Hating-gabi na at narito ako sa may balkonahe ng kuwarto ni Gray. Sabi niya ay dito na raw ang magiging kuwarto ko. Nagpalagay din siya ng isa pang maliit na kama na para kay Callie dahil sinabi ko sa kan’ya na ayaw kong mahiwalay sa kan’ya.
Hindi rin kasi nagtagal ang naging usapan namin kanina sa opisina niya. Nang matapos kong magbahagi sa kan’ya ay may tumawag sa kan’ya kaya naman nagpaalam siyang aalis siya kasama si Kuya Aries. Ang mga katulong niya rin ang nag-assist sa ‘min mula sa pag-aayos ng mga gamit namin, pagkain, at inilibot din nila kami sa ilang parte ng bahay.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi sila Gray. Nag-aalala pa man din ako sa kalagayan niya. Hindi pa ganoong magaling ang mga sugat niya tapos naglalalakbay na siya sa kung saan-saan.
“Ang lamig…”
Pumasok na ako sa loob ng kuwarto dahil sa malamig na hangin sa may labas. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto pero wala akong makitang importanteng bagay dito. Maayos at malinis din. Mabuti na lang din at hindi siya ‘yong taong pakalat-kalat ang mga gamit lalo na sa mga baril niya o ano man.
Napasandal ako sa headboard ng kama bago inabot sa may side table ang isang litrato na kung saan lulan ang isang batang lalaki. Si Gray ito noong bata pa. Malawak ang mga ngiti, hindi katulad ngayon na parang galit sa mundo.
“Ang cute niya rito. Siguro gan’to kaguwapo ang magiging anak namin in the future kung sakali,” natutuwang sambit ko sa may litrato.
Ibinalik ko na ang litrato pero hindi ko naman maiwasang buksan ang drawer ng side table. Nagulat ako nang makita ko ro’n ang isang bote ng sleeping pills.
“Pati ba naman dito?” bulong ko.
Kanina kasi pagkatapos kong maligo sa may banyo niya ay hindi ko mapigilang maghalungkat at nakita ko ang ilang sleeping pills do’n sa may cabinet do’n. Batid kong hirap siyang makatulog kaya siguro gano’n. Pero hindi naman ‘ata maganda na lagi siyang umiinom ng gano’n.
Sa gitna ng pag-iisip ko ay biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto. Bungad no’n si Gray na halata kong pagod na pagod mula sa kung saan. Napansin ko rin ang ilang dugo sa may damit niya.
Napatingin siya sa ‘kin. “You’re still awake.”
“Hindi ako makatulog at isa pa, hinihintay din kita. Sa’n ka ba galing? Anong nangyari sa ‘yo? Ba't may mga dugo ka sa damit?” tanong ko pagkalapit ko at akmang hahawakan siya sa braso nang kusa siyang lumayo.
“I can take care of myself. Just sleep.”
“P-Pero baka lumala ‘yong mga sugat mo. Tulungan na kita.”
Nagulat ako nang tinapik niya ang kamay ko. “I said I can take care of myself. Don’t bother me.”
Napasimangot ako pero hindi ako nagpatinag sa paninindak niya. “Sinabi na ngang tutulungan kita eh. Kahit hindi mo ako tunay na asawa, tutulungan kita bilang taong nagmamalasakit sa ‘yo. Halata namang nanakit ‘yang mga sugat mo mula pa noong umaga, bakit nagpapanggap ka?”
“Ano bang paki-alam mo? Sleep now, dumbass.”
Hinila ko siya papasok ng banyo. Nagulat pa siya lalo na nang tinanggal ko ang pang-itaas niya.
“W-What the? What are you doing? I told you I can take care of myself! Get out of— Damn you!”
Napasigaw siya sa sakit nang sundutin ko ang sugat niya. Inis na inis na ang buong mukha niya pero halata pa rin na nasaktan siya.
“Masakit ba? Kung gano’n, ‘wag kang makulit. Papalitan ko ‘yong bandage mo.”
Kinuha ko ang binigay sa ‘kin ni Kuya Aries kanina na medical kit, just in case raw na kailangang gamutin ang mga sugat ni Gray. Ayaw daw kasi nitong magpagamot sa kahit na sinong doktor.
Nilinis ko muna ang mga sugat niya dahil mukhang bumukas dahil siguro sa paggagalaw niya. Kahit na pinipigilan niya ako ay tinuloy ko pa rin siyang gamutin hanggang sa matapos. Medyo marami rin kasi ito kaya hindi na ako magtataka kung sobrang sakit ng mga ‘yon.
“It’s all done. ‘Yan tapos na. Huwag ka na muna kasi magpupupunta sa kung saan. Kailangan ng katawan mo ng pahinga. Baka mamaya iba pa ang maging epekto n’yan,” sabi ko habang inaayos ang mga gamot na ginamit ko.
Sininghalan niya ako pero ngumiti lang ako sa kan’ya. “Sige na, do your night routine. Brush your teeth.”
“Get out. I know what to do. I’m not a kid.”
“Ito naman. Pinapaalala ko lang,” sabi ko.
Napansin ko naman na kinuha niya ang isang bote ng sleeping pills at kumuha siya ng tableta roon bago ininom. Hindi ko tuloy maiwasang maki-alam na naman.
“Bakit kailangan mong uminom ng gan’yan? Hindi ka ba talaga makatulog?” tanong ko.
“Stop being nosy. It’s none of your business. Just get the hell out of here and sleep.”
Napabuntong-hininga ako bago ako lumapit sa kan’ya. Pinagtaasan naman niya ako ng kilay. Nagulat siya nang tumingkayad ako at hinalikan ko siya sa pisngi.
“Kung may kailangan ka puwede mo akong gisingin anytime,” masayang sabi ko. “Good night, hubby.”
Tinalikuran ko na siya at lumabas ng banyo. Hindi ko alam pero bigla na lang din akong nakaramdam ng antok. Dahil siguro sa kan’ya. Nawala na ang pag-iisip ko tungkol sa kan’ya.
Kaya naman pagkahiga ko ay mabilis kong nakuha ang tulog ko. Hindi ko na rin naisipan pang hintayin siyang matulog pa.
Naalimpungatan na lang ako nang may marinig akong ingay na nagmumula sa kung saan. Napansin kong madilim pa lamang at nakita kong bandang alas-cinco pa lamang ng madaling araw. Napabangon ako at binuksan ang ilaw sa gilid ko.
Napansin ko si Gray na mahimbing ang sa kan’yang pagtulog. Pero nagulat ako sa napakadaming unan sa may gitna ng kama. Ano bang tingin niya sa ‘kin? Mukha bang hahalayin ko siya?
Nawala ang pag-iisip ko nang muli kong marinig ang mga ingay na nagmumula sa may baba. Susubukan ko na sanang gisingin si Gray pero naalala kong kailangan niyang magpahinga kaya naman ako na lamang ang tumayo. Lumapit na muna ako sa kama ni Callie at inayos ang kumot niya bago ako lumabas ng kuwarto.
Madilim ang buong bahay pero sinubukan ko pa ring sundan ang ingay. Mukhang nasa may baba pa nga nagmumula ang ingay. Pagkababa ko ay napansin kong bukas ang isang pintuan pati na rin ang ilaw. Dali-dali akong sumilip doon dala ng kuryosidad ko.
Bumungad kaagad sa akin ang napakalawak na kuwarto at may isang lalaki na nakatalikod sa bandang gawi ko. May hawak itong dagger sa magkabilang kamay niya at sunod-sunod na binato ito sa isang dummy sa harapan niya. Sa tingin ko ay nasa mahigit sampong metro ang distansya niya.
Hindi ko mapigilang mamangha dahil mismong sa may noo ng dummy ang natatamaan niya. Mas lalo pa akong bumilib nang puma-ikot ito at inilabas ang dalawang baril niya at pinaputok ito sa dummy. At sakto na naman ito sa may noo. May silencer siguro ‘yong mga baril niya.
Muntik pa akong mapasigaw nang bigla siyang humarap sa gawi ko habang nakatututok sa ‘kin ang mga baril niya. Pero bumalik kaagad ang pagkamangha ko nang mapagtanto ko kung sino siya.
“Kuya Aries…”
Napaawang siya ng bibig bago itinago ang mga baril niya. “Ikaw pala ‘yan. Kanina ka pa ba d’yan?”
“Kararating ko lang. Pasensya na, na-curious lang kasi ako sa ingay kaya sinundan ko. Pero hindi ko alam na ikaw pala ‘yan.”
Napakamot siya sa batok niya. “Sorry. Mukhang nagising pa kita.”
“Ayos lang, Kuya Aries. Pinabilib mo naman ako eh. Grabe ka! Ang layo ng distansya mo pero nagawa mo pa ring matira ‘yong noo nang walang kahirap-hirap.”
“Well, it’s not yet enough.”
“Huh? Hindi pa ba enough ‘yon? Eh ang galing mo nga eh.”
Tipid lamang siyang ngumiti bago niya ako tinalikuran at uminom ng tubig. “I’m sorry to disturb you. Puwede ka na ulit bumalik sa pagtulog. Hindi na ulit ako gagawa ng ingay.”
Ngumiti naman ako ng malaki at lumapit sa kan’ya. “Mukhang ‘di na rin naman ako makakatulog. Samahan na lang kita dito. Susubukan ko ‘yan.”
“Are you sure?”
“Oo.”
“Pero mukhang kailangan mo na munang magbihis. You’re still in your night gown.”
Natawa naman ako. “Oo nga pala. Sige, magbibihis na muna ako saglit.”
Kaagad akong umalis at patakbong bumalik ng kuwarto. Mahimbing pa ang tulog nilang dalawa kaya naman medyo nakampante na ako. Bumalik na ako kaagad kay Kuya Aries pagkabihis ko.
“Do you want me to assist you?” tanong ni Kuya Aries kaya kaagad akong napa-iling.
“Kaya ko na ‘to. Marunong naman ako eh. Hindi ko lang alam kung kaya ko sa ganitong kalayong distansya,” sabi ko bago kinuha mula sa kan’ya ang dalawang dagger.
“Oh? Then I want to see it.”
Natawa naman ako at pumwesto na. Pinagmasdan ko ang dummy at humigpit ang kapit ko sa mga hawak kong dagger. Huminga ako ng malalim at inestima ang distansiya. Nang masiguro ko na ang posisyon ko ay mabilis kong itinapon ang mga dagger sa target.
Namangha ako nang makita kong natamaan ko ang noo at ang bandang dibdib ng dagger. Dahil sa tuwa ay hindi ko maiwasang mapatalon.
Lumapit naman sa ‘kin si Kuya Aries at masayang tinapik ang balikat ko. “Wow! That’s amazing!”
“Hindi naman. Sa katunayan nga ay mas sanay ako sa pana,” sagot ko.
“Talaga? Then try the bow and arrows.”
May tinuro siya na kaagad kong sinundan ng tingin. Nakita ko ang mga pana at palasong nakasabit sa may gilid. Dali-dali naman akong lumapit do’n.
“Puwede ba akong gumamit nito?” tanong ko.
“You can use them as much as you like.”
Kumuha ako ng pana at palaso. Medyo magaan ito at komportable gamitin. Nakita ko naman ang mga target na kagaya ng mga dummy ay nasa layong sampong metro rin ang mga ito.
Pumwesto na ako at inangat ang pana gamit ang kaliwang kamay ko bago ko naman hawakan ‘yong string at palaso. Nang maayos na ang posisyon ko ay pinagmasdan ko ang target. Napakalayo nito at walang kasiguraduhang matatamaan ko ‘yon.
“I wanna see a bullseye,” sabi ni Kuya Aries sa gilid ko.
“Kung gano’n, kapag natamaan ko ‘yong gitna…” panimula ko.
“What is it?”
“Sabihin mo sa akin lahat ng mga gusto at ayaw ni Gray. As in, lahat-lahat.”
“Deal. Give me three bullseyes.”
Napangiti naman ako sa mabilis niyang sagot. S’yempre kahit peke lang ang labas ko kay Gray, gusto ko pa ring gampanan ng maayos ang pagiging asawa niya nang hindi ako sumosobra sa limitasyon. I still want to give him the respect that he deserved.
Sumeryoso ang mukha ko at muling napatingin sa may target. Hinila ko na ang string. Nang masiguro kong nakatapat na ito sa target ay kaagad ko na itong pinakawalan. Kumuha ulit ako ng panibagong palaso at pinakawalan muli sa pangalawang target. Gano’n din ang ginawa ko sa pangatlong target. Hindi na rin ako nag-abalang tingnan kung tumama ‘yong mga nauna dahil tiwala ako sa kakayahan kong matatamaan ko ang mga ‘yon.
“W-Wow! You’re unbelievable! That’s a triple bullseye!”
Ngumiti ako ng malawak kay Kuya Aries. “‘Yong deal natin ah, ‘wag mong kalimutan.”
“O-Of course…”
Hindi pa rin siya makapaniwala at nakatingin pa rin sa mga target na tinamaan ko. Kaya naman hindi ko maiwasang matawa sa reaksyon niya.
“Isara mo na ‘yang bibig mo, Kuya Aries. Mukhang na-inlove ka na sa ‘kin. Puwes, hindi kita mapapayagan d’yan dahil nasa boss mo na ang puso ko,” pabiro kong sabi habang inaayos ang pana at palaso.
“Yeah, I think I am.”
Nagulat naman ako do’n. “Huh? Anong sabi mo?”
“Sa tingin ko, tinamaan mo rin ako. I think I’ve fallen in love with you.”
Nasa kusina ako ngayon ng malaking bahay na ‘to. Nagpapatulong ako sa mga ilang katulong upang makapaghanda ng almusal. “Nako po, ma’am. Kami na po tatapos ng mga itong niluluto niyo. Hindi naman po namin hahayaang mapagod ang asawa ni Sir Gray,” anang ng isang katulong.Natuwa naman ako sa sinabi niya. “Ikaw naman, manang. Kinikilig ako sa sinabi mo pero sabi ko nga, gusto kong ipagluto ang ‘asawa’ ko. Late na rin kasi siyang naka-uwi kagabi at pagod na pagod. Kaya naman naisipan kong ipagluto siya para maging maganda ang araw niya. At isa pa, patapos naman na rin ako sa pagluluto.”“Nakakatuwa naman po kayo, ma’am. Pero kasi madalang lang mag-almusal si Sir dito. Sa katunayan nga ay ang huling kain niya rito ng almusal ay nasa mahigit isang buwan na.”“Huh? Totoo ba?!” gulat kong tanong at sabay-sabay namang tumango ang mga katulong.Napabaling naman ako kay Kuya Aries na prenteng nagkakape habang naka-upo sa stool chair. Tiningnan ko siya ng nagtataka kaya naman napataas ang kilay
Makulimlim ang kalangitan at mukhang nagbabadya na namang bubuhos ang ulan. Nakalimutan ko pa namang kuhanin ang payong ko sa bahay. “Hindi ka pa ba uuwi, Farrah? Puwede na raw tayo umuwi.” Napalingon lamang ako kay Daisy na katrabaho ko at nagkibit-balikat bago bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana. Sa mga ganitong panahon, gusto ko na lamang matulog. “Huwag mong sabihing nakalimutan mo na naman ang payong mo? Nako, napakakalimutin mo talagang babae ka. Kahit nga ‘yong pinahiram ko sa ‘yong payong no’ng isang araw ‘di mo pa naibabalik,” saad ni Daisy. Napayuko na lamang ako sa lamesa ko at hindi na pinakinggan pa ang mga sinasabi niya. Ngunit napaangat din kaagad ako nang marinig kong tumunog ‘yong phone ko. Nakaramdam naman ako ng tuwa nang makita kung sino ‘yon. “Mabuti’t nakatawag ka. Gusto ko nang umuwi pero wala akong dalang payong. Susunduin niyo ba ako? Pakibilisan na lang kasi---” “I’m sorry, Farrah. Hindi kita masusundo dahil nasiraan ako kotse. Pero kung gusto mo
“You…”“W-Wait lang! P-Papatayin mo rin ba ako?” nanginginig kong tanong.“I m-must…”“O-Oy! T-Teka lang! Hindi magandang biro ‘yan.”Hindi niya ako pinakinggan at hirap na hirap siyang naglakad palapit sa ‘kin. Hindi ko alam kung mas mag-aalala ako sa kaligtasan o sa kalagayan niya. Ang dami niyang nasalong mga bala kanina, siguradong mauubusan siya ng dugo ‘pag ‘di kaagad siya naagapan.“A-Ayos ka pa ba? Kailangan mong madala sa ospital. Tulungan na kita,” nag-aalalang sabi ko.“H-Hindi kita k-kailangan…”Napasigaw ako nang muli niyang itutok sa direksyon ko ‘yong baril. Pero may bigla pala akong naalala na ikinatuwa ko.“Sige nga? Ipaputok mo nga?” Napakunot siya ng noo. “What?”“Iputok mo na, Kuya poging investor,” saad ko pa at napasinghal naman siya.Nakita kong kinalabit niya ‘yong gantilyo niya. Napangiti ako nang walang lumabas na bala mula roon.“Kuya, wala ka nang bala. Naalala mo? Pinaputok mo na sa kanila?”Napasinghal siya at itinapon sa banda ko ang baril. Nanlaki ‘yon
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may lumulundag sa may tabi ko. Pero dahil sa gusto ko pang matulog ay muli akong pumikit at nagtalukbong. “Mommy!”Kulang na kulang pa ang tulog ko. Gusto ko pang matulog. Ala-una na rin akong naka-uwi kagabi. Napakahabang sermon pa ang inabot ko mula kay Ralph dahil na rin sa may ibang naghatid sa ‘kin.Pinilit kasi ako ni Kuya Aries na ihatid kagabi kahit na ayaw ko. Kaya naman pumayag na rin ako bago pa ako mas matagalang maka-uwi kagabi. Kaya lang naabutan kami ni Ralph sa may labas ng bahay na naghihintay sa ‘king umuwi. Mabilis kong pinaalis si Kuya Aries no’n at hindi na sinubukang ipakilala o ipakita pa kay Ralph. Mahabang sermon ang inabot ko bago ako natulog. Naabutan ko na rin kasing tulog si Callie.“Mommy! Mommy! Mommy!”“Ano? Ano? Ano?!”Hindi ko na mapigilang bumangon dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa ‘kin ng batang ‘to. Gusto ko pang matulog eh.Ngumiti siya at niyakap ako. “Good morning, Mommy.”“Good morning, baby. Pero tulo
“Anong sinabi mo? Puwedeng paki-ulit? Nabingi yata ako.”Napabuntong-hininga siya. “What you’ve heard is enough. I don’t wanna repeat it.”“Uulitin mo lang naman para lang ma-confirm kong tama nga ang narinig ko,” pangungulit ko.Hindi na siya nagsalita pa at hindi ako pinansin. Pero hindi ako nagpatinag at kinulit ko siya ng kinulit.“Ulitin mo na. Huwag ka nang mahiya.”Sinundot ko siya sa kan’yang tagiliran pero wala pa rin siyang reaksyon. Nanatili pa rin siyang nakapikit.“Sige na kasi. Gusto ko ulit marinig. Sabihin mong gusto mo akong mapangasawa,” natutuwa kong sabi.Lumapit ako sa kan’ya at hinila ang damit niya. “Napaka-cold mo naman. Okay, hindi ko na ipapa-ulit ‘yong sinabi mo kanina baka bigla mo pang bawiin. Pero wala rin akong sinabi na papayag ako. Kung gusto mo talaga, siguro papayag ako kung yayayain mo ako nang maayos at---”Nagulat ako nang hinila niya ang braso ko. Nakaharap na sa ‘kin ang mukha niyang naiirita. Napakagat-labi ako nang humigpit ang pagkakakapit ni