BIANCA POV "Bakit? Saan ba nagpunta si Daddy mo?" nakangiting tanong ko kay Anyana. Saglit itong nag-isip bago sumagot. "Umuwi po sa bahay! Check niya daw po kung nakaalis na daw si Mommy!" inosente nitong sagot. Lalo tuloy akong kinain ng curiosity. Check daw kung nakaalis na si Jeneva? Bakit saan pupunta si Jeneva? Mag-aabroad? "Ah okay! Bakit, magbabakasyon ba ang Mommy mo?" nakangiti kong tanong kay Anyana! Pasimpleng tsismis itong gusto kong masagap kaya walang makakapigil sa akin sa questions and answer portion naming ito ni Anyana. "Hindi po! Pinalayas na po ni Daddy si Mommy kasi palagi niya po akong sinasaktan!" balewalang sagot ni Anyana na labis kong ikinagulat! Gosh, may ganitong issue pala sa pagsasama ni Daniel at Jeneva? Tsaka anong sabi ni Anyana, sinasaktan siya ng sarili niyang Ina? Posible siguro dahil habang tinititigan ko ngayun si Anyana parang hindi naman siya affected na maghihiwalay ang mga magulang niya! "Why...ayos lang ba sa iyo na wala ka
BIANCA POV "Can I talk to you?" uupo na sana ako sa tabi ng mga anak ko nang biglang nagsalita si Daniel. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya at kaagad kong napansin ang nangungusap nitong mga mata. Ano na naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Ano na naman kaya ang gusto niyang pag-usapan namin? Natangap niya na kaya ang kopya na galing sa korte tungkol sa divorce naming dalawa? Baka naman gusto niya akong makausap dahil doon? Isang mahinang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako alanganin na tumango. Sinulyapan ko pa ang mga bata na abala sa kanilang nilalaro bago ko sininyasan si Daniel na sumunod sa akin na kaagad naman tumalima. Sa gilid ng pool ako dinala ng mga paa ko habang tahimik na nakasunod sa akin si Daniel. Huminto ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya. "Now tell me! May gusto ka bang sabihin?" kaagad na tanong ko sa kanya! Natigilan ito habang seryoso akong tinitigan sa mga mata. Hindi ko naman napigilan ang makaramdam ng pagkailang. "Natangap
BIANCA POV Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa kapangahasan na ginawa ni Daniel sa akin ngayun! Hindi ko akalain na magawa niyang halikan ako sa labi ng walang pasabi. Pero ano ito? Bakit hindi ko siya kayang sawayin? Pwede naman akong lumayo sa kanya para matapos na ang halik na pinagsaluhan naming dalawa. Pwede ko siyang itulak at pagsasampalin dahil sa kanyang ginawa! Pero bakit nag-eenjoy ako? Bakit parang nagugustuhan ko naman ang kung anong ginagawa niya sa akin ngayun? Gosh...sobrang na-miss ko siya! Sobrang na-missed ko ang labi niya! Kung alam niya lang! Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Wala pa ring kupas si Daniel! Ang tamis pa rin ng labi niya! Namalayan ko na lang na tinutugon ko na ang halik niya! Namalayan ko na lang na sobrang nag-eenjoy na pala ako. Ang bawat galaw ng labi niya ay ginagaya ko na din! Tuluyan na akong nadarang at biglang nawala sa isip ko kung ano nga ba ang meron sa aming dalawa ngayun. Ngayun ko lang din lubos na napat
BIANCA POV Pagaktapos nang halikan na naganap sa aming dalawa ni Daniel mas lalo akong naglagay ng boundary sa pagitan naming dalawa! Naging casual ang pakikitungo ko sa kanya at hangat maari, iniiwasan ko na din na magkausap kami ng kami lang. Baka mamaya bigla na naman akong ipagkanulo ng sarili ko. Napaka-traydor pa naman ng puso ko! Mabilis na lumipas ang araw! Araw ng sabado at madilim pa lang gising na ako para maghanda papuntang resort. Iniimagine ko na mag-eenjoy ang mga bata sa pupuntahan namin. Parang gusto ko tuloy magpasalamat kay Arnold dahil naisip niya ang ganitong bagay. At least, magagamit namin ang week-end namin sa isang makabuluhang bagay. Makakapag-bonding kaming lahat kasama na si Amber. Yes...speaking of AMber. Nag-message siya sa akin kanina na papunta na daw siya! Mukhang excited din naman siya sa outing naming ito! "Yaya, pakidala na sa van ang mga gamit ng mga bata! Make sure na wala tayong makakalimutan na gamit nila Stephen at Scarlett ha?" nakan
AMBER POV Kung alam lang ng best friend kong si Bianca kung gaano kasakit sa akin na nakikita silang dalawa ni Arnold baka kamuhian niya ako! Imagine....inloved ako sa boyfriend niya at hindi pwede ito! Piste kasi talaga! Bakit ba hindi siya mawala sa balintatataw ko? Ang mainit na sandaling pinagsaluhan namin ay sariwa pa rin sa isipan ko! Kahit saang lugar pa ako pumupunta para mag-enjoy hindi ko talaga siya makalimutan. Dapat hindi na lang muna ako umuwi dito sa Pinas eh! Dapat hindi din ako nagyaya noon na mag-bar! Wala sanang nangyaring kababalaghan sa aming dalawa ni Arnold at hindi ko sana nararanasan ang paghihirap ng kalooban na nararamdaman ko ngayun! Tsaka ano ito! Bakit sumama pa ako sa resort na ito? Kung titingnan, sampid lang ako sa outing na ito at mas lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko! Mas lalo lang akong nasasaktan tuwing nakikita ko si Arnold at Bianca na mas lalong nagkakamabutihan! Pagdating ng kwarto, hapong-hapo kong inihiga ang pagod kong kata
AMBER POV Hindi ko maintindihan kung bakit nakapasok dito sa loob ng kwarto ko itong si Arnold dahil ang natatandaan ko kanina nailock ko naman ang pintuan? Sanay akong mag-stay sa mga hotel at sinisigurado ko na palaging naka-lock ang pintuan for safety purposes na din. "Arnold ano ba! Kung ano man ang binabalak mo pwede bang huwag mo nang ituloy?" naiinis kong bigkas sa kanya! Sa galit ko kinalmot ko gamit ang mahaba kong kuko ang braso niya kaya naman napadaing siya sa sakit kasabay noon ang pagbitaw niya sa akin. Kinuha kong tsansa iyun para makalayo sa kanya. Mabilis akong bumangon ng kama at naglakad patungo sa may pintuan at kinapa ang switch ng ilaw. Hindi naman ako nabigo dahil nang makapa ko ang switch ng ilaw kaagad ko iyung pinindot kaya bumaha ang liwanag sa buong silid. Napatingin ako sa kama at kaagad kong nakita si Arnold na prenteng nakasandal sa headboard ng kama. Hindi ko napigilang titigan siya! Nakasuot lang siya ng cotton shorts at puting sando. Kitang-
AMBER POV "I think kayo lang dalawa ni Bianca ang makakagawa ng solusyon diyan sa problema niyo! Labas na ako diyan dahil isa akong outsider sa relasyon niyong dalawa at ayaw ko nang makisawsaw pa!" malamig kong sagot kay Arnold at mabilis na naglakad patungo sa aking personal bag. Binuksan ko iyun at inilabas ang wallet ko. Kung ayaw niyang umalis sa silid ako, ako ang aalis. Kailangan ko na talagang malagyan ng laman ang kumakalam kong sikmura. "Where are you going?" narinig kong tanong niya sa akin nang napansin niyang akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto. SAglit akong natigilan at muling nilingon siya. "Kailangan kong maghanap ng makakain!" maiksing sagot ko sa kanya. Napansin kong mabilis siyang bumaba ng kama at naglakad palapit sa akin. "Dito ka lang! Padadalhan na lang kita ng makakain dito sa kwarto mo!" seryosong sagot niya na labis kong ikinagulat. Nilagpasan niya pa ako at mabilis niyang binuksan ang pintuan ng kwarto. "Hintayin mo na lang ang pa
AMBER POV "Nice to meet you Daniel?" nakangiti kong bigkas kay Daniel sabay lahad ng kamay pagkatapos kaming ipakilala sa isat-isa ni Bianca. Ngayun ko lang natitigan ng malapitan itong si Daniel at katulad ni Arnold napakakisig niya din. "Nice to meet you too Amber" nakangiting sagot naman ni Daniel sa akin sabay abot sa nakalahad kong kamay. Magaan kaming nagshake hands at mabilis din na napabitaw sa isat-isa nang pareho naming narinig ang malakas na pagtikhim ni Arnold. Papansin lang? Ano kaya ang problema ng taong ito? Lahat yata gustong pakialaman eh! "Mag-ingat ka kay Daniel, palekero iyan! Magaling magpaiyak ng babae!" narinig kong sambit ni Arnold! Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang sabihin iyun! Baka mamaya mapikon si Daniel at ito pa ang dahilan ng pag-aaway nilang dalawa. Tsaka anong sabi niya? Palekero daw si Daniel? Eh ano naman ang tawag sa kanya? Lalaking gustong pagsabayin ang mag best friend? Gusto akong ikama gayung may girl friend na siya at worst