BIANCA POV Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa kapangahasan na ginawa ni Daniel sa akin ngayun! Hindi ko akalain na magawa niyang halikan ako sa labi ng walang pasabi. Pero ano ito? Bakit hindi ko siya kayang sawayin? Pwede naman akong lumayo sa kanya para matapos na ang halik na pinagsaluhan naming dalawa. Pwede ko siyang itulak at pagsasampalin dahil sa kanyang ginawa! Pero bakit nag-eenjoy ako? Bakit parang nagugustuhan ko naman ang kung anong ginagawa niya sa akin ngayun? Gosh...sobrang na-miss ko siya! Sobrang na-missed ko ang labi niya! Kung alam niya lang! Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko! Wala pa ring kupas si Daniel! Ang tamis pa rin ng labi niya! Namalayan ko na lang na tinutugon ko na ang halik niya! Namalayan ko na lang na sobrang nag-eenjoy na pala ako. Ang bawat galaw ng labi niya ay ginagaya ko na din! Tuluyan na akong nadarang at biglang nawala sa isip ko kung ano nga ba ang meron sa aming dalawa ngayun. Ngayun ko lang din lubos na napat
BIANCA POV Pagaktapos nang halikan na naganap sa aming dalawa ni Daniel mas lalo akong naglagay ng boundary sa pagitan naming dalawa! Naging casual ang pakikitungo ko sa kanya at hangat maari, iniiwasan ko na din na magkausap kami ng kami lang. Baka mamaya bigla na naman akong ipagkanulo ng sarili ko. Napaka-traydor pa naman ng puso ko! Mabilis na lumipas ang araw! Araw ng sabado at madilim pa lang gising na ako para maghanda papuntang resort. Iniimagine ko na mag-eenjoy ang mga bata sa pupuntahan namin. Parang gusto ko tuloy magpasalamat kay Arnold dahil naisip niya ang ganitong bagay. At least, magagamit namin ang week-end namin sa isang makabuluhang bagay. Makakapag-bonding kaming lahat kasama na si Amber. Yes...speaking of AMber. Nag-message siya sa akin kanina na papunta na daw siya! Mukhang excited din naman siya sa outing naming ito! "Yaya, pakidala na sa van ang mga gamit ng mga bata! Make sure na wala tayong makakalimutan na gamit nila Stephen at Scarlett ha?" nakan
AMBER POV Kung alam lang ng best friend kong si Bianca kung gaano kasakit sa akin na nakikita silang dalawa ni Arnold baka kamuhian niya ako! Imagine....inloved ako sa boyfriend niya at hindi pwede ito! Piste kasi talaga! Bakit ba hindi siya mawala sa balintatataw ko? Ang mainit na sandaling pinagsaluhan namin ay sariwa pa rin sa isipan ko! Kahit saang lugar pa ako pumupunta para mag-enjoy hindi ko talaga siya makalimutan. Dapat hindi na lang muna ako umuwi dito sa Pinas eh! Dapat hindi din ako nagyaya noon na mag-bar! Wala sanang nangyaring kababalaghan sa aming dalawa ni Arnold at hindi ko sana nararanasan ang paghihirap ng kalooban na nararamdaman ko ngayun! Tsaka ano ito! Bakit sumama pa ako sa resort na ito? Kung titingnan, sampid lang ako sa outing na ito at mas lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko! Mas lalo lang akong nasasaktan tuwing nakikita ko si Arnold at Bianca na mas lalong nagkakamabutihan! Pagdating ng kwarto, hapong-hapo kong inihiga ang pagod kong kata
AMBER POV Hindi ko maintindihan kung bakit nakapasok dito sa loob ng kwarto ko itong si Arnold dahil ang natatandaan ko kanina nailock ko naman ang pintuan? Sanay akong mag-stay sa mga hotel at sinisigurado ko na palaging naka-lock ang pintuan for safety purposes na din. "Arnold ano ba! Kung ano man ang binabalak mo pwede bang huwag mo nang ituloy?" naiinis kong bigkas sa kanya! Sa galit ko kinalmot ko gamit ang mahaba kong kuko ang braso niya kaya naman napadaing siya sa sakit kasabay noon ang pagbitaw niya sa akin. Kinuha kong tsansa iyun para makalayo sa kanya. Mabilis akong bumangon ng kama at naglakad patungo sa may pintuan at kinapa ang switch ng ilaw. Hindi naman ako nabigo dahil nang makapa ko ang switch ng ilaw kaagad ko iyung pinindot kaya bumaha ang liwanag sa buong silid. Napatingin ako sa kama at kaagad kong nakita si Arnold na prenteng nakasandal sa headboard ng kama. Hindi ko napigilang titigan siya! Nakasuot lang siya ng cotton shorts at puting sando. Kitang-
AMBER POV "I think kayo lang dalawa ni Bianca ang makakagawa ng solusyon diyan sa problema niyo! Labas na ako diyan dahil isa akong outsider sa relasyon niyong dalawa at ayaw ko nang makisawsaw pa!" malamig kong sagot kay Arnold at mabilis na naglakad patungo sa aking personal bag. Binuksan ko iyun at inilabas ang wallet ko. Kung ayaw niyang umalis sa silid ako, ako ang aalis. Kailangan ko na talagang malagyan ng laman ang kumakalam kong sikmura. "Where are you going?" narinig kong tanong niya sa akin nang napansin niyang akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto. SAglit akong natigilan at muling nilingon siya. "Kailangan kong maghanap ng makakain!" maiksing sagot ko sa kanya. Napansin kong mabilis siyang bumaba ng kama at naglakad palapit sa akin. "Dito ka lang! Padadalhan na lang kita ng makakain dito sa kwarto mo!" seryosong sagot niya na labis kong ikinagulat. Nilagpasan niya pa ako at mabilis niyang binuksan ang pintuan ng kwarto. "Hintayin mo na lang ang pa
AMBER POV "Nice to meet you Daniel?" nakangiti kong bigkas kay Daniel sabay lahad ng kamay pagkatapos kaming ipakilala sa isat-isa ni Bianca. Ngayun ko lang natitigan ng malapitan itong si Daniel at katulad ni Arnold napakakisig niya din. "Nice to meet you too Amber" nakangiting sagot naman ni Daniel sa akin sabay abot sa nakalahad kong kamay. Magaan kaming nagshake hands at mabilis din na napabitaw sa isat-isa nang pareho naming narinig ang malakas na pagtikhim ni Arnold. Papansin lang? Ano kaya ang problema ng taong ito? Lahat yata gustong pakialaman eh! "Mag-ingat ka kay Daniel, palekero iyan! Magaling magpaiyak ng babae!" narinig kong sambit ni Arnold! Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang sabihin iyun! Baka mamaya mapikon si Daniel at ito pa ang dahilan ng pag-aaway nilang dalawa. Tsaka anong sabi niya? Palekero daw si Daniel? Eh ano naman ang tawag sa kanya? Lalaking gustong pagsabayin ang mag best friend? Gusto akong ikama gayung may girl friend na siya at worst
BIANCA POV Hindi ko alam kung paano nalaman ni Daniel na nandito kami sa resort pero isa lang ang sigurado ako! Hindi maganda na nandito siya lalo na at hindi sila in good terms ni Arnold. Halos kasabay lang din namin silang dumating kanina na kasama niya si Anyana! Hindi ko alam kung sinusundan niya ba ako pero parang ganoon na nga! Wala sa sarilling napatingin ako kay Amber habang nakaupo kaming apat paikot dito sa harap ng bonfire. Halata din sa mukha ng kaibigan ko na napipilitan lang siyang makihalublelo sa amin dito sa labas. Hindi niya lang siguro maisatinig dahil sa akin. Iyun nga lang, noong tumunog ang cellphone nito tuluyan nang umiskapo. Tuluyan na akong iniwan sa harapan ng dalawang lalaking nag-iinuman at hindi ko alam kung ano ang kanilang pinaglalaban! Feeling ko gusto nilang patunayan sa isat-isa kung sino ba ang may malakas ang alcohol tolerance sa kanilang dalawa eh! Hindi din sila nag-uusap kaya ang ending sobrang boring ng buong paligid! "Dito na muna ka
AMBER POV Sa wakas nakawala din! Saviour ko talaga si Mommy! Dahil sa tawag niya nagkaroon ako ng chance para maka-iskapo! Wala talaga ako sa mood ngayun para makihalubilo sa iba. Parang mas gusto kong mag-solo na lang muna. Tumawag si Mommy para batiin ako ng advance happy birthday! Kaarawan ko bukas at mukhang si Mommy lang ang nakaalala! Kahit nga ang mga kapatid ko, hindi tumawag sa akin para batiin ako eh! Gayunpaman, walang dahilan para magtampo dahil wala na din akong balak na i-celebrate ang birthday ko! Nakaka- depressed kasi eh.! Ilang taon na lang ang bibilangain mawawala na sa kalendaryo ang edad ko! Nakatakda talaga sigurong mag-solo ako habang buhay! Kung bakit naman kasi nakapa-pihikan ko pagdating sa mga lalaki noon pa man! Ayan tuloy, si Arnold pa ang nakakuha ng iniingatan kong virginity! Hayssst! Pagkapasok ko sa loob ng aking kwarto direcho ako ng banyo! Balak kong maligo na muna bago matulog! Nasa resort nga ako pero mukhang balak kong mag-stay dito sa lo
SCARLETT POV "Nag-desisyon na siya diba? Ayaw ka na niyang makausap, bakit mo pa ipinipilit ang gusto mo?" seryosong tanong ni Draku kay Gino! "Ku-Kuya! Kahit saglit lang. Please hayaan mo muna akong makausap siya ulit! Marami pa akong gustong sabihin sa kanya!" nakikiusap na bigkas ni Gino sa Kuya niya! Isang matalim na titig ang ibinigay sa kanya ni Draku kasabay ng pag-iling! "NO! Hindi ako papayag! Sobra-sobra na ang time na ibinigay ko sa iyo para makausap siya at ayaw niya na din! Buntis si Scarlett at bawal din sa kanya ang sobrang ma-stress!" seryosong sagot ni Draku sa kapatid niya! KItang kita ko sa mukha ni Gino ang pagkadismaya at muling tumitig sa akin! "Scarlett, ikaw ang magdesisyon! Hindi ba't ako naman talaga ang mahal mo? Handa akong maghintay! Tandaan mo, handa kong itama lahat ng pagkakamali ko mapatawad mo lang ako sa lahat---" hindi na natapos pa ang sasabihn ni Gino nang biglang tumama ang kamao ni Draku sa panga nito! Impit naman akong napasigaw lal
SCARLETT POV HINDI nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat na kaagad na rumihistro sa mga mata ni Gino! Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong kausapin ngayun gayung malinaw naman noon pa na wala siyang pakialam sa akin! "Naiinitindihan ko kung bakit nakapagdesisyon ka ng ganito, Scarlett! Alam kong naguguluhan ka lang sa mga nangyari dahil feeling mo wala kang kakampi!" mahina niyang sambit! Peke naman akong natawa! Pasimple kong pinunasan ang luhang hindi ko na namalayan pa na muling pumatak mula sa aking mga mata at tinitigan si Gino! "Pinapamukha mo ba sa akin ngayun na nahihibang na ako?" Oo, wala nga akong kakampi at tanging si Draku lang ang meron ako ngayun na alam kong handa niya akong damayan kahit na ano ang mangyari!" seryoso kong bigkas sa kanya! Tiwala naman ako sa sinasabi ko ngayun dahil nararamdaman ko na tapat naman si Draku sa ginagawa niyang pag-aalaga sa akin ngayun. "No! Hindi sa ganoon! Tangap ko ang pagkakamali ko at kaya ako nandito
SCARLETT POV "KAHIT saglit lang! Please, pwede bang kahit saglit lang makausap ka?" nakikiusap na bigkas ni Gino! Wala sa sariling napatitig ako kay Draku at hindi nakaligtas sa paningin ko kung gaano siya ka-seryoso ngayung habang nakatitig kay Gino! Mukhang hindi talaga siya masaya sa pakiuisap ng half brother niya. "Okay, tungkol saan ang sasabihin mo? Sabihin mo na dahil gusto ko nang magpahinga!'' nayayamont kong bigkas! Wala sa sariing napatingin ako kay Anyana at kitang kita ko talaga sa mga mata niya ang pagkadisguto! Ilang beses ko din siyang nahunuli na pasulyap-sulyap sa tiyan ko! "NO! Hindi pwede! Hindi kayo pwedeng mag-usap!" seryosong bigkas ni Draku! Pilit naman akong ngumiti! 'Saglit lang naman daw! Pagbigyan mo na iyang kapatid mo!" pilit ang ngiting sagot ko! Sa ilang linggo na kasama ko si Draku sa bahay na ito, tuluyan na ding palagay ang loob ko sa kanya! Natuto na din akong makipag-usap sa kanya! Siguro dahil sa kaloob-kalooban ng puso ko, alam kong mabuti
SCARLETT POV Patuloy ang paglipas ng mga araw! Talagang tinutoo ni Draku ang sinabi niya sa akin na magli-leave daw siya sa opisina niya para masamahan ako! Ilang check- ups ko na din na kasama siya at hindi niya talaga ako iniiwan! Napagkakamalan na nga siya ng karamihan na asawa ko pero deadma lang siya! Mukha pa nga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya kaya hinahayaan ko na lang! Katulad na lang ngayun, kasama ko siya dito sa likurang bahagi ng sasakyan! Kakagaling lang namin sa OB Gyne ko at walang ibang ginawa si Draku kundi ang alalayan ako! Kung pwede nga lang buhatin niya na ako, ginawa niya na eh! Huwag lang daw akong mahirapan! "Gusto mo bang kumain na muna tayo?" nakangiti niyang tanong sa akin? Hawak niya ang isa kong kamay ngayun at pinisil-pisil pa iyun! Nasanay na ako sa ganito niyang gawain kaya naman parang normal na sa akin ang lahat Palagi siyang nakaalalay sa akin kahit saan kami magpunta kaya kahit papaano, nasanay na ako sa mga hawak niya! "Gusto ko nang
SCARLETT POV Tama lang ang naging desisyon ko na bigyan ng chance si Draku na magpaka-ama sa mga anak namin! Hindi ko pa man nasisilang ang mga babies, ramdam ko na magiging mabuti siyang ama sa mga bata! Kahit papaano, maswerte pa rin pala ako! Tinalikuran na yata ako ng lahat pero heto siya! Ang taong akala ko walang ibang gustong gawin kundi ang durugin ako pero kabaliktaran pala ang mangyayari! Siya pala ang hindi ko inaasahan na masasandalan sa mga panahong kailangang kailangan ko na ng karamay! Na kailangan ko ng matatag na masasandalan lalo na at kakaiba yata ang epekto ng pagbubuntis ko! Kahit papaano, nahimasmasan na ako! Nandito na ulit ako sa silid ko kasama si Draku na hindi ko kayang tumingin ng direcho sa kanya! Nahihiya kasi talaga ako sa mga nangyari! Feeling ko sobrang drama ko kanina na hangan ngayun, namamaga ang mga mata ko sa matinding pag-iyak! "Ayos ka na ba dito? May gusto ka bang kainin?" narinig kong muling sambit niya! Kanina pa siya! Sa tuwing nags
SCARLETT POV "GOD! hIndi ko akalain na kaya ko pa palang bumuo ng triplets!" narinig kong sambit ni Draku habang nasa tiyan ko ang dalawa niyang palad! Patuloy siya sa paghaplos sa tiyan ko at kitang kita ko ang hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang mukha! "Ni sa hinagap, hindi ko akalain na magiging ama ulit ako! Ito na yata ang pinaka the best na regalo na natangap ko sa tanang buhay ko! Higit pa sila sa kung ano mang kayamanan meron ako dito sa mundo! Pangako mga anak..aalagaan at poprotektahan ko kayo sa abot ng aking makakaya! Nandito lang kami ng Mommy niyo na excited na kayong masilayan!" muli niyang bigkas! HIndi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sa katagang lumabas sa bibig ngayun ni Draku, kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata! Nakaka-touch kaya! Hindi ko din kasi akalain na makikita ko siya sa ganitong klaseng emotion! "OH God, naramdaman mo ba iyun? Gumalaw sila! Biglang gumalaw ang mga babies natin, Scarlett!" tuwang tuwa na bigkas niya! H
SCARLETT POV "HI! Ikaw pala!" wala sa sariling bigkas ko! Pasimple kong siyang tinitigan at hindi ko mapigilan ang humanga nang mapasin ko kung gaano siya ka-presentableng tingnan ngayun! "Ano ang ginagawa mo dito? Baka mapagod ka! Parang ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayun eh! Hindi ba sila mabigat?" seryoso niyang tanong sa akin sabay titig sa umbok ng aking tiyan! Wala sa sariling napahaplos ako sa aking tiyan sabay ngiti! "Medyo mabigat na sila pero kaya ko pa naman! Teka lang, saan ka galing?" nagtataka kong tanong sa kanya! "Sa opisina! May maaga akong meeting kay Mr. Sanchez at dahil wala naman akong ibang gagawin after the meeting, naisipan kong umuwi na muna!" nakangiti niyang bigkas! Wala sa sariling napatango ako bago ko muling itinoon ang buo kong attention sa mga bulaklak na nasa harapan ko! "Mahilig ka pala sa mga bulaklak? So, kumusta? Natangap mo ba ang mga flowers na padala ko kanina? Mukhang mas type mo yata ang mga flowers dito sa garden kaysa s
SCARLETT POV "Yeah, I understand! Hindi pwede dahil wala tayong pagtingin sa isa't isa! Pero pwede naman siguro nating subukan diba? Para sa mga bata!" seryoso niyang bigkas! Wala sa sariling kaagad naman akong napailng! "Subukan? Yes..pwede subukan pero paano kung hindi maging successful? Paano ang mga anak natin? Draku, for me mas mabuti na din siguro ang ganito! Na magkaundo tayo pagdating sa mga bata pero no more romantic moments sa pagitan nating dalawa!" seryoso kong sagot sa kanya! Hindi talaga pwede dahil ayaw kong magdesisyon ng mga bagay na alam kong ako lang din ang magiging talo sa bandang huli! Pagkatapos kong kumain, muli akong inihatid ni Draku sa aking silid! Kapansin-pansin ang kanyang pananahimik pero pilit kong binabaliwala iyun! Naging maayos ang unang gabi ko sa bahay ni Draku! Naging panatag naman ang kalooban ko at himalang nakatulog din naman ako ng mahimbing! Kinabukasan, nagising ako sa mahinang katok sa pintuan ng aking siild at nang sipatin ko ang
SCARLETT POV KANINA pa ako paikot-ikot dito sa loob ng silid! Hindi ko malaman ang gagawi ko dahil kanina ko pa gustong lumabas para sana makalanghap ng sariwang hangin kaya lang hindi naman ako binalikan ni Draku! Dagdagan pa na nakakaramdam na ko ng pagkalam ng aking sikmura! Kanina ko pa hinihintay na balikan ako dito ni Draku pero hindi nangyari! Mahigit isang oras na ako dito sa loob ng silid at halos alas nwebe na din ng gabi! Late na talaga at kailangan ko nang makakain! "Hayssst, nasaan na kaya siya? Hindi ko na talaga kaya!" mahina kong sambit! Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba sa isiping baka nakalimutan ni Draku na kasama niya ako dito sa bahay! Akmang maglalakad na sana ako patungo sa pintuan ng kwarto nang makarinig ako ng mahinang katok! Kung hindi lang malaki ang tiyan ko tumakbo na sana ako patungo sa pintuan! TAlagang naghahanap na pagkain ang tiyan ko! "Draku?" kaagad kong bigkas pagkabukas ko sa pintuan ng silid! Kaagad na tumampad ang nakangiti niya