I’m not asking you to marry me and sign a contract. That’s bullsh*t! All I want is for you to act,” sabi niya habang pinipigilang magtaas ng boses.
Habang nagsasalita siya ay hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya dahil sa sobrang lapit nito sa mukha ko. Napababa ang mga mata ko hanggang sa napatigil ‘yon sa kan’yang labi. Nagtama ang mga mata namin nang muling tumaas ang mga mata ko. Hindi niya pa rin iniiwas ang paningin niya kaya naman nilabanan ko ‘yon. Nakipagtitigan ako sa kulay abo niyang mga mata.
Napalunok ako at hindi ko mapigilang ilapat ang mga daliri ko sa mukha niya. Pinalandas ko ang mga ‘yon na ‘tila pinag-aaralan ang buong mukha niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang ginagawa ko ‘yon. Parang gusto ko na lamang tingnan nang magdamag ang mukha niya.
Nang lumandas ang mga daliri ko sa may labi niya ay nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatingin lang din siya sa ‘kin at hinahayaan niya ako sa ginagawa ko. Lumuwag na rin ang pagkakakapit niya sa braso ko.
“Okay…”
“What?”
“Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari. I’ll act as your wife.”
“As I said, I don’t care if you’ll agree or disagree. You’ll---”
“Hubby…”
“W-What?”
“Hubby.”
“Ano?”
“Hub---”
“What the hell is that?”
“‘Yon na ang tawag ko sa ‘yo simula ngayon.”
“What? I don’t---”
“I don’t know your name, mister. Hindi mo pa pinapakilala ang sarili mo sa ‘kin. Kaya naman hubby na lang tawag ko sa ‘yo. Sure akong kilala mo na ako at pina-imbestigahan,” masayang sabi ko at mahinang pinisil ang isang tenga niya.
“I don’t know you either, dumbass.”
“Really? Akala ko pina-imbestigahan mo na ang buong pagkatao ko kagaya ng ilan sa mga mafia groups.”
Mukhang nagulat siya nang mas lumapit ako sa kan’ya at walang ano-anong hinalikan ang ilong niya. Nakita ko ang pamumula ng mga tenga niya.
“Y-You…”
“Sorry, I can’t help it. Guwapo mo kasi eh,” natatawang sabi ko bago lumayo at napasandal sa kinauupuan ko. “Sige na, baka mabali pa ‘yang leeg mo. Tumingin ka na sa harap. Mamaya mo na lang ulit ako titigan.”
Narinig ko ang pagsinghal niya nang humarap na siya. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Kuya Aries habang nagmamaneho ito.
“Mommy…”
Napalingon naman ako kay Callie nang tawagin niya ako. Inalis ko na rin ang headphone sa kan’yang ulo.
“Why did you kiss him?” inosenteng tanong ng bata.
Mahina naman akong natawa. “Because he’s now my husband.”
Napansin ko ang matalim niyang mga tingin sa may front mirror kaya natawa ako lalo.
“Husband? Just like the fairy tales?”
“Yes.”
“Then, is he going to be my Daddy?”
“No---”
“Of course, he’s now going to be your Daddy.”
“Really?”
Kitang-kita ko ang kinang sa mga mata ni Callie. Masaya ito sa kan’yang narinig.
“Hey! I’m not going to be---”
Bago pa man komontra ang lalaking ito ay idinampi ko ang daliri ko sa bibig niya. Lumapit ako sa kan’ya at bumulong.
“I’ll act as your wife, but I also want you to act as Callie’s father. It’s a win-win situation,” bulong ko.
“W-What? Don’t make another condition. I let you both live in my house but I won’t accept her to be my daughter.”
“Wala akong paki-alam kung papayag ka o hindi. Gawin mo na lang ang sinabi ko. I know you can’t hurt kids,” sabi ko.
“Y-You…”
“Mommy, he doesn’t like me. He looks mad.”
Napatingin ako kay Callie na naging malungkot. Narinig niya ‘ata ang sinabi ng lalaking ‘to.
“Tingnan mo na, pinalungkot mo pa ‘yong bata. Pumayag ka na lang, wala ka nang magagawa,” sabi ko.
Pinandilatan niya ako ng tingin. “That's not my fault, dumbass.”
“Mommy…”
Lumapit ako sa bata at niyakap ito. “He likes you. He’s just shy. But he’s a good guy.”
Narinig ko ang mahihinang pagmumura niya kaya natawa ako. “Shy, my ass.”
“Okay, mamaya na kayo mag-usap kasi nandito na tayo,” sabi ni Kuya Aries.
Sabay kaming napatingin ni Callie sa may labas ng bintana. Namangha ako sa laki at lawak ng buong bahay. Masasabi mo talagang mayayaman ang nakatira rito. Napakalawak din ng hardin at mas agaw-pansin ang isang fountain sa may gitna.
“Mommy, are we gonna live here?” nagagalak na tanong ni Callie. “It’s like the movie I watched yesterday.”
“Do you like to live here?”
Masayang tumango si Callie at malawak ang pagkakangiti. Tumigil na rin ang sasakyan sa tapat ng bahay. Nakita kong lumabas na silang dalawa. Bubuksan ko na rin sana ang pintuan ng sasakyan nang pinagbuksan kami ni Kuya Aries.
“Thank you,” sabi ko kay Kuya Aries.
Nauna nang naglakad papasok si kuya pogi na hindi man lang kami inalala. Napansin ko rin ang pagbati sa kan’ya ng mga katulong pero hindi niya ito pinapansin. Pero hindi ko maiwasang mag-alala nang mapansin kong medyo nahihirapan siya sa paglalakad dahil siguro sa mga sugat niya.
“Let’s go. Let’s follow him,” sabi ni Kuya Aries bago napatingin kay Callie. “Hello there, little princess. Do you want me to carry you?”
Nagliwanang ang mga mata ng bata. “You do?”
“Of course. Come here.”
Lumapit sa kan’ya si Callie na siya namang binuhat niya. Tuwang-tuwa siya habang nakakapit kay Kuya Aries.
“Hindi mo naman kailangang gawin ‘yan, Kuya Aries,” sabi ko.
“It’s fine. I’m really fond with kids. Gano’n din si Gray, hindi niya lang pinapahalata,” natatawang sagot niya.
“Gray?”
“Your ‘fake’ husband.”
“Is that his name?”
“Yes.”
Hindi ako makapaniwala na ngayon ko lang nalaman ang pangalan ni kuya pogi. Kasing guwapo niya rin ang pangalan niya.
“Let’s go.”
Sinundan ko si Kuya Aries na buhat-buhat si Callie. Binati rin kami ng mga katulong kahit na hindi pa naman nila ako kilala.
Pagpasok ay hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang lawak ng bahay. May mas ilalawak pa pala ito sa may loob. Mamahalin din ang mga gamit dito at mas agaw-pansin ang malaking chandelier sa may gitna.
Kamuntikan pa akong maiwan dahil sa labis kong pagkamangha. Sinundan ko lang si Kuya Aries hanggang sa pumasok siya sa isang malaking pinto. At bumungad naman sa ‘min ang ‘asawa’ kong naka-upo sa isang sofa.
“Grabe! Ang lawak naman pala talaga rito. ‘Wag mong sabihing dito mo kami patutuluyin?” bungad ko kaagad sa kan’ya.
Hindi niya ako pinansin at nakatingin lamang siya kila Kuya Aries na nakikipaglaro sa may kabilang sofa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon dahil walang pinagbago ang reaksyon niya sa mukha.
Magsasalita na sana ulit ako nang mapatingin siya sa ‘kin at magtama ang paningin namin. Bigla naman akong na-intimidate sa tingin niya.
“You’ll both stay here at my house. About your kid, don’t worry because there is a children’s ward. May mga ibang bata ro’n na puwede niyang makalaro,” panimula niya.
“Children’s ward? Hindi ba sa ospital ‘yon? Kung gano’n, may mga iba pang bata na narito?”
“Yeah. They are abandoned kids and most of them are my men’s children.”
“Sa madaling salita, may pabahay-ampunan ka rito sa malaki mong bahay. But still, are they safe here? You’re the mafia boss yet you still consider taking custody of the kids?”
“It’s my Dad, the former mafia boss, who started it. Kagaya niya, wala rin akong balak mangdamay ng mga inosenteng bata.”
“Pero ibig sabihin din ba nakikita nila ang trabaho niyo—”
“No. Walang alam ang mga taong narito maliban sa atin dito at ilang mga tauhan ko tungkol sa mafia world. This is a safe place for anyone and no one can enter without my permission,” seryosong sagot niya.
“Eh pa’no ‘yong mga spy? ‘Yong mga nagtatangkang pumasok dito? ‘Yong mga may galit sa ‘yo o kaaway mo?”
“Before they can step in my land, my men can take care of them. I always make sure that the security in this house is safe.”
“But still…” kagat-labing sambit ko. “Bakit kailangan mo ng magpapanggap na asawa mo? May malaking problema ba? May gusto ka bang pagselosin?”
“It’s my counter against my stepmother.”
“Huh?”
Naguguluhan ko siyang tiningnan. Wala na rin akong narinig na sagot mula sa kan’ya. May ideya na ako sa tinuran niya pero hindi ko pa rin maiwasang mapa-isip tungkol do’n sa stepmother na tinutukoy niya.
Napatitig siya sa ‘kin habang pinaglalaruan sa isang kamay niya ang isang basong may lamang alak. “Tell me about yourself.”
Nagulat naman ako do’n. Nawala ang ibang iniisip ko. Para akong nasa interview kung papasa ba akong maging asawa niya.
“Oo nga pala, ‘di mo pa nga pala ako nakikilala,” natatawang sabi ko at naglahad ng kamay. “I’m Farrah Louise Alvarez. Your ‘fake’ wife, but going to be your real wife in the future. Nice to meet you, Gray.”
Hindi niya tinanggap ang kamay ko at nakatingin lamang doon. “You know my name.”
“Sinabi ni Kuya Aries,” sagot ko. “Pero hindi ko alam kung anong buo mong pangalan. Pero dahil siguradong nahihiya ka na namang sabihin ang full name mo. Kahit ‘yong apilyedo mo na lang, o ang pangalan ng mafia group niyo.”
Napabuntong-hininga siya bago lumagok ng alak. “Lewis.”
“You mean, one of the infamous mafia groups?!”
“Don’t shout,” pagsita niya sa ‘kin.
“On second thought, parang may naka-encounter na ako Lewis noon. Hindi ko lang maalala.”
Inilapag niya ang baso sa lamesang kaharap namin bago tumingin sa ‘kin. “You know a lot about mafia. You are also calm as we talk about it. Hindi ka rin natatakot. Sumama ka rin sa ‘min ng walang alinlangan, knowing that your kid might get in trouble. Why is that? Are you somehow involved in any mafia connections?”
Napaawang ang mga labi ko sa mga turan niya. Hindi ko naman alam na interasado rin pala siya sa ‘kin.
“I once worked under a mafia family, six years ago. 18 ko pa lang noon. Hindi naman ako nagtagal do’n. Nakipagkasundo ako sa kanila pero binaligtad nila ako. Six months din ako do’n. Six months na paghihirap ng buhay ko bago ako nakatakas mula sa kanila,” pagbabahagi ko at napa-iwas ako nang tingin nang mapansin kong namamasa ang mga mata ko.
“It seems that you had an unpleasant experience with them. Would you mind telling me about the mafia group?”
Napasinghap ako pero maya-maya ay pabiro akong natawa. “Bakit? Are you going to avenge me for what they’ve done to me?”
“I just wanna know.”
Nawala ang ngiti ko at napayuko. “Scorpions. Your mafia group’s sworn enemy.”
Hating-gabi na at narito ako sa may balkonahe ng kuwarto ni Gray. Sabi niya ay dito na raw ang magiging kuwarto ko. Nagpalagay din siya ng isa pang maliit na kama na para kay Callie dahil sinabi ko sa kan’ya na ayaw kong mahiwalay sa kan’ya.Hindi rin kasi nagtagal ang naging usapan namin kanina sa opisina niya. Nang matapos kong magbahagi sa kan’ya ay may tumawag sa kan’ya kaya naman nagpaalam siyang aalis siya kasama si Kuya Aries. Ang mga katulong niya rin ang nag-assist sa ‘min mula sa pag-aayos ng mga gamit namin, pagkain, at inilibot din nila kami sa ilang parte ng bahay.Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi sila Gray. Nag-aalala pa man din ako sa kalagayan niya. Hindi pa ganoong magaling ang mga sugat niya tapos naglalalakbay na siya sa kung saan-saan.“Ang lamig…”Pumasok na ako sa loob ng kuwarto dahil sa malamig na hangin sa may labas. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto pero wala akong makitang importanteng bagay dito. Maayos at malinis din. Mabuti na lang d
Nasa kusina ako ngayon ng malaking bahay na ‘to. Nagpapatulong ako sa mga ilang katulong upang makapaghanda ng almusal. “Nako po, ma’am. Kami na po tatapos ng mga itong niluluto niyo. Hindi naman po namin hahayaang mapagod ang asawa ni Sir Gray,” anang ng isang katulong.Natuwa naman ako sa sinabi niya. “Ikaw naman, manang. Kinikilig ako sa sinabi mo pero sabi ko nga, gusto kong ipagluto ang ‘asawa’ ko. Late na rin kasi siyang naka-uwi kagabi at pagod na pagod. Kaya naman naisipan kong ipagluto siya para maging maganda ang araw niya. At isa pa, patapos naman na rin ako sa pagluluto.”“Nakakatuwa naman po kayo, ma’am. Pero kasi madalang lang mag-almusal si Sir dito. Sa katunayan nga ay ang huling kain niya rito ng almusal ay nasa mahigit isang buwan na.”“Huh? Totoo ba?!” gulat kong tanong at sabay-sabay namang tumango ang mga katulong.Napabaling naman ako kay Kuya Aries na prenteng nagkakape habang naka-upo sa stool chair. Tiningnan ko siya ng nagtataka kaya naman napataas ang kilay
Makulimlim ang kalangitan at mukhang nagbabadya na namang bubuhos ang ulan. Nakalimutan ko pa namang kuhanin ang payong ko sa bahay. “Hindi ka pa ba uuwi, Farrah? Puwede na raw tayo umuwi.” Napalingon lamang ako kay Daisy na katrabaho ko at nagkibit-balikat bago bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana. Sa mga ganitong panahon, gusto ko na lamang matulog. “Huwag mong sabihing nakalimutan mo na naman ang payong mo? Nako, napakakalimutin mo talagang babae ka. Kahit nga ‘yong pinahiram ko sa ‘yong payong no’ng isang araw ‘di mo pa naibabalik,” saad ni Daisy. Napayuko na lamang ako sa lamesa ko at hindi na pinakinggan pa ang mga sinasabi niya. Ngunit napaangat din kaagad ako nang marinig kong tumunog ‘yong phone ko. Nakaramdam naman ako ng tuwa nang makita kung sino ‘yon. “Mabuti’t nakatawag ka. Gusto ko nang umuwi pero wala akong dalang payong. Susunduin niyo ba ako? Pakibilisan na lang kasi---” “I’m sorry, Farrah. Hindi kita masusundo dahil nasiraan ako kotse. Pero kung gusto mo
“You…”“W-Wait lang! P-Papatayin mo rin ba ako?” nanginginig kong tanong.“I m-must…”“O-Oy! T-Teka lang! Hindi magandang biro ‘yan.”Hindi niya ako pinakinggan at hirap na hirap siyang naglakad palapit sa ‘kin. Hindi ko alam kung mas mag-aalala ako sa kaligtasan o sa kalagayan niya. Ang dami niyang nasalong mga bala kanina, siguradong mauubusan siya ng dugo ‘pag ‘di kaagad siya naagapan.“A-Ayos ka pa ba? Kailangan mong madala sa ospital. Tulungan na kita,” nag-aalalang sabi ko.“H-Hindi kita k-kailangan…”Napasigaw ako nang muli niyang itutok sa direksyon ko ‘yong baril. Pero may bigla pala akong naalala na ikinatuwa ko.“Sige nga? Ipaputok mo nga?” Napakunot siya ng noo. “What?”“Iputok mo na, Kuya poging investor,” saad ko pa at napasinghal naman siya.Nakita kong kinalabit niya ‘yong gantilyo niya. Napangiti ako nang walang lumabas na bala mula roon.“Kuya, wala ka nang bala. Naalala mo? Pinaputok mo na sa kanila?”Napasinghal siya at itinapon sa banda ko ang baril. Nanlaki ‘yon
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may lumulundag sa may tabi ko. Pero dahil sa gusto ko pang matulog ay muli akong pumikit at nagtalukbong. “Mommy!”Kulang na kulang pa ang tulog ko. Gusto ko pang matulog. Ala-una na rin akong naka-uwi kagabi. Napakahabang sermon pa ang inabot ko mula kay Ralph dahil na rin sa may ibang naghatid sa ‘kin.Pinilit kasi ako ni Kuya Aries na ihatid kagabi kahit na ayaw ko. Kaya naman pumayag na rin ako bago pa ako mas matagalang maka-uwi kagabi. Kaya lang naabutan kami ni Ralph sa may labas ng bahay na naghihintay sa ‘king umuwi. Mabilis kong pinaalis si Kuya Aries no’n at hindi na sinubukang ipakilala o ipakita pa kay Ralph. Mahabang sermon ang inabot ko bago ako natulog. Naabutan ko na rin kasing tulog si Callie.“Mommy! Mommy! Mommy!”“Ano? Ano? Ano?!”Hindi ko na mapigilang bumangon dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa ‘kin ng batang ‘to. Gusto ko pang matulog eh.Ngumiti siya at niyakap ako. “Good morning, Mommy.”“Good morning, baby. Pero tulo