Share

Kabanata 4

Naging tahimik ang buong byahe ng dalawa. Si Axl na seryosong nakatuon ang mga mata at mahigpit ang kapit sa manibela at mukhang may malalim na iniisip. Sa kabilang banda naman ay si Priscilla na hindi mapakali at nanatili ang kaba sa dibdib.

Saan siya nito dadalhin? At ano ang gagawin nila pagkatapos? Malinaw ang pagkakasabi ng lalaki na gawin ang mga bagay na gusto niya. Mariing napakagat sa labi ang dalaga sa iniisip na magiging isang alipin pala siya ng lalaki na kailangan niyang gampanan ang mga pangangailangan nito maging pag dating sa kama.

Sumulyap sa kaniya ang lalaki, "Make your self comfortable." Anito atsaka pinasadahan ng kaniyang mga mata ang buong katawan ng dalaga.

"I won't bite." Anang lalaki sa isang makahulugang tinig.

"Bu I eat." He trailed off.

Hindi kaagad nakakibo ang dalaga sa sinabi ni Axl. Para bang isa lang biro ang lahat sa lalaki ang nangyayari ngayon---tama, isang biro lang pala ito sa kaniya. Dahil alam ko, walang sinumang tao ang basta-basta nalang tumulong sa hindi naman nito kakilala. Kung para kay Axl ay barya lang iyong binigay niyang pera para sa gastusin sa hospital, para kay Priscilla ay malaking bagay na iyon!

At alam ng dalaga na ang lahat ng ito ay ayon lang sa trip o biro ni Axl. Sa iniisip ng dalaga ay nag mistula siyang isang laruan ng lalaki na naisipang kuhanin at nagawa niya nga ng walang kahirap hirap dahil katumbas lang ang pagkatao niya ang halaga ng perang para sa lalaki ay barya lang.

"Ano ba talaga ang kailangan mo? At bakit ginagawa mo ito?" Hindi na mapigilan pa ni Priscilla ang sarili kundi ang itanong ang mga katanungang tumatakbo sa isipan niya.

Nabura ang magandang ngiti ng lalaki sa kaniyang mukha. His face darkened and his jaw clenched. Tila ba may tinanong ang dalagang makakasama sa loob ni Axl. His veins protruded and his knuckles were white as he gripped the steering wheel.

Napalunok ang dalaga dahil sa kaba nang makaramdam ito ng mabigat na tension sa pagitan nilang dalawa. Na para bang may nasabi siyang hindi maganda.

"Aren't you happy that I helped you?"

Hindi nakakibo ang babae. Kapansin pansin din ang pag bilis ng takbo ng sasakyan nila. Parehong namawis ang mga palad ni Priscilla at napalabi na lamang ang babae.

"Ayuko sa lahat ang maraming tinatanong. Why don't you just be happy?" Hindi makatakas ang iritadong boses ng lalaki.

"P-pasensya na." Tanging nasambit ng dalaga.

"Don't ask me personal things. This fucking contract is just for my pleasure. No feeling involved. Pampatanggal lang ng init sa katawan."

Kumirot ang dibdib ni Priscilla. Tama nga siya, para sa lalaki ay isa lang siyang laruan. Sumulyap si Axl sa dalaga, napansin nito ang biglang pananahimik at pag baling sa labas ng bintana.

Nagulat na lamang si Priscilla nang mapansing tumigil ang sasakyan sa isang tabi. Madilim na paligid at tanging ang mga street lights lamang ang nag bibigay ng ilaw sa highway. Bahagyang kinabahan ang dalaga nang mapansing masukal ang lugar.

Nilingon ng dalaga ang lalaking tila punyal ang mga matang nakapukol sa kaniya. Kasabay ng dilim ng kapaligiran ang madilim nitong mga mata.

"You signed the contract remember?" Panimula ng lalaki.

Tama. May kontrata silang pinagkasunduan. 100 days to be with him. 100 days to be his toy. Isang daang araw lang, Priscilla. May kapalit din naman ang lahat ng ito. Para kay Presley. Para kay Mama. Para sa 'kin.

"Sorry." Sambit ng dalaga at bahagyang yumuko.

He took a deep breath. "You can't turn back, now. We have contact and if you changed your mind to be with me for 100 days higit pa sa bente mil ang babayaran mo sa 'ki. You'll pay me half million." Namilog ang mga ng dalaga sa binanggit na halaga ni Axl.

Axl smirked when he saw Priscilla's reaction. Alam kasi nitong wala naman itong ibabayad. Nakita ng dalagang prenteng kinuha ng lalaki ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang sekretarya.

"Sabihin mo sa mga tauhang nasa hospital---"

"S-saglit!" Agap ng dalaga nang marinig ang pagbago ng desisyon ni Axl.

His eyes darkened when he looked at Priscilla's scared face.

"S-sorry! Hindi na ako mag tatanong ng kung ano! At...at payag naman ako sa kontrata nating d-dalawa..." Nangatal ang boses ng dalaga ng sabihin niya iyon.

And just by that. Axl ended the call. His red lips spread into a wide grin, showing off his perfect white teeth. Napayuko ang dalaga ngunit marahang hinawakan ni Axl ang baba ng babae at bahagyang inangat ang ulo nito upang mag pantay ang kanilang mga mata.

Pigil hininga ang ginawa ni Priscilla habang nakikipag titigan ito sa lalaking may ilang metrong layo lamang ang kanilang mukha! His eyes rolled down to her lips.

"Good girl..." Axl murmured softly as he slowly leaned his head and reached for Priscilla's lips.

Mabilis na napapikit ang babae. Hindi niya inaasahan na gano'n kabilis ang pangyayari! It was soft and quick kiss, almost a smack but she felt his lips slightly brushed into her.

Kaagad na namula ang pisngi ng dalaga! It was her first kiss! Sa edad niyang bente dos ay ngayon lamang siya n*******n ng lalaki! At hindi niya inaasahan na sa lalaki pang kakikiilala niya pa lamang! Nangako pa naman siya sa kaniyang sarili na ibibigay niya ang lahat sa mapapangasawa niya.

Axl lips spread into a wide grin. Tila ngiti ng isang wagi. Bago pa man bitawan ng lalaki ang baba ng dalaga ay marahan pa nitong dinama ang ibabang labi niya gamit ang kaniyang hinlalaki. May kung anong kiliti sa tiyan ng dalaga ang naramdaman ginawang iyon ng lalaki.

"Just don't pissed me off. You will regret it after." He trailed off.

Hindi na nakakibo ang babae. Tila wala lang para kay Axl ang pag halik nito sa kaniy! Casual nalang at mukhang normal nalang ito para sa lalaki. Marami pang mga katanungan ang tumatakbo sa isipan ng babae. Ilang babae na kaya bukod sa kaniya ang naikama na nito? Sa gwapo nito, malabong siya lang. Sa yaman nito, malabong siya lang ang binili nito. Ngunit imbes na itanong iyon ng dalaga ay kinagat niya na lamang ang dila upang pigilan ang sarili.

Ilang oras pa ang byahe ay nakarating na sila sa wakas sa isang mamahaling restaurant. Kaagad na bumaba ang lalaki at umikot ito sa kaniyang mustang at pinagbuksan siya ng pintuan.

Halos malula ang dalaga nang makita kung gaano ka rangya ang restaurant na nakita niya sa kaniyang harapan. Pinagsiklop ni Axl ang kanilang mga kamay at hindi mapakali si Priscilla kundi ang punain ang malaki nitong kamay at mahahabang daliring perpektong nakasiklop sa maliit at mala-kandila niyang kamay.

Napakagat ng labi ang babae nang mapansing agaw atensiyon pala ang lalaki nang makapasok sa nasabing mamahaling restaurant. Hindi kaya ay kilala ang lalaki? O dahil sadyang gwapo lang ito? O... hindi kaya ay dahil sa itsura kong nag mistulang katulong niya?

"Vielvherro, on a VIP room." Prenteng wika ni Axl.

"Kakain ba tayo dito?" Puno ng kuryusidad ang boses ng babae.

"Yes." Tipid na sagot ng lalaki.

"This way sir." Salubong ng receptionist nang makarating ito.

Napasinghap ang dalaga sa biglang bitiw ng lalaki sa pagkakasiklop ng kanilang mga kamay at ang pag gapang ng palad nito sa kaniyang baiwang. Ramdam na ramdam nito ang mainit at magaspang na palad na tumatagos sa manipis na tela ng kaniyang damit.

"I'll discuss later how this contract work, our boundaries and our rules." Seryosong sambit ni Axl.

Priscilla just bit her bottom lip and nodded to him.

---

written by missrubyjean

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status