"Suki! Kunin niyo na ito, oh! Mura nalang 'to, 100 pesos. Bigay ko nalang sainyo ng 80!"
Mula sa kabilang banda ng mataong bahagi ng super market, matirik na init ng panahon at mausok na kapaligiran dulot ng samu't-saring dumadaang sasakyan ay hindi alintana iyon ng dalagang si Priscilla. Patuloy pa din ito sa pag bebenta ng mga ukay-ukay na damit kahit pa walang tent ang babae sa labas. Paano ay hindi naman kasi ganoon karami ang kaniyang mga paninda at pa konti-konti lang ang damit na dinadala at binibili niya pa sa isang supplier ng dalaga sa bundle ng ukay-ukay. "Magkano dito?" "Bigay ko nalang sa'yo ng 80, suki!" Ani Priscilla at binigyan ng isang matamis na ngiti ang costumer. Kailangan niyang mag doble kayod. Dahil bukod sa mahirap na nga ang dalaga ay may sakit pa ang kaniyang bunsong kapatid na si Presley. Kahit papaano, ang pag bebenta ng dalaga ng mga ukay-ukay ay nakakatulong naman ng kaunti sa kanilang pang-araw araw. Lalo pa at nakikita ng dalaga na nahihirapan na din ang kaniyang Ina na si Nilda Solana sa pag lalabada nito sa kanilang barangay. "Sige, kukunin ko." Anang babae sa kaniya atsaka humugot ito ng limang daan sa kaniyang wallet. Masayang napangiti si Priscilla habang isinisilid ang black denim high waisted shorts sa isang plastic at masayang ibinigay iyon sa babae at sinuklian ang pera nitong limang daan. "Maraming salamat po!" Maligayang wika ni Priscilla. Sobrang tuwa na ng dalaga sapagkat ngayong araw kahit papaano ay kumita ang babae ng isang libo. Hindi na alintana pa ng dalaga ang pag kirot ng kaniyang balikat at ang kaniyang binting namumulikat. 'Atleast, may pera na akong mauuwi saamin.' Sa isip isip pa ng dalaga at humugot na lamang ng buntong hininga. Tagaktak na ang pawis sa kaniyang noo. Wala pang alas siete ng umaga ay pumarito na ang dalaga sa kaniyang pwesto upang mag benta at ngayon ay mag a-ala una na ng tanghali at kumakalam na din ang kaniyang sikmura. Paano ay tanging kape at dalawang pirasong pandesal lang din naman ang almusal niya. "Isang item nalang... pagkatapos ay uuwi na 'ko sa'min," Mahinang bulong ng dalaga, nag dadasal sa Diyos na sana ay may lumapit pa sa kaniya at bumili pa ng paninda niya. Ilang minuto pa ang pag hihintay ng dalaga ay may nakita siyang grupo ng mga dalagitang ka-edaran lamang din ng kaniyang nakakabatang kapatid na si Presley na papalapit sa mga paninda niya. "Ay, ang ganda ng skirt oh!" Sabi ng dalagita at itinuro ang puting sayang may desinyo ding puting mga balahibo. "Bigay ko sa'yo ng 70, beh." Nakangiting ani Priscilla. Nakita niyang sinusuri pa ng mga dalagita ang iba niyang paninda. "Ay ang ganda! Heto sa 'kin!" "Isuot natin 'to sa school ha!" "Sige!" "Dalawa po sa 'kin ate, at dalawa din po kay Rica. Pabukod po ng plastic ah." Sabi noong dalaga sa kaniya at ibinigay ang mga skirt na napili ng mga dalagita. Napangiti na lamang si Priscilla nang makitang mukhang nagustuhan ng mga dalagita ang pandinda niyang nakalatag lamang din sa mga hiningi niyang tarpaulin sa mga kapitbahay niya. 'Mukhang pinalad ako sa araw na ito at narinig ng Diyos ang panalangin ko at hindi lang isa ha kundi apat na damit!' Sa isip-isip ng dalaga. "Maraming salamat sainyo." Nakangiting sambit ng dalaga. Sa wakas! Malaki-laki ang perang maiuuwi ng dalaga! Bukod sa makakabili siya ng ulam at bigas ay mukhang may maibibigay pa siya sa kapatid niya kahit konti lang 'pag may matira sa pera niya. Isinilid na ng dalaga ang mga paninda sa isang malinis na sako at kaagad na nag tawag ng tricycle upang makauwi na sa kanila. Sabik na makauwi ng bahay na may dalang grasya. Nang makauwi ay kaagad na tinawag ng dalaga ang kaniyang ina at kapatid bitbit ang sampung kilong bigas at isdang nabili niya sa palengke. "Nay! Nandito na 'ko!" Maligayang sigaw ng dalaga nang makitang walang sumalubong ni isa sa kaniya. Inilapag niya muna ang mga gamit na dala sa kanilang maliit na mesa. Maliit lang ang tahanan nila ngunit masayang-masaya na silang tatlo doon. Kuntento na din sila sa buhay nila, kahit na mahirap ay hindi na din naman nila hinangad ang mas marangyang buhay. Ayos na sa kanila ang makakain ng dalawang beses sa isang araw at mabayaran ang tubig kada buwan. Dahil kapos nga sa pera, tanging ang tahanan lamang nila aling Nilda ang walang ilaw sa kanilang street. Hindi kasi kaya sa kanilang bulsa ang madagdagan pa ang gastusin sa bahay. Ayos na din naman sa kanila ang gasera at bukod sa nag bibigay naman iyon ng liwanag sa gabi nila ay nakakatipid pa sila. "Ella!" Kaagad na kinabahan ang dalaga ng marinig ang panginginig at takot na takot na boses ng kaniyang Ina! Nang makita niya iyon ay bumilis kaagad ang tibok ng kaniyang puso nang makita ang pamumutla ni aling Nilda. May sabon pa sa mga kamay ang ginang at halatang galing pa ito sa kaniyang pag lalabada sa likod ng bahay nila. "A-anong nangyari, Nay? Si Presley?" Wala pa mang sinasagot ang kaniyang Ina ay naluha na si Priscilla lalo pa't nakita nito ang panginginig ng kaniyang Ina. "Ella, dalhin na natin sa hospital si Presley! I-inatake siya sa puso!" Nang sabihin iyon ng kaniyang Ina ay labis na nag-alala siya sa kaniyang kapatid. Ngunit imbes na tumunganga ay mabilis siyang lumabas ng kanilang bahay at humingi ng saklolo sa mga ito. Pareho kasi silang walang mga telepono upang tumawag ng ambulansya lalo pa't malayo ang hospital sa kanila. Mabilis na rumesponde ang hospital nang matawagan iyon nila Jeven, ang kasambahay nila Priscilla na matagal na ding nag papalipad hangin ang lalaki sa dalaga ngunit kahit kailan ay hindi nabigyan ng pagkakataon ang lalaking matikman ang matamis na 'OO' ni Priscilla. "Diyos ko, Priscilla! Ano nalang ang gagawin natin?" Walang tigil sa pag iyak ang kaniyang Ina habang nasa loob na sila ng ambulansya. Nakaratay ang kapatid niya at nangingitim na ang mga labi nito. Mas nadurog ang puso niya lalo pa't nakita niya ang inang walang tigil sa pag-iyak at panginginig ang katawan dahil sa labis na pag-aalala. "Ella, saan tayo kukuha ng pambayad sa hospital ni Presley? Mahirap lang tayo! Ano nalang ang gagawin natin?" Pag tangis ni Aling Nilda sa anak habang mahigpit na niyayakap si Priscilla. Tumulo na din ang luha sa mga mata ng dalagang si Priscilla. Bigla ay tila dinaganan siya ng mundo, nag halu-halo ang mga naramdaman niya. Pagod, gutom, takot at pag-aalala para sa kaniyang kapatid na si Presley. Mariin na kinagat ng dalaga ang kaniyang labi. "'Wag po kayong mag-aalala, Nay. Hahanap po ako ng paraan. Sa ngayon, kailangang maagapan si Presley." Pinalis ng dalaga ang kaniyang luha. Sa sitwasyon kasi nila, dapat mas tatagan niya pa ang kaniyang loob. Alam niyang sa kanila lamang din humuhugot ng lakas ang kanilang Ina. At kung makita nitong nahihirapan siya ay mas lalong mamroblema ito. "A-anong gagawin mo?" Nag aalalang tanong ng kaniyang Ina. "Ako na po ang bahala do'n. Sa ngayon, kailangan na kailangan nating mahospital si Presley, Nay. Iyon muna ang isipin natin, ha?" Sambit ng dalaga sa kaniyang Ina. Kahit pa sa loob-loob nito ay hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera. Ngunit gagawin ng dalaga ang lahat para sa kaniyang pamilya. Kahit pa ang kumapit sa patalim ay kaya niyang gawin. ___ written by: missrubyjean. PLAGIARISM IS A CRIME!"P-po? Hindi po ba p'wedeng gamutin niyo muna ang kapatid ko?" Nanginig ang boses ng dalaga ng siguraduhin niya iyon. Rinig na rinig ang boses ng pagmamakaawa ni Priscilla sa lobby ng hospital na pinagdalhan ni Presley. Nakatingin na din sa gawi nila ang ibang mga bisita, pasyente at maging ang staff ng hospital dahil sa boses ng dalaga at kahit na napansin na iyon ni Priscilla ay wala na siyang pakialam pa. "We need atleast the half of payment. I'm so sorry, Ma'am. But it's the hospital's protocol." Anang babaing front desk staff ng hospital. Pinagsiklop ni Pricilla ang kaniyang mga palad at hindi na mapigilang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Pakiusap po! Kailangan na kailangang magamot na kaagad ang kapatid ko!" Pagmamakaawang sambit ng dalaga. Labis na ang takot na naramdaman sa kaniyang puso. Kung hindi siya makakabayad ng paunang bayad ay malabo bang magamot ang kaniyang kapatid? Anong klaseng hospital ito at inuuna pa ang pera bago ang kapakanan at kaligtas
"Maraming salamat po sa tulong niyo." Basag katahimikan ni Priscilla nang makarating sila sa isang opisina na kung saan silang dalawa lamang ang tao roon. Prenteng nakaupo ang lalaki sa swivel chair at nakapatong pa ang mga paa nito sa katapat na lamesa na may mga papeles at dokumentong nag ala-bundok na dahil sa daming nakapatong roon. Hindi pa din kilala ng dalaga kung sino itong gwapong istrangherong tumulong sa kaniya. Tila ba nabunutan siya ng isang malaking tinik sa dibdib dahil sa pag dating ng lalaki. Alam niyang inaasikaso na ng doktor ang kapatid niya. At kahit na hindi pa man nakikita ang ina niyang si Aling Nilda ay alam niyang umiiyak na iyon sa tuwa. Sa iniisip na wala na siyang problema doon ay labis na ang pagpapasalamat niya sa lalaki at habang buhay niya iyong tatanawing utang na loob. Tila ba isa itong hulog ng langit at napaka perpekto pa sa pagkakahulma ng kaniyang mukha at katawan. "So..." Binabasa ng lalaki ang kaniyang ibabang labi, kung kaya ay mas pum
Naging mabilis ang lahat ng pangyayari para kay Priscilla. Hindi siya makapaniwalang pumirma siya sa kontrata ng lalaking si Axl. Matapos nitong pumirma kanina ay inutusan siya nitong mag paalam na sa kaniyang ina. Kung kaya ay tila nakalutang ang dalaga habang binabaybay ang kwarto kung saan naka-confine ang kapatid niya. Ayaw niya mang iwan ang ina niya ay wala siyang magagawa. Paniguradong magagalit si Axl. Nang makalapit siya sa Ina ay kaagad na lumambot ang puso niya lalo pa't nakita niya itong nakaantabay sa wala pang malay na kapatid. Ngayon, mas gumaan ang pakiramdam ni Priscilla lalo pa't nakita niyang mukhang nasa maayos na kalagayan ang kapatid niya. "Ella, anak..." Mabilis na dumalo ang kaniyang Ina sa kaniya at niyakap siya nito. Mabilis din niyang niyakap ng mahigpit pabalik ang Ina. Kailangan niya ng lakas upang umalis at sumama sa kakakilala niya pa lamang na lalaki. At hindi siya sigurado kung makakauwi pa ba siya ng buhay. Suminghot siya, hindi niya namalayang tu
Naging tahimik ang buong byahe ng dalawa. Si Axl na seryosong nakatuon ang mga mata at mahigpit ang kapit sa manibela at mukhang may malalim na iniisip. Sa kabilang banda naman ay si Priscilla na hindi mapakali at nanatili ang kaba sa dibdib. Saan siya nito dadalhin? At ano ang gagawin nila pagkatapos? Malinaw ang pagkakasabi ng lalaki na gawin ang mga bagay na gusto niya. Mariing napakagat sa labi ang dalaga sa iniisip na magiging isang alipin pala siya ng lalaki na kailangan niyang gampanan ang mga pangangailangan nito maging pag dating sa kama. Sumulyap sa kaniya ang lalaki, "Make your self comfortable." Anito atsaka pinasadahan ng kaniyang mga mata ang buong katawan ng dalaga. "I won't bite." Anang lalaki sa isang makahulugang tinig. "Bu I eat." He trailed off. Hindi kaagad nakakibo ang dalaga sa sinabi ni Axl. Para bang isa lang biro ang lahat sa lalaki ang nangyayari ngayon---tama, isang biro lang pala ito sa kaniya. Dahil alam ko, walang sinumang tao ang basta-basta nala
"Just dial zero in the telephone beside the table if you need anything, Sir." Ani ng receptionist matapos matuntun ang kwartong sinabi ni Axl. Isang tipid na tango lamang ang ibinigay ng lalaki sa receptionist bago ito umalis. Nang maiwan ang dalawa sa hallway ay biglang tumambol ang puso ni Priscilla. Hindi mag sink in sa utak niya ang mga pangyayari. Para bang pinaglaruan siya ng oras at panahon "Ladies first." Nakangising wika ni Axl matapos pag buksan ang dalaga sa pintuan ng nasabing VIP room na inuukupahan nito. Tahimik na napalunok ang dalaga atsaka maingat na inihakbang ang mga paa papasok sa VIP room. Nang tuluyang makapasok ang dalaga ay nalaglag ang panga nito dahil sa rangya at laki. Isang black and grey na kwarto ang sumalubong sa dalaga. Halos malula pa ito nang tanawin niya ang magarang chandelier at iba pang mararangyang gamit sa loob ng VIP room. Napakagat na lamang siya ng labi nang mapansin ang isang malapad na sofa. May hindi kalakihang glass table sa katapat
Dumating na ang mga pagkaing in-order ng lalaki. Tahimik pa din ang dalagang si Priscilla habang hinihintay nila na matapos na sa paglalapag ang waiter sa in-order nilang pagkain. Nanatiling nakatuon ang mga mata ng lalaki sa kaniya. Tila ba isa siyang pagkain ng isang gutom na gutom na lobo. "Enjoy your meal, Sir." Ani ng waiter bago tuluyang umalis at isinarado ang pintuan ng kwarto. Prenteng kinuha ni Axl ang mga kubyertos, "Let's eat first." Anito bago hiniwa ang steak sa plato at isinubo 'yon. Hindi malaman ng dalaga ang tunay na dahilan kung bakit bigla-bigla na lamang nanuyo ang kaniyang lalamunan. Dahil siguro sa mga sinabi ng lalaki sa kaniya kanina o dahil sa tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Ngunit bago pa man isipin iyon ng dalaga ay hiniwa na nito ang steak sa plato. Tahimik na si Axl sa kaniyang kinakain at pa minsan minsan itong tumitingin kay Priscilla. "I like your red birthmark on your neck." Kapagkuwan ay ani Axl sa gitna ng dinner nilang dalawa.
"Hmm! Lazaro..." Napuno ng mumunting halinghing ng dalaga ang ukupadong kwarto. Tuluyan na siyang nakahiga sa glass table kung saan siya inilapag ni Axl. Habang nakahiga siya ay sinasamba naman ng lalaki ang kaniyang katawan. Dumadampi ang labi nito sa bawat sulok ng kaniyang katawan. At hindi niya mapigilang mapaungol at mapasambunot sa buhok ng lalaki sa tuwing sinisips*p nito ang kaniyang ut*ng na para bang isang batang sabik! "Ohhh..." Mariing nakagat ng dalaga ang labi ng paglaruan ng lalaki ang kaniyang dibdib habang unti-unti ng bumababa ang bawat halik nito sa kaniyang tiyan, pababa sa kaniyang puson hanggang sa tuluyan ng hinubad ng lalaki ang kaniyang bulaklaking panty. Sinubukan pang itiklop ni Priscilla ang kaniyang binti dahil sa pagdaan ng kahihiyan sa kaniyang katawan ngunit mabilis na hinawi iyon ng lalaki kung kaya ay namula lalo ang kaniyang pisngi sa nakabukaká niyang mga binti at nakatambad niyang pagkababae sa harapan nito. "Spread your legs more, Ms. Solan
Nagising na lamang si Priscilla kinabukasan sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya na alam ang mga sumunod na nangyari matapos nilang magtalik na dalawa ni Axl. She was tired! At dahil sa labis na pagod ay hindi niya na namalayan pang tinamaan na siya ng antok. She doesn't know how they both get out of the restaurant. Hindi na iyon matandaan pa ni Priscilla dahil kaagad itong tinangay ng antok at nakatulog. Ang tanging natatandaan niya lamang kagabi na nag iwan ng ala-ala sa kaniya ay ang pagtätalik nilang dalawa ni Axl! "Ah!" Mahinang napakislot si Priscilla nang subukan nitong tumayo. Paano ay kumirot ang pagitan ng mga binti niya! She was sore all over her body! Nasa isang hindi pamilyar siyang kwarto. Puti lahat ng silid na ito at wala pang gaanong gamit. Tanging sofa, glass table, flat screen tv, at mini bookshelf ang nasa kwarto. Priscilla bit her bottom lip, "Nasaan ako? Iniwan kaya ako ni Lazaro?" Iyon kaagad ang naitanong niya. At kahit na masakit ang lahat ng