Kung nakakamatay lang ang mga iniisip ni Priscilla kay Axl ay baka matagal ng naibaon sa hukay ang lalaki. Hindi pa din maarok ni Priscilla ang mga nabasa niya patungkol sa dokumentong ibinigay ni Axl sa kaniya kahapon.Kung paanong mas tinayugan pa ni Axl ang matayog na pader sa pagitan nilang dalawa. Wala siyang karapatang ipakita ang emosyon niya para sa kanilang dalawa ni Axl. Wala siyang karapatang kwestiyunin ang lalaki patungkol sa mga ginagawa nito. Sasagot lamang siya kapag tinatanong at binibigyan siya ng permiso ng lalaki. ‘You're like my puppet. All you need is to obey me. ’ That line in the end of the document that Axl gave to Priscilla invaded her mind. Mas lalong sumama ang loob ng dalaga. Napaka antipatiko talaga! Priscilla wanted to punch his balls so much! Alam ni Axl kung paano hulihin ang kaniyang kiliti upang matakot: ang kapatid niya. "Sabi ko sayo mag beauty rest ka ‘teh, ano ba ang ginawa mo kagabi?" Naputol ang pag-iisip ni Priscilla nang kalabitin siya ni
Uminit ang sulok ng mga mata ni Priscilla habang nakadungaw kay Isla na dahan-dahang nag lalakad sa red carpet na nakalatag sa buhangin, at dahil beach theme ang kasal ng dalawa ay ginanap ang kasal sa open space ng beach na malapit lamang din sa dagat. Isla is wearing bohemian wedding dress. Ang malamlam na papalubog na sinag ng araw ay nag dagdag ng tanawing mala paraiso dahil sa ganda ng paligid na dumagdag sa ganda ng mga decorations. The soft background music, soft laughters and talks, the gentle waves on the beach, and the chirping of birds in the air... everything is perfect. Pinunasan ni Priscilla ang kaniyang mga mata dahil sa hindi mapigilang pag takas ng mga luha niya. Sumisinghot singhot pa ang dalaga at kapagkuwan ay bumaling sa lalaking si Axl na hindi man lang nakitaan ng ngiti ang mukha. He's with Rachelle. Mag katabi ang dalawa at nakasukbit ang mga kamay ni Rachelle sa braso niya habang nakangiti. His face were serious and deadly while looking at Isla. Kung titingn
"Suki! Kunin niyo na ito, oh! Mura nalang 'to, 100 pesos. Bigay ko nalang sainyo ng 80!" Mula sa kabilang banda ng mataong bahagi ng super market, matirik na init ng panahon at mausok na kapaligiran dulot ng samu't-saring dumadaang sasakyan ay hindi alintana iyon ng dalagang si Priscilla. Patuloy pa din ito sa pag bebenta ng mga ukay-ukay na damit kahit pa walang tent ang babae sa labas. Paano ay hindi naman kasi ganoon karami ang kaniyang mga paninda at pa konti-konti lang ang damit na dinadala at binibili niya pa sa isang supplier ng dalaga sa bundle ng ukay-ukay. "Magkano dito?" "Bigay ko nalang sa'yo ng 80, suki!" Ani Priscilla at binigyan ng isang matamis na ngiti ang costumer. Kailangan niyang mag doble kayod. Dahil bukod sa mahirap na nga ang dalaga ay may sakit pa ang kaniyang bunsong kapatid na si Presley. Kahit papaano, ang pag bebenta ng dalaga ng mga ukay-ukay ay nakakatulong naman ng kaunti sa kanilang pang-araw araw. Lalo pa at nakikita ng dalaga na nahihi
"P-po? Hindi po ba p'wedeng gamutin niyo muna ang kapatid ko?" Nanginig ang boses ng dalaga ng siguraduhin niya iyon. Rinig na rinig ang boses ng pagmamakaawa ni Priscilla sa lobby ng hospital na pinagdalhan ni Presley. Nakatingin na din sa gawi nila ang ibang mga bisita, pasyente at maging ang staff ng hospital dahil sa boses ng dalaga at kahit na napansin na iyon ni Priscilla ay wala na siyang pakialam pa. "We need atleast the half of payment. I'm so sorry, Ma'am. But it's the hospital's protocol." Anang babaing front desk staff ng hospital. Pinagsiklop ni Pricilla ang kaniyang mga palad at hindi na mapigilang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. "Pakiusap po! Kailangan na kailangang magamot na kaagad ang kapatid ko!" Pagmamakaawang sambit ng dalaga. Labis na ang takot na naramdaman sa kaniyang puso. Kung hindi siya makakabayad ng paunang bayad ay malabo bang magamot ang kaniyang kapatid? Anong klaseng hospital ito at inuuna pa ang pera bago ang kapakanan at kaligtas
"Maraming salamat po sa tulong niyo." Basag katahimikan ni Priscilla nang makarating sila sa isang opisina na kung saan silang dalawa lamang ang tao roon. Prenteng nakaupo ang lalaki sa swivel chair at nakapatong pa ang mga paa nito sa katapat na lamesa na may mga papeles at dokumentong nag ala-bundok na dahil sa daming nakapatong roon. Hindi pa din kilala ng dalaga kung sino itong gwapong istrangherong tumulong sa kaniya. Tila ba nabunutan siya ng isang malaking tinik sa dibdib dahil sa pag dating ng lalaki. Alam niyang inaasikaso na ng doktor ang kapatid niya. At kahit na hindi pa man nakikita ang ina niyang si Aling Nilda ay alam niyang umiiyak na iyon sa tuwa. Sa iniisip na wala na siyang problema doon ay labis na ang pagpapasalamat niya sa lalaki at habang buhay niya iyong tatanawing utang na loob. Tila ba isa itong hulog ng langit at napaka perpekto pa sa pagkakahulma ng kaniyang mukha at katawan. "So..." Binabasa ng lalaki ang kaniyang ibabang labi, kung kaya ay mas pum
Naging mabilis ang lahat ng pangyayari para kay Priscilla. Hindi siya makapaniwalang pumirma siya sa kontrata ng lalaking si Axl. Matapos nitong pumirma kanina ay inutusan siya nitong mag paalam na sa kaniyang ina. Kung kaya ay tila nakalutang ang dalaga habang binabaybay ang kwarto kung saan naka-confine ang kapatid niya. Ayaw niya mang iwan ang ina niya ay wala siyang magagawa. Paniguradong magagalit si Axl. Nang makalapit siya sa Ina ay kaagad na lumambot ang puso niya lalo pa't nakita niya itong nakaantabay sa wala pang malay na kapatid. Ngayon, mas gumaan ang pakiramdam ni Priscilla lalo pa't nakita niyang mukhang nasa maayos na kalagayan ang kapatid niya. "Ella, anak..." Mabilis na dumalo ang kaniyang Ina sa kaniya at niyakap siya nito. Mabilis din niyang niyakap ng mahigpit pabalik ang Ina. Kailangan niya ng lakas upang umalis at sumama sa kakakilala niya pa lamang na lalaki. At hindi siya sigurado kung makakauwi pa ba siya ng buhay. Suminghot siya, hindi niya namalayang tu
Naging tahimik ang buong byahe ng dalawa. Si Axl na seryosong nakatuon ang mga mata at mahigpit ang kapit sa manibela at mukhang may malalim na iniisip. Sa kabilang banda naman ay si Priscilla na hindi mapakali at nanatili ang kaba sa dibdib. Saan siya nito dadalhin? At ano ang gagawin nila pagkatapos? Malinaw ang pagkakasabi ng lalaki na gawin ang mga bagay na gusto niya. Mariing napakagat sa labi ang dalaga sa iniisip na magiging isang alipin pala siya ng lalaki na kailangan niyang gampanan ang mga pangangailangan nito maging pag dating sa kama. Sumulyap sa kaniya ang lalaki, "Make your self comfortable." Anito atsaka pinasadahan ng kaniyang mga mata ang buong katawan ng dalaga. "I won't bite." Anang lalaki sa isang makahulugang tinig. "Bu I eat." He trailed off. Hindi kaagad nakakibo ang dalaga sa sinabi ni Axl. Para bang isa lang biro ang lahat sa lalaki ang nangyayari ngayon---tama, isang biro lang pala ito sa kaniya. Dahil alam ko, walang sinumang tao ang basta-basta nala
"Just dial zero in the telephone beside the table if you need anything, Sir." Ani ng receptionist matapos matuntun ang kwartong sinabi ni Axl. Isang tipid na tango lamang ang ibinigay ng lalaki sa receptionist bago ito umalis. Nang maiwan ang dalawa sa hallway ay biglang tumambol ang puso ni Priscilla. Hindi mag sink in sa utak niya ang mga pangyayari. Para bang pinaglaruan siya ng oras at panahon "Ladies first." Nakangising wika ni Axl matapos pag buksan ang dalaga sa pintuan ng nasabing VIP room na inuukupahan nito. Tahimik na napalunok ang dalaga atsaka maingat na inihakbang ang mga paa papasok sa VIP room. Nang tuluyang makapasok ang dalaga ay nalaglag ang panga nito dahil sa rangya at laki. Isang black and grey na kwarto ang sumalubong sa dalaga. Halos malula pa ito nang tanawin niya ang magarang chandelier at iba pang mararangyang gamit sa loob ng VIP room. Napakagat na lamang siya ng labi nang mapansin ang isang malapad na sofa. May hindi kalakihang glass table sa katapat