Share

Kabanata 1

"P-po? Hindi po ba p'wedeng gamutin niyo muna ang kapatid ko?" Nanginig ang boses ng dalaga ng siguraduhin niya iyon.

Rinig na rinig ang boses ng pagmamakaawa ni Priscilla sa lobby ng hospital na pinagdalhan ni Presley. Nakatingin na din sa gawi nila ang ibang mga bisita, pasyente at maging ang staff ng hospital dahil sa boses ng dalaga at kahit na napansin na iyon ni Priscilla ay wala na siyang pakialam pa.

"We need atleast the half of payment. I'm so sorry, Ma'am. But it's the hospital's protocol." Anang babaing front desk staff ng hospital.

Pinagsiklop ni Pricilla ang kaniyang mga palad at hindi na mapigilang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Pakiusap po! Kailangan na kailangang magamot na kaagad ang kapatid ko!" Pagmamakaawang sambit ng dalaga.

Labis na ang takot na naramdaman sa kaniyang puso. Kung hindi siya makakabayad ng paunang bayad ay malabo bang magamot ang kaniyang kapatid? Anong klaseng hospital ito at inuuna pa ang pera bago ang kapakanan at kaligtasan ng tao?

Ngayon lamang nalaman ni Priscilla ang patakarang mas masahol pa sa buhay na dinanas niya. Hindi niya inakala na ang mga katulad niyang dukha ay malabong makamit pa ang mahabang buhay pag dating sa hospital.

"I'm sorry miss, but we can't really do that." Pag hingi ulit ng paumanhin ng front desk staff.

Umiling-iling si Priscilla sa sinabi nila. Hindi maaaring mawala si Presley. Hindi p'wede. Hindi siya papayag. Kailangan na kailangang magamot kaagad ang kaniyang kapatid. Tatatlo na lamang sila at ayaw niyang pati ba naman ang nakababatang kapatid niya ay mawalay pa sa piling nila ng kaniyang ina na si aling Nilda.

"Pakiusap po...mag babayad naman po ako. Kailangan na kailangan lang magamot ang kapatid ko!" Pakiusap pa ulit ng dalaga.

Kahit sa loob-loob niya ay nawalan na siya ng pag-asa ay hindi niya iyon ipinakita. Ano nalang ang magiging reaksiyon ng kaniyang Ina kapag nalaman nitong hindi magagamot si Presley? Mabuti na lamang at nandoon ang kaniyang Ina sa kapatid at nakabantay, hindi nito masasaksihan ang pagmamakaawa kahit pa pinagtitinginan na siya ng mga tao.

"Pakiusap po...buhay na ang nakataya dito! Kailangan ba talagang unahin ang pera kahit nakita niyong kailangan na kailangang magamot ang kapatid ko!?" Hindi na maiwasan pa ng dalaga ang mag eskandalo.

Wala na siyang magagawa pa kundi ang gawin iyon. Mga wala silang puso! Nakakaya lang nilang tumingin sa taong alam nilang kailangan na kailangan nang tulungan! Ngunit heto at pera pa ang hinihingi nila bilang kapalit sa pag gamot!

"I'm really sorry, ma'am." Anang front desk staff atsaka sumenyas na ito sa gwardya ng hospital upang paalisin na ang dalaga sa lobby dahil nakakasanhi na din ito ng kaguluhan sa tahimik na hospital lobby.

"Mag babayad naman ako, pakiusap po!" Hiyaw ng dalaga. Ngayon, tuluyan ng nawalan ng pag-asa ang puso niya nang maramdaman niya ang paghawak ng gwardya sa kaniyang balikat.

"Umalis nalang po kayo, ma'am." Anang gwardya habang bitbit na siya nito.

Ngunit hindi nag papatinag si Priscilla. Hindi makapaniwala ang babae sa nasaksihang kaya nilang itapon ang basurang kagaya niyang walang maibigay na pera kahit pa may buhay ang nangangailangan ng tulong nila.

"Pakiusap po!" Umalingawngaw na ang boses ni Priscilla sa lobby, nag bubulong bulungan na din ang mga taong nakakakita at nakakarinig sa pagmamakaawa niya.

"Mag babayad po ako---"

"Ma'am ano ba! Umalis nalang kayo!" Inis na sigaw noong gwardya at napakislot na lamang si Priscilla nang maramdaman nitong humigpit na ang pagkakahawak ng gwardya sa balikat niya.

"Bitawan niyo ko! Ano ba! Kailangang mapagamot ang kapatid ko!" Napuno na ng galit ang puso ng dalaga sa mga taong nasa paligid siya.

Alam niyang may kaya naman silang mag salba ng buhay ngunit pinili nilang hindi kumilos sapagkat walang perang maibibigay! Anong klaseng tao sila!? Hindi makatarungan para sa kagaya ng dalagang si Priscilla na kung minsan pa nga ay hindi na makakain sa isang araw!

"Let her go."

Natigil ang bulong-bulungan sa paligid. Ngunit ang pagkakahawak ng gwardya sa kaniyang braso ay nanatiling mahigpit at masakit. Nilingon niya ang nag salita at nakita niya ang lalaking may katangkaran, malinis ang gupit, matangos ang ilong, mapula ang labi, makapal ang kilay, may malalantik na pilik mata at may pinakamagandang kulay na mata.

Katulad ni Priscilla ay parehong natigilan ang lahat ng taong nasa hospital. Sa tanang buhay ni Priscilla ay ngayon pa lamang ito nakakita ng ganoon kakisig na lalaki sa personal! Ang nakikita lang kasi nito ay ang mga modelong nakikita niya minsan sa mga billboard.

"S-sir!" Ginawaran ng hilaw na ngiti ng gwardya ang lalaking kakarating lang.

Prenteng nakamasid ang lalaki sa kanila at dumako ang mga mata nito sa kamay ng gwardya na nanatiling mahigpit pa ding nakahawak sa braso ng dalaga. Sa isip-isip ng dalaga ay mukhang ito ang may-ari ng hospital dahil nakasuot ito ng all black formal attire, mula sa sapatos, trousers at two button suit. Agaw pansin din ang Vacheron Constantin nitong relo.

Matangkad ang lalaki. Matipuno ang katawan at ang presensya nito'y nag susumigaw sa kapangyarihan at awtoridad.

"I said let her go." Anang lalaki sa tinutukoy na mahigpit na pagkakahawak ng gwardya sa dalaga.

Mabilis pa sa alas kwatrong binitawan ang dalaga ng gwardya. Basa pa din ang mukha ni Priscilla dahil sa pag-iyak at kaagad niyang pinalis iyon. Malalaking hakbang ang ginawa ng lalaki upang makalapit siya sa gawi nila at napatingala na lamang ang babae dahil sa labis na tangkad nito.

"Are you okay?" Punong puno ng alala ang boses nito.

Pasimpleng inilibot ni Priscilla ang mga mata. Hindi kasi ito makapaniwala kung siya ba ang tinatanong at kinakausap nito. Ngunit mahina siyang napasinghap nang marinig ang pag tawa ng lalaki.

"Yes, I'm talking to you." Ani ng lalaki, amusement filled in his eyes. Paano ay masyadong inosente ang dalaga para sa kaniya.

Mabilis na lumapit ang front desk staff sa gawi nila habang nakayuko. Doon ay napagtanto ng dalaga na mukhang importanteng tao ito sa hospital.

"I'm sorry, sir. Pero nag pupumilit kasi siyang ipagamot ang kapatid niya. But we have hospital's protocol---"

"How much?" Putol ng lalaki sa nag papaliwanag na front desk staff.

Parehong nag angat ng tingin si Priscilla at ang front desk staff dahil sa labis na gulat.

Ngumuso ang babae at lumingon kay Priscilla, "T-twenty thousand po."

Tumango ang lalaki sa sagot nito. "Gamutin niyo na kaagad ang kapatid niya ngayon din." Utos nito.

Nakita ng dalaga ang nginig sa pag tango noong front desk staff at pag alis nito upang sundin ang iniutos ng lalaki. Namilog din sa gulat ang mga mata ng dalaga sa sinabi ng lalaki. Walang pag aalinlangan niyang inutos iyon! Napakagat ng labi ang dalaga. Totoo ba ang nangyayari ngayon? Hindi ba ito scam or prank?

"You." Napasinghap na lamang ang dalaga ng marinig ang baritonong boses ng lalaki.

Napatingin siya dito at may kung ano siyang naramdaman sa kaniyang tiyan nang mag tama ang kanilang mga mata. Seryoso ang gwapong mukha nito.

"Let's talk privately." Deretsang sinabi nito.

Nagulat ang dalagang si Priscilla. Hindi niya alam kung saan ba siya unang mag ri-react. Sa lalaki bang bigla nalang sumulpot na parang kabute o doon sa pangyayaring bayad na ang hospital bill ng kaniyang kapatid at sa wakas mapapagamot na ito.

---

written by missrubyjean.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vina Robles
eto na hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status