Share

Kabanata 2

"Maraming salamat po sa tulong niyo." Basag katahimikan ni Priscilla nang makarating sila sa isang opisina na kung saan silang dalawa lamang ang tao roon.

Prenteng nakaupo ang lalaki sa swivel chair at nakapatong pa ang mga paa nito sa katapat na lamesa na may mga papeles at dokumentong nag ala-bundok na dahil sa daming nakapatong roon.

Hindi pa din kilala ng dalaga kung sino itong gwapong istrangherong tumulong sa kaniya. Tila ba nabunutan siya ng isang malaking tinik sa dibdib dahil sa pag dating ng lalaki. Alam niyang inaasikaso na ng doktor ang kapatid niya.

At kahit na hindi pa man nakikita ang ina niyang si Aling Nilda ay alam niyang umiiyak na iyon sa tuwa. Sa iniisip na wala na siyang problema doon ay labis na ang pagpapasalamat niya sa lalaki at habang buhay niya iyong tatanawing utang na loob. Tila ba isa itong hulog ng langit at napaka perpekto pa sa pagkakahulma ng kaniyang mukha at katawan.

"So..." Binabasa ng lalaki ang kaniyang ibabang labi, kung kaya ay mas pumula pa iyon.

"Do you think it's free?" Nakangising tanong nito sa dalaga. Ang abelyanang mga mata nito ay tila ini-examine ang kabuuan ng dalaga dahil sa lalim ng pagkakatingin niya.

Hindi niya maitatangging maganda nga naman talaga ang dalaga. Para sa kaniya ay mas maganda ang mga babaing may morenang balat. Naniniwala kasi siyang doon mo makikita ang tunay na ganda. At kung titingnang mabuti itong si Priscilla ay may ganda itong pang modelo. 5'7 ang height, may balingkinitang katawan, maliit na mukha, matangos at maliit na ilong, bilugang mga mata at mapulang labi ay may kung anong bumubuhay sa loob ni Axl.

Nag angat ng tingin sa labis na pag tataka ang dalaga. Hindi niya inaasahan ang katanungan nito. Ang magandang imaheng nakumento niya sa isipan niya kanina ay biglang nag laho. Lalo pa at nakita ng dalaga kung saan nakapukol ang magaganda nitong mga mata habang may nakakalokong ngisi sa labi.

Dahan-dahan niyang tinakpan ang dibdib niya kung saan niya nahuling nakatingin ang lalaki! Ito ba ang magiging kapalit ng tulong niya!? Ang katawan niya!?

"A-ano po?" Kinabahang turan ng babae.

Nakasunod ang mga mata niya sa prenteng lalaking casual na tumayo. Ngayon, may bitbit na itong kung anong papel sa kaniyang kamay. Humakbang ito palapit sa kaniya at kahit na malakas ang tambol ng kaniyang dibdib ay lumaban siya sa matinding pakikipag titigan sa gwapong lalaki.

"You know... nothing is free in this world." Anang lalaki, kapansin pansin ang kakaibang accent sa kaniyang ingles. Para bang sumasayaw ang mga salita sa dila at labi nito.

Napalabi ang dalaga at napatingin sa inilapag na papel ng lalaki sa kaharap nitong lamesang kaninang pinatungan ng paa ng lalaki. Agaw pansin ang nakalagay doon sa papel. Nakita niyang may perma na din doon ang lalaki at nakita niya ang pangalan nito sa papel na nakaharap sa kaniya.

Atlas Ximon Lazaro Vielvherro...

Tumaas ang tingin niya sa lalaki, "A-ano po ito?"

"Just sign the contract, at wala ka ng poproblemahin pa sa pera."

Napatitig ang dalaga sa lalaking matayog na nakatindig sa gilid niya. Seryoso ang mukha nito. Ang mumunting balbas nito sa kaniyang mukha ay mas lalong dumagdag sa kakisigan niya.

"Anong k-kontrata ito?"

"Just sign the god-damned paper. Or else you want me to pull back my decision earlier?" May mapang laro ang tinig nito.

"I'm easy to talk to..." Tumindig ang balahibo sa leeg ni Priscilla nang maramdaman niya ang bahagyang pag lapit ng lalaki sa kaniyang leeg.

Tumama doon ang mainit niyang hininga kung kaya ay mabilis na nakaatras ang dalaga dahil sa labis na gulat at kaagad na napahawak sa batok niya! Hindi niya alam pero uminit ang kaniyang pulang balat sa leeg.

Nag tangis ang bagang ng lalaki na may kung ano siyang nagawang pagkakamali. Sumeryoso din ang gwapo nitong mukha at nakita niya ang pag kuyom ng kamao nito.

"Uh..." Nangapa ang dalaga ng sasabihin, "Ano bang nilalaman nito?" Kahit na malakas ang pintig ng puso ng dalaga ay minabuti niyang pakalmahin ang sistema.

May kung ano sa lalaking ito. At ano ba ang malay ng dalaga? Paano kung ibenta pala siya nito? Kapalit ang mga lamang loob niya sa pag tulong niya kanina? Kaya minabuti nitong itanong ang mga nilalaman upang maka siguro ito.

Tumaas ang kilay ng lalaki. Maging ang sulok ng labi nito. Matamis na ngumiti si Axl. Sumilay ang malalim nitong biloy sa kabilang pisngi.

"Just be with me for 100 days." Malamyos na wika niya at inabot pa ang dulo ng hiba ng kulay itim at medyo kulot na buhok ni Priscilla.

Ano? Just be with him for 100 days? Ni hindi niya kilala ang lalaki! Napakagat ng labi ang dalaga. Kung aayawan niya naman ito, posibleng babawiin niya ang tulong kanina! Malalagay sa alanganin ang kapatid niya! Lalo pa't siniguro nito na wala akong ilalabas na pera!

"S-sasama lang sako sa'yo? Pa'no ko masisigurong ligtas ako at ang kapatid ko?" Kabadong tanong ng dalaga at napalunok na lamang siya nang mag tama ang mga mata nilang dalawa.

Ngumisi ang lalaki, "That's why we have contract. You'll provide whatever I want..." Bumaba ang tingin ng lalaki sa kaniya mula ulo hanggang paa at nakita niyang tumigil ang abelyana niyang mga mata sa kaniyang dibdib. Umusbong ulit ang kaba sa puso ng dalaga.

"Kasama na do'n ang sarili mo." Dagdag ng lalaki at muling nag tama ang mga mata nila.

Bigla ay namula ang pisngi ng dalaga. Tama nga ang iniisip niya kanina. Kung gano'n kapalit pala ng tulong ng lalaki ay ang katawan niya? Pag sisilbihan niya ito ayon sa gusto niya at iuutos niya? At maging ang sarili niya ay kailangan niyang ihain.

Bumagsak ang mga mata ng dalaga sa papel na nakalapag sa mesa at may katabi itong ballpen. Kulang nalang ang pag lagay niya sa pangalan at pag pirma niyon upang maging ganap na ang kasunduan nilang dalawa.

"The time is running. Ayukong pinaghihintay ako." Anang lalaki sa gilid niya.

Bumuntong hininga si Priscilla at kaagad niyang dinampot ang ballpen. Kung aayaw ako sa sinasabi niyang kontrata ay malalagay sa alanganin si Presley. Mamomroblema pa ang ina niyang si Aling Nilda at iyon ang pinaka-ayaw na mangyari ni Priscilla. Malaking halaga na nga ang paunang bayad at hindi alam ng dalaga kung saan niya pa kukuhanin ang ganoon kalaking halagang pera.

Kahit pa siguro mag doble kayod siya ay malabong mapunan niya ang bente mil. Sobrang labo. Kung kaya ay kahit na ayaw man ng dalaga ang alok ng lalaki ay wala siyang ibang pag pipilian kundi ito. Ang sumang-ayon sa alok ng lalaki.

A 100 day contract to be with him.

Kahit pa mahirap sa babae ay wala na siyang ibang choice. Biglang bumaba ang tingin niya sa sarili. Ngunit kaligtasan naman ng kapatid niya ang nakasalalay at tanging ipinagdarasal niya sa ngayon ay magkaroon ito ng mabuting kalagayan.

Mabilis na isinulat ng dalaga ang kaniyang pangalan katabi sa pangalang nakalagay noong lalaki upang hindi na siya mag dadalawang isip pa at baka mag bago pa ang desisyon ng lalaki.

Nang matapos niya iyong pinirmahan ay ibinigay niya iyon sa lalaki. Ngayon, may magandang ngiti ang lalaki. Ang biloy nito ay dumadagdag sa kagwapuhan niya. Napalunok si Priscilla.

"Priscilla Solana." Binasa ng lalaki ang labi niya ng basahin niya iyon.

"You're now mine." Wika ni Axl na siyang nag pakaba ng husto sa dalagang si Priscilla.

---

written by missrubyjean

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status