Share

Kabanata 3

Naging mabilis ang lahat ng pangyayari para kay Priscilla. Hindi siya makapaniwalang pumirma siya sa kontrata ng lalaking si Axl. Matapos nitong pumirma kanina ay inutusan siya nitong mag paalam na sa kaniyang ina.

Kung kaya ay tila nakalutang ang dalaga habang binabaybay ang kwarto kung saan naka-confine ang kapatid niya. Ayaw niya mang iwan ang ina niya ay wala siyang magagawa. Paniguradong magagalit si Axl.

Nang makalapit siya sa Ina ay kaagad na lumambot ang puso niya lalo pa't nakita niya itong nakaantabay sa wala pang malay na kapatid. Ngayon, mas gumaan ang pakiramdam ni Priscilla lalo pa't nakita niyang mukhang nasa maayos na kalagayan ang kapatid niya.

"Ella, anak..." Mabilis na dumalo ang kaniyang Ina sa kaniya at niyakap siya nito.

Mabilis din niyang niyakap ng mahigpit pabalik ang Ina. Kailangan niya ng lakas upang umalis at sumama sa kakakilala niya pa lamang na lalaki. At hindi siya sigurado kung makakauwi pa ba siya ng buhay. Suminghot siya, hindi niya namalayang tuluyan na palang bumagsak ang mga luha niya at hindi na nakayanan pa ang bigat na dinadala ng dibdib niya.

Napakaraming nangyari. Sa sobrang rami ay pakiramdam ni Priscilla ay nauubos na siya. Hindi maisaksak sa kokote niya ang lahat ng nangyari at tila ba ang lahat ay isang panaginip lamang.

"A-anong nangyari?" Puno ng alala ang boses ni aling Nilda nang mapansin ang tahimik na pag-iyak ng kaniyang anak.

Umiling ang dalaga. Ayaw niyang pag alalahanin pa ang kaniyang Ina. Alam niyang nakakahinga na ito ng maluwang at ayaw niyang pag-isipin pa ito ng mga negatibong bagay. Ngumiti siya at hinalikan ang kaniyang Ina sa pisngi.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa kaniyang Ina.

Lumambot ang mga mata ni aling Nilda. Atsaka pumunta iyon sa hospital bed kung saan nakaratay ang kapatid niyang si Presley. Nakasunod siya sa Ina at napangiti na lamang dahil alam niyang masaya ang Ina.

"Ayos na ayos na ako anak. Nawala na ang pag-aalala ko." Ani manang Nilda sa anak.

Napangiti ang dalaga sa naging tugon ng Ina. Mabuti naman. Kahit papaano ay naibsan ang pag-aalala at pag sisisi niya sa kontratang pinirmahan. Alam niyang para din naman ito sa kanila. At alam niyang mas matutulungan siya ng lalaki.

"Nga pala, sana ka kumuha ng pambayad?" Kapagkuwan ay tanong ni manang Nilda.

Umiling si Priscilla, "Nay...wag niyo ng isipin 'yon. Ang mahalaga ay maayos na si Presley." Sagot ng dalaga.

"Anak...baka nahihirapan ka na." Mangiyak-ngiyak ulit na sambit ng Ina.

Nabasag ang puso ni Priscilla. Kahit sarili niya ang naging kapalit sa lahat ay hindi niya pinagsisihan iyon. Buhay niya ang kaniyang Ina at kapatid. Ayaw niyang mapahamak ang mga ito. At alam niya, sa sitwasyon nila ay ito ang pinakamagandang paraan. Kailangan niyang mag pakatatag para sa kanila. Kasi kung susuko siya, paano nalang sila?

"Nay, kailangan niyong bantayan si Presley, okay?" Ani Priscilla, "Aalis muna ako upang mabayaran ko kahit paunti-unti ang mga bayarin dito sa hospital." Ani ng dalaga sa kaniyang Ina.

Dumaan ang pag-aalala sa mga mata ni aling Nilda, "At saan ka naman pupunta?"

"Mag tatrabaho ako, nay...may nahanap akong magandang trabaho. Sapat na upang makatustus dito at sa inyo." Nakangiting sambit ng dalaga sa Ina.

"'Wag mong sabihing ibebenta mo ang sarili---"

"Shh, nay." Putol kaagad ng dalaga nang mapansin nito ang pagiging aligaga ng Ina. "Alam niyo naman pong hindi ko gagawin 'yan." Napakagat ng labi ang dalaga sa sinabi.

Ito kasi ang kauna-unahang beses na nag sisinungaling siya sa kaniyang Ina. Pero ayaw niyang mag alala pa ito kung saan pa patungo. Gusto niya ay magkaroon lang ito ng magandang araw kasama ang kapatid na si Presley.

"Mag tatrabaho ako, nay. Bantayan niyo si Presley nay ha. At ikaw, 'wag mo pabayaan ang sarili mo." Paalala niya pa sa kaniyang Ina.

Umiyak na naman ang kaniyang Ina at kaagad na niyakap ang dalaga. Lumambot ang puso ni Priscilla at kahit na ayaw niyang umiyak ay hindi na nag papapigil ang mga luha niya.

"P-pasensya, Ella...imbes na ako ang nag hahanap ng trabaho ay ikaw pa itong nag hahanap ng paraan." Ramdam na ramdam ni Priscilla ang pagsisisi ng kaniyang Ina.

"Nay..." Malamyos na aniya atsaka hinarap ang kaniyang Ina, "Ayos lang naman po sa 'kin. Ang kalagayan niyo ang mas importante sa 'kin. Kaya dapat bantayan niyo si Presley at alagaan niyo ang sarili niyo para sa 'kin." Aniya.

Tumango ang kaniyang Ina at pinalis ng dalaga ang luhang pumatak sa pisngi ni Aling Nilda. "Mahal na mahal ko kayo." Napangiti ang dalaga sa sinabi ng Ina.

"Mahal na mahal din kita, nay, kayong dalawa ni Presley..."

"Nga pala..." Kapagkuwan ay anang aling Nilda, "May p-problema pa kay Presley, anak..."

"Ano po 'yon?"

Hindi maitatanggi ni Priscilla na mas kampante na siyang maibigay ang mga gamot na kailangan ng kapatid niya dahil nandiyan naman si Axl. Hindi niya makakalimutan ang sinabi nitong wala siyang ilalabas na pera.

"Lumala na ang sakit sa puso ni Presley..." Nalungkot muli ang boses ni Aling Nilda, "Kailangan niya na daw'ng ma-operahan at mag babayad daw ng donor!" Pumatak ulit ang luha sa mga mata ni Aling Nilda.

Ngayon, hindi na nag-aalala pa ang dalaga at nawala na ang pagsisisi sa kaniyang sistema sa pag pirma ng kontrata lalo pa at may nakaabang pa palang mas malaking problema, mas malaking bayarin sa hospital.

"Saan tayo kukuha ng malaking pera?" Marahang tinapik-tapik ng dalaga ang likod ng kaniyang Ina.

"Ako na po ang bahala, nay. Gusto ko, pag-alis ko maging masaya ka lang, ha. 'Wag kang mag-alala sa mga bayarin at ako na ang bahala do'n."

"Pero hindi ko maiwasan, Ella! Malabong mabayaran mo ang lahat! Kailangan muna nating gumapang sa lupa!"

Marahang niyakap ng dalaga ang kaniyang Ina.

"Wala po ba kayong tiwala sa 'kin?"

"Meron naman pero---"

"Wala ng pero-pero ma. Ang mahalaga sa ngayon ay si Presley. Saka na natin pag-usapan ang mga nangyari, okay?" Anang dalaga.

Natapos ang pag-uusap nilang dalawa ay nag paalam na ang dalaga na aalis na siya. Niyakap niya muna ng mahigpit ang Ina at hinalikan sa noo ang kapatid na walang malay bago na siya tuluyang umalis sa silid.

Nagulat pa siya sa pag labas niya ay nakaabang si Axl. Prente itong nakasandal sa pintuan at mukhang nakikinig sa usapan nilang mag-ina. Yumuko siya at humugot ng malalim na buntong hininga.

Walang reaksiyon ang lalaki at blangko lang itong nakatingin sa kaniya.

"B-bakit?" Aniya nang mapansin ang paninitig ng lalaki sa kaniya.

Umayos na ito ng tayo at pasimple pang sumilip sa loob ng silid kung nasaan ang kapatid at Ina ng dalaga.

"Who's your mom?" Curios na tanong ng lalaki.

Kahit na nagtataka ay sumagot pa din ang babae, "Emynilda Solana, bakit?" Tanong niya.

Umiling lamang ito at nag kibit balikat, "Nothing. It seems like you have a problem?" Aniya. Humakbang na ito palabas kung kaya ay sumunod na lamang si Priscilla kahit na mabigat ang ginawang pag hakbang niya sa paa.

Lumunok ang dalaga, "Oo..."

Marahang tumango ang lalaki, "Okay, don't worry about that. May mga tauhan na akong inutusang asikasuhin ang mga kailangan niyo. And even your mom's food." Prenteng aniya atsaka dumeretso sa mustang na nakaparada sa labas ng hospital.

Hindi makapaniwala ang babae sa narinig. Bigla ay napapatanong siya kung sino ba talaga ito at bakit ginagawa niya ito? Binuksan ni Axl ang pintuan ng kaniyang sasakyan.

"Shall we?"

Kahit na walang kasiguraduhan sa mangyayari ay nilunok na lamang ng dalaga ang kaba. Bahala na si batman.

---

written by missrubyjean

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status